Chapter 36
Filiergo Villa
ELLISSE ZERINA
Matapos akong tawagin ni Tanya kanina sa garden para sa hapunan bigla na lang akong nakaramdam ng pagod kaya hindi na ako nakakain sa halip ay itinulog ko na lang. Kagigising ko lang at hindi ako makapaniwala na 9:15 P.M. na pala. Good thing, I got a good sleep at least.
Ngayon ko naramdaman ang gutom kaya naman bumaba ako para kumain, pero bago ko pa man marating ang hagdanan pababa napatigil ako sa tapat ng isang kwarto nang marinig ko ang malakas na tawanan mula sa loob.
"Truth or Dare?" Boses ni Daniella ang narinig ko. Mukhang nag-eenjoy sila sa paglalaro. Plano ko na sanang umalis nang marinig ko ang boses ni Novaleigh.
"Mas masaya sana kung nandito si Royal Knightress." Malakas ang boses niya kaya rinig mula rito sa labas, pero biglang tumahimik matapos niyang magsalita.
"Hayaan muna natin siyang makapag-pahinga." Rinig kong sagot sa kaniya ni Tanya.
"Ell?" Napalingon ako nang marinig ko ang pagtawag ni Dhale mula sa likod ko. "Gising ka na pala. What are you doing---"
"Game na! Game na! Dare 'yong akin! Dali! Dare me to kiss Jinno, huh!" Sabay kaming napatingin ni Dhale sa naka-awang ng pinto dahil sa lakas ng boses ni Novaleigh. Ni hindi man lang siya nauubusan ng energy. And what's with her too possessive dare?
"She's always like that." Pailing-iling na komento ni Dhale nang makalapit siya sa akin. "Come on, let's join them." Saad niya. Magsasalita pa lang sana ako nang bigla niyang hinila ang kamay ko papasok ng kwarto.
Napatigil silang lahat sa paglalaro nang makapasok kami. At dahil do'n bigla na lang akong nailang sa mga tingin nila. Novaleigh was the first one who approached me. Hinila niya ang kamay ko palapit sa kama kung saan sila nakapaikot kanina.
"Sa ayaw at sa gusto mo sasali ka." Matigas na saad niya tiyaka ipinaikot ang bote. Napatingin na lang silang lahat sa akin nang biglang kumalan ang tiyan ko. What a great timing.
"Ako ng kukuha ng food!" Masiglang prisinta ni Daniella na nag-recite pa talaga tiyaka tumayo at bumaba ng kama.
"Pakikuha rin ako ng ice cream, baby huh, samahan mo na rin ng waffle. Love youuuuu!" Malawak na ngiting pahabol naman ni Novaleigh na nag-flying kiss pa. Sa sobrang energetic niya ngayon, hindi mo mahahalata na makakausap mo siya ng seryoso at heart-to-heart talk pa. Just like the conversation we had earlier.
"Alam kong maganda ako, Knightress pero---" Naputol ang sasabihin niya nang bigla na lang takpan ni Friza ang bibig nito gamit ang palad niya.
"Manahimik ka na." Napanguso na lang siya nang tanggalin ni Friza ang pagkakatakip sa bibig niya. Aso't pusa talaga ang dalawang 'to.
DANIELLA KATE AVILAR
Syempre, I first prepared ang favorite food ni Ell. Pero dahil hindi pa siya naghahapunan, inuna ko ng inihanda ang dinner niya na seafood, meat, sinamahan ko na rin ng vegetable salad, at syempre, hindi mawawala diyang ang italian zucchini soup. Then sinunod ko na ang dessert.
Malawak ang ngiti kong binuksan ang ref para kumuha ng avocado smoothie along with Leigh's strawberry ice cream. After ko mailabas lahat, isasara ko na sana ang ref nang mahagip ng mga mata ko ang container ng cookies and cream na ice cream. I didn't know na aside sa lollipop mahilig din pala si Rix mag-stock ng ibang sweet. Chineck ko muna na parang spy ang likod at magkabilang gilid ko to know kung may naka-masid ba sa akin bago ko kinuha ng marahan ang lalagyan.
"Oh my....Oh my...." Kinikilig kong binuksan 'yon pero dahan-dahan lang dahil baka makagawa ng ingay. Kumuha ako ng spoon at kaagad na nilantakan ang sweet! Mmmmm! This is heaven!
"Later na ako babalik, for sure, nage-enjoy pa sila." Bulong ko sa sarili ko habang tuwang-tuwang isinusubo ang bawat kuha ko sa ice cream.
"Sarap?"
"Mmm~ Gusto----" Lumingon ako dala ang kutsarang may lamang ice cream pero natigilan ako nang makita si Jinno na nakasandal sa countertop at feeling ko kanina pa niya ako pinapanood. Napa-pout tuloy ako. Mang-aasar na naman!
"How many times do I have to tell you to stop pouting when I'm in front of you?" Tanong niya at nagsimula na ngang humakbang palapit sa akin kaya napa-atras ako hanggang sa mapa-sandal ang likod ko sa countertop na nasa tabi ng ref. Eh paano naman kasi hindi na siya tumigil sa pag-hakbang palapit!
"B-bakit na naman?" Nauutal na tanong ko dahil kinakabahan talaga ako kapag ganito siya sa akin. Napalunok ako dahil sobrang lapit ng mukha niya tapos isinandal pa niya 'yong kanang palad niya sa countertop sa kaliwa ko.
"Akin na"
"Huh?" Walang malay na tanong ko sabay tingin sa isang palad niyang nakalahad. Nagmamatigas akong umiling tiyaka kinuha mula sa countertop ang ice cream na nasa tabi ko lang at mahigpit na niyakap 'yon kahit na malamig. "Ayoko"
Hindi ko alam kung bakit siya natatawa eh wala naman akong nakakatawang ginagawa at mas lalong hindi ako nag-joke. "'Yong kutsara, akin na." Hindi na niya ako hinintay na makapag-salita dahil kinuha na niya ang kutsarang kahit na anong higpit kong hawakan ay nabawi parin niya. Feeling ko tuloy gusto kong itapon sa mukha niya 'yong ice cream, pero bago ko pa magawa ay nakuha na rin niya 'yon.
"Ahh"
Nakakunot lang akong tinitingnan siya nang itapat niya sa mukha ko ang kutsarang may lamang ice cream.
"Ibuka mo 'yang bibig mo sabi ko."
Mas lalo pa akong napa-kunot. Bakit ba niya ginagawa 'to? Hindi ba niya alam na nakakainis na siya?
"One.."
Mabilis kong binuksan ang bibig ko. He even smirked pa nga bago isinubo sa akin ang kutsara. Sobrang nalalasahan ko ang tamis pero ang atensyon ko ay nakatingin sa mga mata niya. Sa tuwing magsisimula na siyang mag-bilang, hindi ko alam pero bigla nalang akong kinakabahan.
The last time kasi, noong pinagpa-praktisan ko 'yong sniping rifle ni Bryan, eh kasi nga I want to learn how to use it kasi ang cool kaya, pero this guy, ang sabi niya h'wag ko na raw subukan, tiyaka isa pa sa CIT naman ako kabilang hindi naman sa gang, tapos no'ng hindi ko siya pinakinggan at hinawakan lang 'yong baril, binilangan na niya ako hanggang tatlo, pero dahil ayoko talagang bitawan, hinila niya ako palabas ng kwarto tapos....
Tinakpan ko ang bibig ko. I don't want to remember that scene again!
"Ano na namang iniisip mo huh?" Natatawang tanong niya. Umiling lang ako at akmang aalis na ako sa pagkaka-sandal ko nang mas lalo pa niyang ilapit ang mukha niya sa akin kaya hindi ako makaalis sa pwesto ko. Kaya napalunok na naman ako.
"K-kailangan ko ng b-bumalik." Nauutal na sabi ko. Bahagya naman siyang lumayo sa akin...pero malapit pa rin kaya!
"Sabi ng h'wag magpa-pout...Nganga" Sinunod ko kaagad ang sinabi niya tiyaka niya ako ulit sinubuan.
"Masarap?" Tanong niya na kaagad kong tinanguan.
"Can I taste?" Hindi na ako nakasagot. Basta ang naramdaman ko na lang ay ang labi niyang nakalapat sa labi ko. And it's moving again! Until I felt his tounge trying to enter my mouth. Napapikit ako ng mariin at parang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko na kaagad tumugon sa halik niya. Hindi ko na namamalayang sumasabay na ako sa galaw ng labi niya. Eto na naman eh!!! Bakit ganito? Gusto ko naman 'yong ginagawa niya pero naiinis ako?!
"Masarap nga" He whispered nang maghiwalay na ang mga labi namin. Hanggang ngayon ay nakatingin parin kami sa isa't isa. Bakit feeling ko nabitin ako?
"Utang na loob, Daniella Kate"
"Huh?" Wala sa huwisyo kong tanong. Napakunot ako dahil parang pilit at madiin niyang kinakagat ang ibabang labi niya. Ano bang problema nito?
"Bakit ba?"
"Gusto mo pa ng ice cream?" Tanong niya. Tiningnan ko ang container na hawak niya. Kukunin ko na sana 'yon nang ikayod niya ulit ang spoon tiyaka itinapat sa bibig ko. Ako namang walang nagawa ay ngumanga nalang para isubo. Tapos sinundan pa niya. Nagmukha tuloy akong batang sinusubuan.
"P-pwedeng magtanong?" Tanong ko matapos ng pangatlong subo.
"Nagtatanong ka na." Pamimilosopo niya tiyaka na naman ako sinubuan pero tiningnan ko siya ng masama at inis na isinubo ang kutsarang may lamang ice cream.
"Cute talaga" Natatawa niyang komento. "Ano ba 'yong tanong mo?" Tanong niya.
Hindi ako kaagad nakasagot dahil hindi ko rin alam kung dapat ba talaga akong magtanong. Nahihiya kasi talaga ako and I'm nervous! Napayuko nalang ako dahil umatras na talaga 'yong dila ko. Naramdaman ko na ibinaba niya sa tabi ko ang container ng ice cream pagkatapos ay naramdaman ko ang kamay niyang ini-angat ang chin ko para magpantay ang mga tingin namin.
"Ayoko ng nabibitin." Sabi niya at bumaba ang tingin niya sa labi ko kaya mabilis kong pinagdikit 'yon para isara ng mahigpit. Baka mamaya.... Napakunot ako dahil bigla nalang siyang mahinang natawa.
"Magtatanong ka o bibilang----"
"Pinagti-tripan mo ba ako, Jinno?" Mabilis na tanong ko. Diretso ang tingin ko sa mga mata niya. Hindi ko alam kung may mali sa tanong ko dahil bigla nalang siyang sumeryoso tapos maya't maya bigla nalang ngumisi. "Bakit ba ang slow mo, Daniella Kate?"
Bakit ba lagi ako nitong sinasabihan ng slow eh hindi ko naman talaga naiiintindihan kung bakit niya ginagawa sa akin 'tong ganitong klaseng panti-trip!
"I'm not fond of words. Ilang beses pa kaya tayong maghahalikan bago mo makuha ang gusto kong sabihin?" Tanong niya at hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob na itulak ang dibdib niya palayo.
"Nakaka-bwiset ka na talaga!" Sigaw ko sabay hampas sa kaniya.
"Sandali lang, bakit----"
"Bwiset ka!" Pinaghahampas ko siya dahil sa inis ko. So talagang pinagti-tripan lang niya ako?
"Bakit ba nananakit ka?" Tanong niya pero tumatawa naman, until nasalo din niya ang mga kamay ko. Hinila niya ako palapit sa kaniya kaya naka-tingala akong nakatingin sa kaniya at siya ay medyo nakayukong nakatingin sa akin. Bakit feeling ko sa tuwing ganito siya tumingin sa mga mata ko, may kakaiba akong nararamdaman sa tiyan ko?
"Bawal ka sa iba, naiintindihan mo?" Tanong niya pero napakunot lang ako. Napailing pa siya at napangisi. "Ang slow talaga." Binitawan niya ako tiyaka nag-pamulsa.
"Ano bang sinasabi mo?" Hindi ko maintindihang tanong. Bumuntong-hininga siya. Napakamot pa nga sa batok at parang problemado talaga.
"May problema ba, Jinno?" Tanong ko na siya namang ikinatigil niya. Huh? May nasabi ba akong mali? Bibilang na naman ba siya?
Hinintay ko ang sasabihin niya pero nakatingin lang siya sa akin. "Huy! Ayos ka lang?" Tanong ko with sundot pa sa kamay niya.
"Pwede bang h'wag kang lumandi sa iba?" Seryosong tanong niya na nagpakunot sa akin.
"Hindi naman ako malandin ah!"
"No. That's not----"
"Bakit mo ako sinasabihan ng malandi eh hindi naman talaga----" Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay kaagad na niyang tinakpan ang bibig ko.
"Ang sinasabi ko. H'wag kang maybo-boyfriend hangga't hindi ko sinasabi." Masungit na sagot niya tiyaka tinanggal ang palad sa bibig ko at tumalikod tiyaka naglakad palayo.
Napa-pout nalang ako. Why is he acting that way?
Dhale once told me na halos lahat ng nasa gang at kaibigan ni Creid ay babaero, at mahilig daw silang man-trip ng mga girls, so for sure isa talaga ako sa mga napagti-tripan ni Jinno.
Sa totoo lang naiinis ako, pero....pero bakit ganito 'yong tibok ng puso ko?
ELLISSE ZERINA
"So truth, or dare, Ell?" Napatingin ako kay Tanya na tipid nakangiti. Napatingin ako sa bote na sa akin pala nakaturo. Ibang klaseng timing nga naman, sa akin pa talaga. Tss.
"Da...truth." Pag-iba ko sa sagot ko. Nakita ko ang ngisi sa mga labi ni Friza. Alam ko na ang takbo ng isip niya kaya pinalitan ko ang sagot ko. Mahirap na dahil baka mapasubo na naman ako sa panti-trip nila.
We used to play this too, and whenever I chose dare, laging puro alanganin ang mga ipinapagawa nila sa akin.
"So, here's the question..." Kampante ako na kay Novaleigh manggagaling ang tanong dahil panigurado na wala rin namang mabuting papupuntahan ang tanong niya. Kung hindi tungkol sa SPG ang---
"Is there something that would cause you to forgive?" Walang kahit na anong ingay ang maririnig sa apat na sulok ng kwarto matapos magtanong ni Novaleigh. Hindi ko inaasahan ang itatanong niya kaya naman hindi ako kaagad nakaimik. Here we go again with that d*mn forgiveness.
"Parang tanga talaga magtanong 'to. Palitan mo nga." Reklamo ni Friza para basagin ang katahimikang namuo sa kwarto.
Is there something that would cause me to forgive? Para bang bumalik lahat ng sinabi sa akin ni Novaleigh kanina. Naka-timing 'yong sinabi nilang dalawa ni Jinno para malaman ko ang totoo at ma-guilty ako sa mga sinabi ko kila Friza noon.
"Here's the foooood!!!" Bumukas ang pinto at mula roon pumasok si Daniella na may hawak na tray. Kaagad naman siyang sinalubong ni Novaleigh para kunin ang ice cream.
"Hindi mo kailangang sagutin, Ell." Napatingin ako kay Tanya na nasa tabi ko nang bigla siyang magsalita. She smiled a little, but I saw something from her eyes. A trace of disappointment.
"Sino na? Tapos na ba si Leigh?" Excited na tanong ni Daniella nang makaupo siya matapos ilapag ang tray sa side table.
"Ang bagal kasi ng babaeng 'to. Next na nga." Reklamo ni Friza tiyaka tiningnan ng masama si Leigh na halatang enjoy na enjoy sa kinakain niyang ice cream.
Tiningnan ko lang si Friza na ipinaikot na ang bote matapos ay kay Daniella na mukhang excited at kay Tanya na nag-aabang din sa pag-tigil ng bote. Para bang may kung ano akong naramdaman habang pinagmamasdan sila. They all look fine with this setup, but I know deep inside they're not.
Alam nila kung gaano ako nasaktan dahil sa sikreto na itinago nila sa akin. It's just too hard for me to accept everything because I better knew that none of them had no way would ever be part of mafia. Sobrang hirap tanggapin kasi alam ko na hindi nila magagawa kahit kailan na humawak ng baril o patalim para ipampatay ng kapwa nila tao.
Sa kagustuhan kong mamuhay ng normal at bumalik sa dati ang lahat, mas lalong sumama ang loob ko sa kanila. I've put all the blame on them.
But I'm no longer denying the fact that somehow, they still deserve to speak up about their point of view, and I deserve their explanation as well. Rix have also told me na hindi ko makikita ng maayos ang isang bagay kung pipiliin ko lang ang mga gusto kong makita. Hindi ko maiintindihan ang isang bagay kung ako mismo ayokong intindihin 'to. Well, I've seen enough about this world, and I think, it is not as ruthless and dark as how I used to see it.
"Ellsse? Ayos ka lang?" Naramdaman ko ang paghawak ni Friza sa kamay ko. Hindi ko namalayan ang biglang pag-tulo ng luha mula sa mga mata ko.
"May masakit ba sa 'yo, Ell? Bakit ka umiiyak?" Alalang tanong ni Tanya. Pinunas ko ang luha ko but d*mn! I can't no longer hold it back dahil patuloy na ito sa pag-tulo.
"I'm sorry." Ang salitang tanging nasabi ko kasabay ng paghikbi ko. Ang bigat pala sa dibdib. Ngayon ko naramdaman kung gaano kabigat ang dinadala kong sama ng loob.
"Ell." Wala akong ibang masabi kung hindi sorry na sinasabayan ng mabigat kong pag-hikbi. Naramdaman ko na lang ang pag-yakap ni Tanya sa akin at pag-hagod niya sa likod ko.
"I'm so sorry for what I did. For all the harsh words I've said. H-hindi ko sinasadyang ipagtabuyan k-kayo. I-im really s-sorry." Paghingi ko ng tawad tiyaka paulit-ulit na pinupunas ang luha ko na patuloy sa pagtulo. D*mn tears!
"Ellisse, you don't have to apologize. Kung mayro'n mang kailangang humingi ng tawad dito, kami 'yon. Sorry kasi nagsinungaling kami. Pinagsisisihan namin na itinago namin sa 'yo ang tungkol sa katayuan namin bilang miyembro ng Serpent." Saad ni Tanya nang humarap siya sa akin para punasan ang luha ko. I miss hugging this woman.
"Naiintindihan ka namin, Ellisse. Natural lang na magalit ka dahil sa ginawa namin, kaya h'wag na h'wag kang hihingi ng tawad sa amin dahil wala kang kasalanan. Hindi kailanman kasalanan na makaramdam ka ng sama ng loob sa amin." Sincere na patuloy niya habang hawak ang mag-kabila kong kamay.
Tanya, the emphatetic person of the group. She didn't change at all. Mas lalo lang akong naiyak at wala akong masabi. Mahigpit ko siyang niyakap tiyaka hinayaan ang sarili kong ilabas lahat ng luha ko.
"Napakaiyakin parin talaga, tss." Kumalas ako sa pagkaka-yakap kay Tanya tiyaka tumingin kay Friza na pailing-iling dala ang malawak niyang ngiti. She can't hide the fact na pati siya ay maluha-luha dahil sa ma-dramang eksena.
"I'm sorry, Friz." Bigkas ko. Umiling siya tiyaka ako nilapitan at niyakap ng mahigpit.
"Tigas talaga ng ulo mo, sabi ng h'wag hihingi ng tawad. Ibabalik ko sa 'yo ang sorry mo." Saad niya dahilan nang mahinang natawa sina Tanya.
"Ellisseeeeee~" Mangiyak-ngiyak na tugon ni Daniella tiyaka rin ako nilapitan at mahigpit na niyakap.
"Thank you for coming back to us, Ellisse." Saad ni Dhale na nag-punas pa ng luha bago lumapit para yakapin ako.
"Thank my kadaldalan, bitches." Napatingin kami kay Novaleigh na nag-flip pa ng hair tiyaka humalukipkip. Natawa na lang kami dahil sa reaksiyon niya. Well, she's right. I should thank her for waking me up to forgive.
"At dahil diyan, ako na ngayon ang magiging kanang-kamay ng Royal Knightress." Saad niya tiyaka ako hinila sa tabi niya.
"Walang gano'n, Novaleigh. Manahimik ka." Pag-kontra ni Friza tiyaka hinila ang isa kong kamay palapit sa kaniya. Nagmukha akong laruang pinag-aagawan ng magkapatid. I can't believe these two.
"Whether you like it or not, sa akin mapupunta ang pabor ng Royal Knightress." Pag-kontra ulit ni Novaleigh tiyaka niya ulit hinila ang kamay ko.
"H'wag ni'yo ng pag-agawan kapag taken na okay?" Pag-pigil sa kanila ni Tanya tiyaka ako hinila palapit sa kaniya.
"Da who? / Sino?" Curios at sabay-sabay nilang tanong.
"Si Commander." Lahat kami ay napatingin kay Rix na bigla na lang sumulpot papasok ng kwarto. Hawak niya ang lollipop na kasusubo lang niya matapos magsalita. What the hell is he talking about?
"May balita galing sa headquarter." Sunod na dumating si Jinno na seryoso ang mukha. Napasulyap pa siya sa gawi ni Daniella. I think there's really something going on between them.
"Teka, ano 'yong amoy sunog na 'yon?" Kunot-noong tanong ni Friza na umagaw rin ng atensyon namin. She's right, may amoy nasusunog.
"Nagsusunog ng basura sina Axcel." Kalmadong sagot ni Rix.
"Trash?" Pati si Dhale ay napakunot-noo na mukhang takang-taka sa isinagot ni Rix.
"Sinusunog lang nila Nick 'yong totoong dark list, h'wag kayong mag---"
"What?!" Hindi ko makapaniwalang tanong sa sinabi ni Jinno at talagang napatayo pa ako sa gulat.
"Wala kang dapat ikabahala, Ellisse, dahil si Commander mismo ang nag-utos sa amin na sunugin ang listahan bago siya pinaalis ng Royal Queen sa posisyon." Pahayag ni Rix na siyang ikinatahimik ko.
Ano na naman ang pumasok sa isip niya at bakit niya ipinasunog ang tunay na listahan? Matapos niya akong ginawang pain? Seriously? Hindi ko na talaga mawari kung anong klaseng utak mayroon ang lalaking 'yon.
Napatingin kaming lahat kay Jinno nang biglang tumunog ang phone niya. Sinagot niya ang tawag at lahat kami ay nag-aabang sa sasabihin niya pero wala siyang sinabi na kahit na ano hanggang sa kaagad din niyang ibinaba ang tawag.
"Confirmed." Kunot-noo akong nakatingin sa kaniya na seryoso ang mukha.
"Anong confirmed?" Curios na tanong ni Friza na mababakas ang inis sa boses niya.
"Bukas ang dating niya." Tipid na sagot ni Rix dahilan nang bigla na lang bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Para bang pinaghalong excitement at takot ang nararamdaman ko. D*mn this heart. Is this another sign?
"Good to---" Naputol ang sasabihin ni Novaleigh nang biglang may narinig kaming magkakasunod na putok ng baril galing sa labas.
"Mukhang hindi parin natatauhan ang mga hinayupak." Walang ganang saad ni Jinno na hinugot ang baril sa likod niya tiyaka lumabas ng kwarto at sinundan naman siya ni Rix.
"What the hell is going on?" Alalang tanong ko. Hanggang dito ba naman sa villa ni Rix nagkalat ang mga kalaban?
"Let them deal with it, Ell. For sure they're after the list, mga walang kwentang member ng Korbin gang na paniguradong ipinadala ng boss nila o baka boss mismo ng Aris since magka-kampi naman ang dalawang 'yon. Mabuti na lang talaga ipinasunog na ni Commander ang listahan." Sagot ni Novaleigh tiyaka naupo sa kama at prenteng humalukipkip.
"At sa katunayan, hindi lang Korbin at Aris ang mga g*gong mapanghamon ng giyera. Madami talagang gang ang pakalat-kalat at ilan sa kanila ang nagtatangkang humamon sa Serpent lalo na kapag nasa labas ka na ng headquarter." Pahayag ni Friza matapos sumilip sa bintana.
"But anyway, it's good to know that Commander is coming back. Canis seems to have reduced his punishment." Komento ni Dhale. Kahit papaano kampante ang loob ko na malaman ang balita tungkol sa kaniya.
"I think, hindi talaga siya babalik bilang Serpent Commander." Saad ni Tanya dahilan nang mapatingin ako sa kaniya na malalim nag-iisip.
"What do you mean?" Tanong ko. Maliwanag ang sinabi ni Rix na babalik si Renzo bukas. May mali ba sa pagkakaintindi namin?
"Hindi rin ako sigurado. Hindi lang kasi maganda ang pakiramdam ko sa sinabi ni Rix."
AXCEL NAUGSH ACOZTA
"Sunugin na lang kaya natin siya kasama ng listahan?" Suhestiyon ni Nick na nilalaro ang stick sa apoy habang pinagmamasdan ang lalaking nasa harapan namin. Ibang klase talaga ang takbo ng utak ng lalaking 'to, puro alanganin.
"Gusto mong ikaw mismo ang sunugin ni Commander?" Kontra ko sa sinabi niya tiyaka ikinasa ang baril na hawak ko.
"Bakit buhay pa 'yan?" Dumating si Jinno na kunot ang noong nakatingin sa lalaking nasa harapan namin kasama ni Rix na--- isa pa ang g-gong 'to. Mukhang inosenteng bata na sabik sa pagsubo ng lollipop.
"Pakawalan ni'yo ako rito!" Pagpupumiglas ng lalaki na umagaw ng atensyon ko. Ang alam ko gwapo ang mga gangster, pero bakit mukhang paliyado 'yong mukha niya?
"Sino sa tingin mo ang kaharap mo?" Walang ganang tanong sa kaniya ni Jinno.
"Pakawalan ni'yo ako rito kung ayaw ninyong makarating 'to kay Commander!!" Dahil nakaka-gago 'yong sinabi niya biglang natawa si Nick, pati si Jinno ay napangisi.
"Alam mo ba kung anong ka-gaguhan ang sinasabi mo?" Nakangisi kong tanong sa kaniya habang nilalaro sa daliri ko ang baril. Inaaliw kami masiyado ng g*gong 'to kanina pa.
"Makikita ni'yo ang hinahanap ni'yo oras na nakarating 'to kay Commander." Walang ganang napabuntong hininga si Jinno tiyaka niya sinuntok sa tiyan ang lalaki dahilan nang halos hindi na siya makahinga.
"Kalma lang, Jinno tatlo pa kami rito." Paalala ko sa kaniya nang muli niyang sinuntok sa mukha ang lalaki na nag-padugo sa bibig niya. Hindi pa siya galit sa lagay na 'yan, kumbaga warm up pa lang.
"Tama na 'yan." Napasulyap ako kay Rix na inihagis ang lollipop sa fire pit drum na nasa harapan namin tiyaka niya nilapitan 'yong lalaki. Himala yata't nangealam ang isang 'to. Hindi naman miyembro ng gang. "Pakakawalan ka namin kapag sinagot mo ng maayos ang tanong ko." Napataas ang kilay ko at napatingin kay Nick na nagtataka rin sa biglaang pagsawsaw ni Rix.
"Sino ang nag-utos sa 'yo na manmanan kami?" Ibang klase rin talaga si Rix kapag nawawala sa mukha niya 'yong ka-inosentehan niya.
"Tingin mo ba sasabihin ko? Huh?!" Napailing na lang ako sa naging reaksiyon ng hinayupak na lalaki na mukhang gusto na talagang mamatay.
"Isang tanong. Isang sagot." Parang hindi si Rix 'yong nasa harapan namin ngayon, lalo na nang bigla niyang sakalin 'yong lalaki. Hindi sila nagkakalayo ng hitsura ni Creid sa tuwing galit.
"Mukhang makikita ko na kung paano aktong pumatay si Rix, Cel." Bulong ni Nick sa tabi ko na namamangha rin sa ikinikilos ni Rix. Hindi malayong gano'n.
"Wala kayong maririnig na kahit na ano! Hintayin ni'yo na lang ang---" Napangiwi ako nang bigla na lang tuhurin ni Rix 'yong ari ng lalaki dahilan nang mapadaing siya sa sobrang sakit. T*ng inang Rix, ang haras. Mambabaog pa talaga.
"Ayusin mo ang sagot mo kung ayaw mong madurog 'yang---"
"S-si, Commander! Si C-commander ang nag-utos sa akin na manmanan kayo." Ulit niya habang namimilipit sa sakit. Ang kulit ng lahi ng isang 'to. Mababaog na nga lang, magsisinungaling pa.
"Tingin mo ba maloloko mo kami? Sa hitsura mo pa lang hindi ka na pasado sa kalidad at kakayahan ng mga nagiging utusan ng Serpent Commander." Diretsa ko sa kaniya. Para lang kaming batang nakikipaglaro sa kaniya kung tutuusin.
"Mukhang ibang Commander yata ang tinutukoy mo." Nakangisi at pailing-iling na komento ni Nick.
"S-si, Mr. H-hernandez...S-siya ang nag-utos sa a-akin." Nagka-tinginan kami ni Nick sa sagot niya, at pati si Jinno napatingin sa akin na mukhang nagtataka rin. Sinong Hernandez ang tinutukoy ng hinayupak na 'to?
Hindi ko kaagad nakuha ang ibig niyang sabihin, pero isang pamilyar na tao ang bigla ko na lang naalala. Napatingin ako kay Rix na biglang kinuha ang baril mula sa kamay ko tiyaka niya walang alinlangang ipinutok 'yon sa bibig ng lalaki at tumalsik sa mukha niya ang dugo.
Hindi talaga ako pala-mura, pero p*tang ina...Tao pa ba si Rix?
"Rix anong---" Hindi naituloy ni Jinno ang sasabihin niya nang ihagis ni Rix ang baril sa fire pit drum tiyaka malamig na tiningnan ang lalaking abot na ang pag-hinga dahil sa pumutok niyang bibig.
"Sabihin mo sa kaniya na malugod siyang tinatanggap ng Serpent Society." Wika niya bago kami iniwan. Inaasahan ko ng mangyayari 'to, pero ang hindi ko inasahan ay mismong si Rix ang papatay sa kaniya. Napaisip tuloy ako kung bakit mas pinili niyang maging technical head ng CIT sa halip na maging miyembro ng Serpent gang. Kung susumain, ang laki ng potensiyal niya.
"Iligpit ni'yo na 'yan." Utos ni Jinno tiyaka sunod na umalis.
"Ibang klase talaga ang ka-inosentehan ni Rix. Nakakapangilabot." Komento ni Nick. Nagulat din ako sa ginawa niya, pero hindi na ako magtataka kung bakit niya 'yon ginawa.
Ibang usapan na kapag Hernandez ang sumangkot...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top