Chapter 35
Filiergo Villa
FRIZA GONZALES
"So we'll piss off the neighbooors! In the place that feels the tears! The place you lose your fears! Yeah!"
"Yeah, reckless behavior! A place that is so pure, so dirty and raw~ Be in the bed all day, bed all day, bed all day. F*cking in, fighting on. It's our paradise and it's our---"
"You betrayed meeeee~ and I know that---"
"Ano ba, Nick!! Panira ka naman, kitang kumakanta pa 'ko eh!"
"Kanta ba tawag sa ginagawa mo, Leigh?"
"Woah!! HAHAHAHAHAHAHA!!! Namemersonal si Rix oh HAHAHAHAHAHAHAHA!!"
"Mga f*ckers talaga kayo! Tss!"
"T*ng ina naman, Novaleigh!" Mura ko sa kaniya nang lumapit siya sa akin tiyaka inagaw ang beer in can na aktong iinomin ko pa lang sana.
"Nakakainis talaga ang tatlong 'yon kahit kailan!" Inis na reklamo niya matapos lagukin ang beer. Tss!
"Gaga mas nakakainis ka. Palitan mo 'yong beer ko!" Reklamo ko sa kaniya at sakto naman na inabutan ako ni Dhale ng isang bote tiyaka umupo sa tabi ko.
"Here, Leigh." Inabutan din ni Tanya si Novaleigh ng beer tiyaka naupo sa isa pang upuan habang 'yong tatlong g*gong lalaki ay abalang nagkakantahan sa pavilion hindi kalayuan sa amin.
"So what's the talk of the town, b*tches?" Panimulang tanong ni Leigh matapos lumagok ng beer.
"As usual." Sagot ni Tanya na bumuntong hininga pa tiyaka itinagay ang beer na hawak niya.
"As usual every Friday night you're making love with Lucas." Diretsa ni Novaleigh.
"T*ng ina!" Natigilan ako sa pag-inom nang biglang maibuga ni Tanya sa akin 'yung beer na kaiinom lang niya na tinawanan lang nina Dhale at Leigh. Puro talaga kamalasan ang nangyayari kapag magkakasama 'tong tatlong 'to.
"Sorry, Friz~" Alanganing saad niya tiyaka nag-peace sign pa. Napabuntong hininga na lang akong pinampag ang damit ko tiyaka itinungga ang beer.
"So it's true nga? May nangyayari nga tuwing biyernes ng gab---"
"Leigh, it's too personal to ask Tanya---"
"Kung ano man 'yong naiisip ni'yo. Wala pa. Walang gano'ng nangyayari." Patiuna ng birheng si Tanya bago pa matapos ni Dhale ang sasabihin.
"H'wag ka ng mahiya, Tanya tutal naman we're the only people here oh." Malawak na ngiting pahayag ni Leigh na sabik na naman sa naisipan niyang topic. Tss, kahit kailan talaga, hindi na nagbago 'yong kulay ng utak niya. T*ng inang ka-berdehan 'yan.
"Okay, enough with romance. Gagawin mo na namang sentro ng usapan si Tanya eh." Depensa ni Dhale habang inaayos sa ihawan sa harapan namin ang pork barbecue dahil mukhang ilag na sa tapik itong si Tanya. Mukha namang virgin pa siya. Ito lang yatang si Novaleigh ang malakas ang pakiramdam ko na wasak na.
"Kayo ni Creid? Naka-ilan na kayo?" Pag-iba ko sa usapan na ikinatawa ni Leigh at Tanya. Napatingin ako kay Dhale na biglang natahimik at napayuko na para bang nahihiya pa sa amin. Wala talaga akong tiwala sa g*gong 'yon.
"We're not---"
"Ano ba, Dhale para namang hindi namin kilala si Creid." Komento ni Leigh na kaunti nalang ay sundot-sundutin niya ang tagiliran ni Dhale. Babaeng 'to talaga.
Pero mabalik sa usapan. Kung si Creid lang, hindi ako maniniwala kapag sinabi ni Dhale na hindi pa sila naghahalikan. Sa tinik ng gagong 'yon, wala pa siyang nagagawang kabulastugan dito kay Dhale? Tss!
DHALE TIZUAREZ
I don't know what would be the best response to Friza and Leigh. They are very straightforward, and I couldn't help but bow down, trying to ignore them. But knowing Novaleigh? Hindi niya ako tatantanan.
"So ano na? Nag-kiss na ba kayo? Hmmm?" Leigh asked eagerly as if she wanted me to tell every single detail. Oh please... Kapag talaga siya ang kasama namin sobrang lumalawak at nabubuksan talaga ang mga utak namin sa mga SPGs.
"Ano bang tanong 'yan, Leigh? For sure, nag-kiss na sila. Automatic 'yon sa couple tulad ng halik sa noo, sa pisngi---"
"That's not what I mean kasi, Tanya...Alam ni'yo 'yong kiss na tinutukoy ko, 'yong ano 'yong may---"
"Kiss papunta sa kama." Rix directly answered when he joined the talk which made Leigh and Friza laugh and even Tanya. With that innocent face of his? Who would think he's a complete jerk?
"Anong kiss ang usapan dito, huh?" Pag-osyoso ni Nick na parang nabuhayan na naman ang loob dahil sa narinig. Their enthusiasm is rising when it comes to this sort of topic.
"Tiyaka ano pa 'yong isa? Parang may narinig akong halik sa kama." And even Axcel joined us.
Sa mga ngiti pa lang nila at nakakalokong ngiti, I already know what they are trying to convey. This is the sudden change whenever we are together out of HQ. And yes, we look so different, like a group of professional gangsters who suddenly turned into typical college buddies.
In the middle of their laughter, Ellisse suddenly came up on my mind. Kumusta na kaya siya? Matapos kasi ng nangyaring eksena sa boardroom hindi na namin siya nakausap at bihira na lang namin siyang makita sa headquarter.
Nakasalubong ko siya minsan pero katulad ng dati, parang wala pa siyang ganang makipag-usap. I think he was affected by what happened to Commander. I wanted to talk to her, but she was always out of the mood every time I got the chance to approach her and I can't blame her though.
"Uy si Creid!" Nagbalik huwisyo ako nang marinig ko ang sinabi ni Axcel na nasa tabi ko. Napakunot-noo ako nang biglang sabay-sabay silang nagtawanan. Ako na naman ang napag-tripan nila.
"D*mn you, Naugsh." I cursed which caused him to laugh even more. I swiftly cover my lips when I just realized what I did. Oh my bad.
"Nahawa na sa boypren niya 'tong palamura." Nick commented with his evilish grin.
Simula noong nalaman nila ang tungkol sa relasyon naming dalawa, halos sa amin na nakatuon ang pang-aasar nila. I just don't know what will happen when Creid is here. Knowing him? He won't definitely spare these guys.
But speaking of...It's just a bit annoying because until now I still haven't received a reply from him. It's been a week since my last message, asking how everything's going in Germany. Well, almost one week to be exact.
Medyo nakakainis din pala kasi ang hirap kapag malayo kayo sa isa't isa tapos wala pang maayos na connection. Whenever I want to complain, I'm just convincing myself with the fact that he's doing his obligation and I also have a life I must live in the headquarter.
I just can't help it...I miss him already...so much.
ELLISSE ZERINA
"Sa wakas lumabas ka rin." Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa tabi pagkalabas ko ng kwarto ko. Nakasandal siya sa pader at nakapamulsa. D*mn, Jinno!
"What are you doing here?" Inis kong tanong sa kaniya nang humarap siya sa akin.
"Gusto mong sumama?" Tanong niya na siyang ikinakunot ng noo ko.
"To?" Tanong ko. This is unusual. Sa pagkakaalam ko hindi naman kami sobrang close para magyaya siya sa kung saan man.
"Sa villa ni Rix. Nag-message siya sa akin, isama raw kita." Sagot niya.
Bigla akong nagdalawang isip sa alok niya, at bahagya akong natigilan nang iharap niya sa akin ang screen ng phone niya kung saan maliwanag na makikita ang usapan nilang dalawa ni Rix. Duda akong napatingin sa kaniya.
"Drop the worries, Royal Knightress, ako na ang sunod na mamamatay kapag ipinahamak kita." Saad niya na mukhang hindi nagbibiro sa sinabi niya.
"Ano, sasama ka?" Tanong niya ulit.
Panigurado na mabo-bored na naman ako rito sa headquarter at mas lalo na hindi magandang ideya na tumambay ako sa maze's basement. Hindi pa naayos ang lahat kaya hangga't maaari ayoko na munang pumunta sa lugar na 'yon.
"Fine. I'll come."
...
"Matagal na ba kayong magkakaibigan nila Rix?" Pambabasag niya sa katahimikan habang nasa biyahe kami.
"Since high school." Tipid na sagot ko nang hindi siya tinatapunan ng tingin. I'm not really in the mood to talk.
"Tibay ni'yo naman." Komento niya dahilan nang mapatingin ako sa kaniya na seryoso sa pagmamaneho. Gusto ko sanang magtanong pero minabuti ko na lang manahimik tiyaka muling itinuon ang atensyon sa daan.
"Ang swerte mo, Ellisse." Biglang saad niya na siyang ikinakunot ng noo ko. Ibang-iba ang tono ng boses niya. Kung sa headquarter, napaka-pormal, ngayon naman napaka-casual.
"What do you mean?"
Sandali siyang sumulyap sa akin tiyaka tipid na ngumiti. "Ang swerte mo dahil mayro'n kang kaibigan tulad nila." Sagot niya na siyang ikinatigil ko. Hindi ako nakaimik sa sinabi niya hanggang sa ipasok niya ang kotse sa malaking gate tiyaka ipinarada ito sa tabi.
"Tara na. Panigurado kanina pa sila naghihintay." Saad niya tiyaka nauna ng lumabas ng sasakyan.
"Jinno, babyyyyyyy!!!!!!"Malawak na ngiti kaagad ang ibinungad ni Novaleigh nang patakbo niyang salubungin si Jinno na biglang nagtago sa likuran ko.
"Ilayo mo 'ko sa babaeng 'yan, Royal Knightress. Parang awa mo." Pagmamakawa niya mula sa likuran ko hanggang sa makalapit sa amin si Novaleigh na hindi man lang ako nagawang tapunan ng tingin.
"Ano ba, baby naman! H'wag mo na 'kong pagtaguan, alam ko na-miss mo---"
"Lumayo ka sa 'kin kung ayaw mo'ng lumipad sa mukha mo ang kamao ni Knightress." Pagbabanta ni Jinno dahilan nang mapalingon ako sa kaniya. Idadamay pa talaga ako, tss!
"Knightress pinagsasa----Knightress????!" Napatingin ako kay Novaleigh na nakatakip ang mga palad sa bibig niya na mukhang nagulat pa nang makita ako.
"Ellisse!!" Napatingin ako kay Dhale na malawak ang ngiting palapit sa amin pero muling naagaw ng atensyon ko si Novaleigh na bigla hinawakan ang magkabilang kamay ko.
"Na-miss kita, Royal Knightress!!" Malawak na ngiting saad niya tiyaka ako niyakap na siyang ikinatigil ko. Is she always like this?
"Hey, Leigh, that's enough" Paghila sa kaniya ni Dhale na alanganin akong nginitian. Kumawala si Novaleigh sa pagkakayakap sa akin pero ang malawak na ngiti niya ay hindi man lang napawi.
"Are we close?" 'Di ko maiwasang itanong sa kaniya. She sure has a lot of energy. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko tiyaka ako hinila.
"Of course, we're now friends!" Confident na saad niya nang makarating kami sa pwesto nila Friza na abala sa pag-iihaw ng mga barbecue.
"Feeling close na naman 'yong isa riyan." Napatingin ako kay Nick na pangisi-ngising nakatingin kay Novaleigh.
"Shut up, Nickolas." Pagtataray niya kay Nick nang dumating si Axcel dala ang isang malaking bucket na puno ng yelo at iba't ibang klase ng mga beverages.
"Catch, Ell!" Saad niya sabay hagis sa akin ng isang beer in can na muntik ko na sanang masalo nang unahan ako ni Rix. Binuksan niya 'yon gamit ang isang kamay tiyaka inabot sa akin.
"Hi, Ell!" And now here's Tanya na dala ang isang tray ng mga pagkain na puro seafood ang laman. Kaagad naman siyang tinulungan ni Axcel sa pagbubuhat. I can still sense his feelings towards her. Torpe talaga kahit kailan ang lalaking 'to.
"Where's Daniella?" Biglang tanong ko tiyaka ako luminga nang mapansin ko na wala siya.
"Here I comeeeeee!!!" Malawak na ngiting entrada niya habang hawak ang isang bote ng champagne.
Kung titingnan silang lahat hindi mo lubos maiisip na mga members sila ng isang ungovernable groups na mulat sa mga karahasan. Mula sa mga tawa at ngiti sa mga labi nila, they look so different. Hindi sila naiiba sa kung paano ko sila nakilala noon.
"Ellisse!" Bigla akong natauhan nang tapikin ni Tanya ang braso ko. Kunot ang noo niyang nakatingin sa akin na parang sinusubukan na naman niyang alamin ang iniisip ko.
"Ayos ka lang?" Tanong niya. I just smiled but too little tiyaka ko itinungga ang beer in can na humagod pa ang pait sa lalamunan ko matapos.
"Hindi masarap ang beer ng walang pulutan." Napatingin ako kay Friza nang tumabi siya sa akin tiyaka inilapag sa mesa sa harap namin ang plato na may lamang avocado slices. Isinalin niya ang laman ng beer in can sa rock glass na dala niya tiyaka niya 'yon itinungga.
"You didn't changed at all." Komento ko tiyaka itinungga ulit ang beer na hawak ko. Napansin ko ang pagtingin niya sa akin pero hindi ko siya nagawang tapunan ng tingin. Kukuha pa lang sana ako ng avocado na nasa mesa nang mapatigil ako dahil pinigilan ni Friza ang kamay ko.
"Alam ko na madi-disappoint ka kaya inihanda ko na 'to." Napatingin ako kay Tanya nang bigla niyang ilapag sa mesa ang malaking chocolate syrup.
"Nakakasuya parin talaga ang taste mo, Ell. Tss!" Pailing-iling na komento ni Friza na mukhang diring-diri sa avocado at chocolate syrup. Napa-sulyap naman ako sa shrimp at lobster na pinapapak niya. "Same as well."
"Avocadoooo! Pahing-----"
"DON'T" Mabilis kong hinawakan ang kamay ni Novaleigh na muntik ng mahawakan ang slice ng avocado. Rinig ko pa ang mahinang pag-tawa nina Tanya nang parang batang ngumuso si Novaleigh dahil hindi napag-bigyan sa gusto niya. "Sinong matinong tao ang namumulutan ng avocado na may chocolate syrup pa? Tapos ayaw pang mamigay."
"Ako bakit? Aangal ka?" Taas kilay kong sagot sa kaniya na mas lalong ikinabusangot niya.
"Kainin mo na lahat ng pagkaing makita mo, Novaleigh h'wag lang magkakamaling dumapo ng kamay mo sa avocado ni Ell." Saad ni Friza na tiwanan nina Dhale. Magsasalita pa lang sana si Novaleigh nang mapatingin kaming lahat kay Rix na mabilis dumampot ng slice ng avocado sa platong nasa harapan ko. WTH?
Silence enveloped us all as we followed him with our eyes. "'Yon lang ang nakuha mo?" Tanong niya sa kausap niya mula sa phone nang tumalikod siya na hindi man lang kami tinatapunan ng tingin.
"Hoy, Carlos Beaurix!" Pagtawag ko sa kaniya nang tumigil naman siya tiyaka kami nilingon. He innocently mouthed 'bakit'? Hindi ko alam pero sa tuwing nakikita ko 'yong inosente niyang mga tingin nababanas ako.
"Maya, Ell...Kausap ko pa si Creid." Saad niya nang hindi na hinintay ang sasabihin ko. Tss!
"Mabuti pa kay Rix may panahon tumawag si Creid." Napatingin ako kay Friza na pangisi-ngisi habang nakatingin kay Dhale na nilalaro ang pagkain sa plato niya. What's with the sudden changed? Kanina lang ang lawak ng ngiti niya.
"Sila na ni Creid, Ell." Biglang bulong sa akin ni Tanya na siyang ikinagulat ko.
"Kayo na?! Kailan pa?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Si Creid? Hindi ko lubos inasahan na magiging sila ni Dhale. I know Creid, but...well let's just say then that people change.
"H'wag mo ng tanungin, Ell. Mahabang kwento." Komento ni Friza. Muli akong napatingin kay Dhale na hanggang ngayon ay wala pa rin imik.
"Are you okay, Dhale?" Tanong ni Daniella na nasa tabi niya at tipid lang siyang ngumiti. That smile can't lie. Alam ko na pilit lang 'yon, at hindi niya 'yon maitatago sa amin.
"Anyway, I almost forgot, may aasikasuhin pa pala ako. I'll be right back." Saad niya at mabilis na nilisan ang upuan.
So he's really into Creid Marquez huh?
"Tss, nangangamoy quarrel." Pailing-iling na komento ni Friza nang biglang tumunog ang phone ni Tanya.
"Oh heaven~ May isa pa palang inlababo here!" Nang-aasar ang tono ng boses ni Novaleigh habang makahulugang tinitingnan si Tanya. So I bet, she has a boyfriend too. Para makaiwas na rin siguro sa pang-aasar, umalis na muna siya para sagutin ang tawag.
"Mabuti na lang talaga single ako---"
"Frizaaaaaa!!!" Naputol ang sasabihin ni Friza nang biglang sumigaw si Nick mula sa pool na siyang umagaw sa atensyon namin.
"T*ng ina talaga ng dalawang 'to." Mura niya tiyaka tumayo para puntahan sina Nick at Axcel.
"Hey, Daniella, tulungan mo ako saglit dito." Saad ni Jinno nang mapadaan siyang walang suot na pantaas dala ang malaking inflatable boat. I'm not interested, but if I am to praise him, he has a well-built body.
"Ayoko. Kaya mo na 'yan." Matigas na pagtanggi ni Daniella habang hawak pa ang kanina pa niya nilalaklak na chicken drumstick.
"Ayaw mo?"
"Ayoko nga kasi. I'm still ea----"
"One."
"Ito na nga po, Mr. Ackrey, tatayo na." Kaagad na saad niya at mabilis na tumayo tiyaka sinundan si Jinno. So what's going on with that two? Nilagok ko ang beer in can habang pinagmamasdan silang dalawa. They look...well, not that bad.
"Kailan ko kaya matitikman ang pandesal ng isang Jinno Ackrey?" Hindi ako makapaniwalang napatingin kay Novaleigh na ang tingin ay nakatuon sa direksiyon kung nasaan sina Jinno. Gaano ba ka-open minded ang isang 'to? Lahat na yata pinagpa-pantasiyahan niya. Napailing-iling na lang ako tiyaka ko itinungga ulit ang beer in can na hawak ko.
Mukhang nag-sawa rin naman siyang mag-pantasiya nang ibalik ang tingin niya sa akin. We're now the only people in the table.
"Don't worry, Royal Knightress, virgin pa talaga ako." Saad niya na halos mapaubo ako sa pag-inom ng beer. I can't believe this woman. Napaka-kwela ng bibig.
"Akala ko hindi ka pupunta eh. Much better talaga na nandito ka." She commented with a genuine smile.
"Honestly, they're all waiting for this day...Na makasama ka nila ulit." Patuloy niya dahilan nang mapatingin ako sa direksiyon kung nasaan sila Friza na parang mga batang nagsusuntukan sa pool.
"I don't have a choice." Ang tanging naisagot ko tiyaka muling itinungga ang ikalawang beer in can na binuksan ko.
"What if there's still a better choice that you only refuse to choose?" Tanong niya na siyang nakapagpatigil sa akin. Tumingin ako sa kaniya na ang tingin ay nakatuon din sa akin. Hindi ako nakaimik hanggang sa ako na ang umiwas ng tingin.
"What if it is still possible?" Patanong na sagot niya ulit tiyaka inilagay sa tabi ko ang platito na may lamang chocolate almonds.
"May mga bagay na posible pang maayos, like what I used to hear—time will heal. Pero hindi mawawala ang mga bagay na malabo ng maibalik pa sa dati. Once a vase got broken into pieces, you could fix it, but it will no longer be the same as how it supposed to look like." Sagot ko tiyaka muling itinungga ang beer.
"Pero sinubukan mo bang ayusin? Have you tried to fix it back? Ginawa mo ba 'yong dapat para maibalik sa dati 'yong bagay na posible pa palang maayos at maibalik sa dati?" She asked again and I no longer care who I am talking with kaya sumagot ako kaagad.
"I trusted them. Tiwalang-tiwala ako sa kanila pero sinira nila 'yon. Hindi 'yon madaling ibalik. Gano'n na ba kahirap mag-sabi ng totoo?"
Kung alam din naman pala nila noon pa na masasaktan ako sa sikretong tinatago nila, bakit hindi pa nila kaagad sinabi sa akin? If all the shits didn't happen, malalaman ko ba?
"Have you ever asked yourself, Ellisse, if you really trust them enough?" Napatingin ako sa kaniya na diretso ang tingin sa kinaroroonan nina Friza. I trust them, buo ang tiwala ko sa kanila kaya parang isang malakas na sampal na malaman ang tungkol sa sikreto nila.
We all once hated mafias, but here they are, and here we are living for it.
"Buo ang tiwala ko, dahil higit pa sa isang kaibigan ang turing ko sa kanila. They are my family." Sagot ko. Sila ang tumayong lakas ko noong mga panahong nasa baba ako. Hindi ko naramdaman na mag-isa ako noong mga panahon na wasak na wasak ako.
"Gano'n din sila, Ellisse. Nagulat din ako noong una. Your bond with them is too far and rare in this world, but because of them napaniwala ako na may nag-eexist parin palang mga taong masasabi mong tunay na kaibigan...those people na maituturing mong isang pamilya." Saad niya dahilan nang muli akong mapatingin sa kaniya. She's so serious. Malayo sa pagiging ma-kwela niya.
"Ayoko sanang sabihin, but I think you need to know." Patuloy niya. Binuksan niya ang isa pang beer in can tiyaka 'yon inabot sa akin matapos ay nagbukas din siya para sa kaniya.
"Noong nalaman nila na nasa castle ka, halos makalimutan nila na may sinusunod na rules ang Serpent. You know what, sa tuwing iniisip ko 'yong nangyari noong gabing dinala ka sa headquarter, hindi pa rin ako makapaniwala...I just can't believe that there are still people who can sacrifice their lives for their friend...I think, that was the most romantic moment I've ever seen." Pahayag niya na siyang nakapagpatahimik sa akin. Para bang ang dami ko pang gustong marinig.
"We were born in a cruel world. Namulat kami sa karahasan. Kung paano tumakbo habang dumadaloy ang dugo sa kamay mo, kung paano tumayo kahit na tadtad na ng bala 'yong katawan mo. Every gang members was taught to be independent and brave. Naimulat sa amin na nasa misyon man kami o wala kailangan namin na laging maging handa sa panganib. Because, we were born for Serpent to fulfill every mission even if it brings us death...Ang swerte mo nga dahil may mga tao sa buhay mo na handang isakripisyo ang sarili nilang buhay para sa 'yo." Patuloy niya na mas lalong ikinatahimik ko.
"You know what, I learned something from your bond with them.... As a gang member, eliminating opponents is enough to satisfy us, but to have a purpose in this world can boost your braveness to fight whoever comes in the way...and that is having someone you want to protect." Napatingin ako sa kaniya na may ngiting gumuhit mula sa kaniyang labi.
"I'm lucky that I've also been given the chance to meet them...and you. Pinahanga mo ako ng sobra sa mga ginawa mo, Royal Knightress." Papuri niya na siyang ikinatigil ko. Hindi ako sanay sa pagiging seryoso niya. But the seriousness can't hide how genuine she is.
"Ginawa ko lang kung ano ang dapat kong gawin." Sagot ko tiyaka muling itinungga ang beer.
"Of course, you must do what must be done, kung hindi malalagot ka kay Commander." Saad niya na siyang muli kong ikinatigil. They still keep the title, although they are aware that Renzo is no longer the Serpent Commander.
"I wonder kung kumusta na kaya siya sa cave?" Tanong niya tiyaka dumukot sa avocado. I'm also wondering...kung okay lang ba siya.
"Ano bang mayro'n sa cave na sinasabi ni'yo?" Tanong ko nang maisubo ko ang slice ng avocado. Nagtataka akong napatingin sa kaniya nang bigla siyang mapaubo matapos itungga ang beer niya.
"Royal Knightress ka pero hindi mo alam? Seryoso ka?" Hindi niya makapaniwalang tanong. Nagtataka akong umiling dahilan nang pag-buntong hininga niya.
"Cave of death ang tawag sa lugar kung saan dinadala ang mga taong nakakagawa ng mga major sins sa Canis. Isa hanggang dalawang linggo sila ro'n, pero worst umaabot pa nga 'yong iba ng isang buwan. Swerte na lang nila kapag naka-survived sila until the last day of their punishment." Halos mapamura ako sa isip ko nang marinig ang paliwanag niya. Iniisip ko pa lang ang mga posibleng mangyari sa loob ng kweba, kinakabahan na ako. Is he really going to be fine?
"How long it would take for him?" Curios na tanong ko. He must get out as soon as possible. What if may ahas ro'n o mabangis na hayop. And worst, paano kung nagtanim ng bomba ang Canis do'n? D*mn it!
"I'm not sure pero sa ginawa niya, posibleng magtagal siya sa Canis ng isang buwan hanggang tatlo. Depende sa ipinataw na parusa sa kaniya. Ang Canis lang kasi ang nakakaalam do'n." Sagot niya.
Sa dinami-dami kasi ng lugar bakit doon pa? Kung ikukulong siya, pwede namang sa Serpent jail nalang. This is why I love defying laws. Minsan hindi na talaga makatarungan.
"Are you worried?" Napatingin ako kay Novaleigh na pinanliitan ako ng mata dala ang mapaglaro niyang ngisi. Her playful grin made me raise my brow. "Sinong mag-aalala sa lalaking 'yon? He doesn't even care whether your Queen shoots him or throws him a bomb, 'yong mga ahas pa kaya na tutuklawin lang siya na parang langgam ang sakit?" Inis na sagot ko tiyaka itinungga ang beer. And I don't get her why did she even laugh. Hindi naman ako nag-joke para tumawa siya. Tss.
"Wait..." Napatigil ako nang bigla siyang kumalma sa pag-tawa. Nakatingin siya sa may bandang leeg ko kaya naman napatingin din ako ro'n. Natigilan ako nang makita ang kwintas ko na umiilaw.
"Ang cool ng kwintas mo. Where did you get that?" Namamanghang tanong niya dahilan nang mapahawak ako sa pendant tiyaka 'yon mabilis ipinasok sa damit ko.
"Napulot ko." Pagsisinungaling ko. I know that was stupid pero wala na akong ibang maisip na dahilan. Ayokong malaman nila na si Renzo ang nagbigay nito. Dapat talaga hindi ko nalang sinuot ulit.
"I'm baaaaackkkkk!!!" Malawak ang ngiti ni Daniella na basang-basa nang makalapit siya sa amin.
"What---" Naputol ang sasabihin niya nang biglang ihagis sa kaniya ni Jinno ang tuwalya at umalis din kaagad. Daniella just rolled her eyes pero ginamit din naman niya ang pamunas para ibalot sa katawan niya.
"Where's my baby Axcel?"
"Alis na muna ako." Paalam ko tiyaka mabilis na tumayo. Nakasalubong ko pa si Rix pero hindi na ako nag-abala na tapunan siya ng tingin. I just want to be alone. That's all.
Nadako ako sa likurang bahagi ng villa kung saan makikita ang maliit na garden pero ang lubos na nakaagaw ng buong atensyon ko ay ang maliit na maze sa gitna nito. Naalala ko tuloy ang maze sa HQ. Pumasok ako sa loob nito at hindi ko maiwasang mamangha sa mga bulaklak na nadaraanan ko. Hindi naman mahilig si Rix sa mga ganito, mukhang alagang-alaga ng hardinero ang buong villa.
Tumigil ako sa paglalakad nang maalala ko ang kwintas. Hinawakan ko ang pendant nito at nagulat ako dahil bigla na namang umilaw. Bakas na bakas ang nakaukit na Serpent mula sa bullet pendant. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin na kunin ang phone ko para i-dial ang number niya.
Ilang beses nag-ring ang phone niya pero hindi niya sinasagot. Aktong papatayin ko na ang tawag nang biglang sagutin ang tawag na siyang nagpa-bilis ng tibok ng puso ko. I placed the phone on my ear, but I lost words to say.
[Missed me?] Natahimik ako nang marinig ko ang boses niya. It's deep, husky....
Wala pa namang isang linggo, pero pakiramdam ko ang tagal ko ng hindi naririnig ang boses niya. I...miss hearing his voice already. I...want to see him.
D*mn for betraying myself.
[What's with the silence, hon?] The way he called me that. Iba 'yong dating sa akin. It really hits differently. Parang nota na gustong-gusto kong uliting marinig.
Napahawak ako sa pisngi ko nang maramdaman ko ang mainit na likidong tumulo mula sa mga mata ko. D*mn. I'm already crying. Again.
[Is everything alright, Zerina? What the f*ck is going on?] He asked again. I bit my lower lip to hold back my voice from breaking. Sandali kong inilayo ang phone sa kaniya para humugot ng malalim na pag-hinga at punasan ang luha ko.
"How are you?" Tanong ko sa natural na tono sa halip na sagutin ang tanong niya.
Wala akong narinig na kahit na anong sagot mula sa kaniya matapos kong magsalita kaya naman chineck ko ang phone screen. He's still on the line, bakit bigla na lang siyang tumahimik?
"Are you still there, Renzo?" Tanong ko pero wala pa rin akong nakukuhang response mula sa kaniya. "Hey, ayos ka lang ba? Can you still hear me?" Paniniguro ko pero hindi ko maiwasang kabahan.
D*mn this man. Siya naman ngayon ang hindi nagsasalita.
"Pwede ka namang mag-bigay ng signal para alam ko kung ano ng nangyayari sa 'yo. Baka tinuklaw ka na ng ahas o ano. Hindi ka naman siguro agad mamatay sa tuklaw 'di ba?" Pagtataray ko kahit na kabado ako sa katahimikan niya. I checked the screen but he's still on line.
WTH is going on?
"Hoy, Mikael Lorenzo! Wala ka bang bibig huh? Can you at least say something? Baka mamaya may silencer 'yong bombang tinanim diyan sa kweba at sumabog ka na pala ng hindi ko alam."
[Bombs have no silencer, hon.] Natigilan ako nang bigla siya ulit magsalita at nakuha pa talagang pagtawanan ako. Good thing he's fine.
"Mukha naman palang buhay na buhay ka pa."
[I still have one enough reason to live. I still have you so death is too early to summon for me.]
If there's one thing he can perfectly do aside from being a mafia commander, it is giving me countless d*mn butterflies in my stomach.
"So when are you coming back?" I asked. Hindi ko rin naman alam kung ano ang dapat na isagot ko sa sinabi niya.
[Tell me you missed me, and I'll come back.] WTH.
"H'wag ka nalang bumalik." I rolled my eyes kahit na hindi naman niya nakikita. And I even heard him chuckled. Kinulong ba talaga 'to o ano?
[Are you willing to get miserable for months then?] Tanong niya na ikina-ngisi ko ng sarkastiko.
"Ikaw ang magpaka-miserable. Well, thank you by the way for turning yourself in. Imagine, wala na ang strikto at kontra-bidang Serpent Commander na akala mo kung sinong makapag-utos. Plus, I no longer need your permission to hang out of Serpent whenever and wherever I want to. Deepest gratitude, Mr. Hilton." Sarkastiko kong pasasalamat.
[You're f*cking welcome, my Queen... You better enjoy your last days now, because you'll be the one who gets miserable once the devil returns.]
And the call just ended. Hindi ko alam kung saya ba ang nararamdaman ko dahil sa sinabi niya o dahil lang sa dami ng beer na ininom ko kanina. He's coming back. He will. Hindi ko maiwasang mapangiti.
I turned aroud para sana bumalik na nang biglang mag-vibrate ang phone ko.
From: DEMONYONG WALANG PUSO
I forgot to say that the devil misses you, hon
I really can't help but d*mn smile. Magta-type palang ako ng reply nang bigla na namang mag-vibrate ang phone ko.
From: DEMONYONG WALANG PUSO
Let Beaurix take you back to HQ. Don't f*cking get drunk.
Para akong nasamid sa huling message niya. How the hell did she know that I'm getting drunk already? Napaisip pa talaga ako hanggang sa sumagi sa isip ko si Rix.
Oh, of course, the most trusted pawn must know everything and inform the King while he's gone from his throne.
Should I ask Rix kung sa kweba ba talaga dinala si Renzo o nasa ibang lugar lang nagchi-chill? He even have an access with his phone kahit nakakulong na. At anong klaseng kweba ba 'yon at mukhang ang lakas-lakas yata ng signal?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top