Chapter 34
ZETHANYA YUI FELIZTRO
"Ahhhhhhh~ weekend is coming again." I looked at Dhale na ibinagsak ang katawan sa kama habang ako ay abala sa pag-aayos ng mga data sa laptop. Napailing na lang ako dahil sa inaasta niya. She looks good, and I know she's not just pretending. Kung ano man ang nangyayari sa kaniya na tingin ko ay may kinalaman kay Creid, masaya ako para sa kaniya.
"Hey, Tanya." Pag-tawag niya sa akin dahilan nang muli ko siyang tiningnan. I mouthed 'why' nang umupo siya sa kama mula sa pagkakahiga at matama akong tiningnan.
"Hindi mo ba nami-miss si Lucas?" Biglang tanong niya. Sa sinabi pa lang niya alam ko na kung saan ang papupuntahan ng usapan namin.
"Well, I do." Honest na sagot ko. Just by hearing that man's name, napapangiti na ako sa loob.
"Alam mo sabihin mo nalang na nami-miss mo si Creid." Mahina akong natawa dahil sa reaksiyon niya. Itatago pa kasi obvious naman.
"You know what, Dhale kung ako sa 'yo tawagan mo na siya. Kasasabi mo lang sa akin noong nakaraan na mag-iisang linggo na kayong hindi nag-uusap." Suggest ko sa kaniya nang bumuntong hininga lang siya tiyaka muling ibinagsak ang katawan pahiga sa kama.
"I don't want to disturb him. He has a mission he needs to accomplish and I also have loads of work to finish. The situation is even." She explained.
Knowing Dhale? Kung papipiliin mo siya, mas mahalaga talaga sa kaniya ang trabaho kaysa sa ano mang bagay. She's like Ellisse. Sila 'yong tipo ng tao na sobrang dedicated pagdating sa trabaho.
"Ewan ko sa 'yo Nickolas, bahala ka sa buhay mo!" Sabay kaming napatingin ni Dhale sa pintuan nang bigla 'yong bumukas at mula roon pumasok si Friza na mukhang hindi na naman maganda ang mood. Ibinagsak niya sa side table ng kama ang phone niya tiyaka ibinagsak ang katawan sa kama. Nagkatinginan pa kami ni Dhale as if we're asking each other kung ano ang nangyari.
"Anong nangyari, Friz?" Tanong ko nang padabog siyang bumuntong hininga.
"Kalbaryo na ang headquarter simula ngayong araw." Walang gana niyang sagot nang magkatinginan kaming dalawa ni Dhale. "What do you mean?" Curious na tanong niya.
Bumangon mula sa pagkakahiga si Friz tiyaka kami tiningnan, "Ano ba sa tingin ninyo?" Tanong niya dala ang sarkastiko at naiinis na tono.
Parang ayokong sang-ayunan ang bagay na naiisip ko. I looked at Dhale na malalim nag-iisip. I guess, we're thinking the same thing.
"D-don't tell us, magbabalik-posisyon na ang Queen?" Alanganing tanong ni Dhale dala ang pangambang sana mali ang hinula niya. I hope so.
Sa pagbuntong-hininga pa lang ni Friza kasabay ng muli niyang paghiga ay nakuha na namin ang ibig niyang sabihin. Wala pa mang nangyayari, gusto ko ng takpan ang tainga ko.
"Sandali...bakit mukhang biglaan yata? May nangyari ba?" Tanong ko. Hindi naman basta-bastang magbabalik ang Serpent Queen ng walang mahalagang dahilan. Abala siya sa business sa iba't ibang mga bansa kaya imposible na basta nalang siyang bumalik ngayong tiwalang-tiwala sila ng King kay Commander.
"Seryoso kayo? Wala kayong alam?" Nagtatakang tanong ni Friza nang muli siyang bumangon tiyaka kami kunot-noong tiningnan. Ang alam ko lang, bigla na lang tumahimik ang headquarter matapos ang nangyaring operation kahapon.
"Wala na si Doctor Salviejo. Nadatnan namin siyang patay sa Aris basement kahapon matapos siyang tadtadrin ng bala ng baril." Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko man lang magawang magsalita. Anong ginagawa niya sa Aris? Bakit siya pinatay? At sino ang pumatay sa kaniya?
"Why is he affiliated with Aris?" Curious na tanong ni Dhale. Panigurado na hindi pa nalalaman ng buong CIT ang tungkol sa nangyari.
"Ayon sa pagkakarinig ko sa usapan nila Jinno at ng Royal Chief, binayaran siya ng leader ng Korbin at kasabwat do'n ang Aris para ipapatay ang Royal Knightress pero wala pang sapat na impormasyon tungkol doon." Sagot niya. Paano niya nagawa ang bagay na 'yon? Kilala ko si Dr. Helios, hindi niya magagawa ang isang krimen dahil lang sa malaking halaga ng pera. Isa pa, hindi ba may posisyon siya sa Canis?
"It was a great loss to Canis for sure." Komento ni Dhale nang mapatingin siya sa akin pati si Friza.
"Hindi dapat basta-bastang pinatay si Doctor Helios, panigurado na mahihirapang ma-abswelto ang may sala, at baka imposible pa nga. Besides, hindi lang isang samahan ang involved sa nangyaring krimen." Pahayag ko. Ang dami kong gustong malaman tungkol sa nangyari pero ni isa sa mga tanong ko wala man lang lang akong naiisip na posibleng sagot.
"'Yon pa nga ang isang problema." Napatingin ako kay Friza when she suddenly spoke again. Mababakas sa mukha niya na seryoso ang bagay na sasabihin niya.
"Ayon sa Royal Chief, hindi Aris ang gumawa sa krimen, at mas lalong hindi ang Korbin gang." Hindi ko nagustuhan ang naging reaksiyon ko dahil sa sinabi niya. Hindi maganda ang kutob ko sa sasabihin niya.
"Ang Serpent Royal Commander ang nasa likod ng nangyaring krimen."
Natigilan ako sa narinig ko. Wala ni isa sa amin ang nagtangakang magsalita. Bakit 'yon ginawa ni Commander? Bakit niya pinatay ang isa sa mga taong mayro'ng malaking ambag sa Serpent? At kakampi pa ng Canis?
ELLISSE ZERINA
"Kumusta ang pakiramdam mo, Ms. Lorico?" Natauhan ako nang biglang nagsalita si Mr. Malriego na tutok ang atensyon sa daan habang nagmamaneho.
"I'm good." Tipid na sagot ko tiyaka muling ibinalik ang tingin ko sa mga punong nadaraanan namin mula sa bintana. Natigilan ako nang bigla itong bumukas.
"Mukhang kailangan mo ng sariwang hangin." Napatingin ako kay Mr. Malriego na dala ang tipid na ngiti. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa labas tiyaka dinama ang malamig na hanging nagmumula sa labas.
"Babalik na tayo sa headquarter." Saad niya.
"I know." Walang emosyong sagot ko tiyaka isinandal ang likod ko sa backrest.
"May gusto ka bang puntahan bago tayo dumiretso sa headquarter?" Tanong niya. Gustong puntahan? Gusto ko ng umuwi. 'Yon ang gusto ko. Gusto kong sabihin sa kaniya ang mga salitang 'yan pero nanatili na lang akong tahimik.
Panigurado na kapag umuwi ako mas lalo ko lang gagawing komplikado ang lahat. May unknown group na gustong pumatay sa akin sa hindi ko malamang dahilan. Aris and Korbin are still out there waiting for their next chance to attack us. Kapag bumalik ako, pamilya ko naman ang madadamay and I can't afford to lose any of them.
"Ayokong mangelam, Ms. Lorico, pero mukhang hindi ka okay. May hindi ka ba magandang nararamdaman?" Tanong niyang muli nang mapatingin ako sa kaniya na sa daan padin ang tingin. Masiyado na bang obvious na pati siya ay napansin na wala ako sa mood?
"Kulang lang 'to sa pahinga." Pagsisinungaling ko.
Sa katunayan hindi ako gaanong nakatulog. Renzo's words was there to blame. Ni hindi ako nakaimik sa mga sinabi niya kagabi. Alam kong may nararamdaman siya sa akin and I admit, knowing that he wants to protect me so bad makes me feel safe and secured, pero wala akong masabi o maibigay na sapat na reaksiyon sa kaniya dahil naguguluhan ako...sa lahat ng iniisip ko at pati sa mismong nararamdaman ko.
"By the way...where is he?" Tanong ko na kanina ko pa gustong itanong. I just want to know. Tama, gusto ko lang malaman. Hindi ko na kasi siya nakita pagkatapos ng huling pag-uusap namin.
"Si Commander ba ang tinutukoy mo, Ms. Lorico?" Balik tanong niya. May iba pa ba akong dapat hanapin?
"H-how is he?...I mean wala naman sigurong naidulot na kaso ang nangyari sa Aris basement?" Tanong ko na pilit kong itinatago ang pagka-dismaya sa loob ko. Isa pa 'yon sa mga gumugulo sa isip ko.
"Umaasa rin ako na mapapawalang bisa ang nangyari dahil sa pakikisabwat ni Doctor Helios sa Korbin at Aris, pero hindi basta-basta ang nangyaring krimen dahil isa si Mr. Salviejo sa mga may pinakamataas na katungkulan sa Canis Society." Paliwanag niya na siyang mas lalong nagpaantig sa kuryusidad ko.
"What do you mean? Anong katungkulan ang mayro'n si Doctor Helios sa Canis?" Tanong ko.
"Isa siyang Medical Specialist. Kilala siya hindi lang dito sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa ibang bansa. Hinahangaan siya pagdating sa larangan ng medisina kaya naman naging VVIP ally siya ng Serpent Society. Siya lang ang nakapagpagaling sa malubhang sakit ng Serpent King noon. Isa pa, siya ang naging private instructor ni Renzo bago siya opisyal na naitalaga bilang Serpent Commander. Kay Doctor Helios niya nakuha ang husay niya sa pakikipag-sosyo pati na rin sa medisina." Halos hindi ako makapaniwala dahil sa narinig ko. Kung gano'n, hindi lang sa pagbaril marunong si Commander. Hindi na ako magtataka kung bakit lubos siyang pinagkakatiwalaan ng Serpent King at Queen.
"Naging opisyal na miyembro ng Canis Society si Doctor Helios matapos maitalaga si Renzo bilang Serpent Commander." Patuloy niya.
"Paano siya napunta sa Canis? At bakit naging miyembro siya ng samahan nila?" Curious na tanong ko.
"Sariling desisyon 'yon ni Doctor Helios. Dahil malaki ang naitulong niya sa Serpent at Canis naging halos kapantay niya ng kapangyarihan ng isang Royalty....Mahalaga ang gampanin niya lalong-lalo na sa Canis." Pahayag niya.
Para bang bigla na lang bumalik sa isip ko ang nangyaring sagutan nila ni Renzo bago siya namatay. Renzo can't kill Doctor Helios since the latter is affiliated with Canis, they must be the one who has the right to decide what to do with the Doctor for being an accomplice of Aris and Korbin.
And Renzo just dropped their right by killing him with no single doubt. And it's d*mn obvious. I was the victim kaya ginawa niya ang bagay na hindi naman niya dapat ginawa in the first place. He defied the law of mafia groups because of me. D*mn it!
Muli akong napatingin kay Mr. Malriego nang tumunog ang phone niya. Sakto namang nakarating kami sa malaki at mataas na tarangkahan ng headquarter.
"Ngayon na?" Tanong niya sa kabilang linya dala ang kunot niyang noo. Ilang sandali lang ay ibinaba rin niya ang tawag tiyaka bumuntong hininga.
"What's wrong?" Hindi ko maiwasang itanong nang ipasok niya ang sasakyan.
"Darating ang Serpent Queen ngayon." Sagot niya. Sa nakikita ko sa mukha niya, hindi magiging maganda ang mangyayari.
Ano ba ang mayro'n sa Queen? Bakit mukhang halos lahat ng tao rito sa headquarter takot sa kaniya? May mas nakakatakot pa ba sa Serpent Commander?
...
Hindi ko alam kung maiilang ako sa mga tingin ng ibang mga gang members at rooks na nadaraanan namin pagkapasok namin sa lobby ng headquarter. They're all looking at me like I'm a totally different person na parang bagong salta ako sa samahan.
"H'wag mo na lang silang pansinin, Miss Lorico." Napatingin ako kay Mr. Malriego na nasa tabi ko. Mukhang pati siya ay napansin din ang nakapapanibagong atmosphere ng headquarter ngayon.
"Mr. Malriego!" Tumigil kami sa paglalakad nang marinig namin ang boses ng isang lalaki. Si Jinno kasama si Axcel na ngayon ay palapit sa amin.
"Hindi namin ma-track ang location ni Commander, at hindi rin niya sinasagot ang tawag ng Chairman at Director kahit ang Chief." Pahayag ni Axcel nang makalapit sila. Wala siya rito sa headquarter? Where the hell is he?
"Napuntahan na rin namin lahat ng posibleng lugar na pwede niyang puntahan pero wala ni isang bakas ang nakita namin." Dagdag ni Jinno. What the hell is happening to him?
"Let's just wait for him. Sigurado ako na maliwanag sa kaniya ang resulta ng nangyari. Babalik din 'yon." Napatingin ako kay Mr. Malriego. Anong resulta ang tinutukoy niya?
"What do---" Hindi na ako nakapagsalita pa nang biglang nagkaroon ng ingay na siyang bumulabog sa buong lugar.
"ALL HEADS DOWN! THE ROYAL QUEEN HAS ARRIVED." Isang anunsiyo ang umalingawngaw sa buong headquarter na siyang umagaw ng buong atensyon ng lahat. Mapapansin na halos lahat ay nagmamadaling luminya. Napatingin ako kay Axcel nang bigla niyang hawakan ang braso ko palapit sa kaniya.
"Yumuko ka lang, Ellisse. Kahit na anong mangyari h'wag na h'wag mong iaangat ang tingin mo sa kaniya." Napakunot-noo ako. Mukhang seryoso nga siya sa sinabi niya pero mas lalo lang akong na-curious.
Wala ni ibang maririnig hanggang sa ang tanging nagbigay ng ingay sa kabuoan ng lobby ay ang tunog ng kaniyang yabag na nagmumula sa suot niyang stiletto. Gusto kong iangat ang tingin ko pero inalala ko ang sinabi ni Axcel.
"Royal Queen." Banggit ni Mr. Malriego nang matapatan kami ng Queen. Kita ko pa mula sa pagkakayuko ang suot niyang stiletto na may red, black and gold crystals na disenyo na mahahalatang may mataas na kalidad at ipinasadya pa.
"RECKLESS." Wika niya kasabay nun ang tunog ng malakas na sampal na paniguradong dumapo sa mukha ni Mr. Malriego.
Sa tono ng pananalita niya wala siyang pakealam kung masaktan man o magalit ang kausap niya. Ito ba ang dahilan kung bakit takot ang lahat sa kaniya na mas gugustuhin pa nilang wala siya? Gustuhin ko mang iangat ang ulo ko, pilit kong pinigilan ang sarili ko.
"My deepest apology, Queen." Sincere na saad ni Mr. Malriego sa kabila ng pagkaka-sampal sa harap namin.
"What done is done and of course, no one here can't fix what is already destroyed...Prepare the boardroom and call all gang and CIT officials...RIGHT NOW." Ma-awtoridad na utos niya tiyaka naglakad palayo na sinundan ng Royal Chief at ni Mr. Malriego.
"This isn't good." Napatingin ako kay Novaleigh na hindi ko man lang napansin ang paglapit niya. "Well, I guess, we don't have a choice either." Patuloy niya tiyaka nauna ng naglakad. Hindi ako alam kung ano ang mangyayari pero sigurado ako na tama si Novaleigh, hindi rin maganda ang kutob ko.
"Don't worry, Ell..." Natigilan ako nang biglang lumapit sa akin si Tanya tiyaka hinawakan ang kamay ko. She squeezed it trying to sooth me with her teeny smile. "Magiging maayos din ang lahat." Patuloy niya. 'Yon din ang gusto kong sabihin pero hindi ko magawa. Hindi ako mapakali.
Where on hell are you now, Mikael Lorenzo?
New York | MCA Publishing Company
THIRD PERSON
"Alam mong pain lang ang lahat. Bakit ka pa kasi kumagat?" Tanong ng isang lalaking nagngangalang Arnold Nourhi mula sa kabilang linya habang pinagmamasdan ang mga nagtataasang buildings mula sa rooftop kung nasaan siya.
[They're trying too hard to take over my throne. As if I'd let them take everything from me...Stupid sh*t.] Sagot ng kaniyang kausap tiyaka hinithit ang kaniyang sigarilyo.
"Your recklessness serves you better. Hindi ka man lang nag-isip ng mas ligtas na paraan. Kinagat mo nga ang pain, pero 'yong baril na ipinutok mo, sa 'yo rin mismo tumama." Pangangaral ng CEO.
[Every great choice has a risk... I know what I am doing, and I'll stand with what I have already started.] Determinadong sagot ng kaniyang kausap.
"Kailan ka ba nakinig sa akin, Renzo?" Sarkastikong tanong ni Mr. Nourhi tiyaka bumuntong hininga. "By the way, I have an appointment later with Mr. Kenzo. It's about the intel you're looking for about Mr. Daigoro...and about Ms, Lo---"
[Leave her to me.]
"I bet that's a command." Tipid na wika na lamang niya bago ibinaba ang tawag tiyaka bumuntong hininga't bumulong sa hangin.
"Ano pa nga bang aasahan ko sa kaniya na mas matigas pa sa bato ang bungo?"
Serpent's Headquarter
ELLISSE ZERINA
"Ito na po ang lahat ng dokumentong konektado sa pagkamatay ni Doctor---"
"I don't need those bullsh*t documents!! What do you want me to do, huh?! Pag-aksayan ng oras ang mga walang kwentang papel na 'yan?! Mabubuhay ba niyan ang patay?!" Nagkalat ang mga papel sa sahig at walang nagawa ang isang babae na nag-abot ng mga dokumento kung hindi yumuko para pulutin ang mga papel.
"Queen...You---" Aktong magsasalita pa lamang sana ang Royal Chief nang unahan na siya ng Queen. Napaka-inconsiderate.
"What now, Tyler? Do you also want me to read aloud all those stupid documents in front of these reckless thugs, huh?!" What? Reckless thugs? Sumusobra na ang bibig niya. Konting-konti na lang.
"Ell." Napatigil ako nang biglang hawakan ni Tanya ang kamay ko dala ang mga tingin niya na tila ba nagmamakaawa na h'wag akon'g gumawa ng kahit na anong eksena. Ayoko rin namang mangyari 'yon, pero kung magiging ganito lang ang takbo ng usapan, hindi ko maipapangako na tatahimik lang ako.
"IHARAP NI'YO SA AKIN SI LORENZO NGAYON DIN." Matigas at nagbabantang saad niya.
"He's not yet----"
"OR ELSE..." Pagputol niya kay Mr. Malriego tiyaka matalim ang mga mata niyang tiningnan kami. "DADANAK ANG DUGO NINYONG LAHAT SA KWARTONG 'TO."
"Spare no one... once I permit you to, Queen." Bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang boses niya kasabay ng pagbukas ng pintuan.
Walang imik ang lahat at pati ako ay napako ang tingin sa kaniya na suot ang black long sleeves na naka-unbutton pa ang pang-itaas na butones at medyo magulo ang buhok niya ngayon. He looks different. Malayo sa pormal na aura niya na kadalasang formal suit ang suot. Indeed a style of his assassin mode.
"Kailan ko pa kinailangan ang permiso mo? I am the Serpent Royal Queen, and I can do anything without your command...Baka nakakalimutan mo kung gaano kalaki ang kahihiyang ginawa mo." Sinundan ko ng tingin si Renzo na napangisi lang bago naupo sa center seat katapat ng Queen. Ano na naman ba ang nasa isip niya? Bakit ba ang hirap niya masyadong basahin?
"I know. Want me to detail how I killed Doctor Helios?...That shitty old man deserves a ruthless death, but he was lucky I pitied him somehow." Ni hindi man lang siya nagdalawang isip na sabihin 'yon sa harap ng Serpent Queen. Totoo nga. Totoo na wala siyang kinatatakutan.
"MIKAEL LORENZO!!" Kung bumubuga lang ng apoy ang Queen malamang kanina pa kami natusta rito sa loob.
"That was what you wanted to hear, weren't you? The killer is here, turning himself in...But first, I just want to clear that I won't regret what I did." Alam ko kung gaano siya ka-seryoso sa mga salitang binitawan niya at hindi ko maiwasang makaramdam ng guilt. Ang bigat sa dibdib ng sitwasyon. He commited a mistake just to save me, and d*mn myself for that.
"You know what, Mr. Hilton...that was the most stupid words I've ever heard from you as the Serpent Royal Commander." Hindi ko maiwasang ikuyom ang kamay ko nang makita ang naging reaksiyon niya dahil sa sinabi ng Queen. Paano niya nagagawang ngumisi at maging kalmado sa ganitong sitwasyon?
"And that was the preeminent curse you said, Queen." Sa halip na i-depensa niya ang sarili niya ay mas lalo lang niyang pinapalala ang sitwasyon. He's really stupid.
"Thank me right after I bring you the real curse, Mr. Hilton." Tila ba nakikipagsukatan siya ng tingin kay Renzo. Those eyes of her...it's filled with evil deeds and desires. Pero wala man lang akong makitang takot sa mga mata ni Renzo. It's void...always void.
"Prepare yourself. You summoned death for yourself this time. Be f*cking proud." Tumayo ang Queen nang wala man lang kahit na anong ekspresyon ang mukha maliban sa mga matalim niyang mga tingin.
"Mikael Lorenzo Hilton is no longer the Commander of Serpent Society. His position has been terminated." Literal akong natigilan dahil sa sinabi ng Queen.
Hindi ko maiwasang ituon ang atensyon ko kay Renzo na hanggang ngayon ay wala pa ring mababakas na kahit na anong emosyon sa mukha niya. Hindi ko maiwasang mainis sa kaniya dahil sa inaasta niya. Is he really letting everything falls down? Pati sarili niyang posisyon na alam kong iniingatan niya.
"Take him to Canis Cave." Ma-awtoridad na utos ng Serpent Queen dahilan nang magkaroon ng bulungan. Napatingin ako kay Mr. Malriego matapos ay sa Royal Chief na hindi man lang kaagad gumawa ng kilos para sundin ang utos ng Queen.
"CAN'T YOU HEAR ME, TYLER STANFORD?! I SAID. TAKE HIM TO THE CAVE!!"
Alam ko ng simula pa lang hindi magiging maganda ang takbo ng mga pangyayari at ayoko na matapos na lang 'to ng basta-basta. Alam ko na mahina ako kung ikukumpara sa ibang mga Royalties, pero ayoko namang sayangin lang ang posisyon at kapangyarihang mayro'n ako.
Sa huli walang nagawa ang Royal Chief kung hindi sundin ang utos ng Reyna. Ikinuyom ko ang kamay ko para pigilan ang sarili ko. Ayokong gumawa ng eksena but I can't also tolerate the situation anymore.
"Stop right there." Tumigil ang Royal Chief bago pa niya malapitan si Renzo. I looked at the Royal Queen na ngayon ay nakataas ang kilay sa akin. It's now or never, Zerina. Take the risk and think of the rest later.
"And who do you think you are, stubborn bitch?" Para akong sinampal sa sinabi niya pero hindi ko 'yon ininda. Huminga ako ng malalim, earning the courage and the right d*mn words to say.
"You can't just dismiss the Serpent Commander. Ginawa lang niya kung ano ang dapat niyang gawin. I bet Canis would also do the same. Sinong samahan ang may gusto ng traydor na ka-alyado? For sure, without any further details, Canis would also eliminate someone like Doctor Helios." Buong tapang na pag-apila ko. Hindi ko dapat siya katakutan. Alam ko ang pinaglalaban ko.
Let's drop the mafia groups' law.
"That was a direct opposition, huh, Miss Lorico." Hindi ko na inabala kung paano niya ako nakilala. Malamang siya ang Reyna, at kahit wala siya noon dito panigurado na monitored niya ang lahat.
"You just did what I mostly hate." Nakangising saad niya pero ramdam ko kung gaano ka-sarcastic ang sinabi niya. "You know what, you're also trash as what I thought, nothing but a worthless piece. Kung hindi dahil sa 'yo, hindi aabot sa ganito ang lahat. You must be the one to take all the responsibility, and you---"
"Belliatrix." Napatingin ako kay Renzo na matalim na nakatingin sa Queen. "Don't forget that this territory has been entrusted to me...Without any words from the King, I still possess his power." Matigas na paalala niya.
"But you no longer have the power to command anyone in here, Lorenzo. Wala ka na sa posisyon mo. Hindi na ikaw ang Serpent Commander." Nakangising sagot ng Serpent Queen. I think I need to oppose her as much as I can. Kaya mo 'to, Ellisse Zerina. You can do this. Humugot ako ng malalim na paghinga tiyaka ako buong tapang na nagsalita.
"Tingin mo ba papayag ako sa desisyon mo?" Kontra ko kahit na alam ko sa sarili kong mali ang ginagawa ko. I know that was too much, but I have to do this. I must dahil ako naman talaga ang puno't dulo ng gulong 'to.
"Ell." Rinig ko ang mahinang pagtawag sa akin ni Tanya pero hindi ko siya tinapunan ng tingin.
"I am the Serpent Royal Knightress, and I have the power to oppose your allegation, Queen. I think, you missed something..." Buong tapang kong tinapatan ang pormalidad at tingin niya. "You are more and well aware of the Serpent rule. Whatever condition it might be. You can't dismiss the Serpent Commander without the King's permission." Pahayag ko na ikinataas ng kilay niya. I learned a lot, and thanks to Renzo dahil dinala niya ako sa treasure room ng maze's basement. Kahit papaano aware ako sa mga rules ng samahan.
"That was pretty quite impressive, Ms. Lorico, mukhang well-trained ka nga talaga niya kahit sa mga rules." Sarkastikong papuri niya tiyaka sandaling tiningnan si Renzo.
Hindi nagtagal, inilapag niya ang isang pabilog na hologram device sa mesa at mula roon lumabas ang larawan ng mga wavelength. Mula roon isang boses ang narinig sa apat na sulok ng kwarto.
"He defied my order for the first time, and I don't have a choice but to terminate his power."
"Are you sure about this, King?"
"Take him to that cave and do what must be done. I don't need any more opposition about it."
"Roger that, King."
Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa mga salitang narinig ko. Bakit ang unfair? Kung susumain mas makatuwiran ang ginawa ni Renzo kaysa sa kasalanang inaakusa sa kaniya. Hindi niya 'yon ginawa dahil lang sa gusto niya. He killed Doctor Helios...to protect me.
"Now...Take him to the cave, Mr. Stanford." Tagumpay ang ngisi ng Queen na nagpa-kuyom sa kamao ko. He can't leave this place.
Pinagmasdan ko siyang kusang tumayo bago pa man makalapit sa kaniya si Tyler. "It's an honor to see you back again just to deal with my mess, Queen." Nang-aasar pa niyang sabi. Seriously, Mikael Lorenzo?
He turned around at sakto na nagtama ang mga mata namin. Gusto ko siyang lapitan but then he started to leave his seat. "Renzo" Halos pabulong na tawag ko dahilan nang tumigil siya sa harapan ko. I hate seeing him leave this place.
"You can't leave." Ang mga salitang tanging nasabi ko. He kept his void stare at me.
"Isn't this what you were wishing for? To take me down? You must now be happy. Checkmate accepted...Now, your wish has been granted." Parang kinukurot 'yong puso ko dahil sa sinabi niya.
Alam pala niya ang plano ko noon, bakit ako pa ang pinili niyang pagkatiwalaan? And worst, he saved my life, at sa tuwing sumasagi 'yon sa isip ko mas lalo lang akong nagi-guilty. I don't deserve this. I don't deserve what he did to me.
Natigilan ako nang bigla niya akong lapitan tiyaka siya bumulong. "By the way...I love the way you confronted Belliatrix. The real Queen is now learning when to attack huh...You're really my f*cking Queen." Wala akong nasabi at hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa lampasan na niya ako't naglakad na palayo.
What the hell is running through your mind, Mikael Lorenzo? What on earth are you planning this time?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top