Chapter 32
FRIZA GONZALES
"Kapag talaga nakita ko 'yang si Alexies na 'yan, tatadtarin ko 'yan ng saksak." Naiinis na komento ni Novaleigh sa tabi ko nang nakahalukipkip habang nakabusangot siyang nakatingin sa malaking screen.
"Kalma lang, Leigh." Natatawang sagot sa kaniya ni Axcel. Nandito kami ngayon sa main control room habang hinihintay ang pagdating ng Royal Chief.
"Tingin ko, sobrang halaga ng operation na 'to para kay Commander." Komento ni Althea na isa rin sa mga kasamahan namin sa gang.
Sa totoo lang, 'yon din ang kanina ko pa iniisip. Sa halip kasi na ang Serpent gang ang mas dapat na kumikilos ngayon dahil kung tutuusin minor lang naman ang kaso ng hipokritang magka-patid, pero ang Royal Knight at si Commander ang mismong humarap sa kaso. Mismong sila ang kumikilos.
"Involved ang Royal Knightress sa kaso na 'to kaya h'wag ka ng magtaka kung bakit pati si Commander mismo ang haharap sa kanila." Pahayag ni Jinno na nakahalukipkip. Ilang sandali lang ay tumungo kaming lahat nang marinig namin ang papasok na yabag ng Royal Chief.
"Detail," Tipid na panimula niya.
"Everything is ready as planned, Mr. Stanford. We're just waiting for Commander's cue." Pahayag ni Mr. Enriquez, ang CIT Chairman. Hindi ko alam pero parang may mali talaga at kanina ko pa 'yon nararamdaman.
"Hey, Friz. Are you okay?" Tanong ni Dhale na bigla na lang sumulpot sa tabi ko. Hindi ako sigurado kung sasabihin ko sa kaniya dahil kahit ako ay hindi rin sigurado sa naiisip ko.
"It's been an hour." Komento ng Royal Chief matapos tingnan ang kaniyang wrist watch tiyaka muling humarap sa screen. "Wala pa bang ibinibigay na signal si Commander?" Tanong niya na mukhang inip na rin sa paghihintay habang tutok kaming lahat sa malaking screen at monitors na nasa harap namin. Ako lang ba talaga ang nakapansin?
"May ibang plano si Commander." Bigla ko na lang nasabi nang mapatingin silang lahat sa akin. Ayokong magmadali pero tingin ko kailangan ko na talagang magsalita.
"Anong ibig mong sabihin, Ms. Gonzales?" Tanong ni Mr. Enriquez.
"Mr. Ascuena!" Lahat kami ay napatingin kay Nick na halatang gulat habang ang atensyon ay tutok sa kaniyang monitor. "The five hideouts has been wrecked." Patuloy niya na siyang ikinatigil ko, pati ang Chairman at Director ay mukhang hindi rin nila inaasahan ang maririnig.
"He's playing again" Napatingin ako kay Chief na hinihilot-hilot pa ang sentido niya.
Ilang sandali pa ay mabilis na na-detect ng CIT ang may-ari ng kulay kahel na sasakyan na nagmula sa lugar kung saan nangyari ang pag-sabog.
"It was the Royal Knight..." Wika ng isa sa mga kasama ni Nick.
"Chief, we lost Commander" Nagpa-panic naman na saad ng isa sa mga CIT members. Puro mga mabilis na pag-tipa g keyboard lang ang maririnig sa loob ng control room.
"D*mn it, Renzo." Rinig kong malutong na mura ng Royal Chief na mababakas ang inis sa mukha niya.
Ang usapan, si Commander ang bahalang i-corner si Lianne Salvador. At 'yong g*gang kapatid niya, ang sabi lang sa amin, may tao na raw na inutusan para iligpit siya. Habang ang Royal Knight ang magliligpit kay Warnell Orfeighn—isa sa mga pito pang natitira sa dark list. Si Orfeighn kasi ang may alam kung saan ang hideout ng anim pang t*ng inang kasama niya. Pagkatapos 'yon, kami ng ranked-members ng gang ang bahalang magligpit sa kanila.
Wala sa usapan na wawasakin namin ang mga maliliit na hideout ng Korbin kung saan nagtitipon ang mga malilliit na sekta ng grupo nila. Eh t*ng ina, sayang lang ang oras kung pati 'yon pagtutuunan namin ng pansin. Pero mukha yatang gusto talagang lagasin ng Royal Knight lahat ng 'di maubos-ubos na hideout ng kalaban kaya sa halip na tapusin lang si Orfeighn, pati hideout inabo niya.
"Nickolas, activate the tracker." Wika ni Chief na mabilis sinunod ni Nick.
Hindi namin alam kung anong tracker ang sinasabi ni Chief, pero malamang naglagay pa siya ng hindi lang isang tracker sa sasakyan ni Commander para alam namin ang lokasyon niya. Mukhang may kutob din siya sa posibleng plinaplano nito.
"We can't now access his location, Mr. Stanford." Pahayag ng isa pa mula sa CIT team.
"Chief. We got a call from Mr. Malriego." Wika naman ng Director. Kaagad namang nag-flash sa malaking screen ang mukha ng Commander's Secretary.
"Let him handle everything, Mr. Stanford. Kilala ni'yo si Commander, hindi niya gusto ng may sumasagabal sa plano niya...Sa Serpent gang, wala ni isa sa inyo ang magtatangkang kumilos para puntahan siya. That's an order from the Serpent Royal Commander." Ma-awtoridad na saad niya bago siya tuluyang nawala sa screen.
Halos lahat kami ay walang nagawa. Napatingin ako sa Royal Chief na seryoso ang mukha na para bang may kung anong malalim na iniisip. Ano ng gagawin mo ngayon, Royal Chief?
Malaki ang tiwala ng buong samahan kay Commander pero maraming posibilidad pa rin ang kailangang maisaalang-alang para sa kaligtasan niya lalo na't malaki ang koneksiyon ng target namin sa Korbin Group.
T*ng ina, alam naman naming kaya niyang lagasin ng mag-isa ang gang ng Korbin, pero wala paring makasisiguro kung anong tumatakbo sa utak ng mga kalaban.
"So you're all on mission without me?" Lahat kami ay napalingon sa nagsalita.
Hindi ko inaasahan ang pagdating ni Ellisse kasama si Rix. Hindi ko alam pero parang nabuhayan ako kahit papaano. Sa hitsura niya ngayon parang wala man lang nangyari sa kaniya.
Hangang-hanga na talaga ako sa 'yo, Ellisse Zerina.
ELLISSE ZERINA
"What are you doing here, Ms. Lorico?" Tanong ng Royal Chief. Hindi pa ba obvious? Bumuntong hininga ako tiyaka humalukipkip.
"Ano sa tingin ni'yo ang ginagawa ko rito? You're conducting an operation without a Royal Knightress habang hinihintay ni'yo kung ano ng nangyari sa Knight at sa Commander ni'yo na may kaniya-kaniyang mundo. And it looks like no one's here has a plan to take action.... so Mr. Tyrler Stanford, ngayong nasagot na ang katanungan mo, can we now proceed?"
Walang umiimik kaya naman naglakad ako patungo sa harap tiyaka humarap sa kanila.
"He changed the plan, and we can't do anything about it." Pahayag ng Royal Chief na siyang ikinakunot ng noo ko.
"We can't do anything about it? Really?" Napangisi ako ng may pagka-sarkastiko. "Wala talaga kung walang kikilos."
"Nag-baba na siya ng opisyal na utos mula kay Mr. Malriego na walang gagawing kahit na anong pangengealam ang Serpent Gang o kahit na sino man. Wala na tayong magagawa kung hindi ang maghintay, Ms. Lorico." Dagdag pa ni Jinno.
Bakit ba napakamakasarili niya? Feeling kasi niya kaya niya lahat. Ano siya, superhero?
"We have to move...and I don't care whether the Serpent Commander commanded you to completely do nothing. He doesn't want anyone to get in his way? Well, I command all of you to defy him." Pagmamatigas ko.
Ako ang involved sa kasong 'to, ako ang ginawa niyang pain at dapat lang na may gawin ako bilang isang Knightress ng samahang 'to.
"Pero, Royal Knightress wala na po ta----"
"Then do everything you must have to. Para saan pa't naging miyembro kayo ng samahang 'to?" Pagputol ko sa pag-apila ng isa sa mga CIT members.
"Mailalagay lang sa panganib ang kapakanan ng lahat dahil sa gusto mong gawin ng team, Ms. Lorico. Defiance means death. Walang gustong sumuway sa kahit na anong utos ni Commander. Malabong mangyari ang gusto mo." Naikuyom ko ang kamay ko dahil sa sinabi ng CIT Director.
Parang hindi nila naiintindihan ang gusto kong sabihin. Mas iniisip pa nila ang magiging parusa nila kaysa sa kapakanan ng pinuno nila.
"Pwede namang mangyari ang gusto mo, Royal Knightress." Ang lahat ay napatingin sa Royal Chief na ngayon ay nakahalukipkip habang matamang nakatingin sa akin. "We can all defy him. Lead us to do so...but you must only be the one to take all the responsibility afterward." Para niya akong hinahamon sa mga tingin niya pero hindi ako nagpadala, hindi ko kailangang matakot sa kung ano mang pagbabanta sa ganitong sitwasyon.
"Set up everything and commence the operation...That's a final word, a supreme command from the Serpent Royal Knightress." Ma-awtoridad na saad ko nang hindi inaalis ang tingin ko sa Royal Chief. Walang kahit na sinong nagpatiunang kumilos hanggang sa magsalita si Friza.
"Wala ba kayong narinig? Ano, huh? Tutunganga na lang ba kayo riyan?" Sarkastikong tanong niya nang nakataas ang kilay.
"Royal Chief?" Banggit ng Chairman na mukhang naghihintay pa ng second opinion. Seriously? Hindi ba nila narinig ang sinabi ko?
"You heard the Royal Knightress." Tipid na sagot niya tiyaka tumalikod. "Serpent gang, follow me."
"I'll come with you, Mr. Stanford." Sandali siyang napatigil matapos kong magsalita. Humarap siya sa akin dala ang strikto niyang mga tingin.
"Sorry, Ms. Lorico, but we won't----"
"A Royal Knightess is the leading piece of the gang, in case you forgot?" Patanong na sagot ko nang hindi siya nakaimik kaya naman naglakad ako palapit sa kanila. "Dhale, Novaleigh, and Axcel, stay here with the team. In case, Korbin take the chance to invade us again. Protect the headquarter at all cost." Ma-awtoridad na utos ko.
"What? Me? No. Hindi ako makapapayag sa gusto mo Royal----" Matalim kong tiningnan si Novaleigh nang itikom niya ang bibig niya tiyaka ngumuso na parang bata matapos ay tiningnan ko si Dhale na sa akin din nakatuon ang atensyon. "You know what to do." Saad ko na tinanguan lang niya tiyaka ako naunang naglakad palabas.
Kahit ako man hindi ko alam na aabot ako sa puntong 'to, na kailangan kong panindigan ang posisyon ko bilang Royal Knightress dahil obligado ako. He obliged me to do so, and I don't have a choice but to take it. Tingin ko, wala na rin naman akong ibang lulusutan, isa pa buhay na ang usapan sa pagkakataong 'to.
I don't know how, but after Renzo and I had a conflict in the maze, I started to think about what hidden things I should see in this world, except the ruthless killings.
I thought this place was just completely a narrow dark world where everything and everyone is nothing but absurd people who oath to live to protect their territory for life till death. I tried to ask myself many times....Why? Why are they wasting their life on something that might only risk their life instead of living their best life out of this place? Maghanap ng maayos na trabaho. I believe they could still do anything they love and brings them happiness.
I didn't understand. But I just realized that the best life they could live is the life of being in the mafia world. There's no right job for them but to protect their territory. There's nothing that can satisfy them more than ruthlessly annihilating their opponents who try to take them down. Guns, blood, and corpses are part of their lives.
And...I have to accept the fact that those I once hate are now a part of my life too. Rix was right. Hindi mo makikita ang lahat ng bagay kung pinipili mo lang kung ano ang gusto mong makita. At higit sa lahat, hindi mo maiintindihan ang isang bagay kung ikaw mismo sa sarili mo, pilit mong hindi gustong intindihin ito.
In order to see something hidden, you have to take a closer look. In order to accept something, you should understand it first.
LIANNE SALVADOR
"S-saan tayo pupunta, Commander? I think this isn't the right way? Are we lost?" Tanong ko sa kaniya habang hindi ko maiwasang mapalinga sa labas ng bintana.
"Just wanna spare some little time." Tipid na sagot niya at as usual ay blanko na naman ang ekspresyon niya.
Medyo naiinis na ako kanina pa dahil kung hindi ako magsasalita o magtatanong hindi man lang siya iimik. Hindi naman siya ganito sa akin noon. Mukhang nakalimot na nga talaga siya.
But still, masaya na rin ako sa ganito. Tingin ko kahit papa'no pasasalamatan ko na rin si Ellisse kahit na malaki ang galit at inis ko sa kaniya. Pinagbintangan ba naman ako at sa harap pa talaga ni Renzo. Akala ko nga mabubuking na ako ng wala sa oras, pero mukhang umaayon sa akin ang panahon at hindi ko maiwasang mapangisi dahil sa mga nangyayari.
Medyo nagtataka lang ako dahil wala pa rin akong natatanggap na text galing sa kapatid ko. Ang huling sinabi niya lang sa akin ay kailangan niyang kunin ang listahan habang wala ang Commander sa HQ. Ang sabi pa niya, siya na rin daw ang bahalang magligpit sa Ellisse na 'yon kapag nakuha na niya ang kailangan niya. Iniisip ko pa lang na pagbalik namin, bangkay na ng Royal Knightress ang makikita ko, tuwang-tuwa na ako.
Papunta kasi kami ngayon sa Serpent Dark House, kung saan idinadala ang mga bangkay ng mga prominenteng tao na napapatay ng Serpent. Ang sabi kasi ni Renzo, may kailangan siyang makausap habang ako na ang bahalang magdala ng mga secret files sa lab. Hindi ko maiwasang mapangisi habang iniisip ko na magkakasama kami ng buong araw.
Napasulyap ako sa kaniya na seryoso at ang buong atensyon ay nasa daan. Kahit saang anggulo nahuhulog 'yong puso ko sa kaniya. Sinisiguro ko na mapapasaya kita, and I will love you for the rest of my life, Renzo. Gagawin ko ang lahat para lang mapansin mo ako, para lang piliin mo ako dahil wala ng ibang babae ang magmamahal sa 'yo ng sobra at totoo tulad ng pagmamahal ko.
"Nasaan tayo?" Tanong ko nang itigil niya ang kotse sa isang hindi pamilyar na lugar.
"See it yourself." Napakunot-noo akong napatingin sa kaniya na hanggang ngayon ay blanko parin ang ekspresyon. Nauna siyang lumabas kaya naman sinundan ko siya at natigilan ako nang makita ang isang pamilyar na luma at malaki-laking bahay.
"B-bakit nandito tayo? A-anong gagawin natin dito?" Naguguluhan kong tanong habang pilit na itinatago sa loob ko ang galit.
Ilang taon na ang nakalipas simula nang iwan kami nila mama at papa sa bahay na 'to pero hanggang ngayon maliwanag padin sa utak ko ang buong pangyayari noong iniwan nila kami.
"Have you forgotten, Lianne?" Para akong natigilan sa tanong niya. He said my name. Finally, he said it once again. "Your past, and how we met."
Flashback
Noong araw na iniwan kami nila mama, halos hindi ako makakain ng maayos at hindi makatulog. Abala si ate sa paghahanap buhay pero alam ko na kahit siya nahihirapan din, sobra-sobra. Lumaki akong palakaibigan, masayahin at mapagbigay pero lahat ng 'yon parang bulang naglaho simula noong malulong si papa sa bisyo.
Lahat ng kinikita niya kung hindi niya ipantataya sa lotto, ibubuhos niya lahat sa casino at pambababae pati ang pagdo-droga pinasok niya. Mahal na mahal siya ni mama pero hindi sapat 'yong pagmamahal niya dahil sa huli iniwan niya kami. Umasa kami ni ate na kahit paano maayos padin kami pero ang totoo wala na talaga. Hanggang isang araw, umalis si papa ng bahay ng wala man lang iniiwang pera o kahit na ano.
Umasa ako noon na babalik pa siya pero hindi na siya nagpakita sa amin kahit kailan. 'Yon ang masakit na ending ng pamilya namin. Kung paanong lumaki ang isang mabuting bata mula sa isang masaya at mapagmahal na pamilya hanggang sa mamulat siya sa isang marahas na mundo. Isang marahas na mundo na minahal ko at simula 'yon noong magtagpo ang landas namin ni Renzo.
...
"Excuse me?" Napalingon ako at nakita ko ang isang lalaking nakasuot ng itim na hoodie at cap. Hindi ko gaanong maaninag ang mukha niya dahil sa mask na suot niya.
"You dropped this." Sabi niya tiyaka iniabot sa akin ang bracelet na bigay ni papa. Kinuha ko 'yon, at paalis na sana siya nang biglang umalingawngaw sa paligid ang isang putok ng baril.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko hanggang sa naramdaman ko na lang ang kamay niyang mahigpit na nakahawak sa kamay ko. Parang may kung ano akong naramdaman dahil sa ginawa niya, hindi ko na rin namalayan ang mga pangyayari sa paligid dahil sobrang bilis ng bawat eksena.
"F*ck!" Mura niya nang tumigil kami sa isang makipot na eskinita. Inis niyang tinanggal ang cap na suot niya sunod ng kaniyang mask. Parang bigla na lang bumilis 'yong pintig ng puso ko nang makita ang kabuuan ng mukha niya.
"Stay here." Sabi niya nang hindi tumitingin sa akin at paalis na sana nang hawakan ko ang braso niya para pigilan siya.
"S-saan ka pupunta?" Kung pwede ko lang sabihin na huwag niya akong iwan dahil natatakot ako.
"I'll----"
"Sasama ako." Desidong sabi ko nang hindi binibitawan ang braso niya.
"You can't." Walang emosyong sabi niya pero hindi ako nagpatinag. Hindi ko siya binitawan at nanatiling nakatingin sa nakakatakot niyang mga tingin.
"Hindi mo 'ko pwedeng iwan dito kaya sasama ako sa 'yo." Pagpupumilit ko. Magkakasunod na putok ng baril ang narinig namin hanggang sa hindi ko na namalayan na bigla na lang niyang isinuot sa akin ang cap niya tiyaka hinila ang kamay ko patakbo.
Wala man akong kamalay-malay sa mga nangyayari, pero isang bagay lang ang maliwanag sa akin. Siya ang unang taong nakapagpangiti sa akin matapos ang mapait at malungkot na ala-alang dinanas ko.
Si Renzo ang nagdala sa akin sa mundo niya at nagulat na lang ako isang araw na pati si ate ay nakapasok na rin sa Serpent, pero ang sabi niya kailangan naming magpanggap na hindi magkakilala para sa kaligtasan naming magkapatid.
Nakilala kasi ni ate ang leader ng Korbin at kailangan niyang maging spy. Alam kong kalaban si ate una pa lang, pero kapatid ko siya at hindi ko kaya na pati siya ay mawala sa akin kaya hinayaan ko nalang siya sa ginagawa niya, hanggang sa ipinakilala niya rin ako sa Korbin at naging miyembro ng samahan nila.
Ayokong itago kay Renzo ang tungkol sa koneksiyon namin sa Korbin, pero wala akong magawa dahil lagi akong pinipigilan ni ate sa tuwing binabalak kong magsabi ng totoo. Naisip ko rin na baka sa tamang panahon, maiintindihan din ni Renzo kapag sinabi ko sa kaniya.
Naging malapit kami na halos magtaka ang ibang tao sa headquarter dahil madalas ako lang ang laging kinakausap ng Commander. Ako ang madalas na kasama niya at sa panahong 'yon mas lalo akong napamahal sa kaniya. He saved me from the darkest part of my life kaya utang ko sa kaniya ang buhay ko.
Kung hindi lang sana siya umalis noon....at kung may kakayahan lang sana akong sundan siya sa New York. He left without words. Kaya noong bumalik siya halos hindi ko alam kung paano ko siya lapitan dahil sobrang nagbago siya. Pero hindi na 'yon ang mahalaga ngayong kasama ko na ang taong matagal ko ng hinihintay, ang lalaking nagbigay buhay sa puso kong malapit ng mamatay noon.
End of Flashback
"N-naaalala mo pa pala 'yon." Hindi ko maitago ang ngiti ko. You have to remember me. Ako 'yong babaeng mahal na mahal ka.
"I haven't forgotten a single thing about you." Natigilan ako at napatingin sa kaniya na nauna ng naglakad papasok ng bahay.
Naguguluhan man ako, sinundan ko siya papasok. Nahagip kaagad ng mga mata ko ang lumang piano na nasa bahay. Lumapit ako rito at sinimulang tumugtog.
"Hindi ba ito 'yong paborito mong tinutugtog noon?" Nakangiting tanong ko habang marahang pinipihit ang keyboard na siyang gumagawa ng magandang ingay sa loob ng sala kung nasaan kami. Siya ang unang lalaking nakasama kong tumugtog sa maze's basement. Kahit sandali lang 'yon, hindi ko 'yon makakalimutan.
Tumingin ako sa kaniya na malamig ang mga tinging pinagmamasdan ang kamay ko. Lumapit siya sa akin tiyaka ako tinabihan. Palihim akong napangiti. I want to stay like this forever. With you. Only you, Mikael Lorenzo Hilton.
"This is how you're supposed to play a song, Lianne." Ang bilis ng tibok ng puso ko, pakiramdam ko nga pati siya naririnig niya. Ang ganda ng ugatang kamay niya, napapangiti ako sa bawat pagpihit niya sa keyboard.
Napatingin ako sa kaniya nang tumigil siya. "You know what's the worst kind of love you can give to a person?" Tanong niya tiyaka ako tiningnan. Hindi ko maipaliwanag ang mga tingin niya, hanggang ngayon napaka-misteryoso parin niya.
"A heedless love...it's worst than a million times of committed crimes." Hindi ko alam kung ano ang sinasabi niya hanggang sa tumayo siya tiyaka ako tinalikuran.
"A-ano bang sinasabi mo, Comman----" Natigilan ako nang humarap siya kasabay ng pag-kasa ng baril tiyaka 'yon itinutok sa akin.
"I have already gave you a chance to speak up the truth, but you ignored it. Did you know how many times you have proven to me what kind of person you really are, Ms. Salvador?" Natigilan ako sa sinabi niya.
"A-anong----"
"Drop the act, stupid." Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya.
"A-alam mo na lahat?" Ang tanging naitanong ko.
"You belittled me too much, Lianne, and now it's time you must suffer the consequence of your bullsh*t crime." Ngayon maliwanag ng nakikita ko sa mga mata niya ang galit.
"C-crime? No...Wala akong ginagawa, Renzo." Umiling ako tiyaka tumayo pero tumigil din ako nang mapansin ang paghigpit ng hawak niya sa baril. Mabilis na namuo ang luha sa mga mata ko.
"All I did is to ask my sister to eliminate your opponent. I helped you. Isn't Ellisse Zerina your oppo---"
"Hell it's f*cking you!" Napadaing ako sa sakit nang tamaan niya ang kaliwang braso ko.
"She's not you, stupid, and you'll never be her." Mariing wika niya na tumagos sa dibdib ko. "Hurting her is like calling the devil to summon death for you."
ELLISSE ZERINA
"Where do you think you're going, Ms. Lorico?" Nakakunot ang noong tanong ng Royal Chief aktong lalabas pa lang ako ng sasakyan.
"Ilang beses ko bang kailangan ulitin ang titulong hinahawak ko sa Serpent?" Matamang sagot ko sa kaniya bago ako tuluyang nakalabas.
"Kami na ang-----"
"Shut up." Pagpigil ko kay Jinno bago pa man niya ako pigilan. Kaya nga ako sumama sa kanila 'di ba? Ano ako? Sumama lang para maging audience nila? Tss.
"Ako ang sasama kay Ms. Lorico sa loob. Jinno at Friza, kayo ang back-up." Ma-awtoridad na saad ng Royal Chief.
"Hindi mo dapat kinakalimutan magdala ng kahit na anong armas sa tuwing sasabak ka sa ganitong labanan. The enemy is just around so be cautios, Ms. Lorico." Saad niyang muli pagkapasok namin sa isang may kalakihang bahay.
Iniabot niya sa akin ang baril na siya namang kinuha ko. Kanina, pagkapasok pa lang namin hindi na naging maganda ang pakiramdam ko, para bang ang daming matang nakamanman sa amin.
Napatigil kaming apat sa paglalakad nang biglang umalingawngaw sa buong kabahayan ang isang putok ng baril mula sa itaas na bahagi ng bahay. D*mn it! Bigla na lang akong kinabahan kaya napahigpit ang hawak ko sa baril.
"Are you ready to take all the responsibility of defying Renzo's command? You can still turn back, hindi pa naman huli ang lahat." Paalala ni Tyler na parang binabalaan ako na hindi maganda ang posibleng resulta ng desisyon ko.
Sa halip na sumagot ay nagpatuloy ako sa paglakad hanggang sa makarating kami sa itaas kung nasaan makikita ang living room.
"Hindi, Renzo...Hindi mo ako kayang patayin. Kilala kita, at alam ko na hindi mo 'yon kayang gawin. You are ruthless, but you can't just take my life dahil alam ko na kahit paano nagkaroon ako ng mahalagang parte sa buhay mo." Napatigil ako nang makita sila. Nakatalikod mula sa kinatatayuan namin si Renzo habang si Lianne ay nakaharap sa kaniya.
Ano ang pinagsasasabi ng babaeng 'to? Lumandi pa talaga ngayong mamatay na siya. Tss.
"You're too stupid to assume that you became part of my life when in fact, I only didn't have a choice back then but to let you do your thing. You should ask my secretary who was the one who begs me to spare you despite witnessing what happened the day you thought I saved you from the shooting." Kasabay ng katagang binitawan niya ang pagkalabit niya sa gatilyo ng baril na tumama sa kanang braso ni Lianne. She groaned but I bet, Renzo doesn't mind at all.
"D*mn. This is a trap." Napatingin ako sa Royal Chief nang madiing magsalita ito pero naagaw ng buong atensyon ko ang isang putok ng baril na halos nagpatigil sa akin. Para akong na-estatwa nang makitang nabitawan ni Renzo ang hawak niyang baril.
"Move!" Nauna ang Royal Chief sa pag-kilos para paputukan ang mga kalalakihang biglang nagsilabasan sa iba't ibang parte ng bahay. Hindi ko na alam kung paanong walang bala ang tumama sa akin habang mabilis kong tinahak ang daan palapit kay Renzo.
I held his arm paharap sa akin. Pati kamay ko nanginginig dahil sa dugo ng sugat niya, "D*mn it! You're bleeding too much!"
"F*ck, Zerina. What the hell are you doing here?" May halong inis sa boses niya, pero hindi ko na pinansin pa.
"F*ck you, b*tch!" Parehong naagaw ng atensyon namin si Lianne na aktong ihahagis na niya sa akin ang isang bagay na dinampot niya mula sa likod niya nang mabilis siyang hinagisan ni Renzo ng dagger na tumama sa kamay niya dahilan nang mabitawan niya ang hawak niya ring dagger.
Mabilis na inagaw ni Renzo sa kamay ko ang baril na dala ko, pero mabilis kong hinawakan ang braso niya para pigilan siya. He intently looked at me, pero umiling lang ako, "Let me deal with this."
Mukhang wala siyang balak ibalik sa akin ang baril kaya ako na ang kumuha nun sa kamay niya. Hinarap ko ang bwiset na babaeng tinitiis ang kirot ng natamo niyang saksak.
"All cleared." It was Tyler who arrived after killing the assholes in the other part of the house.
"Pinapahanga mo ako sa pagiging desperada mo." Nakangising saad ko kay Lianne na mahahalatang ikinainis niya.
"Manahimik ka! Hindi mo alam ang sinasabi mo kaya h'wag kang umakto na parang alam mo ang lahat!"
Nakakatawa ang hitsura niya. Wala pa akong ginagawa pero inis na inis na siya. Oh d*mn this b*tch. Ganito pala talaga ang pakiramdam kapag harap-harapan mong nakikitang naiinis sa 'yo ang taong kinaiinisan mo.
"Sa likod ng mala-anghel mong mukha, sino ang mag-aakalang may nakakubling ka-demonyohan sa loob mo?" Humakbang ako palapit. "You're a Serpent...a fake one to be exact kaya hindi na ako magtataka kung bakit makitid ka mag-isip." Pang-aasar ko sa kaniya na parang nandidiri.
Ayoko ng magpaligoy-ligoy pa kaya naman diniretsa ko na siya. "Alam na ng lahat ang tungkol sa 'yo at sa hipokrita mong kapatid kaya itigil mo na 'to kung ayaw mo na ako mismo ang pumatay sa 'yo." Pagbabanta ko nang malakas siyang tumawa na parang baliw.
What the hell? She could still laugh after all the shits she has done to me?
"Talaga, Ellisse? Tingin ko nga pati ang simpleng pagkasa ng baril hindi mo alam gawin." Natatawang saad niya ng may pangungutya. Napataas ang kilay ko at mas lalong lumawak ang ngisi ko. Mocking me is the last thing she would regret.
"Alam mo kung saan ka banda palyado, Lianne?..." Humakbang pa ako sa kaniya tiyaka ikinasa ang baril. "...Ang pahalagahan ang isang taong wala naman talagang pakealam at interes sa 'yo. Lumalaban ka para sa sarili mo at para angkinin ang bagay na kahit kailan hinding-hindi magiging sa 'yo...Do'n pa lang talo ka na." Diretsa ko sa kaniya nang hindi inaalis ang mga tingin ko sa mga mata niya. Words can kill at maliwanag ko 'yong nakikita sa mga mata niya. Kung paano siya natamaan sa sinabi ko. I smirked. Seeing her annoyed look satisfies me.
"Ang isang assumera katulad mo ay walang lugar sa Serpent." Dagdag ko tiyaka ko itinutok sa kaniya ang baril na hawak ko.
"D*mn you, Ellisse Zerina!" Nagngingitngit na mura niya sa akin na nginisian ko lang.
"D*mn you too."
Hindi ko na namalayan ang mabilis niyang pag-hawi ng kamay kong may hawak ng baril kasunod ng pagtusok ng isang matalim na bagay sa tiyan ko at ang pag-hugot nito. "D*mn!"
"Zerina!"
"Sige Renzo! Subukan mong lumapit kung hindi tutuluyan ko ang babaeng 'to!" Pagbabanta niya habang nakatutok sa akin ang kutsilyo na may dugo pa.
D*mn ang sakit! Napahawak ako sa sugat ko't napangiwi at mula sa palad ko nakita ko ang dugo.
"Ang kalabanin ako ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa mo sa buong buhay mo." Naghalo na ang galit, sakit at inis sa loob ko. Kahit pa nakatutok ang kutsilyo sa akin. Buong lakas ko siyang itinulak. Kaagad ko siyang nilapitan at hinila ang buhok niya.
"D*mn you, Ellisse! Let me go!" Hinigpitan ko ang pagkakasabunot ko sa buhok niya tiyaka buong lakas na itinulak ang ulo niya dahilan nang matama ang mukha niya sa lampshade. Nakatalikod siya sa akin kaya naman sinipa ko ang likod niya dahilan nang mapaluhod siya. Kinuha ko ang baril na nabitawan ko kanina tiyaka 'yon itinutok sa kaniya.
"Better know what your opponent is capable of before making a stupid move." Kaagad kong ipinutok ang baril sa kaniya na tumama sa likod niya dahilan nang tuluyan na siyang napahiga. Mahigpit kong hinawakan ang baril ko, at muling ipinutok sa likod ng ulo niya hanggang sa tuluyan na siyang nalagutan ng hininga. "That's for daring to eliminate me, stupid."
"That's my Queen" Napalingon ako nang magsalita si Renzo. Nakangisi siya at parang wala man lang nangyaring bakbakan. Sa inis ko ay dinampot ko ang flower vase na nasa tabi ko tiyaka 'yon inihagis sa kaniya pero nailagan lang niya.
"What the hell was that for?"
"Nagtatanong ka pa? Kung hindi pa kami sumunod dito malamang bangkay ka ng madadatnan ng Serpent!"
"What?" Natatawa pa niyang tanong. Ang sarap sipain ng sugat niya. "What made you even think that these assholes can kill me? And Lianne? I can kill her whenever I want to..."
"Then why didn't you eliminate her in the first place? Alam mo naman na lahat 'di ba simula pa lang? Ang dami mo pa kasing alam." Inirapan ko siya, tiyaka pinulot ang baril na nahulog niya kanina.
Paalis palang sana ako para lampasan siya nang bigla na lang may kung sinong nagtakip sa ilong ko at humila sa braso ko.
"F*ck, Zerina!"
Ang bilis lang ng pangyayari. His words was the last thing I heard at mukha niya ang huling nakita ko bago ako dalawin ng matinding antok. Akala ko ba tapos na? Akala ko ba okay na?
FRIZA GONZALES
Natigilan ako nang bigla na lang sumulpot ang isang lalaki mula sa mataas na bookshelf na hindi mo mapapansing may nakatago. Unang tingin ko pa lang sa kaniya nakilala ko na kung sino siya kahit pa nakatakip ng mask ang ibabang bahagi ng mukha niya. P*tang inang 'to.
"Long time no see, Mr. Hilton."
Inihanda namin nila Jinno ang baril, pati si Commander ay mahigpit na itinutok niya ang baril na mabilis hinagis sa kaniya ng Chief.
T*ng inang 'to, 999 times.
"LET HER GO." Mabigat at nagbabanta ang boses ni Commander, pero ang p*tang inang lalaki, hindi man lang nadala.
"H'wag mong idamay si Ms. Lorico rito, Dwight Kean. Binabalaan kita." Pagbabanta ng Royal Chief na mukhang kabisado kung sino ang taong nasa likod ng mask.
"Chill down, couz. I won't do any harm on her...unless she would try to mess up with me." Mahigpit akong napahawak sa baril ko dahil sa makahulugang sinabi niya.
H'wag lang talaga niyang gagalawin si Ellisse dahil makikipaglaban ako sa kaniya hanggang kamatayan hanggang dumaloy ang dugo niya sa mga kamay ko.
"Wanna play a game, Commander?" Mapaglarong hamon niya.
"If disappointment is what you are looking for, you shouldn't play a game with me to begin with, Dwight Kean. Devil is the most tough opponent." Simpleng sagot ni Commander pero mababakas ang mariing pagbabanta sa sinabi niya.
"We. So....devils, Commander. Devils."
Mahigpit niyang hinawakan si Ellisse. Wala kaming nagawa kahit si Commander ay hindi makalabit ng basta-basta ang gatilyo dahil hawak ng tarantadong si Dwight Kean ang kaibigan ko. Hanggang sa makalabas kami ay alerto lang kaming nakasunod sa kanila.
Nang makita kami ng ibang Serpent Members sa labas kaagad nilang itinutok ang hawak nilang mga baril sa target.
"HOLD YOUR FIRE!" Ma-awtoridad na utos ng Royal Chief.
Nakita ko ang paghugot ng dagger ni Commander mula sa likod niya nang pigilan siya ng Royal Chief. Sigurado ako na kanina pa siya nagngangalaiting pumatay. Wala kaming nagawa hanggang sa isakay papasok sa kotse si Ellisse.
"Renzo!" Sigaw ng Royal Chief nang mabilis na naglakad paalis si Commander.
"Don't f*cking follow me!" Pagbabanta niya bago tuluyang sumakay sa sasakyan tiyaka 'yon pinaharurot paalis.
Lahat kami ay walang nagawa kung hindi hayaang makaalis sila.
CARLOS BEAURIX MORALEZ
Kaagad kong i-dinial ang numero sa extra phone ko habang tinitingnan si Alexies Salvador na naka-disquise pa talaga habang may kung anong binibili sa convenience store.
[What the f*ck do you want this time, motherf*cker?!] Malutong na mura ang bumati sa akin kasama ng tunog ng humaharurot na kotse. Kinagat ko ang berdeng mansanas bago sinindihan ang stereo ng kotse.
"Kita ko na si Alexies."
[F*ck you! Then just f*cking kill her.] Mainit ang ulong sagot niya, mukhang may hinahabol. Hindi pa man ako nakakasagot pinatayan na ako ng tawag.
Kung bastos nga naman talaga ang kausap. Napailing nalang ako't hinagis ang phone sa passenger's seat.
Sa halip na bumaba at diretsuhing asintahin ang target ko. Minabuti ko nalang umalis bago pa niya mapansing may nakasunod sa kaniya.
Hindi ko pa ubos ang mansanas ko. Ang swerte naman niya kung uunahin ko siyang tapusin kaysa ubusin ang pagkain ko.
Habang nagda-drive, tumunog ang phone ko. Inabot ko ang kaninang hinagis ko sa passenger's seat, pero hindi pala 'yon ang tumutunog kung hindi ang isa ko pang phone na nasa dashboard.
"Problema?" Tanong ko sa kabilang linya nang sagutin ko ang tawag.
[G*go ka, Rix! Nasa'n ka na naman ba? Kanina ka pa hinahanap ni Chairman. Kailangan ka raw sa CIT!] Napakunot ako dahil nakakarinig pa ako ng mga putok ng baril sa kabilang linya. Mukhang sinugod nga ng kalaban ang HQ. Tulad nga ng sinabi ni Ellisse. Tsk.
"Pabalik na. May lilinisin lang na kalat."
Ibinaba ko kaagad ang tawag at mabilis na pinihit ang gas pedal para magpahabol sa itim na kotse na kanina pa sumusunod sa akin. Ang mga bobo, naghabol naman.
Pinasok ko ang makipot na daan na sakto lang ang kotse. Ipinarada ko sa tabi at hinintay na gano'n din ang gawin ng mga asong naghahabol. Lumabas ako ng kotse nang mapansin mula sa rear view mirror ang pag-labas nila ng sasakyan.
Sabay-sabay pa ang mga nag-aangasang lalaki sa pag-kasa ng baril, pero bago pa man nila maiputok ang mga armas nila sa akin, mabilis at isa-isa silang bumagsak dala ang tama ng baril na saktong-sako sa noo nila.
Ibang klaseng sniper. Walang kupas. Napa-sipol ako't bumalik sa sasakyan.
"Salamat, Pat"
[Tss. Sa susunod na magpapatulong ka, may kapalit na...Let's get back together, Beaurix.] Sagot ng nasa kabilang linya ng earpiece. Mahina man siyang natawa, alam ko kung kailan niya dinadaan ang totoo sa biro.
[By the way, babalik ka na ba agad sa Serpent HQ?]
"Kung aayain mo akong mag-motel, oo, babalik na ako sa HQ." Pabiro pero walang ganang sagot ko na mahina niyang ikinatawa.
[You're crazy as ever. Take care then. If you ever need my help again. You know, I'm just one call away.]
"Ge. Ingat sila sa 'yo."
Tinanggal ko na ang earpiece at itinapon 'yon sa labas, bago sinindihan ang makina ng kotse paalis.
Pinasadahan ko pa ng tingin ang mga lalaki mula sa rear view mirror. Malakas din pala ang pakiramdam ng Alexies na 'yon. Akalain mong nag-utos kaagad ng mga tao niya para iligpit ako. Tsk. Sa susunod, ipapaligpit ko na rin talaga ang babaeng 'yon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top