Chapter 3


Serpent Headquarter

FRIZA GONZALES 


"Hey, Friz! Nandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap." Pagtawag ni Creid nang maabutan akong naglalakad sa hallway ng headquarter. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. Wala ako sa mood para dumada ngayon. Nang marating ko ang isang kwarto, huminga muna ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko pero hindi parin mawala ang inis na kanina ko pa gustong ilabas.


"Pinapatawag ka nga pala ni Jin---" Naputol ang sasabihin ni Creid nang malakas kong sinipa ang pinto ng kwarto na siyang umagaw sa atensyon nilang lahat na nasa loob. Pakealam ko kung pinapatawag ako?! 


Lahat sila ay nasa akin ang atensyon maliban sa nag-iisang lalaking nasa last center part ang puwesto. Mas lalong nabuhayan ang inis ko kahit na hindi ko pa man siya tuluyang nalalapitan.


"Hey, Friz, ang ganda mo---"


"T*ngina mo, Nickolas Patrick! Tumabi ka!" Dahil sa inis ko ay hinawi ko ang mukha ni Nickolas na paharang-harang sa daan. Kitang wala ako sa mood, nakuha pang humarang.


"G*go maharas"


"Hoy, Beaurix!" Sigaw ko sa lalaking nasa dulo at prenteng nakaupo. Alam kong gulat sila sa pagi-iskandalo ko ngayon sa team nila pero wala akong pakealam. Sino ba naman ang magtatangkang sigawan ang ginagalang nilang technical head kung hindi ako?


"Masyado mo namang dinudumihan ang posisyon ko, Friz. Nakakahiya sa mga tao ko." Nakangisi pa niyang sagot. Ang sarap niya murahan ng t*ngina 999 times.


"Ikaw lang ba ang kaibigan ni Ellisse, huh? Ni hindi mo man lang kami sinabihan na darating siya ngayon!" Inis kong sigaw sa kaniya.


"What?" Kahit si Creid ay mukhang hindi makapaniwala sa narinig.


"Darating si Ellisse?" Dagdag pa ng g*gong si Nickolas. Ano 'to? Kunwari hindi nila alam? Tss, mga t*ng ina sila.


Kung hindi dahil kay Axcel na nakarinig ng usapan ni Ellisse at Rix sa phone, hindi ko malalaman. Isa sa pinakahihintay namin ang pagbabalik bansa niya at naiinis ako dahil hindi ko kaagad nalaman at ang mas lalo pang nakakainis do'n? Hindi man kami sinabihan ni Ellisse. Ang alam lang namin choice niya na umalis noon ng bansa. Wala na kaming narinig na balita simula noon, tapos ngayong babalik siya wala ring pasabi? Hindi ba nakaka-t*ng ina 'yon? Kaibigan ka pero hindi ka updated.


"Kumalma nga kayo, surprise dapat 'to eh." Sa mukha ni Rix hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa sinasabi niya. Surprise? Hindi gano'n si Ellisse. Hindi 'yon mahilig sa sorpresa.


"Lagot ka kay Dhale, Rix kapag nakarating 'to sa kaniya." Banta ni Creid na nakapamulsa habang nakasandal sa pader.


"Oh ngayon anong balak ninyo huh? Maghintayan na lang tayo rito?" Sarkastiko kong tanong sa kanila na mukhang mga walang planong gumalaw. Umagang-umaga pinapaiinit nila ang ulo ko.


"Easy, Friz. Darating na 'yon mamaya kasama si Axcel. Siya kasi ang nag-prisinta na susundo. Sinabihan ko siyang ihatid muna si Ellisse sa apartment mo."


Halos manlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. "P*tang ina, Carlos Beaurix? Hindi ka ba nag-iisip?!" Dahil sa inis ko ay hindi ko na napigilang lumapit sa kaniya pero mabilis akong nahawakan ni Creid at Nick para pigilan ako.


"Ano ba?! T*ng ina bitawan ni'yo nga ako!" Pagpupumiglas ko pero malakas silang dalawa kaya hindi ako makawala. Mga t*ngina nila, magsama silang tatlo.


"Ano ba kasing ikinakagalit mo? Kaya ko nga sa apartment mo pinatuloy si Ellisse kasi surprise nga dapat 'to." Pagpapaliwanag niya na mas lalong ikinainis ko. Minsan talaga hindi rin nagiisip 'tong si Rix. 


"O-oo nga, tama si Rix, Frix. S-surprise dapat. Para kapag binuksan ni'yo 'yong pinto. Lights on, edi s-surprise!" Pangga-gatong pa ng bwiset na si Nickolas.


"Pwede bang bitawan ninyo ako?!" Nasasagad sa inis kong sigaw sa kanila ni Creid tiyaka buong-lakas na hinawi ko ang mga kamay nila at nang makawala ako ay kaagad kong nilapitan si Rix.


"Bago mo naisip na i-surprise kami, naisip mo rin ba kung ano ang sorpresa na bubungad kay Ellisse sa apartment ko, huh?" Nagpipigil na tanong ko habang ang mga kamay ko ay nakakuyom. Konting konti na lang talaga dadapo na 'yong kamao ko sa mukha niya.


"Ano bang mayro'n do'n?" Halos mapasabunot ako sa buhok ko dahil sa napaka-inosenteng sagot niya.


"Nando'n lahat ng baril ko, Carlos Beaurix! Bomba at mga armas ko! T*ng ina ka!" Sigaw ko na hindi niya inaasahan. Madalas hindi talaga mawari kung nag-iisip ba si Rix o kung naka-trip lang talaga siya. Nakaka-tang ina ang ugali niya, 999 times.


"Hindi ba na-sorpresa ka sa sarili mong surprise? Tss! T*ng ina." Iniwan ko sila tiyaka padabog na sinara ang pinto.


Alam ni Ellisse ang tungkol sa mga samahan tulad ng Serpent Society, pero hindi niya alam na kabilang kami samahan at alam ko na ang magiging reaksiyon niya oras na malaman niya ang tungkol sa amin at 'yon ang ayokong mangyari. Sigurado ako na taliwas siya sa pamamalakad ng samahan, at kahit na gusto kong ipaintindi sa kaniya, alam ko na hindi 'yon magiging madali at posibleng magiging malabo lang ang lahat.




ELLISSE ZERINA 


"...Please have your boarding pass and identification ready. Regular boarding will begin in approximately..."


Hindi ko sukat akalain na susunod din ako sa pagbabalik bansa ni Ash dahil sa special task na na-assigned sa akin. I should be happy pero sa tuwing naiisip ko ang kondisyon ng task, nababahala ako. Ano mang pagkakataon, maaaring mawala sa akin ang lahat ng pinaghirapan ko para lang sa posisyon ko at 'yon ang ayokong mangyari.


"Ellisse!!" Inilibot ko ang tingin ko para hanapin kung sino ang tumawag sa pangalan ko.


"Sa gwapo ko ba namang 'to, hindi mo 'ko agad nakita?" Napatingin ako sa tabi ko at bumungad sa akin si Axcel na nakapamulsa't nakasuot ng shades, denim jacket at pants. The typical Axcel Naugsh. Tumangkad lang talaga siya at...well being a good-looking guy is given, let's just add few of it. Napakunot ako nang mapansin kong taas-baba ang tingin niya sa akin.


"Mukha ka ng chix, Ellisse. H'wag kang 'papakita kay Creid, baka isali ka niya sa mga target niyang babae." Akala ko naman kung may sense ang sasabahin niya.


"Hinahabol ko ang oras ko, Axcel. Tara na." Walang buhay na sagot ko sa kaniya tiyaka siya tinalikuran at iniwan ang maleta ko sa harap niya.


"Hoy, Ell! Teka lang naman!" Pagtawag niya sa akin pero hindi ko na inabala pang lumingon hanggang sa naabutan din niya ako.


"By the way, where's Tanya?" Tanong ko tiyaka siya tiningnan. Inaasahan ko ng magbabago ang ekspresyon ng mukha niya pero wala namang kaiba do'n. Either sila na ni Tanya at LQ sila ngayon o may ibang boyfriend si Tanya dahil hanggang ngayon ay torpe parin 'tong si Axcel. Tss. 


"Hindi niya alam na darating ka." Sagot niya makalipas ang ilang segundo nang makarating kami sa parking lot kung nasaan ang kotse niya.


"Hindi sinabi ni Rix?" Nagtatakang tanong ko. Ang alam ko ay sinabihan niya ang lahat.


"Surprise raw." Nakangiti pa niyang sagot tiyaka kumindat. Ibig sabihin, walang nakakaalam maliban sa kanilang dalawa ni Rix? I think that would be better.


Actually si Rix lang ang sinabihan ko. I didn't even call my own brother. Hindi dahil sa ayokong umuwi sa amin o ayokong makita ang pamilya ko. I came back, yes but to fulfill a special task at tingin ko baka mag-karoon lang kami ng conflict ni Kuya kapag sinabi ko sa kaniya ang tungkol sa task at sa kondisyon nito. Bahala na, kauusapin ko nalang din siguro si Rix at ang iba na h'wag na munang ipaalam. Hindi lang 'yon, I knew I have a lot of thing I must explain to my friends once I meet them. 


"Biglaan yata ang uwi mo." Pag-iba niya sa usapan nang paandarin niya ang kotse. Isinandal ko ang ulo ko sa headrest tiyaka bumuntong hininga. Ngayon ko na ramdam ang pagod sa biyahe.


"Let's just say, I have to execute a high-risk operation." Simpleng sagot ko. Gusto ko munang isantabi lahat ng nasa isip ko pero sa tuwing naaalala ko ang tugkol sa gagawin ko parang napipiga 'yong utak ko.


"Ano? High-risk operation? Nagbibigay ng gano'ng task ang MCA?" Natatawa niyang tanong habang diretso ang tingin sa daan.


"Hindi ko rin alam kung bakit tinanggap ko ang offer na 'yon." Walang gana kong sagot. Masiyado akong na-excite na halos hindi ko na naisip ang risk ng gagawin ko. Ngayon, wala ng atrasan. Nasa akin na lang kung isusuko ko ang posisyon ko bilang secretary o gagawin ko ang task para manatili sa MCA.




Serpent Headquarter

DHALE TIZUAREZ


"Does our time worth investigating this case, Miss Tizuarez?"


"This is a serious case, Chief. We can't let this slide. There may be a huge possibility that there's something deep behind this matter." I asserted but all I can see on his face was dissatisfaction. Alam ko na hindi ito magiging madali una pa lang. I don't have enough solid proof but I believe in my intuition. Hindi ako pwedeng magkamali.


"Clear out this mess, Jinno. I don't need an opinionated case anymore. Make this your last, Miss Tizuarez." Ma-awtoridad na utos niya tiyaka ako tiningnan na puno ng disappointment ang mga mata niya bago siya tumayo para umalis. I know this would happen and I have to stick and fight for my findings.


"Royal Chief, we first need to know the viewpoint of the defendant. You can't kill him this instant." I defended. It is my responsibility as the head researcher of the Serpent Society—to provide solid facts about people because that detail is what their life depends upon.


"I already warned you. STOP MAKING FALSE ACCUSEMENT. You have no right to judge the fate of an accused or fight for the fact that you think is the truth. You are just a researcher, Miss Tizuarez. Baka nakakalimutan mo kung nasaan ka."


His sharp words was like a strike on me. I've been expecting this and it hurts my pride more than I expect. Ano nga naman ang magagawa ng isang head researcher sa isang royalty, kay Mr. Stanford na ikalawa sa kasalukuyang pinakamataas na namamahala sa Serpent?


Gusto kong magpaliwanag dahil hindi magbabago ang pananaw ko sa bagay na nalaman ko tungkol sa human organ trafficking. That was the case I wanted to take part in but they don't let me prove my point and clear the probability.


Hindi ako pwedeng umangal sa desisyon mula sa itaas dahil para ko na rin inilagay sa bingit ng kamatayan ang buhay ko. However, their authority won't change my dedication to prove the fact regarding the organ trafficking for the sake of innocent people who could get involve through this matter.


Habang inaayos ko ang mga documents na nasa mesa napatingin ako sa pinto nang may kumatok. My heart suddenly skipped to beat as I saw him but I immediately went back to what I was doing. Focus, Dhale. Focus.


"Kailan ko kaya makikita 'yong ngiti mo sa tuwing ako 'yong makikita mo?" Matalim ko siyang tiningnan pero hindi siya natinag dahil nanatili lang ang nakakaasar niyang ngisi sa mga labi niya na sobra kong kinaiinisang makita.


I knew he will never stop once he started to ruin my mood. Nakahalukipkip siyang lumapit sa akin with his playful grin from his lips. Alam ko na kung saan 'to patungo kaya naman pagkatapos kong ipunin lahat ng folders at papers ay inihampas ko 'yon sa kaniya pero hindi ko alam na nakalapit na pala siya sa akin kaya mabilis niyang nasalo lahat 'yon tiyaka ibinaba sa mesa matapos ay tiningnan niya ako diretso sa mga mata ko.


"Get your ass off of me, Creid" I warned in a sharp tone.


But because he's a complete asshole and jerk, he just grinned at me while he kept staring at me with his eyes filled with seduction. "H'wag ka ng mahiya, tayo lang naman ang nandito, Dhale. I know you missed me." Dahil sa kalaswaan niya ay mabilis kong ipinukpok sa ulo niya 'yong nadampot kong maliit na swan pigurin na nasa mesa ko.


"T*ng in--- ba't ka ba nampupokpok?" Inis na reklamo niya habang hawak ang ulo niya, then I pushed his chest away from me. "Ang landi mo kasi."


Araw-araw na lang Creid. Kailan ka kaya magtitino? Iniisip ko pa lang ang bagay na 'yon, hindi na matanggap ng utak ko.


"Sa 'yo lang naman ako lumalandi ah." Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya nang mapatigil ako sa paga-ayos sa bag ko. Coming from him? Pati nga 'yong barista sa coffee shop at cocktail waitress sa casino pinatulan niya.


I clenched my fist as I remember those nasty moments. "You know what, Creid..." Inayos ko ang tayo ko tiyaka ko siya hinarap. "Mabaog ka sana."


His eyes widened, "Paano kita bubunti---"


"Pwede ba, Creid? Just shut up." I said in annoyance. Alam ko na kung saan papunta ang sasabihin niya at hindi ko maiwasang mainis do'n. Lahat na lang ginagawa niyang biro.


"Problemado na nga ako, dadagdag ka pa." Dahil sa inis ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Para bang naghalo-halo na ang lahat ng bagay na nasa isip ko. I don't know what and where to start. Seriously, I'm completely messed up right now.


"I'll leave now, then. I'll just call---"


"Just get lost. Please." I pleaded with my eyes closed to calm myself. Wala na akong narinig sa kaniya maliban sa pagsarado ng pinto. I took a deep sigh from that moment. Wala sa katinuan ang isip ko, at gusto ko munang mapag-isa.


Pagkaupo ko sa swivel chair ay nakatanggap ako ng tawag galing kay Daniella. I hit the answer button. "What?" Walang gana kong sagot. I said, I want to be alone. Bakit ba minsan, bad timing sila?


[We're going to have a party tonight at kailangan ko ng tulong mo---]


"Sorry, hindi ako makakapunta. I'm busy." Sagot ko sa kaniya. Please just let me be alone tonight.


[Come on, Dhale girl! I-set aside mo muna kung ano man ang pinagkakaabalahan mo ngayon okay? Kailangan ka sa party eh~ Darating si Ellisse.] Halos mapatayo ako sa huling sinabi niya na halos pabulong na lang.


"D-did I hear it right?" Nauutal na tanong ko trying to replay in my mind what I just heard.


[O siya sige na! I'll go first with Nick and Friz tapos sabay na lang kayo ni Creid. Nga pala, kanina ka pa pala niya hinahanap.] So that was the reason why he came. I'll talk to Creid later but for now I can't postpone her come back. Ito na ang matagal kong hinihintay.


Finally, she's back! Ellisse Zerina! I miss you so much.




Filiergo Villa 

ELLISSE ZERINA 


"Why are we here? Akala ko ba sa apartment tayo ni Friza pupunta?" Hindi ko matapos-tapos na tanong habang inililibot ang tingin ko sa kabuuan ng villa. Sobrang lawak na sa tingin ko ay isang billionaire ang nagmamay-ari rito.


"Ang sabi ni Rix dito na lang daw sa villa niya para naman magamit." Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Axcel.


"Si Rix ang may-ari sa Villa na 'to?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Ni hindi man lang sumagi sa isip ko na ganito na siya kayaman. Hindi ko maiwasang hindi humanga, sobrang ganda. Para bang katulad lang 'to ng isa sa mga rest house properties ni Sir Nourhi sa New York.


"Nagtataka ka rin ba kung saan humugot si Rix ng pondo para makapagpatayo ng ganito kalaki at kalawak na property?" Tanong niya habang pinagmamasdan ang kabuuan ng lugar.


"With this property, tingin ko isang bigating kompanya at 'di birong posisyon ang mayro'n siya." Sagot ko. Saan pa nga ba siya kukuha ng sobra-sobrang halaga ng pera? "Isa pa, ma-diskarte naman si Rix. Hindi imposible sa kaniya na makapagpatayo ng ganito kalaking ari-arian." Dugtong ko.


"Ang totoo niyan, Ellisse isa talaga siyang potrepreneur...Dealer ng marijua---"


"T*ng ina, Axcel Naugsh. Entrepreneur 'yon!" Halos hindi namin napansin ang pagdating ni Friza na kinutusan si Axcel.


"Kailangan mang-kutos? 'Yon din 'yon. Protepreneur, entrepren---"


"H'wag mong gawing legal ang ilegal, g*go. 'Di ka talaga nag-iisip." Mura sa kaniya ni Friza.


They're still the same. Hindi mabubuo ang mga araw nila ng hindi nagbabangayan. Napangiti ako dahil sa sagutan nila, simpleng bagay pero ginagawa nilang komplikado. That is what they are. Friza, Axcel and Nick. The trio na laging sagutan at asaran ang kumu-kumpleto sa araw nila. 'Yan 'yong bagay na hindi mawawala sa mga tunay na magkakaibigan. 


It's been years....


"Hoy, Ellisse!" Natauhan ako nang bigla akong tapikin sa braso ni Friza. Halos hindi ko na namalayan na ang layo na naman ng narating ng utak ko. I was about to speak nang bigla akong yakapin ng mahigpit ni Friza, sobrang higpit na halos hirap akong huminga.


"Ang sabi ko na-miss kita." Saad niya habang yakap parin ako. "Ilang taon na ah, bakit mukha ka parin lutang hanggang ngayon?" Nakakunot-noo niyang tanong matapos niyang humiwalay sa pagkakayakap para tingnan ang mukha ko.


"Unahin na natin 'to." Napatingin kami kay Axcel nang ibaba ang buhat niyang ihawan. Mukhang pinag-handaan talaga ni Rix ang pagdating ko.


"Teka nga lang, ba't nasaan 'yong iba?" Nagtatakang tanong ni Friza nang ilibot niya ang tingin sa paligid. Kahit ako ay nagtataka rin kung bakit hanggang ngayon ay wala pa sila. Ang buong akala ko kanina ay madadatnan ko silang lahat rito sa villa.


"Baka nagtatago pa ng armas." Sagot ni Axcel na abala na sa pag-tipa sa phone niya. Teka, ano?




FRIZA GONZALES


"Anong armas?" Inosenteng tanong ni Ellisse. Halos maibato ko ang tongs na hawak ko kay Axcel dahil sa sinabi niya. T*ng ina talaga ng lalaking 'to, walang taros kung magsalita.


"Ano ba, Friz? Nananahimik ako rito tapos bigla-bigla kang namba--" Pinanlakihan ko siya ng mata para sabihing itikom ang bibig niya dahil kung hindi ay baka maibato ko na sa kaniya 'yong mismong ihawan. Mukhang nakuha naman siya sa tingin. Napatingin ako kay Ellisse na ngayon ay abala na sa pagsasalin ng drinks sa baso. Isang bagay lang ang gusto kong sabihin sa kaniya ngayon.


Patawad.


"Ellissee!!!!!!!!!!!!!!!" Pagka-parada ng kotse ni Nick sumunod ang kotse ni Creid, boses ni Daniella ang bumungad habang abala ako sa pagi-ihaw.


"Shiiit!!!! Ellisse!!!!!!" Sumunod si Dhale na parang ngayon lang nakalabas sa lungga niyang puno ng papeles. Tss.


"Zerinaaaa!!!!!!!!" Sinundan ni Tanya sina Dhale at halos sabay-sabay nilang mahigpit na niyakap si Ell. Sino ba ang hindi naka-miss sa babaeng 'to?


Ngayon, buo na ang squad. Habang masayang nagbabatian sila Daniella ay umupo sa tabi ko si Creid na mukhang wala sa mood.


"Anong drama 'yan, Creid?" Pagsita ko sa kaniya pero nanatili lang siyang tahimik tiyaka sinalo ang beer in can na hinagis sa kaniya ni Nick.


"Naubusan ka na ba ng chix?" Tanong ko ulit. Naubos na't lahat-lahat, pero 'yong bilang ng mga kalandian niya walang paltos. Tss babaerong lubos.


"Shut up, Friz." Inis na sagot niya tiyaka nag-walk out. Nag-english pa nga, bad trip nga ang g-go.


"Anong nangyari do'n?" Tanong ni Axcel na kumuha ng barbecue habang nakatingin kay Creid na papalayo na.


"Love lasts but lust never lasts." Pagsawsaw ni Nickolas sa usapan. Kung makapagsalita ang isang 'to, parang ang daming alam. "Chix is life. 'Yon ang gustong ipahiwatig sa inyo ni Creid." Dagdag niya.


"Dami mong alam sarili mo ngang love life naghihingalo." Pang-aasar sa kaniya ni Axcel na hindi na tinigilan 'yong barbecue. Kainin na kaya niya pati stick, tss!


"Hindi pa ba kayo sanay?" Napatingin kaming tatlo kay Dhale nang lumapit siya sa amin para kumuha ng pagkain sa mesa. "That's him. Kung sino ang gustong lumandi sa kaniya papatulan niya, at kung sino ang gusto niyang landiin pinapatos niya. Love lasts but lust never lasts. Typical Creid." Mapait na dagdag niya. Tiningnan ko si Nick at si Axcel. Tingin pa lang nila alam ko na ang takbo ng mga utak nila. Nakangisi pa ang dalawa at pinag-tama ang mga beer in can nila. 



Tss. Nag-aamoy away ng malandi't selosa rito. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top