Chapter 29


...

ELLISSE ZERINA 


"Of all places we can go..." Napatingin ako sa kaniya mula sa likuran ko pagkasarang-pagkasara ng flush door, "here we are." 


Mabilis ko siyang binitawan at hinarap. "Well...I" Hindi ko alam ang dapat na sasabihin ko dahil sinasabayan pa ito ng kaba na sa hindi ko malamang dahilan, pati ang mga kamay ko ay nanlalamig. 


"Your what?...Say it." Humakbang siya palapit sa akin dahilan ng pag-atras ko. Para akong tanga sa ginagawa ko. Hindi ko rin alam pero parang nagkukusa ang katawan ko.


"What's the more urgent matter we need to talk about, Royal Knightress?" He asked in a d*mn daring way. I clenched my fist trying to stand still. 


"I..." D*mn! Walang pumapasok sa utak ko. Sa pagkakaalam ko sa ganitong sitwasyon ako magaling at pinagkakatiwalaan dati ni Mr. Nourhi pero bakit parang natameme ako?


"Is it too hard to say now that there's no one else but only the two of us?" He playfully smirked. Napalunok na lang ako nang ma-corner na niya ako sa pader. He placed his right hand beside my head. Para na namang abnormal na nagtaasan ang balahibo ko dahil sobrang lapit niya sa akin. Kung bakit ba naman kasi dito pa, Zerina? Dito pa? Minsan ka na nga lang maging weird, nilulubos mo pa!


"You know what, hon...I find pleasure in the dark." Para akong kinilabutan bigla sa boses niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. His eyes. I hate its way of capturing all of my attention to stare at it more. 


Gusto ko siyang itulak dahil ayoko talaga sa nararamdaman ko pero bigla akong natigilan nang ilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Sobrang lapit na halos katiting na galaw na lang ay magtatama na ang mga labi namin. Bakit ngayon pa? Ngayon pa ako nawalan ng lakas ng loob?


His close presence is too much to take. Ano ng nangyayari sa 'yo, Zerina? 


Ramdam ko ang tipid na pag-hinga ko at lakas ng tibok ng puso ko. Parang automatic na nawala na talaga lahat ng kapal ng mukha at lakas ng loob ko para sana itulak siya palayo. I just closed my eyes, "Please...don't..."


Halos wala na akong boses. Wala akong narinig mula sa kaniya. I decided to open my eyes, and to my surprise, I felt his lips landed on my forehead. 


I didn't stop him. I didn't even yell at him. Mas dumoble pa ang mabilis na pag-tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. He moved a little further to see my face. Gusto kong maiyak dahil naiinis ako sa nararamdaman ko at higit sa lahat hindi ko maalis ang tingin ko diretso sa mga mata niya.


"You're too d*mn gorgeous even in dark, hon." Wala akong nagawa at nanatiling walang imik. His soft voice is very different from his usual serious and deep tone. 


He cupped my face and gently caressed it with his pollex. Then the next thing, naramdaman ko nalang na nakapulupot na ang braso niya sa akin. But I didn't push him away. 


"You don't have to worry...I won't do anything...unless you permit me to." Bulong niya na parang natatawa pa dahil sa naging reaksiyon ko kanina. Why am I letting this man hug me?


Ilang sandali lang ay kumalas din siya sa akin. Napatingin ako sa kaniya, pero sa pagkakataong 'yon para bang biglang nagbago ang aura niya. Naging seryoso na lang siya bigla sa hindi ko malamang dahilan.


"What's wrong?" Nakakunot na tanong ko.


"Stay behind me." Ma-awtoridad na utos niya nang tumalikod siya sa akin, keeping me behind his broad back. Teka, ano bang nangyayari?


"Come out assholes." Malamig na saad niya pero mababakas ang pagka-awtoridad sa tono ng kaniyang boses. Napakunot-noo ako nang mapalinga ako sa paligid. May iba pa bang nandito sa maze maliban sa amin?


"Five seconds" Parang ako na lang bigla ang kinabahan sa pagbabanta niya.


"Four"

"Three"

"Two"


"Renzo" Napahawak ako sa braso niya dahil hindi na maganda ang pakiramdam ko sa paligid. 


"One" Hindi niya ako pinansin sa halip ay nanatili siyang nasa harapan ko. Ramdam ko ang inis niya sa pagbuntong hininga niya.


"You're really trying to get on my nerve, huh, motherf*cker." Narinig ko ang pagkasa ng baril at kasabay nun ang yabag ng mga paang palapit sa amin na hindi ko alam kung ilan sila. Hindi ko na alam ang mga sunod na nangyari dahil tanging sunod-sunod na mga putok ng baril lang ang narinig ko. 


I covered my ears but it wasn't enough to not hear the gunshots at all.


"C-commander...m-maawa po kayo....h-hindi po---"


"Drop your shitty complaints and answer me." Matalim ang tono ng boses niya habang nakatutok ang baril sa lalaking nakayuko sa harap niya na nanginginig sa takot. Napatakip ako sa bibig ko nang mahagip ng mga mata ko ang iba pang armadong lalaki na lupasay na sa sahig at wala ng malay. Lahat sila ay may tama sa noo. WTH! Did Renzo kill all of them?


"Who the f*ck is behind you?" He's d*mn deadly serious at kahit ako ay kinikilabutan sa nararamdaman kong galit mula sa kaniya.


"N-napag u-utusan lang po k-kami...a-ako, C-commander...H-hindi k-ko p-po---"


"You know what devil likes the most?... Traitors. He often craves of their blood and flesh." 


"P-parang a-awa mo, C-commander...A-ayoko pang m-mamatay. S-sasabihin ko l-lahat ng nalalaman ko, p-parang awa ni'yo na h-hwag m-mo lang po akong----" 


"Two seconds"


"C-Commander..."


"One. Now, die." Mahigpit kong hinawakan ang braso ni Renzo bago pa man niya makalabit ang gatilyo. He looked at me, but his eyes are void. 


I looked at the man who's begging to spare his life. Pawis na pawis at nanginginig na siya. Parang naninikip ang dibdib ko sa nakikita kong hitsura ng lalaki.


"Do you want me to spare his life?" Malamig na tanong ni Renzo. I looked at him, but he kept those eyes as void as it is.


"L-let's clear things out first...Mas mabuti siguro kung makausap muna natin siya. Siya na rin mismo ang nagsabi na sasabihin niya ang lahat ng alam niya. He can be the lead for us to find who's behind this mess." Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari kaya 'yan na lang ang tanging nasabi ko. Mas nangingibabaw sa akin ngayon ang awa sa lalaking nanatiling nakayuko parin sa harap namin.


"I don't need a f*cking interrogation for this man, Zerina. I gave him three f*cking seconds to speak. He wasted it. Now, he's done." Dahil sa sinabi niya ay naikuyom ko ang kamay ko. Binitawan ko ang braso niya. He's doing it again. Basta hindi nasunod ang gusto niya, pinapatay na niya kaagad. 


"Then let me speak as the Serpent Royal Knightress." Matamang saad ko sa kaniya nang biglang hinugot niya ang phone sa bulsa niya. He got a call. Walang imik niya itong sinagot. Nanatiling walang ekspresyon ang mukha niya hanggang sa muli niyang itinutok ang baril sa lalaki.


"Spare no one" Tipid na saad niya sa kabilang linya matapos patayin ang tawag at muling itinuon ang atensyon sa lalaki.


Sobrang bilis ng pag-pintig ng puso ko dahil sa kaba hanggang sa hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Spare his life, Mikael Lorenzo." 


"And what f*cking reason do you have to spare this asshole?"  Hindi talaga papapigil kaya mas lalo akong na-bwiset. 


"I'm commanding you to spare his life," I commanded in finality. 


"Whoever dares to touch my piece doesn't have a second chance to live, Zerina." Walang pasintabi niyang kinalabit ang gatilyo ng baril dahilan nang mapadaing ang lalaki sa sakit.


"F*ck you" 


"D*mn, Renzo!"


Hinagis niya ang baril sa tabi tiyaka niya nilapitan ang lalaki at pinaulanan ito ng sunod-sunod ng mga suntok sa mukha. "That's enough Renzo! Stop!" Halos mamaos na ako sa kakasigaw at pagpigil sa braso niya pero wala siyang pakealam. Sandali siyang napatigil tiyaka kinuwelyuhan ang lalaking bugbog na ang kaniyang mukha. "Please, stop!" 


"Never try to fight with devil, because assholes are nothing against him." Matigas na saad niya tiyaka muling pinaulanan ng suntok ang lalaki. D*mn him!


"Can you please stop?!" Pagpigil ko dahil habang tumatalsik ang dugo sa sahig parang sumasabay sa pagsikip ang dibdib ko. "Ano ba, Renzo!! Itigil mo na 'yan sabi!!" 


Buong lakas kong hinila ang braso niya at nang mabitawan niya ang lalaki ay bigla na lamang niyang hinawi ang kamay ko at mababakas ang pagkainis sa mga mata niya. I couldn't find a single trace of pity on his eyes. Ni hindi man lang niya tinigilan ang lalaki hangga't hindi 'to nawawalan ng malay. Is this really how heartless he can be? 


Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mga mata ko. "Wala ka talagang puso." 


"And now I'm the d*mn bad guy here?" Sarkastiko siyang natawa. "You don't really f*cking understand anything, do you?"


"Wala akong dapat intindihin sa kasamaang maliwanag na nakikita ng mga mata ko." Diretsang sagot ko sa kaniya dala ng inis at takot.


"And your heart, Zerina? Can't it see why the f*ck am I doing this? Why all of this assholes must be killed with my own d*mn hands?" Natigilan ako sa tanong niya at nanatiling nakatingin sa mga mata niya na parang punong-puno ng mga salitang gusto niyang sabihin pero pinipigilan niya.


Kung puso ko ang tatanungin ko. I can feel it and I won't deny the fact that he really does want to protect me. Nakikita ko 'yon, pero kung ang kapalit nu'n ay karahasan, and that he can be this ruthless just to protect me, well I'd rather be the one to protect myself dahil magi-guilty lang ako kung ibang tao ang gagawa nun sa akin. 


"Can't you see anything more than blood and bullets?" He asked as if he was in great damage. Nilakasan ko ang loob ko dahil ayoko ng nakikita ko sa mga mata niya. 


"Isa lang ang nakikita ko...karahasan, at kung may nararamdaman man ako ngayon...'yon ay ang matinding pagkamuhi ko sa lahat at lalong-lalo na sa 'yo, Renzo." Sagot ko nang hindi inaalis ang mga tingin ko sa kaniya.


"Then I can't do anything about it anymore." 'Yan ang huling salitang binitawan niya bago niya muling kinuha ang baril na hinagis niya kanina tiyaka 'yon walang alinlangang ipinutok sa noo ng lalaking binugbog niya kanina. Hinagis niya ang baril sa tabi bago siya naglakad papalayo.


Nanatili akong nakatayo hanggang sa maramdaman ko ang panlalambot ng tuhod ko nang muli kong tingnan ang lalaking naliligo ang mukha ng sarili niyang dugo. Sa pagkakataong 'yon ay napaupo na lamang ako at hinayaan tumulo ang luha na kanina ko pa pinipigilang kumawala.


The more I resent this world, the more it pulls me harder in its core. And I hate it. 




SOMEONE 


"Nagkita kami kanina." Bungad niya sa akin pagkarating niya rito sa lake. Hindi ko na kailangang pag-isipan pa kung sino ang tinutukoy niya.


"Totoo nga ang sinabi mo, hindi lang basta bali-balitang hindi siya isang ordinaryong babae. She's fearless, huh? Pero mukhang tama ako ng hula..." Napatingin ako sa kaniya na nakaharap sa lake. Ngisi pa lang niya naasar na ako.


"Mukhang may namamagitan talaga sa kanila ni Commander." Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa inis. Hindi lang inis ang nararamdaman ko, kung hindi galit.


"Sinabi ko na kasi sa 'yo na h'wag mong madaliin ang mga bagay pero ikaw 'tong atat na kung makakilos parang mauubusan ng papatayin." Pag-kontra na naman niya sa akin. Paulit-ulit na lang.


"Pwede ba ate? H'wag ka na lang kumontra. Alam ko ang ginagawa ko." Inis na sagot ko sa kaniya na ikinailing lang niya.


"Sigurado ka ba talaga na walang nakakita sa 'yo, huh?" Paniniguro niya. Tinanggal ko ang gloves na suot ko tiyaka 'yon inihagis sa lake bago ko siya tiningnan.


"Anong akala mo sa 'kin? Tanga? Kung mayro'n mang magmumukhang tanga sa larong 'to, siya 'yon at hindi ako." 


"Sa hitsura mo ngayon pwedeng-pwede mo na siyang patayin kahit makasalubong mo lang." Nakangising sabi niya. 


Kung pwede lang at kung alam ko lang na hahantong sa ganito ang plano ko, sana una pa lang kumilos na ako bago pa nakarating kay Commander ang balitang idinala siya rito sa headquarter. Kung alam ko lang, sana matagal na siyang patay.


"Ito na ang gamot. Alam mo na ang gagawin mo." Sabay abot ko sa kaniya ng isang maliit na bote na bigay ni Doctor Loren tiyaka siya tinalikuran.


"Sigurado ka na ba talaga rito?" Napatigil ako bago ko siya muling hinarap.


"Ngayon pa ba ako magbabalat-kayong anghel?" Tumalikod ako at naglakad na papalayo.


I'm sick of it. Sawa na ako sa pagiging mabuti at paghihintay na mapansin ako ulit ni Renzo. Hindi niya ako pwedeng makalimutan. Hindi ako makapapayag na basta na lang akong mabubura sa ala-ala niya...Hindi pwede.


Desperada na kung desperada, pero kung ito ang sagot para matapos na 'to, wala akong pakealam. 




The next day....

FRIZA GONZALES 


"Tang in---"


"Sorry, baby~" Nag-peace sign pa siya tiyaka ako nginitian na parang tuta. Inirapan ko siya habang hawak ko ang panga ko na sinipa niya. T*ng ina ang sakit.


"Ano ba kasing iniisip mo? Kanina ka pa lutang, baby eh." Komento niya tiyaka niya ako tinabihan nang mag-sawa ako sa pagte-training. Hindi ko siya pinansin sa halip ay hinimas ko ang panga ko at nagbalik na naman 'yong utak ko sa bagay na kanina pa gumugulo sa isip ko.


"Lalaki ba 'yan? Huh??" Iniharap niya sa akin ang mukha niya tiyaka nag-puppy eyes. Tss! Mukhang tuta talaga. Hinawi ko ang mukha niya at ilang sandali lang ay bigla na lang siyang napapalakpak kaya naman napatingin ako sa kaniya.


"Sabi na nga ba! Yiee! Inlove ka na pre! Sa wakas babae ka na ri----" Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin niya ay mabilis kong isinubo sa bibig niya ang towel na hawak ko.


"Manahimik ka, Novaleigh." Sa totoo lang mas nakakapagod pa ang bunganga niya kaysa sa mga suntok niya. Tss!


"You're so KJ talaga! Sino ba kasi 'yan? Baka naman----"


"May iba ka pa bang nalalaman tungkol kay Dwight Kean Stanford?" Tanong ko na siyang ikinatigil niya kaya naman napatingin ako sa kaniya na ang lawak na naman ng ngiti. T*ng ina talaga 999 times parang timang.


"Crush mo noh? Bakit mo tinatanong? Ayiee~" Napabuntong hininga na lang ako sa inis ko. Sa tuwing lalaki talaga ang usapan active na active 'yong mga malandi niyang cells sa katawan.


"Tinatanong ko kung ano pa ang nalalaman mo tungkol sa kaniya." Seryosong sabi ko dahil wala akong choice. Siya lang ang makukuhanan ko ng impormasyong kailangan ko. Tumayo siya at naglakad sa harapan ko ng pabalik-balik na kunwaring nag-iisip.


"Dwight Kean Lewis Stanford." Panimula niya tiyaka tumigil at tumingin sa akin. "He's the type of man na hinding-hindi mo kayang tanggihan. Kahit ikaw pa ang deity ng kamatayan wala kang magagawa sa alindog na dala niya. Tingin pa lang niya, ugh!" Napangiwi ako dahil sa itsura niya. 


T*ng inang 'to umungol pa. Kahit kailan talaga, puro kabastusan ang laman ng utak nito.


"G*ga ka talaga" Tumayo na ako dahil hindi na ako interesado sa sasabihin niya. 


"There's one thing you don't know yet. Ayaw mo bang malaman?" Tanong niya dala ang mga mata niyang lagi niyang gamit sa pang-aakit ng mga lalaki sa club.


"Walang kwenta" Sagot ko tiyaka tinanggal ang kamay niyang nakahawak sa braso ko kaso hinawakan niya 'yon kaagad.


"Hindi ka ba talaga interesado, baby?" T*ng ina. Napabuntong hininga ako tiyaka siya walang ganang hinarap.


"Here." Inabot niya sa akin ang isang card. Isang business card. "He gave it to me when we first met." Nakakunot akong napatingin sa kaniya matapos kong kunin ang card. Napansin niya 'yon kaagad dahilan nang pinag-krus niya ang mga braso niya sa nagmamalaking dibdib niya.


"W-wait...h'wag kang mag-isip ng ganiyan huh. Virgin pa ako noh!" Depensa niya na parang nabasa kaaagad ang iniisip ko. Tss! Bilis talaga ng utak nito sa mga SPG.


"Mukha namang hindi ka papatulan ng isang Stanford." 


"What?! Excuse me lang sa mga anghel at dyosa ng kagandahan pero---" 


"Walang interesado sa kalandian mo g*ga." Iniwan ko na siya at lumabas ng combat hall.


"Hey, baby Friz! Wait lang! Virgin pa naman kasi talaga ako tyaka----" Sa inis ko ay ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa hawak kong business card nang makalabas ako


"Museo del Grande." Bigkas ko. 


Matagal ko ng naririnig ang tungkol sa lugar na 'to. Isang prestihiyosong lugar kung saan makikita ang mga kamangha-manghang pagkakakilanlan sa angkan ng mga Stanford.


Ang lugar kung saan puro mga prestihiyosong mga tao lang ang nabibigyang karapatang pumasok.


Kung isa siyang Stanford, hindi ba dapat kakampi siya ng Serpent?... P*tang inang Dwight Kean 'to. Siya yata 'yong usap-usapan na rebelde sa angkan nila. 




ELLISSE ZERINA 


"Sampung lalaki raw ang umatake kay Commander kagabi. Tatlong rooks tapos pitong gang members."


"Mga p*tang inang traydor, sa dami ng babanggain mismong Komander pa."


"Hindi lang 'yon."


Walang gana kong nilalaro ang vegetable salad na nasa plato ko habang pinakikinggan ang usapan ng ilang mga gang members dito sa cafeteria. Wala pa rin masiyadong tao dahil medyo maaga pa.


"Umagang-umaga nakabusangot ka na naman." Naagaw ni Ash ang atensyon ko nang dumating siya at naupo sa upuang nasa harapan ko. Tumungo rin ang mga gang members sa kaniya at biglang nagsi-tahimikan at tanging bulungan nalang ang pag-uusap. 


Napabuntong hininga na lang ako at itinuon ang atensyon ko sa pagkain ko na hindi pa halos nababawasan.


"Kailan ka kaya mauubusan ng problema?" Nakangising tanong niya na maliwanag na nagsisimula na naman para asarin ako.


"Shut up, and I'll be fine." Diretsang sagot ko tiyaka siya inirapan.


"Seryoso?" Hindi makapaniwalang tanong ng isang lalaki sa grupo ng Serpent Gang na siyang umagaw sa atensiyon ko. Lahat sila ay nakatuon ang buong atensyon sa isa nilang kasamahan.


I think, they just forgot our presence. 


"Seryosong-seryoso. Sino pa ba ang ibang gagawa ng tahimik na pag-patay kung hindi ang Serpent Gang lang?" Nagmamalaking saad ng isang lalaki na kanina pa bumabangka sa pagku-kwento.


"Teka lang wala ako kahapon dito sa headquarter."


"Mas lalong ako, kasama ko 'yong girlfriend ko."


"T*ng ina mo, baka ex."


"Nag-comeback na naman malamang."


"P*tang ina, pang-pito mo na 'yan ah."


Hindi ko na naman maiwasang mapaisip sa narinig ko. Kanina lang ang tungkol sa nangyari sa dark maze ang usapan nila tapos napunta na naman sa Serpent Gang. 


"All of you....get out." Napatingin ako kay Ash na seryosong nakatingin sa kanila. Ilang sandali lang ay bigla na lang nagsi-tayuan at nagsi-labasan lahat sila.


"What are you doing?" Kunot-noong tanong ko nang muli niyang ituon ang tingin sa akin.


"Alam ko na kanina ka pa nacu-curious." Sagot niya.


Hindi ako nagsalita hanggang sa ilapag niya sa mesa ang isang piraso ng papel na nasa loob ng resealable plastic. Parang nabahiran pa ng dugo ang papel pati ang sulat nito ay tinta ng dugo. Kinuha ko 'yon tiyaka binasa ang nakasulat.



LET'S PLAY, ELLISSE.

- L


"Dahil hindi ko alam ang phone number mo, at hindi kita makita kahapon, inutusan ko si Beaurix na tawagin ka at nakita niya 'yan sa loob ng mismong private room mo. Pagkatapos ay may natagpuan ang dalawang gang members na isang lalaking nakabitay sa puno sa harap ng castle." Napakunot-noo ako. Parang may puzzle na biglang lumitaw sa utak ko.


"May naaalala ka bang may galit sa 'yo o posibleng nakaaway mo rito sa headquarter?" Tanong niya. Isa lang ang nasa isip ko pero hindi ako sigurado.


"I have to go." Kaagad akong tumayo at umalis nang hindi na siya nililingon kahit pa tinawag niya ako ng ilang beses.


Nagmamadali akong nagtungo sa isang puno malapit sa castle pero wala na akong nadatnan pa maliban sa isang lalaking nakapikit at nakasandal ang likod sa trunk ng puno habang pasapo-sapong nilalaro ang mansanas.


"Ano ang una mong gustong malaman, Royal Knightress?" Kaagad na tanong niya pagkamulat ng mata niya. Sa naging reaksiyon pa lamang niya mukhang alam na niya kung ano ang pinunta ko rito. 


This is Rix after all. Mukhang walang alam sa mga nangyayari sa paligid niya, but among us, he's the most secretive person I know, yet the one who has the most innocent facial feature.


"Tell me everything I need to know. Lahat ng alam mo." 


Tumayo siya tiyaka kinagat ang mansanas na hawak niya. "Hindi 'yon pwede rito, Ellisse." Sagot niya tiyaka naupo sa malaking ugat ng puno. "Ang sikreto ay mananatiling sikreto." Saad niya tiyaka muling kinagat ang mansanas. 


Huminga ako ng malalim dahil alam ko ng hindi ako mananalo sa kaniya pagdating sa ganitong bagay. 


"Tell me who was behind the killing attempt on the maze...And this one." Ipinakita ko sa kaniya ang resealable plastic na naglalaman ng piraso ng papel. 


"Bilang Royal Knightress, alam ko na may karapatan akong malaman ang katotohanan dahil konektado 'to sa akin." Napatango-tango siya tiyaka inihagis sa isang lalaki ang mansanas na saktong-sakto sa mukha niya.


"T*ng ina sinong---"


"Ang Royal Knightress." Inosenteng pagputol niya sa sasabihin ng lalaki tiyaka siya tumayo at namulsa. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Pinanlakihan ko siya ng mata na kibit balikat lang ang tanging naisagot.


"P-paumanhin po, R-royal Knightress." Nauutal na paghingi ng paumanhin ng lalaki na hindi man lang niya ako nagawang tapunan ng tingin bago siya nagmamadaling umalis.


"What do you think you're doing, Rix?" Inis na bungad ko nang muli kong ibaling ang atensyon ko sa kaniya.


"Ano sa tingin mo ang balak ng lalaking 'yon, bakit siya biglang napadaan dito?" Balik tanong niya na ikinatahimik ko. But then I got his point. 


"That man was after our conversation." 


Tanging kibit-balikat lang ang sagot niya. "Hindi mo makikita kung ano ang nakapaloob sa isang pangyayari kung mananatiling sapat na para sa 'yo ang alam mo at bagay na pinaniniwalaan mo." Patuloy niya. What the hell is he talking about? 


"Alam mo, Ellisse, ikaw 'yong tipo ng babae na matalino pero slow." Diretsa niya na nagpaawang sa bibig ko. Dahil sa inis ko ay hindi ko na naman napigilan ang sarili ko.


"Alam mo, Carlos Beaurix, ikaw 'yong tipo ng lalaki na inosente pero makakasalanan." Pambabara ko na halatang hindi man lang siya natamaan sa sinabi ko.


"Ikaw nga nakapatay na. Edi makakasalanan ka rin."


What the... "If you're talking about Mr. Benjamin Chen, well I wasn't the one who did the killing, and sure you know who did it."


"Eh 'yong pinatay mong mag-kasintahan sa Frisco Di Yarte?" 


I clenched my fist because I didn't see his question coming. See? Even that alam niya. 


"You better knew why I did what must be done, Rix... Aalis na 'ko kung wala ka rin palang balak sabihin ang totoo." Tumalikod ako at paalis na sana nang bigla siyang magsalita.


"Isang tao na malapit kay Commander ang pumatay kay Jacob." Natigilan ako bago siya hinaarap. "Si Jacob ang lalaking natagpuang nakabitay sa lugar na 'to." 


Isang taong malapit sa Serpent Commander? 


"Hindi ko alam kung ano ang motibo ng pumatay sa kaniya. Isa lang ang masisiguro ko...ang opisyal na utos ay nagmula mismo sa Serpent Commander. Malay mo, kaya siya ipinapatay ay dahil diyan sa threat na natanggap mo. Baka siya ang nag-iwan niyan sa kwarto mo." Dagdag niya.


"Spare no one." Para bang nag-echo na lang bigla sa tainga ko ang huling sinabi niya sa kausap niya sa kabilang linya kahapon. 


"Isang rook si Jacob, ang leader ng mga lalaking umatake kay Commander noong gabi sa dark maze. Kasabay ng pangyayari sa maze ang iniwang sulat sa mismong private room mo." Paliwanag niya tulad ng sinabi ni Ash kanina.


"Hindi ka ba nagtataka, Ellisse? Alam ng suspect ang lahat ng galaw mo pati ang pag-alis mo at pagpunta mo sa loob ng maze." That was the point. How? Sino ang pwedeng gumawa sa akin nito? Sino ang may galit sa akin?


"Maliwanag sa mga pangyayari ang lahat....May taong gustong pumatay sa 'yo, Ellisse. Dito mismo sa loob ng headquarter."


Para akong na-estatwa sa lahat ng nalaman ko. Parang sobrang bagal mai-proseso ng mga impormasyon sa utak ko.


Is this what Renzo has told me about? That I am no longer safe not only outside this place but also here inside this d*mn hell.


Are they one of Aris or Korbin? Or might be affiliated with the unknown organization that's directly after me?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top