Chapter 28


NOVALEIGH DOMINGUEZ 


JINNO: "Your five minutes start now."


We got out of the car when we heard Jinno's signal from our earpiece. Friza my buddy baby, Naugsh the KJ guy...ugh! hard to get tss! laging tumatanggi sa grasiya, Bryan the bad-tempered ass na mahawakan mo lang ay mananapak na...like parang may human allergy or what?


"T*ng ina naman, Novaleigh! Mamaya mo na nga silihan 'yang bibig mo." I looked at Friza na naiinis na naman. Napaka-bad tempered din talaga ng baby ko. And what did she just say? Silihan? Here na naman ba ang mga nakakaloka niyang mga terminologinism!


"Wait lang okay? I'll just put some matte lip----"


"P*ta Novaleigh!" Napatikom bibig ako when I heard Bryan's voice from the driver's seat. Ibinaba kasi niya ang window nito kung saan ako nananalamin. Super sharp ng tingin niya na parang sword lang ni Alexander the great but of course, I looked at him then I innocently smiled ng super wide na as in siniguro ko talaga na litaw ang mga super bright teeth ko as white as snow.


Syempre sinadya ko talagang sa tinted window manalamin para magpapansin sa kaniya noh? Hayst, kung gusto mo ang isang lalaki at feeling mo hindi ka type, landiin mo. Mga lalaki kasi madalas super hard to get ang mga 'yan. Kaloka! 


"Sorry na baby. Ito na nga pupunta na. Mwuah! Pag-cheer mo----"


"Ang pangit mo umalis ka sa harapan ko." Then sinarahan pa 'ko ng bintana. Tss! KJ din. Ibinaling ko ang atensyon ko sa dalawa na walang emosyong nakatingin sa akin.


"Let's go babies!" Malawak na ngiting bungad ko sa kanila tiyaka pinangunahan ko ang paglalakad.


Okay so here we are. The mission commence. Dahil sa t*ng inang Korbin Society na 'yan na lagi na lang gulo ang inaatupag, ang Serpent Gang ang involved para linisin ang mga kabulastugang ginagawa nila. 


Remember the content of the dark list from Mr. Luna? Hindi ko rin gets kung bakit parang ang cheap ng hideout ng mga taong nasa list because the last I time heard, the dark list consists of exactly twelve powerful allies of Korbin. They are mafia tycoons, and the place where they are currently hiding ay sa isang may kalakihan din naman na property ng Korbin which is the Citehil, kung nasaan kami ngayon.


Imagine, they are multi-billionaires. Wealth-source of Korbin but here they are? Hindi ba sila aware na anytime pwede silang mamatay? Impossible naman kasi na they have no any idea that Serpent is hunting them. Oh come on! Ganito na ba talaga sila ka-tanga? 


Well anyway, we, the knights and knightresses got an order from our hot and dashing Commander, to destroy Citehil. Ang sabi kasi ng Chief while we were planning, may five na nasa listahan ang nandito sa lugar na 'to. 


Tomas Loriano, a thief na sa tingin ko ay puti na ang buhok at matandang-matanda na. Havier Seres, a thief as well, na for sure, may pagka-bad boy at cool ang dating. I'll make sure na makaka-score ako sa kaniya later. The third one is Martin Riviera, the pro hacker and a thief. I'm not sure lang ah, pero feeling ko snob ang lalaking 'to, mostly kasi 'yong mga tech-friendly ay suplado at pa-sad boy which is nakaka-gwapo naman, kaya sige na nga, I'll make sure na makaka-score rin ako sa kaniya. Fourth is Joseph Marcus, an assassin na feeling ko talaga super hot. Oh sh*t, nakikita ko na kung ilang pack ng abs ang mayro'n siya. Hindi ko lang talaga basta hahawakan 'yon later...roar! And lastly, the other assassin which is Frinlux Gazir. Oh demn! pangalan palang, pang-kama na! Saan ka pa 'di ba? 


Sadly, we are here to kill them. Wala kasing pinapalampas si Commander, kapag makakasalanan wala ng investigation or what so ever or any proofs kuno. Honestly, I agree with him naman. Sayang lang kaya 'yon ng time! Gano'n dapat lahat, wala ng pasikot-sikot, parang kapag nasa bed ka, no to too much pleasure, putok agad. 


And one more thing. The aim of Korbin is to surpass the power of Serpent para raw buhayin ulit 'yong Dark Soul. O 'di ba? Kung hindi ba naman sila isa't kalahating mga gunggong. Who would ever dare to surpass us? Kaya nga noong nagsilabasan na at na-tracked na ng CIT ang ibang mga sources of wealth ng Korbin which is obviously illegal, umaksiyon na kaagad ang gang para linisin ang kalat nila, and until now hindi parin sila maubos-ubos! Mga fowtang ina 'di ba?


JINNO: "Location cleared. Proceed."


Nagkatinginan kaming tatlo after Jinno's second signal. He's the one na nagmo-monitor both inside and outside the premises of the building, and hacked na rin ang security system ng lugar kaya madali lang kaming nakapasok. All thanks to baby Jinno. 


I winked at Friza and Axcel when I saw them on the hallway na nasa left side ko bago ko tinahak ang isang hallway papunta sa isang lokasyon kung saan ako mamimingwit ng f*ckers.


"Excuse me? Miss?" Napataas ang kilay ko when I heard a man from behind. I looked back dala ang isang makamandag kong ngiti plus point pa ang nag-aalab kong katawan na mukhang kaakit-akit sa pangit na lalaking nasa harapan ko. Gosh, sinong papatol sa kaniya? 


"Hi, baby~" Mapang-akit kong bungad tiyaka siya nilapitan. Nakakasuka huh~


"S-sa itaas ang k-kwarto p-para sa mga prostitute." At mas lalong napataas ang kilay ko dahil sa huling sinabi niya. Ako prostitute? Mukha ba akong pokpok sa ganda kong 'to? Pasalamat siya sweet padin ako't mapag-pasensiya kaya naman nilapitan ko pa siya tiyaka hinaplos ang batok niya.


"I know, baby~ Wanna have a hot sleep with me instead? Hmm? Aakyat pa ba ako sa taas para lang lumigaya kung mayro'n naman na rito sa baba't kaharap ko pa?" Pang-aakit ko. 


I know his feeling. Ramdam na ramdam ko sa balahibo niyang nagtataasan mula ulo hanggang talampakan kung paano siya naaakit at parang matatawa ako. I looked at my wrist watch.


"Ang isang babaeng mala-anghel katulad mo ay hindi dapat tinatanggihan." T*ng ina? Mukha siyang puppy like ugh! Nakakadiri promise. Pero  plus ten points siya dahil sinabi niyang mala-anghel ang ganda ko. Gosh, true naman kasi. 


"Let's do it later, baby~ You go first..." Mukhang hindi niya na-gets ang sinabi ko kaya naman mabilis kong kinapa sa thigh holster ko mula sa ilalim ng fitted dress ang dala kong dagger.


"Matulog ka muna okay?...bago ko ipaubaya sa 'yo ng buong-buo ang katawan ko." At that moment mabilis kong nilaslasan ang leeg niya dahilan nang pagbagsak niya sa sahig. Yuck! May gloves nga ako, tumalsik naman ang blood niya sa pisngi ko. Nakangiwi pa akong pinunas 'yon gamit ang likod ng palad ko. 


"Hinayupak, akala mo kung sinong gwapo. Asa namang ibibigay ko sa 'yo 'tong katawan ko. F*ck you." Pagtataray ko habang pinagmamasdan ang leeg niya kung saan nagmumula ang dugong dumadaloy sa sahig.


Hindi ko isinilid pa ang katawan niya. Gosh! I'm running out of time. I left that hinayupak na lalaki at nang makarating ako sa isang kwarto kung saan ang destinasyon ko ay kaagad akong kumatok na may halong landi. In couple of seconds bumukas ito.


"Wow naman, expect ni'yo ba na may darating na anghel?" Hindi ko makapaniwalang tanong nang nakatakip pa sa bibig ko with matching landi syempre. "Well, anghel naman ako wala nga lang pakpak." Kung nakikita lang ng literal 'yong pumupuso niyang mata, kitang-kita ko na.


"Tomas! M-may bisita!" Bakit 'yong Tomas Loriano pa ang mauuna kong makita?! 


Ilang segundo pa ang lumipas. I heard scratches from the outside of the room. Ang tagal huh~ 


"Pakisabi naman kay baby Tomas na faster kung ayaw niyang sa bed ako umungol ng harder~" Inosente at kunwaring naiinip na saad ko. Hays mga lalaki talaga, masiyadong obvious ang kahinaan.


FRIZA: "T*ng ina mo talaga, Novaleigh." Natatawang saad niya sa kabilang linya mula sa hidden earpiece na suot ko.


"Nasa---" Bumungad ang isang lalaki na mukhang siya na nga si Tomas. Natigilan pa nang makita ako. Unang araw pa lang minahal na kita ah~ oh yeah~. Hindi ko alam kung bakit sila nadadala sa ka-kyutan ko, ang alam ko lang naman ay maganda talaga ako.


"H-hi, baby~" Kunwaring nahihiya kong bati sa kaniya. D*mn nakakadiri 'tong ginagawa ko. H'wag lang niya akong bubungaran ng halik dahil puputukan ko agad siya......ng baril.


"A-anong kailangan mo, Miss?" 


Nacu-curios talaga ako kung sino 'yong boss ng Korbin, gusto ko pa sanang mangalap ng information but anyway, hindi naman 'yon ang pinunta namin dito. 


AXCEL: "Third target cleared." Sobrang bilis naman ng isang 'to. Kapapasok ko lang eh! Wala pa akong natatapos. And who? Third target? Ibig sabihin wala na 'yong Martin Riviera?!


"Oy miss? Tinatanong ka ni boss." 


"Oh, s-sorry..." Kunwari kong inilagay ang buhok sa likod ng tainga ko ng may halong kalandian. "N-na-starstruck kasi ako sa b-boss mo." Nagka-tinginan pa sila na parang mga nagtataka.


"Anong sinasabi mong na-star---"


"Ay bobo" 


"P*tang ina, ano?" Mabilis na dumukot 'yong lalaki na nag-open sa akin kanina ng pinto at akmang papuputukan na sana niya ako nang pigilan siya ng boss daw nila. "G*go ka ba? Babae lang 'yan, h'wag mong patulan." 


Aww, paka-gentleman naman pala ni Tomas eh. 


"M-May need lang sana akong sabihin...You're T-tomas Loriano, right?" Inosente at pa-cute ang boses na tanong ko. Madalas talaga nai-inlove ako sa self ko. Aww~ 


FRIZA: "Wala pala 'tong magnanakaw na Havier Seres na 'to, tss! Mukhang man-dekwat lang ang alam gawin. Cleared na 'tong second target na lampa." 


Oh sh*t! 


JINNO: "Three minutes left."


FRIZA: "Teka nga lang? Bakit may mga grupo ng gang sa baba?"


BRYAN: "Tss, ang kalat mo talaga lumandi Novaleigh."


Oh shocks! Hindi ko nga pala niligpit ang lalaki kanina sa baba. For sure nakita na 'yon ng ibang mga kasamahan nila at nag-tawag ng mga kapwa nila gunggong. Hayst~


AXCEL: "Ako ng bahala. Sa fire exit ka nalang dumaan, Friza at Leigh. At Bry, sa parking lot mo kami hintayin. Hahabol kami ro'n."


JINNO: "Two minutes and thirty-six seconds."


Okay, I have no choice.


"Ano ba 'yong sasabihin mo, Miss?" Tanong ni Tomas na binasa pa ang labi niya gamit ang dila niya. Naakit na sana me kaso ang dugyot kasi niyang tingnan! 


"Gusto mo ba akong kainin?" Bored na tanong ko sa kaniya when he suddenly grabbed my hands pero bago pa man dumapo ang bibig niyang maitim sa balat ko ay mabilis kong nahugot ang baril sa thigh holster ko tiyaka 'yon ipinutok sa noo niya at mabilis kong isinunod ang isa pa niyang kasama. Ilang sandali lang ay nabulabog ang iba pang nasa loob na ngayon ay palapit na sa akin.


Mabilis kong ibinalik ang baril sa holster bago hinugot ang dalawang grenades na nakatago sa fur vest na suot ko. "Sorry babies pero sa akin muna manggagaling ang putok ngayon." 


The ugly men of Tomas was about to fire their guns at me nang mabilis kong kinagat paalis ang pin ng dalawang grenades na hawak ko tiyaka 'yon hinagis sa kanila at mabilis na isinara ang pinto. Happy new year, babies!! 


Mabilis ang ginawa kong pag-takbo palayo sa lugar. Alam kong hot na hot akong tumatakbo dahil sa stiletto na suot ko, medyo masakit rin ah, pero keribels!


"Leigh!" I heard Axcel's voice na palapit sa akin kaya naman mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya at ilang sandali lang ay nabulabog na ang buong lugar dahil sa nangyaring pagsabog sa ibang parte pa ng building. Bombs? Sa magkabilang hallway namin nangyari ang pag-sabog kaya nagtataka kong tiningnan si Axcel.


"Where's Friz?" Hindi siya kaagad nakasagot dahil bigla na lang may narinig kaming putok ng baril na muntik ng tumama sa kaniya kaya mabilis niya akong hinila bago sunod-sunod na nagpaputok.  


Ilang sandali lang ay may isa na namang lalaking sumalubong sa amin na mabilis ko rin pinaputukan.


"Bilis na!" Nagmamadaling hila sa akin ni Axcel. We reached the fire exit. We had the blueprint of Citehil and based on it, may hidden route rito sa FE papunta sa parking lot. 


Tumigil kami when we reached the doors na magkatapat, may nakalagay pa na signage na, DO NOT ENTER. 


JINNO: "Six opponents on the right door and four on your left side."


Nagkatinginan kami ni Axcel tiyaka kami nagpalit ng pwesto. Siya sa right then ako sa left. 


"Handa ka na?" Tanong niya matapos naming mai-pwesto ang mga sarili namin.


"Always, baby~" I smirked with matching landi. 


JINNO: "One minute and sixteen seconds."


Halos magkasabay kami ni Axcel na sinipa ang magkabilang pinto kasunod ng sunod-sunod na pagpapa-putok namin.


"F*ck your ass, jerks, and stupid thugs!!!" I cursed nonstop. Hindi man lang halos namin sila pinagbigyang magsayang ng bala.


"Four down." Hinihingal na sabi ko. Ang hot ko mapagod. 


"Six." I looked at Axcel na nakatingin sa akin. We both smiled.


"Tara na" Nauna na siyang naglakad. Sakto na malapit na kami sa parking lot nang biglang bumusina ang kulay itim na hummer.


Patakbo kaming lumapit hanggang sa makasakay kami. Hindi pa man ako nakakaupo ng maayos ay kaagad nang pinaharurot ni Bryan ang sasakyan. Sarap buhusan ng yelo ang utak nito.


The target location is ready for eradication. A device from the car said.


"Yown!" Halos nakahinga ng maluwag si Axcel even Friza na katatanggal lang ng suot na gloves. Nang makalayo kami ng kaunti ay kita pa namin kung paano sumabog ang building kung saan kami nanggaling, mula sa itaas pababa. Sarap sa eyes.


JINNO: "Great job. I'll see you at the headquarter."


"Nakakainis! Wala man lang akong nakitang gwapo!" Reklamo ko tiyaka humalukipkip. Puro mga thugs na ang iitim ng lips and ugh! Ang papangit kaya nila. Even that Tomas Loriano!


"Tss! Pero kung makapanlandi, t*ng ina akala mo naman sabik na sabik pumatol." Pambabara ni Friza.


"Well gano'n talaga, wala kang mapapala kung hindi ka marunong lumandi." Tiningnan niya ako ng masama while 'yong dalawang boys ay mukhang may seryosong pinag-uusapan sa front seats.


Oh I almost forgot! May question nga pala ako. 


"Hey, baby Axcel!" Lumingon naman siya kaya napangiti ako ng super wide. "Tell me. Gwapo si Joseph Marcus at Frinlux Gazir noh?" Paniniguro ko just to satisfy my hunch. Feeling ko tama ako. 


Nagka-tinginan pa silang dalawa ni Bry bago ako nilingon ulit ni baby Axcel para sumagot. "Naabutan ko sa control room si Joseph Marcus na wala ng buhay." 


"At si Frinlux Gazir naman ayun nawili yata 'yong pumatay sa kaniya na lunurin siya sa bathtub." Friza added. Napatakip ako sa lips ko. Wait...They were dead bago pa kami makapunta sa building? 


"And sino ang pumatay sa kanila?" Super nagtatakang tanong ko. Bumuntong hininga lang si Axcel so I looked at Friza but she only shrugged. 


Oh devils! Sino naman kaya ang papatay sa dalawang 'yon? All I thought nga magtatagal kami sa loob dahil sa kanila because they are both an assassin. At according sa profile na ibinigay sa amin ng Chief, hindi sila basta-basta. 


"Hey, Friz. Tingnan mo 'to." Axcel said as he handed the sketch pad to Friza, pati ako ay hindi maiwasang maki-osyoso kaya kahit na gusto ko pa sanang mag-isip about the killer of Joseph and Frinlux, sa sketch pad ko nalang itinuon ang attention ko. 


When I saw the man's face, I was surprised.


"I know this guy." I commented habang inaalala kung saan ko siya nakita. Oh yes! In the club. I guess? Sa Red Fox yata 'yon. 


"Ayan 'yong lalaking naglagay ng party drugs sa inumin ni Friza noon sa Red Fox Club. Siya ang leader ng Aris Group." Axcel stated.


"Oh kaya pala!" Nakangiting sagot ko na halos mapapalakpak pa ako when they all looked at me na parang may gusto pa silang marinig. "Kaya pala...gwapo." I continued na halos ma-disappoint sila sa sinabi ko.


"Pero seriously, kilala ko talaga 'to eh. Hindi ko lang talaga maalala. I saw sa isang okasyon sa Red Fox Club din, but the only thing na nare-recall ko ay----"


"Ang makipaglaplapan sa mga gang members na hindi mo naman kilala." I looked at Bryan na ang tingin ay nakatuon sa daan. Minsan na nga lang umentrada, panira pa.


"It was a mission kaya, so it's natural. At correction lang ah, hindi ako basta-basta nakikipag-laplapan kung kani-kanino lang, may standards din ako excuse me." Paglinis ko sa pangalan ko tiyaka siya inirapan.


"Pero seryoso kilala ko talaga 'to." Sabi ko ulit tiyaka inagaw ang sketch pad kay Friza.


"T*ng ina naman, Novaleigh! Sino nga?!" Inis na sigaw niya na tinawanan ko lang. Napaka talaga ng babaeng 'to, kawawa naman ang magiging boyfriend niya kung sakali.


"Hindi----"


"T*ng ina mo manahimik ka na lang." Pagputol niya sa sasabihin ko tiyaka niya inagaw ang sketch pad.


"Sige na nga, seryoso na." I said nang mahalata ko na malapit na naman siyang magliyab. This bad-tempered girl. Tss! Huminga ako ng malalim tiyaka isinandal ang likod ko sa upuan dahil medyo napagod din ako sa bakbakan.


"He's the leader of Aris." Panimula ko.


"Alam ko." Hindi man lang ako pinatapos. Hayst. 


"He's actually the mysterious man funding the Red Fox Club..." Humalukipkip pa ako tiyaka sila inisa-isang tiningnan. Halatang nag-hihintay rin sa sunod kong sasabihin ang dalawang boys sa harap although si Bry ay focus sa daan. I think I should really spill the bean that I found out month ago. 


"The third grandson of Don Joaquin Alvarez Stanford...Dwight Kean Lewis Stanford."


"At pa'no ka nakasisiguro?" Paniniguro pa ni Friz.


"Of course! Stalker ako eh" Proud na sagot ko.


"Teka, sinusundan mo siya?" Nagtataka namang ask ni baby Axcel. Kaagad naman akong tumango. "At tingin mo hindi niya alam na may nakamanman sa bawat galaw niya?" Tanong na naman niya. 


Napabuntong-hininga ako bago sumagot, "Of course, alam niya noh! Stanford eh, at isa pa ano naman kung mahuli niya ako eh itatanong ko lang naman kung gusto niyang makipag-one night stand sa akin."


And the next thing, puro malulutong na mura ni Bryan ang mga narinig ko kasabay ng malakas na sapok sa akin na galing kay Friza. Ano na naman bang wrong sa sinabi ko? I'm just being honest here! 




Serpent Headquarter

ELLISSE ZERINA 


"Ellisse?" Kunot-noong bungad sa akin ni Nickolas na nakaupo sa swivel chair pagkapasok ko sa Security Control Room, kung saan siya lang ang nadatnan ko.


"Anong ginagawa mo rito?" Nagtatakang tanong niya habang inililibot ko ang paningin ko.


"I need your help." Diretsa ko nang ibaling ko ang atensyon ko sa kaniya na para bang natawa pa sa sinabi ko. Nagpa-meywang ako tiyaka ko siya tinaasan ng kilay. "I'm the Royal Knightress, and it's an order."


"Sabi ko nga." Nakangisi niyang sagot tiyaka inayos ang upo bago humarap sa monitor. "Ano ba ang maitutulong ko sa 'yo, Royal Knightress?" Tanong niya ng may diin sa huling salitang binanggit niya. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya sa halip ay naupo ako sa swivel cahir sa tabi niya.


"Let me see the footage from the second floor around 10 to 11 AM" Ma-awtoridad na sabi ko nang mapatingin siya sa akin na naka-kunot ang noo.


"May problema ba?" Tanong niya. Bumuntong hininga ako at alam kong alam na niya ang sagot ko kaya naman hindi na siya umimik at ginawa na lamang ang sinasabi ko. Ilang sandali lang ay nag-flash sa screen ang isang footage.


Seconds passed and I was intently looking at the footage to check on something. 


"Hindi na maganda ang kutob ko sa hitsura mo, Ellisse." Hindi ko siya pinansin. I need to check this out.


"May nakita ka ba?" Tanong niya matapos kong suriin ng puspusan ang buong footage. Hindi ko siya sinagot dahil para bang punong-puno ng impormasyon ang utak ko.


Tumayo ako tiyaka siya tinalikuran, at paalis na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at mula ro'n pumasok si Rix kasama ang isang babae na mukhang member ng Serpent Gang. I have a weird feeling here. Napataas ang kilay niya nang makita ako at bigla na lang siyang napangiti na para bang bigla niya akong nakilala. What's with that sudden changed?


"Anong ginagawa mo rito, Ell? May problema ba?" Tanong ni Rix pagkatapos iabot ng pahagis ang beer in can kay Nick.


"Nevermind, may tiningnan lang." Tipid na sagot ko tiyaka lumabas.


I don't get what's happening. Hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa paligid ko kanina pa at hindi ko masabi kung bakit. Parang may nakamasid na para bang ano mang oras may sasaksak o babaril sa likod ko. Hindi ko man ipinapahalata pero kanina pa ako kinakabahan. Napahawak na lang ako sa kwintas na suot ko nang maalala ko ang nangyari kanina.



Flashback 

"Tinatanong pa ba 'yan, ate? Malamang! Tss! Ang tagal kong hinintay ang pagkakataong 'to. Obvious naman na mas handa pa ako sa handa."


Napatigil ako sa pagbukas ko ng cubicle door nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. I think, she's talking on the phone. 


"Maghintay ka lang at panoorin mo ang gagawin ko, panigurado na papalakpakan mo 'ko."


Sa tono pa lang ng pananalita niya, mahahalata ng may binabalak siyang masama. Kulang na nga lang humalakhak siya na parang demonyo.


"Magkita tayo mamaya sa lake sa likod ng headquarter. Ibibigay ko sa 'yo ang gamot. Mas mabuti ng doble ang pag-iingat natin. Hindi ako makapapayag na isang baguhan lang ang sisira sa lahat ng plano ko."


Hindi ako sigurado pero para bang natamaan ako sa sinabi niya. Baguhan? Walang ibang baguhan dito sa loob ng headquarter kung hindi ako kaya posible na ako ang tinutukoy niya. What the hell is happening here again? 


"Alam ko na matalino siya pero mas lamang parin ako sa kaniya, at hindi ako makapapayag na malamangan niya ako kay Renzo."


Renzo? The Serpent Commander? At anong malamangan ang sinasabi ng hipokritang babaeng 'to? 


Ilang sandali lang ay bigla na lang tumunog ang phone ko. D*mn it! Hindi pala naka-silent. Mabilis kong pinatay ang tawag tiyaka huminga ng malalim pero pagkalabas ko mula sa cubicle ay wala akong nadatnang tao. Hindi talaga siya pahuhuli huh. Tss. Well, let's see.


Paalis na sana ako nang mapatigil ako't naamoy ko ang isang uri ng pabangong naiwan rito sa loob. I know this scent. With that, I playfully smirked. 


Let's play a game, b*tch. 

End of Flashback 



Nagbalik huwisyo ako nang tumunog ang phone ko. I rolled my eyes when I saw the name 'demonyong walang puso'. I tapped the answer button at tamad na itinapat 'yon sa tainga ko.


[Why did you ignore my call? Where the hell are you?] Ayan kaagad ang bungad niya sa akin. Seriously? Parang galit pa ang boses niya, tss. 


"Wala lang. Nasa HQ." Walang ganang sagot ko. 


[F*ck] Mura niya na hindi ko maintindihan kung bakit. Is he drunk or what? 


"Ano na naman bang kailangan mo't nanggugulo ka na naman?" Nakataas ang kilay na tanong ko kahit na hindi naman niya nakikita. I heard his heavy breathing before he replied.


[You're the one who's bothering me right now.] Sagot niya na parang naiinis pa. Teka nga lang, bakit binabaliktad nito ang pangyayari?


"Excuse me? You were the one who called me and now you're telling me that I'm the one bothering you? Ako ba 'tong----"


[Tell me what happened, Zerina.] Natigilan ako nang biglang mag-iba ang tono ng boses niya. It was his usual deep and serious tone. The autocratic one. 


"Ano bang nangyari ang sinasabi mo? Anong imagination na naman---"


"Felt someone after you? Tell me. Did you find anything?" Natigilan ako sa tanong niya. How the hell did he know? Ang bilis namang lumipad ng balita papunta sa kaniya.


"Just mind your own business. Problema ko 'to." I replied with finality. 


[No. It's mine as well. So shut the hell up and tell me what the f*ck just happened.] Humugot ako ng malalim na pag-hinga para kalmahin ang sarili ko. He really didn't know how to stop, huh? Tss. 


"I'll tell you. Later." Labas sa ilong na sagot ko. 


[Good. In the maze's basement.] 


At ang nakaka-buwiset talaga ay binabaan kaagad ako ng tawag. WTH! Napapikit ako ng mariin dahil sa inis. He's too d*mn great of teasing me to the point that I almost want to smash my phone on his head once I see him. D*mn it!


Naglakad na ako palayo, pero nang maalala ko ang nangyari kanina ay kaagad kong napagtanto na may kailangan pala ako. And of all people, I have no choice but to ask it from Mikael Lorenzo. 


I opened my messaging app. Click the old messages I got from him and started typing. 


To: Demonyong Walang Puso 

I need something 


Wala pang ilang segundo, nag-vibrate ang phone ko. 


From: Demonyong Walang Puso

Name it


To: Demonyong Walang Puso

Mediterranean Honeysuckle


From: Demonyong Walang Puso

What the f*ck? 


To: Demonyong Walang Puso

Wag kang magpapakita sa 'kin ng walang dala


From: Demonyong Walang Puso

Who the hell are you to f*cking command me? 


Wow! Who the hell is me daw huh? Sa inis ko ay mabilis akong nag-type ng sunod-sunod na reply tiyaka i-sinend.


To: Demonyong Walang Puso

Nasan yung 'I fell for you so hard'? Simpleng hinihingi kong pabango nagre-reklamo ka pa

Ayaw mo? 

Then don't!

By the way, I'll borrow your car. May I? 

Of course. 

It's actually none of your business, pero lalabas muna ako para naman masinagan ako ng araw. Diretso na rin ako sa mall para bumili ng kailangan ko kasi 'di ba sino nga naman ako para utusan ka sa pag-bili???


Pinatay ko ang phone ko at mabilis na naglakad palayo. Hindi na rin ako nakatanggap pa ng reply galing sa kaniya. See? Tss. Hindi lang phone ang gusto kong ihampas, pati ang suot kong boots. 


D*mn it! Why the hell am I overreacting? Pakealam nga ba niya sa gusto ko? Tss. Pabalik na sana ako sa kwarto ko. I was only meters away from the door when my phone vibrated. His name popped up on the screen. It's not a message but a call. 


"Ako ng bibili" Inunahan ko na siya bago pa siya makapagsalita nang sagutin ko ang tawag.


[Wait for me in the basement.] 'Yon ang huling sinabi niya sa malalim na boses matapos niyang i-end ang call. 


He called just to say that? WTH! 




Korbin's side 

THIRD PERSON 


"Boss..."


"MGA WALA KAYONG KWENTANG LAHAT! PAANO KAYO NALUSUTAN NG SERPENT GANG SA NAPAKAIKSING MINUTO HUH?!! MGA TANGA! WALA KAYONG MGA SILBI!" Nagliliyab sa galit na sigaw ng kanilang pinuno.


"PATAYIN ANG LAHAT NG NAKALIGTAS SA AKSIDENTE. WALA KAYONG ITITIRA." Nagbabantang utos niya.


"Pero, boss----" Umalingawngaw ang isang putok ng baril kasabay ng pagbagsak ng katawan ng isang lalaki sa sahig. 


Ang ibang nasa loob ng silid ay tila ba bigla na lamang nanginig dahil sa takot na baka sila ang isunod ng kanilang pinuno na paniguradong ano mang oras ay hindi mag-aalinlangang kumitil ng buhay ng kahit na sino sa kanila.


"H'WAG NA H'WAG KAYONG MAGPAPAKITA SA AKIN NANG WALANG BAHID NG DUGO ANG MGA KAMAY NINYO." Pagbabanta niya sa huling pagkakataon. Kaagad namang tumungo at lumabas ng silid ang ibang mga miyembro ng kanilang samahan.


"Sinusubukan talaga ako ng Serpent Commander...." Bulong nito sa sarili bago itinungga ang bote ng alak na nasa tabi ng kaniyang study table.


"Boss, may tawag po kayo galing sa Aris." Nakayukong saad ni Valeria tiyaka iniabot ang phone. Kaagad namang kinuha 'yon matapos pabagsak na ibinaba ang alak sa mesa.


[How are you, Mr..... X?] Hindi man nakikita, nakasisiguro ang leader ng Korbin na malawak ang ngisi ng kaniyang kausap mula sa kabilang linya. Makahulugan pa nga ito kung magsalita.


"Hinihintay mo talaga na magipit ako, huh, Mr. Stanford?" May pagpipigil pa rin sa kaniyang tono.


[I told you. Lorenzo is not an easy dumbass opponent. Ngayong wala na ang Citehil property na pagmamay-ari mismo ng Korbin, sigurado ako na wala ka ng ibang lalapitan kung hindi ako na lang. So what do you think of my proposal? Just in case you forgot, I'm willing to be your wealth source.] Nakangising sagot niya mula sa kabilang linya habang hithit ang sigarilyo.


Dahil wala ng ibang natitirang pamimilian, napakuyom na lamang ng kamao ang leader ng Korbin. 


"Siguraduhin mo lang na mapasasakamay ng Korbin ang dark list na hawak ng Serpent." Nagbabantang sagot niya.


[Consider it done...but on one condition.] Ibinuga niya ang usok matapos hithitin ang sigarilyo.


"Tapos na ang usapan natin, Dwight Kean."


[Not too fast. I need more power to get what you want to attain.....Let me take hold of your gang.] Isang makahulugan at nakakalokong ngisi ang pinakawalan ni Dwight kahit hindi 'yon nakikita ng kaniyang kausap. Walang sagot na narinig mula sa leader ng Korbin, ngunit nakasisiguro si Dwight na walang ibang kakapitan ang kaniyang kausap kung hindi ang pagbigyan ang kaniyang kahilingan. 


Matapos ang sandaling usapan. Nagkaroon ng katahimikan sa silid ng leader ng Korbin. Nakakuyom ang kaniyang kamao matapos pabagsak na inilapag sa mesa ang kaniyang phone. Mabilis na nilagok ang alak at pabagsak na ibinaba 'yon sa mesa. 


"Tipunin mo ang lahat, at ipaalam mo ang tungkol sa pakikianib ng gang sa Aris group." Nagpipigil sa galit na wika niya. Naguguluhan man ay kaagad parin sumunod si Valeria sa atas ng kanilang pinuno.



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top