Chapter 27
FRIZA GONZALES
"Rix, catch!" Habang nasa unahan ko si Rix ay nakasalubong namin sina Axcel at Nick.
"Aray! T*ng ina!" Napahawak ako sa mukha ko nang matamaan ako ng matigas na bagay na parang bato.
"G*go ba't mo inilagan? Ang sabi ko Rix saluhin mo." Tiningnan ko ng masama si Axcel na nag-peace sign pa. T*ng ina umagang-umaga. Dahil sa inis ko ay pinulot ko ang mansanas na ibinato niya tiyaka 'yon buong lakas na ibinato sa kaniya pabalik na mabilis niyang nailagan.
"WHAT THE F*CK!" Pakiramdam ko nabuhusan ako ng malamig na tubig sa sunod na nangyari. Hindi lang ako ang natigilan kung hindi pati 'tong mga kasama kong g*go.
"R-royal K-knight." Bigkas ko na halos hindi ko masabi ng maayos at diretso. Sigurado na talaga 'to, mamaya lang lalamayan na 'ko. P*tang ina, 999 times.
"Zane." Pero ang lubos na ikinabahala ko ay ang biglaang pagdating ng pinsan niya, ang Royal Chief. T*ng inang araw 'to, sabog na talaga ako.
"Hand me your gun." Napatingin ako sa Royal Knight na walang emosyong nakatingin sa akin. Walang emosyon pero mababakas ang pagka-inis sa mukha niya. Wala bang tutulong sa'kin?
Tiningnan ko ang mga kasama ko na parang mga paslit sa tabi na biglang nanahimik. Mga t*ng inang 'to. Wala man lang willing mang-backup. Nanginginig ang kamay kong iniabot sa Royal Knight ang baril ko.
"What happened? Ano'ng gagawin mo riyan?" Kunot-noong tanong ng Royal Chief sa kaniya. Hindi siya nagsalita sa halip ay ikinasa niya ang baril tiyaka 'yon itinutok sa akin. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Kapag talaga Stanford walang tanong-tanong. Kapag nabangga mo, sa kabaong na agad ang bagsak mo. T*ng ina talaga.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo, Ash? Baka nakakalimutan mo na nasa loob ka ng headquarter, at isang kang Royal Knight." Kaswal na pangaral sa kaniya ng Royal Chief na mukhang magkakainitan pa yata sila dahil sa akin.
"Ito ba ang itinuro mo sa kanila noong wala ako, Mr. Stanford?" Pormal na patanong na sagot ng Royal Knight.
Kung pwede ko lang sana siyang sagutin baka ginawa ko na kaso gusto ko pang humaba ang buhay ko kahit papaano. Sa totoo lang nakakatakot talaga ang aura nilang dalawa ng Royal Chief, unang tingin mo pa lang sa kanila, mahuhulaan at mahuhulaan mo kaagad na hindi sila basta-basta.
"You've been lost for a long time, Zane. Dapat nga pasalamatan mo pa ako, dahil kung hindi ko sinalo ang responsibilidad mo bilang Royal Knight, hindi magiging disiplinado ang Serpent Gang." Mismo, Royal Chief. Tama 'yan. Nadali mo.
Napatingin ako sa Royal Knight na mukhang naagaw ng kaniyang atensyon ang sinabi ng pinsan niya. Nagsusukatan sila ng tingin na para bang ano mang oras ay magpapatayan sila sa harap namin.
Ikaw ba naman kasi ma-real talk, malamang mamumura mo talaga ng t*ng ina 999 times 'yong kausap mo.
"Minsan napapatanong ako sa sarili ko kung paano mag-away-away ang magpipinsang Stanford. Totoo yata 'yong sinasabi nilang giyera ang ganap." Napatingin ako sa lalaki na ngayon ay nasa tabi ko na. Si Rix na dala na naman ang nakaka-gago niyang inosenteng mukha habang hawak ang mansanas at pinagmamasdan ang Royal Chief at Knight na nasa harapan namin.
"Curios din ako. Pag-awayin kaya natin?" Nadako ang buo kong atensyon kay Nick na nakaakbay kay Axcel na mukhang tuwang-tuwa pa sa nangyayari. T*ng ina talaga ng dalawang 'to 999 times. Laging gulo ang hanap.
"Ako may napala ako sa pag-alis ko, Tyler. Ikaw ba? Ano'ng napala mo sa pananatili rito sa headquarter?" Pambabara ng Royal Knight. Totoo talaga ang bali-balita tungkol sa angkan nila, kahit na sino walang gustong magpatalo. Magpipinsan, magkaka-away.
"I don't need to leave because I'm not an irresponsible leader just like you. Wasting my time playing hide-and-seek is out of my suit. I have my own clever way to find out things without a single effort disguising myself."
Mga mayayaman talaga iba magsagutan, tss.
Akala ko tuluyan ng nakalimot ang Royal Knight kaso muli niyang itinutok ang baril sa akin nang hindi pinuputol ang matalim na tingin niya kay Chief.
T*ng ina naman, sa akin pa yata maibubunton 'yong galit niya sa pinsan niya.
"Minsan hindi ko mawari kung galit ka ba o naghahanap ka lang talaga ng away dahil bored ka." Lahat kami ay nadako ang tingin sa nagsalita.
P*tang ina! Literal akong natigilan nang makita si Ellisse na nakalugay ang mahabang buhok, suot ang knightress attire na tugma sa itim na boots na suot niya. Para bang bigla na lang siyang nag-transform. Naaalala ko sa kaniya ang Serpent Queen. Ang angas mo!
"Ang kalat din talaga ng lahi mo noh.....Mr. Ash Zane Lopez Stanford." Napatingin ako sa Royal Knight na bigla na lang napangisi. Mukhang hindi ko pa talaga oras ngayon. Ibinaba niya ang baril dahil mukhang nakuha na ni Ell ang atensyon niya.
"Knightress na Knightress ah... Hindi ko alam na bagay pala ang lahi mong maging Mafia Queen...Ms. Ellisse Zerina Juan Lorico." Para bang naglalaro sila sa mga tingin nila. Napatingin ako kay Ell na nakangisi na. T*ng inang ngisian 'yan.
"Mukhang kailangan mo ng ihanda ang sarili mo. Balita ko kasi, Royal Knightress ang nagpapagalaw sa Royal Knight."
Ano ba'ng mayro'n sa dalawang 'to? Akala ko talaga nakalimot na ang Royal Knight pero tingin ko hindi talaga niya mapapalampas ang ginawa ko. Muli niyang itinutok ang baril sa akin pero ang tingin ay na kay Ellisse.
"Pasensiya, Ms. pero hindi ko gawaing maging masunurin." T*ng ina parang mas lalo akong kinabahan.
"Talaga? How about the consequences of your defiance in exchange?" Makahulugang tanong ni Ellisse na humalukipkip na. Parang wala man lang sa kaniya ang nakikita na niyang baril na nakatutok sa akin.
"Who cares about the consequences?" Nang-aasar pa na sagot ng Knight. Ako pa talaga ang target, p*ta naman.
"Then, do what you want." Panghahamon ni Ell.
P*tang ina, hindi ba niya kilala ang mga Stanford? Kapag sinabi nila talagang gagawin nila.
Mas lalo akong kinabahan at aamin kong nasaktan ako nang tumalikod si Ellisse tiyaka naglakad papalayo. Napatingin ako sa Royal Knight na napangisi at hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Halos mapadaing ako sa sakit nang bigla niyang ipinutok ang baril padaplis sa kaliwang braso ko. T*ng ina talaga!
"Friza" Kaagad akong inalalayan ni Nick.
"Ash Zane!" Sigaw sa kaniya ng Royal Chief. Kung alam ko lang na dahil sa isang mansanas mamamatay ako ngayong araw sana pala nilubos-lubos ko na. P*tang inang Axcel Naugsh kasi. Siya talaga ang puno't dulo nito. Masasakal ko talaga ang g*go kapag sumilip siya sa kabaong ko.
"Stop this bullsh*t now. Kung ayaw mo'ng makarating 'to mismo kay Commander." Pagbabanta ng Royal Chief pero sino nga ba ang tinakot niya? Stanford ding nilalang ang kausap niya.
Ginagalang ko ang mga Royalties, pero t*ng ina naman, hindi man lang ako pinagbigyan ng Royal Knight na humingi ng paumanhin. Kapag talaga ako namatay ngayong araw, isa siya sa mga masasakal ko.
"Una sa lahat, Tyler ayoko sa taong magaslaw, at padalos-dalos kung---f*ck!" Napaangat ang tingin ko sa Royal Knight na nabitawan ang baril tiyaka napahawak sa kanang braso niya. Saan galing ang----
"Mabuti na lang talaga umalis ka sa posisyon mo. Imagine, isang palaaway na bulakbol ang magiging leader ng gang. Sino ba ang nagluklok sa 'yo? May sira yata sa ulo." Napatingin ako kay Ellisse na nakahalukipkip at seryosong nakatingin sa Royal Knight. Mukhang siya ang naghagis ng dagger na tumama sa braso ng Royal Knight. T*ng ina lang talaga. Ibang-iba na talaga siya.
"What do you think you're doing, Ellisse? Hurting your fellow Royalty is agains't the law. Hindi ba ikaw mismo ang nagbigay ng permiso sa akin na gawin ko ang gusto---"
"But I do have my own d*mn law... At kailan kita binigyan ng permiso na bumaril ng kung sino lang kung kailan mo gusto? I said just do what you want and you'll see what will happen next. And that's the consequence of your horrid action."
"Horrid what? Ako pa---"
At mas nakakagulat ang sunod na ginawa niya. Pagkadating ni Jinno kasama ang dalawa pa naming kasamahan sa gang na saktong may dalang tali at duct tape. Lumapit kaagad si Ell sa kanila na walang imik tiyaka kinuha ang dala nila matapos ay nilapitan niya ulit ang Royal Knight.
"Hindi ko sinabing barilin mo siya." Matigas na saad niya tiyaka mabilis na tinalian patalikod ang kamay ng Royal Knight. Ibang klaseng katapangan 'yan, Ellisse. Nabuhay ka ba sa panahon ng mga katipunero?
"Teka nga lang, Ellisse. Akala ko ba magkakampi tayo rito? Ano 'tong ginagawa mo?" Hindi ako makapaniwala sa inaasta ng Royal Knight, para bang 'yong seryoso niyang aura kanina bigla na lang naging batang nagmamaktol sa nakatatandang kapatid.
"Hoy ikaw Acozta at ikaw Gonzales! Kalasan ni'yo 'to!" Utos niya sa amin ni Axcel. Lalapit na sana ang g*gong nagsimula nito nang madako ang tingin niya kay Ellisse na kasalukuyang nakatingin din sa kaniya.
T*ng ina, Axcel, makuha ka raw sa tingin! Umatras si Axcel na mukhang nakuha naman ang gustong ipahiwatig ni Ell. Mukhang hindi pa makapaniwala ang Royal Knight.
"Anong klaseng mga gang members---"
"Ititikom mo ang bibig mo o patatahimikin ko ang kaluluwa mo?" Kahit ako ay napalunok sa pagbabantang ginawa ni Ell. Wala ring umiimik ni isa sa amin.
Ang isang Stanford, taob kay Ellisse? P*tang ina, seryoso ba 'to?
Nagpupumilit pa na makawala ang Royal Knight pero wala siyang nagawa nang hilain ni Ell ang braso niya pero napatigil sila gano'n din kami nang bumungad sa daan si Commander kasama ang kaniyang secretary.
"Commander." Panimulang bati ng Royal Chief tiyaka tumango na kaagad namang sinundan namin maliban sa dalawa. Ang Royal Knight na nakikipagsukatan ng tingin kay Commander at si Ellisse na paniguradong nakataas na naman ang kilay.
"Gather all the members of Serpent Gang." Walang emosyon ngunit may pagka-awtoridad na utos ng Commander sa Royal Chief na kaagad tumungo bilang pagsang-ayon.
"Alam kong tuwang-tuwa ka sa ginagawa ko ngayon kaya h'wag mo'kong tingnan ng ganiyan." Paalis na sana kami nang biglang magsalita si Ellisse. Siya lang talaga ang may kayang sagut-sagutin si Commander ng pabalang. Mismong Chief nga, 'di 'yon maatim na gawin.
"Good thing you know... You should of course get rid of anyone who tries to defy you as well." Nakangising sagot ni Commander habang nakatingin kay Royal Knight.
Lahat kami ay nasa kanila ang atensyon pero ang hindi ko lubos inaasahan ay ang biglaang paglapit ni Commander kay Ellisse. T*ng ina sabihin ninyong namalikmata lang ako.
ELLISSE ZERINA
Napaatras ako ng kaunti nang bigla niyang ilapit ang mukha niya sa akin. Anong---matapos ay sa tainga ko. "You just made my day, hon....Your savageness is too much to take." Napaawang na lang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Ni hindi ko man lang siya natapunan ng tingin matapos niya akong lampasan lang.
Kung hindi pa sinagi ni Ash ang braso ko ay hindi ako magbabalik katinuan. Sumisenyas siya na tanggalin ko ang duct tape na nasa bibig niya, hindi ko alam pero bigla na lang akong nainis kaya naman pagalit kong tinanggal ang tape.
"D*mn! Ang sakit nun ah! Nakakailan ka na sa 'kin, Ellisse ah." Tiningnan ko siya ng masama na alanganing ngumiti. "Ito pang nasa kamay ko tanggalin mo." Utos niya. Para bang nawalan ako ng ganang makipag-usap sa kaniya kaya naman sa halip na sundin ko ang sinasabi niya ay iniwan ko na lang siya.
"Ellisse!! Hoy! Teka lang!"
Bahala ka sa buhay mo!
Hindi ko alam kung saan ako dinala ng mga paa ko hanggang sa mapatigil ako sa isang hallway malapit sa balcony nitong headquarter kung saan walang gaanong tao.
"Ito na ang gamot na hinihingi mo." Napakunot-noo ako nang mapansin ko ang isang babaeng nakasuot ng lab gown. Nakatalikod siya sa akin at natatakpan ng katawan niya ang kausap niyang babae na base sa suot niya ay isa siyang member ng Serpent Gang.
"Tandaan mo ang sinabi ko sa 'yo." Dahil pakiramdam ko ay may kailangan akong marinig, minabuti ko munang manatili sa posisyon ko para pakinggan ang usapan nila.
"Wala kang ibang gagawin kung hindi ang......"
"Ellisse!!" What the...Napalingon ako at nakita ko si Tanya na palapit sa akin. Wrong timing. Ba't ngayon pa? Muli kong ibinalik ang atensyon ko sa dalawang babae pero nabigo ako nang makitang wala ng tao sa lugar kung nasaan sila kanina. D*mn it!
"What are you looking at? May hinahanap ka ba?" Inosenteng tanong niya nang makalapit sa akin. Napabuntong hininga na lang ako. Nawala na nga, istorbo ka naman kasi. Isasagot ko sana pero pinigilan ko ang sarili ko.
"Anong kailangan mo?" Balik tanong ko sa kaniya.
"Naiwan mo sa villa ni Rix." Sagot niya sabay abot nang isang libro.
URBAN SONATA
A Novel Written by Natsuo Daigoro
Halos makalimutan ko na ang librong 'to. Hindi ko pa pala natatapos basahin bago ang lahat ng nangyari.
"Hindi ko alam na nagbabasa ka pala ng mga librong gawa ni Mr. Daigoro. No doubt, madami ka ng alam tungkol sa Serpent pati na sa existence ng iba pang ungovernable groups." Napakunot-noo ako sa sinabi niya na mukhang nahalata niya ang naging reaksiyon ko.
"This book isn't about Serpent. Tungkol ang librong 'to sa mga legal na karahasan na ginagawa sa isang siudad na pinamumunuan ng mga opisyal na nagpapakasasa sa kapangyarihan at kayamanan." Pagtama ko sa sinabi niya.
"I know." Natatawang sagot niya. "Binibiro lang naman kita, Ell." Patuloy niya pero hindi 'yon nakakatuwa. Kung mayro'n man sa amin na hindi magaling magsinungaling , si Tanya 'yon. Sa hitsura pa lang niya para bang may nasabi siya na hindi naman dapat niya sabihin.
"Tell me the truth, Tanya. Ano'ng ibig mong sabihin sa mga gawa ni Mr. Daigoro tungkol sa Serpent at iba pang mga grupo?" Tingin ko ay marami pa talaga akong hindi nababasa sa mga gawa niya na kailangan kong malaman. Huminga siya ng malalim na para bang obligado siyang sabihin ang totoo sa akin.
"Si Mr. Natsuo Daigoro ay isang independent writer na ayon sa mga sabi-sabi, galing siya sa isang kilala at mayamang pamilya. Matagal siyang tumira rito sa Pilipinas pero hindi nagtagal ay naisipan niyang mangibang-bansa. Nagpalipat-lipat siya habang sinusulat ang ilan sa mga libro niya na hanggang ngayon ay kilalang-kilala." Pahayag niya. Ang buong akala ko ay lubusan ko ng kilala ang taong hinahangaan ko, hindi pa pala.
"Where is he now?" Curious na tanong ko.
"Germany raw, pero hindi ako sigurado. Sa dami ng mga naglalakihang publishing company na gustong kumuha sa kaniya mas pinili niyang magpakalayo. People say, he's a weird person which I think is right. Nakakahanga ang mga gawa niya pero para bang wala siyang pakealam sa paligid niya at sa mga taong humahanga sa kaniya." Sagot niya. Kung gano'n bago ko pa siya maabutan dito sa Pilipinas ay nakalipad na siya papuntang Germany.
"He's not a weird person." Depensa ko. "Dahil kung wala talaga siyang pakealam sa paligid niya at sa mga taong humahanga sa kaniya, hindi niya maisusulat 'to." Patuloy ko tiyaka ipinakita ang librong hawak ko. "He wrote this to show the truth behind power and futile justice which is really happening." Kung may pagkakataon lang sana akong makita siya bago nangyari ang lahat...
"Well then, I think he's a reverently weird person." Saad ni Tanya.
"Salamat nga pala." Tipid kong pasasalamat bago ko siya iniwan pero hindi pa man ako nakahahakbang palayo ay napansin niya ang suot kong kwintas.
"Saan mo nakuha 'yan, Ell?" Curios na tanong niya habang nakatingin padin sa kwintas kaya naman kaagad kong itinago 'yon papasok sa loob ng suot kong damit. I should remove it later. Bakit ba nakalimutan kong tanggalin kanina?
"It's none of your business." Umalis ako nang hindi na lumilingon pa.
Naalala ko na naman kung kailan nawala na sa isip ko ang nangyari. Napatingin ako sa suot kong kwintas nang makarating ako sa harap ng isang malaking bintana sa dulo nitong hallway kung saan makikita ang malawak na field sa labas.
Parang nakikita ko ang repleksiyon ko sa salamin ng bintana. Hinawakan ko ang pendant ng kwintas. Maaalala't maaalala ko ang nangyari kung patuloy kong isusuot 'to at pakiramdam ko nag-eecho na naman sa tainga ko ang lahat ng sinabi niya. Si Renzo ba talaga ang nagsabi ng lahat ng 'yon? That heartless man na mukhang hindi naman halatang mahuhulog sa isang tao. Tss.
Ipinilig ko ang ulo ko para ibaling sa iba ang iniisip ko pero parang bumabalik lang ang lahat kaya naman naisipan kong tanggalin muna ang kwintas pero hindi ko pa man tuluyang naaalis ay bigla na lang parang umilaw ito.
"Serpent?" Tanong ko sa sarili ko tiyaka hinawakan ang serpent na naka-engraved sa mismong bullet pendant. Hindi ito kaagad makikita kapag hindi umiilaw.
"Ginagawa mo?" Mabilis kong itinago ang suot kong kwintas sa damit ko tiyaka lumingon.
"Rix?" Kunot-noong tanong ko pero binawi ko rin kaagad ang pagkagulat ko. "Bakit?"
"May reunion mamaya sa villa. Punta ka." Napaka-inosente talaga ng mukha ng isang 'to. Kaya sa kanilang lahat sa kaniya ko mismo sinasabi lahat ng mag little secrets ko noon. Hindi talaga mahahalata na may alam siya. But scratch that.
"Hindi ako int---"
"Kursunada mo si Commander kapag tumanggi ka."
"What?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
"What pwet ni Creid na may balat."
Napabuntong-hininga ako. Of course, Rix will always be Rix. Madaming sikreto pero madalas walang sense ang mga sinasabi.
"Madami akong gaga---"
"Hawak ko ang schedule mo." Inosenteng sagot niya tiyaka itinaas ang hawak niyang Ipad. Ang sarap lang niyang batukan.
"Ano ba talagang kailangan mo?" Iritado kong tanong na ikinangisi niya.
"Biro lang. Sungit, aga-aga. Alam ko namang kahit na sino pa sa amin ang mag-aya sa 'yo, wala ka ng interes saluhan kami." Hindi ko alam kung sinasadya ba talaga niyang patamaan ako o ano pero aaminin ko, nasaktan ako sa sanabi niya.
"Pinapatawag ka ni Commander sa Royal Room." Saad niya tiyaka iniabot sa akin ang Ipad. Kinuha ko 'yon matapos ay tumalikod na siya pero tumigil din siya tiyaka muling humarap sa akin.
"Sa totoo lang, Ellisse....masaya akong nandito ka." Hindi ko masasabing pang-aasar ang sinabi niya dahil ramdam ko mismo ang sincerity sa tono ng boses niya at higit sa lahat kilala ko siya.
I know each one of them really well. Pero 'yong sama ng loob ko dahil sa pagtatago nila sa akin ng tungkol sa kaugnayan nila sa Serpent ang mahirap burahin.
SOMEONE
Hindi ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdan ang hawak kong maliit na bote. Sa wakas, matatapos na rin ang lahat ng paghihirap ko at matutupad na rin ang bagay na matagal ko ng hinahangad.
Sa dami ng pwedeng humadlang sa plano ko, ikaw pa talaga? Kung hindi ka na lang sana dumating, sana ako ngayon ang nasa posisyon mo.
Kung huli na sanang nalaman na isa siyang VIP edi sana natuluyan na siya. Kung hindi lang umepal ang mga pabida niyang kaibigan.
ELLISSE ZERINA
"Five minutes and thirty four seconds." Ayan kaagad ang bungad niya sa akin pagkapasok ko ng royal room. "What took you so long?" Nakataas ang kilay na tanong niya. Wala ako sa mood makipagtalo sa kaniya ngayon kaya hindi na ako umalma pa.
"Ano na namang kailangan mo?" Walang ganang tanong ko nang makalapit ako sa harap ng mesa niya.
"You." Tipid na sagot niya na siyang nakapagpatigil sa akin. Sa totoo lang, ayoko sa mga tingin niya. Ilang beses ba akong iiwas ng paulit-ulit? Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili ko.
"Ang tinatanong ko, Commander kung ANO ANG KAILANGAN MO." Mariin na saad ko nang may pagpipigil. Sumandal siya sa inuupuan niyang swivel chair tiyaka humalukipkip at nanatiling nakatingin sa akin.
"What's wrong with my answer, Ms. Lorico?" Inosenteng tanong niya pero mababakas ang ngisi sa labi niya. Ito ang nakakainis sa kaniya. Ang ngisi niyang nang-aasar na talagang nakakaasar.
Huminga ako ng malalim para pigilan pa ang sarili kong malapit na namang sumabog sa inis tiyaka siya matamang tiningnan. "Bakit mo ba 'ko pinatawag dito?" Pag-iba ko sa tanong ko.
"Are you deaf? I said, I need you." Sa inis ko dahil sa isinagot niya ay ikinuyom ko ang kamay ko para pigilan pa ang sarili ko. Nagbibilang na talaga siya sa akin at konting-konti na lang dadapo na sa mukha niya ang kamao ko.
"Ang ibig kong sabihin, Mr. Hilton ay kung ANO ANG KAILANGAN MO SA AKIN AT BAKIT MO AKO PINATAWAG DITO." Isa pa talaga lilipad ang kamao ko sa mukha niya.
"Do I really have to repeat my answer?" Hindi ko na talaga kaya. Sumusobra na siya. Dahil sobra na ang inis ko, dinampot ko ang baril na naka-display sa mesa niya tiyaka 'yon itinutok sa kaniya na mas lalo lang nagpalawak sa ngisi niya. "That was a fast clever move, hon."
"Isa pang bigkas mo ng hon na 'yan, at isa pang ulit mo sa sagot mong 'I need you', lilipad talaga 'tong bala ng baril sa 'yo." Pagbabanta ko sa kaniya dala ang matalim kong mga tingin, pero ang bwiset na lalaki, hindi man lang tinatablan. D*mn him!
"What are you waiting for? Shoot me. Impress me more, Ms. Lorico." At talagang sinusubukan niya ako.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa hawakan ng baril at hindi na ako nagpatinag sa mga tingin niya. Binibigyan na rin naman niya ako ng pagkakataon na patayin siya. Kung akala niya na hindi ko 'yon kayang gawin pwes patutunayan ko ang bagay na hinahanap niya.
Kinalabit ko ang gatilyo ng baril pero napakunot noo ako nang hindi ko ito makalabit dahil para bang may kung anong mahigpit na humaharang rito, isama mo pa ang panginginig ng daliri ko. WTH, bakit ngayon pa?
"You're excellent on threatening the opponent, but failed on putting the threat on act." Napatingin ako sa kaniya na naka-dikwatro't nakahalukipkip habang pinagmamasdan ako. Here's the great d*mn asshole. Pinangaralan pa talaga ako. Ibato ko na lang kaya sa kaniya 'tong baril?
"Sumagot ka ng maayos kung hind talagang lilipad sa 'yo 'tong mismong baril." Pagbabanta ko.
Paano ba 'to gumana? Hindi ba kasi 'to nakakasa? Eh bakit 'yong gamit ko sa Frisco Di Yarte gumana naman? Konti na lang ibabato ko na lang talaga sa kaniya 'to. Napailing siya at tumayo ng nakangisi tiyaka ako nilapitan. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya nakasunod ang pagkakatutok ko ng baril sa kaniya.
Hinawakan lang niya ang muzzle nito. Pumwesto siya sa likod ko tiyaka inalalayan ang magkabilang braso ko sa pag-hawak ng baril.
Here comes the feeling again. D*mn it.
"Gun is useless unless you know how to use it right. You can't kill your opponent by simply threathening them." Seryosong saad niya nang igiya niya ang kamay ko sa pagkasa ng baril.
"Stand with your feet and tightly hold the gun...not too tight. Keep your cool to straightly aim the target." Pabulong na wika niya tiyaka mahigpit din na iginiya ang kamay ko sa paghawak ng baril. Ramdam na ramdam ko pa ang maskulado niyang katawan sa likuran ko.
"Focus, hon." He huskily whispered and d*mn him for doing that.
"Sabing tigilan mo ang kaka---"
"Align your sight to the target....and pull the trigger." Hindi niya ako pinansin kaya sa bwiset ko ay itinuon ko nalang ang atensyon ko sa baril.
Nagawa ko ng bumaril, pero nakakasa na siguro ang baril na gamit ko back then, sa Frisco Di Yarte, sa training and during that time na inutusan ako ng lalaking 'to na patayin ang dalawang lalaking nanghimasok sa royal room dahil sa listahan.
But this time, it's different. Renzo is on my back supporting me to fire the gun. It's d*mn disturbing, knowing that this man just confessed his feelings last night. Parang wala nga lang sa kaniya ang ginawa niya, but to me, it still a surprise until now.
"Now, fire the gun." Utos niya nang bitawan niya ang kamay ko. Kinakabahan man ay ginawa ko ang sinabi niya. Kinalabit ko ang gatilyo ng baril na bumasag sa salaming nasa harapan hindi kalayuan sa kinatatayuan namin.
"Never lose your focus. That's your apex support to aim you target." Saad niya tiyaka kinuha ang baril mula sa kamay ko. "And one last thing..." Humarap ako sa kaniya na nakasandal sa mesa habang nakahalukipkip matapos ibalik ang baril sa kinalalagyan niya.
"Never point your gun at anything or anyone you don't want to shoot...Learn to read your surroundings before you dare to make a move close against your opponent." Paliwanag niya.
Silence again filled the entire room. Nakatingin lang kami sa isa't isa, pero ako na ang kusang umiwas dahil hindi ko matagalan ang tingin niya.
"Aalis na 'ko." Tumalikod na ako at handa na sanang lumabas nang muli siyang magsalita.
"We're not yet done." Napabuntong hininga na lang ako at walang ganang humarap sa kaniya.
"Sit down." Seryosong utos niya. Wala na akong nagawa kung hindi sumunod at tamad na naupo sa couch. Magsasayang lang ako ng laway kung makikipag-debate na naman ako. Pagkaupo niya sa harap ko ay inilapag niya sa mesa ang isang box na pahaba.
"You will never know who your real opponents are unless you know their motives." Napakunot-noo ako.
"And what are you trying to say? Tiyaka ano ba 'to?" Tanong ko pagkakuha ko ng box tiyaka 'yon binuksan. A pure black sheet greeted me. It might need something to make the ink visible, I guess?
"That's the real dark list." Sagot niya na nagpakunot sa akin.
"Akala ko ba fake ang dark list na hawak mo? The one we got from Marcelito Luna. Hindi ba ito 'yon?"
"When Korbin learned that Marcelito Luna was the one who has the dark list, they've been hunting him, and then killed him by Dark Thorn gang in Frisco Di Yarte. The list was fake." Paliwanag niya.
"At hindi aware ang Korbin na peke ang listahan?" Kunot-noong tanong ko.
"They're stupid."
"And how about you? Why did you even give us the order to steal the list if you knew it was fake." Inis na tanong ko.
"Mr. Luna contacted me before the Frisco Di Yarte-mission. The fake list was actually a list of Korbin's higher allies next to those in the real dark list which is the highest. It consists of the names of thieves, criminals, and assassins. We should eliminate those as well, that's why I commanded you along with Jinno, and Axcel to steal the list... It was all a well-played show, hon. Marcelito Luna has willingly given the list to Axcel as we have dealt."
So kaya pala mabilis lang na nakuha ni Axcel ang listahan. I thought we had to really kill Marcelito Luna, but unfortunately, Dark Thorn killed him. At kaya nila siya pinatay dahil posibleng alam nila na ibiningay niya sa Serpent ang listahan sa halip na sa grupo nila. So that man is one of Serpent's allies outside huh?
"So where did you get this?" Tanong ko ulit habang tinitingnan ang blank sheet.
"Kenzo pulled it off. He sent that list to me last night and Tyler's currently working on the fake one that will be used for the assassination to mislead both Aris and Korbin."
"They're too desperate just to get this d*mn list." Mga sakim talaga sa kapangyarihan at ari-arian gagawin ang lahat.
"Korbin wanted the list and so do the Aris Group, but the latter is up to something different. They're after the list but it's not the only prize they want to take." He added.
"And what more they want to take?" Curios na tanong ko.
"They're after the King's throne...And in order to do that, they must first take down the Royalties before the apex person leading the Serpent." Nanatili ang mga tingin niya sa mga mata ko matapos niyang sabihin ang huling salitang binitawan niya. Ako ang umiwas dahil hindi ko matagalan ang mga tingin niya.
"Why are you telling this to me then?" Tanong ko nang hindi siya tinatapunan ng tingin kung hindi ay sa dark list.
"Because you have to know that your duty is to protect the organization against the enemies." Napatingin ako sa kaniya. "You're the Royal Knightress, remember?" Tingin ko, hindi 'to ang plinano kong gawin sa posisyon ko. Hindi ganito ang plano ko.
My duty is to take him down, hindi 'yong ako ang nahihila sa kaniya para sundin ang obligasyon ko sa samahan nila.
"Keep that list for me."
Paano ko magagawa ang plano kong pabagsakin ka kung obligado naman akong protektahan ang samahang 'to? Sinasadya mo ba ang lahat ng 'to?
"Hindi ko mapanghahawakan ang obligasyon ko. I told you, I don't want to be part of Serpent. This isn't the right position for me."
Hindi ko kayang kumitil ng madami pang buhay. It's just too much, because I wasn't born for this.
"But you have to start accepting the fact that this is now your world. I don't want to force you this much either, yet I don't also want you to live this kind of life without knowing how to simply protect yourself. You must learn, Zerina...how to survive inside this shitty cruel place we are living in."
Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. He was serious while looking at me intently in the eyes. Good thing, bigla na lang bumukas ang pinto pero 'yong utak ko para bang prinoproseso parin ang huling sinabi niya.
"May tawag na natanggap ang headquarter mula sa Canis Society, Commander. Ipinapatawag lahat ng Royalties para sa isang urgent meeting." Saad ng Secretary niya na sandaling nadako ang tingin sa akin.
"Leave the headquarter to Zane, and inform the gang to proceed with the plan." Ma-awtoridad na sagot niya nang makatayo.
"Don't disappoint me." 'Yan ang huling sinabi niya nang nakatingin sa mga mata ko bago siya tuluyang lumabas ng kwarto kasama ng kaniyang Secretary.
Napatingin ako sa box na hawak ko. Bakit sa dinami-dami ng pwedeng pagkatiwalaan niya nito, ako pa? Hindi man lang ba niya naisip na kayang-kaya ko siyang traydurin? Alam naman niya kung gaano ko siya kinasusuklaman.
Napatingin ako sa kwintas na suot ko nang bigla na lang itong umilaw. Hinawakan ko ito tiyaka tumayo para tingnan ang sarili ko sa basag na salamin.
Hindi ko na alam kung saan ako dadalhin ng posisyon ko. If this setup will keep on going, I don't know anymore.
Ang plano kong pabagsakin siya, unti-unting napapalitang ng pangamba. Totoo ba talaga at seryoso siya na gusto niya akong protektahan dahil mahalaga ako sa kaniya, and that he d*mn fell for me?
I still don't understand. Gaano na ba kalalim ang pagkakakilala niya sa akin that he almost fell in love so hard? I didn't even know a single thing about him except his heartless and ruthless side.
Tama pa ba na isakatuparan ko ang lahat ng plano ko? Why does it feel like I should take the obligation to protect this d*mn heartless organization instead?
Should I follow my foolish heart or let my mind lead the way?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top