Chapter 26


Korbin's Side 

THIRD PERSON 


Isang numero ang kaagad na i-dinial ng pinuno ng Korbin pagkapasok niya sa loob ng sasakyan. Katatapos lamang nang pribadong pakikipag-kita niya sa leader ng Aris. 


"Proceed to the next plan." 


[Paumanhin, boss pero bantay-sarado po ang ibang pwedeng malulusutan papasok sa HQ at wala ni isa ang makapasok sa royal room kung saan posibleng nakatago ang dark list. Mas naging mahigpit dahil sa nangyaring pagpasok ng mga miyembro ng gang mula sa samahan natin.] Sagot ng kausap mula sa kabilang linya. Dahil sa narinig naikuyom niya ang kaniyang kamao. 


"Did they kill all our men?" Nagpipigil sa galit na tanong. 


[Halos lahat po ng inutusang palibutan ang HQ, pati ang isa pang hideout natin ay natuklasan rin ng Serpent Gang.]


"Dumbassess. Napaka-simpleng utos hindi nila magawa ng maayos, mga walang kwenta!" Naghuhumiyos ang galit na boses niya sa loob ng sasakyan. 


[Kung itutuloy po natin ang planong saktan si Ms. Lorico para balaan ang Commander sa posibleng mangyari sa babaeng 'yon kapag hindi niya binigay ang dark list, hindi magiging madali dahil hindi siya basta-bastang magpapatinag sa ano mang banta.]


"Pero wala na siyang magagawa oras na hawak na natin ang buhay ng taong iniingatan niya. Sigurado ako na ang babaeng 'yon din ang nasa isip ni Dwight Kean para lumabas ang kahinaan ni Lorenzo."


[Anong ibig niyong sabihin, boss?]


"We both have something agains't Serpent, so we have no choice but to go with that swindler man's plan." Matabang na sagot niya.


[Pero, boss mahihirapan padin ang samahan dahil bantay-sarado ang posisyon ngayon ni Ms. Lorico sa Serpent.] May pagka-siphayong wika ng kausap.


"Anong ibig mong sabihin?"


[Si Ms. Lorico po ang kasalukuyang Royal Knightress ng Serpent. Ang Commander din mismo ang nagluklok sa kaniya matapos dumating ng Royal Knight. Kung ipagpapatuloy ninyo ang pagpupuntirya sa kaniya, hindi lang Serpent Gang ang makakalaban natin kung hindi pati mismo ang Commander, at hindi 'yon magiging madali para sa Korbin.] Pahayag niya.


"Then let them have the freedom for now. Hindi rin naman magtatagal ang ayos ng samahan nila." Kalmado ngunit nagbabanta ang tono ng kaniyang boses.


[Sige, boss...At oo nga pala, narinig ko na may kausap sa phone ang Commander mula sa royal room. Hindi ko narinig ang buong usapan, pero sigurado ako sa binanggit niyang third party na posibleng konektado kay Ms. Lorico.]




ELLISSE ZERINA 


Mukhang sinumsumpong na naman ako ng insomnia. Kanina ko pa gustong matulog pero hindi ko magawa. Naalala ko pa noong nasa New York pa lang ako. Sa tuwing hindi ako makatulog, kahit na alanganin na ang oras lumalabas pa rin ako para maglakad-lakad sa baywalk o madalas sa Central Park. Sa sitwasyon ko ngayon hindi ko na 'yon magagawa kahit na gustuhin ko mang lumabas papunta sa city dahil bantay sarado ako.


Hindi ko alam kung saan ako papunta hanggang sa natanaw ko ang daan patungo sa mataas na pader na nababalutan ng mga vine plants. Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin na lumapit do'n. 


Matapos kong pindutin ang opening switch, kaagad na bumukas ang pader. Tulad ng dati noong huling training ko ganito rin ang hitsura nitong maze, walang ibang nagbibigay liwanag sa buong paligid kung hindi ang bilog na buwan lang. Tumingala ako sa malawak na kalangitan at napangiti ako dahil sa pagkutitap ng mga bituin. I suddenly remember the moment I was in Montana Peak with Renzo. I wonder how the starry night looks like there? 


Without any second thoughts, I entered the maze, pero bigla na lang akong natigilan nang biglang umilaw ang maze wall na nasa kanan ko. Lumapit ako rito para makitang mabuti. It's just a small portion of the wall kung saan parang may naka-engraved where the golden glowing light is coming from.


I touched the light and started to walk slowly, and to my surprise, kada hakbang na gagawin ko at pag-trace sa kung ano man ang naka-ukit sa pader, it went on to lit up. Binilisan ko pa ang paglakad, and so the long wavy lines went on glowing. Parang sumasabay ito sa daloy ng daliri ko sa pader at sa bawat hakbang ko. Is this ever existed before? This is so cool!


I kept walking until the glowing lines stopped. Napakunot ako nang mapansin ang dulo ng linya kung saan nakalapat parin ang daliri ko. No, it wasn't just a line. It was a long glowing snake. Whoever made this outdoor light, he's a genius. Lumingon ako para ilibot ang tingin ko, and I paused when I slowly realized the familiar place. 


"This is....the maze's basement." Bulong ko sa sarili ko at saktong automatic na bumukas ang sahig kung saan ang daan papasok. Napatingin pa ako sa paligid ko para masigurong walang nakasunod o kung ano pa man bago ako tuluyang pumasok. Did that snake light led me here? 


"H'wag mo na 'kong daldalan, Kenzo, ibigay mo na lang sa akin ang lahat ng kailangan ko." Tumigil ako sa pag-hakbang nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Mula sa living room natanaw ko ang isang lalaking nakasuot ng itim na shirt. Teka...Is that him?


"No, I can't leave right now. Hindi ko pwedeng iwan ang gang dahil walang ibang gagawa sa trabaho ko kung hindi ako."


Sinadya kong tumikhim ng malakas tiyaka inosenteng inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Pansin ko ang paglingon niya kaya naman napatingin ako sa kaniya. He's wearing a mask again.


"How---" Magsasalita pa lang sana siya nang bigla siyang tumigil tiyaka pinatay ang tawag at muling ibinalik ang atensyon sa kung ano man ang ginagawa niya sa braso niya. "Sinong matinong babae ang lalabas sa dis-oras ng gabi?" Tanong niya na para bang pinatatamaan ako sa sinabi niya. He said that without even looking at me. I have this weird feeling with his presence. 


"It's none of your business wherever I go. Bakit ikaw? Pinapakealaman ba kita sa trabaho mo?" Inirapan ko siya, walking towards the living room. 


"You should call me first before coming here." Seryosong sagot niya nang hindi parin tumitingin sa akin. 


Nagtaas ako ng kilay tiyaka humalukipkip matapos kong makaupo sa couch na katapat niya. "Bakit ko naman gagawin 'yon? Hindi ba, hindi naman sa 'yo ang basement na 'to?" Pagtataray ko. Pabagsak niyang ibinaba ang forceps sa mesa tiyaka ako muling tiningnan.


"At sino ang gusto mong sabihing pinunta mo rito? Si Renzo?" Balik tanong rin niya na nakataas ang kanang kilay. Sasagot pa lang sana ako nang mahagip ng mga mata ko ang braso niya.


"Where did you get that?" Tugon ko na hindi man lang niya inabalang pansinin. May sugat siya sa bandang braso, and it's not just a small wound. Mukhang nadaplisan ng bala. Napatingin ako sa mesa kung saan nagkalat ang laman ng first aid kit.


"Sumabak ka na naman ba sa isang high-risk operation?" Tanong ko, and that caught his attention back to me. Naalala ko bigla na kailangan ko nga palang magpanggap na wala akong alam sa trabaho niya. I cleared my throat to lessen the growing tension. Nag-iwas pa ako ng tingin dahil diretso parin ang tingin niya sa akin. D*mn it! 


"If Renzo's the one who's wounded, would you treat him like what he always do to you?" Tanong niya at kahit hindi ko makita ang buo niyang mukha, paniguradong nakangisi siya. His d*mn eyes is so distrubing! I immediately averted his gaze. "No. Why would I? Kayang-kaya naman niyang gamutin ang sarili niya." Matabang na sagot ko na kunwaring inililibot ang tingin ko sa paligid just to avoid having eye-contact with him. 


Silence then filled the gap between us. Ilang sandali lang ay ibinaba na niya ang manggas ng damit niya tiyaka tumayo at walang pasabing hinila ang kamay ko.


"Saan mo ba 'ko dadalhin?" Iritadong tanong ko pero hindi man lang siya sumagot. "Teka nga lang, saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko ulit tiyaka pilit na inagaw ang kamay ko na hawak niya ng mahigpit na pakiramdam ko ay mapipilay na. Wala man lang siyang pakiramdam, tuloy pa rin siya sa paglakad at parang hindi ako naririnig. 


"Isa! Bitawan mo sabi ako! Are you de----"


Naramdaman ko ang pagkalas ng kamay niya nang makarating kami sa tapat ng isang kwarto. He twisted the knob then he was the first who entered. Sinundan ko rin kaagad. Isang maluwang na lumang kwarto na may mga lumang paintings na nakasabit sa pader ang bumungad, may bookshelf pa sa isang sulok at study table malapit do'n.


"Everything you want to know about Serpent are inside this room." Panimula niya matapos niyang makuha ang isang libro mula sa bookshelf. "From the gang members to all the rooks...and Royalties." Patuloy niya tiyaka siya humarap sa akin.


"Why are you telling me? Isn't this supposed to be their group's secret?" Nakakunot na tanong ko.


"You want to know everything about Serpent, aren't you?...Take the call, Miss Lorico. No one is stopping you now. Besides, you're already an official member of Serpent. The Royal Knightress to be exact." Sagot niya na ngayon ay prente ng nakaupo sa swivel chair. That reminds me of his cousin. Kaagad kong iwinaksi ang iniisip ko.


"Thanks for your offer, but I'm not interested." Tumalikod ako pero kaagad din siyang nagsalita kaya naman napatigil ako.


"Really? You're supposed to thank me here. I once saved your life, and now I'm offering you a big deal to find out every single thing about Serpent." Mariin akong napapikit para pigilan ang sarili ko bago ko siya hinarap.


"Thank your for saving my life although I didn't even ask you to do so, and it doesn't mean na buo na ang tiwala ko sa 'yo. I don't even know why on earth are you even doing this when you are supposed to be Renzo's trusted shadow. Hindi mo ba naisip na ang taong tinutulungan mo, posibleng siya talaga ang kaaway sa dulo?" Sagot ko nang hindi inaalis ang mga tingin ko mula sa mga mata niya.


"I don't think you could be the biggest opponent of Serpent one day...And correction, I didn't ask you to trust me but you should remember... that there's no one else who can protect you but me." Sagot niya habang nakikipagsukatan ng tingin sa akin. Hindi ko matagalan ang mga tingin niya kaya ako na mismo ang kusang umiwas. 


"I don't need your protection. Kaya ko ang sarili ko, so just stop whatever game you are trying to play here...Mr. Assassin" Pagmamatigas ko. Mukhang hindi na rin naman niya ikinagulat ang sinabi ko, sa halip ay napangisi pa siya. I can see it even with that mask covering half of his face. 


Nado-doble ang inis ko dahil nakikita ko sa kaniya si Renzo. Magpinsan ba talaga sila o magkapatid? Tss.


"You may not need me, but I need you..." Natigilan ako sa sinabi niya. Pakiramdam ko sandaling tumigil ang tunog ng orasan na nasa loob ng kwarto. What's wrong with my heart? Bakit ganito ang reaksiyon ng puso ko? Why it's beating so d*mn fast?!  


"All I need is for you to stay...Risks are everywhere, and I can't promise that I will always be around you. I can't protect you if you're going to keep throwing the only bulletproof that could secure you...I won't force you to trust me, because I won't promise anything anyway. I knew how much your heart has been shattered before, and I don't want to break it again...but let me just do one thing, Ellisse." 


Tumayo siya't nilisan ang upuan. His gaze never left mine until he reached me. My heart kept pounding freaking fast. 


"Let me be the bullet of your gun, the warrior shield of your sword, and the veil for your shattered heart." Gusto kong magsalita pero walang kahit na anong lumalabas sa bibig ko. I never expected any of this...coming from an assassin. Why the hell is he telling all of this? As if he will do everything as if he could sacrifice all of himself just to protect me? Just why?


"Close your eyes." He huskily said as he took a step closer to me. Ayoko na sa ganitong pakiramdam. 


"Whatever you're going to do, binabalaan kita, kahit pa isa kang assassin, I won't spare fighting with you." Matalim ang mga tingin ko sa kaniya, but it didn't affect him. I also knew, it won't. I'm just trying to be brave dahil ayoko na maging mahina sa harapan niya. He may take that as an advantage to attack me. Who knows? 


"I won't stop you if we ever reached that point. You know, killing each other...yet this time, let me finish first...Close your eyes, Ellisse Zerina." 


Ilang segundo akong nagdalawang isip, but I did what he commanded me to still. Pero naging alerto parin ako sa bawat galaw niya. 


I then felt his arms closer to my shoulders. Kinakabahan ako dahil baka kung ano ang ginagawa niya. "There you go" Mabilis kong iminulat ang mga mata ko. I met his gaze, pero napatingin ako sa pendant na nasa dibdib ko. I touched it and there when I realized that he gave me a necklace with a dark bullet pendant.


"It suits you well." Napatingin ako sa kaniya. Napakuyom ako. I hate this d*mn feeling! 


"Can you please just stop this sh*t?" Iritadong tanong ko. 


Minsan ko ng naramdaman ang ganito, but what happened? The first ever person who made me feel special just left me shattered. And I don't want that to happen again. Never again. Napapikit ako ng mariin bago siya matamang tiningnan. 


"Kung ano man ang trip mo pwede bang itigil mo na? Because this is not funny! Hindi ako nakikipaglaro sa 'yo so stop whatever you are trying to pull off here." Tinanggal ko ang kwintas tiyaka inabot ang kamay niya para ilagay ro'n. "Wala akong panahon sa mga ganitong bagay." I turned around and was about to walk away when I felt his hand holding mine, as if he's stopping me to leave. I bit my d*mn lower lip. 


"Let my hands go." Walang emosyon pero nagbabanta ang boses ko. Nagulat ako nang bigla ko na lang naramdaman ang maskulado niyang katawan mula sa likod ko habang ang braso niya ang nakayakap sa akin. What the hell is going on here?! Why is he hugging me?! This isn't right, Zerina. 


Hindi mo dapat nararamdaman ang ganito. I admit...he's presence, and his warmth has their weird soothing effect, but hell no! This is not just d*mn right! 


I was about to move and confront him, but I was too late...


"I know how much you hate this, but let me just prove how much you mean to me. Kahit sa maikling panahon lang, Zerina...I can no longer keep this a secret...I don't know what to do anymore. I tried so hard, but I can't just f*cking ignore my feelings. I can't f*cking deny that everything is real...." Natigilan ako at para bang nag-echo sa tainga ko ang mga sinabi niya.


Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin mula sa likod. He held my shoulder and guided me to face him.


Sobrang bilis parin ng tibok ng puso ko. He paused for a moment, never averted my gaze. He then slowly took off the mask. Now, everything seems so familiar.


The lips, his nose, his long eyelashes, and thick brows, and his d*mn fearless hazel brown eyes...I was too surprised, scrutinizing his whole facial feature. His messy hair is the only difference. Kahit ako ay hindi ko agad nahalata yet I already have this weird feeling that he's more than the Commander's cousin. 


"I can't f*cking stop anymore because the more I do, reality always hits me..."


"Is this also part of your game...Renzo?" I asked. Kasi kung oo, alam ko na kung saan 'to papunta. It will only take me back to those days I was lost. 


"No. This is a part of me, Zerina. Not a game. The part that's telling me the fact that...I already fell for you so f*cking hard for real." 


Parang gusto ko na lang mabingi. Wala akong masabi. Walang akong ibang ma-proseso sa utak ko dahil sa mga narinig ko. I lost words to say. I just couldn't find one to answer him. 


Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan hanggang sa muli niyang isinuot ang kwintas. "I'm not asking for anything in return. I just want you to know...No one knows when death takes us, and I don't want to reach that point with regret." 


In a few seconds, I felt his lips on my forehead and I didn't stop him. Why? Why are you doing this to me? Why are you making me feel this way again?


Bahagya siyang lumayo sa akin. He checked the time from the vintage wall clock bago ako ulit tiningnan. "I have to go. Stay here for tonight." He tap my head and gently caressed my face bago siya tuluyang umalis ng kwarto.


 And me? I still couldn't pull it off myself. 


Napahawak ako sa dibdib ko. Gusto ko ng magising kung panaginip man 'to. Please wake me up. 


Bakit biglaan? Since when did he feel that way? How could he, a mafia commander, an assassin fell so hard in love with a typical woman like me in a short period of time? 


Wait...Naalala ko bigla ang sinabi niyang iniimbistigahan ako ng pinasan niya noon sa New York, which is not true because that self-made cousin of him is no other than him. So, kilala na niya ako simula pa man noon? 


But how? Wala akong maalala na naka-meet ko siya sa meeting o sa kahit ano mang business event. 


D*mn, Mikael Lorenzo! You gave me too much to process. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top