Chapter 25


Underground Base 

UNKNOWN 


"Boss, may balita po galing sa labas." 


I smirked at it though I haven't heard anything yet. I knew it would be a piece of good news. Iniikot ko ang swivel chair na inuupuan ko para harapin ang lalaking kapapasok lang. Tumungo siya bago inilapag sa mesa ko ang isang envelope. I told you, this is going to be fun. 


Kinuha ko ang mga larawan mula sa loob. Ang larawan ng Aris na pinasok ang isang trench house na pagmamay-ari mismo ni Luis Betrilcio, kung paano tinangkang pasukin ng Korbin ang Serpent HQ. Ang pag-iimbistiga ng Serpent sa Baldwin property at ang larawan ng duguang katawan ng dalawang lalaking pinaslang sa Red Fox Club. Serpent is really something. 


"Gusto ng Korbin na kunin ang dark list mula sa kamay ng Serpent upang buhaying muli ang Dark Soul Organization gano'n din ang Aris upang palakasin naman ang kapangyarihan ng samahan nila. Kamakailan lang, nagkaroon ng ugnayan ang dalawang grupo, pero tumaliwas ang Aris sa naging usapan nila tungkol sa mga batang gagamitin sana ng Korbin para sa organ trafficking." 


Aris might be up to something different, in fact, one of Don Joaquin's grandsons is the one reigning the group...Dwight Kean Stanford. 


"Kung trinaydor ng Aris ang Korbin, ibig sabihin hindi lang Serpent ang kinakalaban ng Korbin group..." Pinagmasdan kong mabuti ang mga larawan. "Yet, there's still a huge possibility that Dwight Kean could outsmart the Korbin again by playing his d*mn give-and-take strategy." 


If the two collided as one again agains't the Serpent with two different agendas, it would be not just fun but spectacular for sure. I smirked at the thought. But once the unknown enters the game, a new history in the mafia world will indeed be written. 


"Isusunod na po ba namin ang main target, boss?" 


"No. Not yet. We still have plenty of time to enjoy. Let them play for now. Our role is to watch how the dark list pushes one another's hatred to start a mafia war." 


For now, starting a war is my peak desire aside from my primary aim...killing the current Royal Knightress of Serpent Society. 


"How about the other Royalties?"


"Hindi pa po bumabalik ang Serpent Queen at hanggang ngayon, hindi pa rin natutukoy kung saan nananatili ang Serpent King." 


So the King is still in hiding. I wonder what he looks like. Napangisi ako nang pagmasdan ko ang corck board kung saan may mga larawan nang posibleng Serpent King. Sa dami ng taong natatakot sa kaniya, marami rin ang mga demonyong nagnanais siyang patayin upang mapabagsak ang samahan nila. 


Serpent is no different from a weak organization without the power of its King. Kaya siya ang pinupuntirya para mas mapadali ang pagbagsak nila. I knew all the hidden groups who are agains't them but are afraid to try taking them down because once they do, there is no f*cking way they will be spared. Whoever the King is, he is surely unwinding taking a sip of his tea while letting his other pillars eliminate each one who dares to destroy them. 


Napangisi ako sa mga naiisip ko. Should I add another agenda? Steal the throne and be the next King of Serpent Society. That sounds great. I think I must really try to be, one day. 


"How about the Serpent Commander? What is he up to with his chosen Knightress?" 


Knowing that he was the one who anointed that woman to a Royal Position piqued my interest.


"Tulad ng sinabi ni'yo, sinundan po namin sila sa bahay ni Luis Betrilcio. Magkasama rin silang umalis at bumalik ng ligtas sa headquarter."


"How about the other man I sent to follow them?" 


"Natagpuan po namin ang bangkay niya malapit sa isang convenience store. Katulad po ng bilin ninyo, nag-iwan kami ng marka sa katawan niya bilang pagkakakilanlan ng samahan." 


"Good. For sure, Lorenzo already found out that aside from Aris and Korbin, there's a third party involved who's agains't him." Sinalinan ko ng German red wine ang goblet, tiyaka ito paikot na nilaro mula sa baso. 


Aside from his father, he's one of the strongest-built people I've ever known. He's a genius ass who could be heartless most times. He could pull the trigger with no second thoughts to whoever defies his command or dares to mess up with him. Parang wala siyang kahinaan, pero ang totoo anong tago man ang gawin niyang pag-protekta sa babaeng 'yon at sa posisyon niya, hindi niya habang buhay na mapipigilan ang malaking trahediya na sigurado akong naghihintay sa kaniya. 


Sorry, not sorry but whoever wins the play in the first game, or whatever they may try to do to eliminate the unknown threat, at the end of the final round, everyone must face and accept their tragic fate. Because it is how this game must be played. 


Napatingin ako sa pinto nang may kumatok do'n ng dalawang beses. Nang bumukas, pumasok dito ang isang lalaki. Tumungo siya, "Boss, hinahanap po kayo ng kapatid ni'yo."


"Again?" Are we going to start another round of die-in-hell fights? 


"Hindi raw po kayo ma-kontak ni Madam kaya inutusan niya si Sir na puntahan kayo. Pinapasabi po niya na gusto raw po kayong makausap ni Madam at ni Boss."


So here we go again. For their f*cking judgment. Tumayo ako't hinablot ang coat ko na nakapatong sa mesa. 


Kung hindi dahil sa traydor kong kaibigan, hindi sana mangyayari ang lahat ng 'to. He took everything from our clan even the only power it has. He destroyed my life and now I was put to f*cking blame so I must take everything back to its places. 


That asshole must pay for what he did to my life. He took what's precious to me, so I'll also take and eliminate what's special to him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top