Chapter 24
2 hours before the chaos in Mr. Luis' trench house
THIRD PERSON
Isang lalaking nakasuot ng cloak at may hawak na baston ang bumaba sa kulay itim na kotse na sinundan ng kaniyang dalawang body guards patungo sa isang silid.
"You're fifteen seconds late." Ang bungad ng isang lalaking nakaupo sa swivel chair patalikod sa kaniyang kausap. Hindi nagtagal ay humarap rin ito. Gumuhit ang ngisi sa kaniyang labi nang makita ang lalaking nasa kaniyang harapan. Nakasuot ito ng itim na long coat at metallic na maskara.
Sure you do love hiding your gross face behind that shitty mask ...Marahil ang kaniyang nasa isip.
"Hindi ko alam na strikto ka rin pala sa oras, Mr. Stanford...Paumanhin." May pag-galang na sagot niya sa kausap bago nagsalita.
"I've already wasted seconds of my time, so let's just proceed to our main agenda."
Sandaling nagkaroon ng katahimikan ang dalawa hanggang sa inilapag ni Mr. Stanford ang maliit na kulay itim na box sa mesa tiyaka siya sumandal sa kinauupuang swivel chair.
"That's a taaffeite—the rarest and first sample polished gem from Dublin, Ireland. It costs $35,000 per carat. Take it as my compensation for what Aris did to your gang." Pahayag niya nang buksan ng kausap ang box matapos itong kunin.
"Minsan ka ng nagkunwaring kakampi ng Korbin. Para mailigtas ang mga bata laban sa kamay namin, nakipag-ugnayan ka sa samahan para pangunahan ang pag-bili sa kanila sa itinalagang halaga. Nangako ka na maidadala ang lahat sa kamay ng Korbin, pero ang totoo'y, kinuha mo sila mula sa bahay ampunan upang mailipat sa pribadong lugar...At ngayon heto ka sa harapan ko para suhulan ako ng yaman." Wika niya habang marahang hinahaplos ang gem mula sa box.
"Isn't that what you want? Hindi ba kayamanan ang kapalit ng isinasagawa ni'yong trafficking? Let's simply trade wealth. Ngayong nasa kamay mo na ang gusto mo, hahayaan mo pa bang maging bato?" Nakangisi at makahulugang tanong niya.
"Ngayon pa lamang binabalaan na kita. Walang lugar sa teritoryo ko ang isang traydor. Wala akong pinipiling tao, Mr. Dwight Stanford. Walang makakatakas sa kamay ko ang kahit na sinong humadlang sa mga plano ko." Pahayag niya ng may pagbabanta.
"Shall I say that too?" Nakangising patanong na sagot niya.
"I knew you were after the dark list. Well, I can help you retrieve it from Serpent. Gusto ko lang liwanagin na hindi ako interesado sa listahan o pabagsakin ang Korbin o ang Serpent, pero kung listahan ang habol mo kayang-kaya kitang tulungan. I'll help you with the list or take Serpent down in return for giving me their throne once the Royalties are all dead. You may then proceed with whatever you want to do with the list...If I'm not mistaken, you are planning to restore the reign of the Dark Soul Organization. Let's do it. Oras na maibalik ang Dark Soul, magiging isa ang Serpent Society sa mga makapangyarihang samahan na ka-alyado mo. That will only happen if I am going to be the King of Serpent. But for now, let's get rid of their current boss..."
"Tingin mo ba magiging madali ang plano mo?...Kung ikokompara, mas makapangyarihan ang Korbin sa Aris...."
"But your power will never be enough if you wish to take down Serpent or even to steal the list. Kung ang Commander lang, hindi pa nila napapasok ang teritoryo niya, oras na gumalaw siya, siguradong malalagasan ng kapangyarihan ang Korbin... Katulad ng Aris, hindi ko rin magagawa ang plano ko nang walang lakas na naka-suporta sa grupo. We can end this, unless you agree with my plan."
"Dwight Kean Stanford... ganito ka na ba ka-desperado sa kapangyarihan na halos traydurin mo na ang sarili mong angkan?" Mapaglarong tanong niya. Napangisi si Dwight.
"I may be a Stanford, but I am not one of them."
Present
ELLISSE ZERINA
"D*mn!" Mura ko kasabay nang mahigpit na pag-hawak ko sa steering wheel ng kotse. Hanggang ngayon ay hindi parin kami tinitigilang sundan ng Aris gang. Halos wala akong tigil sa pag-busina at pag-over take sa lahat ng mga sasakyang nadaraanan namin.
"F*ck! Speed up the car, Zerina!" Sigaw ni Renzo mula sa bukas na bubong ng sasakyan habang walang-tigil siya sa pa-baril sa dalawang sasakyang humahabol sa amin. D*mn these cars! Hindi pa ako nape-pressure ng ganito katindi sa buong buhay ko. Bakit ba ang galing nilang lumusot?!
"F*cking thugs." Inis na mura niya matapos bumalik sa pagkakaupo. Mahahalata ang pawis mula sa kaniyang sentido nang tingnan ko siya.
"F*ck watch out!" Pag-taas ng boses niya na siyang nagpabalik huwisyo sa akin. Halos manlaki ang mata ko nang bumungad sa harap ng daan ang likod ng dump track.
"D*mn it!" Buong lakas ang kamay ko na nakahawak sa steering wheel para iiwas ang sasakyan at sakto namang may isa pang kotse ang bumungad sa left lane. Sh*t!
"D*mn this! Bakit ba ayaw ninyong magpagilid huh?! Kitang nagmamadali ako!" Inis na sigaw ko. Ilang sandali pa ay nakalayo rin kami.
"That was too close." Wika niya. Sandali akong napasulyap sa katabi ko na tipid ngumisi. Tss, nakuha pang ngumisi-ngisi.
"Where are they? Nakasunod pa ba sila?" Tanong ko nang muli kong ituon sa daan ang tingin ko. Hindi pa man siya nakakasagot, narinig ko na naman ang sunod-sunod na mga putok ng baril na tumatama sa trank ng sasakyan. Hindi pa ba sila nagsasawa at napapagod? Ako kasi pagod na!
"Motherf*cker" Mura niya bakas ang inis sa mukha tiyaka ikinasa ang baril. He was about to go back shooting...
"Calm down, Renzo."Sinubukan kong pakalmahin siya habang diretso ang tingin ko sa daan. Good thing, hindi niya itinuloy ang gagawin niya kaya napahigpit ang pagkakahawak ko sa steering wheel tiyaka huminga ng malalim.
"What are you trying to do?" May pagbabantang tanong niya.
Ramdam ko ang pawis sa sentido ko at pangangawit ng mga palad ko pero binalewala ko 'yon. We need to escape because Aris won't stop lalo na't alam nilang wala kaming backup.
Escaping through cars is my forte. I did this before. Wala naman sigurong mangyayaring masama kung susubukan ko ulit. That's right. Walang police na hahabol sa amin for sure. I can do this. You can do this, Zerina.
Inayos ko ang pagkakaupo ko at itinuon ko ang buong atensyon ko sa daan. "I have a plan so just keep your cool and let me deal with this."
"Don't f*cking try it Zerina. Let's instead switch places." Kalmado pero ma-awtoridad na saad niya nang muli na namang pinatamaan ang trunk ng sasakyan. Switching places would only waste too much of our time. Isa pa magiging delikado 'yon.
"You know what my second forte is aside from car racing?... Defying your command. So you better stay where you are and let me do my thing..." I looked at him straightly in his eyes "Mr. Hilton."
Binagalan ko ng kaunti ang sasakyan at nang makatapat ang isang sasakyan sa kaliwa namin, hindi ako nagsayang ng segundo. Kinuha ko kaagad ang pagkakataong makalapit siya tiyaka ko buong lakas na binangga ang gilid ng sasakyan, at inulit pa 'yon ng isang beses hanggang sa maitama ang kabilang gilid ng kotse nila sa poste. One down!
I speed up the car again and let those d*mn thugs chase us.
"Since when did you f*cking learn to race?" Tanong niya na siyang ikinangisi ko matapos kong sulyapan mula sa rare view mirror ang isa pang kotseng humahabol sa amin.
"Since I was lost, trying to fix myself. You know what? Anything is possible when you are broken."
Napansin ko hindi kalayuan ang metal tube na mahahalatang patalim ang dulo. Mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa steering wheel at gearshift at nang makakuha ako ng bwelo, kaagad kong inapakan ang gas pedal.
"Zerina, that's----"
"I said leave this to me. Mamaya mo na ako pasalamatan pagbalik natin." Pagputol ko sa dapat na sasabihin niya na paniguradong para pigilan na naman ako sa plano kong gawin.
Ramdam ko ang bilis ng sasakyan habang palapit sa matalim na tubo at nang matansiya ko na kaunti na lamang ang distansya namin, mabilis akong nag-drift para lumihis ng daan at katulad ng inaasahan kong mangyayari, dumiretso ang isa pang nakasunod na sasakyan ng Aris sa may tubo na mukhang hindi nila napansin. Sumaksak ang tubo sa driver nila pati sa iba pang nasa loob. Muli kong pinaharurot ang sasakyan hanggang sa tuluyan na kaming makalayo.
Napasulyap ako sa kaniya dahil sa katahimikan. My forehead creased when I took a glimpse of him. Nakatingin kasi siya sa akin dala ang blanko niyang mga tingin.
"What's with that look? Ayos ka lang ba?" Hindi ko rin alam kung bakit 'yan na lang bigla ang naitanong ko. Hindi naman sa nag-aalala ako. Malay ko bang inaatake na pala siya sa loob, hindi niya lang sinasabi.
Sa halip na sagutin ako ay kinuha niya ang phone sa bulsa niya't sinimulang kalikutin 'yon. Itinuon ko nalang din ang atensyon ko sa daan.
Sinulyapan ko siya ulit dahil sa patuloy na pananahimik niya. He's busy typing kaya napakunot ako. Naisipan pa yata ng lalaking 'to i-update ang girlfriend niya.
"Ang malas naman ng babae kung syota nga talaga niya 'yong ka-text niya, tss." Bulong ko.
"What?"
"Huh?" Inosenteng tanong ko sabay sulyap sa kaniya bago ibinalik ang tingin sa daan, "Take your time sabi ko."
"Take your time what?"
"Kailangan ulitin? Bingi ka ba huh?" Iritado kong tanong sa kaniya tiyaka siya inirapan. Inapakan ko ang gas pedal para umiwas na sa pakikipag-usap sa kaniya. Tss.
"I messaged Mr. Nourhi."
"So? Hindi ko tinatanong" Walang interes na sagot ko. Gano'n na ba siya kaboring para lang sabihin kung ano man ang pinagkaabalahan niya? Tss.
"I informed him about what happened."
"K" Mapaklang sagot ko.
Few seconds of silence until he spoke again... "Mr. Luis just texted me. He already got rid of Aris who invaded his house."
"Sabi mo nga kaya niya ang sarili niya." Walang ganang sagot ko. Bakit ba ang daldal niya ngayon? Hindi ba pwedeng manahimik muna siya dahil nagda-drive ako?
"Stop the car." Utos niya dahilan nang mapatingin ako sa kaniya ng masama, "Ano na namang trip mo?"
"Just stop the car." Napabuntong-hininga ako't sinunod nalang ang gusto niya. Dami talagang alam kahit kailan.
"Get off."
"What the---"
"Let me drive" Hindi na ako nakaimik pa dahil lumabas na siya ng kotse. He opened the driver seat's door at hinintay akong makababa. Wala na rin akong nagawa kung hindi lumipat ng upuan.
I chose not to speak at all since we have already switched places. Pagod na rin ako para makipag-kwentuhan pa. And come on, there's nothing necessary to say.
I was about to close my eyes dahil nakaramdam na rin ako ng antok few minutes later, but I heard the car stopped. Luminga ako sa paligid to check what's going on. Tiningnan ko si Renzo nang marinig ko ang pagkasa ng baril. Inilagay niya 'yon sa holster niya tiyaka iniabot sa akin ang isa. "Don't leave the car. Wait for me here." Matigas na utos niya bago lumabas ng kotse.
Sinundan ko pa siya ng tingin sa bintana. Why did he brought him his gun kung conveniece store lang pala ang pupuntahan niya?
Wait...is he going to kill the salesman or the sales lady? Or the customers? D*mn! Ano ba 'tong iniisip ko?
Naging alerto ako. Tutok na tutok ang atensyon ko sa loob ng store dahil tanaw naman ito mula sa loob ng kotse. I saw him walked to the counter and then....what did he buy?
I was about to fix my sitting position nang mahagip ng mga mata ko ang kulay itim na sasakyan na nakaparada malapit sa conveniece store. It's facing the direction where Renzo's car was parked. Tinitigan kong mabuti ang lalaking may hawak ng sigarilyo't nakasandal sa pinto ng driver's seat. He's straightly looking at Renzo's car. Hindi ako pwedeng magkamali.
Can he see me? But there's no way he can dahil tinted ang bintana. Na-alarma ako nang bigla niyang ikasa ang baril niya. He was about to point it directly on me when he suddenly fell down the ground. D*mn, what happend?!
Napalingon ako sa driver's seat nang bumukas 'yon. "There's no avocado flavor." Inabot niya sa akin ang plastic at kinuha ko 'yon nang may pagtataka. Sinilip ko ang laman and I saw a large cup of vanilla ice cream. But sweet, no matter how I need it at the moment, hindi nawala sa isip ko ang lalaking nasa labas.
"Did you kill that man?" Itinuro ko sa bintana ang lalaking lupasay sa sahig.
"Yeah. He called death, so I just summoned it for him." Simpleng sagot niya. Napabuntong-hininga nalang ako't piniling h'wag ng makipagtalo pa sa kaniya. That guy must be one of his opponents or one of those from an unknown organization who got the order to kill me.
Enemies are everywhere. Hindi mo alam kung kailan at saan sila lalabas para kitilan ka ng buhay. Everything really changed this fast. Whether I come back to how I used to live or not, I won't be safe anymore.
Kinuha ko nalang ang ice cream at sinimulan 'tong laklakin. Sweet is my comfort just to ease exhaustion.
"So pati pala favorite ice cream ko alam ng pinsan mo at sinabi pa talaga sa 'yo. I wonder kung gaano na karami ang findings niya tungkol sa akin." Komento ko habang kumakain. Siguro pati birthday at birthplace ko alam rin niya. Baka nga pati LRN ko nung nag-aaral ako, tss.
"By the way, have you found any leads to the unknown organization that's after me?" Tanong ko nang hindi siya tinitingnan. Kulang pa yata 'tong isang large cup ng vanilla.
"Kenzo's currently on it." Tipid na sagot niya. Hindi talaga ako satisfied sa isang cup! I was about to ask again when I suddenly felt cramps. Oh shi*t!
"Hey, what's wrong?" Tiningnan ko si Renzo nang bagalan niya ang takbo ng sasakyan. D*mn! Dahil ba 'to sa ice cream na kinain ko?
"Just drive" Sagot ko nalang at tiniis ang sakit hanggang sa makabalik kami sa HQ.
Serpent Headquarter
FRIZA GONZALES
"Commander has arrived." Panimula ng Royal Chief pagkabukas niya ng pinto ng kwarto kung nasaan kami. Bumungad si Commander sa amin pero mas naagaw ng atensyon ko si Ellisse. Siya na nga pala ang Royal Knightress.
Tumungo kaming lahat sa kanila. Katulad sa laging aura na dala ni Commander, blanko ang kaniyang ekspresyon na nilapitan ang dalawang lalaking bugbog sarado mula sa bangko na inuupuan nila.
"Nailigpit na lahat ang ibang miyembro ng Korbin mula sa local hideout nila, Commander. Katulad ng inaasahan, kompirmado na sila ang mastermind sa likod ng pinatatakbo nilang black market na pinamamahalaan ng kanilang samahan kung saan nagaganap ang pagpapalitan ng mga ilegal na produkto katulad ng mga human organs at droga." Paliwanag ni Jinno.
"Gusto nilang makuha ang dark list mula sa atin kaya tinangka nilang pasukin ang headquarter. Ang mga taong nasa listahan ay malaking tulong upang mapalago ang mga ilegal na negosyo nila. Hindi lang 'yon kung hindi para i-recruit ang mga maliliit na grupo ng mga gangsters. Malaki ang suhol sa kanila kaya patuloy sa pag-lawak ng kapangyarihan ang Korbin." Dagdag ni Axcel.
Kaya hindi nauubusan ng mga p*tang inang galamay.
"They will do anything to restore back the most powerful organization back then...the Dark Soul Organization. The only group who has the power to take us down." Lahat kami ay nakatuon ang atensyon sa Royal Knight na sumunod sa pagdating nila Commander. Napakunot ang noo niya nang makita si Ellisse. "Saan ka galing? Ba't ganiyang ang hitsura mo?" Kaswal na tanong niya nang lapitan niya si Ell.
"None of your business." Bored na sagot ni Ellisse nang nakataas ang kilay. Tss! Kahit kailan talaga, mas ma-attitude pa yata siya kaysa sa akin kapag wala sa mood.
"Sungit." Nakangusong saad ng Royal Knight tiyaka itinuon ang atensyon kay Commander na wala pa rin emosyong nakatingin sa kaniya.
"Planong buhayin ulit ng Korbin ang Dark Soul. Funny right? Pero hindi talaga 'yon nakakatuwa dahil hindi lang basta isang namumuno ang nakaupo ngayon sa trono ng Korbin. No one knows what he looks like." Seryosong sabi ng Royal Knight nang malapitan niya ang dalawang lalaking bugbog sarado.
"Bring these thugs into the interrogation room." Utos niya. Aktong lalapit na sina Jinno at Axcel nang biglang ikasa ni Commander ang hawak niyang baril na siyang ikinatigil nila. Pati ako ay hindi ko inaasahan ang ginawa niya.
"Ms. Lorico." Walang emosyong bigkas niya, "Kill them." Tipid at ma-awtoridad na utos ni Commander tiyaka iniabot ang baril sa kaniya. T*ng ina? Si Ellisse?
"I said bring them to the interrogation room. Kailangan natin ng leads para makakuha ng sapat na----"
"You know how much I hate wasting time with worthless people, Zane. If they call death, then just simply summon it for them." Nakipag-sukatan siya ng matalim na tingin sa Royal Knight bago ulit itinuon ang atensyon kay Ell, "Kill them."
Hindi ko alam kung ano ang kasalukuyang tumatakbo sa isip ngayon ni Ellisse. Diretso lang kasi ang tingin niya kay Commander, na parang pilit din niyang binabasa ang isip nito. Hindi man lang siya nag-reklamo. Kinuha niya ang baril sa kamay ni Commander tiyaka hinarap ang dalawang hinayupak.
P*tang ina, h'wag niyang sabihing seryoso siya!
ELLISSE ZERINA
Isinisiksik ko sa likod ko ang baril tiyaka ko inilahad ang kamay ko kay Renzo nang hindi siya tinatapunan ng tingin. "Dagger" Without saying anything, ibinigay niya ang hinihingi ko.
Pumwesto ako sa likod ng dalawang lalaking nakaupo sa silya tiyaka ko inihanda ang dagger sa leeg nila. I straightly looked at Renzo, waiting for what I'm going to do.
I don't exactly know what's running into his mind. Kung ginagawa lang ba niya 'to para subukan ako. Katulad na ng sinabi ko, ayokong ipakita ang takot ko dahil ayoko na magmukha akong mahina sa kaniya.
"Hindi mo kailangang gawin 'yan, Ell kung hindi mo kaya. Let me do it for you. Trabaho ko rin ang----"
"Shut the f*ck up, Ash. I'm not a weakling." Matigas na pagputol ko sa sasabihin niya nang hindi ko inaalis ang tingin ko sa Commander.
Aaminin kong nanginginig ang mga paa ko, pati ang kamay ko na mahigpit ang pagkakahawak sa handle ng dagger. Kung pwede ko lang ipikit ang mga mata ko sa gagawin ko.
Aktong hihiwain ko na ang pulso mula sa leeg ng unang lalaki nang bigla na lang niyang hawiin palayo ang kamay kong hawak ang dagger tiyaka mabilis na humarap sa akin para itulak ako, dahilan nang maitama ang likod ko mula sa locker. D*mn 'yong likod ko na naman!
"Ellisse!" Rinig ko ang nag-aalala at gulat na boses ni Friza pero hindi ko na inabala pa na pansinin siya.
Napadaing ako sa sakit pero wala na akong panahon para indahin ito. Ikinuyom ko ang kamay ko tiyaka bumwelo nang aktong susugurin ako ng suntok ng lalaking nagtulak sa akin. Pinatamaan ko ang sentido niya gamit ang isang side kick at nang mapahiga siya sa sahig kaagad niyang nakuha ang dagger na nabitawan ko kanina tiyaka 'yon mabilis na inihagis sa akin. Mabilis kong naiwasan ang dagger pero napadaplisan niya ng kaunti ang braso ko.
Patayo na siya nang mapansin ko ang isang patulis na metal pipe sa tabi na kaagad kong kinuha tiyaka siya nilapitan bago pa man siya tuluyang makatayo. Naiwasan niya ang una kong pag-atake matapos ay naramdaman ko ang siko niya sa likod ko dahilan ng muli akong mapadaing.
"D*mn you, asshole!" Inis na sigaw ko dahil halo-halong sakit na ang nararamdaman ko at gusto ko nalang na matapos 'to.
Malakas kong ipinalo sa ulo niya ang pipe at sinipa ang sikmura niya. Napasandal siya sa locker at sa pagkakataong 'yon para bang nawala ako sa sarili ko, namalayan ko na lang ang ginawa ko nang makita ang tubong hawak kong nakatarak na sa tiyan niya. He's bleeding.
"Ellisse..." Rinig ko ang boses ni Ash pero hindi ko siya inabalang pansinin. Iwinaksi ko sa utak ko ang nangyari.
The other guy was about to stand up to attack me but I swiftly pull the gun from my back and pulled the trigger. Hindi man noo ang natamaan ko, napadaing siya sa kirot dahil sa dibdib niya tumama ang tatlong magkakasunod na putok ng baril.
I turned my gaze back to Renzo. Hindi ko alam kung ako lang ang nakapansin, but he devilishly smirked at me at sa totoo lang ang sarap niya ring hambalusin ng tubo. "Well done, Ms. Lorico."
Well done mo mukha mo! Inirapan ko siya't nag-walk out dahil kanina ko pa tinitiis ang sakit ng puson ko. My phone then suddenly vibrated. Napakunot ako nang bumungad ang message sa screen.
You okay? Are you still in pain?
Napairap ako sa kawalan. Siya 'yong walang puso na mapagpanggap. Tss, heartless.
To: Demonyong walang puso
I need med
Name it
Tss, bilis mag-reply.
To: Demonyong walang puso
Tubo
What the fvck is that?
To: Demonyong walang puso
Ihahambalos ko lang sa 'yo para naman mabawasan 'yong inis ko
Hindi ko na hinintay ang reply niya. I turned off the phone para matahimik na ako. Ang kapal talaga ng mukha ng lalaking 'yon. Matapos akong utusan pumatay, tatanungin kong okay lang ako? Sinong magiging okay do'n?
D*mn him!
Waiting for him to call death so I can summon it for him, tss.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top