Chapter 22
ZETHANYA YUI FELIZTRO
"Royal Knightress is not just a typical knightress, it's one of the royal positions here in Serpent. The one who has the position is the leading person reigning the Serpent Gang with the Royal Knight. Hindi lang 'yon, isa rin sa mga mabigat na trabaho nila ang manguna to protect the organization... So, paano ka nga biglaang naging knightress?"
"Royal Knightress?" Hindi ko maintindihang tanong kay Daniella na kasalukuyang inuusisa si Ell. Tiningnan ko si Ellisse na walang gana sa pagkain habang nilalaro ang pasta na nasa plato niya. She became the Royal Knightress? Really? Dahil ba 'yon kanina sa ipinatawag na urgent meeting sa board room?
"Yes, at according kasi sa pamantayan ng samahan, ang Royal Knight mismo ang pipili ng magiging Knightress niya. The one who deserves the title of course. Pero ang nangyari kasi, si Commander mismo ang nagtalaga kay Ell na maging Royal Knightress ng Serpent. So, paano mo nakuha ang loob ni Commander? Dahil ba sa training?" She kept asking na mukhang siya pa ang excited kompara kay Ellisse na walang gana sa mga naririnig.
"Ellisse deserves the title. Beside, pinatayunayan na niya ang sarili niya sa training, at kahit na sinong humusga sa naging resulta, hindi madali ang napagdaanan niya." Komento ko dahil nanatiling walang imik si Ell. I wonder what she might be thinking right now.
"Oo nga, alam ko 'yon, pero parang biglaan kasi and isa pa, laging nilalabag ni Ell ang utos ni Commander...no offense Ell huh?" Nag-peace-sign pa siya pero wala talagang interes si Ellisse sa usapan. "Kilala natin si Commander. Hindi siya magde-decide ng basta-basta ng walang valid reason."
"That's the point, Daniella." Dumating si Dhale tiyaka tumabi sa tabi ni Ell kaharap kami. "He annointed Ellisse for a reason and whatever it may be, we should support him."
"Anong bang espesyal sa pagiging Royal Knightress? Maging killer? Ako nga mismo hindi aware sa sinabi ng Commander ni'yo. Kahit kailan talaga may sayad ang utak no'n." Naiiritang komento ni Ellisse tiyaka umirap. Natawa pa nga kami dahil sa iritadong hitsura niya.
I'm not sure about the reason for this sudden happening, but I have a hunch. Posible na iniluklok ni Commander si Ell bilang Royal Knightress hindi lang dahil deserve niya ang title na 'yon, pero para ma-protektahan niya si Ellisse nang hindi ito nakakahalata. Being a Royal Knightress of Serpent Society means you're untouchable because the typical knightress and knights inside the gang are the only ones who has the peak obligation to protect their Royal Knight and Knightress' for life till death. Once they fail, that means, death.
"Hindi ka na lang basta isang serpent member, Ellisse. You're one of the high-ranked below the highest Royalties. Mas mataas pa kompara sa isang member ng serpent gang." Paliwanag ko.
"As if I care." Taas-kilay na sagot ni Ellisse. For now, you don't care, because you have no idea why the Commander is doing this for you. I wonder what would be your reaction once you learn the truth, Ellisse.
Nasabi na ni Ellisse sa akin ang plano niyang tanggalin sa posisyon si Commander. I don't know how she's going to do that pero sigurado ako na hindi 'yon basta-basta. Hindi sa minamaliit ko si Ell, ang akin lang ay kung kay Commander lang, napaka-imposible ang gusto niyang gawin.
Sa totoo lang, nakokonsensiya ako. Gusto kong sabihin ang totoo kay Ellisse tungkol sa lahat ng ginawa sa kaniyang pagliligtas ni Commander, pero hindi ko magawa dahil ayokong pakealaman kung ano man ang plinaplano ng Serpent Commander.
"Hey, Tanya." Tiningnan ko si Dhale na nakakunot ang noong nakatingin sa akin, even Daniella na mukhang nagtataka dahil hindi ko na halos namalayang kanina pa pala nila ako kinakausap.
"Ayos ka lang?" Tanong ni Daniella. Tumango na lang ako tiyaka ako napatingin kay Ellisse na hanggang ngayon ay walang parin gana sa pagkain.
I wish you luck, Ellisse.
THIRD PERSON
"Alam mo rin palang abusuhin ang kapangyarihang hawak mo, Commander. Changed of heart ba 'yan? Ka-impress ah." Kaswal na wika ni Zane matapos lumabas ang lahat mula sa boardroom kung saan silang dalawa na lamang ng Serpent Commander ang nasa loob.
"And don't wait me to impress you even more, Mr. Stanford. I bet, you wouldn't like it." Mapaglaro namang sagot niya na mas lalo lamang nagpalawak sa ngisi ni Zane.
"We'll see, then, Mr. Hilton." Pormal na sagot niya.
Ilang sandali lamang ay inilapag ni Zane sa mesa ang isang pure black sheet sa mismong harap ng Commander dahilan nang mapatingin siya roon. "Alam kong alam mo na hindi totoo ang dark list na nakuha ng Serpent Gang mula kay Marcelito Luna... Why did you even let Jinno, Axcel and especially Ellisse to execute the mission in the first place?... You wanted her to witness every single places of hell she could possibly encounter in this world. Gusto mo siyang sanayin na mabuhay dala ang baril at patalim. You wanted to train her to be one of us even if it means, risking her to death." Pahayag niya na tila ba inaasahan na ng Commander ang kaniyang sasabihin.
"So how did you know that the list you restored from Mr. Luna isn't the real dark list but a list of people doing shits for Korbin?" Mapag-usisang tanong niya.
"The f*ck you care?"
Napangisi si Zane, mukhang sanay na sa inaasta ng kausap. Umakto naman siya na kunwaring nag-iisip. "Siguro may contact ka kay Luna?" Malawak ang ngiti niyang lumapit sa kausap na parang sabik makarinig ng chismis, "Anong deal ni'yo huh?"
Mabilis pa sa isang segundong naitutok ni Renzo ang baril sa sentido ni Ash, "You f*cking move, asshole." Itinaas naman ni Ash ang makabilang kamay niya tanda ng pag-suko bago umayos ng upo sa recliner. "Just tell me why the f*ck are you here." Nagbabantang wika niya matapos ibaba ang baril.
Sumeryoso ang ekspresyon ng mukha ni Ash. Diretso ang tingin niya kay Renzo na parang ano man oras ay magpapatayan sila. "I told you. I'll be taking the ROYAL KNIGHTRESS out of this place."
"Try your f*cking best then." Nakangising sagot ni Renzo pero sa katunayan ay nagpipigil na ito ng galit sa loob niya nang higpitan niya ang pagkakahawak sa kaniyang baril.
"And one more thing. Nandito ako dahil may gusto akong itanong mismo sa 'yo.... Siguradong alam mo na kung sino ang may hawak ng tunay na listahan, pero hindi mo man lang ba naisip na posibleng may dalawang uri ng magkaibang listahan."
"What?" Kunot-noong tanong ni Renzo.
"Alam na natin na ang dark list ay ang listahan ng mga business tycoons na kaugnay sa samahan ng Korbin. The wealth source or it's better to call them the 'pillar' of their group. Maliban sa malaki ang ambag nila sa samahan, sila rin ang nangunguna sa isinasagawang organ trafficking ng samahan para kumita ng malaking halaga." Pahayag niya, tiyaka muling inilapag sa mesa ang kulay puting sheet na walang kahit na anong nilalaman. Kinuha 'yon ng Commander upang pagmasdan ng mainam.
"That's just a sample of the second list. Tinatawag 'yang white list. Ang listahan ng mga taong nagsama-sama noon upang pabagsakin ang Dark Soul Organization na punong-tagapamahala ng ilang mga gang tulad ng Korbin group at alam natin na pati ang Serpent ay sumailalim din noon sa pamamahal nila... Tinawag ng mga taong nasa white list ang samahan nilang Alliance of Peace and Justice na kontra sa mga ilegal na gawain na isinusulong noon ng Dark Soul kasama ng ilang mga sekta nito." Mahabang paliwanag niya.
"Compactly, ang white list ay ang listahan ng mga taong salungat sa Dark Soul na siyang puntiryang patayin ngayon ng Korbin habang ang dark list ay listahan ng mga ka-alyado ng Korbin upang buhaying muli ang Dark Soul."
"Sa katunayan, hindi alam ng Korbin Group ang nilalaman ng white list...at kung sino nga ba talaga ang may hawak sa listahan na 'yon. They are just randomly killing business men and womens around the world kahit na hindi naman dapat dahil wala naman silang kinalaman sa mafia.... Alam kong nagtataka ka kung bakit alam ko ang lahat tungkol sa Korbin at sa dalawang listahan...Hindi naman siguro bago sa 'yo ang pagiging bulakbol kong tao at pagpapanggap ko bilang physical trainer sa New York, tama?..." Humalukipkip siya at tila nakikipagsukatan ng tingin sa Commander. "I was actually----"
"I knew it." Napakunot ang noo ni Zane dahil sa narinig.
"Alam mo?" Paniniguro pa niya.
"I knew what you were up to.... I knew every single detail about you, and if you may ask, of course, I knew even your hidden identity, Ash Zane" Napangisi si Zane dahil sa narinig.
"What a real friend I have here... Mas matalino ka pa nga talaga sa inaasahan ko, Mikael Lorenzo.... So what's the plan now?"
"Nothing. Just stay out my f*cking way." Tumayo si Renzo dala ang baril tiyaka iniwan si Ash.
"Hoy! Lorenzo! Hoy! I'm still talking to you, you heartless moron!"
DHALE TIZUAREZ
"Director Ascuena?" I knocked on the open door of his office and he nodded when he saw me. I bowed down as I reached his table before I handed him the folders I brought. "Ito na po ang lahat ng study cases patungkol sa Korbin at Aris." I stated, bago niya 'yon kinuha mula sa kamay ko.
"Great work, Miss Tizuarez." He replied with a slight smile. "By the way, the case regarding the Baldwins. How's it going?"
Ngumiti naman ako. "Wala po kayong dapat ikabahala, Director. I'm on it."
"Good. I need an update from time to time. I'm sure there are more behind this conspiracy and we need to fix it as soon as possible."
"Copy, Sir." Nag-bow ako bago umalis.
As I walked out of the room, I couldn't help but sigh. Director is right. We need to fix this entire mess before the enemies could possibly do something worse.
"Psst!" Napalinga ako sa magkabilang gilid ko nang marinig ko ang pagtawag ng kung sino. I didn't see anything so I just continued walking. I don't have time to deal with some joker or jerk.
"Psst!" But then I paused as I heard the same sound again. I think I knew who it is. There's only one person who loves teasing me this way. I sighed in boredom, looking at the time from my wristwatch.
"Labas na, Cel...Wala ako sa mood ngayon so please h'wag mo muna akong pag-tripan." I said tiyaka siya hinintay na makalabas at magpakita sa harapan ko because that's how he usually does it.
"Cel?" Kaagad akong napalingon nang marinig ko ang boses niya. It was Creid which currently leaning against the wall while he was seriously looking at me. My heart. Bakit ba bigla na lang 'tong mabilis na pumipintig sa tuwing nakikita ko siya?
"Sorry, I thought it was Axcel...I mean, he used to hide behind and call me 'psst' instead of calling my name." I apologized as I bit my lower lip to suppress the smile from escaping my lips.
Did someone upset him? I mean, he looks so serious, just like how he looked in the past few days. "W-why?" Nauutal na tanong ko. I heard his deep breathing as he turned around and walked away.
"Follow me." He coldly said. Hindi ko maiwasang mapakunot dahil sa inaasta niya kaya naman sinundan ko na lang siya hanggang sa hindi ko na alam kung saan siya nagpunta.
Oh come on! I lost him already. Nasaan na ba----Napasinghap ako nang bigla na lang may humila sa braso ko papasok sa isang kwarto and the next thing...namalayan ko na lang na nakasandal na ang likod ko sa pinto habang mahigpit na hawak ni Creid ang wrist ko palapat sa pinto.
Our faces were too close to each other, enough to feel and smell his mint-scented breath. "You seemed too close with Axcel, huh?" Bulong niya habang ang isang kamay niya ay marahang hinahaplos ang baywang ko. I just felt the heaviness of my breathing because of what he was doing there.
"Did you ever like him?" He asked whispering. Pakiramdam ko sa bilis ng tibok ng puso ko pati siya naririnig niya.
"N-no." Nauutal kong sagot tiyaka nag-iwas ng tingin.
"Look at me and say it." Malalim at seryosong utos niya. I softly sighed and had no choice but to look at his eyes. "No, Mr. Marquez... Happy?" I asked, raising my brow. Ang bilis lang niyang magbago ng mood dahil nakangiti na siya ulit. Oh come on.
"Bakit ba ang ganda mo kahit sa'ng anggulo?" Pabulong na tanong niya bigla na nagpa-init sa pisngi ko. His eyes are filled with deep admiration. "Alam mo kung anong mas nakaka-in love sa 'yo?" He asked, but he didn't wait for me to answer, "'Yang kasungitan mo." And that made me push his chest a little away from me.
"Stop it. Ayan ka na naman." Kahit kailan talaga 'yong mga banat niya, nakakainis. It annoys me that it made me blush!
"So why are we here?" Tanong ko tiyaka ko inilibot ang tingin ko sa buong kwarto. I just realized that this room is for weapons and battle suits.
"Nothing. Na-miss ko lang 'yong future wife ko." His words made me halt. At 'yong puso ko? Oh God! It went crazy again! But instead of reacting to what he said, itinuloy ko nalang ang pagtingin-tingin sa mga weapons.
"'Di mo ba ako na-miss? Mukhang mas interesado ka pa sa mga 'yan ah." Nilingon ko siya at pinagtaasan ng kilay. "Of course, this is my first time in this room. And I'm not a Serpent Gang Member so I'm a little curious how this weapon works." I stated as I took a handgun. Alam ko namang gumamit ng baril, the case is that, I'm not a pro like the gang.
"Do you want me to teach you?" Tanong niya na nakapamulsang lumapit sa akin. He took the gun from me and bent his closer to my face. "Kiss muna" Tyaka siya ngumuso at pumikit pa. Napailing nalang ako dahil sa pagiging childish niya. Well, Creid will always be Creid. This is one of the things that I like about him.
"I must be the one to teach you first to behave yourself and not take me here again." I said, crossing my arms across my chest while looking at him doing the 'kiss-me-first' gesture. His forehead creased at lumayo siya ng bahagya sa mukha ko. "Behave what?"
"Someone might come here and what would they say if they see us together in a dim room? Iba kung mag-isip ang ibang tao especially those gang members." Sobrang malisyoso nila at ang lakas pang mang-asar. They are the ones who said that Axcel and me has something special like, romantically together.
"And so? Let them be. Kung iisipin nilang may namamagitan sa atin, bakit? Totoo naman. Mainggit ang lahat ng gustong mainggit." May sama ng loob na sagot niya. Yes, of course, he's Creid and his mindset. Hindi na 'yan bago sa akin.
"But we already talked about this, weren't we?" Napag-usapan na kasi naming magiging low-key muna kami. It's not that we or I, am ashame of what we have, I'm not just yet comfortable with a public relationship. Ayoko kasi sa madaming kantsaw dahil for sure madi-distract lang ako sa mga 'yon.
"F*ck, naaakit ako sa 'yo, Madam."
"What?" My forehead creased.
"Wala. Ganda mo talaga kako, bagay tayo. Pwede pa-kiss?" At lumapit siya sa akin kaya napaatras ako bigla. "Why? You don't want to?" He asked.
"N-no, nabigla lang ako." I mean. I'm shy because I'm not really a good kisser. Naaalala ko pa 'yong sinabi ni Creid sa akin noong nagka-ayos kami sa rooftop.
"I'm already addicted to your lips, baby... Mukhang ako palang ang nakakagalaw."
"S-sorry, it was my f-first and I don't k-know----"
"Ssshhh~ I love it. I love how you tried your best to satisfy my lips though you don't have to, baby."
I love trying my best in everything, but kissing him? Nahihiya akong gawin ang best ko dahil baka mali ang magawa ko.
"Here we go again, baby..." Nag-angat ako ng tingin when he suddenly chuckled.
"What's funny?" I asked raising my brow. Is he making fun of me?
"Taas-kilay ka na naman. I told you, you don't have to satisfy me. Besides, you'll only learn it along the process and master it later on if we..." Lumapit siya sa tainga ko tiyaka bumulong "...oftenly do it."
"No!" Halos napasigaw ako dahil sa sinabi niya sabay palo ko sa braso niya, but he doesn't care at natawa lang siya lalo.
"Willing ako maging kiss professor mo, Madam. Libre lang."
God! I don't know anymore.
"You're crazy, Creid Marquez. Diyan ka na nga." At mabilis akong naglakad papunta sa pinto.
"Wait lang, 'yong kiss ko pa." Habol niya.
"Shut up. Ang landi mo talaga." Napaka-ano. Hindi ko nalang siya pinansin hanggang sa marating ko ang pinto. I was about to open it...
"At least, isa lang nilalandi ko." Napabuntong hininga na lang ako. I'm not really going to win against him. Never.
"Bahala ka na. I'm going back." I twisted the knob. Kaagad kong isinara ang pinto, at pagkalabas ko ay natigilan ako nang makita ko si Axcel na naka-crossed arms na mukhang kanina pa bored na nakasandal sa railings.
"Baby----" Even Creid was stunned as he saw Axcel.
"Tamang score lang tayo ah, Creid" Axcel playfully said with a grin on his lips. Parang bigla na lang nag-init ang mukha ko dahilan nang mapayuko ako.
"Shut up, Naugsh." Creid replied in annoyance.
"Hoy! Axcel!" Napatingin kami sa paparating. It was Friza with Jinno. "Anong ginagawa mo rito, Dhale?" Nagtatakang tanong ni Friz when they got closer to us. I couldn't answer right away because mental block just hit my head.
"May date ka ba ngayon, Dhale? Mukhang blooming na blooming ka yata ngayon." I looked at Jinno when he suddenly spoke with his playful smile. See? Ang lakas na nilang mang-kantsaw.
And what a hot seat this moment is? Talagang si Jinno, Axcel at Friza pa ang makakaabot na magkasama kami ni Creid.
"Sinong ka-date mo?" Friza asked again. "H'wag mong sabihing itong g*gong 'to?" He pointed Creid. But before I could even answer, naunahan ako ni Creid.
"Yeah, we're dating." He continued as he pulled my waist closer to him. What is he doing?! I tried to loosen his grip from my waist but my force isn't enough.
"Ginalaw na nga ang baso" That was Jinno.
"G*go ka, Creid. Asa ka naman talagang papatulan ka ni Dhale." Napatingin ako kay Axcel na nakangisi pa na mukhang nag-eenjoy sa pang-aasar. Kahit kailan talaga ang lalaking 'to.
"Kaya pala...." I looked at Friza who was still nodding while holding her chin. Nagkatinginan pa sila ni Jinno tiyaka sabay na tumango-tango.
"Kailan pa?" Friza asked, and obviously, she was just trying to play with me. I feel like I'm getting burned by their looks. I just bent down and bit the bottom of my lip. I removed Creid's grip on my waist finally and saw how he looked at me from my peripheral vision. Hindi ko siya tiningnan sa halip ay matama kong tiningnan sina Friza at Jinno.
"We're not dating okay? Walang kami ni Creid." I simply explained. Alam ko na pwede ko siyang masaktan sa ginawa ko pero wala akong choice. Besides we already talked about it.
"Wala nga ba talaga?" Jinno asked trying to reveal what Creid and I could possibly have. Sorry, Creid. I'm sorry. Hindi pa talaga ako....
"Kami nga. Bakit ba ang kulit mo?" And Creid just kept stating the fact. Napabuntong hininga nalang ako. He really doesn't know when to behave himself.
"Oh, Dhale, baka awayin mo 'tong si Creid ah? H'wag ka mag-alala, alam na naming kayo bago pa naging kayo. Right, Axcel?"
"What?" I asked Jinno in disbelief. And both Axcel and he just laughed.
"What I meant to say is that we knew how much Creid likes you. Babaerong loyal ika nga." Sagot niya.
I looked at Axcel and he was just playfully smiling as he shrugged then I darted a glance at the man beside me. "No need to deny, baby. Jinno's right. I told them about you when they were f*cking made me drunk." Bahagya siyang lumapit sa akin tiyaka bumulong, "Tanda mo ba 'yong rooftop quarrel natin?"
Hindi ko makapaniwalang tiningnan si Axcel at Jinno. And they both pointed each other trying to put the blame of Creid getting drunk. "Pakana talaga 'yon ni Jinno, Dhale. Crush ka kasi niya at gusto niyang malaman kung may gusto ba talaga si Creid sa 'yo dahil kung wala----"
"I'm gonna punch him first before he could even---"
"P*tang ina, kayo talaga?!" Friza cut Creid off. Ang akala siguro niya ang nagbibiro lang sina Jinno at Axcel at ngayon lang siya natauhan. "Seryoso, Dhale? T*ng ina 9999 times, pinatulan mo ang g*gong t*nginang babaerong malanding 'to?"
"Malandi ka pala, Creid eh." - Axcel
"Oh Dhale, break mo na 'yan. I'm currently single. Hindi pa malandi."
"At isa ka pang, t*ng ina. Hindi malandi? Talaga? Eh kung pag-untugin ko kaya ang bayag ni'yo ni Axcel, huh?"
Friza will always be Friza, and no one can't do anything about that. Nagpatuloy ang bangayan nila until...
"Creid." Rix came. "Pinapatawag ka ng Royal Chief." He continued.
He darted a glance at me so I just nodded before he walked away.
"Ibang klase talaga si Creid, pati si Dhale---" Napatingin ako kay Jinno na palihim siniko ni Friza sabay tingin sa akin. Hindi na lang ako umimik at naglakad na papalayo.
"H'wag ka mag-alala, Dhale ang sikreto ay sikreto!" Axcel shouted.
"Oo nga! We're secret keepers!" Jinno added. And the last words I hear were curses.
ELLISSE ZERINA
"Ellisse!" Tumigil ako sa paglalakad nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Ash mula sa likuran. Hindi ako kaagad lumingon hanggang sa makalapit siya sa tabi ko. "Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong niya. Matama ko siyang tiningnan at napabuntong hininga na lamang. "I can explain." Saad niya. Explain what? The history of how he became the Royal Knight of Serpent? Oh thanks. but I'm not d*mn interested.
"Drop it." Nagpatuloy ako sa paglakad na siya namang sinundan niya. Ang sarap lang niyang ibala sa kaniyon pabalik ng New York.
"Kapag sinabi ko ba sa 'yo ang totoo noon pa lang, papayag ka pa rin ba na maging training partner ko?" Tanong niya nang makarating kami sa balcony ng headquarter. Tingnan mo nga naman ang bulakbol na 'to, talagang sumunod pa. Tss. Tumingin ako sa kaniya na seryoso lang habang nakatingin siya sa malawak na field.
"What's wrong with telling the truth, Ash?" Balik tanong ko sa kaniya nang mapatingin siya sa akin tiyaka siya napangisi. Ngayon, mukhang si Ash na nga talaga ang kaharap ko.
"Kasi nga sure na sure na kamumuhian mo rin ako. 'Yon ang iniiwasan ko."
Tss. And that's also the reason na dapat una palang sinabi na niya ang totoo para una palang lumayo-layo na ako sa kaniya.
"Let's say, I was thoroughly hunting for something, noong nasa New York ako." He tried to explain.
"At bakit mo pa kailangang magpanggap bilang isang bulakbol na physical trainer kung may hinahanap ka lang pala? Ang dami mo ring alam tulad no'ng Commander na 'yon."
"That was part of the mission." Sagot niya. He was about to pat my head again nang hawakan ko ang kamay niya tiyaka siya matalim na tiningnan. "Subukan mo lang, Ash, sinasabi ko sa 'yo, masasaksak kita ng wala sa oras." Pagbabanta ko sa kaniya tiyaka ko binitawan ang kamay niya. Napangisi lang siya na para bang gustong-gusto ang pangyayari.
"You're no different from him. Ayokong isipin 'to, Ellisse pero may namamagitan ba sa inyo ni Commander?" Tanong niya tiyaka ako pinanliitan ng mata na tila inuusisa ako. Seriously? Kahit kailan talaga, ibang klase mag-isip ang lalaking 'to. Ang sarap batukan ng malakas para mawalan ng malay.
"Sa dami ng tinanong mo, 'yan na ang pinaka-stupid." Sagot ko tiyaka ko itinuon ang atensyon ko sa field.
"Good to know." Muli akong napatingin sa kaniya na ngayon ay nakatingin na ulit sa field. "Kumusta naman ang training mo?" Bigla niyang pag-iiba sa usapan. Katulad ng inaasahan ko, alam niya ang tungkol sa training, at kung paano ako napunta rito. He's the Royal Knight after all.
"A mess... Hindi ka ba updated at kailangan mo pang itanong sa akin?" Nauna pa nga siyang umuwi sa akin dito sa Pilipinas pero ako pa ang naunang nakarating ng 'di inaasahan sa teritoryo nila. Tss.
"Really? Balita ko, natapos mo ng walang kahirap-hirap ang buong training." Nakangising sagot niya. Alam ko na kung saan ang papupuntahan ng pag-uusap namin kaya naman ako na mismo ang nag-adjust para sa kaniya.
"Wanna try me?" Taas kilay kong tanong na siyang malawak niyang ikinangisi.
...
"Ano ang pinag-usapan ni'yo ni Commander?" Panimula kong tanong sabay iwas ko sa kamao niya.
"Kailan ka pa naging tsismosa?" Nakangising tanong niya nang bigla na lang niya akong atakihin ng suntok ulit dahilan nang mapaatras ako pero hindi niya tinuloy na ipinatama 'yon sa mukha ko.
"Well-trained ka ba talaga ng Serpent, Ellisse?" Nang-iinsultong tanong niya na para bang hinahamon talaga ako.
"Try me and you'll see." Diretsa kong sagot sa kaniya na ikinangisi lang niya.
Mabilis akong humakbang palapit sa kaniya para patamaan ang mukha niya ng suntok nang mabilis niya 'yong nailagan.
"Sorry, Ellisse pero mas mabilis pa rin ako sa 'yo." Nakangising wika niya na halatang nang-aasar.
Sa inis ko ay humakbang ako paatras para kumuha ng bwelo tiyaka siya muling inatake ng sipa. How come ang bilis niya? Halos naiilagan niya ang bawat pag-atake ko. Para bang bigla na lang nag-improved ang galaw niya, o baka naman hindi lang talaga niya ipinapakita sa akin noon kung paano siya makipag-laban?
"Ano? Suko ka na?" Nakangising tanong niya nang tumigil ako. Ramdam ko ang pagod sa pag-atakeng ginawa ko pero dahil sa inis ko sa kaniya ay hindi ako tumigil. Muli ko siyang inatake ng isang suntok nang mabilis siyang yumuko para umilag hanggang sa naramdaman ko na lang ang palad niyang mabilis na tumama sa itaas ng dibdib ko dahilan nang mapaatras ako.
Hinanda ko ulit ang sarili ko tiyaka siya muling inatake ng isang side kick, kaso mabilis ang ginagawa niyang pag-ilag. Hindi ko na namalayan ang sunod niyang ginawa hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Namalayan ko na lang na nasa likod ko siya nang maramdaman ko ang paa niyang tumama sa likod ko dahilan nang mapaluhod ako. D*mn!
"Too slow, Ellisse. Sa kondisyon mo ngayon, nakapagtataka na nalampasan mo ang buong training." Naikuyom ko ang kamay ko at buong lakas na tumayo tiyaka siya hinarap.
Hindi nalang ako nagsalita dahil nakaka-bwiset lang marinig ang boses niya.
Hinanda ko ang sarili ko tiyaka siya muling inatake, pero mabilis niyang nahuli ang braso ko, at namalayan ko na lang ang sarili kong nakaliyad sa braso niya. Nakatingin lang siya sa mga mata ko, at sa unang pagkakataon, hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Hindi ko mabasa ang mga tingin niya. He's too d*mn serious.
"Hindi ba sinabi ko na sa 'yo? Hindi ka pwedeng magpadala sa emosyon mo kung gusto mong manalo." Saad niya. I was about to speak nang bigla na lang niya akong bitawan dahilan nang mapahawak ako sa balakang ko nang tumama 'yon sa sahig.
"D*mn you, Ash!" Mura ko sa kaniya na ngayon ay nakangisi na. Bwiset talaga!
"Ang bagal mo kasi eh." Natatawa niyang wika na bigla-bigla na lang nag-iba ang ekspresyon ng mukha. Inilahad niya ang palad niya para tulungan ako. I was in pain so I have no choice but to take his d*mn help. Napangiwi ako dahil parang may kung anong napulikat na ugat sa likod ko.
"Ayos ka lang?" May pag-aalalang tanong niya. Tinapik ko ang kamay niyang nakahawak sa balikat ko tiyaka siya sinamaan ng tingin.
"Tingin mo huh? Matapos ng ginawa mo, itatanong mo sa 'kin kung ayos lang ba ako? Are you stupid? Kung balian kaya kita ng buto sa likod mo tapos tanungin kita kung ayos ka lang, tingin mo ba ayos lang 'yon?" Sarkastiko kong sagot sa kaniya tiyaka ako paika-ikang naglakad palayo.
Ilang sandali lang ay napatigil ako nang bigla na lang mag-vibrate ang phone sa bulsa ng suot kong leather jacket. Kaagad ko 'yong tiningnan pero natigil ako sandali nang makita ko sa screen ang isang text message mula sa isang unknown number.
Go to the maze's basement
Who is this?
"Sino 'yan?" Napatingin ako kay Ash nang bigla siyang sumulpot sa tabi ko. Hindi ako sumagot dahil wala rin akong ideya kung si---wait....Tiningnan ko ulit ang phone ko nang muli itong mag-vibrate.
Now
Bigla ko na lang naalala ang pinsan ng Serpent Commander. He was the one who gave me this so obviously siya lang ang may alam ng number ko.
"It's none of your business." Naglakad ako palayo.
"Saan ka pupunta? Hindi pa nagagamot 'yang----"
"Wala kang pake!"
I kept walking nang muling nag-vibrate ang phone ko kaya naman napatingin ako rito.
What's with the walk? Are you hurt?
Napalinga ako sa paligid nang mabasa ko ang message. D*mn! How did he know? Can he see me? Nagpalinga-linga pa ako sa paligid. Bigla na lang akong nataranta kaya naman mabilis akong umalis para pumunta sa maze.
F*ck, answer me
Nakakainis naman 'to. Dahil naiirita na ako sa kaka-vibrate, tumigil muna ako para mag-reply.
Answer
What the f*ck!
Bilis mag-type ah, tss.
Pake mo? Likod mo masakit huh?
Pinatay ko muna ang phone ko at nagpatuloy na sa paglalakad. I felt it vibrated many times pero hindi ko na muna binuksan 'to.
Finally, I reached the maze. Naisip ko na buksan muna ang message to check if there might be something that makes sense in his message.
What the f*ck, Ellisse Zerina!
Where the hell are you?
Are you f*cking lost in the maze again?
Open your f*cking location
Oh yes, I remember, in-off ko nga pala ang GPS ng phone pati ang location nito. Swerte naman niya't namo-monitor niya lahat ng kilos ko. D*mn him! Mag-pinsan nga sila no'ng magaling na Commander.
Follow this d*mn blueprint. Arrive at exactly 4
I clicked the image he sent. Blueprint ng maze kung saan may green na line ang daan papunta sa pinto ng basement. I followed it, but of course, he said at exactly 4 which is 5 minutes before the time. Again, I am not a d*mn crazy woman to follow his command. Kaya sa halip na magmadali ako, in-enjoy ko muna ang paglalakad papunta sa destinasyon ko.
My phone then rang. Walang gana ko itong sinagot at itinapat sa tainga ko.
"Where the f*ck are you?"
Natigilan ako dahil pamilyar na pamilyar ang boses ng nasa kabilang linya. Alam ko ang pagkakaiba ng boses ni Renzo at ng pinsan niya, but the voice from the other line was exactly sounds like the former. What the hell is going on?
"I said, where the f*ck on earth are you, Lorico" Rinig ko ang pagkasa ng baril sa kabilang linya hanggang sa awtomatiko nalang na bumukas ang sahig malapit sa kinatatayuan ko.
Nasa labas palang ako, rinig ko na ang mabigat na yabag palabas. I was stunned when I saw him holding a d*mn gun with a rage seen in his eyes.
"Where the f*ck did you go? And how the f*ck did you hurt yourself?" He asked tiyaka ako hinila to check my back, but his sudden actions really stunned me.
"F*ck, can you at least say something?" Hindi ko alam kung matatawag ba na pag-aalala ang nasa mukha niya.
"I'm fine" were the only words I said. Hinilot niya ang sentido niya bago niya inilagay sa likod ng pants niya ang dala niyang baril. Mahigpit niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at medyo marahas akong hinila papasok sa basement.
I wonder what was really happening. What the hell is going on here? Why is he acting like this?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top