Chapter 20


Aris Basement

THIRD PERSON 


"Ligtas na ang lahat ng bata. Si nurse Karen na raw ang bahala sa lahat ng kailangan nila." Pahayag ni Layla pagkapasok niya sa isang pribadong silid kung nasaan ang dalawang lalaking kasamahan niya.


"Dwight, alam na ng Serpent ang tungkol sa Aris, at sigurado na iniisip nilang kabilang ang samahan natin sa grupo na kasabwat ng Korbin sa organ trafficking." Dismasyadong pahayag ni Kevin na kanina pa pabalik-balik sa paglalakad.


"Ano ng plano mo, Dwight? Paniguradong alam na ng Korbin na nasa atin ang mga bihag nilang bata." Tanong ni Layla matapos iniabot kay Dwight ang basong naglalaman ng alak.


"Alalahanin mo, dalawang naglalakasang samahan na ang hinahamon mo." Paalala ni Kevin tiyaka nilagok ang alak na iniabot din sa kaniya ni Layla.


"Don't you trust me? Come on, I know what I am doing." Nakangising sagot niya dahilan nang magkatinginan si Kevin at Layla. "Sa ngayon, bantayan ni'yo muna ang serpent gang. Kilala ni'yo ang mga knights at knightress, hindi sila titigil hangga't hindi nila tayo natutunton." Patuloy niya habang mag-isang nilalaro ang mga chess pieces mula sa chess board.


"Kung hindi mo na sana ginawang target 'yong Friza Gonzales na sinasabi mong member ng serpent gang na nakita mo sa Red Fox Club, edi sana hindi tayo namo-mroblema ng ganito." Reklamo ni Kevin. "At ang masaklap pa, ibinalandra mo sa kaniya 'yang mukha mo." 


"Everything happens for a reason, Kevin. Hindi ako tanga para pag-aksayahan ng oras ang isang bagay ng walang sapat na dahilan." Sagot niya nang igalaw niya ang knight piece na nasa chess board.


"Paano ang dark list? Wala na si Marcelito Luna na pwede nating matanungan tungkol sa nilalaman ng listahan. Nasa kamay na 'to ng Serpent. For sure bago pa natin malaman ang nilalaman no'n inutusan na sila ng Serpent Commander na patayin ang lahat ng nasa listahan at kapag nangyari 'yon mawawala na ang mga inaasahan nating business tycoons na magpapalakas sa Aris." Komento ni Layla.


"Renzo is a genius ass. Let him deal with it." Nakangising sagot ni Dwight tiyaka niya iginalaw paabante ang pawn piece.


Nagkaroon ng sandaling katahimikan nang magtinginan si Kevin at Layla. Mababakas sa mga tingin nila ang madaming tanong tungkol sa kung ano ang plinaplano ni Dwight. Ilang sandali lamang, ay napatingin sila kay Dwight nang tumayo  ito. Nakatingin siya sa suot na mamahaling relo. "Kayo ng bahala rito." Paalam niya nang hindi man lang tumitingin sa dalawa. Kinuha niya ang leather jacket na nakasabit sa swivel chair at patuloy na naglakad palabas ng silid.


Napabuntong hininga na lamang si Layla tiyaka sumandal sa inuupuang couch. "Hindi ko na talaga alam kung susunod pa ba ako sa utos ni Dwight. Kung alam niya ang takbo ng utak ng Serpent Commander eh bakit parang hinahayaan niyang ipapatay lang ang mga business tycoons na nasa dark list? Sino ng aasahan nating magpapalakas sa Aris kung sakali?" 


"Hayaan mo na si Dwight sa kung ano mang plinaplano niya. Wala tayong magagawa kung hindi ang sundin siya." Sagot naman ni Kevin tiyaka tumayo para puntahan ang chess board na iniwan ni Dwight sa kaniyang mesa.


"Hindi ko na talaga alam, Kevin. Nakikipag-agawan tayo sa Korbin para lang makuha ang listahan, tapos ngayon naman ang Serpent? Sa liit ng Aris, anong panama natin sa kanila?" 


"Kilala mo si Dwight. Gagawin niya kung anong gusto niya at ipaglalaban niya ang opinyon niya. Alam kong alam mo rin kung paano siya kumilos at mag-isip, Layla. Tulad na nga ng sabi niya, alam niya kung ano ang ginagawa niya." Aniya habang seryosong pinagmamasdan ang bawat piraso ng chess.


Ilang sandali lamang ay naagaw ang atensyon nila dahil sa biglaang pag-tunog ng telephone na nasa tabi ni Kevin. Nagkatinginan pa sila na tila mga nagtataka kung sino ang nasa kabilang linya. Gayunpaman, sinagot parin ni Kevin ang tawag.


[WHERE THE HELL ARE YOU? NASAAN SI ZANE?] Napatigil siya nang marinig ang nagbabantang boses bago napatingin kay Layla.


[SUMAGOT KA, DWIGHT KEAN STANFORD KUNG AYAW MONG PASABUGIN KO NGAYON DIN ANG BASEMENT MO!!!] Inilayo ni Kevin mula sa kaniyang tainga ang telephone dahil sa nakabibinging boses ng kausap tiyaka dismayadong ibinaba ito.


"Sino ba 'yan? Ba't ganiyan ang mukha mo?" Nagtatakang tanong ni Layla sa namumutlang si Kevin.


"S-si..."


"Sino?" Kunot-noong tanong muli ni Layla.


"S-si, N-nat..."


"Ano ba, Kevin! Sino ba kasi 'yan?!" Sigaw niya at napilitang tumayo.


"Si Nathalia..." Halos pabulong na sagot niya. Mababakas ang pagkagulat sa mukha ni Layla nang marinig ang pangalang binigkas ni Kevin.




Serpent Headquarter

ELLISSE ZERINA 


"Ellisse!" Tumigil ako sa paglakad nang marinig ko ang boses ni Daniella. Kailan ba niya ako titigilan? Napapikit ako ng mariin dahil sa inis bago ako humarap sa kaniya. "Hinahanap ka ni Tanya sa infirm---wait, tapos mo ng magamot ang sugat mo?" Nagtatakang tanong niya nang mapansin ang nakabendang binti ko.


"Obviously." May pagka-sarkastiko kong sagot.


"Pinapatawag ka sa infirmary para sana gamutin ang sugat mo, pero mukhang okay naman na. I didn't know na marunong ka rin pala ng basic wound treatment." Sagot niya na para bang namamangha pa. Of course, I know, hindi lang ako ang gumawa. "By the way, wala ka na bang ibang nararamdaman?" Tanong niya.


"I'm fine." Tipid na sagot ko tiyaka siya tinalikuran.


"Wait, Ell..." Tumigil ako sa paghakbang nang muli siyang magsalita. "N-nasa recovery room si Friza." Patuloy niya nang matigilan ako. "W-wala kang dapat ipag-alala, maayos na ang lagay niya. Hinihintay na lang namin siyang magising." Dagdag pa niya.


"So? You don't need to inform me." Sagot ko dahil ano nga pala ang pakealam ko? 


"Pero kaibigan ka namin, Ellisse. Alam ko na kahit papaano, you still care about us." Saad niya. Para bang kinurot ang puso ko sa sinabi niya. Yes, I do. I care about them, hindi 'yon nagbago pero hanggang ngayon hindi ko parin magawang tanggapin ng buong-buo ang lahat.


Hindi na ako sumagot pa. Naglakad ako palayo dahil pakiramdam ko bumibigat na naman ang paghinga ko. Huminga ako ng malalim nang makarating ako sa malaking puno malapit sa mataas na gate ng castle, kung saan makikita ang dalawang bantay. Luminga ako sa paligid bago marahang naglakad ng nakayuko patago sa matataas na halaman hanggang sa tagumpay kong narating ang mataas na pader na nababalutan ng mga vine plants.


Kaagad kong hinanap ang button para buksan ang nakatagong pinto. Halos umabot ako ng dalawang minuto sa paghahanap bago ko 'yon nakita. Pumasok ako sa loob at katulad ng dati, bumungad sa akin ang malawak na maze. Kaagad na inilabas ko ang dala kong kulay pulang chained yarn tiyaka ako pumasok sa loob. In case na mawala ako, alam ko ang babalikan ko.


Hindi ako sigurado kung makikita ko pa ba ang lalaking nagligtas sa akin dito, pero nagbabakasakali ako. Who knows na hindi na pala siya nakalabas noong gabing dumating siya para iligtas ako? Or it's also possible na may hidden route or underground dito. Who knows?


Tumigil ako sa paglakad nang maramdaman ko ang pagsakit ng binti ko. Umupo muna ako para magpahinga pero ilang sandali lang ay bigla na lang akong nakaramdam ng antok. Of all places, Zerina. Dito pa talaga?




DHALE TIZUAREZ 


I shouldn't be crying like this. Napahawak ako sa dibdib ko at napayakap na lang ako sa tuhod ko. I just want to be honest about what I feel but why can't I? Why is it too hard?


It feels like I'm going to lose my breath anytime, and as time goes on, my chest tightens even more. Kung alam ko lang na aabot ako sa puntong ito, sana sinabi ko na lang sa kaniya 'yong totoo. I wish I didn't hesitate to admit how I feel.


Hindi ako sigurado sa magiging resulta kapag nagpakatotoo ako, pero ayokong magpatuloy sa buhay ng may pagsisisi sa puso ko. The fact is, love hurts for some reason. When you love someone, you couldn't exempt yourself from pain. Parang pain is a must.


"Wala ka na ba talagang ibang alam gawin maliban sa mag-sungit at umiyak?" I stopped when I heard his manly cold voice. I looked up and when I saw him my heart beats really fast.


"W-why are you here?" I whispered. Hindi ko na naman alam ang sasabihin ko. Hindi siya sumagot hanggang sa umupo siya sa harapan ko para pantayan ako.


"Crybaby" He uttered, then he cupped my face and gently wiped the tears from my cheeks. Can we stay like this forever?


"Creid, m-may sasabihin ako." I anxiously said after he wiped my tears. He didn't answer but he was looking straight into my eyes. Hindi ko matagalang tingnan ang mga mata niya kaya naman nag-iwas ako ng tingin.


"Ano 'yon?" 


Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa tuhod ko at bahagya kong kinagat ang ilalim ng labi ko. Pinilit ko ang sarili kong tingnan siya mula sa mga mata niya na para akong hinihila palapit sa mga bisig niya. How long could I resist this man? 


"I...I..a-actually--" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang bigla na lang tumunog ang phone niya mula sa bulsa niya. Napahinga siya ng malalim na para bang frustrated tiyaka tumayo para sagutin ang tawag.


"What?" He coldly asked from the other line. I don't know what they are talking about, but annoyance is written all over his face.


"Sorry, I didn't know it was you." He apologized, then a smile suddenly formed on his lips. And that very moment just hit my heart. The genuine smile of Creid Marquez that I knew, I am the often reason why, but what is this? Mukhang hindi lang ako ang dahilan ng mga ngiting 'yon.


 He then looked at me which caused me to immediately averted his eyes.


"Well, yes. I'm leaving tomorrow." I looked at him because of what he said and our eyes met again. "Come on, you have a pageant runway, you can't miss that... No, I'll be fine. Promise. Just focus on your thing. Kaya ko na ang sarili ko." 


It was his ex, I guess.


"Date?" Nakakunot niyang tanong tiyaka ako ulit sinulyapan.


Bakit ba hindi ko naisip na hindi talaga siya seryoso sa akin noon pa man? Parang tingin ko, nasagot na ang tanong ko. We're not made for each other. Not really, Dhale.


"No. No, it's fine. Let's do it." He answered with a smile. And that really stabbed my heart crazily deep. Kung pwede ko lang ibato sa kaniya ngayon ang suot kong heels.


"Tell Dad, I'll just catch up... Don't worry... Okay, I'll hang up now then, baby." Wait, what? Baby? 


Dahil sa inis ko ay tumayo ako tiyaka naglakad papalayo nang hindi niya napapansin, pero napatigil ako nang magsalita siya ulit.


"I love you"


I clenched my fist as he uttered those words from the other line. Matutuwa na ba ako na sa wakas ay nagkabalikan na rin sila no'ng ex niyang sineryoso niya? Gusto kong matuwa ng sarkastiko pero hindi ko magawa dahil nasasaktan ako, sobra akong nasasaktan.


"I love you" He uttered once again in a very deep and serious tone. Hindi mo naman kailangang ipamukha sa akin na iba ang mahal mo, Creid. Alam ko na, kaya tama na please.


"I love you, and I can't help but fall for you even more." Napapikit ako ng mariin tiyaka humarap sa kaniya. I didn't expect that he was looking at me, but then I chose to ignore it.


"Kailangan mo ba talagang ipamukha sa akin, Creid?" Tanong ko nang magsimulang magtubig ang gilid ng mga mata ko. My heart can't take it anymore.


"Why? Hindi ba dapat lang naman na pinapamukha ko, Dhale? Kailangan ko pa bang ulitin?" Sagot niya na mas lalong nagpakirot sa puso ko. So all this time, he just want to hurt me. I hate you, Creid! I hate you!


"You know what? You don't have to, kasi nanalo ka na eh. I've fallen into your trap, Creid. Bumigay na 'yong puso ko dahil hindi ko na kaya, hindi ko na kayang itago ang nararamdaman ko para sa 'yo...And now that you won, can you please stop? Just please...please, stop hurting me, Creid. I'm kindly begging you. I can no longer handle the pain." Pagmamakaawa ko sa kaniya habang patuloy na sa pagtulo ang luha ko. I can't hide this anymore.


"Alam mo ba kung gaano katagal kong hinintay 'to, Dhale? I've been waiting for so long for this moment to happen. Sobrang tagal na halos hindi ko na alam kung mangyayari pa ba. I'm almost losing myself for patiently waiting, yet here we are. I don't know...d*mn...I don't know what to say." He answered. Hindi ko maitindihan ang mga tingin niya. He's like he's about to cry. 


Perhaps, it's tears of joy. He must be glad to know that I've fallen and that means I am the loser in his game. 


"You just made my whole day, Dhale...Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon."


"Masaya ka, Creid pero ako hindi! Hindi ako masaya dahil nasasaktan ako! And you know what's the most stupid thing here?! Nasasaktan ako dahil masaya ka!! Nasasaktan ako dahil ikaw 'yong paulit-ulit na pinipili ng puso ko! Nasasaktan ako dahil ikaw 'yong gusto ko!! Nasasaktan ako, Creid dahil ikaw 'yong mahal ko!! You're the only man I felt this way... And I hate it! You just---" Natigilan ako nang lumapit siya sa akin tiyaka marahang hinaplos ang pisngi ko. 


"That's all I wanted to hear, Dhale." He whispered as he leaned his forehead into mine. "I'm sorry for hurting you...for what I did. I'm really sorry for being an asshole that day. I n-never wanted to treat you that way, Dhale. Believe it or not, I'm deadly serious... I'm really sorry. Nagsisisi akong nasaktan kita." 


Hearing his apology weakens my knees. Looking at his eyes filled with sincerity, begging for forgiveness could easily make me vulnerable. Gano'n na ba kalalim ang nararamdaman ko sa kaniya para makaramdam ng ganito?


"I just want to say how much you mean to me. How much you make me the happiest, and how much love I have for you. Words aren't enough to exactly define it." He went on.


"I love you, Dhale Tizuarez... I may be an asshole pero, seryoso ako, mahal kita. Mahal kita. Sobra." He sweetly uttered as he wrapped his arms around my waist. Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. I don't even know what should I feel. Basta ang alam ko lang ay sobrang bilis ng tibok ng puso ko. I just realized that I was the one whom he was telling I love you.


"Hinintay kita kaninang saihin lahat ng gusto mong sabihin, pero sinubukan mo na naman ang pasensiya ko. Sa huli ako pa rin ang naghabol sa 'yo." Para bang ang bilis ng pangyayari. I wanted to ask too many whys and hows, but I just kept my mouth shut.


Kumalas siya sa yakap then he looked straightly into my eyes as how he usually looked at me, "Ikaw 'yon, Dhale...'Yong babaeng mahal ko. I am d*mn serious about it. Walang iba. It was my sister who called me." 


Ilang segundo akong nakatingin sa mga mata niya. How can I stop loving this man? 


It was like a dream, a wonderful dream that brought my heart to life once again. Aaminin ko, may takot parin sa puso ko na baka isang malaking biro lang 'to, but I want to feel it, I want to be loved by him. No one else, but Creid Marquez alone.


I wrapped my arms around his nape tiyaka siya matamang tiningnan. No need to hide Dhale. 


"I'm sorry too. Pinagtabuyan kita. For hiding my feelings and making you wait for so long... This time, hayaan mong ako naman ang pumunta sa 'yo, Creid." Wika ko tiyaka itiniklay ang mga paa ko. I pulled his nape to get her face close to mine tiyaka hinalikan ang labi niya. It took him seconds before he responded my kiss. 


He was the one who broke the kiss, "Is this okay with you?" tanong niya nang may pag-aalinlangan. I just smiled at him. "You should treat me better from now on, Mr. Marquez." 


Napangisi siya. He then pulled me closer to him, "I'll be gentle then." 


"What?" I partly pushed his chest away from me with my forehead, creased. But he just chuckled. "When the time is right, of course, baby." 


Pakiramdam ko namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. This man. 


"What?" Natatawa parin niyang tanong when he noticed me looking at him without even saying anything. 


"I still have one thing I want to clear up with you." Seryosong akong nakatingin sa kaniya, but I didn't wait for his repond, "I love you, Creid Macklein Marquez... Mahal din kita." 




ELLISSE ZERINA 


"Don't leave me, please...H'wag mo 'kong iiwan, Art...p-please."


"Zerina." Wala akong ibang makita pero narinig ko ang isang pamilyar na boses na nagmula sa tabi ko. Where am I? 


Iminulat ko ang mga mata ko, at tiyaka ko lang naalala na nandito ako sa maze which the last thing I did was to rest. It's already night. Napahawak ako sa pisngi ko na nabasa dahil sa luha. I cried again. Sa dami ng pwede kong mapanaginipan, 'yon pa talaga. Oh, not a dream but more likely a nightmare. 


"Dreaming about your ex huh?" Napaangat ang tingin ko at dahil sa gulat natigilan ako nang makita ang lalaking hinahanap ko. As usual nakasuot siya ng black hoodie, mask, at cap habang nakahalukipkip.


"Y-you're really here." Hindi ko makapaniwalang tugon. Para bang hindi ko pa alam ang sasabihin ko dahil sa gulat.


"And you're here...sleeping." Inilibot pa niya ang tingin niya sa paligid na parang hindi siya makapaniwalang nakatulog ako sa lugar na 'to. 


Tipid akong napangiti tiyaka tumayo. "What's funny?" Tanong niya na sa tono pa lang ng boses niya ay mahahalata na ang pagka-irita.


"Ang buong akala ko hindi na kita makikita." Sagot ko.


"As much as I remember, we didn't have an unfinished business. Why are you here?" Masungit na tanong niya. Bilis magbago ng mood. Tss.


"Curios lang ako kung humihinga ka pa ba o hindi na. Mukhang buhay na buhay ka pa naman. Good thing nagkita tayo, finally makakahinga narin ako ng maluwag." Sarkastiko kong sagot tiyaka siya tiningnan mula ulo hanggang paa.


"Tss." Tipid na tugon niya bago ako tinalikuran tiyaka naglakad papalayo.


"Hey! Teka lang!" Pagtawag ko tiyaka siya patakbo't paika-ikang nilapitan. "Where are you going?" Tanong ko nang maabutan ko siya, pero hindi man lang siya sumagot. What a snob.


"By the way, bakit ka nga pala nandito? Are you a Serpent Knight?" Curios na tanong ko.


"No." Tipid na sagot niya.


"So, you might be a rook. Anong team ka kabilang? CIT or Med?" Sagot ko't balik tanong nang tumigil siya kaya napatigil din ako. Humarap siya sa akin at nanatiling walang imik.


"None of the choices" Sagot niya tiyaka nagpatuloy sa paglakad. Napakunot-noo ako tiyaka siya sinundan.


"Kung hindi ka rook at hindi rin knights, then that means, you're a...." I stopped walking then I crossed my arms.


"Royalty?" Tanong niya nang tumigil siya at nanatiling nakatalikod sa akin. Tama rin ba ang nasa isip ko? "Gawain ba ng isang royalty ang maglakwtsa sa dis oras ng gabi?" Patuloy na tanong niya tiyaka muling naglakad. Okay, he's not. Pero kung hindi siya member ng serpent gang o ng rooks, at pati royalty, ibig sabihin lang na hindi siya isang Serpent.


"Why are you here, then? Are you an outsider? Anong ginagawa mo rito noong gabing dumating ka para iligtas ako?" Curious na tanong ko habang sinusundan siya sa paglalakad.


"I didn't come to save you." Tipid na sagot niya. Tss, talaga lang huh? 


"Kung hindi ka nga isang Serpent, anong ginagawa mo rito sa headquarter? Hindi mo ba alam na oras na makarating sa gang at sa mga royalties na may gumagalang outsider dito sa loob, hindi sila magda-dalawang isip na patayin ka?" Sagot ko, nagbabakasakaling matakot man lang siya kahit papaano.


"Hindi nila malalaman kung walang magsasabi." Sagot niya dahilan nang mapataas ang kilay ko.


"Well, I can tell them." Nanghahamong sagot ko. Humarap siya sa akin nang nakapamulsa. Humakbang siya palapit sa kinatatayuan ko tiyaka inilapit ang mukha niya sa tainga ko.


"Go ahead.....tell them if you can." Nanghahamong bulong niya tiyaka ako tinalikuran. Hindi ko alam kung bakit, pero nacu-curious ako sa identity niya. Just, who the hell is he?


"What? Tatayo ka na lang diyan?" Napatingin ako sa kaniya na mukhang hinihintay ako. Naglakad ako palapit sa kaniya nang simulan niya muling maglakad.


Walang umiimik sa amin hanggang sa makarating kami sa isang part ng maze. Namangha ako ng bigla na lang nahati pabukas ang sahig at mula roon pumasok siya. It's an underground basement. So may ganitong pakulo nga sa maze na 'to?


"How did you know this place? Hindi ba sacred ang lugar na 'to?" Tanong ko habang inililibot ko ang paningin ko sa buong basement.


It's a vintage place, dahil halos lahat ng mga gamit antique na. Ang simpleng tingnan pero napaka-elegante ng dating. Mula sa chandelier, sa pader, at mga paintings na nakasabit rito. At ang mas umagaw sa atensyon ko ay ang pool side kung saan makikita ang isang puno sa gilid nito, ang little bridge sa gitna at ang bermuda grass na nakapalibot sa buong paligid. Sobrang lawak ng lugar.


"This is the third sacred place of Serpent, yes. The only hidden property of one of the royalties." Napatingin ako sa kaniya dahil sa sagot niya. 


"Hindi ka isang miyembro ng serpent, then how come alam mo ang lugar na 'to kung hidden property pala 'to ng isa sa mga royalties?" I asked squintting my eyes at him.


"I just know." Tipid na sagot niya dahilan nang mapabuntong-hininga ako. Who would even buy that alibi?


"Sagot ba 'yong basta alam mo lang? And who among the royalties knows this place? Sino ang may-ari nito?" Tanong ko ulit nang ipagpatuloy kong ilibot ang tingin ko. Humakbang siya palapit sa tabi ko malapit sa pool at napatingin ako sa kaniya ng tanggalin niya ang hood na nakatakip sa ulo niya. Messy hair. 


"Lorenzo. Lorenzo Hilton." What?


"He's the Serpent Royal Commander. Wala ng nakakaalam sa lugar na 'to maliban sa kaniya." Patuloy niya tiyaka siya humarap sa akin. 


"Are you crazy? I mean, bakit ba pinunta mo ako rito? We shouldn't be here. Pati ikaw nasa panganib ang buhay mo, hindi lang ako oras na nalaman niyang may outsider na pinasok ang property niya. Who knows, baka may mga nakakabit na hidden camera at listening bugs dito." Kabado kong sagot habang inililibot ang tingin ko sa mga lugar na posibleng pagtaguan ng mga hidden cameras. 


"Kailangan na nating umalis bago pa niya tayo maabutan dito." I was about to walk away, but he asked, "Bakit? Takot ka sa lalaking 'yon?" Tanong niya na parang wala lang sa kaniya ang sinabi ko.


"Alam mo, hindi mo 'ko naiintindihan eh dahil hindi mo kilala ang taong tinutukoy mo. He's the SERPENT ROYAL COMMANDER for hell's sake, at sigurado ako na kapag nahuli tayo rito hinding-hindi niya 'to palamlampsin. Kayang-kaya niya tayong patayin ngayon din." Paliwanag ko sa kaniya para lang maipamukhang kamatayan na ang pinasok namin.


"Why? Are you afraid to die?" Mapaglarong tanong niya tiyaka humakbang palapit sa akin. Humakbang ako paatras pero patuloy siya sa paghakbang palapit sa akin hanggang sa mapasandal ang likod ko sa puno. Sobrang lapit ng mukha niya sa akin na halos maliwanag ko ng nakikita ang mga mata niya. "You shouldn't be. Sa dami na ng taong pinatay ko, tingin mo ba hindi ko siya kayang patayin?" Mapaglarong bulong niya. 


Ramdam ko ang bawat pintig ng puso ko. Ano 'to deja vu? Itininulak ko ang dibdib niya palayo sa akin tiyaka siya matamang tiningnan. "You don't understand anything. Kung ipinagmamalaki mong demonyo ka, well mas demonyo siya. If you have ten horns well then, he has more than twelve. Kung ayaw mong makinig sa akin, bahala ka na sa buhay mo. I'm leaving you here." Saad ko tiyaka siya nilampasan.


"Sa pagkakatanda ko, hindi mo alam ang daan palabas. Are you sure you don't need my help?" Napapikit ako ng mariin bago siya ulit hinarap.


"Alam kong pumasok kaya alam ko rin lumabas." Anong akala niya sa'kin hindi nag-iisip?


"You mean the red yarn?" May kinuha siya sa bulsa ng hoodie niyang nabuhol-buhol na yarn. What the...Inagaw ko 'yon sa kaniya at hindi siya makapaniwalang tiningnan, "Why the hell did you get this?"


"Ayoko ng makalat."


"What?" Hindi ko makapaniwalang tanong.


 "Why did you even enter the maze if you knew you have a hardship in remembering such a complex way?" Tanong niya na gumulat sa akin.


"H-how did you know?" 


"Matagal na kitang minamanmanan, Ms. Lorico. I already know a lot of things about you...I know you better than anyone else." He said nang may mapagtanto ako sa sinabi niya.


"You were lying when you told me that you didn't come that night to save me weren't you? Bakit mo 'yon ginawa? Who exactly are you?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot hanggang sa lapitan niya ako.


"Truth is yes, I did come to save you. Reason? Dahil 'yon ang gusto kong gawin."


"Who are you to trade your life for the person you don't even know?" Hindi ko makapaniwalang tanong sa kaniya. "Hindi mo man lang ba naisip na pwede mong ikamatay ang ginawa mo?" Patuloy ko. Hindi ko mapigilan ang inis na nararamdaman ko sa tuwing naiisip ko ang ginawa niya. Oo masaya ako dahil buhay pa ako ngayon, at dahil may nagligtas sa buhay ko pero hindi 'yon ang punto.


"It doesn't matter as long as you're alive." Sagot niya na hindi ko inaasahan.


"Why are you doing this? Ni hindi nga kita kilala." Kunot-noo at naguguluhan kong tanong. I think, there's still more to it.


"Will you believe me when I say that..." Hinintay ko ang sasabihin niya pero tumigil siya kaya naman mas lalo lang akong na-curious.


"That what?"


"Pinsan ko ang Serpent Royal Commander." Sagot niya na siyang ikinatigil ko. Diretso ang mga tingin niya sa akin at wala akong ibang makita sa mga mata niya. Wala man lang kahit na anong emosyon.


"No doubt..." Pabulong na wika ko na sapat na para marinig niya. So the man that I met in the Karan Avenue was the Serpent Commander's cousin? Parang nai-konekta ko ang ilang mga dots. MCA is under Serpent, so basically, Sir Nourhi has connections with this man too.


"Why?" Tanong niya habang ang mga tingin namin ay nakatuon sa isa't isa.


"You exactly look like the Serpent Commander...Your eyes...Your stance. It reminds me of him." Ang tanging pinag-kaiba lang nila ay ang magulo niyang buhok. Mag-pinsan lang ba talaga sila o magka-kambal?


"You resent him, don't you?" Tanong niya kasabay ng pagtaas ng kilay niya. Napaisip ako bigla kung mapagkakatiwalaan ko ba siya. Baka mamaya pinadala lang siyang spy ng Commander para manmanan ako. Isa pa, bakit hindi niya tanggalin ang mask niya? Pa-mysterious pa.


"Tell me. I'm good at keeping others' secrets." 


"Bakit ko sasabihin sa 'yo? Tingin mo ba kahit na iniligtas mo 'ko, buo na ang tiwala ko sa 'yo? I already lost my trust not just once but twice." And I'm sick of it.


"Even if you lose your trust a few more times, you have to trust me." Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi niya. Humalukipkip ako tiyaka taas kilay siyang tiningnan.


"I trust no one kaya bakit kita pagkakatiwalaan? Eh hindi nga kita kilala."


"Because I'm the only one who can protect you...wherever you go, and whatever recklessness you may do. No one else but me, Zerina." Natahimik ako dahil sa sinabi niya.


Lumapit siya sa akin tiyaka hinawakan ang kamay ko. At mula sa palad ko inilagay niya ang phone. "Use that to call me. You will surely need my help." Saad niya tiyaka niya ako nilampasan.


"Alam ba ng Commander ang tungkol dito?" Tanong ko bago pa man siya makalayo.


"This setup is exclusive only for the both of us."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top