Chapter 2
ELLISSE ZERINA
"Are you okay, Ash? Kanina ka pa tahimik. May problema ba?" Tanong ko sa kaniya na kanina pa walang imik at seryoso lamang sa pagmamaneho. Ilang sandali lang ay napawi ang seryosong aura niya nang malawak siyang ngumiti. Tss.
"Hindi ka rin pala sanay?" Nakangiti niyang tanong. Ano na naman ba ang trip niya?
"Ewan ko sayo, Ash. Mukha kang timang sa ginagawa mo." Sagot ko sa kaniya tiyaka itinuloy ang pag-scroll sa phone ko.
"Eh paano ba naman kasi, kapag nag-iingay ako sasabihin mo tumahimik ako. Kapag naman tahimik ako, magtataka ka bakit ang tahimik ko. Saan ba talaga ako lulugar, Ellisse?" Napatingin ako sa kaniya na akala mo naman pasan na talaga niyang mundo dahil sa bigat ng prino-problema niya. This guy is really a pain of the ass.
"Mag-ingay ka kung gusto mo." Sagot ko tiyaka ulit nag-scroll.
"Nga pala, tingin ko kailangan ko ng bumalik." Napatingin ako sa kaniya ulit. Ngayon nakakasiguro na talaga ako na seryoso na siya.
"Why? May nangyari ba?" Tanong ko pero nanatiling naka-pokus sa daan ang atensyon niya.
"I need to talk do Dad. Ayoko na sa ganitong buhay." Kumunot ang noo ko dahil sa sagot niya. Si Ash ba talaga 'tong kausap ko?
"So I guess you're now planning to start a brand new life as a married man?" Paghula ko dahilan ng mapatingin siya sa akin na hindi ko malaman sa reaksiyon niya kung hindi ba niya inaasahan ang sinabi ko o matatawa ba siya.
"Ibang klase rin 'to mag-imagine. Ako ikakasal? Tss, ayoko na munang ikalat ang maganda kong lahi." Pag-bubuhat niya ng bangko. See? Tss. He's a nonsense talker.
"Then why? Naisip mo na rin ba na walang ibang sasalo sa kompanya ni'yo kung 'di ikaw lang?" Tanong ko sa kaniya dahil 'yon lang naman ang posibleng dahilan na nasabi niya sa akin noon para bumalik siya ng Pilipinas.
"Hindi, hindi 'yon mangyayari." Diretsang sagot niya. "Gusto ko lang talagang matutong bumaril. Gusto ko nga sana mag-police eh o di kaya'y sundalo" Seryosong dugtong niya. WTH! This guy is really a complete crazy sh*t.
"Anong klaseng utak ba talaga ang mayro'n ka?" Kung ano-ano na kasing naiisip niya. Dati gusto niyang maging surfer tapos maging car racer which is napatunayan ko na may potential nga siya tapos ngayon naman gusto niyang matutong bumaril. Iba talaga kapag bilyonaryo, kapag gustong mag-change career, sobrang bilis. But about what he just said. Police? Sundalo? Si Ash? Baka hindi pa siya nakakapasok sa training bagsak na.
"Seryoso nga kasi ako." Tumahimik ako nang mapansin ang pagiging seryoso niya.
"I'm going to join Serpent." Natigilan ako sa sinabi niya. Para bang nawala ako bigla sa mood.
"You're crazy, Ash. Nahihibang ka na talaga." Diretsa kong sagot sa kaniya.
Hindi niya alam kung anong klase ng mundo ang pinapasok niya. Sa halip na ipagpatuloy pa ang pakikipag-usap sa kaniya, walang interes ko nalang na pinapasadahan ng mga tingin mula sa bintana ang mga nadadaanan namin
Pero halos mapatalon ako sa gulat nang bigla niyang pinalo ang busina na gumawa ng ingay sa gitna ng kalsada habang siya ay tawang-tawa. "Ano bang problema mo?! We're in the middle of the roadway!"
"Nagbibiro lang kasi ako, Ellisse. Masyado ka namang seryoso." Natatawa parin niyang sagot nang tumigil siya sa pag-busina. "Ang totoo niyan, balak ko talagang tanggapin ang kontrata ng Serafina Bewitched." Dugtong niya. Inirapan ko siya dahil hindi naman talaga nakakatawa ang sinabi niya. Just by hearing the word 'Serpent' already gives me goosebumps.
"Ayan ka na naman, hindi mo ba alam ang salitang biro? Ms. Secretary, JOKE lang 'yon okay? J. O. K. E.....JOKE." Depensa niya na hindi ko na inabala pang pansinin.
"Wala naman akong planong sumali sa samahang 'yon. Labag ako sa batas na sinusunod nila. Hindi nila alam ang totoong hustisya. They kill people just to satisfy their wills. They believe that they are the justice themselves." Saad niya na hindi ko inaasahang magmumula sa kaniya ang opinyong kapareho ng sa akin.
Ang buong akala ko ay hinahangaan niya ang katayuan ng Serpent. Well most of Filipinos, kahit nga mga foreign countries na nakakikilala sa kanila, hinahangaan at iginagalang sila. Those who are blinded by their power and wrong perspective of justice.
"They're not human, they are demons by heart." Pagsang-ayon ko sa kaniya. Kailan pa naging batas ang pagpatay ng mga taong may kasalanan man o kahit sino lang na sumasalungat sa pamamahala nila? It's not justice but worse than a million sins.
"We're here." Saad niya nang makarating kami sa harap ng MCA.
"Thanks again." Tipid ngiti kong pasasalamat bago ako lumabas. Hindi pa man ako nakakalayo ay tinawag niya ako kaya lumingon ako. Nakabukas ang bintana ng passenger's seat at tanaw ko ang mukha niya mula sa driver's seat.
"Take care! I'll see you in the Philippines, baby~" Teka anong...Magsasalita pa lang sana ako nang mabilis niyang pinaharurot ang sasakyan paalis. D*mn, Ash! Hindi man lang nagsabi na ngayon na ang uwi niya. Well then, see you....soon.
Pagkarating ko sa office ko, ilang segundo makalipas ay may kumatok. "Come in." Pagbibigay permiso ko habang inaayos ang mga papeles.
"Here's your coffee, Ma'am." Magalang na saad ni Rianne tiyaka marahang ibinaba ang kape sa mesa ko.
"Thanks." Tipid ngiti kong sagot. She was about to leave when I decided to speak, "How are you by the way?" Tanong ko habang ang tingin ko ay nakatuon padin sa mga papeles. Bakit ba ang dami ng kailangan kong ayusin ngayon? Hindi ko ba natapos kahapon 'to?
"A-ayos naman po, Ma'am."
I took a sigh of stress. Sumasakit na naman ang ulo ko umagang-umaga. Hinilot ko ang sentido ko tiyaka ko siya tiningnan na napayuko nang magtama ang mga tingin namin. Mukha na ba akong terror masiyado tulad ng sabi ni Vincent?
"Look at me, Ms. Rianne." Utos ko sa kaniya na nagdadalawang isip pa kung titingin siya sa akin. "Hindi nakamamatay ang talim ng mga tingin kaya wala kang dapat ikatakot." Dugtong ko tiyaka kinuha ang tasa ng kape mula sa coffee saucer.
"Nasabi ko na ba sa 'yo na hindi ako umiinom ng black coffee?" Nakataas ang kilay kong tanong na nakapagpa-dismaya sa kaniya.
"S-sorry, Ma'am papalitan ko na---"
"No, it's okay." Pagputol ko sa sasabihin niya tiyaka ako sumimsim sa maitim na kape. Nag-iwan pa nga 'to ng mapait na lasa. "I appreciate the bitterness, actually." Patuloy ko tiyaka ko ibinalik ang tasa mula sa coffee saucer.
"Nakakasakit sa puso ang masyadong matamis." Ang matamis sa una lang 'yan masarap at nakakagana sa panlasa pero kapag tumagal at naparami ka, nakakaumay rin.
"Uhm, t-thank you po pala sa pag-defend ni'yo sa akin kay Mr. Chen."
"Don't mention it, I just did the right thing." Sagot ko. Naalala ko na naman ang matandang 'yon. Iniisip ko pa lang ang mga tingin niya parang kusa na lang gustong pumikit ng mga mata ko.
"Tingin ko, tama talaga ako ng hinala sa 'yo Ma'am Ellisse." Nakangiti niyang saad na siyang nagpakunot sa noo ko.
"What do you mean?" Tanong ko sa kaniya na ngayon ay umaliwalas na ang mukha niya.
"Hindi naman po talaga kayo nakakatakot, sadyang seryoso lang po talaga ang aura ninyo. Ang totoo ay napakabuti po ng kalooban ninyo." Sagot niya na siyang hindi ko inaasahan. Hindi ko inaasahan na may malakas ang loob na makapagsasabi ng opinyon niya tungkol sa akin ng harap-harapan. She's quite interesting huh.
"Are you sure, Ms. Rianne? Do you really trust your notion about me?" Makahulugan kong tanong sa kaniya.
"Malakas po ang pakiramdam ko, Ma'am Ellisse at naniniwala po ako sa inyo." She might be right but she may not as well dahil ayoko na matulad siya sa akin.
"Once an ice block melts, you can always make another one. Do you know what's the biggest block that takes years to build?... Trust. If cracked, it can be dangerous and once it completely breaks, it takes forever to repair the damage." Mapait na saad ko sa kaniya pero binawi ko rin ng tipid na ngiti. "The most dangerous to trust is anyone who seems worthy of your trust." Patuloy ko.
"N-naiintindihan ko po, Ma'am Ellisse." Tipid ngiting sagot niya tiyaka inayos ang suot niyang salamin. Tumungo siya bago lumabas ng office.
I looked back at the black coffee. Bumuntong hininga ako. Masyado na naman akong nadadala sa mga sinasabi ko. Ano ba ang kinalaman ng kapeng 'to at napunta pa sa tiwala ang usapan? Tss.
Ibinalik ko ang atensiyon ko sa pag-aayos ng papeles nang biglang tumunog ang telephone na kaagad kong sinagot. "Yes, sir good morning." Nakangiti kong pagbati sa kabilang linya.
[I have to talk to you, Zerina. Please, come to my office."] Utos niya.
"I'll be there in seconds, sir."
Kaagad akong nagtungo sa office ni sir Nourhi na katapat lamang ng office ko. Kumatok muna ako at hinintay ang hudyat niya na maaari na akong pumasok. Mukhang seryoso ang pagu-usapan namin dahil hindi usual ang dala niyang aura ngayong araw. Nakatingin lang siya sa malaking bintana ng office niya kung saan tanaw ang mga nagtataasang building ng buong city.
"What is it, sir?" Tanong ko nang madako ang atensyon niya sa akin.
"Take your seat." Seryosong utos niya tiyaka iniabot sa akin ang isang folder na kaagad kong binuksan nang makaupo ako.
"I want you to fulfill that task. You're the only person in the company who's capable to do so." Pahayag niya. Tiningnan ko ang mga papel na naka-attached sa folder. "Besides, you're the only person I can entrust that task with." Patuloy niya pero mas natigilan ako at hindi makapaniwala sa huling mga salitang nabasa ko mula sa document paper.
"Natsuo Daigoro?" Literal na nanlaki ang mga mata ko sa gulat. That Asian greatest writer? Totoo ba 'to?
"So would you like to take it or not?" Ang dami ko pang side questions kay Sir pero hindi ako nagdalawang isip na tanggapin ang task. I know I can win this, I have to.
"Consider it done, sir." Puno ng kompiyansang sagot ko.
"Great, then let's proceed to the main agenda." Akala ko naman ito na 'yon may kasunod pa pala. Sumandal si Sir Nourhi sa kinauupuan niyang sofa tiyaka nag-dikwatro na mukhang hindi basta-basta ang sasabihin niya.
"Once you pulled off the task, you will be promoted as the new Chief Operating Officer of MCA." Usually the second-in-command to the CEO. I know at that point, that the task isn't conventional. Para bang napalitan na lang bigla ng kaba ang excitement ko.
"But unfortunately, once you failed, then your contract will be terminated." Para bang bigla akong nagdalawang isip sa kontrata matapos kong marinig ang huling sinabi ni Sir.
I mean, hindi isang tipikal na tao ang usapan dito. Siya si Natsuo Daigoro. Isang kilalang manunulat na walang mukha at pagkatao. Isang napaka-misteryosong tao na nasa likod ng mga tinatangkilik niyang obra maestra tungkol sa mga usaping pang-pulitika at lipunan. No, not as simple as that dahil ayon sa mga sinasabi ng iba—na nangangarap din magkaroon ng sariling kopya ng mga gawa niya, some of Natsuo's masterpieces—na nili-limit lang ang mag copy ay tungkol sa mga secret organizations at underground works.
"I accept the condition, sir. I'll take the quest." Sa kabila ng pagdududa, 'yon ang mga salitang lumabas sa bibig ko.
Uncertainty. Talo ka kung hindi ka maglalakas loob na pasukin ang pintuan sa kabila ng mga bakit at paano. Because the only way out is to; Challenge your limits. No. Go beyond your capability and the limit of what you already know.
Pero sa paglalakas-loob ko na tahakin ang daan na puno ng mga katanungan at walang kasiguraduhan, para bang bigla na lang akong nagduda sa sarili ko. Can I win this quest? Will I be able to win this quest?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top