Chapter 19
Serpent Headquarter
DHALE TIZUAREZ
"Kumpirmado na ang pagkamatay ni Marcelito Luna. Ayon sa investigation team, sinadya ng suspect na mag-iwan ng bakas bilang pagkakakilanlan sa samahang kinabibilangan niya." Nick stated after he showed all the evidences on the screen. "Ito ang larawan ng pin na iniwan sa kwarto kung saan pinatay si Mr. Luna mula sa Frisco Di Yarte." He kept up.
Ipinakita niya ang isang larawan ng pin na mayroong black rose na design at ang patulis nitong tangkay na may matutulis na thorns. Something suddenly came up in my mind...Why does it look so familiar?....Wait. I think I've seen it before...
Oh right! Back from the Baldwin property. I saw the same pin on the floor before Aris attacked Friza and I.
"Dark Thorn. Isang sekta na nasa ilalim ng pamamahala ng Korbin Group." Lahat kami ay napatingin kay Jinno na kadarating lang kasama si Axcel at si Ellisse na paika-ikang naglalakad.
"Sila ang nasa likod ng pagkamatay ni Mr. Marcelito Luna, ang nagmamay-ari sa Karan Factory. Pakay nilang kunin ang dark list pero malas lang nila dahil nakauna kami."
Well, the dark list is a list of mafia tycoons who are currently under the power of Korbin. An alliance to restore the power of the Dark Soul Organization. And if you may ask about Dark Soul, it's the most powerful group ever to exist in the history of the mafia. It was built even before the Serpent Society became the strongest group until today.
That's why we need to take the dark list. Eliminate those who keeps overpowering Korbin before they could even restore Dark Soul, because if there's a kingdom of evil in this world, it's no other than them.
"Commander." Lahat kami ay umayos ng tayo nang magsalita si Mr. Enriquez, the CIT Chairman. We bowed down as we saw the Serpent Commander entering the CIT room.
"Where's the list?" He asked in an icy tone matapos ay kaagad na iniabot ni Axcel sa kaniya ang isang pure black sheet.
It's not new to me but it's still confusing. Ang inaasahan ko ay may mga pangalang nakasulat do'n but I saw nothing but a void dark sheet. The ink must be hidden and we need something to make it visible I suppose.
Pinagmasdan lang 'yon ni Commander tiyaka iniabot kay Jinno. "Inform the gang for annihilation." He commanded in a plainly cold voice of him. He's the Serpent Royal Commander and we expect nothing but a death punishment. Walang pwedeng kumontra kapag siya ang nagsabi.
"But, Commander, isn't too early for that? It's Korbin we are talking about, here." Paliwanag ni Mr. Enriquez na bigla na lang tumutol.
Honestly, I agree. We don't have enough details yet regarding those people in the list. Kailangan muna namin ng research tungkol sa kanila para mas mapag-planuhan ang mga dapat gawing pag-atake.
"Since when did I give you right to speak up about your side?" Ma-awtoridad na kontra ni Mr. Hilton. Here it goes again, his dark intimidating aura na basta-basta ka na lang mapapasunod sa mga tingin pa lang niya.
"Pero, Commander wala pa tayong sapat na impormasyon tungkol sa mga taong kakalabanin natin. Hindi natin sila maaaring sugurin nalang ng basta at patayin. Hindi ba't malaki ang maitutulong nila kung kauusapin muna natin sila tungkol sa mga ilegal na gawain ng Korbin? They could be a big help for us to know what Korbin is up to." Paliwanag ni Mr. Enriquez. That's also my point.
"Do you want to trade your life for them, then Mr. Enriquez?" He asked daringly with his sharp gaze that caused silence. "Give a d*mn objections and I'll be the one to annihilate you."
"M-my apology, Commander." Paghingi ng paumnhin ni Mr. Enriquez tiyaka nag-bow.That's not new to us anyway.
"Locate each one on the list. Lead the gang for the elimination, Mr. Stanford." He took a glance on his wrist watch, "Time starts now." And then he turned around and started walking out of the room.
"Tss, parang alam lahat ah." Matapos kaming tumungo, halos ang lahat ay napatingin kay Ellisse. Pati si Commander ay natigil sa pag-alis. Oh, here she goes again.
Honestly, I can't believe her. Alam ko na may ugali siyang palaban pero hindi ko parin maintindihan kung bakit kahit na buhay na niya ang nakasalalay sa pagmamatigas niya, nakukuha pa niyang ipaglaban ang opinyon niya. She amazed me, and at the same time, she scares me lalo na everytime na sinasagot-sagot niya lang si Commander.
"Kailan ka pa nagkaro'n ng superpower na isang tingin mo lang sa listahan ay kaagad-agad alam mo ng kayang-kaya silang patayin ng Serpent gang? And too amazing huh! Wala man lang plano, lusob agad. That's nice." She sarcastically commented. Lahat kami ay tahimik lang hanggang sa humarap sa kaniya si Commander. You got him again, Ellisse Zerina.
"Ellisse, shut up. You've said enough." Rinig kong pagpipigil sa kaniya ni Jinno bago pa makapagsalita ulit si Ell.
"Follow me to the royal room, Ms. Lorico." Malamig na utos ni Commander na diretso ang tingin kay Ell. And my dearest friend just rolled her eyes before she followed Mr. Hilton out of the room.
"Friza!" Sigaw ni Daniella na umagaw sa buong atensyon ko. I was stunned as I saw Creid carrying Friza unconscious. Kaagad silang nilapitan ni Jinno at Axcel at para bang bigla na lang bumilis ang pintig ng puso ko nang makita ang dugo na nasa sentido ni Creid.
Gusto ko silang lapitan pero para bang may kung anong pumipigil sa akin. I just kept looking at them until Creid approached me. His eyes were frosty, and I couldn't even see any expression on it. He looks different, malayong-malayo sa kung paano niya ako tingnan dati.
"We need to talk." He said blandly with his icy glare before he turned back and left.
Ayoko sa nararamdaman ko and I hate it even more with the fact that it pierce some part of me. Gusto kong tumakbo at umiwas palayo pero alam ko na sa huli posibleng ako lang din ang matatalo.
ELLISSE ZERINA
"Pwede bang sa susunod paki-record na lang ang sermon mo? Hindi 'yong kailangan mo pa akong papuntahin dito para pakinggan ka." Inis kong reklamo pagkapasok ko sa royal room. I just rolled my eyes when he didn't say anything.
"Sit down." Utos niya nang nakatalikod sa akin. Ano ako? Well-trained na aso para basta lang na sumunod sa kaniya?
"Ayoko. Hindi ba se-sermonan mo lang naman ako. Just do it right away. May gagawin pa ako." Humalukipkip ako. I didn't receive an answer, pero rinig ko ang pagpapakawala niya ng buntong hininga.
"I said, sit down." Utos niya ulit pero halatang nagpipigil na ang tono ng boses. What the hell is wrong with this man?
"Bakit ba kung nakatayo ako? Ayoko nga kasing umupo, bakit ba nami---" Natigilan ako nang bigla niyang ikasa ang baril tiyaka humarap sa akin na blanko ang ekspresyon ng mukha.
"SIT. DOWN."
Sinubukan ko pang pantayan ang tingin niya sa akin pero sa huli ay ako lang din ang talo. "Isa pa talagang utos mo..." Bulong ko tyaka siya inirapan bago naupo sa couch paharap sa kaniya. Bakit ba hindi nalang niya sabihin ang gusto niyang sabihin eh kanina pa kumikirot 'tong saksak ko sa binti.
Ibinaba niya ang baril sa mesa tiyaka may kung anong kinuha sa cabinet na binuksan niya. It was a kit. "How's your first mission?" He asked tiyaka lumapit sa akin.
"Not good." Matabang na sagot ko, but I got confused when he sat on the mini table facing the couch where I am sitting. "Anong ginagawa mo?" Nagtatakang tanong ko. He took a glimpse of me before he turned his gaze to my wounded shin. "Reckless"
To my surprise, he held it tiyaka binuksan ang kit na nasa tabi niya. "Did you kill who did this to you?" He asked nang simulan niyang guntingin ang bahagi ng pants ko na may sugat.
"I killed them," Walang emosyong sagot ko habang nakatingin sa kaniya na abala sa paglilinis ng sugat ko. Why the hell is he doing this? Dahil ba VIP ako at kasama sa responsibilidad niya na gamutin ang sugat ko?
"Them?" Nakakunot na tanong niya tiyaka nag-angat ng tingin. Our eyes met then and my heart went crazy once again. That pair of eyes. It really looks very familiar. Siya ang unang nag-iwas ng tingin para ibalik ang atensyon sa sugat ko. "How many did you kill?"
"Two"
"Good"
"Good?" I asked. Parang achievement na makapatay ng tao ah. I almost forgot that in the mafia world, killing an opponent is an achievement.
"Never spare those who dare to harm you. If you do, you're only giving them a chance to hurt you again and they will never stop until they get what they want."
Nanatili akong tahimik habang ginagamot niya ang sugot ko. Hearing those words is like telling me that I must not let anoyone hurt me no matter what. Parang ang laging sinasabi sa akin noon ni Kuya na h'wag kong hahayaang abusuhin ng iba ang kabaitan ko, na kahit na anong mangyari h'wag na h'wag akong mag-papaapi.
"How was your wound?" Bigla kong naitanong para basagin ang katahimikan. It made him stop for a moment bago iniligpit ang mga ginamit niya.
"Rest for the meantime." Sagot niya nang hindi sinasagot ang tanong ko bago tumayo dala ang kit pabalik sa cabinet. Tss, may baga ba sa utak ang lalaking 'to at laging mainit ang ulo?
"Responsable ka pala sa mga VIPs. Well, not bad." Komento ko tiyaka iniunat ng bahagya ang binti kong nabalutan na ng bandage. "Thanks"
"You better not wear a f*cking crop top next time." Pabagsak pa niyang isinara ang cabinet.
My forehead creased as I looked at my cropt top shirt. And what the hell is wrong wearing this? Humalukipkip ako tiyaka pinagmasdan ang paglalakad niya patungo sa study table niya nang hindi ako tinitingnan. "And what's wrong on my outfit? Ganito naman manamit ang ibang mga pumupunta sa parties."
He then sharply looked at me, "Did you think the mission was for you to f*cking party? You were given a mission to take only the list and kill when it's necessary. You must wear proper protection not a f*cking shirt showing too much of your skin."
Hindi ako nakaimik dahil sa sinabi niya. Parang naghuhumiyos na kasi siya sa inis. Hindi lang parang dahil halata ng inis na inis siya.
"Hindi naman siguro kasama sa responsibility mo na pagsabihan din ako kung ano ang dapat suotin at----" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang kuhanin niya ang phone niya't may kung anong pinindot do'n. He then put the phone on his ear. Problema nito?
"Take all her shirts...all the f*cking crop tops... Then find it. Burn them all." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya napatayo ako. Kumirot pa ang sugat ko kaya napadaing ako ng mahina.
"Anong burn them all ang pinagsasasabi mo? Hoy damit ko 'yon, bakit ba lahat nalang pinapakealaman mo? Gusto mong ikaw ang sunugin ko huh?"
"You must wear a better outfit. No objections."
Ikinuyom ko ang kamay ko dahil sa inis. Lahat nalang ng ginagawa ko kailangan kontrolado niya. Pati kaya pagkain ko siya na rin ang mamili? D*mn it!
Tumalikod ako dahil wala na akong balak pa na kausapin siya. Baka kung ano pa ang magawa ko sa kaniya kapag nagtagal pa ako rito sa kwartong 'to. I better go.
"I heard the news that someone helped you out of the maze." Natigilan ako bigla. Totoo ang sinanasabi ni Friza, na makakarating at makakarating sa kaniya ang ginagawa kong paghahanap at pag-iimbistiga.
"It's none of your business." Sagot ko nang hindi humaharap sa kaniya kahit kinakabahan ako sa posibleng pumasok na naman sa utak niya. If this man is going to find out about the person who saved me, well, then he's dead. Hindi pwedeng may mangealam sa training kaya for sure kapag nahuli siya talagang hindi siya palalampasin.
"The success of your training will be refused once the news reached the King and Queen, and you'll be given a worse punishment. I bet, that would be against your pride." Tila ba nanunubok na saad niya dahilan nang maikuyom ko ang kamay ko. Napapikit ako ng mariin para kalmahin ang sarili ko bago ako humarap sa kaniya.
"You know what, wala ka talagang pakealam sa ibang tao noh? Wala kang ibang alam gawin kung hindi ang pumatay at mag-utos ano mang kahibangan ang pumasok diyan sa utak mo. You're a shit Commander." Hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Wala man lang siyang kahit na anong ekspresyon. Well, totoo ang sinabi ko pero bato ang lalaking 'to para makaramdam sa mga patama ko.
"Have you already forgotten that no third parties could take part in the training? Whoever dares to interfere must be killed." Nakangising sagot niya na pakiramdam ko ay may gusto siyang iparating. Curse his mysteriousness, nakaka-bwiset.
"He saved my life. He sacrificed himself for a person he doesn't even know. Kung hindi dahil sa kaniya wala ako sa kinatatayuan ko ngayon. Do you think, matatakot mo ako? Go, and tell your King and Queen whoever your superiors are, and punish me as much as you want. Ipapatay mo ako kung gusto mo... Just don't ever dare touch him."
Mariin kong pagbabanta sa kaniya tiyaka ko siya tinalikuran at paika-ikang naglakad palabas at pabagsak na isinarado ang pinto. Konting-konti na lang talaga, masasagad na niya ang pasensiya ko.
DHALE TIZUAREZ
Nanatili akong nakayuko at tahimik dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. I don't know if I should ask him about what happened to their mission in Red Foc Club, but then I looked at him as he handed me the paper envelope
"W-what's this?" I asked out of distraction because of the blood on his temple where my eyes were stuck.
"Nandiyan lahat ng impormasyon tungkol sa Aris." He replied then suddenly our eyes met as I looked at him. His cold gaze made me feel uneasy so I immediately looked away. Hindi ko alam kung paano ako aastang natural sa harap niya matapos ang nangyari sa rooftop.
"How did you get all of this?" I asked trying to be as natural as possible while opening the envelope.
"Hindi na 'yon mahalaga. Take it to the CIT Chairman and Director, ako na ang bahalang magsabi sa mga royalties ng lahat." Sagot niya matapos ay naramdaman ko ang pagtalikod niya. Napahawak ako ng mahigpit sa envelope na ibinigay niya nang humakbang siya papalayo. Para bang gusto ko siyang tawagin pero nanatiling paring tikom ang bibig ko.
It'd be better for both of us if we remain this way...That's right, Dhale. Just ignore him like how you used to do.
"Dhale!" Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Axcel. Lumapit siya sa akin then he looked at Creid na nakalayo na. Tiningnan ako pabalik ni Axcel na para bang sinusuri niya ako.
"May hindi ba ako alam?" Makahulugang tanong niya, squintting at me. I knew what he meant to say so instead of talking, I turned back and then walked away.
"Teka, ano 'yang hawak mo?" Tanong niya nang maabutan niya ako. He took the envelope from me without even waiting for my response, and then he looked at me with a grin drawn from his lips. "Si Creid ang nagbigay nito?" He asked filled with amusement, before he gave it back. Paiiling-iling pa siyang nagpamulsa. "Para-paraan talaga ang g*gong 'yon" Bumuntong hininga na lang ako dahil hini ko rin gets ang sinasabi niya tiyaka ako naunang naglakad.
Si Creid na naman ba ang magiging topic namin?
"Teka lang, Dhale!" Tawag niya nang mabilis niya rin akong naabutan. "Hindi mo ba siya pupuntahan?" Tanong niya dahilan nang mapatigil ako sa paglakad. Sino pa nga ba ang tinutukoy niya? Of course, Dhale, it's Creid...Creid Marquez.
"What for?" I simply asked when I looked at him. Kaya na niya ang sarili niya, hindi na siya bata.
"Alalahanin mo, Dhale. Bugbog ang katawan niya at tadtad na naman siya ng sugat. Hindi ka ba talaga nag-aalala para sa kaniya?" Tanong niya na para bang kinokonsensiya ako.
I raised my eyebrow then I crossed my arms in front of my chest. "Bakit hindi ikaw ang pumunta?" I reversely asked in sarcasm. He didn't say anything, thus, I decided to leave but as I made my third step, he then suddenly spoke which caused me to stop.
"Magpakatotoo ka naman sa nararamdaman mo, Dhale. Sinasabi ko sa 'yo 'to dahil nakikita kong nahihirapan ka, at ayokong makita na naman kitang umiiyak ng dahil sa kaniya. Alam mong 'yon ang pinaka-ayoko...Ang makitang nasasaktan at nahihirapan ang kahit na sino sa inyo." He said. What would I expect? He's Axcel Naugsh Acozta after all.
Humarap ako sa kaniya at hindi nagtagal ay naramdaman ko na lang bigla ang pagtulo ng luha mula sa mga mata ko.
"Kita mo na, umiiyak ka na naman." Paninita niya. Lumapit siya sa akin tiyaka pinunas ang luha ko, at niyakap ako. "Hindi mo alam baka hinihintay ka lang din niya." He uttered.
"Paasa ka talaga." Kontra ko nang kumalas ako sa pagkakayakap niya tiyaka ko pinunas ang luha ko.
"May mga bagay na imposible mong malaman hangga't hindi mo nasusubukan, tulad ng mga tanong na gusto mong masagot pero hindi mo naman sinusubukang hanapan ng sapat na kasagutan. Alam mo, Dhale, kahit na maganda o hindi ang kinalabasan, hindi ba mas magaan sa pakiramdam dahil alam mo na ginawa mo lahat, at wala kang dapat na pagsisihan do'n." He said, as if he's reading all the things inside my heart.
"Puntahan mo na bago pa siya maubusan ng dugo." He went on trying to convince me with his soft smile. Huminga ako ng malalim tiyaka siya niyakap ng mahigpit. "Thank you, Cel...Thank you for keeping my secret." Tumingin ako sa kaniya at ginulo lang niya ang buhok ko tiyaka tipid na ngumiti.
"Cel! Dhale!" Napatingin kami kay Tanya na papalapit sa amin. "Have you seen Creid? Kanina ko pa siya hinahanap."
Axcel looked at me in a meaningful way. Tiningnan ko naman si Tanya na mukhang nagtatakang nakatingin sa akin.
"I'll go look for him. Ako ng bahala sa sugat niya."
Habang papalapit ako sa kwarto kung nasaan inaasahan kong makikita ko siya, mas lalo lang bumibilis ang pintig ng puso ko. I felt a little anxiety as I reached his door's room.
Kakatok pa lang sana ako sa pinto nang mapansin kong medyo nakabukas ang pinto kaya naman marahan ko itong binuksan hanggang sa makapasok ako sa loob. I was walking, searching the empty living room, but then a drop of blood from the floor grabbed my attention. Sinundan ko 'yon dahil hindi lang iisang tulo ng dugo ang nakita ko hanggang sa makarating ako sa nakabukas na kwarto.
"D*mn!" My heart suddenly skipped beating as I heard him curse. I was stunned in front of the opened door with his shirt strayed on the floor, then suddenly my sight turned to him, treating his wounds alone.
"Ugh, f*ck!" He groaned in pain. Para bang may kung anong nagtulak sa akin na lapitan siya. Mahahalata ang mga pasa niya sa maskulado niyang likod hanggang sa napansin ko ang madaming gauze na nababahiran ng dugo sa mesang nasa harapan niya.
"Creid." Banggit ko habang nakatingin ako sa kaniya mula sa salaming nasa harapan niya. Iniangat niya ang tingin niya, at mahahalatang nagulat siya nang makita ako.
"What are you doing here?" He asked out of confusion as he looked back at me. Sa halip na sumagot ako, lumapit ako sa kaniya. Isinuot ko ang medical gloves na nasa kit. I didn't say anything until I began to treat the wound on his shoulder.
"Ano bang ginagawa mo, Dhale?" Tanong niya nang medyo inilayo niya ang braso niya sa akin. I just looked at him before I held back his shoulder.
"Kindly, shut your mouth. Patapusin mo muna ako sa ginagawa ko." I answered in a formal tone. Wala na ni isa ang nagsalita sa amin matapos 'yon.
"Alam mong ingatan ang mga babae mo pero hindi mo alam ingatan ang sarili mo." Pangangaral ko habang marahang pinapahiran ng cotton ball na may betadine ang sugat niya.
"Aray!" Daing niya tiyaka inilayo ng kaunti ang braso niya. "I'm not yet done, Creid." I strictly said at ako na mismo ang humawak sa braso niya palapit sa akin para balutan 'yon ng gauze bandage. Matapos kong gamutin ang braso niya, isinunod ko ang ulo niya.
"Pumunta ka ba rito para gamutin ako o para pangaralan ako at ipamukha sa akin kung gaano kadami ang babae ko na kailangang kong ingatan?" He plainly asked, but I felt the sarcasm from his voice.
Hindi ako sumagot, ipinagpatuloy ko na lang ang ginagawa ko nang mapatigil ako dahil bigla niyang hinawakan ang braso ko palayo sa ginagamot kong sugat niya.
"You shouldn't be here." He said coldly with his void gaze.
"Your wound needs immediate---"
"Kaya ko ang sarili ko, Dhale." He looked away tiyaka niya kinuha sa kamay ko ang hawak kong forceps at muli siyang humarap sa salamin para gamutin ang sarili niya.
Hindi ako sanay na ganito siya sa akin. He made me feel like a stranger, and I hate the way he looks at me. Ramdam na ramdam ko kung ano man ang gusto niyang iparamdam sa akin, at parang kinukurot 'yong puso ko.
Hindi nagtagal ay tumayo siya para isuot ang damit niya. "Hindi ka pa aalis?" Tanong niya na parang pinagtatabuyan na niya ako. Why Creid? Bakit ka ganito sa akin? After what you did? You should at least apologize, hindi ganito na ako pa ngayon ang pinagtatabuyan mo, na parang ako pa ang nakagawa ng mali.
"Stay here, then. Ako na ang aalis." Walang emosyong sabi niya tiyaka ako nilampasan. Out of nowhere, I suddenly felt the tears dropped from my eyes.
"Why are you doing this?" I asked, holding myself broke up with tears. I felt his steps suddenly stop. I turned around to face him, pero nanatili siyang nakatalikod sa akin.
I can't help myself anymore, thus, I walked towards him and wrapped my arms around his waist from behind. "I-i'm sorry. I'm sorry, Creid." Walang ibang salitang lumabas sa bibig ko kung hindi sorry.
Yes, he must be the one apoligizing. Hindi ko lang mapigilan ang nararamdaman ko dahil mas lalo lang akong nahihirapan. Hinigpitan ko ang pagkakayakap sa kaniya hanggang sa tuloy-tuloy ko ng nararamdaman ang pagtulo ng luha ko.
"What do you think you're doing, Dhale?" Malamig na tanong niya. I just want to say that I'm sorry for everything. For pushing you away. I just want to say it, Creid...that...that I like you. Those words I wanted to say but I can't.
"Don't leave...please." I pleaded. Natatakot lang ako. Natatakot ako na baka hindi ko talaga kayanin kapag nawala siya dahil sa palagi kong pagtataboy sa kaniya. "I don't want you to leave my side, Creid."
"Are you drunk?" Tanong niya nang maramdaman kong tinanggal niya ang mga kamay kong nakayakap sa kaniya tiyaka siya humarap sa akin. "Sandali, ba't umiiyak ka?" Tanong niya tiyaka niya hinawakan ang pisngi ko. Tumingin ako sa kaniya and finally bumalik na ang mga tingin niyang may emosyon. I'm glad to see those pair of eyes like how they used to looked at me.
"Creid!! Ano na? Nasaan ka na? 'Yong ex mo kinukulit na naman ak---" Napalingon kami sa nakabukas na pinto, at mula roon nakita namin si Nick na napatigil nang makita kami. Kaagad kong hinawi ang kamay ni Creid na nakahawak sa pisngi ko.
"Oops, pasensiya na...wrong timing pala ako. 'Ge tuloy ni'yo na 'yan, aalis na rin ako." He said trying to smile just to pretend that he didn't see anything before he left.
"Ex?" I asked without even realizing that it was none of my business.
"Yeah. First." He simply answered which caused me to stop. First one? Does it mean, may sineryoso talaga siya? I was looking at him putting his clothes on his bed.
"Anong ginagawa mo? A-are you leaving?" Tanong ko. Of course, it's none of my business, and yet here I am, standing in front of him, thinking if I should convince him to stay. Great, Dhale. Great.
"Pupunta akong Germany." Natigilan na lang ako bigla sa sagot niya. Bakit ang layo. Bakit ngayon pa, Creid?
"How long will you stay there?" Tell me uuwi ka rin kaagad, please.
"Weeks or a month, I guess." Para akong nanlumo sa sinabi niya. Bakit ang tagal? Gusto kong mag-disagree sa sinabi niya pero pinilit kong kalmahin ang sarili ko. Wala akong karapatan gawin ang bagay na 'yon.
You should stop now, Dhale. I told you, just ignore it.
"Are you given a high-risk operation?" But my heart doesn't know how and when to stop. Just stay. H'wag ka ng umalis.
"Kind of." Tipid na sagot niya. Ang dami kong gustong sabihin sa kaniya pero hindi ko masabi dahil hindi ko alam kung paano sisimulan.
"T-take care, then." Para bang bigla na lang umatras lahat ng salitang nasa bibig ko na gusto kong sabihin sa kaniya. I wanted to say it, but there's something within me that hinder me to speak the truth.
"Solong-solo ka na ni Axcel." He said out of the blue. Halos pabulong lang 'yon pero narinig ko. And honestly, it annoys me.
"The freedom is also all yours to ask your first ex for a comeback. Best wishes." I answered in an obviously sarcastic way. "By the way, don't forget to tell her that you still need treatment to quickly heal your wounds." I continued before I walked away. "Mag-ingat ka sa flight mo baka mawalan pa ng kabalikan 'yong ex mo." I whispered in the air as I reached the door.
"Wala ka na bang ibang sasabihin?" He suddenly asked right before I stepped out of the room.
Madami, Creid. Madami akong gustong sabihin.
"Nothing. Pumunta lang ako rito dahil sinabihan ako ni Axcel." Nakatalikod na sagot ko tiyaka naglakad palabas.
I'm out of this. All I wanted to say is, Gusto kita, Creid. Gustong-gusto kita...Can you please, just stay here beside me? And yet I couldn't even utter a word!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top