Chapter 18


Red Fox Club

FRIZA GONZALES 


"Are you ready?"


"Tss, kailan ba 'ko hindi naging handa sa mga ganitong misyon?" Taas kilay na sagot ko kay Creid matapos kong lagyan ng makapal na lipstick ang labi ko. "Tingnan mo." Humarap ako sa kaniya para ipakita ang mukha ko.


"Pwedeng-pwede ng pang-prostitute." Sagot niya na malawak ang ngisi. P*tang...


"T*ng ina mo. Ang ayos ng tanong ko g*go." 


"Maayos naman 'yong sagot ko." Ang g*go talaga kapag sila ang sumasagot sa tanong ko. Tss!


"Sarili mo naman kaya ayusin mo, para naman kahit papaano mapansin ni Dhale katinuan mo." Walang pasintabing sagot ko habang inaayos ang buhok ko. Napatingin ako sa kaniya nang bigla siyang natahimik. Napangisi ako dahil bigla na lang siyang sumeryoso. T*ng ina, 999 times. Tinamaan nga ang g*go.


"We're running out of time, Friza." Seryosong pambabasag niya sa katahimikan tiyaka naunang lumabas ng kotse. T*ng inang katorpehan 'yan, Creid. Saan napunta ang matinik na dugo ng mga Marquez?



...

"Your entry, please." Sabay harang sa amin ng dalawang bantay sa magkabilang gilid ng pinto. Tumingin ako kay Creid at pati siya'y napatingin sa akin. Walang gana kong inilabas ang gold card mula sa purse na dala ko tiyaka 'yon ipinakita sa kanila.


Napataas ang kilay ko nang bigla silang tumungo tiyaka nagbigay daan. "It's an honor to welcome you. We hope you enjoy the night." Magalang na sabi ng isa sa kanila.


"Sa susunod kilalanin ni' yo muna kung sinong hinaharang ni'yo. Baka gusto ninyong mapaaga ang lamay ni'yo." Iritado kong pangangaral sa kanila tiyaka naunang naglakad papasok. 


T*ng ina lang huh? Nag-effort pa akong lagyan ng makating pulbos 'tong mukha ko at pati ang nakakairitang lipstick na hindi ko maiwasang kainin tapos haharang-harangin lang nila kami? Dapat unang tingin palang sa amin, tatabi agad sila. Sa angas naming 'to? Mga t*ng inang guard 'yon?


"Watch your nerve, Friz. Easy lang. Baka wala pa tayong natatapos nagkagulo na dahil sa 'yo." Komento ng kasama ko.


"T*ng ina, Creid eh anong gusto mong gawin ko?" Inis kong tanong sa kaniya na nakangisi pa. 


"Watch and learn. You're with the legend." Nakakadiri pa siyang kumindat sa akin tiyaka naunang naglakad papunta sa grupo ng mga babae. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa isang katulad niya na wala ng ibang inatupag kung hindi mambabae? Mabaog ka sana talaga.


Sino ba naman kasi ang papatol sa t*ng inang 'to? 


"Isang Irish whisky." Banggit ko sa bartender nang makaupo ako sa bar stool. 


Napatingin ako kay Creid na halatang sayang-saya sa ginagawa niya. Parang gusto ko tuloy ihagis sa mukha niya ang inuupuan niya. T*ng ina, 999 times! Kalandian 9999 times tagos hanggang balunbalunan. Nasisiraan na si Dhale kapag pinatulan niya ang malanding 'to. 


Dahil sa kalaswaan niya, itinuon ko na lang ang atensyon ko sa iba. "Here's your Irish whis----" Pagkaharap ko sa bartender na akmang iaabot pa lang sa akin 'yong baso ng alak, napatingin ako sa lalaking nakasuot ng brown na leather jacket na siyang kumuha sa order ko sabay lagok sa alak. P*tang ina?


"One more shot." Turan niya pagkababa niya ng baso. Akmang kukunin na ng bartender 'yong baso nang unahan ko siya.


"T*ng inang 'to? Akin ang alak na 'yon, ba't mo ininom?" Naiinis na tanong ko. Sandali siyang napatigil nang makita ako pero binawi niya rin 'yon kaagad.


"Want me to take it back?" Balik tanong niya na parang nanghahamon. Hindi ako sumagot at nakipagsukatan lang ng tingin sa kaniya. G*gohin mo na lahat h'wag lang ako.


"Anong tingin mo sa 'kin huh? Baka gusto mong bilhin ko pa 'tong buong club." Mayabang na sagot ko tiyaka pabagsak na ibinaba sa harap ng bartender ang gold card na dala ko. "Isang bote ng Irish whisky." Mapagmatigas na banggit ko nang mapangisi ang g*gong kaharap ko matapos niyang sulyapan ang card.


"Here you go, Ma'am." Magalang na sabi ng bartender tiyaka inilagay sa harap ko ang isang bote ng whisky. Napataas ang kilay ko nang biglang kunin ito ng lalaking nasa tabi ko tiyaka binuksan para salinan ang rock glass na kinuha niya sa akin kanina.


"Let me serve you a shot." Nakangising wika niya pero nakaka-tang ina dahil pinuno ba naman niya niya 'yong baso tiyaka ibinigay sa akin. "Stay hydrated. You look too thirsty." Patuloy pa ng g*go. T*ng inang 'to, ako pa ngayon ang uhaw? 


Nanahimik nalang ako't nilagok ang alak. Napatingin ako kay Creid at sakto namang sumenyas siya sa akin. Isang hudyat na ihanda ko ang sarili ko. Pagkatayo ko nakaramdam kaagad ako ng hilo dahilan nang mapahawak ako sa bar table. T*ng ina talaga! Ba't ngayon pa? Nakaisang baso lang naman ako, t*ng ina, 999 times. 


"You must stay here. You better enjoy the night, my lady." Rinig kong saad ng isang lalaki. Nanlalabo na ang paningin ko kaya hindi ko na nagawa pang kumilos ng maayos.


"T*ng ina ka, anong ginawa mo?" Nanghihina kong tanong nang magsimula akong maramdaman ang pag-iinit ng dibdib ko.


"Sweet dreams~" Bulong niya sa tainga ko hanggang sa unti-unti na lang siyang naglalaho sa paningin ko. Pilit ko siyang inaabot at gusto kong ihakbang ang mga paa ko para sundan siya, pero nanlalabo na ang paningin ko. 


"Friza!" Rinig ko pa ang boses ni Creid kasabay ng isang putok ng baril na nagmula sa kung saan. Pagkatapos ay wala na akong namalayan sa mga sunod na nangyari.




THIRD PERSON 


"One opponent down. Proceed with the main target." Wika ng isang lalaki nang makapasok siya sa passenger's seat ng kotse na nakaparada malapit sa club.


"Paano 'yong Creid Marquez?" Kunot-noong tanong ng kasamahang lalaki mula sa driver's seat.


"Let the gang deal with him." Sagot niya sabay tanggal sa leather jacket na suot.


"Akala ko bang wala tayong gagalawin sa mga serpent gang?" Naguguluhang tanong ng isang babaeng nagngangalang Layla mula sa back seat.


"Aris gang knows what they're doing, so stop asking and just do as I say." Striktong sagot ng kanilang kasama na mababakas sa boses niya ang pagka-irita.


"Nga pala, balita ko dumating na ang pinsan mo, 'yon nga lang at hindi niya kasama ang kapatid mo." Pag-iba sa usapan ng lalaking nagngangalang Kevin.


"Pinsan? Sino sa kanila?" Nakakunot na tanong niya.


"Sino pa nga ba? Wala ka namang ibang bulakbol na pinsan. Hindi rin namin inaasahan ang biglaan niyang pagbabalik-bansa. Ano kayang klase ng shabu ang nahithit no'n at bumalik?" Sagot ni Layla tiyaka sumandal sa kinauupuan.


"Hindi malabong susunod na rin ng dating si Nathalia, Dwight. Hindi kaya naisipan bumalik ni Zane sa Serpent kaya siya nandito ngayon?" Curious na tanong ni Kevin ngunit nanatiling nakatuon ang atensyon ni Dwight sa daan.


"Mas magiging masaya ang laro kung sakali mang babalik sa posisyon niya si Zane." Makahulugang sagot niya na tila naging isang katanungan lamang kay Layla at Kevin.



Frisco Di Yarte

ELLISSE ZERINA 

"What a place" Komento ko matapos akong alalayan ni Axcel paakyat sa isang luxury yacht mula sa sinakyan naming motor boat. Sobrang laki ng yateng 'to. Halatang mayaman ang may ari. 


"Handa ka na?" Nakangising tanong niya. Hindi ako kaagad nakasagot sa halip ay inilibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng lugar. 


"Wala naman sigurong pasabog ang yateng 'to?" Alanganing tanong ko na mahinang ikinatawa niya. "What? Anong malay natin na may naka-setup na palang bomba rito na maya-maya lang ay sasabog na?" Mataray ko pang dagdag dahil parang wala lang sa kaniya ang ideyang naisip ko. 


"H'wag kang advance mag-isip, Ell. Kalma ka lang. Ligtas ang yateng 'to. Kung may threat man tayo mismo 'yon." Taas-baba pa ang kilay niya habang nakangisi. I just rolled my eyes. Whatever. 


"Here." Saad ng isang lalaking kasama namin na sa pagkakatanda ko ang pangalan niya ay Jinno. He arrived before us. 


"For self defense." Patuloy niya habang nasa kamay parin niya ang baril na inaabot sa akin kanina. Walang mangyayari kung makikipagtalo pa ako kaya naman kinuha ko na lang 'yon.


"You know what to do, Axcel. I'll see you in the aft deck." Saad niya bago umalis.


"Anong klaseng lugar ba 'to?" Hindi ko makapaniwalang tanong nang bumungad sa amin ang babae't lalaking naghahalikan sa entrance door na wala man lang pakealam kung may makakita sa kanila.


"Ngayon pa lang, masanay ka na. Patikim pa lang 'yan, Ellisse." Sagot niya na parang normal lang ang nakita namin. Kung tutuusin sa mga movies lang may mga gano'ng klase ng scenes. Gross. 


"One piña colada for this gorgeous lady, please." Pormal pero nakangiting wika ni Axcel sa bartender tiyaka niya ako kinindatan. Seriously? What is he up to?


"Rule number one. Umakto ka na parang natural lang ang lahat. Katulad ng mga gangsters na 'yon sa tabi." Pabulong na sabi niya tiyaka pasimpleng itinuro ang mga grupo ng mga lalaking kalong ang kaniya-kaniya nilang mga babae. WTH? Kulang nalang maghubad sila sa mga suot nilang hapit at sobrang iksi.


"Don't tell me they're also after the list?" Nakakunot na tanong ko.


"Here's your piña colada, Ms. Gorgeous." Nakangiting inabot sa akin ng bartender ang drink ko tiyaka siya bumalik sa ginagawa niya.


"Rule number two. Wala kang ibang pagtutuunan ng pansin kung hindi ang main target. Maging alerto ka rin syempre sa mga kilos na kahina-hinala sa paligid mo, pero h'wag mong hahayaan na maagaw nila ang atensyon mo palayo sa target." Patuloy niya.


Sumipsip ako sa straw ng drink ko nang lapitan siya ng isang babaeng halos makita na ang buong kaluluwa niya sa suot niya. Kung nag-two piece nalang kaya siya, or much better h'wag na siyang nagdamit. 


"How are you, babe~?" Malanding tanong ng babae tiyaka hinaplos ang mukha ni Axcel. Seriously? Kaka-meet pa lang, babe agad? What a slut.


"Sorry, but I'm with my girlfriend." Napatingin ako kay Axcel at saktong napatingin siya sa akin. He winked at me na parang sinasabing sakyan ko ang sinabi niya. I can't believe I'm doing this kind of shit. Of all things, ito pa talaga.


Inilipat ko ang tingin ko sa babae tiyaka ko siya tinaasan ng kilay. "You mean, this woman?" Tanong niya at mahahalata ang pang-iinsulto sa mga mata at ngisi niya, "You're too luxurious for her. Kung bagay lang siya, she's brandless." Patuloy niya tiyaka ako inirapan. Napataas ang kilay ko dahil sa harap-harapan niyang pang-iinsulto sa akin. 


Akmang aalis na siya ng hilain ko ang braso niya tiyaka malakas na sinampal ang pisngi niya. "Branded ang sampal ko, bagay na bagay sa suot mong branded na hindi bagay sa ugali mo. You know what? Kung pagkain ka lang, isa kang suman na kinulang sa balot." Mahahalata sa mukha niya ang gulat dahil sa ginawa't sinabi ko.


"How dare you! You blatant b*tch!" Galit na pagi-iskandalo niya at akmang sasampalin na sana niya ako nang mabilis kong nahawakan ang braso niya tiyaka siya matamang tininingnan. "I'm not accepting slaps, but I am generous giving one to those who dares to touch me." Itinulak ko ang kamay niya tiyaka siya ulit sinampal ng malakas, "Landiin mo na't lahat-lahat h'wag na h'wag lang ang boyfriend ko. And don't you ever dare call me brandless dahil ikaw, ultimo hibla ng buhok mo classless."  Mababakas sa mukha niya ang inis at galit pero wala siyang nagawa kung hindi ang umalis sa harapan ko dahil mukhang napansin niyang naging agaw-eksena ang tensiyon sa pagitan namin. 


Huminga ako ng malalim tiyaka frustrated na sumipsip sa straw ng drinks ko hanggang sa naituon ang atensyon ko kay Axcel na nakaawang ang labi habang nakatingin sa akin.


"What?" Taas kilay kong tanong.


"Alam mo ba kung ano'ng ginawa mo, Ellisse?" Hindi niya makapaniwalang tanong.


"Nakita mo naman siguro." Sarkastiko kong sagot nang mahina niyang ipinalakpak ang kamay niya malapit sa mukha ko. "What the hell are you doing?" Tinapik ko ang kamay niya pero hindi nawala ang ngisi sa labi niya.


"Ibang klase ka pala mag-selos. Napaka-sadista." Hindi ko na lang siya pinansin dahil hanggang ngayon ay ramdam ko parin ang inis ko sa haliparot na babaeng 'yon. Ang kapal ng mukha niyang insultuhin ako ng harap-harapan at sinabihan pa akong brandless. 


[The target just arrived. Prepare yourself.] Biglang saad ni Jinno mula sa kabilang linya. Well, we have this mini earpiece na suot namin para may koneksiyon kaming tatlo. Jinno is the one monitoring the entire place inside and outside of the yatch, while Axcel and I will be the one doing the inside job. 


Napatingin ako kay Axcel na biglang naging seryoso ang mukha nang mapatingin siya sa isang direksiyon na sinundan ko ng tingin. Isang grupo ng mga lalaking nakasuot ng formal suit habang ginuguwardiyahan ang isang lalaki na mukhang siya na nga ang kanina pa namin hinihintay.


"Tandaan mo, Ellisse. Hindi lang tayo ang may pakay sa kanila. Halos lahat ng mga taong nandito sa yate na 'to ang gustong pumatay sa main target. Ihanda mo ang sarili mo." Paalala niya. Ilang sandali lang ay mahahalata ang kakaibang ikinikilos ng mga grupo ng lalaki kanina hindi kalayuan sa kinauupuan namin.


"What are they trying to do?" Tanong ko. Hindi ko maiwasang hindi kabahan sa mga susunod na pangyayari.


"Hayaan nating simulan nila ang pag-atake." Tipid na sagot niya. Ilang sandali lang ay narinig namin ang isang putok ng baril na siyang umagaw sa atensyon ng ibang mga tao. Ang iba ay nagsitayuan para umalis. Hindi nagtagal ay magkakasunod na putok ng baril na ang umalingawngaw sa paligid.


Everyone is already in chaos inside. 


[The target is in the cabin.] Saad ni Jinno mula sa kabilang linya hanggang sa hindi ko na namalayan na hinila ni Axcel ang kamay ko papalayo. Habang naglalakad kami sa makipot na pagitan ng mga private rooms bigla na lang may kung sinong humila sa kamay ko papasok sa isang kwarto.


"Ellisse! Ellisse!!" Rinig kong sigaw ni Axcel mula sa labas habang kinakalabog ng malakas ang pinto. Hindi ako makapagsalita dahil nakatakip ang bibig ko at may kung sino mula sa likod ko ang mahigpit na hinahawakan ang mga kamay ko. D*mn it! Bakit ako na naman? Dalawang magkasunod na putok ng baril mula sa labas ang narinig ko at matapos 'yon hindi ko na narinig pa ang boses ni Axcel.


"Now, you're all alone, b*tch!" Napangiwi ako nang maramdaman ko ang biglaang pagkahila ng buhok ko mula sa likuran.


"Ang lakas ng loob mong kalabanin ako huh!" Patuloy niya nang makaharap siya sa akin matapos akong paupuin ng isang lalaki tiyaka tinalian ang kamay at paa ko. Hindi pa ako nakakapagsalita ay naramdaman ko na ang pagdampi ng palad niya sa mukha ko na nag-painit sa pisngi ko. She was the classless slut earlier. D*mn her!


"Now it's my turn..." Sabay ngisi niya nang iabot sa kaniya ng lalaki ang isang tubo. Hindi ko maigalaw ang mga kamay at paa ko, hindi ko made-depensahan ang sarili ko sa lagay na 'to.


"I will break your bones into pieces, you brainless b*tch!!" Nanggigigil na sigaw niya na handa ng ipalo sa akin ang tubo.


"WAIT!!" Sigaw ko na halos konti na lang ay maipapalo na niya sa akin ang tubo. Nakahinga naman ako ng maluwag nang tumigil siya tiyaka taas kilay akong tiningnan. "Are you sure, you want to beat me like this?" Tanong ko. Bite the bait, bitch!


"Shut up!" Inis na sagot niya nang pigilan siya ng lalaking kasama niya nang akmang ipapalo na naman niya sa akin ang tubo.


Napangisi ako. "Hindi ba mas masaya kung magiging patas ang laban?" Makahulugang tanong ko sa kaniya.


"Tama siya, hindi maganda kung idadaan mo lang sa ganito kadaling paraan para bawian siya." Pagsang-ayon ng kasama niyang lalaki. That was my point. Mabuti naman at na-gets ng kasama niya.


"What do you think you're doing? H'wag mong sabihing kinakampihan mo ang hampas lupang babaeng 'to?" Napatingin ako sa kaniya. Hampas lupa? Seriously?


"Mukhang hindi niya alam ang makipag-laban kaya pagbigyan mo na." Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa sinabi ng kasama niya. Ang dami pa nilang sinasabi at mabuti na lang ay kinalasan din ako.


"You know what, I won't go easy---" Hindi ko na pinatapos ang sinabi niya. Kaagad akong tumayo tiyaka sinungaban siya ng isang malakas na sampal na siguradong hindi niya 'yon inasahan. "D*mn you for slapping me."


"Sino ka para---" And for the second time sinakal ko siya paatras sa pader at halos magpumiglas siya.


"L-let m-me go! H-how d-dare y-you!"


"Sinabihan na kita hindi ba? Hindi ako tumatanggap ng sampal, pero ako nananampal ako ng kahit na sinong sumubok na saktan ako." Pagbabanta ko sa kaniya tiyaka siya itinulak dahilan nang mapaupo siya sa sahig.


"F*ck!" Malutong na mura niya habang hawak ang pwet niya. 


Ilang sandali lang ay naramdaman ko na lang ang matigas na bagay na tumama sa likod ko dahilan nang mapaluhod ako at napadaing sa sakit. Mabilis akong lumingon at sakto namang kinuha ng lalaki ang inuupuan ko kanina para ipalo sana sa akin nang buong lakas ko itong iniwasan.


"F*ck you, b*tch! Hindi ka na makakalabas dito! Kill her!" Sigaw ng babae tiyaka hinila ang paa ko. Napadapa ako at sa pagkakataong 'yon naramdaman ko na lang ang matulis na bagay na tumusok sa binti ko. D*mn! 


Napadaing ako sa sakit. Buong lakas kong pinilit na maitayo ang katawan ko tiyaka ko hinila ang buhok niya at sakto naman na papalapit sa amin ang lalaking may hawak ng tubo. I don't have a choice. Bahala na. Kaagad kong binitawan ang pagkakasabunot ko sa buhok niya tiyaka hinugot ang baril mula sa thigh holster na suot ko at walang pag-aalinlangang binaril ang lalaki.


Natamaan ang kaliwang dibdib niya dahilan nang mabitawan niya ang tubo. "What the hell did you do?!" Makikita ang galit sa mukha ng babaeng lumapit sa lalaki tiyaka ako tiningnan ng masama.


"Papatayin kitang hampas lupa ka!!!" Nagliliyab sa galit na sigaw niya pero bago pa man siya makalapit ay pinatamaan ko ang binti niya kaya naman napaupo siya. Napatingin ako sa lalaki na akmang huhugutin na sana ang dalang baril nang muli kong pinatamaan ang kamay niya tiyaka ko sunod-sunod na pinatamaan ang tiyan at dibdib niya hanggang sa bumagsak siya sa sahig. 


Muling naituon ang atensyon ko sa babae na masama ang tingin sa akin habang nakatakip ang kamay niya sa kaniyang binti.


"Pagbabayaran mo ang ginawa mo! Pagbabayaran mo lahat ng 'to!!!!" Galit na galit niyang sigaw.


"Sorry not sorry but we never pay for eliminating evils." And just like what I did in the cave, without any second thoughts, I pulled the trigger until I'm out of bullets. 


Kasunod nito ang pagbagsak niya sa sahig. Ilang sandali lang ay para bang natauhan ako nang pagmasdan ko ang dalawang taong naliligo sa sarili nilang dugo. Para bang bigla na lang nanginig ang mga kamay ko hanggang sa mabitawan ko ang baril na hawak ko. What have I done? What have you done, Zerina?


Tears fell down my cheeks. What's going on with me? 


[Ms. Lorico, can you hear me? Ms. Lorico!] Natauhan ako nang bigla kong marinig sa kabilang linya ang boses ni Jinno.


"W-what?" Nauutal na tanong ko.


[Get out of that room, now!] Sigaw niya kaya naman nataranta akong lumabas papunta sa aft deck ng yate. Nakita ko siyang naghihintay mula sa motor boat.


"Where's Axcel?" Tanong ko nang makalapit ako matapos niya akong alalayan papunta sa boat.


"On his way. Teka, anong nangyari sa binti mo?" Nagtatakang tanong niya nang mapatingin siya sa binti ko, pero naagaw ng atensiyon namin ang putok ng baril hanggang sa matanaw ko si Axcel na patakbong papalapit sa amin.


"Did you get the list?" Kaagad na tanong ni Jinno nang makasakay sa boat si Axcel na abot ang kaniyang hininga.


"Tss, basic!" Mayabang na sagot niya at ilang sandali lang mayroong grupo ng mga lalaki ang papalapit sa amin. Mukhang hindi nila ito kaagad napansin kaya naman mabilis kong inagaw ang hawak ni Axcel na baril tiyaka 'yon ipinutok sa kanila.


"Pwede bang mamaya na kayo mag-usap?!" Natataranta kong sigaw sa kanila.


"Oh, sorry, Ms. Lorico." Sagot ni Jinno na mukhang natauhan bago mabilis na pinaandar ang boat. Tiyaka lang ako nakahinga ng maluwag nang makalayo kami.


"Akala ko kung ano ng nangyari sa 'yo." Napatingin ako kay Axcel nang bigla niyang punitin ang suot niyang damit tiyaka 'yon ipinantali sa sugat ko. "Mabuti na lang talaga may pagka-sadista ka." Patuloy niya sabay tingin sa akin tiyaka ngumisi matapos bendahan ang tama ko.


"I don't have a choice, okay?" Depensa kong sagot sa kaniya sabay abot ni Jinno ng suot niyang jacket sa akin.


"Sorry not sorry but we never pay for eliminating evils." Napatingin ako kay Jinno na natatawa pa. "Napilitan ka rin ba na sabihin 'yon, Ms. Lorico?" Patuloy na tanong niya na mahahalatang nang-aasar ang tono ng boses. Nagkatinginan pa sila ni Axcel na parang pinagkakatuwaan ako. I just rolled my eyes at hindi na lang umimik.


Honestly, I didn't know why did I even said that. Napuno ako ng inis, galit, takot, at pangamba na ano mang oras malalagutan ako ng hininga kung hindi ako matututong depensahan ang sarili ko. I had no choice but to use the gun. I had no any choices left but to kill them, because if I don't, then they were going to kill me instead. Sa totoo lang, hindi ko rin sukat akalain na magagawa ko 'yon.


After the man in the cave, now I killed another two people...


Tao pa ba ako? All I want is to protect myself. I killed to survive. Masama na ba akong tao?


"Ba't ka umiiyak, Ellisse?" 


Mabilis kong pinunas ang luha ko nang magtanong si Axcel.


"Mabilis ba akong mag-patakbo? Do you want me to slow down our boat?" It was Jinno who asked next. Umiling ako. "Pagod lang ako. Don't mind me." 


Hindi ko na ba namamalayang tinatanggap ko ng mabuhay sa marahas na mundong 'to?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top