Chapter 17


ELLISSE ZERINA 


Wala ni isa ang umiimik sa amin habang nasa kotse kami. Seryoso lang siyang nakatingin sa daan habang nagda-drive. Should I ask him now about what happened? Why he pointed the gun at himself instead of just letting me shoot myself? I think, it's just too crazy to save someone you wanted to kill in the first place.


"Just speak if you want to say something." Finally, he broke the deafening silence. So he can read minds too huh? Wow. Ano pa ba kaya ang kaya niyang gawin? Teleportation? 


"Just keep on driving." Matipid na sagot ko tiyaka isinandal nalang ang ulo ko sa headrest ng seat. Mas mabuti sigurong isantabi ko na lang muna ang madaming bagay na bumabagabag sa isip ko tungkol sa kaniya.


"You sure? I mean, I don't mind. You can ask me anything." Napatingin ako sa kaniya. Can I really do that?


"Sure ka? Kahit ano?" Taas kilay kong tanong.


"Ask away" Sagot niya nang hindi tumitingin sa akin. 


Huminga ako ng malalim at inayos ang pagkakaupo ko. "Okay. First question. Bakit mo ginawa 'yon?" Tanong ko at hinintay siyang tumingin sa akin pero hindi niya ginawa.


"Be specific." Tipid na sagot niya. Seriously? Hindi ba talaga niya gets? Dapat alam na niya 'yon. Kayang-kaya nga niyang basahin ang iniisip ko.


Nagdalawang isip pa ako kung sasabihin ko ba o hindi pero tingin ko ito na ang tamang pagkakataon para masagot ang tanong ko.


"Why did you save me?" Diretsa kong tanong nang bigla niyang inapakan ang preno dahilan nang muntik ko nang pagkakasubsob palapit sa kaniya.


"What the hell is wrong with you?! Bakit ba bigla-biglang kang prumepreno?" Inis na tanong ko habang inaayos ang sarili ko. "Kasama na ba sa mga tips mo ang biglaang pag-preno para patayin ako?" Sarkastikong tanong ko. 


Napakunot ako dahil hindi man lang siya sumagot. "Wait nga lang...Bakit ikaw pa 'tong mukhang nabigla sa ginawa mo?" Hindi na kasi siya gumalaw sa kinauupuan niya. 


Ilang segundo pa ang lumipas bago ko inayos ang upo ko at padabog na humalukipkip. Mukhang wala talaga balak sumagot. Tss. 


"I just want to remind you na kung papatayin mo lang din pala ako ngayon sa aksidente magiging nonsense rin dahil madadamay ka. You should've just let me shoot myself with your poisoned gun. Hindi ba 'yon naman ang pakay mo in the first place?" Reklamo ko pero ilang segundo ay wala parin siyang imik. Nang tingnan ko siya ay nagtama ang mga tingin namin. 


"What?" Mataray kong tanong. "Kung bakit ba naman kasi itinutok mo 'yong baril sa 'yo. Do you really want me dead? Kasi sa totoo lang sagabal ka sa kamatayan ko." 


"I see" Sa dami ng sinabi ko, I see lang ang sagot niya bago niya ulit pinaandar ang sasakyan. 


"I see? So ngayon mo lang din nalaman na talagang sumasagabal ka sa kamatayan ko?" Mataray na tanong ko pero hindi siya sumasagot. At nang tingnan ko siya, mukha siyang ewan na nakangisi. 


"No one's joking." I sarcastically added at saktong nahagilap ng mga mata ko ang baril sa dashboard ng kotse. Bigla akong kinabahan dahil do'n. 


So he's really planning to kill me tonight huh? Talagang inilabas pa niya ako sa HQ nila. So balak niya akong iwan sa tabi ng daan pagkatapos pagbabarilin? What a devil. Talagang walang puso ang lalaking 'to. 


"Don't move" Matigas na utos niya tyaka niya dinampot ang baril. Hindi ako gumalaw tulad ng sinabi niya. Ikinasa niya ang baril and that made my heart beats so freaking fast. 


"A-are you really going to k-kill me? D-dito talaga?" Kinakabahang tanong ko and when he looked at me intently, do'n ko napagtanto na wala talaga akong takas sa kaniya kahit pa gaano ko subukang maging matapang. "Y-you can k-kill me...but, c-can you at least..." Napapikit ako ng mariin and my d*mn tears fell. I couldn't help it anymore. "H'wag mong hahayaang malaman ng kuya ko ang tungkol dito. Please." 


"Tss" Napamulat ako nang mata dahil sa naging reaksiyon niya. Nang mag-angat ako ng tingin ay busy na siyang nakatingin sa rear view mirror ng sasakyan. May hinugot siyang isa pang baril sa holster na suot niya tiyaka 'yon ikinasa. "Cover your ears" 


I didn't know what really is happening. Bigla nalang siyang lumabas ng kotse. May mga narinig din akong humaharurot na mga sasakyan kasabay ng mga naglalakasang putok ng baril. Napapikit pa ako nang may marinig akong pag-sabog. 


"What the hell is happening?!" Natataranta kong tanong nang bumalik siya sa loob ng sasakyan. 


"Some dirt just trying to get on my f*cking way." Umusod ako nang bigla siyang lumapit sa akin para isuot ang seat belt ko bago siya umayos ng upo para muling paharurutin paalis ang kotse.


"A-are they all gone?" Tanong ko nang lingunin ko ang daang pinanggalingan namin. The blazing fire is still there. "Did you kill them?"


"Why? Do you expect me to spare them and ask who the f*ck commanded them to kill us?" Tanong niya na parang may halong inis sa boses. Hindi nalang ako nagsalita dahil ramdam ko na rin na nagpipigil siya. 


"We're here." Sagot niya nang itigil niya ang sasakyan. "Wear this." Patuloy niya tiyaka iniabot sa akin ang itim na baseball cap at mask, matapos ay nauna na siyang lumabas. What the? 


"Answer me first. Hindi ba sinabi mong kahit na anong tanong ko sasagutin mo?" Saad ko nang makalabas ako sa kotse. Huminga siya ng malalim at walang ekspresyon akong tiningnan.


"Save those questions for now. Follow me." Tipid na sagot niya tiyaka naunang naglakad.


Naiinis na naman ako. Hindi ko talaga mawari kung pinagti-tripan niya ako o ano. Inis ko siyang sinundan at habang naglalakad kami hindi ko maiwasang mapalinga sa paligid. Kasalukuyan kaming naglalakad sa isang underground tunnel na naiilawan ang magkabilang gilid nito ng green crystals. Katulad ng daan papasok ng castle.


"Commander." Bigkas ng isang lalaki na nakasuot ng detective attire bago humukod. "You can now check the corpses." Patuloy niya tiyaka inilahad ang palad niya paturo sa isang pinto.


 Naglakad papunta roon ang kasama ko kaya naman sinundan ko siya. Bigla na lang akong natigilan nang bumungad sa akin ang limang magkakasunod na bangkay na natatakpan ng itim na tela.


"They were the people killed by serpent gang." Panimula niya na hindi ko alam kung ipinagmamalaki ba niya ang ginawa nilang pagpatay sa mga taong nasa harapan ko ngayon. "They are all involved in one of Serpent's cases." Hewent on as he folded his arms across his chest.

"So? Ano'ng gusto mong sabihin?" Tanong ko tiyaka ko tinanggal ang cap na suot ko.


"Two of them are members of Aris Group. Nakikipag-sosyo sila sa mga illegal businesses tulad ng pag-aangkat ng droga mula sa ibang bansa, illegal gambling, at pati na ang pakikisangkot sa mga illegal operations na ipinapagawa sa kanila ng mga business tycoons. And the reason?...To earn a huge money figure." Paliwanag niya.


It's adorable the way he speaks tagalog, huh...


"And how about the rest?" Curious na tanong ko.


Naglakad siya papunta sa harap ng mga bangkay tiyaka tinanggal ang kumot na nakatakip sa mga mukha nila. "What do you think?" Tanong niya. Pinagmasdan kong mabuti ang tinutukoy niya at para bang may mga pamilyar na mukha ang bigla na lang nag-flash sa isip ko.


"They were the guys who poisoned me." Gulat na saad ko. Sila 'yong kasama ng matanda.


Natigilan ako nang tanggalin niya ang telang nakabalot sa isa pang bangkay. "Hosephio Yoro. He was the one who wanted to kill you that night in the maze." Pahayag niya. Para bang bigla na lang bumagal ang pag-proseso ng utak ko. Bakit niya akong gustong patayin? Anong pakay niya sa akin? Hindi ba isa rin siyang serpent? Para bang naging isang magulong puzzle ang lahat sa utak ko.


"Anong ibig sabihin ng lahat ng 'to?" Naguguluhan kong tanong. "B-bakit may gustong pumatay sa akin? I didn't do anything wrong. Bakit ako nasangkot sa gulong 'to? Aren't they a member of Serpent as well?" Sunod-sunod na tanong ko na pakiramdam ko ay nagsisimula na namang pumiga sa isip ko.


"Fortunately, no... Who do you think was their accomplice to create such a d*mn mess? Particularly, to harm you." Tanong niya kaya naman napatingin ako sa kaniya. "Benjamin Chen. The editor in chief of MCA." Patuloy niya na siyang ikinatigil ko at bigla ko na lang naalala noong gabing idinala kami sa castle. So it was the reason why he killed Mr. Chen. Pero bakit? Bakit serpent ang lumulutas sa kasong 'to?


"A-anong kinalaman ng MCA sa serpent?" I asked nang biglang bumukas ang pinto.


"Handa na po ang lahat sa penthouse, Commander." Saad ng isang babae na mukhang secretary sa suot niya. Matapos tumungo, nadako ang tingin niya sa akin tiyaka ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Ayoko ng tingin niya, para bang nakakainsulto. She reminds me of Ma'am Sarah. Tss. 


"Can you give this to Mr. Felix, Miss Yumi?" Kung hindi pa nagsalita si Commander siguro hindi siya titigil sa pakikipagsukatan ng tingin sa akin. Hindi mo mawari kung naghahanap ng away o ano. Gusto yatang makatikim ng upper side kick. 


"At least show some respect, Ms. Lorico. Don't be a spoiled brat just because I'm letting you act the way you want." Saad ng Commander nang makalabas 'yong Miss Yumi. Ako pa talaga ang nagmukhang masama, palibhasa siya 'tong kung makatingin parang sinasaksak ako.


"She was---"


"Just shut up and stop complaining." Ma-awtoridad na pagputol niya sa sasabihin ko. "Follow me." Walang ekspresiyon na utos niya tiyaka naglakad palabas. Napabuntong hininga na lang ako tiyaka siya sinundan.


Hindi ko alam na may ganitong part pala sa lugar na 'to. Isang magarang penthouse kung nasaan kami ngayon. Naalala ko tuloy 'yong penthouse ni Mr. Nourhi sa New York. Dahil sa laki ng tiwala niya sa akin, ipinagkatiwala niya sa akin ang isa sa mga properties niya. How I miss those days. 


"You can explore the place." Saad niya habang inililibot ko ang tingin ko sa kabuuan ng lugar.


Parang bang na-excite ako bigla, kaya naman kaagad akong nagtungo sa balcony kung saan tanaw ang maliliit at iba't ibang kulay ng mga ilaw mula sa city. Para bang nasa gitna ako ng gubat kung saan tanaw ang malayong siudad mula sa kinatatayuan ko.


This feeling. This timeless and peaceful ambience. I miss it so much. Pakiramdam ko bigla na lang gumaan ang lahat ng dinadala ko matapos ang lahat ng nangyari sa akin. How I badly need this right now. 


"You look more stunning when smiling." Natigilan ako at napatingin sa kaniya na hindi ko namalayang tinitingnan pala niya ako. Ngayon ko lang napansin ang tipid na ngiting bakas sa labi niya. 


"What?" Kunot-noong tanong ko dahil hindi ko maliwanag na narinig ang sinabi niya kanina. All I heard was stunning. 


"I said let's have our dinner." Sagot niya tiyaka tumalikod na. Tss. Akala ko naman kung ano.


Natakam ako bigla nang makita ko ang pagkaing nakahain sa mesa. Italian Zucchini na iba't iba ang pagkakaluto isama mo pa ang avocado smoothie na mas lalong nagpakalan sa tiyan. Paborito ko yata lahat ng nakahain! Sadly, walang ice cream. 


"Take it slowly. You're the only one who's gonna eat all of those." Napatingin ako sa kaniya na para bang binabantayan ako sa pagkain dahil mukhang kanina pa niya pinagmamasdan ang bawat pagsubo ko.


"And you? Hindi ka ba gutom?" Tanong ko nang biglang tumunog ang phone niya kaya nabaling ang atensyon niya ro'n. 


Hindi niya ako sinagot dahil inabala niyang saguting ang tawag. 


"I can't meet you tonight." Napatingin ako sa kaniya at saktong nagtama ang mga mata namin. It feels weird. Deja vu, I guess? Ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain. Baka kasi kausap na niya 'yong hot mafia heiress na naka-meet niya sa Italy. Tss. 


"Yeah... Gonna check it when I'm done." Saad niya bago ibinaba ang phone.


"Hindi mo pa pala sinasagot ang huling tanong ko." Agad na bungad ko nang muli niyang ituon ang tingin sa akin. Buti na lang naalala ko.


"When you're done...I'll tell you." Sagot niya tiyaka tumayo at naglakad palayo. 


Parang wala na akong tiwala sa sinabi niya. Sana hindi na lang niya sinabing pwede akong magtanong ng kahit na ano kung wala rin naman pala siyang balak sagutin ang mga tanong ko.



...

Matapos kong kumain ay may isang lalaki ang nagdala ng isang box at ipinatong 'yon sa mesa sa living room kung nasaan kami ngayon. "What's this?" Kunot-noong tanong ko matapos tumungo ng lalaki bago umalis.


"See it yourself." Tipid na sagot ng kasama ko, kaya naman binuksan ko ang box at mula sa loob tumambad sa akin ang madaming folders. Kinuha ko 'yon tiyaka isa-isang tiningnan. Hindi ko maiwasang magkunot dahil sa mga nababasa at nakikita kong larawan ng mga taong pinatay.


"Serpent is currently dealing with all those cases." Wika niya dahilan nang mapatingin ako sa kaniya. "And the one regarding Mr. Chen." Is he really telling the truth?


"May alam ba tungkol dito si Mr. Nourhi?" Tanong ko. MCA is possibly connected with Serpent.


"He knew everything. The Serpent Rules and the training. And that you are currently under Serpent's surveillance." Tipid na sagot niya na siyang ikinatigil ko. Paano nagkaroon ng koneksiyon si Sir Nourhi sa Serpent?


"Don't tell me kabilang ang MCA sa mga kompaniyang sakop ng Serpent Society?" Hindi ko alam kung matatawa ako sa nalaman ko dahil gusto kong isipin na isang malaking biro lang ang lahat.


"Indeed. That well-know top publishing company ni New York is one of Serpent's allies. One of the wealthiest companies under your most-hated society." Sagot niya. Sa tagal kong nag-trabaho bilang CEO's secretary, ni hindi ko naisip ang pakiki-alyansa ng kompanya sa serpent.


"That's why you as the CEO's secretary must be kept safe. Serpent Society is responsible for the safety of VIPs." Patuloy niya.


"VIP?" Napangisi ako tiyaka binitawan ang folder na hawak ko. "Pati ba ang mga tinutukoy ni'yong VIP ay kailangang dumaan sa buwis buhay na training huh?" Sarkastiko kong tanong. Nasaan ang safety sa training? Halos muntik ko na ngang ikamatay lahat ng levels.


"Mr. Nourhi had already terminated your contract with MCA. He knows the rule. Oras na nadamay ka sa pagpatay ng kung sino man na nasa target list ng Serpent, magiging isa ka ng official member ng society, at hindi ka na maaaring kumalas sa samahan. You'll be part of Serpent till death, Ms. Lorico." Sagot niya tiyaka niya isinandal ang likod niya sa backrest ng couch.


"Alam mong hindi ko pinatay si Mr. Chen. Ikaw ang pumatay sa kaniya, hindi ako." Pagmamatigas ko. Binahiran niya ang kamay ko ng dugo at siya ang may pakana kung bakit hindi ako makaalis sa samahan nila.


"You can't do anything about it, hon. You're now already in my place and I am telling you, there's no way you can escape from my world." Sagot niya dala ang nakakaasar niyang ngisi. 


Dahil sa inis ko ay inihagis ko sa kaniya ang takip ng box na kaagad niyang nasalo kaya naman mabilis kong kinuha ang tatlong patong-patong na folders at sunod-sunod itong hinagis sa kaniya.


"F*ck, Zerina. What the hell are you doing?!" Malutong na mura niya habang hawak ang kaliwang bahagi ng tiyan niya. Mahahalata ang pagkuyom ng kamao niya at mababakas sa mukha niya ang pagpipigil sa sakit. Bigla akong nadismaya nang makita ang reaksiyon niya.


"Hey, w-what happened?" Nag-aalala kong tanong nang malapitan ko siya. Hindi siya sumagot at patuloy lang sa pag-inda sa sakit na nararamdaman niya kaya naman umupo ako sa tabi niya tiyaka hinawakan ang kamay niyang nakahawak sa tiyan niya para itaas ang suot niyang shirt at natigilan ako nang makita ko ang pag-lick ng dugo mula sa gauze bandage na nakatakip sa sugat niya.

"D*mn, you're bleeding!" Hindi ko maiwasang mataranta. Tumayo ako para hanapin ang first aid kit. "Nasaan ba ang first aid kit dito?" Frustrated na tanong ko habang bukas-sara ako sa magkakasunod na pinto ng cabinet.


"Last drawer" Kinuha ko kaagad ang kit tiyaka siya mabiilis na nilapitan para gamutin ang sugat niya.


"F*ck" Mura niya nang maidampi ko ang cotton sa sugat niya. "Can you be more gentle? I know you're mad but do it later" Reklamo niya.


"H'wag ka na lang mag-reklamo dahil baka mas paduguin ko pa 'tong sugat mo." Sagot ko tiyaka siya inirapan.


"Tss... F*ck!"


Habang ginagamot ko ang sugat niya at siya namang pag-balik ng ala-ala ko sa nangyari kung bakit niya natamo ang sugat na 'to. I was the one who did this to him. 


"I'm sorry."  Hindi ako makatingin sa kaniya at tingin ko ay hindi niya narinig ang sinabi ko dahil halos pabulong lang 'yon. Wala na rin naman akong narinig na sagot mula sa kaniya.


Inayos ko ang mga ginamit ko pabalik sa kit tiyaka tumayo, and I was about to step away when he suddenly held my hand. I felt his warmth just like what I felt when he saved me from the masked bullseye. That bizarre feeling of wanting him to hold me tight.


Nahihibang ka na rin, Zerina. What the hell is wrong with you?!


"Don't do it ever again." Saad niya dahilan nang mapatingin ako sa kaniya. Diretso ang mga tingin niya sa mata ko at hindi ko maipaliwanag kung ano ang nararamdaman ko. It really feels so weird. It's weird that everytime our gazes met, parang baliw 'tong puso kong kumakabog. 


"Bakit mo inilagay sa alanganin ang buhay ko kung ikaw rin naman ang sasalo sa kamatayan ko? You know what? You're stupid. If you want me dead then just let me die." Nakita ko ang pag-iwas ng tingin niya kasabay ng pagbitaw niya sa kamay ko. He didn't say anything at mas lalo lang dumadami ang tanong ko.


"Parang hindi ako naniniwala na VIP ako sa Serpent. But at some point, I did. You attempted to trade your life for a person you don't even know. I just don't understand. I think, that's too much for a typical VIP." 


"It's my devoir as a Serpent Royal Commander to keep my subordinates safe. It wasn't too much. I just did what I must do."


He's right, bakit ba nagda-drama pa ako? I'm just one of his subordinates. Tumayo siya habang diretso ang tingin niya sa akin, humakbang siya palapit hanggang sa napaatras ako ng kaunti dahil sobrang lapit niya at konting galaw lang ay pwedeng magtama ang mga labi namin.


Para bang bigla na lang nag-init ang mukha ko. I was about to push his chest away from me when he suddenly held my hands. Now, I can literally feel the tip of his nose into mine. Hindi ako nakaapila hanggang sa lumapit siya sa tainga ko. "That's why you should also do what you must do, hon. Never dare to defy my command ever again. This is your last warning." He huskily whispered. Napatingin ako sa kaniya nang bumalik siya sa pagkakatayo sa harap ko.


"Any objections?" Nakataas ang kilay niyang tanong. Para bang bigla na lang akong nainis sa pag-ngisi niya. It annoys me to the point na parang gusto kong suntukin ang mukha niya.


"Tinanong mo pa talaga. Bakit huh? May magagawa pa ba ang pagtutol ko?" Inis kong sagot tiyaka siya inirapan.


"Of course....there's nothing you can do about it. Just do as I say and behave yourself." Nakangisi ngunit ma-awtoridad na sagot niya. Seriously?


"Fine. I won't defy you again." Matamang sagot ko.


"Good." Tipid na sagot niya tiyaka humalukipkip.


"But don't expect me that I will always follow anything from you. Kung may batas ka may batas din ako." Kontra ko tiyaka nakipagsukatan ng tingin sa kaniya.


"You're really testing my nerve, Zerina. Don't try so hard, hon. You may feel even more disappointed when you lose against the devil." Nakataas ang kilay at nakangising sagot niya pero hindi ako nagpatalo.


"Well, I hate losing games." Sagot ko sa kaniya tiyaka humalukipkip.


"So do I, Ms....Show me what you have up on your sleeve, then." Muli niya akong nilapitan dahilan nang bahagya akong mapaatras tiyaka siya bumulong. "Give all your best to destroy me. Let's see what you got." 
















Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top