Chapter 16
FRIZA GONZALES
"Boss, nahanap na po ang next target." Sabi ng isang lalaki sa kausap niyang abala sa paghithit ng sigarilyo habang nakaupo ito at nakataas ang dalawang paa sa mesa. Sa mga hitsura pa lang nila hindi na maganda ang kutob ko. Mukha ba namang mga adik ang mga t*ng ina.
"Alam ni'yo na ang gagawin kapag tumutol sila. Wala kayong ititira ni isa."
Nagkatinginan kami ni Creid matapos magsalita ng lalaki. Kasalukuyan kaming nasa loob ng malawak na warehouse na ginawang lungga ng mga tauhan ng Korbin.
"Boss!" Napatingin ako ulit sa isang lalaki nang lumapit ito sa tinatawag nilang boss na mukha namang adik sa kanto. "Pinapatawag ang lahat sa main base. May biglaang meeting raw."
Ibinaba ng lalaki ang paa niya tiyaka kaagad na tumayo. "Para saan?"
"Tungkol daw sa listahan."
"Listahan?" Pabulong na tanong ko na kunot ang noo.
"It might be their target list." Komento ng kasama ko.
"Aba't hindi talaga marunong tumigil ang mga hayop na 'to. Hindi na yata nababawasan ang mga nasa listahan nila. Mga p*tang inang 'to talaga."
"If it's not a target list then it must be a list of their allies." Dagdag niya na siyang kumuha sa atensyon ko.
"At kung listahan ng mga makapangyarihang kakampi nila ang tinutukoy ng mga g*gong 'to, ibig sabihin hanggang ngayon may nagpapalakas pa rin sa grupo nila?" Nakakunot na tanong ko dahil hindi ako makapaniwala sa hula nitong si Creid.
"Posible. And if those people are like the late Dominico Alfrigal, we must eliminate them as well."
"We need to inform the Chief about this." Akmang susundan ko pa lang si Creid sa pag-alis nang biglang may nagkasa ng baril sa likuran namin.
"At saan ni'yo balak pumunta huh?" Pareho kaming natigilan.
Naramdaman ko ang pagkakatutok ng baril sa likod ng ulo ko. Pati si Creid ay hindi kaagad nakagalaw ng tutukan din siya ng baril. Itinaas namin ang dalawang kamay namin at hindi ko inalis ang tingin ko sa mga mata ni Creid nang magkaharap kami.
"Kayo ba ang ipinadala ng serpent para magmanman huh?" Nakangising tanong ng lalaki na naglakad papunta sa gilid ko nang hindi tinatanggal ang pagkakatutok ng baril sa ulo ko.
T*ng ina nito ah 999 times, lakas mag-yabang mukha namang naka-shabu at halatang wala ring binatbat, tss! "Mukhang mga wala naman kayong kalaban-laban." Patuloy pa niya tiyaka tumawa.
T*ng inang naka-shabu 'to, nang-insulto pa talaga. Muli akong tumingin kay Creid at sakto naman na tinanguan niya ako ng palihim. Napatingin ako sa kamay niyang nakababa at hinintay ang ikatlong bilang ng daliri niya bago kami sabay na umatake.
Mabilis kong tinabig ang kamay niyang nakahawak sa baril tiyaka ko tinuhod ang tiyan niya at mabilis kong inagaw ang baril sa kaniya at walang alinlangang pinatamaan ang noo niya dahilan ng mabilis niyang pagbagsak sa sahig. "Sinong walang binatbat, t*ng ina ka?"Ayan napapala ng mga mayayabang na puro buhat-bangko lang ang alam.
"Let's go, Friz!" Pagtawag ni Creid tiyaka patakbong umalis na mabilis kong sinundan.
Tumunog ang nakakabinging alarm na maririnig sa buong warehouse matapos ang pangyayari. Pagkabukas ni Creid ng pinto sa likod papuntang garahe sinalubong kami ng tatlong lalaking maskulado ang katawan.
Mabilis inatake ng isang lalaki si Creid habang 'yong dalawa ay ako ang pinuntirya. Mga t*ng ina nila! Wala silang dalang kahit na anong armas kaya naman ang dagger ang inilabas ko. Isa sa kanila ang nasa likod ko at isa ang nasa harap ko. Unang umatake sa akin ang nasa likuran ko. Sinungaban niya ako ng suntok pero bago pa man siya makalapit ay dinepensahan ko ang sarili ko gamit ang spin back kick na tumama sa baba niya dahilan nang mapaatras siya.
'Yan, 'yan ang napapala ng mga nagmamagaling. Tss! Ta-tanga-tanga kasi.
Hindi pa ako nakaka-bwelo nang sunod na umatake naman ang lalaki sa harap ko. Napaatras ako nang bigla niyang inihawi sa akin ang hawak niyang hunting knife. T*ng ina nito, akala ko walang dalang armas.
Yumuko ako para umiwas papunta sa likuran niya tiyaka ko sinipa ang likod niya. "Magka-osteoporosis ka sana, ina mo!"
"Friz! Behind you!" Rinig kong sigaw ni Creid na ngayon ay tatlo na ang kalaban niya. T*ng ina, bakit dumadami sila? Nag-kage bunshin pa yata ang mga g*gong adik.
Mabilis akong lumingon kasabay ng pagtama ng kung anong matigas na bagay sa braso ko dahilan nang mapaupo ako.
Nilapitan ako ng dalawang lalaki kanina pero bago pa man nila ako tuluyang malapitan ay mabilis kong hinugot ang baril mula sa thigh holster na suot ko tiyaka ko mabilis na ipinutok 'yon sa lalaking pumalo sa akin kanina kasunod ng dalawa pa.
"T*ng ina ni'yo, masyado kayong mapanakit mga hampas lumpa kayo!"
Buong lakas akong tumayo at magkakasunod na binaril ang tatlong lalaki hanggang sa malagutan sila ng hininga.
"F*ck, Friza! Baka naman gusto mo 'kong tulungan!" Pasigaw na reklamo ni Creid na nakikipagpisikalan sa isang lalaki. Napatumba na niya 'yong dalawa kanina.
"Kaya mo na 'yan." Bored na sagot ko tiyaka hinawakan ang balikat kong napuruhan at marahang minasahe 'ti.
Mabilis akong nagtungo sa kotse at pinaandar 'yon tiyaka pinaharurot sa direksiyon papunta kila Creid. Itinulak niya sa gitna ang lalaki tiyaka siya mabilis na tumabi sa daan. Naiwang gulat ang lalaki nang makita ang sasakyang palapit sa kaniya. Bobo lang eh, kung nagpagilid na sana siya. Ginaya pa 'yong mga teleseryeng may pa-slow mo.
Ramdam ko ang pagkakatama ng katawan niya sa hood ng sasakyan na idineretso ko papunta sa roll up kung saan malakas na tumama ang likod niya. Iniatras ko ang kotse at sakto namang binuksan ni Creid ang roll up bago siya pumasok ng sasakyan. "T*ng ina, speed up the car!" At pinaharurot ko na nga ang kotse niya ng sobrang bilis dahil biglaang nagsilabasan pa ang ibang mga tauhan ng Korbin.
"Sa dami ng pwede mong ibangga, 'yong sasakyan ko pa? Kung binaril mo na lang sana 'yong lalaki kanina edi wala akong ibang po-problemahin ngayon." Reklamo niya nang makalayo kami. Tss! Kung makapag-reklamo akala mo naman walang pampalit.
"Babae lang prinoproblema mo, Creid hindi sasakyan. H'wag mo 'kong lokohin." Sagot ko sa kaniya.
"T*ng ina, Friz. Just shut the f*ck up." Iritadong sagot niya. Kita mo ang isang 'to, bilis mawala sa mood. Tss!
...
"Ikaw na ang magsabi kay Dhale tungkol sa nangyari, alam na niya ang gagawin. Ako ng bahalang mag-report kay Jinno ng lahat." Pag-iba ko sa usapan nang maiparada ko ang kotse niya sa parking lot ng headquarter.
"Ba't hindi si Axcel ang utusan mo?" Inis na sagot niya tiyaka lumabas ng kotse at naglakad palayo.
T*ng ina? Hindi ko alam kung sa akin siya galit o sa bagay na iniutos kong gawin niya.
Papasok pa lang sana ako sa HQ nang marinig ko ang tunog ng mabilis na sasakyan at natigilan ako nang makita ang plate number nito.
ELLISSE ZERINA
"Seriously? What's wrong with them?" Iritado kong tanong dahil kanina ko pa napapansin na halos lahat na lang ng makakasalubong ko ay napapatingin sa akin. It's getting uncomfrotable.
"H'wag ka ng magtaka, Ell. Alam nila ang naging resulta ng training mo kaya for sure lahat sila nagtataka kung paano mo nalampasan ang lahat ng 'yon." Sagot ni Tanya na nasa tabi ko.
Oh, that thing? Tss. So they were expecting that I was really going to die? Well, lucky me, I'm still here walking, safe and loud.
"So, what group are you in?" Nakangiting tanong ni Daniella nang saluhan niya ako sa pagkain dito sa cafeteria.
"Knightress. Mas maangas ang dating ni Ellisse kung sa gang siya mapupunta." Sagot ni Axcel na kadarating lang tiyaka ako tinabihan at taas baba pa ang kilay sa akin. I just blankly glared at him before turning my attention back to my plate.
"I think the Central Information Team suits her well. Besides, she's a former CEO's secretary of MCA." Dagdag naman ni Dhale na bigla na lang sumulpot sa likuran ko tiyaka tumabi sa kaliwa ko.
"At kung hindi pa siya napadpad dito, hindi namin alam ang tungkol sa bagay na 'yon." Ngayon si Nick naman ang nagsalita. Kasama niyang dumating si Rix na ngumunguya pa habang hawak ang green na mansanas. Napansin ko na lahat sila ay napatingin sa kaniya na para bang hinihintay nila ang sasabihin niya.
"Bakit?" Inosenteng tanong niya.
"Anong bakit? G*guhan ba 'to pre? Siguradong may alam ka tungkol sa pagiging secretary ni Ellisse sa MCA bago pa man namin malaman. Bakit hindi mo sinabi, huh? Na may koneksiyon pala kayo sa kaniya noong ang alam namin ay tuluyan ng pinutol ni Ellisse 'yong koneksiyon niya sa atin noon?" Paninita ni Nick.
That was right. I decided to cut all my connections with them because I was keeping myself busy and alone back then. Si Tanya lang actually at si Rix ang nasabihan ko na magbabalik-bansa ako bago pa naibigay sa akin ang special task.
"Ngayon? Anong gusto mong gawin ko?" Sarkastikong tanong ni Rix.
"You should've informed us, at least duh!" Sagot ni Daniella sabay irap kay Rix. This was us. The conversation, the bond. Ganito kami dati.
"Hey, Ellisse!" Natauhan ako nang biglang tapikin ni Dhale ang braso ko. "Are you okay?" Tanong niya at makikita ang bahid ng pag-aalala sa mga mata niya. Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain.
"Ellisse." Iniangat ko ang tingin ko at nakita ko si Friza na palapit. "Pinapatawag ka ni Commander sa royal room."
"What?! Bumalik na si Commander?" Hindi makapaniwalang tanong ni Daniella.
Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan, bigla nalang din akong kinabahan. I'm sure it's not due to anxiety, and if it's excitement, well that's a completely d*mn stupid thing to feel. Gulat lang siguro ako na buhay pa siya. I mean, he was shot by a poisoned gun wasn't he? Ang masamang damo nga naman talaga matagal mamatay.
Bumuntong hininga ako tiyaka bored na tumayo at pumunta sa sinasabi nilang kwarto na takot puntahan at pasukin ng lahat. Ang royal room kuno. Marahan kong pinihit ang doorknob tiyaka pumasok sa loob ng hindi gumagawa ng kahit na anong ingay.
"F*ck! Can you at least be more gentle?" Natigilan ako nang marinig ko ang isang pamilyar na boses. Nanatili ako sa kinatatayuan ko nang makita ang Commander na walang suot na damit habang ang kaniyang secretary ay may kung anong ipinapahid sa likuran niya.
"Sinabihan na kita, Renzo. Hindi ka na naman nakinig. Kailan ka ba magtatanda huh?" Pangangaral sa kaniya ng secretary niya.
"Just finish your job and leave." Mahahalata ang inis sa boses niya. Ilang sandali lang ay natigilan ang kaniyang secretary nang masulyapan ako. Mabilis niyang inayos ang kit pero naagaw ng atensyon ko ang bahagi ng likod ng Commander na nabalutan ng gauze bandage. What happened?
"Ms. Lorico, you're here." Nakangiting bigkas ng secretary niya tiyaka inalalayan ang Commander na maisuot ang kaniyang long sleeve.
"You can now leave, Mr. Malriego." Pormal na utos niya at as usual, dala na naman niya ang mga tingin niyang wala man lang kahit na anong emosyon. Ano siya, robot? Tss. Tumungo ang secretary niya bago lumabas.
I did nothing then but look at him while he was busy fixing the cuff of his long sleeve. The longer I stare at him from head to toe, the more familiar he looks.
"Take a closer look, Ms. Lorico." Natauhan lang ako nang bigla siyang magsalita kaya naman napaayos ako ng tayo at mabilis na nag-iwas ng tingin. D*mn, Zerina, what are you doing?
"I mean...I don't mind if you want to stare at me more." Nagkapalitan kami ng tingin, pero wala akong masabi ni isang salita. He's really something...something na hindi ko masabi ng eksakto kung ano 'yon.
Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko. "Sabihin mo na lang kung ano'ng kailangan mo at ng makaalis na ako rito." Mataray kong sagot. I know he's playing and I don't want to be part of his game. Never.
"Such an impudent woman, tss." He smirked. Hindi ko alam kung pinagti-tripan ba talaga niya ako o ano but honestly, it annoys me.
"Here." Sabay abot niya ng folder nang makaupo siya.
Kunot-noo kong inabot 'yon para tingnan ang nilalaman. It's a collection of candid photos of an old man na sa tingin ko ay nasa mid 50s ang edad.
"Marcelito Luna. He's your first mission."
I looked at him, raising my brow. "And what am I going to do to him?"
"Take a guess." He folded his arms across his chest, waiting for my answer.
What else could it be?
"No." Pabagsak kong inilapag ang folder sa harap niya tiyaka ko itinukod ang mga palad ko sa mesa habang diretso ang tingin ko sa mga mata niya, "I'm not a killer." And that made him smirk.
"Not even a drop of blood. It's just a Cloak-and-dagger operation." Tipid na sagot niya na parang sobrang dali lang ng pinapagawa niya.
I fixed my stance. Humalukipkip ako nang hindi inaalis ang tingin ko sa mga mata niya as if I'm telling him that no matter what the hell is going to happen, I won't do such thing.
"At anong tinatawa-tawa mo?" Taas-kilay na tanong ko nang makita ko kung paano gumuhit ang ngisi sa labi niya. Did I even tell a joke?
"No killing. I promise." Natahimik ako nang bahagya niyang itaas ang magkabilang palad niya na para bang sumusuko. What the hell is wrong with my d*mn eyes? Ano bang mayro'n sa lalaking 'to at pakiramdam ko nagkita na kami dati?
"All you need to do is to take the list from Marcelito Luna. End of the mission."
"And what if I don't?" Panghahamon ko.
Isinandal niya ang likod sa backrest ng swivel chair na parang hindi apektado sa sinabi ko. "But of course, guns and daggers are allowed. Throw the blade or better pull the trigger unless you have to. You can kill whoever dares to harm you."
I sarcastically smirked, "Seriously?"
"Seriously. Because I won't be there to block the bullet or pull the trigger for you. You're coming with Ackrey and Acozta alone...Any objections?" Nakataas ang kilay niyang tanong.
I just rolled my eyes, "May magagawa pa ba ako kapag umapila ako sa gusto mo?"
"That's the point. I'm too pleased to hear that you have no choice but to follow me." Sagot niya habang matama siyang nakatingin sa akin na para bang kinikilatis akong maigi.
Fine, if this is what you want then I'll give you a shot. H'wag na h'wag ka lang magkakamaling sagarin ang pasensiya ko.
"'Ito lang ba?" Walang gana kong tanong na dapat ay hindi ko na tinanong pa.
"I'll see you in the lobby tonight, exactly 7 P.M. "
THIRD PERSON
"Sigurado ka ba talaga na dito siya dinala?" May pagdududang tanong ng isang lalaking nagngangalang Andrei sa kaniyang kasama habang pinagmamasdan ang mataas at malaking tarangkahan ng headquarter.
"Wala ka bang tiwala sa 'kin, Drei? Sinabi ko na sa 'yo, narinig ko ang usapan ni Nathalia at ng Commander." Naiinis na sagot niya sa kasama.
"Eh ano pang ginagawa mo? Pumasok ka na sa loob." Utos ni Andrei.
"G*go ka ba? Gusto mo talagang pumasok ako sa loob ng ganito ang suot ko huh?" Hindi niya makapaniwalang tanong nang mapatingin si Andrei sa suot na hoodie ng kaniyang kasama. "T*ng inang sponge bob naman kasi 'yan. Saang botique mo na naman ba 'yan nahagilap g*go?"
"Bakit usto mo? Do'n sa ukay-ukay botique. Samahan kita minsan."
"Ewan ko sa 'yo, Ash. Humanda ka na lang 'pag nalaman ng pinsan mo ang pagbabalik-bansa mo." Pananakot ni Andrei.
"Sino ba sa mga pinsan ko? Masyado silang madami, baka pwede namang pangalanan mo." Sarkastikong sagot ni Ash na isinandal ang kaniyang ulo sa headrest ng passenger's seat habang pinagmamasdan ang tarangkahan mula sa nakasaradong bintana ng kotse.
"G*go, sino pa ba? Edi si Nathalia." Inis na sagot niya.
Maya't maya pa ay pareho silang napatingin sa kotseng paparating.
"Si Tyler ba 'yan?" Paniniguro ni Andrei tiyaka tiningnan si Ash na diretso parin ang tingin sa kotseng parating.
"Start the engine." Sagot niya na tila napako na ang kaniyang tingin sa kotseng malapit ng makarating sa kinaroroonan nila.
"Teka, ano bang---"
"D*mn, Andrei! I said start the f*cking engine!" Sigaw niya na labis ang pagkadismaya.
"Tong ono, teka lang!" Natatarantang sagot ng kasama niya tiyaka mabilis na pinaharurot paalis ang kotse hanggang sa tuluyan na silang makalayo.
"D*mn, muntik na 'yon." Maluwag na paghinga ang pinakawalan ni Ash na tila nabunutan ng tinik ang kaniyang lalamunan.
"Parang hindi mo naman kilala ang mga pinsan mo. Kahit pa magtago ka, malalaman at malalaman nila kung nasaan ka." Turan ng kaniyang kasama matapos ibalik sa tamang bilis ang andar ng kotse.
"Wala naman akong planong magtago habang buhay, Andrei. Kumukuha lang ako ng magandang pagkakataon bago ako bumalik sa posisyon ko." Sagot niya sa seryosong tinig dahilan nang sandaling mapatingin sa kaniya si Andrei bago muling ibinalik ang tingin sa daan.
"Parang gina-g*go mo nalang sarili mo tol. Alam mo bang pang-limang beses mo ng sinabi 'yan?" Nakangising tanong niya na tila ba isang malaking biro ang sinabi ng kaniyang kasama.
"I know...And this is going to be the last time you'll heart it from me." Sagot niya na nanatiling seryoso ang tinig.
"Posisyon ba talaga na babalikan o babae na binabalak ligawan?" Mapaglarong tanong ni Andrei tiyaka sumipol.
"Do you still remember our last match?" Tanong ni Ash na diretso ang tingin sa daan.
Napasulyap si Andrei sa kaniya sandali dahil sa seryosong tono ng boses nito, "Oo naman, tol. Bakit mo tina---"
"It was actually one of the reasons why I came back. Let's commence our unfinished match, Andrei."
Alanganing napatingin si Andrei sa kaibigan, "Parang ewan 'to, ang daming naaalala. Sa'n mo ba sunod na balak mag-bulakbol huh? Samahan kita tol. Sa Switzerland ba? Sa Cuba? O baka sa New Zealand, balita ko maganda raw do'n."
"Back to our rest house. Coach Leo will be accompanying us for the match."
Fotong ono! - Andrei
ELLISSE ZERINA
"Ellisse!" Papasok pa lang sana ako sa dorm nang tawagin ako ni Friza at patakbong lumapit sa akin.
"Wala kaming nakitang kahit na anong bakas. Sigurado ka ba talaga na isa siyang member ng serpent?" Tanong niya. Napalinga ako sa paligid dahil baka may kung sinong makarinig sa amin tiyaka ko siya hinila papasok sa kwarto.
"Hindi 'to pwedeng malaman ng iba." Saad ko tiyaka naglakad patungo sa kama para ibaba ang hawak kong folder.
"Hindi mo ba talaga siya nakita? O wala ka man lang bang napansin na kahti na anong palatandaan sa suot o sa katawan niya?" Pag-uusisa niya.
"How would I know? Wala akong ibang nakita kung hindi ang mata lang niya. He was disguising as if he's protecting his identity or what." Frustrated na sagot ko. Pakiramdam ko hindi matatahimik ang konsensiya ko hangga't hindi ko nalalamang ligtas siya.
"Sa ngayon, malabong makakuha tayo ng impormasyon sa ibang mga serpent members. Panigurado na makakarating lang ang balita sa Commander kapag nakipagtulungan lang tayo sa paghahanap sa kaniya. Mas loyal ang mga 'yon kay Commander kaysa sa amin na kasamahan nila."
'Yon pa ang isang kinaiinis ko. Lahat ng galaw namin monitored ng commander. Hindi mo alam kung sino ang mata niya.
Napatingin kami sa pinto nang biglang bumukas 'yon at mula roon pumasok si Tanya na halatang pagod.
"Kumusta ang lagay ni Commander?" Friza asked.
"Doctor Loren is still monitoring his vital signs. Mabuti na lang at nalunasan kaagad ang lason na nagkalat sa katawan niya."
Oh yes, I remember. About the shot of that poisoned gun.
"Required ba na dapat poisoned gun ang gagamitin sa masked bullsye?" Tanong ko.
"Hindi ko rin alam, pero depende kasi 'yon. Kung ano ang iniutos ng King o ng Queen na ipagamit sa 'yo, walang palag do'n si Commander kaya malamang na 'yon ang ipinagamit niya sa 'yong baril." Paliwanag ni Friza.
If he knew that it was a poisoned gun, then why the hell did he point the gun at him instead of just letting me shoot myself? Ano bang laro ang gusto talaga niyang mangyari?
Napatingin ako sa wall clock at ilang minuto na lang malapit ng mag-seven. Umalis ako ng walang paalam at hindi ko na inabala pa na lingunin sila Tanya nang tawagin nila ako. I need to ask him.
Why is he acting like he was protecting me?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top