Chapter 15
ELLISSE ZERINA
Matapos malunasan ang sugat sa binti ko kaagad na pinunta ako nila Rix sa isang lugar dito sa headquarter kung saan makikita ang malawak na garden. Mula sa kinatatayuan ko matatanaw ang mataas na castle. Isang luma at nakakatakot na castle kung saan ako dinala noong araw na pinatay si Mr. Chen.
"Welcome sa maze ng kadilimian, Ellisse~" Pambungad ni Nick nang bigla na lang bumukas ang mataas na pader na natatakpan ng mga vine plants. Nauna akong pumasok at sumunod sila.
"What kind of place is this?" Nagtataka kong tanong. Wala akong ibang makita kung hindi ang malawak at mataas na maze na gawa sa semento. Ang dilim ng paligid at ang tanging nagbibigay lang ng liwanag sa buong lugar ay ang bilog na buwan.
"Tinatawag ang lugar na 'to na Dark Maze, ang pangalawa sa pinakamapanganib na lugar dito sa buong headquarter...Ang lugar na mahigpit na ipinagbabawal pasukin pero syempre pwede ngayon dahil para naman sa training." - Nick
"Dalawang miyembro ng serpent gang ang makakasama mo sa huling training." Panimula ni Rix nang bigla na namang may lumabas na dalawang taong nakasuot ng itim na maskara na tumabi sa magkabilang gilid ko. Hindi ko alam pero para bang bigla na lang nagtaasan ang balahibo ko.
For now, I should trust no one.
"Bilang panimula ng training na 'to, kailangan ni'yong hanapin ang tatlong gold ace cards sa loob ng maze. Mula sa likod ng bawat card mayroon kayong makikitang code na kailangan ninyong i-decode. Ang mabubuo niyong sagot ay ang quest na kailangan ni'yong magawa sa loob ng limang minuto." Paliwanag ni Rix. Five minutes is not a joke. Sobrang lawak ng maze! Anong pakulo na naman ba 'to?
"Nakasalalay ang buhay ninyo sa quest na mapupunta sa inyo." Patuloy ni Nick.
"Pwede ni'yo ng simulan." Dagdag ni Rix nang mabilis na tumalikod ang kasama ko at walang paga-alinlangang pumasok sa loob. Huminga ako ng malalim at naglakad papasok.
"Ellisse." I looked back when Rix called me. "Dalhin mo 'to." Ibinigay niya sa akin ang isang dagger na kulay gold at mula sa hawakan nito makikita ang sapphire stone.
"Ingat ka" And just like that, I turned back and walked away.
Mabuti na lang at maliwanag ang buwan, kahit papaano naaaninag ko ang dinaraanan ko. Kung ang pagde-decode lang naman ang kailangang gawin walang problema sa akin. Ang kaso lang sa ngayon ay ang kahinaan ko sa mga ganitong klase ng direksiyon. Ang daming pasikot-sikot.
Lumingon ako mula sa pinanggalingan ko. Hindi ko na nakita ang pinasukan ko kanina and I don't even have an idea what block did I enter! Pakiramdam ko nga nasa center part na ako nitong maze.
Sa loob ng isang minuto halos lakad lang ang ginagawa ko. Sa lawak ba naman ng lugar na 'to, saan ko makikita ang card? Of all places, bakit dito pa kasi naisipan naman no'ng Commander na 'yon na itago ang card? Pauso naman ang isang 'yon, tss.
Habang patuloy ako sa paglalakad, natigilan ako nang maramdaman ko na para bang may sumusunod sa likuran ko. Marahan akong lumingon at hinanda ang dagger na bigay ni Rix.This feeling.
I'm expecting it. Anyone could be a traitor anyway. Kaibigan mo nga kayang-kaya kang traydurin, ibang tao pa kaya na hindi mo naman kilala?
Napatigil ako sa paglalakad nang maapakan ko ang isang maliit na bagay kaya naman kinuha ko ito at napakunot-noo ako nang makita kung ano 'yon. "Bullet?"
Luminga ako sa paligid ko hanggang sa mahagip ng mga mata ko ang isa pang bala, kasunod ng iba pa. Sinundan ko ito hanggang sa makarating ako sa isang direksiyon. Halos manlaki ang mga mata ko sa gulat nang makita ang kulay itim na box na naiilawan ng crystal stone. Kaagad ko 'yong nilapitan at mabilis na binuksan. I was surprised when I saw a gold card placed inside. I rushed to see the back of it, expecting a code I might know how to decode, but I was wrong, dahil hindi pamilyar sa akin ang code na nakasulat.
A sequence of numbers was written...
16 - 8 - 13 - 3
13 - 9 - 25 - 5
12 - 5 - 9 -10
"What kind of code is this?" Naguguluhan kong tanong sa sarili ko. I've never seen this before. Paano ko ide-decode ang isang 'to? Think, Zerina! Mag-isip ka! Napakagat ako sa hinlalaki ko dahil walang kahit na anong idea ang pumapasok sa utak ko
Then I suddenly remember the equivalent number of each alphabet letter. A is one, B is two, and so on.
So 16 must be P, 8 is equivalent to H, 13 for M, and 3 for C. Next line, 13 must be M, 9 is for I, 25 for Y, and 5 is E. Last line, 12 is for L, 5 for E, 9 for I, and 10 for J.
P - H - M - C
M - I - Y - E
L - E - I - J
"What the hell are these?"
Four vowels lang ang mayro'n at kahit anong shuffle pa ang gawin ko, it still doesn't make any sense. If Filipino Alphabet doesn't fit in this sequence of numbers, what else could it be then?
I hardly think pero umabot pa ako ng more than one minute before I came up with another possible idea. The QWERTY keyboard layout for the Latin-script alphabet. Q is equivalent to one while W is two, then E is three, and so on...
So extracting the numbers to the Latin-script alphabet. 16 is H, 8 is I, 13 is D, and 3 is E.
HIDE
It really makes sense!
So 13 is D, 9 is O, 25 is N and 5 is T. It formed the word, DONT.
Next is 12 which is for S, 5 for T, 9 for O, and lastly, 10 for P. It added the word, STOP.
HIDE DONT STOP
"Hide don't stop?" So my quest is nothing but to hide? And I shouldn't stop hiding?
Habang malalim akong nag-iisip, natigilan ako nang marinig ang kaluskos malapit sa kinatatayuan ko kaya naman kaagad akong nagtago papunta sa isang block.
If this is really the quest, then I must really hide. Is this the reason why Rix had to give me a dagger? For self-defense dahil ako na naman ang biktimang kailangang magtago laban sa mga kasama ko? Is this some sort of a hide-and-seek game, but in a different way dahil dalawa ang taya at isa ang biktima.
Marahan ako ulit na lumipat sa ibang block. I kept hiding until I decided to stop by for a moment dahil nakakapagod ding magtago. I need to find my way out soon, but let me think of an idea first dahil baka bigla ko nalang makasalubong ang isa sa mga kalaban.
A few seconds are enough for now to at least rest. Baka mas lalo lang akong ma-trap sa loob ng maze na 'to kapag nagtagal pa. I was about to commence finding my way out when I felt a sudden headache. Then a flash of memory suddenly lit up in my head.
FLASHBACK
Ang dami kong naririnig at iba't ibang mga mukha ng tao ang nakikita ko na nakapalibot sa akin. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari sa akin pero naaaninag ko na ilan sa kanila ay mga kaibigan ko kasama ang mga taong nakasuot ng cloak at formal suit na halos ilan sa kanila ay nakasuot ng maskara.
Nagtatawanan sila habang ako ay nakaupo lang na pinagmamasdan kung paano sila magsaya hanggang sa unti-unti na lang naging nakakatakot ang mga tingin at tawa nila. Natigilan ako nang biglang nasilayan ko na lang sa harapan ko ang mga kaibigan ko habang lumuluha silang pinagmamasdan ako. Lahat sila ay may hawak na baril at nakatutok 'yon sa akin.
I was betrayed. I was all alone at that moment. No one's out there to back me up.
Ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko hanggang sa naramdaman ko nalang na may marahang humaplos sa pisngi ko. I felt the warmth of his hand and it feels like I want to grab it and hold it tight and beg the owner to not let me go.
"I told you not to let your emotions lead your actions. You don't really know how to listen." I heard his voice but I couldn't see his face. It sounds familiar. I'm sure I heard it somewhere.
Gusto kong magsalita pero nakita ko na naman 'yong mga taong nakasuot ng cloak at naka-maskara. Lahat sila ay nakatingin sa akin na para bang gusto nila akong patayin.
Death is really hunting me.
"D-don't l-leave...p-please." Rinig ko ang boses ko pero para bang nanatiling tikom ang bibig ko. I don't know what's really happening. Pakiramdam ko, gising ang diwa ko but physically I was in deep sleep. I think, I'm having a nightmare.
"I won't. Just obey my command and trust me...You will be safe, hon. I promise." I heard him again until I felt my tears fall down my cheeks.
"Never ask anyone not even me to end your life because that's not how you play a game here." I cried so hard just by hearing his voice. I don't even know why. If this is really a nightmare, please, can somebody out there wake me up now?
"Now to end this. Shoot me, Zerina."
I was so sure that I wasn't carrying a gun, but I felt how my finger pulled the trigger, then I heard a loud gunshot.
END OF FLASHBACK
Literal akong natigilan nang maalala ko ang buong nangyari sa nakaraang training. Now, I understand. When I woke up after the treatment, I thought it was really a d*mn nightmare.
Hindi ba dapat mainis ako sa kaniya dahil siya mismo ang nagdala sa akin sa sitwasyong 'to? Pero bakit parang ako pa ngayon ang nakakaradam ng guilt?
"Hindi ko inasahan na matatapos ang lahat ng task at mararating mo ang pagkakataong 'to." Napasinghap ako nang marinig ko ang isang boses ng lalaki na ngayon ay nasa harapan ko na. Isa siya sa mga kasama ko kanina. D*mn, I almost forgot that I must hide at all cost.
"Hindi mo pa ba nasasagot ang card na hawak mo?" Tanong niya nang humakbang siya palapit sa akin kaya naman itinutok ko sa kaniya ang dagger pero wala man lang takot na mababakas sa galaw niya. "Easy lang. Nandito ako para tulungan ka."
Help? Me? D*mn him.
"H'wag kang lalapit kung hindi ako mismo ang tatapos sa buhay mo." Pagbabanta ko sa kaniya at matalim siyang tiningnan. D*mn myself! I could even utter such a threat when I know to myself that I'm so d*mn scared right now.
"Isipin mo, ako na lang ang pwedeng makatulong sa 'yo ngayon. Wala ng oras at ano mang pagkakataon, isa sa atin ang malalagutan ng hininga rito kung hindi ka makikipag-tulungan sa akin." Napangisi ako sa sinabi niya. Am I this too stupid for him to buy his alibi? D*mn this asshole!
"Then, it would be you who's going to die first." Matapang na sagot ko sa kaniya yet he doesn't mind.
Ipinakita niya ang hawak niyang gold na card. It was also a sequence of numbers but I'm not sure if it's also equivalent to the QWERTY keyboard layout. We had a different sequence of numbers anyway.
"Ayaw mo ba talagang lumabas dito ng buhay?"
Halos mawalan ako ng balanse nang bigla niyang hinawi ang kamay kong nakahawak sa dagger dahilan nang mabitawan ko ito. Sinakal niya ako paatras. "Matigas ka nga talagang babae ka" He was so desperate to kill me now.
Pilit kong tinatanggal ang mga kamay niya sa leeg ko pero mas lalo lang siyang nanggigigil na sakalin ako. "D*mn! L-let me g-go!" Pagpupumiglas ko pero masiyado siyang malakas. He pinned me on the wall dahilan nang mapadaing ako sa sakit. D*mn it! My back!
"Kung minamalas ka nga naman, tss!" Itinutok niya sa sentido ko ang baril habang ang kaliwang kamay niya ay nanatiling sakal ang leeg ko. Gusto kong lumaban pero wala akong magawa, hindi ako makahinga ng maayos at pakiramdam ko anytime mawawalan ako ng malay.
What's the match of my martial arts skill to his gun?!
"L-let me go, p-please." Pagmamakaawa ko na halos wala ng boses ang lumabas sa bibig ko. Naramdaman ko na lang na tumulo ang luha mula sa mata ko. "P-please, j-ust l-let m-me g-go." Patuloy kong pagmamakaawa pero mas lalo lang niya akong sinasakal to the point na halos wala na talaga akong maabot na hangin.
"Farewell, Ms. Lorico~"
"Hey, moron." Napaubo ako nang bigla akong bitawan ng lalaki dahil nilingon niya ang tumawag sa kaniya. D*mn it! That was too close to death!
I turned my head to see the other guy standing on our facade. Nakasuot siya ng itim na hoodie, itim na baseball cap, at itim na mask. Sa hitsura niya para bang bored na bored siyang pinagmamasdan kami habang nakasandal siya sa pader at nakapamulsa. I don't know but I guess I've already seen him somewhere.
Wait... Parang kabisado ko ang pormahang 'to. The stance especially...
"Sino ka?!" Pasigaw na tanong ng lalaki tiyaka ako hinila at sinakal gamit ang braso niya para gawing hostage. Itinutok pa niya ang hawak na baril sa lalaking naka-hoodie.
"I said l-let me go!" D*mn this asshole! Kanina pa sumasakit ang leeg ko.
"T*ng ina, manahimik ka!"
"Can't you hear? She said let her go." Bored na saad ng lalaking naka-hoodie.
Karan Avenue...it's him... The VIP. What the hell is he doing here?
"Sino ka para utusan ako?! Hindi mo ba alam na parusang kamatayan ang ginagawa mong pangengealam sa training na 'to huh?"
"And you don't know that what you are doing right now is worse than death?... Let her go before I could even lose my temper."
What exactly is happening here? Bakit napadpad dito ang VIP client ni Sir Nourhi?
"Dadanak muna ang dugo ng babaeng 'to bago mo ako mapasunod sa gusto mo, g*go!" Itinutok niya ang baril sa sentido ko and I was quick to close my eyes because the gun scares me. Anytime, pwedeng-pwede niyang kalabitin ang trigger. But then nakarinig ako ng mabilis na pagkasa ng baril.
I looked at the hoodie man, and he was already holding a gun. A gun? Is he also a part of...
"You know what?... F*ck you."
Before he could even pull the trigger, buong lakas at tapang kong inagaw ang baril na hawak ng lalaking may sakal sa akin, but he can't just let it go. I didn't know why did I even do that and where the hell did I get the courage to act recklessly? All I want is to fight.
Pinag-aagawan namin ang baril hanggang sa mawalan ako ng balanse dahil malakas niya akong itinulak. Napadaing ako nang maramdaman ko ang pagkakasalampak ko sa sahig. But everything just happened so quick. I heard three gunshots until the asshole's body fell down the ground. And I was left there shocked while looking at the dead body.
I looked at the other man who walked near the corpse. Wala man lang paga-alinlangan niyang inapakan ang dibdib nito.
"Motherf*cker" And he shot the guy's forehead for the last time.
Nanatili akong tahimik dahil hindi ko makuhang magsalita. The man looked at me pero hindi ko rin makita ang mukha niya. I don't really know what the hell is happening until he walked near me and sat in front of me para mapantayan niya ako, "Reckless"
I still couldn't say anything until he held my hand para tingnan ang gasgas na natamo ko kanina sa unang task. He even check my feet na nasaksak ng dagger kanina no'ng manyakis na lalaki sa kweba. Oh, that d*mn mother...well, nevermind. Nakaka-bwiset talaga ang demonyong 'yon.
"I hate too much bravery of someone when she even doesn't know how to better take care of herself." Pangangaral niya na obvious naman na ako ang tinutukoy niya.
Pinagmasdan ko lang ang ginagawa niya. Kinuha niya ang band aid sa bulsa ng suot niyang hoodie tiyaka tinapalan ang gasgas ko tiyaka niya ako tiningnan.
I don't know how would I explain this, but at that moment when our very eyes met, my heart suddenly went crazy. It wasn't due to fear. I felt nothing but being safe and secured with his presence here beside me. Epekto ba 'to ng pagod?
"Witless." Bigkas niya. Ayos na sana kaso sinabihan pa niya ako ng bagay na nagpainis sa akin kaya hinawi ko ang kamay niya. "Who the---" Magsasalita pa lang sana ako kaso bigla niyang itinali nang sintas ng boots ko.
"Stand up" Nauna siyang tumayo tiyaka ako tinalikuran.
Can't he even recognize me? Hindi ba niya maalala na ako ang secretary ni Mr. Nourhi na nautusang magpadala sa kaniya ng libro sa Karan Avenue? Sa mismong aprtment na tinutuluyan niya? And that he was the man who gave me the Urban Sonata book. Paano siya nakapasok dito by the way?
"What? Want me to carry you?" I was taken aback when he spoke, looking back at me.
"No, thanks. I'm good." Sarcastic na sagot ko tyaka buong lakas na tumayo. Pahakbang pa lang akong palapit sa kaniya nang umalingawngaw ang malakas na putok ng baril.
"Ms. Lorico!" That voice. Tandang-tanda ko ang boses niya. Ang boses ng matandang nagdala sa akin sa lugar na 'to. D*mn that old man!
"Don't look back." Matigas na utos ng lalaking naka-hoodie na ngayon ay nasa harap ko na. He's holding my nape na para bang yakap niya ako.
"Ellisse Zerina Lorico." Bigkas ng matanda sa buo kong pangalan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Para bang bumabalik sa isipan ko lahat ng ginawa nila sa akin bago ako idala rito. No, I don't want that to happen again.
"Pinahanga mo ako sa ginawa mo, pero mukhang sinuswerte ka yata dahil sa kahit na anong kapahamakan laging naililigtas ang buhay mo." Patuloy niya.
"If I were you, just shut the f*ck up or I will destroy you once and for all." He warned and that made me stay and trust him this time.
"Hanggang kailan mo ba planong mag-sakripisyo para lang ma-protektahan siya? Tingin mo ba sa dami ng kalaban mo, kakayanin mo?"
"What is he talking about?" Naguguluhan kong tanong but he just pulled me closer to his chest saying nothing.
"Tingnan na lang natin kung hanggang saan tatagal ang pagpipigil mo para ingatan ang posisyon mo at ang natatanging kahinaan mo." Wika ng matanda.
He swiftly switched our positions along with a loud gunshot. "F*ck!" Then I heard him curse in a furious tone.
Iniangat ko ang tingin ko at nasilayan ko ang mata niyang wala man lang dalang kahit na anong emosyon "Close your eyes, please." He pleaded pero parang maiiyak ako. D*mn what is wrong with me? Sinunod ko ang sinabi niya hanggang sa naramdaman ko ang pagbitaw niya sa akin.
My eyes are closed. Hindi ko magawang imulat ang mga 'to dahil para bang may kung ano sa loob ko ang nagsasabing manatili ako sa pwesto ko.
Napatakip ako sa tainga ko nang marinig ko ang isang putok ng baril na ilang segundo lang ay sinundan pa ng magkakasunod na putok. I can still hear it pati ang malakas na pagdaing dahil sa matinding sakit.
I prefer to keep my eyes closed, but just by hearing the shooting, I know how ruthless the scene is.
THIRD PERSON
"Nagsimula na po si Mr. Yoro, Mr. X." Turan ng isang lalaki sa kaniyang kausap mula sa kabilang linya habang pinagmamasdan ang nangyayaring eksena sa loob ng dark maze.
Habang pinagmamasdan niya ang pangyayari, napakunot siya nang marinig nito ang isang putok ng baril gayong wala pa naman sa plano ang magpakita't kaagad na umaksiyon.
[Too early huh? Does Yoro want to take down the Serpent Commander that badly? Without even considering to hear out my plan.] Saad niya nang marahil ay narinig niya rin ang putok ng baril.
"Ano na pong gagawin nating, boss?"
[Let him die. He chose his own death already anyway. He may now rest in hell.] Walang awa ang mababakas sa kaniyang boses.
Muling pinagmasdan ng lalaki ang eksena at nanlaki ang mga mata nito nang mapansin ang pagbagsak sa lupa ni Mr. Yoro. Ilang sandali pa matapos ang huling putok ng baril at marahas na eksena, napansin niyang nadako ang tingin ng naka-hoodie sa direksiyon kung nasaan siya kaya naman dali-dali nitong nilisan ang lugar.
He must already know something about the real opponent. Ang nasa isip nito.
ELLISSE ZERINA
"You're now safe." Rinig kong bulong niya at naramdaman ko ang mainit na palad niya sa pisngi ko kaya naman iminulat ko ang mga mata ko. Hinawakan niya ang kamay kong nakatakip sa tainga ko at marahan 'yong ibinaba habang ang tingin niya ay diretso sa mga mata ko.
"W-what did---" Naputol ang sasabihin ko nang bigla nalang niya akong yakapin ng mahigpit, "I'm sorry." Sobrang bigat ng paghinga niya at natigilan ako nang makapa ang basang bahagi ng likod niya. Napatingin ako sa palad ko at bigla na lang akong nadismaya nang makita ko ang dugo. Mabilis akong kumalas sa kaniya.
"What the hell did you do?! Did you just kill that man fo---" Inilapat niya ang hintuturo niya sa labi ko. "You're safe. That's all that matters." Hindi ko alam pero bigla na lang akong nakaramdam ng inis na parang maiiyak pa ako sa nahihirapan niyang kalagayan ngayon.
"We need to find the d*mn exit. Kailangan nating makalabas dito bago ka pa maubusan ng dugo. Kung bakit ba naman kasi nangealam ka pa?" Hinila ko siya't nagpatianod lang din siya. Teka, saan ba ang daan palabas dito?
"Brave but witless, tss." Napalingon ako sa kaniya tiyaka siya tiningnan ng masama. Parang hindi siya natamaan ng baril sa kondisyon niya at nakuha pa talaga niyang mang-asar. Kung wala lang talaga akong utang na loob sa kaniya, hindi ako magdadalawang isip na iwan siya rito.
"Just shut up, okay? Mamatay ka na nga lang, dumadaldal ka pa riyan."
...
"Look, I'm running out of blood. You sure you know the way out?" Tanong niya na mas lalo pang nagpa-pressure sa akin. Tumigil muna ako tyaka siya lumapit sa tabi niya. "What are you doing?"
"Manahimik ka kung gusto mo pang masinagan ng araw." Inirapan ko siya tiyaka inalalayan ang braso niyang hindi ko naisip na mabigat pala, but drop it. Sino pa ba ang ibang tutulong sa lalaking 'to kung hindi ako lang din na tinulungan niya kanina?
"I can walk alone, just---"
"Paano ka nga pala nakapasok dito?" Tanong ko nang hindi na pinapansin pa ang sasabihin niya. Panigurado alam niya ang daan palabas.
"Teleportation" Sagot niya kaya tumigil ako.
"Alam mo, kung hindi lang dinudugo 'yang likod mo, baka natadyakan na kita kanina pa. Umayos ka nga." Teleportation ang pinagsasasabi nito? Epekto na ba 'to ng tama niya? "Mukhang sa utak ka yata tinamaan hindi sa likod. Tss."
"Heart, actually" Sagot na naman niya. Napabuntong-hininga nalang ako't napailing bago siya ulit inalalayan. Hopeless abnoy.
"Ang tinatanong ko kung saan ka pumasok at dumaan papasok dito sa loob. For sure natatandaan mo pa 'yong direksiyon." Paliwanag ko.
"Yeah, I do. I remember. Well actually, I know every single details." Napakunot noo ako dahil sa sagot niya, para bang bigla na lang naging seryoso ang tono ng boses niya. "I clearly remember everything, how you led me the way to you." Tumigil ako sa paglalakad nang hindi siya tinitingnan.
"Want me to show you?"
What hell is wrong with this wounded man? Inalis niya bigla ang pagkaka-patong ng braso niya sa balikat ko kaya napatingin ako sa kaniya.
"You know what, I hate the way you upset me and it bothers me so bad to the point that it only deepens my desire to protect you." Nanatili akong tahimik dahil hindi ko inaasahan ang mga sinabi niya. Why? Why are you telling me this? Why are you doing this? Just who are you?
Nagulat na lang ako nang bigla siyang mapaluhod. Mahahalata ang panghihina sa katawan niya kaya naman kaagad ko siyang nilapitan.
"Alam mo kung ginagaya mo 'yong mga leading man na nagpapaalam bago sila mamatay, gusto ko lang sabihin sa 'yo na hindi mo bagay. Come on, stay still, we need to leave now." Nag-aalala kong saad dahil nakakainis ang mga sinasabi niya at ang mas lalo pang nakakainis, ayaw man lang niyang tumayo.
"You can now leave me here. Don't make a turn to the next right block. Take the straight path until you see the exit."
"Are you crazy? Ngayon ka pa talaga mag-iinarteng mag-stay rito?" Ano pang gusto niya, piggy back?
"Leave without me. Hindi nila ako pwedeng makita. They can't see us together. The success of your training must be your peak priority not anyone else's life. Go." Mas inisip pa talaga niya ang bagay na 'yon kaysa sa kaligtasan niya.
"No. Sa ayaw at sa gusto mo lalabas tayo rito ng magkasama. I can't let you die here!"
"I can handle this. Just do as I say, okay? I'll be fine." Utos niya dahilan ng maikuyom ko ang kamay ko. "That's an order." Hirit pa niya.
Gustuhin ko mang umapila pa, pakiramdam ko wala na rin akong choice kung hindi umalis ng mag-isa.
There's a feeling within me that pushes me to go back and save the man who saved my life pero pinilit kong kombinsihin ang sarili ko na magpatuloy sa paglakad palabas at h'wag ng lumingon pa. Halos hindi ko na nga namalayang nakalabas na ako ng maze.
"T*ng ina, akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo!" Naluluha akong sinalubong ni Friza pero hindi ko magawang makahinga ng maluwag. I should be happy, dapat nagdiriwang na rin ako dahil sa wakas natapos na ang lahat ng pag-hihirap ko. Pero hindi ko magawa dahil isang bagay ang bumabagabag sa isip ko.
I left without even trying my best to save the life of the man who just saved my life. Without him, hindi rin naman ako makakalabas ng ligtas sa maze.
Paano kung hindi siya makalabas? Paano kung nahuli siya? Paano kung hindi niya kayanin ang sugat niya? Hindi ko maiwasang isipin ang lagay niya.
Posible kaya na magkita pa kami ulit? Naiinis ako sa nararamdaman ko pero para bang may part sa akin na sinasabing, naiiba siya sa mga taong kabilang sa serpent society.
For sure, Mr. Nourhi knows him and I must know his identity so I could at least repay what he has done for me. Kahit simpleng pasasalamat man lang sana.
I forgot to even thank him...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top