Chapter 14


ZETHANYA YUI FELIZTRO 


"Nasaan 'yong iba? Bakit kayo lang ngayon ang nandito?" Nagtatakang tanong ni Friza nang makalapit siya sa mesa namin ni Daniella.


"As usual, they're dealing with some asshole thugs from the outside." Bored na sagot ni Daniella nang makaupo si Friza sa harap namin. "Ano ba kasing mayr'on? Bakit parang ang tahimik yata ng headquarter ngayon?" Nagtatakang dagdag pa niya dahilan nang magka-tinginan kami ni Friza.


Except from the gang at sa akin na Head ng Medic Team, wala ng nakakaalam sa nangyari kahapon. Hindi maaaring malaman ng kahit na sino man ang tungkol sa kondisyon ng Commander at 'yon ang mahigpit na bilin ng Royal Chief.


"Bakit ganyan ang mga mukha ni'yo?" Lahat kami ay napatingin kay Nick nang dumating siya kasama si Rix. "Dahil ba 'to sa nangyari kahapo---t*ng ina! Ano bang problema mo, Friza?!" Galit na wika niya at masamang tiningnan si Friza na pilit siyang nginitian sabay peace sign.


"What are you trying to say, Nick?" Curios na tanong Daniella kaya naman napatingin ako kay Friza at kay Nick na naghihintay rin kung sino ang magsasalita.


"Kasama ni Ellisse si Commander sa training niya kahapon." Inosenteng sagot ni Rix sabay kagat sa green apple na hawak niya. 


"Rix." Pabulong kong tawag sa kaniya tiyaka siya pasimpleng siniko. Hindi ba siya na-inform ng Chief? 


"Bakit? May nasabi ba akong mali?" Inosenteng tanong pa niya. What else can I do to this guy? 


"Wala bang training ngayon?" Lahat kami ay napatingin kay Ellisse na malamig ang mga tingin sa amin nang dumating siya. Kahit siya ay walang kaalam-alam sa buong nangyari.


"Wala si Creid at Axcel ngayon kaya bukas na ang next training mo...Pinapasabi nga pala ni Commander." Sagot ni Friza.


"Why about now? Nasaan ba ang Commander ni'yo? Baka naman naisipan muna niyang mag-out of country. Oh well, I guess, he has some underground transactions to deal with? Or kung hindi ako nagkakamali baka may inosente na namang tinotodas. Mafia boss afterall." We had nothing to say about that. 


Hindi niya pwedeng malaman at ng iba ang nangyari kay Commander dahil panigurado na kakalat sa buong headquarter ang tungkol sa nangyari. Everyone will be put in danger and we can't let that happen.


"Nasa Italy siya, at tama lahat ng hula mo. Nag-out of country dahil may inaayos siyang ilegal na transaksiyon. At bukas ang schedule niya para patayin ang mga maliliit na grupo ng mga gangsters na pakalat-kalat sa tabi." Lahat kami ay nadako ang tingin kay Rix na ngumunguya pa pagkatapos ay tumayo tiyaka hinarap si Ell. What is he talking about? Anong Italy ang pinagsasasabi niya?


"Ako at si Friza ang magiging training instructors mo para sa last tasks na kailangan mong matapos. 'Yon ang utos ng Serpent Commander." What? Napatingin ako kay Friza na mukhang pati siya ay hindi rin alam ang tungkol sa sinasabi ni Rix.


"Handa na ang lahat. Pwede ni'yo ng simulan ang training ano mang oras." Dagdag pa ni Nick tiyaka sumaludo. Seryoso ba silang dalawa?


"Let's now start, then." Malamig na sagot ni Ellisse tiyaka tinalikuran si Rix at naunang naglakad.


"Hoy, Rix g*go ka, seryoso ba? At pati ikaw, Nickolas?" Reklamo ni Friza. Napatingin kami sa dalawa na nagkatinginan pa bago sumagot.


"Si Jinno ang nag-utos sa amin, at galing ang official order sa commander-secretary." Paliwanag ni Nick tiyaka niya sinundan sa pag-alis si Rix. 


Nagkatinginan pa kami ni Friza nang makaalis sila. "No outsider is allowed to join the game, Friz." Kabado kong paalala sa kaniya.


"Alam ko at hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa kaniya." Matigas na sagot niya bago naglakad paalis na nakakuyom ang mga kamay.


Bakit kailangang ituloy agad ang training? Paano kapag may nangyaring masama kay Ell? Wala si Commander dito sa headquarter, pero isasabak ba talaga niya si Ellisse sa mas delikadong part ng training?


I thought he wanted to protect her...but why is he doing things that might harm her at the same time?




ELLISSE ZERINA 


Hindi ko maiwasang mapalinga sa paligid nang makarating kami sa isang creepy na lugar dito sa headquarter. Sa lawak ng teritoryo nila mayro'n pa talagang masukal na gubat dito sa loob.


"H'wag ni'yong sabihing nandito tayo para manghuli ng mabangis na hayop? Come on, pati ba naman hayop hindi pinapalampas ng magaling ni'yong Commander?" Reklamo ko sa kanila habang hinahawi ang mga malalaking dahon na nadaraanan ko. 


Lahat nalang yata balak niyang patayin. Baka pati insekto, tinitiris niya. 


"Mas mabuti kung gano'n." Hindi ako makapaniwalang tumingin kay Rix na nasa tabi ko. Tss.


"Nandito na tayo." Saad ni Friza nang makarating kami. 


May nakalagay na kulay itim na flag sa gitna at may tatak ito na kulay dark green na ahas. Sa pagkakaalam ko, 'yon ang pagkakakilanlan ng serpent society.


"Bilang pagtatapos ng training na ito, kailangan mong malampasan ang huling dalawang tasks. Ang complex level kung saan mahahasa ang mental capability mo." Panimula ni Rix.


"Mayroong anim na manlalaro sa unang task, at kasama ka doon, Ellisse." Dagdag niya. "Nahahati ito sa dalawang rounds. Para sa una, anim ang magiging kalahok na mayroong kaniya-kaniyang mga number, at malalaman ni'yo lang kung anong number kayo sa pamamagitan ng dice na mapipili ni'yo mula sa box na mapupunta sa inyo." Patuloy niya matapos iabot ni Nick ang box sa akin pati sa mga kasama ko. Bakit ako lang ang hindi naka-maskara?


"Buksan ni'yo na." Utos ni Friza nang sabay-sabay naming buksan ang hawak naming box.


"Walang sino man ang may kaparehong number, at ito ang tandaan ni'yo. Kayo lang ang nakakaalam sa dice number na nasa inyong kamay." - Rix


"Magkakasama ang lahat ng even numbers, gano'n din sa odds. Sa madaling salita, sa mismong simula ng training na 'to ni'yo lang malalaman kung sino ang kakampi o kaaway ninyo. Masusubok ang tiwala ninyo kaya maging alerto kayo sa galaw ng bawat isa, maging matalino kayong alamin ang motibo ng kalaban. Tandaan ni'yo, walang kahit na anong rules sa training na 'to. Naka-depende sa inyo kung paano ni'yo tagumpay na matatapos ang task." Nakahalukipkip na wika ni Friza.


"Oras na napatumba ng even numbers ang mga odds, o kabaliktaran. Ang matitirang tatlong players ang magpapatuloy para sa huling round." Dagdag ni Rix habang nilalaro niya ang dice sa kamay niya. Normal lang naman sigurong kabahan. 


"Para sa tatlong huling manlalaro, mabibigyan kayo ng panibagong dice. Magkakaiba ang kulay ng bawat isa. Pula, puti, at berde. Bawat kulay ay may katapat na quest na kailangan ninyong maisagawa sa loob ng dalawang minuto." Pahayag ni Nick habang hinahasa ang talim ng dagger.


"Ang mananalo sa unang task ang magpapatuloy sa huling bahagi ng training. Ngayon, may limang minuto na lamang kayo para simulan ang unang round." Huling wika ni Friza nang magsimulang magsialisan sa pwesto nila ang mga taong nakamaskara. 


Seriously?


Hindi ko alam kung saan akong part ng gubat nakarating, wala akong ibang makita kung hindi mga malalaking dahon, mga damo at nagtataasang mga puno. Medyo madilim pa kaya nangangapa ako sa dinaraanan ko. Habang hinahawi ko ang mga halamang nadadaanan ko ay napasinghap ako tiyaka biglang napalingon nang may maramdaman akong kaluskos sa likuran ko. D*mn it! Bakit ang bilis nilang makasunod?


Binilisan ko ang paglalakad pero hindi parin nawawala ang kaluskos mula sa likuran ko. Hindi pa ako nagsisimula, mamatay na kaagad ako? Sinubukan ko ang lahat ng makakaya ko para makalayo hanggang sa makaramdam ako ng pagod kaya naman tumigil muna ako para huminga habang hawak ang tuhod ko.


"Dumaan din ba sa ganitong training sila Friza?" Tanong ko sa sarili ko nang simulan ko ulit ang paglakad pero hindi pa man ako nakakahakbang nang...


"Ellisse Zerina Lorico." Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Hindi ko malaman kung babae ba siya o lalaki dahil sa boses niya na parang robot. 


"The newbie huh?" Marahan akong lumingon at mas lalo akong natigilan nang bumungad sa harapan ko ang baril niyang nakatutok na sa akin. "It's your time. May huling habilin ka ba?" 


Hindi ko alam ang gagawin ko, nagsimula na ring manginig ang mga kamay at mangatog ang tuhod ko. Aaminin ko, natatakot ako pero isang putok ng baril ang gumising sa diwa ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari hindi ko na namalayan ang mga eksena hanggang sa naramdaman ko na lang na may humila sa kamay ko papalayo.


Binitawan niya ako nang makarating kami sa isang lugar. Napahawak ako sa tuhod ko na abot ang paghinga ko. "W-who are you?" Hinihingal na tanong ko. Humarap siya sa akin at ilang sandali lang ay tinanggal niya ang suot niyang maskara. What the hell? 


"You're a girl?" Gulat na tanong ko. And she looks younger than me!


Hinagis niya sa akin ng isang bagay na muntik ko ng hindi nasalo. It's a dagger kaya naman hinila ko 'to mula sa laglagyanan ng blade. 


"You came here without any self-defense weapon? What do you think you are? A mythical creature who can blow your opponent in just one snap? Tss! Follow me." Sarkastiko at ma-awtoridad na utos niya na parang isang boss at ako ang utusan niya. 


Hindi ko siya kilala pero tingin ko isa siya sa mga nakakuha ng even numbers kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa na sumunod sa kaniya.


"Anong dice number mo?" Tanong ko sa kaniya habang nuuna siya sa paglalakad.


"Can you even stab me if I told you a figure contrasting yours?" Balik tanong niya nang hindi ako nililingon. Attitude.


"D*mn!" Napamura ako nang biglang may humila sa braso ko mula sa likuran. Naantig ako ng kaba nang maramdaman ko sa sentido ko ang pagkaka-tutok ng baril. 


"Ibigay mo sa 'kin ang dice number ni'yo!" Sigaw niya na halos mapangiwi ako dahil sa pagkakasakal niya sa leeg ko gamit ang braso niya. Napatingin ako sa kasama ko na nanatiling nakatalikod.


"Akin na ang dice number ni'yo sabi!!" D*mn this asshole! Nakakabingi ang sigaw niya. Humarap ang kasama ko sa amin at ngayon ay suot na niya ulit ang maskara niya.


"Let her go first." Mala-robot na utos niya, but the asshole behind me just pointed the gun to my companion. 


"Sinabi ko ng ibigay ni'yo sa akin ang dice number ni'yo!" 


Tiningnan ko ang kasama ko na wala man lang ginawa kung hindi humalukipkip at kahit na hindi ko makita ang mukha niya, sigurado akong nakataas na naman ang kilay niya. H'wag lang niyang sabihing hinihintay niya akong kumilos? Come on! Ako ang bihag dito.


"Bibilang ako ng tatlo at oras na hindi ni'yo ibinigay ang dice number ni'yo, pasasabugin ko ang ulo ng babaeng 'to!!" 


Marahan kong kinapa ang dagger na iniipit ko kanina sa belt ko. Nang mahugot ko 'to ay kaagad kong hinawakan ng mahigpit ang handle ng dagger at buong lakas na itinusok 'yon sa maskara ng taong nasa likod ko.


"T*ng ina!!" Nabitawan niya ako at marahas niyang tinanggal ang suot na maskara pagkaharap ko. Bigla ko nalang nabitawan ang dagger.


His right eye is bleeding dahilan nang manginig ang kamay ko nang makita ko kung paano dumaloy ang dugo sa kamay niyang nakatakip sa mata niya. Napatigil na lang ako nang bigla niyang itutok sa akin ang baril pero bago pa man niya ito maiputok ay naunahan siya ng kasama ko. Binaril niya ang kamay nito at sinunod ang magkabilang binti dahilan nang mapaupo siya. Hindi pa siya nakontento kaya nilapitan niya ito at tiyaka tinutukan.


"Please stop." Parang ako ang nasasaktan sa bawat pagdaing ng lalaking nakahiga sa sahig at hindi niya alam kung anong bahagi ng katawan niya na may tama ang dapat na hawakan. 


But my pleading statement became nonsense. Walang awa niyang ipinutok ang baril diretso sa noo ng lalaking tuluyan ng nalagutan ng hininga. 


"Weak people will never survive. You're letting your emotion decides to pity your opponent who must rather be eliminated. That's the awful quality of you that may lead you to death." Malamig na pahayag niya tiyaka ako tinalikuran.


Nanatili lang ang atensyon ko sa lalaking naliligo sa sarili niyang dugo. "Do you really think that killing is bravery? That I must do the same, for me to survive?" Nanatili akong nakatalikod sa kausap ko at naramdaman ko ang pagtigil ng yabag niyang papalayo. 


"Kailangan ko ba talagang maging marahas katulad ninyo para lang mabuhay?" Hindi ito ang buhay na gusto ko. Kahit kailan hindi ko pinangarap ang mabuhay sa ganitong mundo.


All I wanted was to be loved, but I lost my will to live because of that, and when I found the courage to live on my own again, ngayon ito naman ang pagsubok sa akin. 


"Killing the opponent is just part of bravery. Killing unwanted emotions that could possibly lead you to death is what bravery is. Using your heart in every situation is dreadful. You should always prioritize considering your brain's insight instead of making drama and complaints because if you don't, life becomes shitter." 


"My life is already shit and I'd rather live in the other world where there's no wicked people who could ruthlessly bring gruesome death to anyone." Kontra ko nang humarap ako sa kaniya pero nanatili siyang nakatalikod sa akin. If that place only exists. 


"Try to find a parallel world or you better create one... I just want to remind you that there's no perfect world or perfect human beings. Your fantasies will only create reasons for you to keep declining the fact that this is now your world and this is reality." Pahayag niya matapos niyang tanggalin ang suot na maskara tiyaka ako hinarap.


I clenched my fist. "This must be it, but this is the reality I will keep on resenting." Matigas na sagot ko sa kaniya tiyaka itinutok ang baril na palihim kong pinulot kanina mula sa lalaking pinatay niya.


"Shoot me if you can...but before you dare to, let me first remind you that you're too lucky to have someone who would do anything just to protect you despite how much you resent the fact about him and his world. I think that person is already out of his mind." Napakunot-noo ako sa sinabi niya. What the hell is she talking about? 


"What? Aren't you going to kill me? Go ahead." Matapang na hamon niya pero mas pinili ko na ibaba nalang ang baril. 


"Tss. Go back. Advance grief to your one last training." And then he turned around and walked away hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.


I don't get what was she talking about pero bumalik ako tulad ng sinabi niya.


"Ellisse!" Napatingin ako kay Friza na nag-aalalang lumapit sa akin, hinawakan niya ang kamay ko pero hindi ko na inabala pa na pansinin siya dahil para bang nalutang na lang bigla ang utak ko. D*mn it, Ellisse Zerina! Focus. 


"Maaari ni'yo ng buksan ang box." Namalayan ko ng nagsimula na ang last round nang biglang nagsalita si Rix. Pagkabukas ko ng box ay napatigil ako.


H I D E


'Yan lang ang tanging salitang nakaukit sa kulay puting dice na napunta sa akin. Ito ba ang quest? Ang magtago ako?


"Ellisse, ano pang hinihintay mo? Dalawang minuto lang ang last round." Natauhan ako nang biglang magsalita si Friza kaya naman mabilis akong umalis. 


Tatlo na lang kami, at wala na akong inaasahang kakampi ko sa ngayon. I'm all alone, at kalaban naming tatlo ang bawat isa.


Napatigil ako sa paglalakad nang makapasok ako sa isang kweba nang mapansin ko ang anino ng isang tao. Tinakpan ko ang bibig ko matapos kong magtago sa isang malaking bato. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko nang mapansin na papalapit sa akin ang anino. Ang kaninang isa ay bigla na lang naging dalawa.


"Nakita mo ba?" Rinig kong tanong ng isang lalaki. Teka, bakit sila nag-uusap? Aren't we enemies?


"Sigurado ako na nandito lang siya. Hindi siya basta-bastang makakalayo." So they made alliance against me huh? D*mn these assholes.


Marahan akong umalis sa batong pinagtaguan ko nang maramdaman ang mga yabag nilang papalayo. Hindi ko na alam ang lalabasan ko dahil ang daming pasikot-sikot na daan dito sa kweba. Sa paglalakad ko narating ko ang bahagi ng kweba kung saan makikita ang lagoon at sa taas nito ay may butas palabas na imposible kong maakyat. Dream, Ellisse Zerina. Aanhin ko ang baril at dagger sa pag-akyat?


"Nandito ka lang pala, Ms. Lorico." Biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko nang marinig ko ang boses ng isang lalaki. Hindi ako lumingon at nanatili lang akong nakatalikod sa kaniya. Think, Zerina!


"Kumusta naman ang pananatili mo sa headquarter?" Mahina akong napasinghap nang maramdaman ko ang kamay niya sa balikat ko. Pumunta siya sa harapan ko at nakita ko ang mukha niya. Isang pamilyar na mukha na sa pagkakatanda ko ay nakita ko na noong araw na binihag ako. Isa siya sa mga tauhan ng matanda na hanggang ngayon ay maliwanag ko parin nakikita ang mukha niya sa isip ko.


"Hindi pa ba kayo nakontento, huh?" Ramdam ko ang panginginig ng kamay ko dahil sa pag-hawak niya sa akin, "Don't touch me asshole!" Marahas kong tinapik ang kamay niya. Napangisi pa siya tiyaka pinaglaruan ang dala niyang baril.


"Pinapadali mo na naman ang oras, Ms. Lorico. Hindi ba pwedeng hayaan mo muna akong lumigaya kahit sandali lang?" Isang mapaglarong ngisi ang gumuhit sa kaniyang labi. Kaagad kong tinapik ang palad niya nang muli niyang tangkaing hawakan ang mukha ko tiyaka ko siya malakas na sinampal.


"Eh kung ingudngod ko kaya 'yang mukha mo sa magaspang na bato, huh?" Nakita ko ang pag-igting ng panga niya. Natigilan na lang ako sa gulat nang itutok niya sa noo ko ang baril. D*mn it! 


"Wala ka ng magagawa, babae. Ikaw na lang at ako ang natitira sa lugar na 'to." Kinikilabutan ako sa hitsura niya lalo na sa mga tingin niyang puno ng pagnanasa. 


"Nandito ka na pa---" Napalingon ako nang marinig ang isang boses ng lalaki kasabay ng pagputok ng baril na tumama sa noo niya hindi pa man natapos ang dapat na sasabihin niya. Bumagsak ito sa lupa at napatakip na lamang ako sa bibig ko nang makita ang pagdaloy ng dugo mula sa kaniyang ulo na tumama sa bato dahil sa pagkakabagsak niya.


"Ngayon, Ms. Lorico tayo na lang talaga ang nandito. Pwede na ba tayong magsimula?" Makahulugang tanong niya nang haplusin niya ang buhok ko.


"Demonyo! Wala kang puso!" Marahas ko siyang itinulak. Napangisi pa siya tiyaka muli akong nilapitan. Ni hindi ako makagalaw dahil sa hawak niyang baril na posibleng ano mang oras ay papatay sa akin.


"Malapit ng matapos ang dalawang minuto, ibigay mo na ang gusto ko. H'wag mo ng painitin ang ulo ko dahil baka mapatay kita ng wala sa oras. Ito nalang katawan ko ang painitin mo." Ikinuyom ko ang mga kamay ko at mariin akong napapikit nang maramdaman ko ang labi niya sa leeg ko. 


Itinulak ko ng buong lakas ang dibdib niya palayo sa akin at matama siyang tiningnan. I was looking at the gun he's holding. "Not me, asshole." 


"Wala kayong pinagkaiba ng Serpent Commander. Mukhang pati ikaw na muhing-muhi sa serpent ay naimpluwensiyahan na rin niya." Nakangisi niyang sagot bago ikinasa ang baril. D*mn, it's now loaded! 


"Wala akong katulad, kaya h'wag na h'wag mo akong igaya sa kung sino man sa kanila." Mariin kong pagbabanta sa kaniya tiyaka siya mabilis na inatake ng sipa na tumama sa hawak niyang baril dahilan nang mabitawan niya ito. Akmang kukunin na sana niya 'yon nang sipain ko 'yon palayo sa kaniya at muli siyang inatake ng isa pang sipa na tumama sa kaniyang sentido.


"T*ng ina! Matigas ka talagang babae ka huh?" Galit na saad niya tiyaka ako inatake. Mabilis ang galaw ng kamay niya kaya naman halos hingalin ako sa pag-iwas hanggang sa naramdaman ko na lamang na tumama ang paa niya sa sikmura ko dahilan nang mapaupo ako't napadaing sa sakit. D-mn! I can't breath.


"Binigyan kita ng pagkakataon pero sinayang mo." Hinihingal na wika niya.


"At anong tingin mo sa 'kin huh? Cheap na babae na papatulan ka? Tss, not even in your dreams, asshole. May saltik lang ang magpapainit diyan sa walang ka-appeal-appeal mong katawan." Sagot ko sa kaniya na mukhang ikinainis niya. That's it! Mainis ka lang. 


Naglakad siya para kunin ang baril pero hindi ko hinayaang tuluyan siyang makalapit do'n. Buong lakas akong tumayo at tiyaka mabilis na hinagis sa kaniya ang dagger na tumama sa binti niya dahilan nang mapaupo siya. Napangiti ako dahil sa ginawa ko. Now, I'm learning how to use it. Thanks to the previous training.


"T*ng ina ka talaga! Papatayin kita!" Sigaw niya nang hilain niya ang paa ko nang makalapit ako sa kaniya para kunin ang baril. Napadapa ako at napadaing sa sobrang sakit nang maramdaman ko ang matalim na dagger na isinaksak niya sa binti ko. Napangiwi ako sa kirot. Parang tumagos ang talim nito hanggang sa laman. Sinipa ko siya gamit ang kanang paa ko nang lapitan niya ako.


Buong lakas akong gumapang para makuha ang baril. "Magsasama tayo sa impyerno!" Saktong nakuha ko ito nang maramdaman kong palapit na siya sa akin, itinutok ko ang baril sa kaniya dahilan nang napatigil siya.


"Hindi mo 'ko kayang patayin, Ms. Lorico, alam ko 'yon. Alam ko ang kahinaan mo." Nakangisi niyang saad tiyaka tumawa.


Tama ang sinabi niya, hindi ko kayang pumatay, hindi ko kayang manakit dahil hindi ako lumaki sa mundong ito. Hindi ako namulat sa isang marahas na mundo pero sa pagkakataong 'to...maliwanag sa akin ang lahat. Once again, I need to choose myself over anyone else. I need to protect myself dahil walang ibang gagawa ng bagay na 'yon kung hindi ako lang.


Madami pa akong kailangang malaman. Lalo na sa 'yo, Commander. I need to know your weakest point to drag you down. You trapped me in this world without knowing I could be your biggest opponent. Try my capability till death but I swear, you can't always win because I will do everything to destroy you.


In the end, all I knew was I pulled the trigger many times until the gun was out of bullets...then a man's body fell down to the ground. 




SOMEONE 


I took off my gloves and threw them away in the trash can. I walked to the living room and put my gun on the table. I looked at the man whose currently sitting on the couch, particularly observing me since I arrived. I know he's waiting for a piece of good news, but if I am to define the boring adventure I took on, there was no good even the moment I met that woman. 


"Care to speak?" He coldly started when I chose silence over making noise as I decided to sit on the couch across from his. 


I looked at him. Crossed arms, I rested my back and I also put my left foot on top of the other. "Are you going to shoot me if I say I killed her?" I asked as I took a glance at my gun on top of the table between us. 


"None taken" 


I smirked at his cold response. "Well, she's doing good but not enough to reach your father's standard. She's brave and stupid at the same time. I wonder if her stupidity could lead her to win the last part of the training." I commented. 


Few seconds of silence when we heard heavy footsteps coming toward us. "Hey, old bro! I got something here!" I rolled my eyes as I heard my twin's voice. 


"Hey! Nandito ka na pala sis. Kailan ka pa dumating?" He enthusiastically asked as if he misses me very much and that it's been long years since the last time he saw me. 


He sat next to me as he put one of his ridiculous high-tech inventions on the table. "Alright, there you go!" And then he started pressing the controller. I rolled my eyes again. Why am I even still here? 


"I'm leaving" I stood up and was about to walk away when my dearest cousin spoke one last time... "Let me take you back..." He then stood up after he took the gun I left.


"I can go my----"


"Both of you. Take all your luggage. You're coming back to New York today." And that was the stupidest thing I've ever heard in my entire life. 


"We just got back here because you called us, telling us that you needed me to accomplish a task and now we're fleeing back again?" I couldn't stop myself to complain. 


"Now na talaga, older bro? Wala man lang bang palugit?" My twin seconded.


"Take all your things or I'll tell your mother right away that you were the one who burned the entire Morgailen Academy just because you lose one single point in your exam against your academic rival."


WTF! 


"That was almost eight years ago!" I exclaimed. 


"How about the mystery behind the lost finger of your previous Queen bee?"


"That was two d*mn years of history!" Can he just stop?! 


"Ahmm... Old bro, h'wag kang mag-alala, ako ng bahala kay sis, right-----"


I glared at him. A deadly one. "You better shut up..." 


"Or you might want me to inform your mother about the present transactions? That you two were importing illegal weapons from Russia."


"You commanded us to finish the job. I had my records." I looked at him sharply but no matter how deadly it seemed to be, I knew there was nothing that scares him. 


"Shall we show your mother the records, baby girl? Let's see who she's going to believe." He smirked and that makes me regret coming here in the first place. 


"I hate you, Renzo." I clenched my fist as I turned around and walked away. 


After asking me to save that woman? Tss! Did he just completely lose his mind after he took the shot of that poisoned gun? 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top