Chapter 13
THIRD PERSON
[Training?]
"Opo, Mr. Yoro. Dumating ang Serpent Commander at ipinatigil niya ang training nang halos muntik ng patayin ni Edward si Ms. Lorico." Pagbibigay-balita ng isang lalaki sa kaniyang kausap mula sa kabilang linya.
[Mukhang tama nga yata ang hinala ni Mr. X. Sumasang-ayon ang lahat ng kilos ng Serpent Commander sa inaasahan nating gagawin niya.] Nakangising sagot niya. [Ipagpatuloy mo lang muna ang pagmamasid habang wala pa tayong natatanggap na utos mula sa taas.]
"Masusunod, Mr. Yoro. Ako ng bahala." Sagot niya tiyaka niya ibinaba ang tawag.
Paalis na sana nang napalingon siya dahil sa narinig na mahinang kaluskos mula sa kaniyang likuran ngunit ni anino ng isang tao ay wala siyang nakita kaya dali-dali itong naglakad paalis ng lugar bago pa man may makahuli sa kaniya.
3 days later...
ELLISSE ZERINA
Marahan kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa paningin ko ang kisame. Sobrang tahimik ng paligid kaya naman inilibot ko ang paningin ko hanggang sa nahagip ng mga mata ko ang maskuladong likod ng isang lalaki.
Hindi ako gumawa ng ingay at pinagmasdan lang siyang nakaharap sa malaking bintana, hanggang sa nataranta akong pumikit ulit nang biglang tumunog ang phone niya. D*mn! Bakit ba ako natataranta? As if he's gonna kill me. Well as if takot naman ako. Tss.
"She's no longer YOUR secretary. In case you just forgot, she was never." He said to whoever he's talking with over the phone.
"Drop the worries... I know... Hell, yes... I'm on it... Just how many f*cking times do I have to f*cking tell you that she's now in good condition?"
Hindi naman siguro ako ang pinag-uusapan nila pero pakiramdam ko ako ang tinutukoy niya.
"Do you ever think that I'd even let her do as she pleases, knowing that she's only making herself prone to danger?... Not a surprise at all... Nah... Well, I don't f*cking mind. Let them try the devil and I'd gladly summon death for them."
Ramdam ko ang biglaang pagtindig ng balahibo ko sa sinabi niya. I felt his superiority through his words. 'Yong tipo na kapag sinabi niya ay talagang gagawin niya.
Ilang segundo na ang nakalipas nang wala na akong narinig pang kahit na ano kaya naman marahan kong iminulat ang mga mata ko at hindi ako nakakurap nang makita siyang nakatayo sa tabi ko habang walang ekspresiyon niya akong pinagmamasdan. Right hand on his pocket while the other was holding the phone placed on his left ear.
"Send me all the files I asked you to...Yeah, tonight. No d*mn excuses require."
"W-why are you here?" Nauutal na tanong ko nang ibaba niya ang tawag. D*mn, Zerina! Ano bang ginagawa mo?! Bakit ba nauutal ka? Where's your savageness huh?
"Your next training is going to start today. Prepare yourself." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Nakahilata pa lang ako parang pilit na niya akong pinapabangon.
Dahil sa inis ko ay bumangon ako kahit medyo kumirot pa ang ulo ko, but it doesn't matter anymore. "Hindi mo ba nakikita ang kalagayan ko huh?" Sarkastiko kong tanong sa kaniya, "Isn't obvious? Kagagaling ko lang sa bingit ng kamatayan, tapos uutusan mo na naman akong ibuwis ang buhay ko. Seriously? Wala ka na bang ibang matinong magawa kung hindi ang pahirapan ako? We didn't even have an agreement that I will take part of this society. May pa-training training ka pang nalalaman."
"Are you willing to sign a legal agreement, then?" Seryoso niyang tanong habang naka-krus ang mga braso niya sa harap ng kaniyang dibdib.
Humalukipkip ako tiyaka siya tinaasan ng kilay. "Tinanong mo pa talaga. Hindi pa ba obvious? Sino sa tingin mo ang matinong taong papayag na pumatay na mga inosenteng tao at magpa-kontrol sa batas mo?...Para sabihin ko sa 'yo hindi ako isang baliw para magpa-alipin sa isang tulad mo at lalong-lalo na ang maging parte ng samahang 'to. Go on, dream, Mr. Commander."
"Well, I already have countless lackeys everywhere, following any of my commands without any single defiance."
"So? What's there to boast? Lahat naman sila mga baliw at walang puso tulad mo."
"Crazy. Heartless. You may be right, but they're not as bull-headed as you, Ms. Lorico."
"Teka, ano'ng sinabi mo?" Tinanggal ko ang kumot kong nakatakip sa mga paa ko at pababa na sana ako sa kama kaso napatigil ako nang bigla niya akong lapitan na halos bahagya akong napaatras dahil sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.
"You heard it. They are not as bull-headed as you... Now. Can you behave yourself for a moment?" Napalunok ako. Ni hindi ako makagalaw sa posisyon namin at ang mas nakaka-tense pa ay ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
"I know how much you hate this but I can't just let you out." Bulong niya na diretso ang mga tingin sa mga mata ko. His eyes...hindi ko alam pero para akong nahy-hypnotize. "Whether you like it or not, you're now an official member of serpent society and you can't leave here with nothing else but my permission," Ma-awtoridad na saad niya tiyaka siya bahagyang lumayo sa akin at hinila ang kumot para takpan ang mga paa ko.
"Stay here and rest." Kalmadong patuloy niya pero nagbabanta ang boses niya. Tumalikod siya at handa na sanang umalis pero hindi ko hinayaang makalabas siya.
"I don't understand. Ano bang kasalanan ko? Ano bang nagawa ko sa inyo? Why do you have to put me through all of this shits?" Naguguluhan at naiinis na tanong ko pero nanatili siyang walang imik.
"Wala akong nakikitang dahilan para gawin niyo sa 'kin to. I didn't even remember having an illegal transactions to any mafia organization that might hurt Serpent's pride or what. So can you please, just....just let me go? Magiging nonsense din naman kapag isinumbong ko sa polisya ang ginawa ni'yo once na pinalabas ni'yo ako rito? So of course, I had no choice but to keep my mouth shut. No one's definitely willing to hear my story outside anyway, so please, can you just let me go?" Pakiusap ko. Naramdaman ko na lang ang pamumuo ng luha sa mga mata ko dahil sa sobrang inis ko.
"You defied my first command..."
"I did, yet it is still unfair!" Sigaw ko sa kaniya at doon ko na naramdaman ang tuluyang pagtulo ng luha ko. "You're unfair. This...everything is just so biased... All I want is to fulfill a task and get back to my job... Why does everything have to turn out this way?"
Finally, he turned around to face me, but there was still nothing but a void expression written in his eyes. "Because you're too good at abusing my power. Enough for you to force me to trade you over my throne. Do you think I will let you do that again, Zerina?" Natigilan ako nang banggitin niya ang pangalan ko. Why are you acting as if you know me better than anyone else?
"You will never leave this place. Never will I allow you to leave my territory. That's my order as the Serpent Royal Commander." Wala akong nasabi hanggang sa tumalikod siya but he stopped right there, facing the closed door, "I do not spoil a VIP no matter how special they are, Zerina."
Bumukas ang pinto hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. He left those words playing in my mind.
What does he mean? Does he really want to kill me or not? Kasi kung oo, matagal na sana niyang ginawa 'yon, but still, here I am, defying all his commands. Given the fact that he's heartless who spare no one, dapat una palang kinitilan narin niya ako ng buhay. Just what the hell is going on here?
.....
FRIZA GONZALES
"Nasaan na ba si Ellisse? Anong oras na wala pa tayong naisisimulan." Reklamo ni Creid habang kinakalikot ang isang baril.
"Ano ba talagang nangyari sa kaniya, ba't ipinagbawal pumasok sa VIP room?" Kunot-noo naman na tanong ni Axcel. Nanatili lang akong tahimik.
Wala akong alam matapos ang nangyaring training sa combat hall. Matapos idala si Ellisse sa VIP room wala na kaming natanggap pa na balita tungkol sa kaniya. Maliban kay Tanya na siyang kasama ng commander-secretary na nagdala kay Ellisse sa kwarto. Pero kahit si Tanya hindi rin namin mahagilap hanggang ngayon.
"Axcel!" Napatingin kaming tatlo kay Dhale na palapit sa amin. Napansin ko ang dalawang 'to, sila na lang lagi ang magkasama at nag-uusap. Akala mo naman may sikretong tinatago. Tss.
"Bilis ah. Miss mo 'ko kaagad?" Nakangisi bungad ni Axcel na inirapan lang ni Dhale. Napatingin ako kay Creid na seryosong-seryoso sa ginagawa. Tss! May sariling mundo na naman ang g*gong basagulero.
"I already have the list. Here." Sabay abot ni Dhale ng folder kay Axcel na nagpangisi sa kaniya nang buksan niya 'yon.
Napabuga ako ng hangin tiyaka tumayo at namili ng baril na nakapatong sa mesa malapit sa kanila. "H'wag ni'yo masiyadong seryosohin ang pagiging partner in crime baka kayo ang magkahulugan sa patibong." Pabiro ko habang pinagmamasdan si Creid na pokus sa ginagawa niya.
"Edi masaya! Handa naman akong saluhin si Dhale ng buong-buo kung sakaling mahulog siya sa patibong ko." Makahulugang sagot ni Axcel nang nakangisi tiyaka pasimpleng sinulyapan si Creid. Tss, pareho na naman kami ng iniisip ng g*gong 'to. Kung ba't ba naman kasi, Creid, t*ng ina lang talaga.
"Sorry, falling in love isn't my thing. Hindi gawain ng puso kong magpahulog sa patibong." Napatingin ako kay Dhale dahil sa hugot niya niya habang diretso ang mga tingin kay Axcel na akala mo naman nababasa nila ang iniisip ng isa't isa. T*ng ina nila, 999 times kung makapagtitigan parang may sariling lengguwahe. Mukhang sila pa ngang dalawa ang may chemistry kaysa rito sa nanahimik na basagulero.
"Let's start." Lahat kami ay napatingin sa nagsalita at natigilan ako nang makita si Ellisse. Nakasuot siya ng itim na crop top na long sleeve na hulmado ng maganda niyang katawan at 'yon ang nagbibingay angas sa dating niya isama mo pa ang tingin niya na mas malamig pa sa yelo. T*ng ina, ang ganda ng kaibigan ko!
"What? Hindi pa ba tayo magsisimula?" Nakataas ang kilay niyang tanong nang biglang ihagis ni Creid sa kaniya ang baril na muntik na niyang hindi nasalo.
"D*mn you, Creid!" Mukhang ayos na nga siya. Napansin ko ang braso at pisngi niya. At paano nawala ang mga galos niya ng gano'n kabilis?
"Umalis na ang hindi kasama sa training." Malamig na saad ni Creid na para bang pinariringgan si Dhale. T*ng ina ng dalawang 'to, daming arte sa buhay.
"Sabihan mo 'ko kaagad kapag may problema." Sabi ni Axcel. Tipid na ngumiti si Dhale bago tumalikod kaso itong Axcel na papansin may pahabol pa, "Text mo nalang ako kapag na-miss mo 'ko bigla, pwede rin tawag. One call away naman ako." May tinatago rin talagang landi ang isang 'to.
Humarap si Dhale sa amin pero hindi pinansin ang papansin, "Good luck, Ell." Halos pabulong na turan niya bago tuluyang umalis.
"Tss!" Ayan ang mapait na reaksiyon ni Creid pagkaalis ni Dhale. Sarap paliguan ng katas ng ampalaya ang g*gong 'to ah.
"Inggitero nagkalat." Pang-aasar ni Axcel. Isa pa 'to, hindi mawari kung ano'ng trip sa buhay. Sarap I-flash sa CR.
"Shut up, Naugsh." - Creid
Napabuga na lang ako ng hangin ng magsimula na naman silang magka-inisan.
"Sinabi ko bang ikaw?" - Axcel
"Obviously, who the hell would it be? F*ck you, moron." Malutong na mura ni Creid.
Nakaka-bwiset ang dalawang 'to. Kung pwede ko lang silang gawing abo siguro kanina pa sila tinangay ng hangin. Tss!
"Commander!" Napalingon ako nang biglang umayos ng tayo si Axcel at Creid tiyaka tumungo at ganoon din ang ginawa ko maliban kay Ellisse. Seryoso ba ang babaeng 'to? Hindi pa rin siya nadadala hanggang ngayon?
ELLISSE ZERINA
"Begin." Tipid na saad ng Commander nilang magaling tiyaka pumwesto sa gilid kasama ang isang lalaki na sa tingin ko ay ang secretary niya. Ano na namang pakulo 'to?
Let me guess. Since we're done with the physical enhancement and blades thing, siguro ngayon barilan naman. Tss.
"This is the second part of your training, the medial level. Tinatawag din itong emotional enhancement." Panimula ni Creid. Emotion? From the word itself, mukhang magiging malaking pagsubok ang training ngayon.
"Katulad ng nasabi na sa una, nahahati ito sa dalawang tasks. Una ang masked bullseye at pangalawa ang cloak-dagger enactment." Dugtong ni Friza nang bigla na lang naglabasan ang mga taong nakasuot ng pulang maskara na pumwesto hindi kalayuan sa harapan ko.
"Isa sa mga 'yan, dalawa o higit pa ang posibleng maging kalaban mo." Saad ni Axcel na tinutukoy ang mga nagsidatingang tao na balot ang katawan dahil sa itim na cloak at pati mga mukha nila ay natatakpan ng masakra. "Posible?"
"Ibig sabihin, nakadepende sa 'yo kung kalaban o kasama ang tingin mo sa kung sino man sa kanila. Sa madaling salita, sa 'yo nakasalalay ang desisyon kung sino ang iiwan mong buhay o patay."
WTH? Tama ba ang narinig ko?
"Seriously? P-papatayin ko sila?" Hindi ko makapaniwalang tanong. Anong klaseng training 'to? Patayan? As in we're gonna use a deadly weapon to lively kill these people?
"Tulad ng sinabi ko, nakadepende sa 'yo." Sagot ni Axcel. This is my greatest weakness, ang emosyon ko. Oras na nadala ako ng nararamdaman ko, hindi ko na alam kung anong magagawa ko at kung saan ako dadalhin ng isip at nararamdaman ko.
"Alalahanin mo, Ellisse. Walang rule sa training na 'to. Gawin mo ang buong makakaya mo para protektahan ang sarili mo, wala kang ibang iisipin kung hindi ang sarili mo." Patuloy ni Axcel nang ma-dismaya ako dahil bigla na lang may kung anong inilagay si Creid sa sentido at batok ko.
"What are you do---" Naputol ang sasabihin ko nang lumapit sa harapan ko si Friza at may kung anong inilagay sa dibdib ko. Para nila akong gagamitin sa isang experiment o kung ano pa man. After a few seconds, lumapit ang Commander sa harapan ko tiyaka iniabot ang isang baril. Isang hindi pagkaraniwang baril na kung papansinin ay may ukit itong serpent sa hawakan.
"Don't be reckless." Saad niya na matamang nakatingin sa mga mata ko na para bang pinapaalalahanan ako.
Akala ko kung ano ang gagawin niya nang bigla siyang lumapit sa akin. Malapit na malapit na halos napakakonting distansya na lang ang pagitan namin. "Never let your emotions lead your actions, hon." Bulong niya nang bigla ko na lang naramdaman ang maliit na patalim na sumugat sa leeg ko. Naramdaman ko pa ang marahang pagtulo ng dugo ko hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.
FRIZA GONZALES
"Kinakabahan ako para kay Ellisse." Bulong ko habang pinagmamasdan siya na pawis na pawis. Mahahalata na pilit niyang kinokontrol ang emosyon niya.
"Trust her. Malalampasan ni Ellisse 'to." Paniniguro ni Creid sa tabi ko habang nakahalukipkip.
"Mahihirapan siya kapag nagtagal 'to." Komento ni Axcel habang seryoso din na nakatingin kay Ellisse.
Nadako ang tingin ko kay Commander na walang ekspresiyon ang mukhang pinagmamasdan si Ell. Bakit ba ang hirap basahin ng iniisip niya?
"Aaaaaaaaahh!!" Napatingin ako kay Ellisse nang magsimula siyang dumaing. Bakas ang nararamdaman niyang kirot sa kaniyang mukha.
"Let me go! Please! Let me...D*mn! Stay away from me!" Sigaw niya na para bang may kung sinong humahawak at sumasakal sa kaniya.
Nasa ilalim siya ng isang mala-panaginip na eksena, at hindi biro ang masked bullseye para sa isang taong kahinaan niya ang kaniyang nararamdaman. Maaaring isa sa mga taong malapit sa kaniya ang maging kalaban niya sa isip niya o kahit na sinong tao na may malaking epekto sa emosyon niya. Alam ko ng ito ang magiging kahinaan niya.
"I said stay away from me!!" Halos hindi ko inaasahan ang pagkalabit niya sa gatilyo ng baril na tumama sa noo ng isa sa mga taong nakasuot ng itim na maskara. Kaagad itong tumumba.
"Nagsimula na siyang magpadala sa emosyon niya." Komento ni Axcel. Tama si Creid, magiging delikado para sa kaniya ang training na 'to oras na hinayaan niyang manalo ang nararamdaman niya.
"P-papatayin k-kita...Papatayin kita!" Para bang may kung anong pwersa sa loob niya ang pilit niyang pinipigilan.
"Lumayo ka na! Please!" At sa pangawalang pagkakataon, ipinutok niya ang baril sa isa pang naka-maskara na sinundan pa ng dalawa. Panandalian siyang kumalma pero mababakas padin mula sa mukha niya ang pakikipagtalo niya sa mga bagay na gumugulo sa isip niya.
"Liar..." Ilang sandali lang ay natigilan ako sa sunod niyang sinabi. Napatingin ako kay Axcel at Creid at sigurado ako na pareho kami ng nasa isip.
"Masama 'to sa kaniya, Creid. Kailangan na nating itigil 'to." Hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Akmang lalapitan ko na siya nang biglang hawakan ni Axcel ang braso ko.
"This is an order from the Royal Commander, Friza. Alam mo ang mangyayari kapag lumabag ka." Pagbabanta ni Creid na mahahalatang pilit ding pinipigilan ang sarili niyang h'wag mangealam.
T*ng ina! Wala akong magawa kung hindi panoorin na lang si Ellisse. Bakit sa dinami-dami ng pwedeng niyang isipin, kami pa? Bakit ngayon pa?
"I trusted you yet you destroyed the only trust I have for you that has been shattered before...P-para ni'yo na rin akong pinatay."
Mahigpit ang pagkakakuyom ko sa mga kamay ko. Kung alam mo lang. Kung alam mo lang na pati kami ay nasasaktan para sa 'yo, sobra-sobra pa. Kung alam mo lang sana ang buong kwento.
"Makakalabas ako rito. Sinisiguro ko na makakatakas ako sa ka-demoniyohan ninyo!" Nagulat ako nang bigla niyang itinutok ang baril sa ibang direksiyon at nakaturo 'yon kay Commander.
"Ellisse," Pagtawag ko nang mapatingin ako kay Commander na nanatiling blanko at malamig ang mga tingin kay Ellisse.
"Die now, asshole!" Nanatiling nakapakit si Ellisse pero mahahalata ang nagliliyab na galit sa ekspresyon ng mukha niya. Nakatutok lang ang baril kay Commander hanggang sa humakbang siya palapit kay Ellisse.
Hinawakan niya ang baril tiyaka nilapitan si Ellisse na para bang may kung anong ibinubulong. Nakita ko kung paano marahang pinunas ni Commander ang luha niya sa pisngi. Ilang segundo pa ang lumipas pero walang nangyari hanggang sa itinutok ni Ellisse ang hawak niyang baril sa kaniyang sentido. T*ng ina ano'ng nangyayari?
"Ellisse!" Sigaw ko pero pinigilan ako ni Axcel nang hawakan niyang muli ang braso ko. "T*ng ina, Axcel! Hindi mo ba nakikita ang nangyayari?! Mapapatay ni Ellisse ang sarili niya!"
"Ayoko rin sa ideya ni Tanya pero sa ngayon wala na tayong ibang magagawa kung hindi ang pagkatiwalaan si Commander." Kalmado niyang sagot. Paano nila nagagawang kumalma ni Creid? T*ng ina nila! Nakakuyom ang mga kamao ko nang muli akong tumingin sa kinaroroonan nila Ellisse. Mababakas sa mukha niya ang pagod, paghihinagpis, at takot.
Para bang may kung anong sinasabi sa kaniya ang Commander hanggang sa hawakan niya ang kamay ni Ellisse na nakahawak sa baril palayo sa sentido niya. Pero napakunot ako nang nang itutok ni Commander ang baril sa sarili niya. Sobrang bilis ng pangyayari hanggang sa umalingawngaw sa buong hall ang isang putok ng baril at hindi nagtagal ay bigla na lang napaluhod si Commander. Anong---t*ng ina!
"Commander!!"
P*tng ina!
"Take her to the infirmary." Ma-awtoridad na utos niya nang magmadali kaming makalapit sa kaniya. Kalmado man, pero t*ng ina, 999 times dahil mahahalata ang pagpipigil niya sa kirot na nararamdaman habang hawak ang kaliwang bahagi ng tiyan niya na puno ng dugo. Kaagad kong inalalayan si Ellisse at napansin ko ang hawak niyang baril at halos manlaki ang mga mata ko nang makita ko ang hawakan nito.
"German Poisoned Bullet." Pabulong kong bigkas. "C-creid" Nauutal kong tawag sa kaniya nang madala ni Axcel at Mr. Malriego si Commander paalis. Napatingin siya sa hawak ko at pati siya ay hindi rin inaasahan ang nakita.
"What the hell was he trying to do?" Naguguluhang tanong ni Creid na kahit ako ay 'yon din ang tanong ko.
"T*ng ina, anong pumasok sa utak ni Commander at nagawa niyang barilin ang sarili niya?"
Si Ellisse ba talaga ang kumalabit sa gatilyo o si Commander mismo ang nag-utos sa kaniyang barilin siya ni Ell? T*ng ina naman, gulong-gulo na ako!
THIRD PERSON
"Mr. Stanford, may balita po mula sa headquarter." Magalang na pag-ulat ng isang lalaki.
"Details." Tipid na pagbibigay-permiso niya sa lalaki para i-ulat ang nasabing balita.
"Ayon kay Mr. Malriego, nasa panganib po ang buhay ng Serpent Commander."
"What?" Gulat na turan niya na para bang nabingi siya sa balitang narinig.
"Isa pong german poisoned bullet ang tumama sa kaniyang lower left abdomen." Napahinga ng malalim ang Royal Chief dala ng pagkasiphayo bago tumayo.
"Don't let the news spread. This must be kept from the King and Queen." Matigas na utos niya bago naglakad palayo.
What does he think he's doing? That heartless man. Hanggang kailan pa niya ipagpapatuloy na i-sakripisyo ng palihim ang posisyon niya para sa kaligtasan ng isang babae? Ang naglalaro sa isip ni Mr. Stanford.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top