Chapter 12


FRIZA GONZALES 


"Time's up!" Tumigil si Ellisse sa pagsuntok sa punching bag tiyaka niya malakas na sinipa 'yon bilang huling tira niya matapos magsalita ni Creid. 


Aaminin ko na hanggang ngayon ay nabibilib parin ako kay Ellisse. Parang hindi ako makapaniwala na siya ang kasama namin ngayon sa training. 999 times, tu da max level, nakaka-t*ng ina ang kaangasan niya. 


"Ito ba ang training na tinutukoy ng Commander ninyo?" Nakataas ang kilay na tanong niya matapos niyang tanggalin ang gloves na suot. "Pakitanong sa kaniya kung wala na ba siyang ibang maisip." Tiyaka siya naunang lumabas.


"Hey, Friz. Kailan pa natuto si Ellisse na sumuntok at sumipa? Hindi ka ba nagtataka sa mga galaw niya?" Takang tanong ni Creid na malamang ay nagtataka rin.


Inaasahan ko nga na sa una pa lang susuko na siya. Hindi biro ang core exercises lalo na sa katawan ng isang nagsisimula pa lang sa mga physical training. Pero t*ng ina talaga, napaisip din ako. 


"Hindi kaya member din ng gang si Ellisse, hindi niya lang din sinasabi sa 'tin?" 


Nakakunot akong tiningnan si Creid. "Alam mo, t*ng ina ka rin eh no, Creid. Utak mo talaga sabog." 


Galit nga si Ellisse sa Serpent, at halos isumpa niya kami tapos siya mismo member din ng mafia gang? T*ng inang twist naman 'yon kung sakali. Creid talaga, madalas may lahing Nickolas. Tss! 


Nagtungo ako sa combat hall at nadatnan ko si Ell na tinitingnan ang mga iba't ibang klase ng armas na nakalagay sa isang direksiyon. 


"Pwede mong gamitin ang kahit na ano sa mga 'yan." Turan ko. Sa ngayon, malakas na ulit ang pakiramdam ko na susuko siya. Kung nagawa niyang magtagumpay sa unang task malaki ang posibilidad na dito na nagtatapos ang training.


"Don't look at me like I'm gonna lose against you." Natauhan ako dahil sa sinabi niya. Hinahaplos-haplos pa niya ang talim ng dagger. Wala man lang akong nakikitang pagkabahala o kahit na anong takot sa mukha niya. Hindi ko nakita noong dumating siya ang pagbabagong nakikita ko ngayon sa kaniya. Ang layo na pala talaga niya sa Ellisse na kilala ko noon. Ngayon ko lang napagtanto, t*ng inang 'yan. 


"Can we start?" Tanong niya nang makuha ang solo arnis stick. Buti nalang hindi 'yong dagger ang kinuha niya. Pero t*ng ina parin, seryoso na ba siya sa armas na pinili niya? 


"Come in!" Kasabay ng boses ni Creid ang pagpasok ng ibang members ng serpent gang. Tatlong blue belter at dalawang red belter. Tumingin ako kay Ellisse para makita ang reaksiyon niya pero wala akong ibang nakita kung hindi ang malamig niyang mga tingin sa kanila.


Anong iniisip mo, Ellisse? Pwede bang sumuko ka na lang? H'wag mo ng ipahamak ang sarili mo, parang awa mo na. 




ZETHANYA YUI FELIZTRO 


"Hindi ba si Axcel 'yon?" Napatingin ako sa direksiyon kung saan nakatingin si Daniella. Napakunot noo ako nang makita ang suot ni Axcel.


"May urgent operation ba sa labas?" Curious na tanong ulit ni Daniella kaya naman hindi ko maiwasang mapaisip until I remembered the message I got from Friza. Ngayon pala ang simula ng training ni Ellisse.


"Hey, Tanya! Saan ka pupunta?!" Pagtawag sa akin ni Daniella nang patakbo akong umalis. Hindi ko na siya nilingon pa. I need to see Ellisse.


Pagdating ko sa combat hall, hindi pa man ako nakakapasok ay natigilan na ako sa nakita ko mula sa fiber glass ng pinto. Totoo ba ang nakikita ko? Si Ellisse, napatumba niya ang isang blue belter ng serpent gang?


"Siya ba talaga ang secretary ng MCA? Grabe, sa sinabi mo humahanga na ako sa kaniya, ibang klase siya pre!" A guy from the gang commented bago nila pasukin ang hall.


Hindi na rin ako nagdalawang isip pang pumasok. Mapapansin na ang lahat ay tutok na tutok sa laban. "She's not an ordinary kind. Si Commander nga kaya niyang banggahin, 'yan pa kayang chosen gang member ng serpent bilang kalaban niya?" Rinig kong usapan ng ibang mga nanonood. Ang iba ay mga rooks at obviously lahat ng gang members ay nandito.


"What do you think, Tanya? Ano'ng masasabi mo sa kaniya?" Napatingin ako kay Creid na bigla na lang sumulpot sa tabi ko. Nakatingin lang siya kay Ellisse na makikita mula sa kinatatayuan ko ang talim ng mga tingin niya sa kalaban. Kung hindi ko lang siya kilala, hindi ako maniniwala na si Ellisse ang nakikita ko ngayon.


"How and when did she learn to fight like this?" Tanong ko habang pinagmamasdan siya na mabilis iniiwasan ang tira ng kalaban. She looks like a pro fighter.


"Ito yata ang epekto ng breakup nila ni Art eh. Iba talaga ang nagagawa kapag broken ka, tsk, tsk." Nick came with Rix. 


Kung gusto talaga ni Commander na protektahan si Ell then bakit pa niya kailangang itong isabak sa matinding training? Ellisse might get hurt or much worse, get killed. 




ELLISSE ZERINA 


Three men down. Ngayon, dalawa pa ang natitira. Dalawang red belter. Napansin ko ang pagdami ng mga taong nanonood sa amin. Ganito na ba talaga sila ka-interesado sa magaganap na karahasan?


"Sigurado ka ba na itutuloy mo pa?" Tanong ng isang isang lalaking pumwesto sa harapan ko matapos kong patumbahin ang tatlong kasamahan niya.


Napangisi ako. "Masiyado mo namang pinangangalandakan ang pagiging red belter mo. You may be good at misprizing me, but dare me baka maging puti 'yang sinturon mo kasama ng mata mo." Nangungutya kong sagot sa kaniya. 


Mahahalata na mainitin ang ulo niya dahil ilang sandali lang wala pa mang signal galing kay Creid ay kaagad na siyang umatake. Naalala ko bigla, wala nga pa lang rule sa bawat task. D*mn it! 


Sobrang bilis ng galaw niya na konting mali ko lang sa pag-iwas ay baka mapuruhan ako. Malayo at iba ang galaw niya sa tatlong naunang nakalaban ko. He's too fast like--


"D*mn!" Napamura ako sa sakit nang tamaan niya ng arnis stick ang kaliwang braso ko. Hindi pa man ako nakakakuha ng bwelo ay muli siyang mabilis na umatake kaya naman napilitan akong ibigay ang buong lakas ko para sanggain ang bawat pag-atakeng ginagawa niya.


"Sinabi ko na sayo, walang papupuntahan ang yabang at pagkukunwari mong matapang." Saad niya nang nakangisi nang ma-corner niya ako gamit ang arnis stick at ang braso niyang nakaharang sa leeg ko. 


"...You can freely do anything but we restrict you to execute any actions against our command."


"Sumuko ka na lang, Miss Lorico dahil kung hindi ito na ang----p*tang ina!!" Napahawak siya sa ibaba niya at halos mabitawan niya ang armas na hawak niya at namilipit sa sakit. Rinig ko pa ang mahinang tawanan at ibang mga reaksiyon ng mga nanonood kaya naman napangisi ako.


"Masiyado kang madaldal, sa susunod gamitin mo naman ang utak mo para hindi ka malamangan ng kalaban." Pangangaral ko sa kaniya tiyaka siya nilampasan.


"That was too harsh, Ellisse." Pailing-iling na komento ni Creid ng nakangiwi habang pinagmamasdan ang lalaking inakay na ng mga kasamahan niya palabas ng hall.


"No rules, hindi ba?" Sarcastic kong sagot tiyaka kinuha ang inabot niyang bottled water.


"Okay, next!" Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Hindi ko pa man nabubuksan ang bottled water, nagbigay na siya kaagad ng start signal kaya wala akong nagawa kung hindi ang magmadaling uminom tiyaka ako bumalik sa gitna ng hall.


Mauubusan ako ng lakas sa lagay na 'to. But anyway, this is the last, madali na lang 'to. Huminga ako ng malalim at inayos ang sarili ko para kumuha ng bwelo kaso hindi pa man ako tuluyang nakakaayos ay kaagad na akong inatake ng dagger ng kalaban ko na buti na lang ay mabilis kong naiwasan.


"Ellisse!" It was Tanya.


"Ngayon mo ipakita ang tapang mo, Miss Lorico." Nakangisi niyang panghahamon nang sandaling tumigil siya sa pag-atake. I only have a solo arnis stick. Wala sa training namin noon ni Ash ang paggamit ng kahit na anong patalim, o baril, or any deadly weapons. Hindi ako sanay sa ganito.


"Hinahamon kita!" Sigaw niya tiyaka ako mabilis na nilapitan na halos hindi ko na namalayan na nadaplisan niya ako sa kanang braso ko. Naramdaman ko ang hapdi pero wala na akong panahon para indahin ang sakit. Ikinuyom ko ang kamay ko at tiyaka mahigpit kong hinawakan ang arnis stick.


"Kung ang panghahamon sa akin ang ikatutuwa mo, hayaan mong ako mismo ang magpaligaya sa 'yo." 


Nilapitan ko siya at walang tigil na inatake hangga't hindi ko siya napupuruhan. Napangisi ako nang makitang malapit ko na siyang ma-corner pero nagkamali ako nang mabilis siyang yumuko para umiwas at hindi ko namalayan ang galaw niya papunta sa likuran ko.


"End game, Ms Lorico." Pabulong na saad niya nang sakalin ako mula sa likod habang nakatutok ang dagger sa leeg ko. Napapikit ako nang magsimulang matipid ang paghinga ko. Think, Zerina! Think!


"Mahina ka pa. Sinabi ko na sa 'yo Ell. Walang lugar ang mahina sa mundong puno ng karahasan. Kung patuloy kang magpapadala sa emosyon mo, ikaw ang talo. Kahit kailan, hinding-hindi ka mananalo, Ellisse."


Ash was right. Hindi ako pwedeng magpadala sa emosyon ko. Anyone who remains weak are losers. 


"Lagi mong iisipin kung paano mo po-protektahan ang sarili mo. No one else but yourself."


Ngayon ko lang napagtanto ang lahat. Ngayon ko lang naintindihan ang sinasabi ni Ash noon. Lahat ng sinabi niya na inakala kong puro mga salita lang na wala namang sense ay magagamit ko pala sa tunay na labanan.


"Ito na ang katapusan mo, Ms. Lorico." Bulong niya, mababakas sa tono ng boses niya ang tagumpay.


"Not yet, asshole." Pabulong kong sagot nang sabay sulyap ko sa military boots na suot ko. Mabilis kong hinawakan ang braso niyang nakaharang sa leeg ko habang ang isa kong kamay ay lakas loob na hinawakan ang patalim ng dagger para pilit na ilayo 'to sa leeg ko. Nakaramdam ako ng kirot pero hindi ko ito pinansin. Ramdam ko ang pag-tulo ng dugo sa kamay ko. 


Mabilis kong paatras na inapakan ng madiin ang paa niya dahilan nang mapabitaw siya sa pagkakasakal sa akin.


"T*ng ina!" Malutong na mura niya nang makaharap ako sa kaniya na hawak na ang paa niya. Hindi ako nagsayang ng segundo, kinuha ko ang pagkakataong 'yon para sungaban ng side kick ang mukha niya dahilan nang pagbagsak niya sa sahig.


"Mahina ka pa." Pangungutya ko sa kaniya tiyaka hinagis sa tabi niya ang walang kwentang dagger niya.


"Ellisse!" Kaagad akong nilapitan ni Tanya sabay kuha sa kamay kong dumudugo.


"Let me---" Inagaw ko sa kaniya ang pagkakahawak niya hindi pa man niya natatapos ang sasabihin niya. "Ako na." 


"Ten minutes, rest." Napatingin ako kay Creid matapos kong uminom. Anong sinasabi niya? It was the last. Napatumba ko na lahat ng kalaban, ano pang gusto niya?


"Hayaan mong si Tanya na ang gumamot sa sugat mo. Kailangang malunasan 'yan bago ka sumabak sa huling pagsubok ng task na 'to." Wika ni Friza nang makalapit siya sa amin dala ang isang kit na iniabot niya kay Tanya.


"What do you mean? Tapos na ang training na 'to." Inis at naguguluhan kong sagot.


"Hindi maaaring palampasin ang black belter ng serpent royalty gang." Napatingin ako kay Axcel nang makalapit siya sa amin sabay abot niya sa akin ng towel. "Ihanda mo ang sarili mo, Ellisse. Seryoso ang huling pagsubok na naghihintay sa 'yo. Tandaan mo, walang sino man sa amin ang pwedeng mangealam sa laban. Walang magliligtas sa 'yo sakali mang manganib ang buhay mo." Paalala niya na parang binabalaan na niya ako sa mangyayari.


As if I need them to save me. Simula nang malaman ko ang buong katotohanan tungkol sa kanila, itinatak ko na sa isip ko na walang ibang tutulong sa akin kung hindi ako lang din. Gano'n naman 'di ba? For some cases, at the end of the day, no one's there to help you at all but yourself. 


"Kung gano'n simulan na natin." Tumayo ako matapos mabendahan ang kamay ko. 


Nagsisimula pa lang ako dahil wala akong pagsubok na tinatanggihan. Pakulo kang Commander ka, baka ma-upper side kick talaga kita. 




THIRD PERSON 


"Commander, nagsimula na po ang laban." Pagbibigay-ulat ng isa sa mga nautusang miyembro ng serpent gang upang bantayan ang pangyayari sa combat hall.


"Keep on the watch" Malamig na utos niya habang nanatiling tutok ito sa librong kaniyang binabasa. Magalang na tumungo ang lalaki bago lumabas ng silid.


"Wala ka bang balak pumunta sa hall?" Kaswal na tanong ng kaniyang secretary habang pinagmamasdan siya na kalmadong-kalmado sa pagbabasa.


Nanatili itong tahimik bago binuklat ang sunod na pahina ng libro, "Are you instructing me, Mr. Malriego?" Pormal na tanong niya nang hindi man lang tumitingin sa kausap. Napabuntong hininga na lamang si Mr. Malriego tiyaka sumandal sa backrest ng sofa na kaniyang inuupuan.


"You're too pleased with her ability. Hindi mo na halos inalam na may kahinaan din siya. H'wag mo lang pagbubuntunan ng galit ang gang oras na may mangyari ulit na masama kay Ms. Lorico. Not again, Renzo." Pahayag niya. Ilang sandali lamang ay isinara ng Commander ang librong kaniyang binabasa,"I know her."


"Sigurado ka? Kilala mo ba talaga siya? Tama ba talaga ang pagkakakilala mo sa kaniya?" Paniniguro ni Mr. Malriego.


"Just what the hell are you trying to say?" May pagkainis sa tono ng boses na tanong niya tiyaka inilapag sa mesa ang librong hawak niya.


"H'wag mong sabihing hindi mo alam na hindi marunong gumamit ng deadly weapons si Ms. Lorico? Na hindi kasama sa training nila ni Ash Zane ang gumamit ng patalim o baril?" Nakakunot na tanong ni Mr. Malriego 


"What?"


"Sinabihan na kita tungkol dito, pero sinunod mo parin ang original training flow ng serpent. Tingnan na lang natin kung ano ang magiging kinalabasan ng desisyon mo." Sagot ng kaniyang secretary na tila nangongonsensiya. Napangisi na lamang siya nang makita ang pagkuyom ng kamay ng Commander.


"Learn to elaborate things first, Gilbert, otherwise, I will be the one to impose a sanction for you if something bad happens to her." Ma-awtoridad na turan niya tiyaka tumayo at nilisan ang silid. Napailing na lamang ang kaniyang secretary tiyaka niya ito sinundan.





Serpent, Combat Hall

ELLISSE ZERINA 


"Ayoko sanang tapusin ka, pero mapipilitan ako dahil sa pagmamatigas mo." Mapaglarong ngiti ang gumuhit sa kaniyang labi habang marahang hinahaplos ang talim ng kaniyang samurai.


Halos magkakalahating oras na yata kaming naglalabanan at kung iko-kompara ang kondisyon ko sa kaniya, halos tadtad na ang braso at hita ko ng mga sugat. Walang laban ang arnis stick na hawak ko dahil sa tuwing aatake ako ay mabilis niyang pinupuntirya ito kaya nawawalan ako ng lakas at balanse sa paghawak.


"Mukhang hindi ka talaga marunong sumuko, Ms. Lorico. Pagbibigyan kita, damhin mo ang hinagpis at poot ng huling araw mo rito!" Mabilis niya akong sinungaban ng samurai na kaagad kong nasangga gamit ang Arnis stick na pinili ni Axcel kanina. Nawawala ang lakas ng kamay ko dahil sa sakit ng sugat sa braso ko.


"D*mn you!" Buong lakas na itinulak ko ang samurai niyang nakasangga sa Arnis stick ko. Napaatras siya ng bahagya at hindi pa man ako nakakakuha ng bwelo para lapitan siya ay mabilis niyang nasugatan ang hita ko dahilan ng mabitawan ko ang armas ko tiyaka napabagsak ang tuhod ko.


Hindi ako pwedeng matalo. Hindi pwede.


Kinuha ko ang armis stick na nasa harapan ko pero hinawi niya 'yon palayo sa akin gamit ang armas niya. D*mn this asshole. Ang buong akala ko ay simpleng defense at offense lang ang laban, hindi ko lubos inasahan na ganito karahas ang tinutukoy nila Axcel.


"...Tandaan mo, walang sino man sa amin ang pwedeng mangealam sa laban. Walang magliligtas sa 'yo sakali mang manganib ang buhay mo."


Napahawak ako sa pisngi ko at napadaing sa hapdi nang maramdaman kong dinaplisan niya ito. Kung may kakayahan lang akong labanan siya ng patas, baka siya ang nasa posisyon ko ngayon.


"Hahanga na sana ako sa 'yo dahil sa walang takot mong paglabag kay Commander pero ngayon pinapatunayan mo kung gaano ka kahina." Mahigpit kong ikinuyom ang kamay ko dahil sa pangungutya niya.


Higit sa lahat, ayoko ng naaapakan ang pag-katao ko. Matalim ko siyang tiningnan at mababakas sa labi niya ang tagumpay na ngisi.


"Edward, that's enough." Rinig kong pagpapahinto ni Creid sa kaniya pero ang mga tingin ng kalaban ko ay nanatiling nakatuon sa akin. Sa mga mata niya makikita ang pagnanasang pumatay.


"Hindi ba may batas na sinusunod sa training, Creid?" Nakangising tanong niya habang nakatutok padin ang tingin niya sa akin. "Hindi matatawag na tunay na training ang isang training hangga't walang namamatay." Dugtong niya. Hindi ko binawi ang mga matalim kong tingin sa kaniya at pinilit kong tumayo. Sa bawat galaw na ginagawa ko, ramdam ko na para bang nabibinat ang bawat sugat kong nagbibigay ng hapdi at kirot. Hindi ka pwedeng magpatalo, Zerina. Hindi pwede. You have to freaking fight this asshole! You must! 


"Try me, then...Kill me if you can." Nanghihina kong panghahamon sa kaniya tiyaka siya nginisian.


"Ellisse! Stop!" Rinig ko ang nag-aalala at mangiyak-ngiyak na boses ni Tanya pero hindi ko siya tiningnan. Walang maitutulong ang emosyon dito dahil sagabal lang 'yon.


"Mukhang ito na talaga ang huling araw mo, Ms," Nakangisi niyang wika tiyaka inihanda ang hawak niyang samurai para isaksak sa akin. So this asshole is really going to kill me huh? Tss. 


Wala na akong magagawa kaya naman ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at hinayaang tapusin niya ang buhay ko pero ilang segundo na ang lumipas ay wala pa akong nararamdaman.


"Kill her, or I will destroy your flesh into pieces." Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at bumungad sa harapan ko ang kamay ng isang lalaki na mahigpit na nakahawak sa patalim ng samurai. Natigilan ako nang makita kung sino ang sumangga rito.


"C-commander." Hindi ko alam pero 'yon lang ang tanging lumabas sa bibig ko nang makita ko siya. Para akong napamura sa loob ko nang makitang dumudugo na ang kamay niya.


"Dapat lang siyang mamatay, Commander. May rule sa training na 'to hindi ba? Walang mahina sa serpent kaya dapat lang siyang mama---"


"Yeah, there is. And that rule is to kill those f*cking asshole who f*cking dares to touch my piece." Matigas na sagot niya na matalim ang mga tingin sa nakalaban ko. 


What's wrong with him? Hindi ba siya ang may pakana ng karahasang 'to? Why is he acting like he wants to save me? D*mn! Hindi man lang ba niya nararamdaman ang sakit ng kamay niya dahil sa patalim? 


"Commander!" Isang pamilyar na boses ang umagaw sa atensyon nang lahat. Sa pagkakatanda ko, siya ang royal chief.


"Take him to the warehouse." Simpleng utos niya tiyaka niya inagaw ang samurai at inihagis 'yon sa tabi.


"But Commander, this is training. We have rules. Only the King and Queen have the right to stop---"


"I said take him to the f*cking warehouse. Right now." Hindi ko man makita ang mukha niya, alam ko at mababakas sa boses niya ang nakakatakot niyang pagbabanta. So this is how superior he is? He could even command anyone without their King and Queen's approval?


"Commander..."


"F*ck off, Gilbert!" Tahimik ang lahat ng dinampot niya ang baril sa holster niya tiyaka 'yon mabilis na ikinasa. "Defy me once and I'll be the first and last devil you're gonna see." 


I don't know, but at that point, when I heard his sovereign voice, I felt a strange feeling within me. Isang pakiramdam na minsan ko pa lang nararanasan, yes, not even once with my ex. This man...I hate the most, he was the one who made me feel so. 


Safe and secured...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top