Chapter 11


FRIZA GONZALES 


"Commander" Magalang akong yumuko pagkapasok ko sa silid niya. "Pinapatawag niyo raw po ako." Hindi maganda ang pakiramdam ko sa kung ano mang utos ang ipagagawa niya sa akin. T*ng ina, kinakabahan na ako wala pa man siyang sinasabi.


"Ikaw ang napili ng Commander bilang training partner ni Miss Lorico. Ngayong araw ang simula ng page-ensayo ninyo." Diretsang pahayag ni Mr. Malriego na nakatayo sa tabi ni Commander. Sabi ko na nga bang hindi talaga maganda ang pagpunta ko rito.


"Pero Commander, hindi po sanay si Ellisse humawak ng baril, isa pa---"


"That's why you're going to teach her what she needs to learn." Seryoso at ma-awtoridad na sagot niya. Bakit ba sa dinami-dami ng pwedeng mautusan ako pa talaga?


"Objection?" Inayos ko ang tayo ko nang magsalita siya ulit.


"My apology, Commander." Paghingi ko ng paumanhin tiyaka ako bahagyang yumuko. "Masusunod po ang utos ninyo." 


Napasabunot na lang ako sa buhok ko nang makalabas ako. T*ng ina naman, 999 times! Hindi pa man nagsisimula pero nakikita ko na kung saan mapupunta ang training. Isipin mo na lang, si Ellisse 'yon. Si Ellisse Zerina Lorico. Hindi ba 'yon naisip ni Commander? T*ng ina eh kulang na nga lang ipakulam niya kami sa sobrang inis niya sa amin. 




ELLISSE ZERINA 


Kung hindi lang talaga ako gutom, hindi ako pupunta rito sa cafeteria nila para kumain. Pilit ko na lang kinukumbinsi ang sarili ko na makisama sa mga taong nakahahalubilo ko dahil 'yon lang ang tanging paraan para magtagal pa ako, at para makalabas ng buhay. Kailangan kong ibalik sa ayos ang lahat. If there's still something I can do even with a smallest chance I could ever take.


"Here, avocado smoothie. Favorite mo 'yan." Nakangiting saad ni Daniella nang makaupo siya sa harapan ko, kasama niyang dumating si Tanya at Nick.


"Here, kumain ka ng madami. Kailangan mo pang magpalakas." Sunod ay si Tanya naman ang naglagay sa plato ko ng pagkain. Seriously? What are they up to?


"Walang Italian Zucchini rito, Ell." Napatingin ako sa kararating lang na dumaan mula sa likuran ko para tabihan ako. It was Creid. "Hayaan mo kapag nagkita kami ng Head Chef, ipagpapaluto kita." Patuloy niya tiyaka ako kinindatan.


"Nambabae ka naman noh? G*go ka talaga, Creid. Di ka na nagtino." Asik sa kaniya ni Nick. Ano pa ba ang bago kay Creid? Hindi mabubuhay ng hindi nagpapalit ng babae kada linggo. Same old him, tss.


"F*ck you, Nickolas manahimik ka. Kahit isang araw lang naman kaya kong magpaka-good boy."


"Oh talaga? Sorry pre ah pero 'di kasi ako naniniwala sa himala." - Nick  


"What the f*ck?" 


"Hi, Ell." Napatingin ako kay Dhale na kararating lang dala ang ngiti. She's with Friza but when our gazes met, she was too quick to avert it.


"Can you move, Nick?" Pakiusap ni Dhale kay Nick na salubong ang kilay.


"Ba't ka pa kasi sisiksik dito? Eh pwede ka namang tumabi kay Creid." Reklamo niya nang mapatingin si Dhale kay Creid. Ibinalik ko na lang ang atensyon ko sa pagkain. Bakit ko nga pala pakekealaman ang mga buhay nila?


"You can sit here. Aalis na rin ako." Sagot ni Creid sabay tayo tiyaka umalis. Weird. Kadarating lang niya tapos aalis agad. Tss. 


"Pwede ba ako rito?" Iniangat ko ang tingin ko at nakita ko si Friza na nakatayo sa kaliwa ko.


"Do what you want." Malamig na sagot ko tiyaka muling ibinalik ang atensyon ko sa pagkain. Sitting with all my traitor friends is such an honor. 'Yon ba dapat ang maramdaman ko para makumbinsi ang sarili ko na magiging maayos din ang lahat?


"Nga pala, may pinapasabi si Commander." Panimula ni Friza. Ang marinig pa lang ang huling salitang binanggit niya, nagsisimula na naman akong mainis.


"Hindi mo na kailangang magpaalam na nautusan ka para ipahamak ang buhay ko. Ako ngayon ang makikiusap sayo, Friza....Kung sa hukay rin naman ang punta ko, then just kill me. Hindi naman siguro gano'n kahirap gawin 'yon para sa inyo 'di ba, since it's you duty afterall." Sarkastikong sagot ko.


"Ellisse" Napatingin ako kay Daniella na mukhang gulat sa sinabi ko. Nagpapakatotoo lang naman ako. 


"Ako ang magiging training partner mo simula ngayon." Patuloy ni Friza na ang tingin ay nasa pagkain. Training partner huh? Papatayin na nga ako ginawa pa talaga akong training partner. Tss, what's running in that asshole's mind? 


"'Yon lang ba?" Tanong ko tiyaka ko ibinaba ang hawak kong kutsara. "Pakisabi sa Commander ni'yo na hindi ako takot sa mga pakulo niya o sa ano mang batas na mayro'n sa lugar na 'to. Wala akong aatrasan kahit pa kapalit ng buhay ko. I won't trade my dignity over his awful commands." Tumayo ako tiyaka sila iniwan. Puro kalokohan ang mga naiisip nila. Wala na silang ibang ginawa kung hindi ang pumatay at kumontrol ng buhay ng iba.


Tumigil ako sa paglalakad nang maramdaman kong parang may sumusunod sa akin. Lumingon ako pero wala akong nakita. Hindi na ako nag-abala pang pansinin 'yon dahil baka nadadala lang ako sa mga nangyayari pero muli akong napatigil nang biglang may kung anong nabasag sa likuran ko. Kaagad akong lumapit sa pinanggalingan ng tunog at nang makaliko ako sa isang hallway nadatnan ko ang isang lalaki na nakayuko sa paanan ng isa pang lalaki. Siya 'yong kasama ng Commander noong nakaraan. 


"P-patawad po, royal chief. H-hindi ko po sinasadyang---"


"Alam mo ba kung magkano ang serpent vase na balak mong nakawin?" Tanong niya sa lalaking nanginginig sa takot habang nakayuko sa harapan niya. "The price is worth than your life."


What? Kailan pa nagkaroon ng presyo ang buhay ng tao? Ganito ba talaga sila rito? Sobrang baba ng pagtingin nila sa buhay ng iba, pati sa mga taong kabilang mismo sa samahan nila.


"P-patawad, r-royal chief. P-patawad. K-kailangan ko lang p-po talaga ng p-pera para s-sa----" 


"Take him to the jail." May awtoridad na utos niya sa mga kalalakihang nasa likuran niya.


Dahil lang sa simpleng vase? Seriously? Dahil hindi na naman ako nakapagpigil, nilapitan ko na sila tiyaka hinawakan ang braso ng lalaki bago pa man nila siya maidala sa sinasabi nilang jail.


"Hindi ni'yo siya pwedeng dalhin sa kung saan ni'yo gusto." Mapagmatigas na saad ko. "Hindi niya sinasadya ang ginawa niya, and you don't have the rights to impose any minor nor a major offence dahil lang nabasag niya ang isang vase. Aren't you one of the top wealthiest organization around the world? Where are your gold bars? Diamonds? Para vase lang hindi pa kayo makabili."


"And what do you think you're doing right now, Ms. Lorico? Hindi mo ba alam na ang paglabag sa utos ng mga royalties ay isang napakalaking kasalanan?" Para bang sinasabi niya na buhay ko ang nasa alanganin dahil sa ginagawa ko.


Sa halip na katakutan ko ang sinabi niya ay napangisi pa ako, "I'm just doing the right thing here which must be done. Hindi paglabag sa batas ng kung sino man sa inyo ang ginagawa ko. I told you, tanga nalang ang mag-ala tutang sunod-sunuran sa ipinagmamalaki ni'yong batas." Kontra ko tiyaka ako naglakad palapit sa kaniya ng ilang hakbang. "Well, speaking of law...Do yo even have a lawful ordinance, Chief? Right. None." Nangungutya kong patuloy. 


Masiyado silang mapagmataas dahil sa posisyon nila. What a nasty people. Mayro'n at mayro'n talaga 'yong mga tipo ng tao na sakim sa karangalan at kayamanan.


"This is your last warning, Ms. Lorico. Bitawan mo ngayon din ang makasalanang lalaking 'yan kung ayaw mong makarating ito mismo sa Commander." Pagbabanta niya na mas lalo lang nagpalawak ng ngisi ko. Praning nga talaga lahat sila. Sino ang tinakot niya?


Hinila ko ang kamay ng lalaki papunta sa likuran ko at matapang na hinarap ang sinabi ng royal chief. "Hawak ni'yo lang ang walang kwenta ni'yong batas pero hindi ang buhay ng kung sino man. You can't manipulate anything and anyone as you pleases." Mababakas ang pagpipigil niya ng galit. Sinabi ko naman kasing h'wag nila akong susubukan dahil hindi nila ako kailanman mapapayukod sa walang kwenta nilang batas.


"Take him to the warehouse." Isang malamig at pamilyar na boses ang narinig ko mula sa likuran ko kaya naman napalingon ako.


"Commander" At lahat sila ay tumungo pati ang lalaking pinatawan na ng kaparusahan. Nagawa pa talaga niyang igalang ang taong papatay na sa kaniya. Gano'n na ba siya kagalang-galang para yukuran? 


"Move or I won't spare no one" Pagbabanta ko sa dalawang lalaki na handa na para lapitan ang akusado. "Hindi ko kayo aatrasan." Matalim ang mga tingin ko sa kanila at mababakas sa mga mukha nila ang pagdadalawang-isip kung lalapit pa ba sila. Better not try me, assholes.


"Step aside, Ms. Lorico." Ma-awtoridad na utos ng Commander. 


Humarap ako sa kaniya at pinantayan ang mga tingin niya. "Takutin mo na lahat ng santo't demonyo, sinasabi ko sa 'yo, h'wag lang ako." 


"Ms. Lorico!" Sigaw ng royal chief pero hindi ako nagpatinag.


"Ellisse!" Napatingin ako mula sa likuran ng Commander at nakita ko sina Friza at Dhale na gulat sa eksena.


"Don't try to get on my nerve, Ms Lorico. I said move." Matalim ang mga tingin niya at blanko ang ekspresyon ng mukha niya. Napapangisi talaga ako kapag ganito ang hitsura niya.


"Ellisse, makinig ka kay Commander." At ngayon pati si Axcel ay dumating na rin. Makinig? Sa lalaking 'to na leader kuno nila? Oh please, hell no. 


"Try me, let's see---" Napatakip ako sa tainga ko nang umalingawngaw ang putok ng baril. I looked at the broken vase beside the accused. The bullet was from no other than the Serpent Commander. What the hell does he think he's doing?!


"Are you---" But then a loud bang echoed again at sinundan 'yon ng malakas na pag-atungal. I looked at the guy beside me. He's already holding his bloody arm kung saan tumama ang bala. D*mn it! 


Mabilis kong nilapitan ang akusado na hawak ang kaniyang tama sa braso habang mahinang dumadaing ito sa sakit.


"Umalis ka sa tabi niya kung ayaw mong dumanak ang dugo sa harapan mo." Matalim akong tumingin sa kaniya nang magsalita siya. "D*mn you!" Galit at nagngangalaiti kong mura sa kaniya. 


"Defy me again, Ms. Lorico, and you'll see what a real demon is."


Ikinuyom ko ang kamay ko tiyaka siya hinarap, "Let me see, then." 


Nanatili siyang nakatingin sa mga mata ko at hindi ako nagpatinag sa kaniya hanggang sa halos mabingi ako sa huling putok ng baril na galing mula sa kaniya. Ang bilis ng pangyayari, nakita ko na lang na biglang bumagsak ang akusadong lalaki sa sahig. Dumaloy ang dugo mula sa kaniyang ulo at halos mapatakip ako ng tainga sa sunod-sunod na putok ng baril na tumama sa iba't ibang bahagi ng katawan niya. Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko, wala akong maramdaman, parang bigla na lang namanhid ang buo kong katawan.


Namalayan ko na lang na nasa harapan ko na siya matapos ang madugong pangyayari sa harapan ko. Wala akong masabi't magawa kung hindi ang pantayan ang mga mata niyang diretsong nakatingin sa mga mata ko. "I told you, don't you ever try to oppose my command or I will be forced to trade you over my disposition."




ZETHANYA YUI FELIZTRO


"Sinabihan na kita tungkol dito, Ellisse, pero hindi ka nakinig." Halata ang inis sa boses ni Axcel habang pinagsasabihan si Ell na nakayakap sa tuhod niya habang nakaupo sa couch. Hindi namin masisisi si Commander, he's been like that. Ayaw na ayaw talaga niya ang nilalabag ang utos niya.


"Gusto ko ng magpahinga, please." Wala sa mood na sagot niya tiyaka naglakad papasok sa kwarto.


"Hindi tayo mapapanatag hangga't nagkakaganiyan si Ellisse. Ipapahamak at ipapahamak lang niya ang buhay niya." Pahayag ni Axcel na nakasandal sa pader. 


He's right, hindi magiging ligtas ang buhay ni Ellisse kung patuloy siyang lalabag sa utos ng Commander, hangga't hindi niya natatanggap ang lahat. Well, we can't blame her though, may trust issues na siya dahil sa past, tapos dumamay pa kami, siguro kahit ako ang nasa sitwasyon niya ngayon, mahihirapan din ako na tanggapin lahat. Everything was like a bomb she never expected to explode on her facade. 


"Wala na tayong ibang magagawa kung hindi ang sabihin na lang sa kaniya ang totoo." Napatingin kami kay Friza na mahahalatang sobrang stress sa mga nangyayari.


"Kilala mo si Ellisse, Friza. Hindi siya basta-bastang maniniwala at magtitiwala. Oras na nasira ang tiwala niya, mahirap ng ibalik 'yon. Tingin mo ba maniniwala pa siya sa kahit na anong sasabihin natin?" Sagot ni Axcel. 


Yes, it was our fault. We shattered her trust at sobrang pinagsisisihan ko ang lahat. Ngayon ko lang din naisip na sabihin man namin o hindi, malalaman at malalaman din naman niya. Sana noon palang sinabi na namin. We decided not to dahil alam din namin ang pinagdadaanan niya noon at ayaw naming dagdagan pa ang pasan niya. We had no choice but to keep it this long. 


"Eh anong gagawin natin? Tutunganga na lang habang inilalagay niya ang buhay niya sa bingit ng kamatayan?" Sarkastiko at inis na sagot ni Friza.


Should we tell her, then? Na nagmakaawa kami sa harap ng Serpent Commander para buhayin siya at ang Serpent Commander mismo ang nagligtas sa kaniya? It's impossible for her to believe us dahil para sa kaniya isang malaking kalokohan lang ang lahat ng 'yon.


"We can't tell her the truth." Pagsali ko sa usapan and they both looked at me."'Yon ang utos ni Commander." I added. Hindi ko rin alam ang dahilan niya at pilitin ko mang hulaan, wala akong mahanap na sagot. Why do we need to hide it from Ell? 


"Ano? Ibig mong sabihin mas gusto pa ni Commander na lagi siyang pinag-iinitan ni Ell ng ulo dahil nga sa wala raw kwentang batas ng Serpent? Mas gusto niya na sinisisi ni Ell ang samahan? Hindi gano'n ang pagkakakilala natin kay Commander, Tanya. Karapatan ni Ellisse na malaman ang totoo." 


"Let's just obey the Command, Friz. Alam naman natin kung paano magalit si Commander sa mga lumalabag sa utos niya." Kalmadong sagot ko. 


Things are uncertain right now, and the only thing we can do is to obey his command. Hindi ko masabi sa kanila dahil paniguradong hindi nila maiintindihan, but I have to understand the unseen reasons behind all this matter. Nagdadalawang isip ako pero wala akong ibang pamimilian kung hindi ang ipagkatiwala ang kaligtasan ni Ellisse sa kung ano man ang plinaplano ng Serpent Commander.




ELLISSE ZERINA 


"Ano? Kumusta? Handa ka na ba?" Habang naglalakad ako ay bigla na lang sumulpot sa tabi ko si Friza na nakapamulsa. What a sudden changed.


Hindi ako sumagot hanggang sa hinarang niya ako kaya napatigil ako. Nakapamewang siya na parang astang lalaki habang pinagmasmasdan ako mula ulo hanggang paa. Umiling pa siya tiyaka ako hinila.


"Ano ba, Friza! Saan mo ba ako dadalhin? Can you please let go of my hands?" Reklamo ko pero hindi niya ako binitawan.


"H'wag ka na lang mag-reklamo, Ellisse. Ako ang training instructor mo ngayon kaya ako ang masusunod." Sagot niya habang hila ang kamay ko hanggang sa makarating kami sa isang kwarto na puro locker ang laman.


Sa wakas ay binitawan na rin niya ako. Naglakad siya papunta sa isang direksiyon tiyaka binuksan ang locker at may kung anong kinuha roon. Matapos ay inihagis niya sa akin ang isang bagay na nakabalot sa itim na tela.


"Magpalit ka ng damit para komportable ka. Madami tayong gagawin ngayon at sinasabihan na kita. Hindi biro ang training na pagdadaanan mo kaya sumunod ka na lang." Seryoso niyang saad. 


I was about to complain nang bigla niyang takpan ang bibig ko gamit ang hintuturo niya. Just what she always does. "Hindi lang buhay mo ang nakasalalay rito, Ellisse pati ang buhay ko. Alam ko na hindi mo gugustuhing makasamang mamatay ang isang traydor kaya gawin mo na lang ang sinasabi ko." Patuloy niya nang matahimik ako. She claimed it, aminado talaga siya na isa siyang traydor. Tss.


Matapos kong nagbihis ay may isang lugar dito sa headquarter na pinuntahan namin. Salubong ang kilay ko hanggang sa makarating kami sa isang malawak na pavilion kung saan makikita ang mga taong gangster na gangster ang dating sa mga suot nila. They are all looking at me kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa suot ko.


"Ang angas mo naman sa suot mo, babe~" Sabay akbay sa akin ni Creid na bigla na lang sumulpot sa tabi ko.


Tinanggal ko ang kamay niyang nakapatong sa balikat ko. "H'wag mo 'kong sinusubukan sa kalandian mo, Creid baka ikaw ang mauna kong patayin." Halos mapatakip pa siya sa bibig niya matapos ang sinabi ko. I just realized what I said. Hindi ko namalayan ang sinabi ko at dahil sa mga tingin nila sa akin ay naglakad ako palayo sa kanila habang inililibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng lugar. What the hell did I just say? Papatayin? What's wrong is going on with me? 


"Nakakatakot ka pa lang maging knightress, babe---" Matalim kong tiningnan si Creid nang lapitan niya ako ulit. Itinikom niya ang bibig niya tiyaka nag-peace sign.


"Ano bang gagawin natin? Dali na at nang matapos na 'to." Inip na saad ko kay Friza nang bigla niyang sinenyasan 'yong ibang mga taong nandito sa pavilion. Isang tingin lang ay nakuha nila kaagad ang ibig niyang sabihin. Lahat sila ay umalis at tanging ako, si Creid, at Friza lang ang naiwan.


"Simulan mo na, Creid." Utos ni Friza. Tumingin ako kay Creid na pumunta sa harapan ko habang pinaglalaruan niya sa kamay niya ang isang baril na hindi ko alam kung kailan niya hinugot sa kung saan.


"Nahahati sa tatlong categories ang training. Beginner level, medial, at complex. Bawat category may dalawang tasks ang kailangan mong magawa." Paliwanag niya kasabay ng pagkumpas ng kaniyang kamay. Para lang akong sapilitang pinasok sa military training. 


"Walang rules sa pagsasagawa ng tasks, ang mahalaga ay matapos mo ang bawat level. You can freely do anything but we restrict you to execute any actions against our command." Patuloy na paliwanag niya.


"So what's the first task?" Naiinip na tanong ko.


"Physical enhancement." Sagot ni Friza. "The first task is the core exercise and the second one is the physical defense." Dugtong ni Creid. Ako ba ang pinagloloko nila?


Hindi ko alam kung dapat ko bang ikatuwa ang mga sinabi nila pero matapos 'yon ay napangisi ako. Physical enhancement huh? Ito na ba ang pakulo mo, Commander? Hindi ko inasahan na magagamit ko ang mga naranasan ko ng training sessions namin noon ni Ash. Not a bad thing anyway. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top