Chapter 10


FRIZA GONZALES 


"Ano ba'ng pumasok sa utak ni Commander at nagawa niyang ipahamak ang buhay ni Ellisse?" Naghuhumiyos sa inis na reklamo ko. Nasaksihan ko ang lahat ng nangyari sa castle at kung hindi lang ako pinigilan ni Axcel, baka naliligo na rin ako sa sarili kong dugo ngayon.


T*ng ina, 999 times! Sino ba naman kasing hindi mahihimatay sa gano'ng aksiyon kung kagagaling mo lang sa pagkaka-lason tapos wala pa ni ilang oras na recovery si Ellisse bago siya idinala sa kastilyo.


"Let's look at the positive perspective, Friz. Noong araw ng inauguration, hindi alam ni Commander na si Ellisse ang tinutukoy nating kaibigan. He didn't know anything, but when he did, he saved her life. Sa ngayon 'yon ang mas mahalaga." Depensa niya.


Hindi ako makapaniwala na pati si Tanya ay sang-ayon sa Commander. Tss! Mas kinakampihan pa talaga niya ang taong halos pumatay na sa kaibigan namin. Mataas ang respeto ko kay Commander pero ibang usapan na kapag buhay ng sino man sa mga kaibigan ko ang nasa alanganin.




Aris

THIRD PERSON 


"Nakarating na sa serpent ang koneksiyon natin patungkol sa organ trafficking, hindi pa man natin nako-kompleto ang lahat ng impormasyon tungkol sa ibang mga sekta at mga taong may malaking ambag sa paglago at posibleng naging sangkot sa paglubog ng Dark Soul." Pahayag ng isang babaeng nagngangalang Layla.


"Wala pa man malalang ginagawa ang Aris, pero dalawa na kaagad sa mga kasamahan natin mula sa Red Fox Club ang pinatay nila. Ngayon, isa na rin tayo sa mga kalaban ng serpent society." Dugtong ng isa pang lalaki na nagngangalang Kevin.


"Ano na ang plano mo ngayon?" Tanong ni Layla sa isang kasamahan nilang lalaki na kanina pa tahimik at malalim ang iniisip.


"It may not be easy for them to invade us pero alam ko ang takbo ng utak ng Serpent Commander. He's not a reckless man." Saad niya habang mag-isang pinaglalaruan ang mga chess pieces.


"Ano na ngayon ang gagawin natin?" Muling tanong ni Layla na abala sa pakikipaglaro ng baraha kay Kevin.


"Wala kayong sino mang gagalawin sa serpent gang. For the meantime, just be a spy and report everything to me." Sagot niya nang biglang bumukas ang pinto na siyang umagaw sa atensyon nila.


"May sulat po---"


"Throw it away." Pagputol niya sa dapat na sasabihin ng lalaki. Tila ba alam na niya kung ano ang bagay na matatanggap.


"Wala ka bang balak basahin ang sulat ng kapatid mo? Nakakailang padala na siya sa 'yo ah. Ni isa sa mga 'yon hindi mo man lang inabalang tingnan. Baka mamaya death threat na pala 'yang mga pinapadala niya." Nakangising pahayag ni Kevin matapos lumabas ang lalaking nag-abot ng sulat.


"Wala akong panahon sa kakornihan ng kapatid ko." Mapait na sagot niya.


"Kailan ba ang uwi niya? Hindi ba dapat ngayong taon ang pagbabalik-bansa niya kasama ng pinsan mo?" Wika naman ni Layla.


"The f*ck do I care? Just do your job and stop talking pointlessly." Inis na sagot niya tiyaka tumayo at naglakad palabas at pabagsak na isinara ang pinto.


"Ipagdasal mo na lang na h'wag munang bumalik ang kapatid niya dahil kung hindi, paniguradong malalaman at malalaman ng mga pinsan niya na siya ang naitalagang leader ng Aris Group." Suhestiyon ni Layla tiyaka inilapag ang isang baraha sa mesa.


Napangisi naman si Kevin bago niya ibinaba ang kaniyang baraha, "Tingin mo ba wala talagang alam ang kapatid niya hanggang ngayon?" Aniya sa mapaglarong tinig.


"Ano'ng ibig mong sabihin? Na posibleng alam na ng kapatid niya na si Kean ang namumuno sa Aris?" Nakakunot ang noong tanong ni Layla.


"Alam mo kung paano mag-isip ang mga katulad nilang nabibilang sa isang katangi-tanging angkan. Lumaki silang lahat sa mundo ng mafia at kung gusto man nilang sumali sa laro ng mga grupong may alitan sigurado ako na may kaniya-kaniya na naman silang plano." Wika niya tiyaka ibinaba ang huling baraha.


Sa ikalawang pagkakataon ay nabigo na naman si Layla sa kanilang laro kaya naman pagbagsak niyang ibinaba sa mesa ang natitirang baraha tiyaka tumayo at nayayamot na naglakad palabas. "Tapusin na lang natin ang 'pinapagawa ni Kean."




2 Days later...

ELLISSE ZERINA 


"Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Tanya habang abala siya sa pag-aaayos ng mga gamot sa kit. Do you really care? Sa halip na sumagot ako ay nanatili akong walang imik.


"Ito ang mga gamot na kailangan mo pang inumin para bumalik ang lakas mo. Baka hindi ako makabalik kaagad mamaya. I have to---"


"Just leave." Walang gana kong pagputol sa sasabihin niya. Kung painumin nalang kaya niya ako ng lason para tapos na 'to, tss. 


"Ellisse, I'm----"


"Hindi mo ba 'ko narinig? Ang sabi ko umalis ka na." Iritado kong sagot sa kaniya at nakita ko kung paano namuo ang mga luha sa mga mata niya. Aaminin ko na para bang kinurot ang puso ko, parang gusto kong bawiin ang sinabi ko but hell no. Bakit ba ang galing nilang umarte? Nakuha na nilang linlangin ako sa mga kasinungalingan nila at hanggang ngayon akala mo kung sino silang mga mabubuting kaibigan na nag-aalala para sa kaligtasan ko.


"I-i'm going then. H'wag mong kalilimutan 'yong gamot mo. Take care, Ell." Paalam niya. Napabuntong hininga na lang ako tiyaka tumingala sa kisame nang makalabas siya. Kailan ba ako makakalabas sa impyernong 'to?


Dahil nandito na rin naman ako, at malabo pa sa ngayon na makatakas ako wala na akong ibang choice kung hindi pansamantalang manatili na lang muna. Ayokong magsayang ng oras, kailangan kong makahanap ng butas na lalabasan ko.


Naisipan kong lumabas ng kwarto nang makaramdam ako ng pagkabagot. Habang naglalakad ako sa hallway, hindi ko maiwasang ilibot ang paningin ko, kahit saan ako tumingin, puro mga may disenyong ahas ang nakikita ko sa paligid. Mula sa pader at sa mga ilaw.


Napakunot ako nang biglang tumungo sa akin 'yong dalawang lalaking nakasalubong ko. What the hell was that? Hindi ko na lang sila pinansin at nagpatuloy sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa lobby. Mula sa baba tanaw ko ang ibang mga tao na sa mga suot pa lang nila, mahahalata ng members sila ng isang gang. Ano pa nga ba ang aasahan ko?


"Welcome to the mafia world, Ellisse." Napalingon ako at hindi nga ako nagkamali. It was Rix. Lumapit siya sa tabi ko at pinagmasdan ang mga tao sa baba. "Lahat ng taong 'yan, nabubuhay sila para sa batas at hustisya." Patuloy niya. Si Rix ba talaga ang kausap ko? Parang hindi siya 'yong kaibigan na nakilala ko. Ano'ng alam niya sa batas at hustisya? Ibang-iba na siya mula sa suot niya at sa pananalita niya. Para bang ang bilis ng pagbabago niya makalipas lang ang ilang araw ng pagdating ko.


"Hindi ba ang angas nila, Ell?" And now it's Nick. Siya naman ngayon ang tumabi sa kaliwa ko.


"Bahagi ka na ngayon ng lugar na 'to. Sa ayaw at sa gusto mo, Ellisse." Saad ni Rix.


Napangisi ako ng mapait dahil sa sinabi niya. Naririnig ba niya ang sinasabi niya? "Sino ang mag-aakala na ang mga kaibigan na itinuring kong pamilya na inakala kong nabubuhay ng normal ay bahagi pala ng isang samahan." I intently looked at him, "Isang marahas na samahan." Dugtong ko pero nanatili ang tingin niya sa mga tao mula sa ibaba.


"You are the best people I've ever met but I didn't know that one day, you'll become one of those people who can kill anyone. You are my friends but now, all of you are nothing but heartless thugs." Patuloy ko habang pinagmamasdan ko ang mga ka-uri nila.


"Hindi mo maiintindihan hangga't wala kang nalalaman, Ellisse." Ngayon ay si Nick ang sumagot sa akin. Kahit siya ay nanatiling nakatingin sa mga taong nagdaraan sa ibaba.


Napailing ako at sarkastikong napangisi. "Wala akong dapat malaman, Nick. Wala akong dapat intindihin dahil maliwanag ang mga nakita ko, at sapat ng dahilan ang pagkasira ng tiwala ko ng mga taong inakala kong pamilya ko." Diretsa kong sagot sa kaniya tiyaka sila iniwang dalawa.


Sila ang hindi makaintindi sa sitwasyon ko, dahil ni isa sa kanila hindi nila alam kung gaano kapait at kasakit masira ang tiwala.


"Ellisse!" Napalingon ako at nakita ko si Daniella na patakbong nilapitan ako. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" Nakangiting tanong niya na para bang walang nangyari. Anong gusto niya? Ngitian ko rin siya at sabihing 'oo ayos lang ako, ang saya ko nga dahil sa buong katotohanang nalaman ko tungkol sa inyo.'


"Ayan ka na naman, Ell eh. You're being serious again. Come on, ngumiti ka naman." Daniella will always be Daniella. Kung ayos pa ang lahat siguro napangiti na niya ako dahil sa nakakahawa niyang mga ngiti pero ngayon hindi na. "Halika, ililibot kita." Hindi ako nakaapila dahil kaagad niyang hinila ang kamay ko patakbo sa isang lugar kung saan tanaw ang buong field.


"Ito ang pinakatagong lugar dito sa headquarter. Bihira lang ang tao rito, kaya kung gusto mo ng peaceful spot, ito na ang pinakamatinong lugar. Ang headquarter's balcony." Pahayag niya tiyaka pumikit at nakangiting nilanghap ang malamig na hangin.


Dahil wala akong gana sa obvious na pagpapanggap niya. Tumalikod ako at paalis na sana nang muli niyang hilain ang braso ko. "Teka lang, nagsisimula pa lang tayo eh." Nakanguso niyang sabi tiyaka ako muling hinila papunta sa isa pang lugar kung saan naman makikita ang mga naglalakihan at lumang paintings. Parang isang art gallery ang kabuuan ng lugar.


"This is the Royal Museum. Ilan lang sa mga old paintings na nakasabit sa wall ang pinakaiingat-ingatang bagay rito sa headquarter." Namamangha ang mga matang paliwanag niya. "Ang lahat ng 'yan ay pinagka-gastosan ng Royal Queen kasama na ng iba pang mga treasures dito sa museum na halos ang iba ay galing pa sa ibang mga bansa." Dagdag niya. Mula sa mga sinasabi ni Daniella na treasures, hindi nakapagtataka na mamahalin nga lahat ng gamit na naka-display.


Pero hindi na rin ako magugulat, serpent society ang usapan kaya malamang kung kapangyarihan lang naman ang batayan, hindi nila problema ang malaking halaga ng pera. Kung tutuusin nga kayang-kaya nilang kamkamin ang kayamanan ng isang business tycoon. Kung gusto nilang mang-holdap direkta sa bangko, well they can, ang pag-patay nga ng harap-harapan nasisikmura nila, ang magnakaw pa kaya? 


"No doubt na galing ang lahat ng nandito mula sa illegal operation---" Natahimik ako nang biglang takpan ni Daniella ang bibig ko gamit ang palad niya. But she also removed it right away when I turned in silence.


"H'wag kang maingay baka mamaya may nagmamanman sa 'tin eh, baka marinig ka pa." Bulong niya.


"So? I can say it out loud kahit pa magpa-tawag ka ngayon dito ng urgent meeting at ako mismo ang mag-orient sa kanila. Besides, anong masama sa sinabi ko eh totoo naman." 


"Kung alam mo lang kung gaano kayaman ang King at Queen. Hindi na kailangan pa ng mga illegal transactions para lang makakuha ng malaking halaga ng pera. They already have the wealth..." 


"Wala akong pakealam okay? Kahit pa sila ang pinakamayaman sa buong mundo, hindi ako interesado." Diretsang sagot ko tiyaka nauna ng naglakad and for the third time she grabbed my arms again para hilain na naman ako sa isang lugar.


"Ito naman. This is the second sacred place of serpent. Ang lahat ng bagay na nakikita mo rito ay pagmamay-ari ng mga royalties." Paliwanag niya habang pinagmamasdan ko ang mga iba't ibang gamit na nakalagay pa sa loob ng glass box.


"Royalties?" Tanong ko nang maagaw ng atensyon ko ang isang inukit na display na hulmadong serpent.


"Yep, Royalties ang tawag sa posisyon ng King at Queen, at ang kanang-kamay nila na walang iba kung hindi ang Serpent Royal Commander na siyang kasalukuyang namumuno sa buong headquarter. Pati ang Royal Chief na siyang kasalukuyan namang lead ng serpent gang. Sila ang mga high-positioned na iginagalang ng mga knights at rooks." Paliwanag niya nang lapitan niya ako habang pinagmamasdan ko ang makintab na serpent display.


"And who are the knights and rooks? Sila ba ang mga walang pusong inuutusang pumatay?" Diretsa kong tanong. Obviously, 'yon naman talaga ang gawain nila. Ang kumitil ng buhay. May kanya-kanya pa talaga silang titulo eh pare-pareho lang din naman silang mga mamatay tao, tss. 


"Magka-iba ang trabaho naming mga knights sa rooks." Napalingon ako. It was Axcel. "Knights at knightresses ang tawag sa mga miyembro ng serpent gang. May dalawang namumuno sa grupo, ang royal knight at ang royal knightress na kadalasang laging magkasama sa iisang misyon." Pahayag niya habang pinagmamasdan ang isang dagger na mayro'ng kakaibang disenyo mula sa glass box.


"Ang royal knight at ang royal knightress kasama ng gang ang nagsasagawa ng mga private operations katulad ng sinabi mo." Patuloy niya tiyaka niya ako tiningnan. "Kami ang naaatasang kumitil ng buhay." Saad niya. Paano mo nasisikmurang ipagmalaki ang ginagawa mo, Axcel?


"Rooks naman ang tawag sa miyembro ng mga nasa grupo ng caswarian. Ang tanging trabaho nila ay dito lamang sa loob ng headquarter. Nahahati sa dalawang grupo ang rooks, ang CIT o tinatawag na Central Information Team. Trabaho nilang magbigay ng sapat na impormasyon sa gang patungkol sa mga kaso para iparating ito sa mga royalties. Pangalawa, ang Med Team na kinabibilangan ng mga propesyonal na mga doctors at nurses." Dagdag na pahayag niya. 


"Ngayon na bahagi ka na rin ng society, kailangan mong malaman ang tungkol sa serpent rules."


That made me raise my brow, "Who said that? Hinding-hindi ako magiging bahagi ng samahang 'to. Never in my life, Axcel." Pagmamatigas na sagot ko. Wala silang karapatan para kontrolin ako. Hindi 'yon mangyayari.


"Hindi pa ba nasasabi sa'yo ng Commander, Ell?" Kunot-noo akong napatingin kay Daniella.


"Oras na nabahiran na ng dugo ang kamay mo, isa ka ng opisyal na miyembro ng serpent society. 'Yon ang patakaran sa lugar na 'to, Ellisse." Patuloy ni Axcel. Anong mga sinasabi nila?


"H'wag ni'yo akong igaya sa inyo. I'd better die than be part of your d*mn society." Matigas na depensa ko. Hindi ako kailanman mabubuhay sa sinasabi nilang batas.


"You killed, Mr. Chen, Ellisse. 'Yon ang alam ng buong samahan, na ikaw ang bumaril sa kaniya. In that case, you're now an official member of Serpent." Paliwanag ni Daniella tiyaka napayuko.


Sarkastiko akong natawa, "Really? I mean, are you d*mn serious, Daniella? Ako? Papatayin si Mr. Chen? So, hindi lang pala kayo mamamatay tao, gawain ni'yo rin pala ang mam-bintang ng kasalanan sa mga taong wala namang kaalam-alam." I paused gathering the next words to say. Tiningnan ko siya ng diretso kahit na nanatili siyang nakayuko. "Kahit kailan sa buhay ko hindi ko magagawang kumitil ng buhay kahit pa gaano kasama ang isang tao. Hindi ko gawain ang pumatay, Daniella." 


"Ellisse." Tiningnan ko si Axcel na seryosong nakatingin sa akin. "Paalala lang...H'wag na h'wag mong susubukan ang Serpent Commander. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin." Dagdag niya na parang binabalaan ako.


Pakiramdam ko ay hindi ako titigil na tumawa ng pa-sarkastiko dahil sa mga sinasabi nila. "Ano bang mayro'n sa Commander na 'yon? Ibig ba niyang sabihin na kapag nilabag ko ang batas niya, kapalit ang buhay ko? Oh well, then it's an honor to be killed by your highly-reputable royalty. Bakit hindi nalang niya ako patayin? Obvious na obvious naman sa akin na wala akong kainte-interes na sumunod sa pinagmamalaki niyang batas...Mangarap na lang siya at sino siya para kontrolin ako? Magkasubukan muna kami, tingnan ko lang kung sino ang hindi makatagal." Matapang na sagot ko. Not me, asshole. 


"E-ellisse" Napatingin ako kay Daniella na para bang nakakita ng kung sinong nakakatakot na tao. Lumingon ako at pagkaharap ko ay natigilan ako nang makita kung sino ang nasa harapan ko.


"Too much bravery huh? Do you really want to try me, Ms. Lorico?" Nakangisi niyang tanong. Parang nawala ang kabang naramdaman ko kanina dahil sa inaasta niya. Tinaasan ko siya ng kilay tiyaka ko pinantayan ang mga tingin niya.


"No. You better try me. Para sabihin ko sa 'yo wala akong pagsubok na inaatrasan kahit pa kapatid mo si kamatayan—which is hindi naman maikakaila...I told you, you have three choices..." I raised my index finger, "...bitayin mo ako, barilin tulad kung paano binaril si Jose Rizal, or better ipatapon nalang sa bermuda triangle. Well, I prefer the latter, but anyway your command afterall." Matapang na sagot ko. 


He smirked.  Lumapit siya sa tainga ko na parang wala man lang siyang pakealam sa dami ng sinabi ko, "I love your ideas, hon, but if it's you I'm gonna kill, let me do it the gentle way." D*mn! Parang bigla na lang akong kinilabutan sa boses niya. Pakiramdam ko kinabahan ako bigla, but hell no! 


I clenched my fist trying to lessen the inexplicable heaviness within me, yet I still managed to move closer to his ear as well, "I'd love that, Commander. The gentle way it is..." Lumayo ako ng bahagya para pantayan ang tingin niya nang hindi inaalis ang ngisi sa labi ko. "Oppress me with your command and I'll suppress your power with my principle."  

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top