PANIMULA

"Senyorita... maaari bang-"

"-ising! Oi, gising na Luna Baleriyaaa! May pupuntahan pa tayong wedding rehearsal, uy!"

Napamulat si LV at dahan-dahang bumangon. Nilingon niya ang pinsan niyang walang tigil sa panenermon habang hinahawi ang mga kurtina sa kwarto niya.

"Ate Clara? Anong oras na?" aniya habang kinukusot ang mga mata.

"Siyempre, tanghali na! Balak mo bang ma-late sa rehearsal? Ang hirap mong gisingin nakailang yugyog na ako sa'yo kanina. Akala ko pa naman binabangungot ka na."

"Rehearsal?", nagtatakang tanong niya.

Napuyat siya nang nagdaang gabi sa kakagawa ng disenyo para sa bago niyang project kaya medyo lutang pa ang utak niya. Idagdag pa na tila galing siya mula sa mahabang panaginip. Hindi siya sigurado pero alam niyang bago siya nagising ay may narinig siyang boses na napakapamilyar gayong unang beses pa lang niya iyong narinig sa buong buhay niya. Baka nga epekto lang iyon ng ilang araw niyang pagpupuyat at kung ano-ano na ang napapanaginipan niya.

"Juicecolored! Pati kasal ng bestfriend mo nakalimutan mo na?"

She snapped her fingers upon the realization.

"Ah, yes. Nawala sa isip ko na ngayon pala ang araw na iyon. I'm sure Maggie would understand if I'm a bit late. Sanay na iyon na lagi akong nawawala sa kabihasnan."

"I'm surprised at how forgetful you are with things like these when you have a photographic memory. Mas nakakagulat rin na may kaibigan ka pa pala kahit lagi kang sabaw."

Hindi na siya nagkomento pa dahil base sa pagkakakilala niya sa nakatatandang pinsan, hahaba lang ang usapan kapag pinatulan niya pa ang sinabi nito. Bumangon siya mula sa higaan at tinungo ang study table kung saan nakapatong ang kanyang laptop. At gaya ng inaasahan niya, agad siyang sinaway ng pinsan nang makitang nakaupo na naman siya sa harap ng study table at nagkukulikot sa laptop.

"Stop that, it's not time for work. Lagi nalang trabaho ang inuuna mo. Kulang na lang pakasalan mo 'yang laptop mo. Hindi na kayo naghihiwalay araw-araw, eh."

"I have to send this to my client by tomorrow, ate. Isi-save ko lang baka mawala ang progress. Anyway, ano ba kailangang isuot?"

Pagkasave ng file ay isinara na niya ang laptop at pagkuwa'y tumayo. Binuksan niya ang closet para mamili ng damit.

"Just take a shower and get dressed. Anything basta komportable. Bilisan mo, ha. You are always late pa naman sa mga special occasions. Kaya galit na galit sa'yo ang kapatid mo eh, umaasta ka raw na parang senyorita."

Sandali siyang napahinto pagkarinig sa salitang huling binanggit ng pinsan niya.

Now when did I hear that word before? Sounds oddly familiar and...nostalgic.


Hotel Prima, Wedding Hall

"Okay, that's it for today. Please don't forget your sequence and be mindful para smooth-sailing ang ceremony next week. Thank you, everyone! You may now enjoy our refreshments at the bar lounge. Toodles!" 

Nakatulala lang si LV sa organizer na nagmistulang peacock sa makukulay nitong suot at bolero. Nakahinga siya nang maluwag nang matapos na sa wakas ang tatlong oras na rehearsal para sa kasal. Siya ang napiling maid of honor at maraming mga mata ang nakatutok sa kanya kaya naman tila dumoble ang pagod na nararamdaman niya. She doesn't really like parties, social gatherings, and events like this but she had no choice. Siya lang ang nag-iisang bestfriend ni Maggie at para na rin niya itong tunay na kapatid or more like-Maggie is the only one willing to be her friend despite her social awkwardness and eccentrism.

Besides, she already said yes when Maggie called her at three in the morning a week before. As usual, sabog na naman siya kaya hindi niya narinig ang buong sinabi ni Maggie. Oo lang siya nang oo at huli na para bawiin pa ang sinabi niya dahil napasigaw sa tuwa ang bestfriend niya. Heto na nga at papalapit na ang kaibigan niyang kasinglapad ng kanyang noo ang ngiti sa labi.

"Hey, bestie. So glad you could come. Thank you dahil pumayag kang maging maid-of-honor ko. Don't worry, dearie, 'yung pinakapogi ang partner mo dahil alam ko namang napakataas ng standards mo." Napabungisngis pa si Maggie at bineso siya.

"Correction. Hindi ako pumayag. You tricked me," aniya at niyakap ang kaibigan.

Napangiti siya dahil kahit ikakasal na ito ay hindi pa rin nagbago ang pakikitungo sa kanya. Mahilig pa ring pagkatuwaan ang 'single-blessedness 'niya.

"I'm so happy for you, Mags. You finally found the one for you. I can see it in the way he looks at you mula pa kanina and how your eyes twinkle whenever you're looking at each other."

"I know, dearie. Thanks a lot dahil andyan ka sa lahat ng pangyayari sa buhay ko. Kaya ikaw, sana mahanap mo na rin ang "one and only" mo."

Mahina siyang tumawa dahil maluha-luha pa ang kaibigan.

"Hey, don't be too dramatic baka sabihin ng fiancé mo pinapaiyak kita. Anyways, hindi dumating ang sinasabi mong "pinakapogi". Well, pabor na rin sa'kin. Ayokong may lumalapit sa'king hindi ko kaclose. Paki-inform nalang na ayokong mali-mali siya sa araw ng kasal mo."

"Ayan ka na naman. Ngayon lang siya absent. Ikaw itong ngayon lang sumabay sa rehearsal and don't worry about him. Hel is just--"

Naputol ang anumang sinasabi ni Maggie nang lapitan ito ng fiancé at may ibinulong.

"Honey... this is my best friend, Luna Valeria. LV for short. Bestie, meet my beloved, Kyle."

"Nice to meet you."

Tinanguan siya ng lalaki na sinuklian niya naman ng matipid na ngiti.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na ang kaibigan dahil hinahanap daw ng future in-laws.

She decided to join Clara at the bar lounge.  

"Gusto niyo po ba ng maiinom?"

"No thanks", aniya sa bartender na nag-alok. Umupo siya sa stool na katabi ng inuupuan ng pinsan.

"Halika, sumayaw tayo. Hindi ka ba nababagot na nakaupo lang sa gilid?"

"Go on, Ate Clara. Don't mind me. I'm good. Just enjoy yourself."

"Sigurado ka? Well, ikaw ang bahala. Just look for me kung gusto mo nang umuwi, okay? You look like you need to sleep so I'll drive you home."

Nakapangalumbaba na tinitigan nya ang papalayong pinsan. Mukhang kailangan na nga yata nya ng tulog dahil nahihilo sya. Ilang minuto lang ang nagdaan nang may lalaking lumapit at umupo sa katabi niyang stool. He's good looking but his aura screams "playboy".

Napakislot siya nang maramdaman niyang tumingin ito sa kanya.

"Hello, gorgeous. Want a drink?"

"Sorry, I'm allergic to alcohol," bagot niyang turan. She's starting to feel uncomfortable especially when the guy moved closer.

"Woah, feisty. I like that."

She ignored him.

"If you're not here for a drink, then, why are you sitting here alone?"

"To have some peace before you came."

Napaismid siya nang ngumisi lang ang lalaki.

"Would you like a lemonade?"

"No. Please excuse me."

"Hey, it's fine if you don't wanna drink. Let's just talk."

Agad siyang tumayo at umalis. Narinig pa niya na tila tinatawag siya nito pero hindi na siya nag abala pang lumingon. She hated the way that guy couldn't seem to understand that she was not interested in a conversation. Akala yata nito ay nagpapa-hard to get lng sya. How narcissistic.

She took out her phone and texted her cousin that she's going home early.

Paglabas niya ng elevator ay may nakasalubong siyang lalaki na mukhang papasok palang. Ramdam niya ang titig nito sa kanya habang naglalakad siya palabas ngunit nanatiling nakatuon ang mga mata niya sa nilalakaran.

"Hi, miss—" 

"Not interested."

Nilagpasan niya ito. She smelled a strangely familiar scent from him. Nakakakalma iyon at ramdam niyang medyo nabawasan ang hilong nararamdaman nya. Hindi na niya iyon pinansin. Kulang na talaga siya sa tulog dahil kung ano-ano na ang mga napapansin niya buong araw.

Nakakailang hakbang pa lang siya nang muling magsalita ang lalaki.

"I just wanted to know your name. Why do you make it feel like I'm asking for the moon? Senyorita..."

Napahinto siya sa paglalakad. Ilang segundong tanging tibok lamang ng puso niya ang kanyang naririnig. Pabulong ang huling sinambit ng lalaki kaya hindi siya sigurado kung tama ang narinig niya. Dahan-dahan siyang lumingon at sumalubong sa kanya ang isang estranghero ngunit tila pamilyar na mukha.

A familiar stranger, especially his eyes and... voice. 

When did I hear it before?

"I-ikaw... Sino ka?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top