Kabanata 8
Kabanata 8
Art of Seduction
Iniwan ako ni Troy sa labas nang magulo ang buhok. Ang lintik na lalaking yun talaga!
Habang naglalakad ako patungong Penthouse, inaayos ko ang magulo kong buhok. Buti na lang at smooth at madaling ayusin 'to ngayon. Sinuklay ko siya at bumalik din naman sa dati. Inis naman ako sa pumps na soot ko. May mga pumps naman ako pero sinisigurado kong di ganun ka taas ang heels, ito? Susmaryosep! 5'5 lang ako at matangkad si Troy. Kanina nung nagkalapit kami, pansin ko yung paningin ko nasa labi niya na. Alam kong tumangkad talaga ako ng husto dahil dito.
"Trisha? Trisha Roncesvalles?" Tumigil sa paglalakad ang tatlong naka-heels din na kaklase ko noon.
"Oo. Bakit?"
"Oh my God!" Ni-head to foot nila ako. "Saan ka nag iinternship? Bakit gumanda ka ng husto?"
Hindi ko alam pero nakakainsulto yung sinabi niya ah? Pero palalagpasin ko na nga lang! "Le Marcelle."
"Nakakaganda pala ang Le Marcelle?" Sabi nung isa at nanlaki ang mata niya. "Oh my God! CEO si Troy Ezekiel Salazar dun ah? Nagpapaganda ka ba para sa kanya?"
"Excuse me?" Nainsulto na talaga ako pero di nila ako pinakinggan.
Hinila nila ako papasok sa loob. Marami ng tao sa loob at maingay na. Malamang dahil kadalasan, ganitong oras dinudumog ang mga bar.
*KRIIIIING*
Hinanap ko agad yung cellphone ko.
"Hello?" Si Emma ang tumatawag.
"Asan ka na ba?" Tanong niya.
"Andito na ako. Sandali lang. Ang ingay!" Sabi ko pero namataan ko siyang kumakaway sa mag sofa sa pinakadulo ng bar.
Pinatay ko na agad ang cellphone ko at tinahak ang landas na puno ng nagliliwaliw na mga tao. Sayaw dito, sayaw doon. Smoke dito, smoke doon. Inom dito, inom doon. Bakit ba kasi sa dulo pa ang napili nina Emma?
"Hi, Miss! Sayaw tayo?" May humarang na dalawang lalaki sa harap ko.
Sa sobrang ingay halos di ko sila marinig at di rin nila ako marinig.
Umiling na lang ako at ngumiti. Two down, eigh to go? Hinanap ko agad si Troy. Nakita ko siya sa isang sofa malapit sa kinatatayuan ko. Pinapalibutan na naman siya ng mga tao. Karamihan babae. Umiinom siya at nakangiti habang tinititigan ako. Tumawa siya dahil sa joke na ibinulong ng isang babae pero di niya iniaalis ang titig niya sakin. Kinagat niya ang labi niya habang ngumngiti.
WTF? Bakit kinikilabutan ako sa titig niya?
Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Nang sa wakas ay nakarating na ako sa table nina Emma, isa-isa nila akong niyakap.
"O my God!" Dinig ko na sinigaw ni Emma kahit maingay. "Ang ganda ganda mo na! Sa wakas may nakapag introduce na ng suklay at parlor sayo?"
Tumawa sila at ni-head to foot ako.
Narealize ko agad na hindi magandang reunion ito. Hindi ko maidedetalye sa kanila ang tungkol kay Troy. Panigurado ay maglalaglagan ang panga nila pag nalaman nilang nag gagamitan kami. Este... nagkakasundo na.
"Wooooh! Sayaw tayo! Wooooh!" Sigaw ni Beatrice habang winawagayway ang isang shot glass.
Na realize kong kanina pa pala sila nandito at mejo nakainom na. Hayun at sumayaw na si Beatrice at Camille na parehong single. Mukhang may nakuha pa yatang lalaki sa dancefloor. Nag P-PDA naman si Emma at Earl sa gilid ko.
"Miss..." Nabigla ako sa sumalubong na ngiti sakin ng isang gwapong binatilyo.
"Yes?"
"Sayaw naman tayo oh?" Tanong niya.
Napatingin na naman ako kay Troy. Nakatitig parin pala siya sakin kahit malayo na kaming dalawa.
Oo nga pala. Hindi ko alam kung o-oo ba ako pag may nag yaya o hindi. Hindi niya kasi sinabi eh.
"Sure!" Ngumiti ako.
Hinawakan niya ang kamay ko. Wala namang masama. I'm single! Pwedeng makipagharutan kahit kanino! Syempre, may crush akong si Sir Jayden, pero wala naman siya dito diba?
Hindi ako marunong kumanta pero sobrang passion ko ang sumayaw. Member ako ng dancetroupe noong highschool. Sumasayaw ako sa bahay pag may time kaya hindi ako nahirapang makipagsayaw sa lalaking nagyaya.
"Whoaaa!" Sigaw niya nang nakita akong sumayaw ng agresibo sa harapan niya.
Sumayaw din siya ng sarili niyang moves.
"Miss, want a drink?" May isa pang lumapit. "Wait... are you... Trisha Roncesvalles?"
Nakakahilo ang lights na sumasayaw kaya kinailangan kong tumigil sa pagsasayaw para makita ko ang mukha ng lalaking nakatayo. Kaklase ko rin to noon. At kung papipiliin ako kung sinong isasayaw ko, mas gugustuhin ko yung kilala ko.
Naglahad siya ng kamay at tinanggap ko na agad at ngumiti.
"Hey! Tol! Nagsasayaw pa kami ah!" Sabi nung kasayaw ko.
Kumunot ang noo ng classmate ko, "Kanina pa siya tumigil, sasama siya sakin, kita mo ba?"
Napatingin ako sa kinauupuan ni Troy. Nakita kong nakatitig parin siya habang umiinom ng beer.
"Ang yabang mo ah!" Nabigla ako nang sinuntok ng kasayaw ko ang classmate ko.
Napasigaw ang ibang nagsasayaw na nakakita. Yung iba naman ay walang pakealam.
Tumingin ulit ako kay Troy. Nakita ko siyang tumayo na at umaambang pupunta sa kinatatayuan ko.
Sinuntok din nung classmate ko ang kasayaw ko. Napasigaw na rin ako sa bigla! May lumapit na mga bouncer sa kanila. Umalis naman ako at dumiretso sa table namin nina Emma.
"Oh my God!" Sabi ko at kinuha ang purse ko.
"Okay ka lang ba?" Tanong ni Emma habang chinicheck ako.
Tumango ako, "Lalabas lang ako saglit." Sigaw ko sa kanya dahil di kami magkarinigan.
Napatingin ako kay Troy na kausap na ang mga bouncer ngayon. Napatingin din siya sa banda ko. Iminuwestra ko sa kanyang lalabas ako kaya tumango siya ng bahagya.
"Hay! Grabe Troy! Yun yata yung pinakaunang pagkakataon na may nag aaway dahil sakin!" Sabi ko sa kanya nang lumabas kaming dalawa.
He clenched his jaw. Galit ba siya? Hinila niya ang braso ko palayo sa bar.
"Huy?! Ano?!"
"Are you crazy? Sumasayaw ka sa isa tapos sasama ka sa iba? And have you seen yourself? Yung pagsasayaw mo?" Padabog na binuksan niya ang pintuan ng sasakyan niya.
"Anong problema dun? Tsaka... kilala ko yung sasamahan ko dapat. Kaklase ko siya."
"Get in!" Sigaw niya ulit sakin at uminuwestra ang front seat.
Umirap ako at sumunod.
"Ang problema sayo, masyado kang easy to get." Sabi niya nang pareha na kaming nasa loob.
Pinaandar niya agad ang sasakyan.
"Anong easy to get?"
"Pag may magyaya sayo, patagalin mo naman o pahirapan mo! May nagyaya lang, bumigay ka naman agad." Aniya.
"Sabi mo dapat sampu yung magyaya kaya syempre mas marami, mas okay sakin-"
"Magyaya lang... hindi isayaw!" Galit na galit talaga siya no?
Nagpasya akong di na lang muna ako makikipagtalo kaya tinext ko si Emma.
Ako:
Uwi na ako. Talk to you soon. May di pa ako sinasabi sayo.
Sumulyap si Troy sakin at mas lalong kumunot ang noo.
"Pagkausap kita, hindi ka pwedeng mag text o may katawag na iba." Seryoso niyang sinabi.
Nalaglag ang panga ko habang tinitignan siyang nag drive, "Ano bang problema mo at bakit ang sungit sungit mo? Sabi mo kanina dapat marami akong mabingwit na lalaki. Ngayong may nabingwit nga ako nagsusungit ka diyan!"
Binalingan niya ako ng matinding titig.
Tinigil niya ang sasakyan sa tapat ng isang business center. May mga coffee shop, cafe at iba pa.
"Sabi mo tuturuan mo ako kung paano kunin ang loob ng mga tao, o ngayon, turuan mo na ako." Humalukipkip ako.
May kinuha siya sa drawer ng sasakyan. Nakita kong may nakasulat na Heineken ang kulay green na lata. Isang beer. Ibig sabihin, hindi kami lalabas sa sasakyan niya. Dito lang kami. Sa bagay, ayaw niya rin naman kaming nakikita ng marami. Wala pang nakakaalam na friends kaming dalawa. Yun ay kung matatawag mo ngang 'friends' kami.
Ininom niya ito at may kinuha ulit siya sa drawer na orange juice.
"Etong sayo." Sabay bigay sakin.
Ininom ko na rin.
"First, Trisha, pag magyaya sayo, hindi ka agad bibigay. Let's say, may nagyaya sayong sumayaw..."
Tumango ako sa sinabi niya.
Tinignan niya ako at napapikit siya.
"Ermm... Okay." Napalunok siya at uminom ulit ng beer. "May nagyaya sayong sumayaw. Pwede mong sabihing, 'no thanks, may hinihintay pa kasi ako.' Ganun ka simple. That way, iisipin nilang hindi lang sila yung nag po-pursue sayo... may iba pa... at may mas nauna."
"Hindi ko maintindihan."
"Okay. Example... niyaya ka ni Jayden mag lunch. Pwede mong sabihin, 'Kailan? Hindi ako pwede mamaya kasi maglu-lunch kami ni Troy.'"
Kumunot ulit ang noo ko, "Nakakaloka! Hindi ko yan sasabihin sa kanya! Baka isipin nun na isa ako sa mga babae mo! Hindi ko yan sasabihin-"
"Pambihira ka naman! Example lang naman!" Sabi niya. "Pwede kang gumamit ng ibang pangalan! Example nga diba?" Inirapan niya ako.
"Okay. Bakit ko naman gagawin yan? Edi mawawala na yung opportunity kong makasama siya sa lunch. Duh!?"
"That's the Art of Seduction, Trish. Kahit na sabihin mo yun sa kanya, hindi ka tatantanan ng pag iisip niya. Uulitin niya yan at sa sumunod na pagkakataong yayayain ka niya, pwede mo na siyang pagbigyan. Kailangan mong iparamdam sa kanila na maraming humahabol sa iyo. Na hindi lang siya. Na marami kang options. Never make them feel na sila lang talaga ang gusto mo. The best way to get people to like you is not to like them too much."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top