Kabanata 7
Kabanata 7
Alis Na!
"Di ka ba nag da-diet?" Tanong ni Troy habang pinagmamasdan akong nilalantakan yung steak na hinatid sa suite niya.
Sabado ngayon at aniya'y nagpapunta siya ng stylist dito para ayusin ang buhok ko.
"Bakit ba?" Natigil ako sa pagkain.
"Grabe ka eh. Mga kilala kong babae, hinay-hinay naman sa pagkain. Ikaw parang monster."
Kumain ulit ako, "Akala ko sasabihin mo na mataba ako."
"Mukha ka ngang stick sa kapayatan mo. Ang pangit tignan."
I glared at him. Okay! Talagang kumbisido na ako na Araw-Araw May Dalaw siya. Grabe ang mood swing at palaging nang-iinis o naiinis.
Biglang may dumating na tatlong tao sa suite niya.
"Troooy! Baby! I missed youuuu!" Sabay beso nung isang kilalang stylist na bading.
Dalawa sa kanila, bading. Yung isa naman ay babaeng matangkad na pwedeng mapagkamalang artista.
"Kel, Hugo, Toni." Sabay killer smile ni Troy sa kanilang tatlo.
Nakita kong napabuntong hininga silang tatlo. Umiling naman yung babae at ngumiti.
"Pag araw-araw tayong nagkikita, Troy, baka araw-araw din akong himatayin sa ngiti mo." Saby ni Hugo.
Tumawa si Troy at kinagad ang labi habang nakangiti.
Nakita kong tumingin nalang ang babae sa overlooking terrace ni Troy habang pinipikit ang mga mata.
"You are so handsome that it hurts!" Sabay hipo ni 'Toni' sa braso ni Troy. "Ang sabi ng gym instructor mo dumadalas daw ang pag ji-gym mo nitong mga nakaraang araw. He's right!" Nakatingin siya sa braso ni Troy.
Humalukipkip si Troy kaya natigil yung paghipo ng bading.
"Enough about that, I have here Trisha Roncesvalles." Sabay tingin nilang tatlo sakin.
"Girlfriend mo, Troy?" Tanong ng babae.
Tumaas ang kilay ni Troy.
"No... I'm sorry. You don't do girlfriends."
"No... She's an intern here. I want you to dress her up... Make her look like a lady."
Sinimangutan ko si Troy dahil sa sinabi niya pero bago pa ako nakapagsalita...
"Tama ka. What's with the bangs, dear? Di na uso yan! Tsaka, nagsusuklay ka ba? Mukha kang hinahabol ng suklay ah?"
WTF? Mga manlalait!
"Tayo ka nga!" Sabay hila sakin ni Hugo.
"Minsan, nag po-ponytail siya at umaaliwalas naman ang mukha niya. Pero di siya marunong mag make up kaya disaster parin." Sabi ni Troy.
Sarap kumuha ng tinidor at itapon kay Troy eh. Di bali! Isipin ko na lang na libre itong ginagawa ni Troy... nagmamagandang loob! Subalit tuwing nakikita ko ang ngiti niyang nanunuya sakin, naiinis ako lalo.
"Ganyan ka ba talaga manamit, dear?" Tanong naman ng matangkad na babae.
"Keds! Mahal yan." Sabay turo ko sa sapatos ko na tinitignan niya.
"Cropped t-shirt, bleached shorts... okay rin to ah? Pero not lady enough." Tumango ang dalawang bading.
"Hey, you can use my room if you want. Babalik lang ako mamaya, ah? Need to go home, Hugo..." Sabi ni Troy.
"Aww! Akala ko pa naman masisilayan ko ang kakisigan mo the whole time." Nag beautiful eyes pa si Hugo.
Narinig ko na naman ang malakas na buntong hininga ng babaeng matangkad. Nang nagkatagpo ang mga mata nila ni Troy, nakita kong pumula ang pisngi nito.
"Kel, maraming salamat." At hinaplos ni Troy ang mukha nung namumulang babae.
I swear to God mas lalong pumula ang pisngi niya.
"No problem, T-Troy."
"Mauna na ako, Toni." Yung isang bading naman ang pinasadahan niya ng ngiti.
Ibang klase din 'tong si Troy, noh? Stone heart! Di ba niya nakitang halos mag hyperventilate na yung babae kanina? Tingin ko may nakaraan sila.
"At ikaw... ready ka na ba sa testing mamaya?" Itinuro niya ako.
"Oo! Sinabi ko na kay mommy at daddy na may lakad kami ng mga kaibigan ko. Pero dapat hanggang 12 lang ah? Ihatid mo ako sa bahay. Tsaka... inimbitahan ko na rin yung mga kaibigan ko para di ako mabuking."
"Whatever!" Tapos umalis na.
Natahimik kami hanggang sa binasag ni Hugo ang katahimikan.
"Shall we?"
Mahaba na ang bangs ko at nasasabit na sa tainga. Pero sinabi nila sakin na mas mabuting pahabain ko yun para di ako mag mukhang bata. Ewan ko din kung bakit daw mukhang bata pag may bangs? Grrrr. Tsaka pinayuhan nila akong bumili ng flats at tsaka sandals imbes na mga keds at vans ang sinusoot ko. Binigyan nila ako ng magazines. Binigyan nila ako ng isang dress na mahal at pumps na mahal. Courtesy of Troy Ezekeil Salazar. Ni-trim din nila ang buhok ko at ginawang layered para daw bagay sa bangs at di ako magmukhang sadako sa straigh cut kong buhok. Mas maganda daw sana kung lagyan ko ng waves ang dulo ng buhok ko para mas mukhang mature kaya nilagyan nila.
Alas otso ng gabi nang natapos kami. Light make up lang ang nilagay nila sakin. Tinuruan din ako ni Kelly (yung matangkad na babae) kung paano mag make up. Nalaman kong si Kelly pala ay isang stylist ng isang sikat na magazine. Si Hugo naman ay make up artist at may ari ng isa sa pinaka sosyal na bar sa buong Pilipinas. Yun ang pupuntahan namin ni Troy mamaya. Si Toni naman ay isang image consultant ng mga artista.
Nalaglag ang panga ko nang nakita ko na ang sarili ko sa salamin. Okay! Bias... alam ko yun pero hindi ko alam na may igaganda pa pala ako!
"Wow! Salamat!"
Tumango silang tatlo.
"Sana ay sundin mo ang mga payo namin. Oh..." Sabay hagis sakin ng suklay. "Eto, gift ko yan sayo. I bet wala kang suklay diyan sa purse mo. May mga shampoo at hair products din ako dito, ibibigay ko sayo. Pasalamat ka malakas si Troy sakin... Ano ba talagang relasyon niyong dalawa?" Tanong ni Toni.
"Uh... wala. May utang siya sakin kaya binabayaran niya lang."
Nagkatinginan silang tatlo. Weird.
Ilang sandali ang nakalipas, tinawagan ko sina Emma at Earl. Pupunta kami sa isang bar. Ang sabi ni Troy, pag lalagpas ng sampu ang magyaya sakin sa pagsayaw o pag bigay ng number, tatalab na ang new look ko kay Sir Jayden!
Sige! Maniniwala ako sa Master of Seduction na yan! Dapat sa Lunes, magsusuka ako ng maraming rainbow! Kung hindi, lagot si Troy sakin.
Sasama si Emma, Earl, Camille at Beatrice. Hindi naman kami nagpupupunta sa mga bar kahit na uso yun sa school. Pero since mula nung naging intern ako sa Le Marcelle, di na nila ako nakita, nagsilbi itong reunion sa amin.
"Done?" Binuksan ni Troy ang pintuan ng kwarto niya habang nag aayos ang mga stylist.
"She's perfect, Troy!" Bati ni Hugo kay Troy.
Nakatingin parin ako sa salamin. Tinitignan ko yung likod ko. Mukhang hindi maayos ang pagkakazipper ng dress.
"Troy, paki ano naman ng zipper." Sabi ko habang inaabot ito.
Binalingan ako ni Troy ng tingin.
"Bilis!" Sabi ko.
Hindi siya gumalaw. Tinignan niya lang ako at parang na bilaukan siya sa sariling laway dahil napaubo siya ng bongga.
"Tubig, Kell!" Tawag ni Hugo.
Mabilis namang lumabas si Kelly sa kwarto ni Troy para kumuha ng tubig.
"I'm okay!" Sabi ni Troy kahit nakita kong pulang-ula na siya.
"Ayan na yung karma express! Ang bilis!" Bulong ko.
"Ansabe mo?" Sigaw ni Troy sakin.
Nilapitan niya agad ako.
"Wala!" Umirap ako. "Bilis na... Ayusin mo yung zipper!" Sabi ko at nakitang halfway na ang zipper sa likod ko. Ayan kasi, sinusubukan kong ayusin, mas lalo yatang bumababa.
"Erm... Aryt." Nakita kong nahirapan siyang lumunok bago hinawakan yung zipper.
Tinignan ko ang repleksyon niya sa salamin habang nagco-concentrate siya sa pag sarado sa zipper.
Bakit parang malamig yung kamay niya?
"Tapos na?" Sabi ko nang di na ulit gumalaw ang kamay niya pero nakapirmi parin sa likuran ko.
"O-Oo." Napalunok ulit siya kaya hinarap ko na.
"Ang ganda ko no?"
Nanlaki ang mga mata niya nang makita akong nakaharap na sa kanya.
"Hindi! Ang plain parin!" Umiling siya at ibinaling ang tingin sa kama niya.
Umupo siya dun.
"Huh? Ang laki ng pinagbago niya, Troy!" Sabi ni Hugo.
Dumating si Kelly dala ang tubig ni Troy. Nilapag lang ito ni Troy sa mesang malapit sa kanya.
"Ewan ko. La naman akong alam sa mga pagpapaganda ng babae kaya di ko alam. Para sakin ganun parin siya."
Sumimangot dina Hugo. Ang sama din nitong Troy na 'to! Pinaghirapan kaya ito nina Hugo, Toni at Kelly! Bakit niya sasabihin yun? Ako ang nagpasalamat sa kanila nang umalis na sila. Nag tatantrums na naman kasi si Troy. May dalaw ulit si Mr. AAMD.
"Tayo na!" Sabi ko.
Napabuntong hininga siya at umalis kami sa suite nila. Wala na si Sir Jayden ngayon kasi gabi na. Sobrang ganda ko siguro kasi nganga yung mga taong nakakita sakin. Buti walang nakakakitang morning shift kaya di ko kilala ang lahat ng nag tatrabaho ngayon.
Tahimik na nag drive si Troy papuntang Penthouse.
"Marami bang tao sa bar? Anong oras ba dadami ang tao? Baka nandun si Sir Jayden? Ah! Hindi yun nagbabar kasi matured yun." Uminit ang pisngi ko. "Pang boys lang kasi yung bar... he's a gentleman!" Tumili ako.
Sumulyap at umiling si Troy pero tahimik parin siya.
"Ano bang problema mo at nakabusangot ka diyan?"
Pinark niya ang sasakyan niya sa tapat ng Penthouse. Maraming pumapasok. May ilan pang napansin ang sasakyan ni Troy. Mukhang mga kaibigan niya yun ah.
"Troy, diba sabi mo di ako pwedeng makita ng mga kaibigan mo? Itago mo na ako bilis!"
Suminghap siya at pinaandar ulit ang sasakyan.
"I-drop mo na lang ako dun tapos magkita na lang tayo sa loob. Kita ko na rin yung sasakyan ni Earl sa parking lot, nandito na sila." Sabi ko.
Tahimik parin siya. Kaya tinitigan ko na.
"A-Ano?" Sumulyap siya sakin at mas lalong sumimangot.
"Anong problema mo?"
Ginulo niya ang astroboy niyang buhok. Tapos inayos yung itim na v-neck t-shirt niya na para bang naiinitan siya, "Hanggang 11 lang ah? Wa'g ka masyadong malikot sa loob. Dumikit ka sa mga kaibigan mo. Pag gusto mo mag CR, isama mo sila. Wa'g kang mag kakalat at baka mapaaway ako dun!" Sinigaw niya sakin ang huling pangungusap.
Napapikit tuloy ako sa bigla.
Ngumisi siya at narinig kong bumukas ang lock ng mga pintuan.
"At eto..." Ginulo niya ang buhok ko.
As in sobrang gulo! Halos mapaiyak ako habang iniisip ang mga ginawa nina Hugo para maging presentable siya.
"What the?"
"Ayan! Alis na!" Sabi niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top