Kabanata 6

Kabanata 6

Sabay Tumawa

Paeffect pa tong si Troy. Anong gagawin namin sa suite niya? Mamaya na nga lang. Mag tatrabaho muna ako. Nagtrabaho ako na parang house elf sa Le Marcelle. I'm sure pumuputi na ang mga mata ni Troy ngayon sa kaka antay sakin. Iniisip ko palang tuwang tuwa na ako! Nakakasaya sa puso.

Alas singko na nang bigla kong naisipang lumapit sa left wing, kung nasaan ang trono niya.

"TRISHA!" Narinig kong sigaw niya.

"Uy! Troy! Ikaw pala..." Pinipigilan ko ang tawa ko. "Kamusta? Lalo yatang tumitingkad ang kagwapuhan mo ah?"

Halos magsiputukan ang mga veins niya sa ulo habang tinitignan ako. I swear, may nakita pa akong usok sa ilong niya.

"ANONG BA'T ANG TAGAL MO?" Ginulo niya ang buhok niya.

"Baket?" Umirap ako.

"LIKA NA NGA!" Sabay hila niya sakin papasok sa suite niya. "Alam mo bang ilang oras akong naghintay? Tsss! Ikaw na nga itong tutulungan... kaw pa ang nag iinarte diyan!"

Tinapon niya ako sa sofa ng sala niya. Napakurap-kurap ako. Sa mukha niya parang may gagawin siyang makamundo sakin kahit galit eh. Talaga? O masyado lang akong manyak?

Kumunot ang noo niya at humalukipkip.

"Apat na oras, Trish. Apat na oras mo akong pinaghintay! Alam mo bang wala pang taong nakakagawa sakin niyan?" Tanong niya.

"Ay! Ako pala nauna? Congrats to me-"

"BALIW KA TALAGA! FREAK! Damn, girl!" Ginulo niya ang buhok niya at umupo sa tabi ko.

"Ano ba kasi yang offer mo at nagtiis ka sa paghihintay sakin?" Tanong ko.

Ilang sandali pa bago siya bumaling ulit sakin. Nang nakuha ko na ang atensyon niya, nakangisi na siya na parang may masamang binabalak.

"Gusto mo si Jayden diba?"

Uminit ang pisngi ko. Hindi ako makatingin sa kanya kaya mas lalo siyang ngumisi. Kinagat niya ang labi niya at kinurot ang pisngi ko.

"Gusto mo siya."

Napatingin ulit ako sa kanya.

"Ano naman sayo?" Tanong ko.

Umiling siya at napabuntong-hininga, "Bakit? Ang pangit ng singkit na yun. At isa pa... matanda na siya. Hindi ko maintindihan."

Sarap sapakin! Makapanlait 'to parang gwapo... pero gwapo nga siya... pero di yun dahilan para manlait sa gwapong si Sir Jayden, "HEXCUSE ME lang ah? Pero hindi siya singkit! At hindi siya matanda!"

"Singkit siya, bulag ka ba? Tsaka matanda na siya! 24? By 24 may apo na ako!"

Sinapak ko ulit.

"Wa'g mo akong masapak-sapak! Hinahayaan lang kita kasi hawak mo ang leeg ko! Pag napuno ako, idedemanda na talaga kita at wala na akong pakealam sa kahihinatnan ng pangalan ko!" Sigaw niya sakin.

"Hindi siya singkit, Troy. Para nga siyang korean actor! Duh! Palibhasa tingin mo ikaw lang itong gwapo... kahit hindi naman talaga! Tsaka anong pake mo kung gusto ko ng mejo older?"

"Mejo older din naman ako sayo ah?"

Sumimangot ako, "Nang ano? Isang taon? Salamat na lang! Mas matanda pa yata akong mag isip sayo!"

Ginulo niya na naman ang buhok niya...

"Okay, whatever... So... gusto mo nga siya. Gusto mo bang i-train kita kung paano maakit ang taong gusto mo?"

Ewan ko ba kung bakit mahalay yung tono ng boses ni Troy.

"I'm not like you, Troy..." Seryoso kong sinabi.

"What? I'm helping you!" Lumitaw ulit ang ngisi sa mukha niya.

"At di ako maniniwala sayo! Hah! Akala mo ah? Siguro ay aambushin mo ako? Baka pumalpak at sa huli ay ikaw ang tatawa. No way, Troy!" Panuya ko.

"Trisha, I'm freaking bored with my life. Kaya gusto kong gawin ito-"

"Bored with your life? Bored ka pa sa lagay na yan eh pwede ka namang mag casino o makipagharutan sa mga babae mo? Balita ko gabi-gabi ka sa Penthouse? Bored ka pa diyan? Anong tawag mo sa buhay ko aber? Nakakamatay sa kaboringan?"

"Come'on, Trish! I'm helping you. It will benefit both of us. Ako, hindi na mabo-bore. At ikaw, maaakit mo si Jayden. Wala naman tayong pwedeng pagkatiwalaan kundi ang isa't-isa diba? You have the tape. If I... If I mess this up, you can always threat me with that." Seryoso niyang sinabi.

"Why would you do that? Bakit mo ako tutulungan?"

"Because I'm freaking bored!" Umirap siya.

"Troy, hindi ko intensyong akitin si Sir Jayden." Uminit ang pisngi ko. "Hindi naman ako tulad mo na puro pang aakit ang ginagawa. Gusto ko magustuhan niya ako. Ma inlove siya sakin."

Humagalpak siya sa tawa. Para bang mamamatay na siya sa kiliting nadarama niya.

"Huy!" Sapak ko.

"ANO BAH!?" Agad siyang natigil sa sapak ko. Inarapan niya ako at... "There is no such thing as love, Trisha." Tumawa ulit siya. "There is only seduction."

Iyan! Iyan ang nagpapagaan ng konsensya ko. Hindi ako nakokonsensya na ginagamit ko siya ngayon dahil sa prinsipyo niyang yan.

"LOVE for family, maybe. Pero yung 'in love'? Butterflies in your stomach? Heart beating fast? Heart aches? Stupid tears? That's for pussies, Trish."

"I'm not a pussy! Pero totoo yan, Troy! Totoong may pag ibig!"

"Sige nga!? Ilang beses ka ng nagkaboyfriend? In love ka ba sa kanila? Bakit hindi kayo nagtagal? Bakit kayo nag break? Kung in love kayo, bakit maghihiwalay?"

"Troy, wala pa akong naging boyfriend. Pero alam kong totoo yung 'in love'."

His lips parted.

"You never had a boyfriend? You're nineteen... pero di ka pa nagkakaboyfriend?"

Wow! Parang naannounce ko lang na hindi pa extinct ang mga dinosaurs ah? Sa mukha niya parang milagro yung nagawa ko.

"Yes! And never been kissed!" Sabi ko.

Kinagat niya ang kanyang labi habang ngumingisi. Ewan ko kung bakit tumindig ang balahibo ko sa ginawa niya.

"Got a problem with that? Hindi naman kasi yan, milagro Troy! Actually, kung ayusin mo lang ang paghahanap, marami ang kalahi ko. Never been touched, kissed, never had a boyfriend. Marami kami."

"Alam ko. I just... I didn't know you belong there." Kumunot ang noo niya at tinanggal ang tingin sakin.

Tumaas ang kilay ko habang nagmu-muni-muni siya.

"Paano naman natin yan gagawin, aber? Siguraduhin mo lang na ma iinlove sakin si Sir Jayden niyan, huh? Actually, di ko naman kailangan ng tulong dito. Pero... since nag offer ka, why not, diba?"

Tumango siya na parang wala parin sa kanyang sarili. Anong problema nitong Mr. AAMD? Mukhang magkakadalaw na talaga siya ah?

"Pero Troy, may pagkain ka ba dito? Kumakalam na sikmura ko eh." Sabi ko na nakapagbalik sa atensyon niya.

Ngumisi siya at tumayo.

Tinawagan niya ang room service para dalhan kami ng pagkain sa suite niya. Napangisi ako sa dami ng inorder niya para sakin.

"So... what do you think, Trisha?" Tanong niya pagkarating ng mga pagkain.

"Good idea!"

Sa unang pagkakataon, sabay kaming ngumisi sa isa't-isa. Kumislap ang brown eyes niya habang tinitignan akong ngumingiti ng abot tainga.

Habang kumakain kaming dalawa sa malaking dining room nila...

"Okay, una sa lahat, kailangan mo muna ng make over."

"Make over?" Natigil ako sa pagkain. "Hindi na kailangan! Maganda na ako!" Sabi ko.

"Whatever you say! Pero yung mga matatandang tulad ni Jayden, they dig for girls na hindi tulad mo."

Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. Hindi ako makapaniwalang iniinsulto niya na naman ako.

"Bungisngis ka kasi masyado. Dapat pormal. Para kang bata. Parang high school. Kaya ka siguro di nag kaka boyfriend."

Nilunok ko na lang ang sarili kong laway at tinanggap ang sinabi niya. May point siya pero masakit sa pride eh. "Hindi ako bungisngis, jolly ang tawag dun!"

Hindi niya pinansin ang sinabi ko. "Maybe you should consult a stylist? Or whatever. Tapos wa'g ka masyadong magsalita. Kasi sa sobrang laki ng bibig mo, para kang buwaya minsan."

Sinapak ko siya. At for the first time, sabay ulit kaming tumawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top