Kabanata 5
Kabanata 5
Ang Offer
"Wa'g mo ngang pakealaman ang mga gamit ko." Sabi ni Troy habang nagd-drive siya.
Hinahalungkat ko kasi ang drawer niyang may lamang condom, gamit para sa buhok, lotion, at iba pa...
"Trisha!" Sigaw niya nang na traffic na kami.
"Oo na!" Umirap ako at sinarado ang drawer.
Tumikhim siya.
"Napaka gulo mo talaga, ano? Kung di ka nag iingay, nakikialam ka?" Aniya.
"Ikaw din! Parati ka na lang naiinis sa lahat ng actions ko. Lagi kang mukhang may dalaw araw-araw. Alam mo bang binansagan kita sa utak kong Mr. Araw-Araw May Dalaw?"
Kumunot ang noo niya at napabuntong-hininga, "You're unbelievable."
Natahimik siya. Mukhang malalim ang iniisip. Ilang sandali pa bago siya nagsalita...
"Taga Domino Heights ka diba?" Tanong niya.
"Oo. Paano mo nalaman? Stalker!"
"Asa ka! Nasa resume mo kaya." Aniya.
Tinitigan ko siya. Nakatingin lang siya sa labas habang may malalim na iniisip.
"Strict ba ang parents mo?" Tanong niya.
"Mejo. Si Daddy. Si mommy, hindi. Bakit?" Tumaas ang kilay ko.
Tumango lang siya.
"Si mommy lawyer. Si daddy surgeon. Nag iisang anak lang ako. Nakakaantok sa bahay." Sabi ko.
Tumaas ang kilay niya.
"Ikaw? Saya ng life mo no? Dami niyong negosyo. Balita ko namamalagi ka sa casino. Poker? Ano pang nilalaro mo?"
"Grabe! Sobrang daldal mo talaga!" Napabuntong hininga at iling ulit siya. "Nga pala... ano bang nakain mo at bakit ka nag LBM?" Nabigla ako sa tanong niya.
"Coffee. Hindi naman ako nagkaLBM. Kabag lang or something. Ganun talaga pag umiinom ako ng coffee." Tumango-tango ako sa kanya.
Inirapan niya ako.
Sumimangot ako. Nang nakarating na kami sa Domino Heights, itinuro ko sa kanya ang daanan patungong bahay namin.
"Yun yung bahay namin." Sabay turo ko sa white and maroon combo na bahay namin.
Tumango siya, "Pwede bang makidinner?" Ngumisi siya sakin.
"Tseh! Di pwede! Ano pang sabihin ng mommy at daddy ko. Hmp!" Sabay labas ko sa sasakyan niya.
Humagalpak siya sa tawa habang tinitignan ako palabas, "Okay, next time then!"
Malademonyong ngiti ang huli kong nakita sa mukha niya bago siya umalis.
Ganoon palagi ang eksena sa Le Marcelle, araw-araw. Syempre, may mga araw na wala si Troy. Yun ang mga araw na nagdiriwang ako. Ayoko kasing naglilinis sa kwarto niya ng mga... alam niyo na. Errr. Si Sir Jayden, lagi nariyan. Nginingitian niya ako palagi pag nagkakasalubong kami. Malaking effort ang ginagawa ko para di ko siya gaanong makausap. Paano ba naman kasi, ang daming matang nakatingin samin.
"Trisha, may something ba sa inyo ni Sir Jayden?" Tanong ng isang intern na gaya ko.
"W-Wala. Bakit?"
Nagkibit-balikat lang siya at umalis.
Dalawang linggo lang ang nakalipas ay ganun na agad ang tingin nila. Paano ba naman kasi, lagi kaming nagkikita ni Sir Jayden sa restaurant o bar tuwing breaktime.
Isang araw, habang naghihintay ako sa kanya, tumitingin ako sa paligid...
"Busy ah." Narinig ko ang isang pamilyar na boses sa harapan ko.
Tiniklop niya ang newspaper na binabasa niya. Nakita ko ulit si Troy na nakawayfarers at umiinom ng kape.
Kainis! Andito na naman si Mr. AAMD. Dapat siya yung naiinis pag ako ang makita niya eh.
"Ba't ka nandito?" Pabulong kong tanong sa kanya.
Nagtitilian na yung ibang employees sa gilid. Walang lumalapit kasi may dadampot agad na security kung maharass siya.
"My hotel, remember?" Malademonyo na naman ang ngisi niya.
Inirapan ko siya at napatingin sa likuran niya. Paparating na kasi si Sir Jayden. Lakas talaga ng dating niya! Parang laging naglalakad sa redcarpet ang peg.
"Hi, Ms Roncesvalles." Ngumiti siya.
Tumalon naman ang puso ko.
"Hello Sir Jayden." Ahihihi.
"Hmmm. Diba sabi ko sayo, Jayden na lang?" Napasimangot siya.
"Sorry. H-Hindi lang talaga ako sanay na Jayden lang."
Tingin ko pulang-pula na ako ngayon.
"Masanay ka na. Palagi naman tayong nag uusap eh. Gusto mo ng kape?"
Nakita kong sumulyap si Troy sa table namin habang nakasimangot. Kape. Ang salarin kung bakit ako natatae.
"Hmmm. Juice na lang muna ako ngayon." Sabi ko.
"Okay!" Umorder ulit siya kay Eliz.
"Mmm... Si-Sir Jayden."
Sumimangot agad siya.
"Jayden... Uhm... m-may gagawin ka ba mamayang gabi?" Tanong ko.
Nakita ko ang pag kunot ng noo niya.
Nauutal talaga ako kaya di ko maipagpatuloy ng maayos ang sinasabi ko, "K-Kasi... Overtime ng parents ko mamaya... wala akong kasamang magdinner. Ako lang... Kaya... baka sakaling.. p-pwedeng... t-tayo?"
Ilang beses akong nag ensayo sa linyang yan sa harap ng salamin. Sa wakas ay nasabi ko rin. Yeah boyyy!
"Hmmm. Sorry, Trisha. Pero may klase kasi ako." Nakita ko ang disappointment sa mukha niya habang umiinom ng kape.
Laglag ang panga ko sa sinabi niya. Oo nga naman pala! Bakit di ko yun naisip! Hindi siya pwede tuwing gabi kasi may klase siya. Napahiya tuloy ako. Hindi na ako sigurado kung mapula ako ngayon o namumutla na. Hiyang-hiya ako. Nakita kong halos di rin siya makatingin sakin. Argh! Pwedeng lamunin na lang ako ng lupa ngayon din? Kainis eh! Bakit ko pa kasi siya niyaya? Grrrr...
"Sir Jayden!" Tawag ng receptionist.
Tumango si Sir Jayden at tumayo, "I'm really sorry. Siguro next time?" At tinalikuran ako para umalis.
Napahinga ako ng malalim nang umalis na siya. Humagalpak naman sa tawa ang isang demonyo sa kabilang table.
Like I said, maligaya siya pag mukha akong AAMD. Maligaya ako pag siya naman ang AAMD.
Tumayo ako at umambang lalapitan siya para sapakin. Pero natigilan siya sa pagtawa...
"Oh! Oh! Easy lang! Walang lapitan pag umaga! Maraming nakatingin! Akala nila girlfriend pa kita." Tumawa ulit siya. "Such a loseeeer!"
Aruuuuuuy! Sobrang nakakainis! Anong pake ko sa 'walang lapitan tuwing umaga'?
Sinapak ko na. Tumingin siya sa paligid. Nakita kong papalapit na ang mga body guards niya para damputin ulit ako.
"Hoy mga manong! Kilala ko tong amo niyo. Di ako baliw kaya wa'g niyo akong mahawakan-"
"Stop." Sabay taas niya ng kamay para sa dalawang body guards.
Napabaling ako kay Troy. Nakakagat labi siya habang ngumingisi. Nakakapanindig balahibo kasi tinititigan niya ako.
Isang beses pa siyang tumingin sa paligid bago ako tinignan ulit...
"I have an offer for you, Trisha."
Kumunot ang noo ko.
"See you in my suite." Tumayo siya at pumuntang elevator na nakangisi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top