Kabanata 48
Kabanata 48
Nanlambot Ako
Hindi matanggal sa isip ko ang nangyari sa Ferris Wheel. Ni hindi ko pa nga natatanggal sa isipan ko ang nangyaring pagsasayaw ni Troy sa bar. Wala na akong ibang maisip kundi siya. Normal ba ito?
"Namumula ka parin." Humalakhak siya nung papalabas kami sa amusement park.
"First time ko kaya yun. Ano yun? Live show?" Umirap ako.
Tumawa ulit siya.
"I know its not your first time, Troy." Matabang kong sinabi.
Beterano na siya sa mga ganitong bagay kaya hindi ko na tatanungin kung naka ilang beses na siya na ganun ang nangyari...
"It's my first time, too." Nakangiting sinabi niya.
"Bolero! Nakita na kaya kitang nakipaghalikan sa ibang babae-"
"It's my first time with you, Trisha." Tinitigan niya ako.
Seryoso na siya ngayon. Magkasalungat sa patawa-tawa niya kanina. Kinabog agad ang puso ko habang tinitignan ang mga mata niyang seryosong nakatitig sakin.
"I'm in love with you... I want all your first times with me. Kahit hindi ako ang first boyfriend, kahit di ako ang first kiss, kahit di ako ang first love mo... Ikaw yung akin. And I want to be your only one. Your last man."
Kinurot ang dibdib ko sa sinabi niya. Kahit na matamis yung mga linya niya ay naiiyak ako. Hindi ko alam kung bakit.
Hinaplos ko ang pisngi niya habang namumuo ang luha ko sa mga mata. I've never felt this way before. Yung halu-halo ang emosyon. Masaya, malungkot, nawawasak ang puso, nanlalambot, kinikilig...
Hinalikan niya ang kamay kong nakahaplos sa pisngi niya.
"Alam kong mali yung mga ginawa ko sayo noon. Alam kong marami akong pagkakamali sating dalawa... And I don't want us to do the same mistakes again, Trisha."
Niyakap ko siya. Nabigla siya sa yakap ko kaya natawa siya.
I feel so blessed to have Troy. Kahit na tama siya, marami kaming pagkakamaling dalawa pero gusto ko ring itama yun lahat. Alam kong may mga pangamba siya sakin. Marami. Dahil nagawa kong mag cheat kay Jayden noon, akala niya magagawa ko rin sa kanya yun.
Marami din akong pangamba sa kanya. Syempre, dati siyang playboy... Mukhang napaka imposibleng magiging one woman man siya. Pero marami na rin siyang na prove sakin.
Masaya ako habang naglalakad sa corridors na kasama siya. Maraming napapalingon. Halos mabali yung mga leeg nila sa kakalingon at kakatingin saming dalawa.
"Troy." Bulong ko sa kanya.
"Hmmm?"
As usual, mukhang hindi na naman niya napapansin yung mga tsismosa at tsismoso sa paligid. Syempre, alam ng sambayanan ang nangyari samin ni Troy noon kaya nakakaintriga talaga itong paglalakad naming dalawa nang di nag aaway.
"Daming nakatingin satin." Bulong ko nang di tumitingin sa kanya.
Nilingon niya ako at tumingin siya sa paligid. Ngumiti siya at kinagat ang labi.
"Oo nga no?"
Naramdaman ko ang ilang daliri niya sa daliri ko. Nung una akala ko aksidente lang. Kahit ganun, bumilis parin ang pintig ng puso ko. Napatingin ako sa kamay naming dalawa. Hanggang sa naramdaman ko na talaga ang dahan-dahan na pag dausdus ng mga daliri niya sa kamay ko. Uminit ang pisngi ko. May narinig pa akong ilang napapabuntong-hininga sa paligid.
"Uhmmm... Bakit mo hinahawakan ang kamay ko?" Pabulong kong sinabi sa kanya.
"They want something to talk about, right!? Oh hayan. At okay lang kasi pangarap ko rin naman ito eh. Yung maka holding hands ka in public... at sa harap pa ng mga kaibigan natin." Ngumuso siya sa harapan.
Nakita ko ang sabay-sabay na paglaglag ng mga panga nina Emma, Camille, Beatrice, at maging si Earl.
Natawa ako sa mga reaksyon niya.
"Dito muna ako? Uhm... Kita na lang tayo mamaya." Sabi ko kay Troy.
"Aryt!" Yumuko siya ng konti para maabot ang pisngi ko. Mabilis niya akong hinalikan. Kaya mabilis din akong namula.
"Sabi mo no kissing muna?"
Tumawa siya at hinawakan ang lips ko.
"No french kissing... Pasalamat ka nga sa cheeks yun. Kasi iniisip ko pag hahalikan kita sa labi, baka di ko na mapigilan ang sarili ko kaya sa cheeks na lang muna."
Sinapak ko ang dibdib niya. Hinuli niya ang kamay ko at nilagay pabalik sa dibdib niya.
"Pag tayo na, hindi big deal sakin pag halayin mo ako." Humagalpak siya sa tawa habang umiinit ng sobra sobra ang pisngi ko.
Nilapit niya ang labi niya sa tainga ko para bumulong.
"As long as I can touch you anywhere I want... And I can kiss you anywhere I want..."
D-D-D-DAMN SHEEEEEEEEET! Hindi ko na napigilan! Nilagay ko na ulit ang kamay ko sa mukha ko sa sobrang hiya kahit alam kong wala namang nakakarinig sa kanya kundi ako.
Ngumiti siya at kinurot ang pisngi ko.
"Gusto ko talaga yung nahihiya ka... I'll do something about that pag tayo na." Halos pasigaw niyang sinabi.
Natahimik yung mga tao sa paligid.
Hindi ko parin tinatanggal ang kamay ko sa mukha ko. SO CRUEL, TROY! UGH! Tumatawa siyang umalis habang naka ugat parin yung paa ko sa pinag iwanan niya sakin.
"Trisha!!!" Narinig ko ang mga sigaw nina Emma sakin.
"Ano ba yan! Diba away pa kayo nung isang araw ba't ngayon may pang SPG ng eksena?" Sabi ni Camille.
"SPG!? Kulang pa yun no! Parental Guidance pa lang. OMG!" Tili ni Beatrice.
Nahihiya akong mag share sa kanila sa mga nangyayari pero ginawa ko parin. Hindi ko na kayang maglihim ulit sa kanila. Sila ang mga kaibigan ko kaya dapat alam din nila ang nangyayari sa buhay ko.
"Trisha..." Narinig ko ang isang pamilyar na boses nung papasok na ako sa next class ko.
Hinatid ako nina Emma dito sa classroom dahil hindi nila ako matantanan sa mga kwento ko. Pero bago pa ako nakapasok ay may tumawag na agad sakin. Nakaalis na sina Emma kaya imposibleng sila. Lumingon ako at nakita ko kung sino.
"Jayden?"
Ngumiti siya. My heart broke. May nag iba sa kanya. Hindi ko alam kung ano. Nilapitan ko agad siya.
"I missed you..."
Natigilan ako sa paglapit sa kanya.
"Uh...Uhmmm..." I'll forever be sorry about us.
He's a good man. Hindi bagay sa kanya ang sinasaktan. Wala siyang ginawa kundi mahalin ako pero ano ang ginawa ko? Nagtaksil lang!
He cleared his throat, "By the way, I'm here... to say goodbye." Napalunok siya.
"B-Bakit? Saan ka pupunta?"
"I left Le Marcelle about a month ago. May malaking offer abroad."
Tumango ako, "That's great, Jayden! Mas lalo kang magiging successful niyan."
Ngumisi siya, "Hindi naman... Uhm... Sorry, nagpunta pa ako dito. I just don't want to leave the Philippines without..." Lumunok siya. "Saying goodbye to you..."
DAMN DAMN DAMN SHET! Nasasaktan ako para sa kanya. Sana naging malupit na lang siya sakin. Sana naging masama siya sakin para may karapatan akong sibihing mabuti na lang at nag kahiwalay kami. Pero hindi... wala siyang kapintasan. Ako ang may kasalanan. Ako lang. Ako ang mali.
"That's all." Dagdag niya nang natahimik ako.
"Uhm... Jayden. Thank you sa lahat. I'm really sorry. I'm so sorry... Alam kong paulit-ulit na ako but I just need to say it again and again... coz I really am sorry." Nabasag ang boses ko.
"Pero hindi ka nagsisisi diba?" Ngumiti siya at naglakad palapit sakin. "It's okay, Trisha. We're over. It's all over. Everything between you and Troy better be perfect. Kung hindi, babalikan ko kayo dito, at ako naman ang aagaw sayo. And Thank you din. And I'm sorry for being insensitive." NIyakap niya ako.
Niyakap ko na rin siya. For the last time.
"Goodbye, Trisha." Aniya pagkalas ng yakap.
Tinalikuran niya ako. Habag na habag na ako. Gusto kong mag sorry ulit sa kanya... Gusto ko paulit-ulit na mag sorry. Naiyak ako habang tinitignan siyang umaalis. Hindi ko na siya mahal pero naiinis ako sa sarili ko. Naiinis ako kung paano ko siya tinrato noong kami pa.
Pinunasan ko ang luha ko at tinalikuran din si Jayden.
"Trisha.." Naaninaw ko si Abbie sa harapan ko.
"Abbie?"
"Are you cheating again?" Nabigla ako sa pambungad niyang tanong.
"What?"
Nanlaki ang mga mata ko habang tinitignan siyang nakasimangot, galit na galit. Ito ang unang pagkakataong nakita ko siyang galit. Siguro masyado siyang apektado samin ni Jayden. Siguro ay nasaktan siya para kay Troy!
"May video na kumalat. Hinalikan ka ni Sir Jayden somewhere near Tribe Lounge at ngayon kitang kita ko kayong dalawa na nagyayakapan dito."
"Niyakap ko siya kasi nagpaalam na siya! Tsaka... Si Jayden ang biglang humalik sakin sa mga oras na yun!" Sabi ko.
"Defensive ka masyado. Hindi ako naniniwala. Two timer ka nga talaga." Umiling siya.
"What the..." Nanlambot ako.
"I like Troy. Pero kung ikaw ang gusto niya hahayaan ko siya... Hahayaan ko siya kung totoo ka sa kanya... Kaya lang hindi eh... You're a two timer. Old habits die hard, huh?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top