Kabanata 45
Kabanata 45
Ikaw Lang Meron Ako!
"Trisha, I'm sorry, hindi ko naman inasahang ganun ang mangyayari." Sabi niya sakin.
Sa sobrang inis ko sa kanya, nilapitan ko na siya. Gusto kong manampal pero alam kong wala ako sa lugar ngayon. Wala na akong mapaghugutan ng lakas.
Tinulak ko na lang ang dibdib niya.
"Hindi lang yun, Troy. Marami! Gulong-gulo na ako sayo! Mahal mo ba talaga ako?" Nanliit ang mga mata ko.
Nalaglag ang panga niya sa tanong ko.
"Kasi tingin ko hindi eh. Tingin ko naghihiganti ka lang. Hobby mo lang ang saktan ako."
"No, Trisha... I'm sorry... Mahal kita... Pero-"
"Pero ano? May gusto kang matutunan?" Tumawa ako. "Oh edi pakawalan mo na ako! Matuto ka na lang ng mag isa. Wa'g mo akong gawing tanga!" Umirap ako.
"TRISHA!" Hinila niya ako.
"Ano ba talagang gusto mong mangyari dito, Troy? Ang hirap hirap mong ispellingin!" Tinalikuran ko siya.
Hinila niya ang braso ko, "Kung hinahayaan mo akong umalis pag nag ku-quit ako, sakin hindi pwede yan."
Nagpumiglas ako. Kinalmot ko na yung kamay niyang nakahawak sa braso ko.
"ARAY!" Sigaw niya at nakita kong dumugo yung isang daliri niya.
Na konsensya naman ako pero hindi parin napawi yung galit ko sa kanya.
Nagkatinginan kaming dalawa.
"Ang sakit nun, Trisha!" Sigaw niya.
"La akong pakealam! Buti nga sayo! I wish I didn't love you!" Sigaw ko habang tumutulo na ang luha ko.
Mas lalong humigpit ang hawak niya sakin.
"How could you say that to me?" Marahan niyang sinabi.
"Dahil ang hirap mong mahalin!"
Hinila niya ako papasok sa sasakyan niya. Umikot siya agad at pinaandar ito. Fast and furious lang ang peg nang nag drift siya. Natigil yung luha ko sa sobrang kaba ko. Akala ko makakasagasa kami o mabundol kami ng ibang sasakyan.
"Ano 'to, Troy You're pushing me to my limits! Pag nag quit ako, ikaw naman hahabol? Tapos pag magmakaawa ako sayo na tayo na lang sasabihin mo sakin, 'you can't!'? Ano 'to? Laru-laro lang? Joke joke?" Sabi ko.
"I can't because-"
"Ano? Mahal mo na yung si Abbie? Bakit di mo na lang ako diretsuhin? A clear rejection is always better than a fake promise! Wa'g mo akong paasahin sa wala, Troy!"
"WILL YOU JUST SHUT UP AND HEAR ME FIRST, TRISHA!"
Mabilis at matulin ang patakbo niya ng sasakyan. Miss na miss ko ang lugar na dinadaanan namin. Bakit siya nagda-drive sa madilim na lugar na ito? Hindi ba kami babalik sa Tribe Lounge? Paano yung party niya? Birthday niya ngayon tapos umalis siya sa sariling party niya?
"Iuwi mo na ako, Troy! Ayoko na talaga!" Sabi ko habang pinapark niya sa isang cliff na over looking.
Dito niya ako dinala noong nasaktan ako ni Jayden. Agad kong padabog na binuksan at sinarado ang pintuan. Gusto kong umalis. Ganun din ang ginawa niya pero tumakbo siya papunta sakin at kinulong niya agad ako sa braso niya.
"Makinig ka sakin, alright?!"
"ANO PA ANG PAKIKINGGAN KO SAYO? Yung 'I can't'? Hindi pa ngayon? Hindi pa pwede? Masyado kang nasaktan? Yes, damn shet! Nasaktan ka pero damn shet nasasaktan mo na rin ako!"
"Sh*t! Will you listen first?"
"What do you want me to do-"
Umamba siyang hahalikan ako pero tinulak ko siya.
"Don't you dare kiss me with your filthy lips!!!" Untag ko sa kanya.
Hindi parin siya natitiniag pero tumigil siya sa sa pag ambang hahalik sakin.
"Hinalikan ka ni Abbie, diba? Edi kayo na! Wa'g mo akong mahalik-halikan gamit yan. I hate you! Ang sama sama mo talagang tao! Noon pa alam ko ng masama ka eh... Kaya nga pinapaasa at sinasaktan mo ako ng ganito, diba? Punong-puno na ako sayo-"
"You know what? You should learn how to freaking shut your mouth up... Siguro pareho lang tayong dalawa... Hindi mo parin yan natututunan. Ako, hindi ko parin 'to natutunan: THAT I'M NO GOOD WITHOUT YOU! Kailangan kong matutunan na maari kang mawala sakin anytime mong gusto! Kailangan kong tanggapin na hinding hindi kita madidiktahan sa mga desisyon mo... Dahil tanging naiisip ko lang... tanging gusto ko lang ay ang diktahan ka palagi na dapat dito ka sa tabi ko... dapat sakin ka.. sakin ka lang magmamahal... sakin lang titibok ang puso mo... ako lang titignan mo... ako lang ang papansinin mo... magseselos ka pag may iba ako... at matatakot ka kung mawala ako kasi I freakin wanna get even with you!!! Kasi ganun ang nararamdaman ko sayo. Kailangan kong tangggapin na hindi ka bagay na pwedeng angkinin... na kailangan kang palayain. Na may sarili kang desisyon... Tulad ng pagdedesisyon mong mahalin ako kahit na kayo pa ni Jayden. Pero hindi ko kayang matutunan yun dahil walang second option ang pagmamahal ko sayo. Walang fall back. Dahil mahal kita, ikaw lang talaga... Wala akong plan B! Ikaw lang meron ako!"
Hinigal siya sa pagsasalita niya.
Laglag-lipad panty at panga ko sa sinabi niya.
Sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Sobrang lakas... Wala pa akong nararamdamang ganito ka lakas na pag pintig ng puso. Parang ngayon lang ako nabuhay. Nakakapanghina ang mga sinabi niya. Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung saan ako pupulot ng mga salita.
"Damn!" Umiling siya at kinagat ang labi.
Mabilis ang paghinga niya habang tinitignan ang labi ko.
"Damn... Hindi ba talaga kita pwedeng halikan?" Napalunok siya habang tinitignan ang labi ko.
Napalunok ako sa sobrang kaba. Pareho kaming hinahabol ang hininga. Halos di na talaga ako makahinga dahil sa paghuhuramentado ng puso ko.
"You are the girl of my dreams and the girl of my nightmares, Trisha. Damn!" Kinagat niya na naman ang labi niya at sinuntok ang sasakyan niya.
Agad tumunog ang alarm ng sasakyan niya dahil sa suntok.
"You've damaged me too much at hindi ko matanggap na hanggang ngayon, mahal na mahal parin kita... Hindi man lang humupa ng kahit konti... Nadagdagan pa lalo." Sinuntok niya ulit ang sasakyan niya.
May kinuha siya sa bulsa niya at pinindot para tumigil sa pag tunog ang sasakyan niya.
Umiling siya sakin. Tinignan niya na naman ang labi ko.
"Damn... I really wanna kiss you right now..."
Nabibingi parin ako sa sobrang ingay ng paghuhuramentado kong puso.
Marami pa kaming issues na hindi pa na-sosolve pero bakit tumitiklop na agad ang puso ko?
"Trisha??" Hinaplos ni Troy ang pisngi ko at tinignan ako ng diretso sa mga mata. "Nagbago ba ang isip mo sakin dahil sa mga ginawa ko sayo?" Nabasag ang boses niya. "Trisha... M-Mahal mo pa ba ako?"
Tinignan ko rin siya ng diretso, "Ako, Troy? Mahal mo ba ako?"
"Of course, damn, can't you see how much I'm in love with you?"
"Prove it to me."
Suminghap siya.
"Then exclusively date me. And let's go public..."
Napalunok ako at natahimik.
Ayan na naman ang puso kong parang sinisipa ng kabayo. Tumabi siya sakin at sinandal ang buong katawan sa sasakyan niya.
"Liligawan kita. Tanggap ko na na di ko matututunang mahalin ka nang di nagdadamot. Hindi ko kayang matutunan yun."
Hindi ako makapagsalita. Tuyo na yata ang lalamunan ko. Ilang sandali ang nakalipas, naramdaman ko ang ulo niyang humihilig sa balikat ko.
"Troy..." Sabi ko at tinignan siya.
Nakapikit ang mga mata niya.
"Umuwi na tayo." Sabi ko.
Hindi siya nagsalita. Maaga pa naman pero tingin ko tama na 'to sa araw na ito. Alam kong pagod na siya at pagod na rin ako sa nangyayari samin.
"Troy..." Tinapik ko ang ulo niya.
"Hmmm?"
"Uwi na tayo."
"I can't drive.... I'm really sleepy right now. Give me a minute..." Paos niyang sinabi sakin.
"Sa loob ka na lang ng sasakyan matulog." Sabi ko.
Gumalaw siya ng konti at kinuskos ang mga mata niya bago ako pinagbuksan ng pintuan.
Pumasok ako sa loob. Pumasok din siya sa driver's seat at humiga sa lap ko.
"I'm so tired..." Aniya at pinikit ang mga mata niya.
Tinignan kong mabuti ang mukha niya. Napailing na lang ako sa sarili ko dahil masyadong mabilis ang tibok ng puso ko kahit wala siyang ginagawa. I love him so much. I really love him. Kahit ang dami na naming pinagdaanan, kaya ko parin siyang tanggapin. Pero marami din naman siyang sakit na natamo sa pagmamahal niya sakin, at heto parin siya nagmamahal.
Gusto niya pang matutunan na mahalin ako nang di nagdadamot. Siguro ay ito ang epekto nang nakita niyang pagtataksil ko kay Jayden. Natatakot siya na gawin ko yun sa kanya.
Pero hindi ko yun magagawa. Hinding hindi na ulit... Nagkamali ako kay Jayden noon. Iniisip ko pa lang na magkakamali ulit ako kay Troy, namamatay na ako sa sakit.
*KRIIIIING*
Nakita kong panay ang tunog ng cellphone niya. Gigisingin ko na sana siya pero ayoko namang istorbohin konting tulog niya. Sinagot ko ang cellphone...
"Hello, Troy?" Nakita kong si Abbie ang tumatawag.
Hindi ako sumagot.
"We're really sorry. Hindi naman namin sinasadya. Gusto ka lang naming pasayahin. Alam mo naman sila, ayaw nila kay Trisha kasi two timer siya noon, galit ka pa ba samin? Troy?"
Damn shet! Hindi ako nagsalita.
"Ano daw?" Dinig ko si Irene sa background.
"Hello, Troy, pre?" Dinig ko si Nash. "Pasensya ka na. Ito kasi sina Andrei at yung mga kaibigan mo nung high school ito ang pakulong iniisip. By the way, okay naman si Andrei, nag nosebleed pero okay na siya. Ikaw? Okay ka lang ba?"
Nosebleed?
"Hello, Nash?"
"He-Hello?" Narinig ko ang pagkabigla sa boses ni Nash. "S-Sino-"
"Trisha 'to. May nangyari ba diyan nung umalis si Troy?"
Natahimik siya ng konti bago sumagot, "Uhm... Nagalit siya eh. Nagwala. Tapos hinanap ka niya. At mejo nagkagulo dahil sa pakulong yun... Asan ba siya? Okay lang ba siya? Bakit... ikaw?"
"I'm sorry I ruined the party."
Tinignan ko ang mukha ni Troy. Kaya pala pagod ito dahil sobra siguro ang pagwawala niya doon sa Tribe Lounge. Sira ang birthday niya dahil sakin. Mas lalo yata akong nahulog sa kanya. Ang weird. Pagkatapos ng sakitan namin, ito naman ang mararamdaman ko?
"Asan siya? Magkasama kayo?"
"Uhmm.. Yep."
"Bakit ikaw ang sumasagot ng tawag?"
"Tulog siya... Uhm... Uy... sorry talaga sa inyo."
Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Nash, "It's okay. Kami nga dapat mag sorry sayo. His party isn't totally ruined anyway... kasi magkasama naman kayo."
Ngumuso ako at ilang sandali pa bago nagsalita, "Sige. Baba ko na 'to. Bye..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top