Kabanata 44
Kabanata 44
Tao Lang Ako
"Bakit parang mas lalo kang tumamlay ngayong nagbalik na si Troy?" Tanong ni Emma isang araw sa cafeteria.
Umiling na lang ako. Ayokong pag usapan lahat ng nangyayari. Tama na sakin na nag aaway na ang puso at isipan ko. Gusto kong magpatuloy sa ginagawa namin ni Troy dahil mahal ko siya pero ayaw ng utak ko dahil tapos na ako sa pag po-prove sa kanya na kaya ko siyang habulin.
"Because I need to learn something... I can't do it..."
Ano ang kailangan niyang matutunan? Hindi naman siguro kailangang saktan ako para matutunan niya yun diba? Kung mahal niya ako hindi niya 'to magagawa. Dapat na ba akong sumuko? Baka totoong naghihiganti lang siya sakin?
"Huy! Ano? Sasama ka ba sa birthday niya?"
Umiling ako.
"Hindi? Bakit?"
"Parang... ayoko na."
Nagkatinginan silang lahat.
Tulala ako habang pinaglalaruan yung coke in can na iniinom ko kanina.
"Mahirap ba?" Tanong ni Beatrice.
"Of course, mahirap. You can't expect Troy Ezekiel to be easy." Sabi ni Camille.
Yes, he's not easy but he's worth it. Pero hindi ko na alam kung hanggang saan ako para lang makuha ulit yung Troy noon. Mahal niya ako, diba? Bakit kaya niya akong tiisin ng ganito?
Worth it ba ako sa kanya? Kung ayaw niyang masaktan, hindi niya isusugal ang puso niya sakin. Pero di niya ako mahal kung tingin niya ay di worth it ang pagsugal niya, diba?
Tumigil ako sa pagpaparamdam sa kanya. Pagkatapos ng almost 2 weeks na paghahabol sa kanya ay itinigil ko na. No texts, no calls. Iniiwasan ko na rin siya sa corridors. Thursday nang nagtext siya sakin sa gabi...
Troy:
You okay?
Agad kong dinelete ang text niya. Sumusikip ang dibdib ko habang iniisip ang lahat. Hindi ko na kasi talaga siya naiintindihan. Mahal ko siya pero di ko na siya maintindihan. Hindi ko na alam kung saan ako huhugot ng lakas para magpatuloy pa sa ginagawa naming dalawa. Ang alam ko, ginawa ko na ang lahat. Pero dahil sinabi niya saking, 'I can't....', natauhan na ako. Ibig sabihin hindi niya talaga ako pwedeng tanggapin.
Tumawag siya.
Hindi ko sinagot.
Troy:
Answer my call.
Tumawag ulit siya.
Hindi ko siya maintindihan. Ayaw niya sakin pero naghahabol siya minsan. Ganoon ang eksena buong gabi. Hindi niya ako tinantanan.
Troy:
You frustrate me too much.
Hindi ko na mapigilan ang sarili kong di mag reply.
Ako:
You frustrate me more.
Nagreply agad siya. Para bang nakalimutan niya na yung rules ng Art of Seduction.
Troy:
I'm sorry. Can we please talk.
Hindi ko na naman sinagot ang mga tawag niya.
Birthday niya na sa araw na ito. Papalabas ako ng classroom sa huling klase ko nang nakita ko siyang papalapit sa classroom namin. Tumakbo ako at nagtago dahil ayokong magkita kaming dalawa... ayokong makipag usap muna... ayokong sumama sa birthday party niya.
Troy:
Asan ka ba? Iniiwasan mo ba ako?
Uuwi na ako sa bahay. Nagtaxi ako.
"Manong, bayad." Sabay tingin ko sa labas ng bahay namin.
DAMN SHET! Ibang klase din si Troy, huh! Kung di niya ako maabutan sa school ay dito siya sa bahay naghihintay? Nakapark ang sasakyan niya sa labas ng bahay namin. Hindi lang yun basta-bastang sasakyan kasi Audi niya ang nakapark doon. Yung binato ko noon ay ginagamit niya na ulit!
Lumabas ako sa taxi. Nanginig agad ang buong sistema ko habang papasok ako sa gate.
Nung pumasok na ako sa pintuan, bumulaga sakin ang malungkot na mukha ni Troy na nakaupo sa sofa habang kinakausap si mommy at daddy.
"Dad, Mom!"
Humalik ako kay mommy at daddy. Sinundan ako ng titig ni Troy pero binalewala ko na lang.
"Ano ka ba, Trisha! Batiin mo naman si Troy! Birthday niya pala ngayon." Sabi ni mommy nang nakangiti.
"Happy birthday, Troy." Malamig kong sinabi. "Bihis lang ako ng pambahay, mom."
"HA? Akala ko ba kasama ka sa birthday party ni Troy?" Tanong ni daddy.
"Po?" Nagkatinginan kami ni Troy.
Seryoso ang mukha niyang nakatitig parin sakin. Tahimik siya. Para bang may pinag usapan sila dito bago pa ako dumating.
Kinabahan agad ako.
"Ah! O-Oo. Sige.. Bihis lang ako." Sabi ko.
Nagmadali ako papunta sa kwarto. Pinili ko ang isang black na dress at mabilis kong inayos ang sarili ko. Kinakabahan ako sa mga sinabi ni Troy kay mommy at daddy. Kinakabahan ako. Pero baka naman guni-guni ko lang ang lahat? Baka naman masyado akong guilty sa kung anong nangyayari samin ni Troy ngayon kaya ganito ako kung maka react?
Pinasadahan ako ng titig ni Troy nang nakarating na ako sa sala.
"Tapos na ako magbihis..." Sabi ko kay mommy at daddy.
Tulala si Troy sa mukha ko nung sinulyapan ko.
"Ano? Aalis na ba kayo, Troy?" Tanong ni daddy.
Natauhan si Troy at, "O-Opo... Uhm..." Mabilis siyang tumayo.
Tumayo din si daddy at mommy.
"Sige... Anong oras ka uuwi, Trisha? May duty ako mamaya kaya pwede kitang sunduin kung matatagalan ka." Sabi ni daddy.
"Wa'g na po... Ako na maghahatid sa kanya." Sabi ni Troy.
Tumango si daddy at tinapik ang balikat ni Troy.
"Tayo na, Trisha." Naglahad ng kamay si Troy sakin.
Laglag agad ang panga ko habang tinitignan nang pabalikbalik si mommy at daddy. Ngumiti si mommy at tumango. Wala namang reaksyon si daddy sa ginawa ni Troy.
Nagdalawang isip pa ako sa paglalagay ko ng kamay sa kamay niya. Sabi ko ayoko na, diba? Bakit siya naman ang gumagawa ng paraan ngayon para magpatuloy ako?
Nilagay ko ang malamig kong kamay sa kamay niya.
"You take care." Hinalikan ako ni daddy.
Tumango ako at napalunok.
Umubo si daddy habang tinitignan ang kamay ni Troy na nakahawak sakin.
"Sige po, alis na kami." Sabi ni Troy sa mommy at daddy ko.
"Ingat kayo!" Patiling sinabi ni mommy.
Tumango lang si daddy at di parin naalis ang tingin niya sa kamay namin ni Troy.
Nang pumasok na kami sa loob ng sasakyan, tahimik na lang ako. Ayokong may masabing mali. Ayokong masaktan ulit sa mga sagot na maririnig ko sa kanya pag nagtanong ako. Hindi ko rin alam kung bakit sumasama pa ako sa kanya ngayon. I guess I need to try this out... for the last time.
"Iniwasan mo ako ng isang linggo. Are you mad at me?" Tanong niya sakin.
Nakatingin lang ako sa labas. Naiinis ako sa tanong niya.
"Insensitive." Bulong ko sa sarili ko.
"WHAT?" Sumulyap siya sakin.
Umiling ako.
"Wala." Sabi ko.
"I'm sorry kung nasaktan kita." Suminghap siya.
Hindi ako nagsalita. It's just not enough. He's too complicated. He wants me to earn him and use his Art of Seduction pero sasabihin niya saking 'I can't.'. Maybe its time for my own Art...
Art of Letting Go. Lalayuan ko na siya. Hindi ako maghahabol. Dahil kung mahal niya ako, hindi niya ako papahirapan ng ganito.
"Trisha..." Ginulo niya ang buhok niya.
"Troy, bilisan mo pagmamanehp, baka nag start na yung party mo." Sabi ko.
"Wala akong pakealam. I want to talk to you..."
"We'll talk later." Kahit wala akong planong makipag usap sa kanya.
Nasabi ko na ang lahat. It's up to him... Siya na ang magdedesisyon. He's just making things complicated. I tried my best but I think my best isn't good enough for us.
Malungkot siya nung dumating kami sa Tribe Lounge. Hindi ko na pinansin ang mapupungay niyang mga mata at malungkot niyang mukha.
"Damn this birthday." Aniya.
Hindi ako nagsalita. Tinignan niya lang ako na para bang naghihintay na may gawin para pasiyahin siya. Wala akong maibibigay kung ako mismo ay malungkot at malamig sa sitwasyon naming dalawa. I'm sorry, Troy. I felt drained. This is what you do to me...
Dahan dahan niyang binuksan ang exclusive room ng Tribe Lounge. Doon, kumpleto ang mga kaibigan niya.
"HAPPY BIRTHDAYYYY TROOOY!" Sigaw nilang lahat.
Tumili sila nang nakita si Troy. Binalewala nila ang presensya ko. Of course, ayaw nila sakin. Bad idea talaga na pumunta pa ako dito. Kung sana hindi niya ako pinuntahan sa bahay, di na ako pumunta dito.
"OUR GIFT FOR YOUUU!" Sigaw nilang lahat sabay turo sa isang napakalaking box. Life size box.
Ano yan? Washing machine? Wala akong gift kay Troy kasi wala naman akong balak na pumunta ngayon. Pero anndito na naman ako kasama siya. Tinitignan ko na naman siya habang binubuksan yung gift sa harapan niya sabay tawa.
"Ano 'to?" Tanong ni Troy.
"Buksan mo na lang, daliiii!" Sigaw nila.
Dali-daling binuksan ni Troy ang gift niyang pagka laki-laki. Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko kung ano... hindi... sino ang nasa loob.
Tumatawang bumabati si Abbie sa loob ng gift ni Troy. Niyakap niya si Troy pagkatapos niya buksan si Abbie sa loob.
Hindi ko na marinig ang mga sinasabi ng mga tao. Sobrang ingay ng tawanan at tilian nila.
"Excuse me..." Sabay tulak sakin ng isa sa mga kaibigan ni Troy na nagpipicture sa nangyayari.
Echepwera na naman ako as usual. Ako ang dinala ni Troy dito pero ako naman ang naOOP.
"Happy birthday, Troy!" Hinalikan ni Abbie si Troy sa labi.
"WHOAAAAAA!"
Passionate ang halik ni Abbie sa kanya. Hindi gumalaw si Troy. Nanigas siya habang hinahalikan siya ni Abbie.
"Hindi ka sasaktan niyan! Hindi ka gagawing kabit niyan!" May sumigaw ng ganito sa mga kaibigan niya.
Tumalikod ako bago pa may lumandas na luha sa mga mata ko. This is the sign I've been waiting for. I'll give him up. I quit on him.
Tumakbo ako palayo ng Tribe Lounge.
"Kasalanan ko 'to! Sheeet! Kasi naman nakipaglaro pa ako sa Master of Seduction! Alam ko namang wala yung mai-" Humikbi na ako. Kahit yung mga sinasabi ko sa sarili ko di ko na maituloy. "maibibigay na pagmamahal sakin... P-Puro pride lang ang alam! Alam ko namang nagkamali ako samin noon p-pero... damn shet! Kailangan bang masaktan ng ganito?"
"Trisha..." Naaninaw ko ang isang pamilyar na mukha.
Halos isang buwan din kaming di nagkikita ni Jayden. Ibang iba na siya ngayon. Mas nag mature siya. Nabigla ako sa pagsulpot niya.
"You alright?" Tanong niya.
Tumango ako kahit alam kong kitang-kita ang mga luha ko, "Yep." Nabasag ang boses ko.
Ayokong humingi ng comfort kahit kanino. Lalo na sa kanya. Sinaktan ko siya noon at dapat hindi kabaitan ang ipinapakita niya sakin.
"No... of course, you're not." Bigla niya akong niyakap.
Mas lalo akong naiyak sa yakap niya. Sana binalewala niya na lang ako nang matigil na ako sa pag iyak. Pag kino-comfort kasi ako mas lalo lang akong naiiyak.
"Trisha... Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya at hinarap ako. "Sinong nagpaiyak sayo?" Tanong niya.
Umiling na lang ako.
"Gusto mo bang umalis dito?" Tanong niya.
Hindi ako sumagot. Pinunasan ko na lang ang luha ko. "Let's go..." Aniya.
"Wa'g na Jayden, I'm okay here..." Sabi ko nang hinila niya ako.
"You're not okay."
Natahimik kaming dalawa. Tinignan niya ako ng mabuti.
"Sinaktan ka ba niya?"
Hindi ako sumagot. Hinaplos niya ang pisngi ko.
"He doesn't deserve you. Masama siyang tao." Umiling siya.
"Masama din naman akong tao." Sabi ko.
"Hindi ka masamang tao, Trisha."
Parang kinurot ang puso ko sa sinabi ni Jayden.
"Sinaktan kita-"
"Shhh..." Nilagay niya ang index finger niya sa labi ko at nilapit ang mukha niya.
Nanlaki ang mata ko nang narealize ko kung anong gagawin niya. Hinalikan niya ako pero agad ko siyang naitulak.
"Jayden!" Sigaw ko.
"I'm sorry. Gusto ko lang mapawi ang sakit na nararamdaman mo..."
Tumingin ako sa paligid. Napabuntong-hininga ako at nagpasalamat sa lahat ng santo na wala si Troy dito. Kahit na ayaw ko na sa kanya, kahit na gusto ko ng mag move on, ayaw ko paring makita niya iyon.
Napatalon ako nang biglang nag ring ang cellphone ko at tumatawag si Troy. Hindi ko iyon sinagot.
Umiling ako kay Jayden...
"I'm really sorry, Jayden. Walang makakapawi nito..."
"Kundi si Troy?" Lumunok siya at tumango.
Hindi ako nagsalita.
"Alam ko naman yun." Suminghap siya.
"I'm really sorry... Hope you find someone better. Excuse me..." Sabi ko at umalis para pumara ng taxi.
Hindi niya ako sinundan. Tinignan lang ako ni Jayden. Mas gusto ko iyon. Sa ngayon, narealize ko na ang pagkakamali ko noon. Kung faithful ka at mahal mo ang isang tao, masaktan ka man, kailanganin mo man ang comfort ng ibang tao, dapat alam mo rin ang limitasyon mo. Mahal ko si Jayden noon pero mahal ko rin si Troy, unconsciously kaya nakaya kong mag cheat kay Jayden.
Pumara ako ng taxi at pumasok sa loob.
Aalis na sana ang taxi ng bigla itong nag break dahil sa humarang na Audi sa harap.
Sobrang galit ako sa ginawa niya. Punong puno na ako sa mga nangyayari saming dalawa. Padabog kong binuksan at sinarado ang pintuan ng taxi.
Lumabas din si Troy sa sasakyan niya.
"ANO BA? Hindi mo ba maintindihang pagod na ako sayo!? AYOKO NA! TAO LANG AKO! Napapagod din! I'm not Superwoman! I QUIT ON YOU!" Sigaw ko sa kanya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top