Kabanata 43
Kabanata 43
We'll Never Be Even
"What the fvck, Trisha?" Sinalubong niya ako nito pagkalabas naming dalawa.
Mabuti na lang at wala masyadong tao sa lobby ng fifth floor. Mukhang casino talaga ang lugar na ito. Yun nga lang, nasa loob pa ng rooms ang mga slot machines. Yung babae sa reception lang at isang matandang lalaki ang nanonood saming dalawa.
"Are you seducing Nash? Kanina ka pa ah! Sa restaurant pa tayo-"
"I didn't seduce him! Tsaka ni hindi nga kami nag usap sa restaurant-"
"Sinabi ko bang siya yung tinutukoy ko sa restaurant. Syempre yung totoy na nakabangga mo-"
"Artista yun, totoy ka riyan-"
"Wala akong pake!" Ginulo niya ang buhok niya.
"Anong problema mo? Kung ayaw mong may makapansin saking iba edi angkinin mo na ako!"
Nalaglag ulit ang panga niya sa sinabi ko. Unti-unting nanliit ang mga mata niya habang humahalukipkip ako.
"Choose, Troy." Ngumisi ako at itinaas ang isang kilay.
"N-No, Trisha." Umiling siya. "Is that your best shot?" Tanong niya.
Napansin kong sumulyap siya sa dibdib ko. Bigla siyang lumapit sakin at hinawakan ang likuran ko. Hinawakan niya yung lock ng bra.
"Nagpu-push up bra ka na rin? You have to stop that, Trisha!" Galit niyang sinabi.
Nag init ang pisngi ko sa sinabi niya.
"Buti napansin mo."
"Napansin? Kanina ko pa napapansin yan! I know your boobs, Trisha."
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. "Ano naman ngayon kung mag push up bra ako? Mas lalo akong attractive kung ganito-"
"Sino ba talagang siniseduce mo? Ako o yung ibang tao? Nung yumuko ka kanina sa billiard table kitang kita yang cleavage mo, pagkatapos mong akitin si Nash, sino isusunod mo? Si Theo? Si Andrei?"
"Kung ayaw mo kasi, Troy, edi bumigay ka na sakin."
Napaawang ulit ang bibig niya. "Your best shot is not enough for me, Trisha. You've got to stop this."
"Make me stop this, Troy. And I know you know how..."
"No way..." Umirap siya.
Ayan na naman si Mr. Araw Araw May Dalaw! Ibang klase talagang mag mood swing ang kurimaw na ito. Daig pa ang babaeng may dalaw.
"Hay nako! Ang sungit mo talaga! Nagseselos ka lang naman eh!" Sabi ko.
"Hindi ako nagseselos!" Umirap siya. "Bakit naman ako magseselos at kanino?"
"Kung ganun edi hayaan mo na lang ako sa ibang lalaki!"
Naagaw ko agad ang pansin niya sa sinabi ko, "Ewan ko sayo, Trisha Roncesvalles! Sana di kita sinama eh!"
"Akala ko naman kasi tayong dalawa lang kaya nag push up bra ako ng bongga!"
Namula siya sa sinabi ko. Diretso ang tingin niya pero pulang pula ang pisngi niya.
"P-Para sakin?" Napalunok siya.
Ako naman yata ngayon ang namumula.
DAMN SHEEET! Parang yung dati lang ah? Yung mga Make Out Make Out Lang moments namin. Miss na miss ko na yun.
"Oo. Pero ayaw mong tayo lang dalawa kaya ayan tuloy..."
Napawi ang ngiti niya at ginulo ang buhok.
"Kung ayaw mong nandito ako, uuwi na nga lang ako!" Sabi ko at tinalikuran siya.
Hinawakan niya na naman ang braso ko, "Wa'g kang uuwi, sabay tayo mamaya. Ako maghahatid sayo."
"Eh wala naman akong gagawin dito. Group date niyo 'to. Nakikisawsaw lang ako dito sa inyo. Wala akong ka date-"
"Anong tawag mo sakin?"
Napakurap-kurap ako sa sinabi niya, "Anong tawag mo kay Abbie?"
"Tss!" Umirap siya sakin.
"So ganun? Gusto mo dalawa yung sayo? Edi Kayo na lang ni Abbie at Irene tapos kami ni Nash! Simple! Compromise!"
Ewan ko kung anong meron sa sinabi ko pero galit na galit siyang bumaling sakin.
"Hindi pwede!" Sigaw niya. "No freakin way, Trisha! No way! Sa tabi kita mamaya pagpasok sa loob. Sa tabi kita palagi. Hindi ka pwedeng mawala sa tabi ko."
Hinila niya ako papasok sa room.
"Tapos ano? Pagmamasdan ko kayong nagbubulung-bulungan ni Abbie?"
"Troy, Trisha?" Biglang lumabas si Abbie sa room.
Sabay kaming napalingon ni Troy sa kanya.
"O-Okay lang ba kayo? They asked me to check on you two..." Napalunok siya.
Sabay kaming suminghap ni Troy.
"Lika na, Trisha." Sabay lakad niya papasok ng room.
Napatingin si Abbie kay Troy. Mukhang badtrip na talaga si Troy at hindi iyon mapapawi ni Abbie. Naiinis ako sa kanya. Pwede namang umalis na lang kaming dalawa. Pwede namang bumigay na lang siya tutal mahal niya naman ako. Alam ko malaki talaga ang atraso ko sa kanya... ilang beses ko siyang nasaktan at gusto niyang i-prove ko sa kanya na mahal ko siya. Pero ngayon feeling ko talagang pride na lang ang nagpapatayo sa kanya. Kita sa actions niya na nagseselos at concerned siya kaya alam kong mahal niya talaga ako.
Nawala nang parang bula ang mga iniisip kong iyon nang biglang:
"ADVANCE HAPPY BIRTHDAY TROOOOOOOOOOOOOY!" Sigaw nila sa loob ng room.
May hawak-hawak pang cake si Irene at mga inumin naman ang hawak ni Nash.
Humagalpak ng tawa si Troy sa ginawa nila. Kailan ba ang birthday ni Troy at bakit 'advance happy birthday'?
"Uy! Salamat!" Tumatawa siya habang nakikipag-apir sa lahat.
"Happy birthday, Troy!" Maliit na gift ang ibinigay ni Abbie sa kanya.
"AYIEEEE!" Sigaw ng lahat kahit nakasimangot si Irene.
Si Abbie lang ang may gift sa kanila kaya panay ang kantsyaw nila sa dalawa. Niyakap naman ni Abbie si Troy.
Nanikip agad ang dibdib ko. Mahigpit ang yakap ni Abbie. Talagang pinulupot niyang mabuti ang mga braso niya sa leeg ni Troy. Nagtwanan sina Troy.
"UYYY! Kiss na yan!" Cheer ni Andrei.
Nanlilisik ang mga mata ko habang tinitignan si Andrei. Tinignan niya rin ako pero binalewala na lang. Mukha yatang wala talaga akong kakampi dito.
"Uy! Wa'g naman kayong ganyan." Pula ang pisngi ni Abbie nang binitiwan ang leeg ni Troy.
"Thanks, Abbie." Bulong ni Troy kay Abbie sabay sulyap sakin.
BUSHET! Alam ko talagang pinapaselos niya ako pero... damn shet... sa totoo lang tumatalab na talaga sakin ah? Hindi ako nagpahalata. Ngiting aso ang ipinakita ko sa kanya. Kaya pa 'to, Trisha! Kaya pa!
"Ayieeee!" Kantsyaw na naman ng mga kaibigan niya.
Napaupo tuloy ako sa bench.
"Bagay na bagay kayo, Troy. Si Abbie na lang kasi dahil di ka sasaktan niyan! Woooh!" Sigaw ulit ni Andrei.
So ibig sabihin sasaktan ko si Troy? Ganun ba yun?
Tumawa na lang si Troy at nagkibit-balikat sa kanila. Si Abbie naman ay sinasapak si Andrei sa kahihiyan.
"Hinay-hinay lang tayo sa hard liquors ah? May Friday pa." Kumindat si Troy sa kanila. "Punta kayo!"
"Saan?" Tanong ko.
Tumawa si Troy sa bilis kong magtanong, "Kasama ba siya, Troy?" Maarteng tanong ni Irene.
HINDI NA NGA LANG! Bwusit talaga! Kung sana kaya kong i give up na lang si Troy dahil sa mga kaibigan niyang parating galit sakin. Mabuti pa si Nash kanina, mabait, pero yun nga lang, ayaw ni Troy na lumalapit ako kay Nash.
Kaya ayun, ayaw niya, edi lumapit ako.
"Saan yung birthday celebration ni Troy, Nash?" Tanong ko.
"Hmmm... Sa Tribe Lounge yata. Ipapaclose yung special rooms para sa birthday niya." Sagot ni Nash.
"Sa Tribe Lounge, Trisha. Kukunin kita sa inyo sa gabing iyan. Ako mag papaalam sa mga magulang mo para makasama ka sa birthday ko pero bakit ang layo mo sakin ngayon?" Nabigla ako sa dirediretsong pagsasalita ni Troy. "Diba sabi ko sa tabi lang kita?"
Paano niya nagagawang sabihin yun sa harap ng mga kaibigan niya? Sa harap ng umaasang si Abbie? Oh well, we can't really expect him to be kind to anyone.
"Excuse me..." Sabi ni Abbie at pumuntang CR.
Ni hindi yun napansin ni Troy.
"Anong hinihintay mo riyan?" Untag niya sakin. "Lika na dito!" Sabay turo niya sa tabi niya.
Awkward yung mga sumunod na moments sa kanila ni Abbie. Mabuti at hindi gaano nag tampo si Abbie kay Troy kaya unti-unti silang naging okay. Pero bakit parang na relieve ako na okay sila? Hindi ba dapat masaya ako pag magkagalit sila?
Umiiling na lang ako sa kawalan habang pinagmamasdan silang lahat. Nagbubulung-bulungan si Troy at Abbie. Every 10 seconds namang nakangiti na bumabaling sakin si Troy. Para bang sinasabi niya sakin na ang saya niya sa ginagawa niya at kawawa ako dito sa tabi niyang walang kasama.
Humikab na ako sa sobrang inip. Tumayo na lang ako pagkatapos kumain ng cake at sumubok na namang humawak ng cue stick.
"Paano?" Tanong ko kay Theo ngayon.
"Uhmm..." Hinawakan niya ang end ng tako at nag demonstrate kung paano ko hahawakan.
Tumango ako at sinubukang yumuko ulit para tirahin ang bola.
Imbes na bola yung tinitignan ko, nakita ko tuloy si Troy na nakahalukipkip at nakasimangot sa harap ko.
"Eto na." Sabi ko.
Tinira ko na naman ang bola, walang pumasok. I suck at this...
"Damn it! Tigas ng ulo talaga! Let's go home!" Biglang tumayo si Troy at pumunta sakin.
"HA? I'm having fun here, Troy." Sabi ko.
"Tsss. Uwi na kami... Umuwi na rin kayo. Thanks for this! See you this coming Friday."
Hinila niya ang kamay ko.
"O sige!" Nagkatinginan pa silang lahat bago kami tuluyang lumabas ng room.
"P-Pano si Abbie-" Sabi ko. "Teka..."
"Sabi sayo sa tabi lang kita."
"Ang OA mo ha? Anong gusto mo pagmamasdan ko na lang kayo ni Abbie na naglalandian?"
"O edi bakit di mo rin ako landiin?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya habang pumapasok kami sa elevator. "Gusto mong landiin kita sa harap ni Abbie?"
Nakita kong pumula ang pisngi niya, "Ano? Ibibigay mo na lang ba ako? Hahayaan mo na lang ba akong maagaw sayo? Okay lang? Kasi alam mong patay na patay ako sayo?"
Lumipad na talaga ang palad ko sa bibig ko sa sobrang bigla ko sa sinabi niya.
Dirediretso ang salita niya sa sobrang galit niya. Ilang shots lang naman ang nainom niya at alam ko kung paano siya malasing. Hinding hindi siya lasing ngayon. May ulirat siya habang sinasabi niya yun.
Nilapitan ko na agad siya at pinulupot ko ang braso ko sa leeg niya. Nabigla siya sa ginawa ko. Nabigla siya sa sobrang lapit ko. Nabigla siya sa pagiging agresibo ko pero damn shet hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya pagkatapos nung sinabi niya sakin.
Marahan at mariin ko na lang siyang hinalikan. The boy who taught me how to kiss.
Pamilyar pero bago ang naramdaman ko sa halik ko sa kanya. Nanigas na lang siya sa ginawa ko. Hindi siya gumalaw pero nakaawang ang bibig niya.
"Open your mouth wider, Troy." Bulong ko sa kanya.
Dumilat ako at napangiti nang nakitang kinakabahan siya. Sa sobrang kaba niya, mabilis ang pag hinga niya at halos marinig ko na ang kumakabog niyang puso kasabay ng pagkabog ng sakin.
*TING*
Tinulak ko siya agad at nakitang may sasakay na mga tao. Basement na pala. Nandito ang parking lot ng park mall kaya lumabas na agad ako.
Nilingon ko si Troy at nakitang stunned parin siya sa ginawa ko. Nakaawang parin ang bibig niya at nakatingin sakin. Hindi makagalaw.
"Troy, let's go!" Sabi ko.
Natauhan siya at agad tumakbo palabas.
"D-Damn!" Napapikit siya at napailing nang nakaharap na siya sakin.
Kinuha ko ang kamay niya at pinulsuhan siya tulad ng ginagawa niya sakin noon. Tama ako, kumakabog nga ng malakas ang puso niya ngayon. Sobrang lakas ng pintig ng pulso niya na agad kong nahanap sa wrist niya.
Binawi niya ang kamay niya.
"Damn! This is what you do to me!" Umiling siya at pinatunog ang Mazda.
Nagmadali siyang pumasok sa loob. Pumasok na rin ako sa front seat.
"That is what you do to me, too." Sabi ko sa loob ng sasakyan niya.
Ginulo niya ang buhok niya at tinignan ako.
"Kinalimutan ko na dapat lahat eh. Damn!" Umiling na naman siya at pumikit. "I said, I can't lose my self just because I found you... I really can't-"
"Shhhh..." Lumapit ako sa kanya.
Hinalikan ko ulit siya. Slow, passionate kisses...
"You taught me how to kiss, Troy."
Nanigas pa rin siya. Hindi siya makagalaw. Para bang hinihintay niya ang sarili niyang mag desisyon kung ano.
"Tri-"
Hindi ko siya pinagsalita. Mas lalo ko na lang pinalalim ang mga halik ko.
Then when he finally kissed me back, dumilat ako. Nakita kong nakapikit na siya at dinamdam ang halikan naming dalawa. I missed this so much! I miss his kisses so much. Gusto kong ipaalala sa kanya ang mga gusto niyang kalimutan.
Tinulak ko siya nang lumalim ang halik niya.
Na frustrate siya dahil kakabigay niya lang sakin ng mga halik niya ay pinutol ko agad. Yes, this is how you frustrate him. Ayoko mang gawin sa kanya ito pero kailangan ko dahil ganito si Troy. Hindi siya basta-bastang bumibigay lalo na ngayong alam niyang vulnerable ang puso niya sakin.
"Why were you trying to forget me?" Tumaas ang kilay ko.
Natahimik siya.
"Yun ba ang ginawa mo sa Monaco? Gusto mo makalimutan ako kaya pumunta ka doon? Anong nangyari? Nakalimutan mo ba ako, Troy? Si Abbie? Ginagawa mo bang panakip butas? Para kalimutan ako? Anong nangyari? Nakalimutan mo ba ako? Kung lalayo ako ngayon... ano sa tingin mo ang mangyayari, makakalimutan mo kaya ako?"
"Madaya kang mag laro, Trisha." Aniya.
"Alam mong madaya ako simula pa lang." Sabi ko. "At alam kong madaya ka rin. We're just even."
"We'll never be even, Trisha. You've been in love with someone else... I'm only in love with you..."
Napalunok ako sa sinabi niya.
"Noon yun. Pero bakit hindi pwedeng maging tayo?" Mabilis kong tanong.
"Because I need to learn something... I can't do it..." Uming siya at pumikit.
"What?" My heart is slowly breaking.
What is this all about, Troy? Nanikip ang dibdib ko sa sinabi niya.
"Ano ba yung kailangan mong matutunan?"
"Let's just go home..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top