Kabanata 42

Kabanata 42

Selosan

Alam niyo ba yung pinaghandaan ko talaga ang araw na ito. Ang resulta ay di ako masyadong nakatulog kagabi. Nagpaganda talaga ako. Mahaba na yung buhok ko at naging loose curls na yung curls ko noon. Nilagyan ko talaga ng hair products ang mejo magulo kong buhok. Naglotion sa buong katawan. Nag perfume din. Simple lang ang damit ko pero naka PUSH UP bra ako. Yes... Shet! Hiyang-hiya ako habang sinusoot ito sa harap ng salamin.

Epektibo talaga siya. Kahit naka loose v-neck shirt lang ako, kita mo talaga na may pagbabago. Mas malaki. Hindi na siguro yun magrereklamo.

Iniisip ko na yung gagawin ko. Push-pull. Minsan sweet, minsan masungit, magtatampo ako, at ang pinaka importante sa lahat?

"Make him feel that he's not the only one."

"Susunduin ka ni Troy, Trisha?" Biglang pumasok si mommy nang di kumakatok.

Napatalon ako sa bigla.

"Opo." Sabay kuha ko sa bag ko.

Natigilan siya at lumabas ulit sa kwarto ko.

"Oh, ayan na pala siya!" Aniya.

"G-Ganun po ba?"

Sabay kaming bumaba ni mommy at sinalubong si Troy sa labas. Nakapark lang sa labas ng gate ang sasakyan niya.

 Malaki ang ngiti ni mommy habang niyayakap si Troy.

"Pasok ka muna?" Sabi ni mommy.

"Wa'g na, mom. Aalis na kami." Sabi ko.

"KJ mo talaga, Trisha! Sandali lang naman eh."

"Wa'g na nga..." Sabi ko habang tinitignan ang tuwang-tuwang mukha ni Troy.

Hinila ko na lang si Troy palabas ng gate namin. Sumimangot si mommy habang tinitignan kaming palabas.

"Haaay! O sige! Mag ingat kayo ah? Trisha, ayusin mo ang pag trato mo kay Troy! Memorize ko pa naman ang ugali mo."

Umiling na lang ako habang nakikitang tumatawa na si Troy. "Sige tita! Akong bahala kay Trisha!" Kumaway siya kay mommy.

Una akong pumasok sa front seat niya. Nahuli siya dahil nagpacute pa kay mommy. Tumatalab talaga ang pagpapacute niya kay mommy. Na gu-gwapuhan kasi si mommy sa kanya. Talaga lang huh? Pati si mommy natatamaan sa kagwapuhan niya?

Abot tenga ang ngiti niya habang pinapaandar ang sasakyan niya. Umiiling-iling pa siya sa kawalan.

"Tanggap ka na ni mommy. Kulang na lang talaga maging tayo na." Sabi ko habang tumitingin sa kalsada.

Napasulyap siya sakin at dumiretso ang sasakyan niya sa hump kaya napatalon kaming dalawa sa inuupuan namin.

That's how you do it with Troy. Syempre, ganyan dapat pag nagpapakipot siya. Dapat straightforward ka.

"Ingat ka naman, Troy." Sabi ko.

Sumimangot siya at napatingin sakin. Hindi siya nagsalita at nagpatuloy na lang sa pag di-drive.

"Sa mall lang tayo, Troy." Untag ko nang nakitang ibang daan ang dinadaanan niya.

"Bakit?" Sumulyap siya sakin.

"Kasi dun ang gusto ko."

"Ayoko, may iba akong restaurant na gusto. Wala yun sa mall na gusto mo." Aniya.

"Saan? Fine dining, ba? Baka di ako maka afford?" Kinabahan ako.

Ako naman kasi yung nagyayang mag date at alam kong naghihiganti siya sakin kaya malamang ako yung pagbabayarin niya sa mga pagkain.

"Nakalimutan mo na ba, Trisha? I don't let women pay for me." Aniya.

"Eh ako naman yung nagyaya sayo-"

"Kahit na. Tingin mo ba ikaw pa lang ang unang nagyaya sakin? Marami nang nagyaya sakin noon at hindi ko sila hinahayaang magbayad para sa akin."

Napalunok ako. Bakit tuwing may binabanggit siya tungkol sa ibang babae niya noon ay nasasaktan ako? Nagiging OA ba ako o talagang masakit lang? Inalog ko ang ulo ko at nilunok lahat ng sakit.

"You okay?" Marahan niyang tinanong sakin.

"Yep. Tulad ba ako ng iba mong babae, Troy?"

"Huh? What do you mean?" Aniya habang pinapark sa sa Park Mall.

"Ako ang magbabayad sayo! Sa ayaw at sa gusto mo!" Binuksan ko ang pintuan niya at lumabas na.

Ilang sandali pa siya bago lumabas. Think, Trisha! Kailangang maalala ko lahat ng theories. Push and pull. Malamig ngayon, sweet mamaya... Make him feel that he's not the only one.

"Saan tayo?" Tumaas ang kilay ko habang lumalabas siya sa sasakyan.

Nagtaka siya sa inasal ko, "T-Tayo na." Marahan parin ang pagkakasabi niya.

Nauna ako sa paglalakad. I need to be confident. I need to have my own decision. Nakapasok kami sa mall nang ako ang nauuna.

"Trisha..." Tawag niya sakin.

Nilingon ko siya, "Dito tayo." Sabay turo niya sa kabilang banda.

Una, hesitant pa ako. Gusto kong tumanggi. Gusto kong mag decide para saming dalawa. Pero bago pa ako nakapagprotesta ay naglakad na siya papunta doon. Equally cold Troy. Nakasimangot ko siyang sinundan.

Pumasok siya sa isang Thai restaurant. Dire-diretso ang pasok niya. Naisip kong mabuti na lang at dito kami, hindi masyadong mahal. Keri na siguro ang isang libo para saming dalawa. WAIT!? Para saming dalawa?

Nabigla ako nang nakita ko ang mga pamilyar na mukha sa isang malaking table. Si Theo, Nash, isa pang lalaki na hindi ko kilala, kasama ang tatlong magaganda at mapuputing babae at modelo na laging kasa-kasama ni Troy... at syempre, magpapahuli ba yung bagong myembro nila? Hindi. Nandito rin si morenang may dimples.

"What is she doing here?" Maarteng tanong ng isang modelo sabay turo sakin.

"Group date?" Tumawa si Troy.

"Group date? Nandito na naman si Abbie ah?" Tumingin lahat sa morenang may dimples.

Ngumiti siya saming lahat, "Ano ba... Okay lang naman..." Malambing niyang sinabi.

"So adorable." Sabi ni Troy sa kanya.

Nagngitian na lang mga kaibigan niya. Para bang may secret message sila para sa isa't-isa. Ako lang ang walang kapares. Ako lang ang echepuwera. Ako lang ang nakikisawsaw sa kanila. At pinuri niya pa si Abbie sa harap ko.

Pati sa upuan ay nahirapan silang paupuin ako. Kasi naman, nakikisawsaw lang ako dito. Extra. Extra din ang chair ko.

"Trisha, this is Abbie, Nash, Theo, Andrei, Mona, Erika, and Irene."

Ngumiti ako pero indifferent lang ang mga babae. Ang mga lalaki lang ang sumukli ng ngiti sakin.

Kumakain na lang ako imbes na magsalita. Wala rin naman kasi akong nasasabayan sa mga pinag uusapan nila.

Marami silang pinag usapan na hindi ko ma gets. Yung mga 'casino'-topic, beerpong, bar, djs, labas ng bansa, brand ng mga mamahaling damit, beauty products (sa mga babae), modeling at marami pang iba.

Lintek na Troy! Akala ko kaming dalawa lang. Ano ba ang gagawin ko sa ganitong sitwasyon? Nakakawala ng confidence pag mag isa ka, pag wala kang kakampi...

Tumingin na lang ako sa kabilang table. Halos lahat ang may kasamang ka-date rin. Yung iba, barkada. Ako lang yata ang nakasimangot dito. No. This isn't right. I should be able to turn the tables through Art of Seduction.

"Excuse me. I'll go to the bathroom."

Chin up. Breast out. Tumayo ako at diretso ang tingin sa CR. Wala akong tinignan kahit na sino. Kahit na parang lumulutang ako sa ere habang naglalakad. Naka bluegreen dress ako at naka flats lang kaya malabong madapa kahit na lumulutang.

Inayos ko ang sarili ko sa salamin pagkarating ng CR. Iniisip ko ang straight at shiny na buhok ni Abbie. Nakakainsecure. Lalo na dahil siya ang kinakausap parati ni Troy. Hindi ko pa marinig ang pinag uusapan nila kasi pabulong-bulong sila. Well, whatever! Pinapaselos lang ako ni Troy! - Yan ang dapat kong iniisip para mabalik ang confidence ko.

Kung pinapaselos niya ako, papaselosin ko rin siya. Make him feel that he's not the only one.

Timing na pagkalabas ko ng CR ay may lumabas ding gwapo sa panlalaking CR. Alam kong teen star siya. Mas matanda yata ako sa kanya pero dahil sa tangkad niya, keri parin.

 Nagkunwari akong normal lang na naglakad sa likuran niya. Pero nang nakarating na kami sa maabot ng vision ni Troy, agad ko siyang binangga. Binangga ko ang balikat ko sa likuran niya.

"Ouch!" Madrama kong sinabi.

"I'm sorry, miss. Ayos ka lang ba?" Mahina niyang hinaplos ang braso ko.

"O-Okay lang naman ako." Sabi ko.

Hindi ko pa tinitignan si Troy pero damang dama ko na ang nanlilisik niyang mga mata na nakabaling samin. That's what you get, Troy. Selosan ba ang gusto mo? Akala mo ikaw lang ang may karapatan? You made me feel like I'm just one of your women, now, I will make you feel that you're not the only one.

"Sorry..."

"Hindi mo naman kailangang mag sorry. Ako naman yung bumangga sayo." Unti-unti akong ngumiti sa kanya.

Napakamot siya sa ulo at napangiti na rin.

"Uhmmm-"

"Trisha!" Dinig na dinig ko ang tawag ni Troy.

Pareho kaming napatingin sa bandang table namin. Lahat naman ng kumakain ay parang naeskandalo at napatingin sakin. Mabilis ang paghinga ni Troy habang tinitignan akong nakikipagngitian sa artistang ito.

"Boyfriend? Sorry."

Umiling ako at nagsimulang iwan ang artista doon sa gitna.

Nakangiti ako habang tinitignan si Troy na titig na titig sakin. Na weirduhan din ang mga kaibigan niya sa inasal niya.

"Bill?" Tanong ko. "Para samin ni Troy lang." Sabay lapag ko sa isang libo.

Please, suklian niyo na lang ako ng five hundred. Joke! Kaiyak pag wala ka ng pera. Pero sige na nga lang. All for the 'effect'.

"Talaga? Babayaran mo pagkain ni Troy?" Napatingin si Nash kay Troy.

"Troy doesn't want you to pay for him. He doesn't want anyone to pay for him." Matabang na sinabi ni Irene (na katabi ni Nash).

Napasulyap siya sa nakangangang si Abbie.

"Troy? Pumapayag ka?" Tanong ni Irene.

Suminghap si Troy bago sumagot, "Yup."

Napainom si Irene at Abbie ng tubig. Wait a minute... Sensitibo akong tao kaya alam kong may something dito. Ang buong akala ko ay si Nash at Irene ay mag M.U kasi sila ang magkatabi sa table. Pero ngayon ko lang na confirm na mukhang may gusto si Irene kay Troy.

Ngayong pinagdudahan ko an ito, napansin ko na nga ang pagiging madikit ni Irene kay Abbie at Troy. Para bang nagpapansin din siya kay Troy. Hindi kaya may nakaraan din sila? Tulad noong kay Jane? Tulad ng halos lahat ng babae dito sa mundo? May mga nakaraan sila kay Troy lahat?

"Trisha!" Nilingon ako ni Troy.

Sa pagiging usisero ko sa mga nangyayari sa kanila, narealize kong nahuhuli na ako sa paglalakad. Nahuli pa ako sa pagsakay sa elevator.

Nalaglag ang panga ko nang unti-unti nang nag close ang elevator.

Nakita kong nagpanic si Troy sa loob. Nilagay niya ang dalawang kamay niya sa pintuan para ma detect na may sasakay pa. Hinila niya agad ang kamay ko papasok ng elevator.

"Ang bagal mo namang mag lakad! Ano bang problema mo?" Sigaw niya sakin nang nasa elevator ako.

Nagtatawanan sila kanina pero humupa nang sinigawan ako ni Troy.

"M-May iniisip lang ako."

Umirap siya at pinasadahan ng kamay ang buhok niya. "Really? Huh!" Umiling siya sa kawalan.

Inirapan ko na lang ang kawalan. Leche! Ayan na naman ah? Mr. Araw-Araw May Dalaw mode on.

"Mag bi-billiard tayo ngayon. Marunong ka ba nun?" Bigla akong tinanong ni Nash.

Paano ba naman kasi, yung ka date niya ay nakikisawsaw kina Troy. Para silang nagaagawan ni Abbie ng laruan. At si Troy ang laruang iyon.

Umiling ako habang tinitignan si Troy, Abbie at Irene na nag-uusap. Parang na a-out of place si Abbie pero sinasali siya sa usapan ni Troy. Paminsan-minsang sumusulyap si Troy sakin.

"Hindi eh." Sabi ko.

Bumulagta sakin ang isang room na may apat na billiard table sa fifth floor ng Park mall.

"Turuan mo na lang kaya ako?" Sinabi ko nang wala sa sarili kay Nash.

Nang narealize ko ang sinabi ko, tumawa na lang ako para lumabas na biro. Pero sineryoso niya naman.

"Sige ba!" Aniya at ngumisi.

"Nash!" Tawag ni Theo. "Ano? Duel?" Tumawa si Theo.

"Kayo muna ni Troy! Pool!" Sabi ni Nash habang kinukuha na ang cue stick sa lalagyan.

Inexamin niya ito. Tinignan ko naman siya habang ineexamin niya ang tako.

"Busy si Troy eh..." Nginuso ni Theo si Troy na nagtuturo kay Abbie kung paano hawakan ang tako.

Naka bend si Abbie sa billiard table at si Troy ay naka bend din sa likod niya. Nakahawak ang kamay ni Troy sa kamay ni Abbie na nakahawak din sa tako. Pareho silang ngumingisi. Yun nga lang... nakatitig si Abbie sa bola sa harapan, si Troy naman ay nakatitig sakin.

Nang iinis huh!

"Paano ba 'to?" Tanong ko kay Nash at kinuha ang stick.

Nag bend din ako tulad ng ginagawa ni Abbie. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko ang pag bitiw at pag layo ni Troy kay Abbie.

"Ganito..." Nag bend din si Nash sa likuran ko.

Unti-unti niyang hinawakan ang kamay ko. Hindi ako komportable pero inis ako kay Troy kaya hinayaan ko siya. Kung kaya niyang humawak ng kamay ng iba, kaya ko ring magpahawak sa iba.

"Tama na yan!" Napatingin ako kay Troy sa ganoong posisyon.

Kung galit siya kanina nang binangga ko yung artista, mas galit siya ngayon. At nasabi ko na bang sobrang gwapo niya lalong lalo na kung galit? Oo. Sobrang gwapo niya.

"Mali ba ito, Troy?" Ngumisi ako.

Tumayo na si Nash at nag back off sakin. Mukha at tono pa lang ni Troy, alam na ng lahat kung gaano ka intense ang galit niya.

Ngumuso ako at nagpatuloy sa pagtira sa ball.

"Uyyy, Nash... Tama ba ito? Di ako sinasagot ni Troy eh. Just say yes... or no of course..." Ngumisi ako kay Nash.

Binalot kami ng matinding katahimikan. Halos marinig ko na nga ang paglunok ni Nash. Timing pa kasi na nag-change ng music kaya sobrang tahimik.

"Uhmmm. Y-Yes of course." Aniya.

"Aryt." Nakangisi akong bumaling sa bola at tinira na ito.

Nabigla ako nang pumasok ang tatlong bola sa pocket. Tinaas ko talaga ang kamay ko at nagtatalon kaharap si Nash.

Pilit na pumalakpak si Nash. Sina Theo, Andrei, Mona at Erika naman ay tahimik na lang na naglalaro sa kabilang table.

Lumapit pa ako kay Nash dahil sa sobrang saya ko pero bago ko pa tuluyang mahawakan ang kamay niya para makipag shake hands sa success ko ay hinila na ng galit na si Troy ang braso ko.

"Are you trying to make me jealous, Trisha?!"

Binawi ko ang braso ko sa kamay niya.

"No, I'm not, Troy. I'm just having fun. You jealous?"

Nalaglag ang panga niya at napatingin pabalik kay Irene at Abbie na parehong mukhang nawasak ang puso sa sinabi niya.

"Haaaay!" Ginulo niya ang buhok niya. "Come with me." Madrama niya kaming tinalikuran.

Umirap ako sa kawalan.

"Sorry, Nash-"

"Why are you apologizing?" Pinutol ako ni Troy sa speech ko para kay Nash. Umirap siya at tumalikod ulit para maglakad palabas ng room.

WHATEVER, TROY!

"Yeah, I'm cuming." Humalakhak ako at nagsimulang maglakad.

Tumigil siya sa pinutuan at nilingon ulit ako nang nakaawang ang bibig.

Anong pakiramdam na magamit sayo yung mga istilo mo, Troy?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top