Kabanata 39
Kabanata 39
Pero Di Niya Ginawa
Napatingala ako sa langit habang nagtatambay sa labas ng isang coffee shop ng isa sa pinakamalaking mall sa Pilipinas. Pinili kong tumambay kami dito nina Emma, Earl, Camille at Beatrice dahil malapit ito sa airport.
Nope! You're wrong kung iniisip niyong sasalubungin ko si Troy. Hindi. Kailangan ko lang makita ang eroplanong sinasakyan niya. Dumadaan kasi dito lalo na ang mga international flights.
Alas singko ng hapon nang nakita ko ang eroplanong sinasakyan niya.
Eroplano pa lang, kinakabahan na ako. Eroplano pa lang, naeexcite at natatakot na ako.
"Huy?" Niyugyog ako ni Camille.
Hindi ko namalayang nakanganga na pala akong napatingala sa eroplanong nawawala na sa paningin namin.
"Oh I get it... Si Troy ba ang sakay nun?" Sabi ni Emma nang nakangisi.
Napatalon ako nang nabanggit ang pangalan ni Troy.
"Baka gusto mong salubungin."
"Di-Di ah!" Nagpaka defensive agad ako.
Ni hindi nga ako sigurado kung kaya ko bang makita siya agad-agad.
Pero hindi rin nagtagal ang pagkikita namin. Puyat ako sa gabing iyon dahil hindi na ako makapag antay mag bukas. First day of school. At para sa semester na ito, wala akong internship na kinuha. Kukunin ko lahat ng behind minors at advance majors ko. Flying colors nga ang internship ko sa Le Marcelle kaya siguradong bebenta ako lalo sa mga hotels abroad pero pinili kong manatili.
Una ko ulit siyang nakita nung nasa cafeteria ako. Ang weird lang kasi dito din kami huling nagkita.
Nag slow motion ang lahat. Para akong lumilipad sa kinatatayuan ko. May dala akong tray kung saan nandoon ang heavy lunch ko. Hindi kasi ako nakakain ng almusal dahil sa kaba ko. Ayan tuloy gutom na gutom ako ngayon.
As usual, may nakaaligid sa kanyang mga babaeng tuwang-tuwa sa kung anong joke na sinasabi niya. Nagtama ang tingin nila nung morenang may dimples. Nakangisi silang pareho habang papalapit na sakin. Hinaplos nung morena ang pisngi ni Troy. At hinawakan naman ni Troy ang kamay na humahaplos sa pisngi niya.
Alam mo yung moment na yun?
Parang kaming tatlo lang. Unti-unti ko na lang naramdaman ang sakit sa dibdib ko. Para itong unti-unting lumulubog. Ang bigat.
Pagkatapos ng maiksing moment na iyon ay agad nagtama ang mga mata namin ni Troy. Nakangisi parin siya dahil sa nangyari. Naglalakad parin siya papunta sakin.
Naramdaman ko ang malamig na kamay ni Emma na humihila sakin. Nabunutan ako ng tinik sa ginawa niya.
"Trisha..." Hinila niya ako pero di ako natinag.
Mas lalong lumubog ang puso ko nang nakita kong hindi siya naapektuhan sa tinginan namin. He just looked away. Nakangisi parin siya habang nakikipag high five sa bawat taong dumaan.
Napatingin ako sa mga tao sa paligid. Nakita kong kanina pa pala sila nakatingin sakin. At nang nakita kong nakatingin na sila sakin, saka sila bumitiw at nag bulung-bulungan.
Napalunok ako.
Ibabaling ko na naman sana ang titig ko kay Troy nang biglang may pader na bumangga sakin.
Tumilapon ang mga pagkain sa tray ko. Nak ng potek! Ang dami nung inorder ko. Laslas na nga lang?! Sobrang haba ng pila dito tapos yung janitor lang pala ang makikinabang?
Napa squat agad ako para pulutin yung Coke in can ko na okay pa. Pero naiiyak ako habang tinitignan ang steak na kakainin na yata ng mga langgam.
"Sorry, miss."
Narinig kong tumawa ang babaeng kasama ni Troy.
Nabangga pala ako ni Nash. Damn!
"I mean, sorry Trisha." Aniya. "Uhm? Babayaran ko na lang yung mga pagkain. Sorry talaga!" Alam kong di niya yun sinasadya.
Bakas sa mukha niya ang pagsisisi sa nangyari pero hindi ko kailangan ng bayad niya. Dahil sa ngayon ay kaya kong magutom mag isa. Si Troy ay seryosong nakahalukipkip habang tinitignan akong naka squat sa gitna ng madlang people.
"Uhmmm..." Nanginginig ang boses ko.
Parang umugat na ang paa ko sa sahig. Ayaw ng umalis. Buti na lang at hinila ako palabas ng cafeteria ni Camille at Beatrice.
"DAMN SHET! Bakit sa harapan pa ni Troy?"
Sabay-sabay nila akong binigyan ng masamang tingin, "BAKIT SA HARAPAN NG MARAMING TAO KA MO!"
Sabay-sabay din silang umirap.
Parang sasabog ang pisngi ko sa init. Halos makita ko na nga ang pulang aura ng mukha ko. Damn shet talaga! Bakit ganun? Naiisip ko pa lang ang mukha niyang seryoso nanginginig na ako. Isa pa... naiinis ako sa moment nila ng morenang may dimples na iyon. Isa ba iyon sa mga babae niya o seryoso na yun?
OMG! Parang kahit anong sagot ay masakit.
Kasalanan ko rin 'to. Pinakawalan ko siya. But its never too late... Pakiramdam ko kaya kong magdusa... mahalin niya lang ulit ako.
Hindi ko nakita ang sasakyan niya sa parking lot ng school kaya di ako makapaghintay. Hindi ko rin alam kung nasa school pa siya. Alas syete na ng gabi at nilalamok na ako dito sa parking lot. Konting ilaw lang ang nandito. Nagtityaga na lang akong umupo sa isang gutter habang iniisip ang speech ko kung makita siya.
Alas singko pa nang tumambay ako dito sa rasong makita siya at makausap pero dalawang oras na ang nakalipas ay wala parin siya. Pero nang nakita ko ang anino niya habang lumalapit sa isang pulang Mazda 6. Iba na ang sasakyan niya?
Tumayo ako. Nanginig agad ang paa ko. Binisita ulit ako ng kaba. Buti na lang at mag isa siya. Wala kaming audience. Hindi lang iyon, ibig sabihin, hindi seryoso yung morena kanina... Pero di parin sila matanggal sa isipan ko.
Itinabi ko na lang iyon sa isip ko.
"Troy..." Nabasag agad ang boses ko, tinatawag pa lang siya.
Lumingon siya sakin. Hindi siya umimik pero kitang-kita ko ang pagsasalubong ng kilay niya. Nakabukas na yung pintuan sa sasakyan niya. Pero nang nakita niya ako, sinarado niya ulit ito. Ang gwapo niya talaga. Ang lakas ng dating. Yung buhok, mata, labi, ilong, jaw, hubog ng katawan, pananamit, lahat, perpekto! Godlike! Pati ang pagsimangot niya sakin ay napupuri ko na. Bakit ang gwapo gwapo niya lalo na tuwing nagsusungit?
Pero nabigla ako nang naglahad siya ng kamay sa harapan ko.
Napalunok ako at nilagay ko ang kamay ko sa kamay niya.
Tumaglid yung ulo niya at kinagat niya ang labi niya. Pagkatapos ay kinalas niya ang kamay niya sa kamay ko.
WHAT? Napalunok ako.
"I mean..." Nilahad niya ulit ang kamay niya. "Akin na ang sex tape."
DAMN FREAKIN SHEEEEEEEEEEEEEEEEEEEET! Ano yung nangyari? Oh my God! Lord! Handa na po ako! Kunin niyo na po ako! Alam kong masama ito pero okay lang talaga kung bigla na lang akong bagsakan ng langit ngayon!
Uminit ang pisngi ko. Hindi ko na siya natignan pa ulit. Yumuko na lang ako. Pinisil at kinurot ko ang kamay ko. Nakakainis! Nakakahiya! Shet! Shet! Pakingshiz! Lahat ng mura ang gusto kong isigaw.
"T-Troy, I-I'm sorry."
"The sextape, Trisha." Mariin niyang sinabi.
"Walang sex tape." Tumingala ako sa kanya at nakita ang unti-unting pagbabago ng ekspresyon niya.
Seryoso siya nung una pero habang tumatagal ang pagtititigan namin ay nagiging galit na ang mukha niya.
Ginulo niya ang buhok niya, pinikit ang mata, kinuyom ang kamay at marahang sinuntok ang sariling noo.
"WALANG ANO? Wha-What?" Sigaw niya.
"W-Walang sex tape. Gawa-gawa ko lang-"
"No, you didn't lie to me..." Umiling siya.
OH MY GOD! Naiiyak na ako habang tinitignan ang frustration sa mukha niya.
"No, you didn't use me..." Nakapikit parin siya habang inuulit-ulit ang sinabi niya.
"I-I'm sorry, Troy. Walang sextape. Nagsinungaling ako... Nag sinungaling ako... I'm sorry... I'm so sorry... At sa lahat ng ginawa ko-"
"That's enough, Trisha." Buntong-hininga niya habang nakatingin sa kawalan. "DAMN YOU USED ME! DAMN YOU LIED TO ME! Hanggang ngayon! Damn! Hanggang ngayon di ako makapaniwala sa mga ginawa mo sakin, Trisha! I hate what you've done to me. I hate what you're doing to me... I hate it so much! It was your script all along! It was your art! Fvck, Trisha!" Ginulo niya ang buhok niya. "Pinaikot mo lang ako!"
"I'm really sorry... Sa lahat. Hindi ko alam na di mo alam na break na kami ni Jayden. Break na kami ni Jayden nung anniversary ng Le Marcelle-"
"I don't care!!! Fvck! You lied to me... so many times... You used me... so many freakin times... I'm done with that. I'm done with you! Leave me alone." Ibinaling niya ulit ang tingin niya sa sasakyan niya.
"Troy, mag usap tayo-" Basag na basag na ang boses ko dahil sa pinipigilang pag iyak at baradong lalamunan.
"Leave me alone, Trisha." Inulit niya at tinanggal ang kamay ko sa braso niya.
I just want to say something...
I just want to say it... I want him to know everything!
"Troy, I love you!" Sabi ko nung papasok na siya sa sasakyan.
Nabigla ako dahil buong-buo ang boses ko nang sinabi ko iyon. Humupa yung kaba ko sa pag alis niya nang hinarap niya ulit ako.
Nakatingin siya sakin gamit ang malulungkot niyang mga mata. Hindi ko alam bakit mas masakit ang mga titig na ito. Sana galit na lang siya... Sana inis na lang... Wa'g lang ganitong malungkot yung mga mata niya. Magulo na ang buhok niya pero halos kumislap parin ang kakisigan niya.
"I love you..." Napapikit ako.
Dahil galing talaga ito sa puso. Hindi bibig ang nagsasalita ngayon, kundi puso.
Nanliit ang mga mata niya habang tinitignan ako. Naiiyak na ako. Kanina pa pero parang di ko na kayang pigilan ngayon.
"You really know how to do it, huh?" Malamig ang boses niya.
Lumapit siya sakin. Mahihina at maliliit na hakbang ang ginawa niya habang nagtititigan kaming dalawa. Mas lalo akong kinakabahan. Inuunti-unti niya ang paglapit, sobrang nakakakaba. Parang tatakbo na yung puso ko sa kaba.
Tumigil siya sa harapan ko. Sobrang lapit na namin at natatakot na akong marinig niya ang puso kong malakas at mabilis na pumipintig.
"You know how to get my attention. You know it so much. You know cuz I can't do it. Alam mong hindi ko kayang sabihin sayong di kita mahal dahil mahal na mahal kita!" Napapikit ako sa sigaw niya. "Hanggang ngayon! Damn, Trisha! And I hate it so much!"
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Nanghina ako. Uminit ang puso ko sa sobrang saya. Hindi ko pa kailanman nararanasan 'to. Sobrang saya at lungkot ko at the same time. Is it really possible to feel that way? Two feelings at the same time? So many feelings for only one boy?
Pumungay ang mga mata niya habang hinaplos ang pisngi ko. So gentle. So Troy. Napapikit ako nang nakita kong yumuyuko siya at lumalapit ang mukha niya sakin.
Inasahan ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko lalo na nung hinila niya na ang chin ko palapit sa kanya. I can feel his breath. Gusto ko rin siyang halikan. Damn!
Pero di niya ginawa. Di niya ako hinalikan. Bumulong lang siya malapit sa labi ko para maamoy ang mabango niyang hininga... It brings back so many memories.
"But this time, Trisha. I won't let you ruin me again. If you want me... If you really love me, Earn me."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top