Kabanata 38

Kabanata 38

Ano Ang Desisyon?

Windang ako sa lahat ng nalaman ko. Inalala ko yung mga sinabi ni Jayden nung kinumpronta niya ako.

"Sino ang nagsabi sayo?" Tanong ko noon.

"Sino pa edi si Troy!" Sabi niya.

Si Troy ang nagsabi na may namamagitan saming dalawa. Pero hindi niya sinabing si Troy ang nagbigay ng CD.

Ang tanga ko! Marami akong naging padalos-dalos na desisyon pero ito na yata ang pinakagrabe. Sinaktan ko ang taong mahal ko dahil sa maling akala. Sinaktan ko siya dahil wala akong tiwala sa pagmamahal niya. Sinaktan ko siya dahil puro sarili ko na lang ang iniisip ko. This time... gusto kong magbago. Gusto kong ako naman ang magsakripisyo para sa kanya...

Naiiyak ako kahit alam kong walang magagawa ang luha ko. Simula pa lang sarili ko lang ang iniisip ko eh. Nung nilapitan ko siya at binlackmail tungkol sa sextape niyang walang katotohanan, sarili ko lang inisip ko.

"Jayden..." Sa wakas ay nagkaroon ako ng lakas ng loob para tawagin ang pangalan niya

Hindi ako bitter sa nangyari. Gusto ko lang ng clean slate. Gusto ko magsimula ulit. Hindi samin ni Jayden, hindi samin ni Troy kundi sa sarili ko.

Liningon niya ako. Napaawang ang bibig niya habang tinignan ako. Ito ang kauna-unahang pagkakataong tinignan niya ulit ako ng ganito ka tagal.

"Malapit na matapos ang internship ko dito sa Le Marcelle. Uhm... Gusto ko lang sana sabihin sayo na... I'm sorry."

He clenched his jaw.

Yumuko na lang ako. May ibang nakatingin samin dalawa. Syempre, issue din dito na hindi na kami nag uusap.

"Sorry kasi nasaktan kita. Sorry sa ginawa ko. I've been so selfish."

Nanlaki ang mga mata niya, "Hindi madali, Trisha. Yung ginawa mo..."

Nararapat lang na tawagin niya akong imoral kasi totoong nagpaka imoral ako. Simula palang ako na ang may kasalanan. Gusto kong itama ang lahat at isa ito sa una kong gagawin.

"Umasa ako na tayo na talaga kasi sinabi mong mahal mo ako."

Lumunok ako habang nakikinig sa kanya.

"Oo. Mahal kita noon, Jayden. Pero maaring di pa ganun ka tatag-"

"No... You were just infatuated." He looked away.

"I'm really sorry." Umiling na lang ako. "Sana one day, mapatawad mo ako. I care for you. I care for your feelings-"

"Guilty ka lang sa ginawa mo."

Napalunok ulit ako, "Oo. Guilty ako kasi inibig ko siya habang tayo pa. Hindi ko napigilan ang sarili ko. I'm immature. But I'm trying to be mature right now. Kaya ako humihingi ng tawad. I'm not expecting you to accept me as a friend with arms wide open right now... I just want to say sorry. Sana lang maging okay tayo."

"It's not that simple, Trisha. You've hurt me too much. Pinagtaksilan mo ako. Ni hindi mo sinabi sakin na may namamagitan sa inyo ni Troy noong iniwan mo ako."

"I'm really sorry."

Umalis na lang ako sa harapan niya pagkatapos ko siyang pinasadahan ng tingin. Hindi na siya umimik ulit.

Sa huling limang araw ko sa Le Marcelle, naging tahimik ang buhay. Talagang tahimik dahil wala naman ako masyadong kinakausap. Wala akong ganang makipag usap kahit kanino. Hindi ko naman alam kung bakit. Siguro ito na ang side effect ng lahat ng nangyari.

"Trisha, let's go?" Yaya ni Emma sakin sa huling araw ko.

Liningon ko ang view ng Le Marcelle. Ang front desk, ang pulang carpet, ang chandelier, si Sunny - ang regular sa front desk, ang restaurant na maraming foreigners, ang elevator, ang stairs, ang lahat...

Bago ako bumaling kina Emma, nakita ko si Jayden na nakahalukipkip at nakatingin din sakin malapit sa pintuan.

He's still the same Jayden. Gwapo parin, chinito, clean cut ang buhok, naka fold ang sleeves hanggang forearm, naka dark slacks, black shoes... Safe. He looks like home. Feels like home. Parang pakiramdam pag nasa bahay ka na sa gitna ng matinding bagyo. Safe ka sa kanya. Pero hindi eh... hindi siya ang mahal ko. Mahal ko ang mata ng bagyo. Ayokong umuwi sa bahay... Gusto kong nasa gitna ako ng bagyo... At si Troy ang mata ng bagyo. Puro pasakit at komplikado ang sitwasyon naming dalawa pero willing akong maghirap para lang sa kanya.

Pero hindi ako sigurado kung babalik pa iyon dito. At kung babalik man siya, di ako sigurado kung hahayaan ko na lang ang tadhana saming dalawa o gagawa ako ng paraan para mapatawad niya ako.

"Wait lang." Sabay takbo ko pabalik ng Le Marcelle.

Nabigla si Jayden sa ginawa ko pero di siya umalis sa kinatatayuan niya.

Hiningal ako nang nakaharap ko na siya. Gusto kong maglahad ng kamay pero di ko na ginawa.

"Jayden, I just want to say thank you for everything." Hinabol ko ang hininga ko. "Salamat sa lahat ng naituro mo sakin. At sorry talaga sa nangyari s-satin. Sana maging masaya ka..."

Hindi ko na siya hinintay na magsalita. Tinalikuran ko siya. Pero bago ako tuluyang maglakad palayo, hinawakan niya ang braso ko.

"T-Trisha..." Nanginig ang boses niya.

Umubo siya nang nakita ang reaksyon ko sa boses niya.

"Nagsisi ka ba sa ginawa ninyo ni Troy?" Tanong niya. "You told me it was a mistake. Nagsisi ka ba?"

Napalunok ako at umiling, "Hindi. Nagsisi ako kasi ginawa ko iyon ng tayo pa... I'm really sorry." Yumuko ako.

Hindi ko na kayang magtagal pa sa harapan niya. Umalis na lang ako.

"Anong sinabi mo kay Jayden, Trisha?" Tanong ni Camille.

Nakatingin lang ako sa labas, sa mga kotseng dumadaan, sa mga taong naglalakad...

"Nagpasalamat lang ako at nagsorry." Sabi ko.

Tumango sila. Natahimik ng ilang sandali bago ako tinanong ni Earl...

"Pagbalik ba ni Troy, magiging kayo na?"

Binatukan siya ni Emma. Pabiro pa silang nagtalo pero nang tinignan nila ako seryoso na silang pareho.

"Hindi. Hihingi lang ako ng tawad. I don't think I deserve him..." Nanikip ang dibdib ko. "Marami siyang nagawa para sakin. Hindi makatarungan kung tatanggapin niya pa ako pagkatapos ng lahat-lahat-"

"WHAT? You'll just give up?" Suminghap si Beatrice. "Trisha naman! Obviously, umalis siya dahil mahal ka pa niya-"

"Sinabi niya sa video na, 'minahal'-"

"Oh don't be stupid and selfish!" Tumaas ang boses niya.

Nasaktan ako sa sinabi niya. Napalingon ako sa kanya. Inirapan niya naman ako.

"Chill, guys!" Sabi ni Emma.

"I'm not being selfish here... okay? Kaya ko nga siya lalayuan dahil alam kong nakakasama ako sa kanya-"

"NO! Lalayuan mo siya kasi tingin mo hindi ka na niya mahal dahil sinabi niya sa video na yun na, 'minahal' ka niya! Yun yun! Ayaw ng ego mong masaktan kaya di mo siya ipu-pursue!"

"I'm trying to be mature, Beatrice. Mas makakabuti kung di ko na siya guguluhin. Hihingi ako ng tawad at hanggang doon na lang yun. Kung kami, magiging kami."

"Effort mo, Trisha." Singit ni Camille. "Hindi ko nagustuhan ang ginawa niyo ni Troy kay Jayden, pero tingin ko tama si Beatrice. Alam kong you are trying to be mature through leaving him alone. Pero at least sabihin mo ang totoong nararamdaman mo sa kanya... At least mag effort ka. Si Troy lang ba laging mag eeffort dito? Dapat ikaw rin. Give and take, Trisha. Isang buwan ng tahimik ang buhay mo. Isang buwan ka ng nag iisip at nag lie low. Ganun din si Troy. Sana this time, ikaw naman magbigay."

Ni hindi ko nga alam kung uuwi pa ba siya. Anong ginagawa niya sa Monaco.

"His latest profile picture on Facebook." Ibinalandra ni Emma ang iPad ko sa kanila.

Nasa kanya pala itong iPad ko. Kinuha niya siguro kanina. Tinignan naming lahat. Seryoso ang mukha ni Troy. Seryosong seryoso lalo na ang mga mata niya. Parang tagos sa puso niyang tinignan ang nag pi-picture sa kanya. At kahit picture na lang ito, tagos parin ang titig niya. Yung buhok niya, as usual, astroboy parin ang hairstyle niya. Naka itim na leather jacket siya. Mukha siyang action star na nakahalukipkip at tumititig sa camera. Sa likod niya ay ang skyline ng Monaco. May malalaking buildings at sa likod nila ay malawak na dagat ang makikita mo.

Nanikip ang dibdib ko. I miss him so much!

"Ang caption ng picture na ito ay, 'The best picture of me is a picture with you'. Maraming comments sa ibaba nito pero alam naman siguro nag sambayanan kung sino ang tinutukoy niya diba? Kaya di na natin kailangang basahin ang comments." Sabi ni Emma.

Nanikip lalo ang dibdib ko. Gulung-gulo na ako. I really don't deserve him... Mahal ko siya pero nasaktan ko siya ng sobra. Parang gusto ko na lang parusahan ang sarili ko. Pero at the same time gusto ko rin siyang makasama.

"Uuwi siya... Sunday ng semestral break. Bago mag simula ang first day of school for the 2nd semester, Trisha. Anong gagawin mo?"

Hindi ko nga alam kung may magagawa pa ba ako.

Nag quit na siya saming dalawa...

Panahon na ba para habulin ko siya?

Paano kung ayaw niya na sakin? Ego ba ito? Tama ba si Beatrice?

Anong sasabihin ng mga schoolmates namin sakin? Aawayin ba nila ako?

Di bale na pag ayaw niya na sakin? Di bale na pag may iba na siyang gusto?

Ang importante ay masabi ko sa kanya ang totoong nararamdaman ko...

Di baleng mahirap... Dapat lang naman akong parusahan.

Ngayon pa lang, kabado na ako sa pag uwi niya. Two things, Trisha... Excitement or fear... And this time, pareho ko na naman silang nararamdaman. Sabay.

"Bagay sa kanya ang pangalan niya, noh?" Nakangising sinabi ni Emma.

"Bakit?" Tanong ni Beatrice na ngayon ay mukhang okay na. Hindi na high blood.

"Naalala mo yung Trojan Horse na pumasok sa ancient City of Troy? Kahit grabe yung walls ng Troy, natalo parin sila dahil pumasok ang Trojan Horse. Parang puso lang ni Trisha..." Sumulyap siya sakin. "Kahit may ibang mahal siya, kahit mahirap ng matibag yung walls ng puso niya, nakapasok parin si Troy sa puso niya."

Nagkibit-balikat na lang si Beatrice at Camille sa sinabi ni Emma. Ako naman, napaisip. Ano ba talaga ang magiging desisyon ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top