Kabanata 37

Kabanata 37

Minahal Ko Ang Girlfriend Mo!

Tahimik ang buhay ko. Hindi ako masaya pero tahimik lang. Hindi parin ako pinapansin ni Jayden. Hinayaan ko na lang. Pero hindi ako nawawalan ng pag-asang maging okay ulit kami. Maging magkaibigan o at least kaswal man lang na nag uusap.

Napaghahalataan na rin ng mga katrabaho ko. Syempre, tinanong nila ako, sinasabi ko ang totoo: na wala na kami.

"Ang bilis naman..." Sabi ni Sunny.

Tatlong linggo na ang nakalipas nang nangyari yun sa school. Mabuti na rin siguro at umalis si Troy para di na mas magkagulo. Pero damn! Hindi ko talaga maiwasang isipin siya minsan. At pag iniisip ko siya, nafu-frustrate ako, naiinis, naiiyak, naninikip ang dibdib.

Isang linggo na lang at tapos na ang internship ko dito sa Le Marcelle. Bibigyan ko ang sarili ko ng isang linggo para humingi ng tawad kay Jayden... Magpaliwanag sa kanya... Hindi ako magtatanong kung ano ba talaga ang ginawa ni Troy o sino ang nagbigay ng CD o bakit pinaalis si Jane. Gusto kong sa kanya lang naka focus lahat... Na totoong may naramdaman ako para sa kanya... at talagang naagaw lang ang puso ko. At kasalanan ko iyon. Salawahan.

Binibisita din ako nina Emma dito sa Le Marcelle. Simula nung nangyari yun sa school, mas naging concerned na sila sa kalagayan ko. Ngingitian ko na lang sila.

I think I'm okay.

I think it's okay...

I miss him but this is okay.

I'm not good for him. Ako ang may kasalanan dito. PInaglaruan ko silang dalawa. Ako ang dapat parusahan. Totoong baguhan pa lang ako sa pag-ibig pero dapat alam ko kung ano ang pinasok ko bago pa ako pumasok.

Tama talaga sina Emma sa sinabi nila... Ako ang puno't-dulo dito. Baguhan din si Troy sa pag-ibig, nag offer lang siya sakin dahil mahal niya ako, ako yung mahina, ako yung kumagat. Ako ang may kasalanan. Kaya ako din ang mag-aayos nito.

Balang araw, magkakaayos din kami ni Jayden...

Balang araw, pag nakabalik na si Troy, magkakaayos din kami...

Pero nagdaan ang mga araw, ayoko mang isipin, pero may puwang sa puso kong hindi kayang punan ng trabaho, ng kaibigan, o kahit ano... MAy pangungulila akong naramdaman. This is the first time I felt this way.

Naiiyak ako pero alam kong hindi pwede. I need to stay strong and firm... Maybe... maybe I should let it all go. Pero hindi iyon ganun ka dali. Madaling sabihin pero mahirap gawin. Madaling sabihin kung ikaw ang nanonood sa akin, mahirap kung ikaw ang nasa sitwasyon ko. Ito pala yung mga sinasabi nila. Heartaches.

"Pwede bang mahiram yung keys ng room na nasa dulo?" Tanong ko sa kapalit ni Jane.

Tumaas ang kilay niya. "Bakit?"

"Kasi may nawala ako doon sa loob nung last time akong naglinis riyan."

Mabuti rin at di niya alam na ilang buwan na ang nakalipas nung naglinis ako sa suite ni Troy. Binigay niya agad sakin.

"Bilisan mo ah?" Tumaas ang kilay niya.

"Oo-"

"Wait... Ikaw si Trisha diba?"

Napalunok ako.

"Yung ex ni Sir Jayden?" Aniya.

"Oo."

"Ha!" Inirapan niya ako.

Iniwan ko na lang siya. My gusto siya kay Jayden kaya tinatarayan niya ako. Ganun din si Eliz sakin. Maraming may gusto kay Jayden... pero bakit sa dami, napunta pa siya sakin? Sakin na walang ginawa kundi pagtaksilan siya?

Pagkabukas ko ng pintuan sa suite ni Troy, nagflashback lahat ng nangyari samin. Simula nung una akong tumuntong dito hanggang sa huling beses akong nagpunta dito.

Hinalughog ko ang buong suite. Malinis. Amoy Troy. Kahit saang sulok, naamoy mo siya. Naaalala ko siya. Naninikip ang dibdib ko.

"I'm so sorry, Troy."

Sa lahat ng nagawa niya sakin, sa video, sa mga sinabi niya kay Jayden, tumitibok parin ang puso ko sa kanya.

Pumasok ako ng kwarto. Nakita ko agad ang nakalapag niyang cellphone sa tabi ng mesa.

"Iniwan niya ang cellphone niya?"

Nakita ko ang daming message doon.

"Troy, pupunta ka ng Monaco? Sino kasama mo?" - Nash

"Troy, wala na yung mga bashers. What's next?" - Theo

Nanikip ang dibdib ko. Siya yung nagpawala sa mga bashers ko?

"Tell me you're joking!" Mensahe ng babaeng modelo na kaibigan ni Troy.

Nakita ko ang conversation nila.

"No. Lalayo ako. I can't hold on anymore." - Eto ang naunang message ni Troy.

Hindi ko na namalayang umiiyak na pala ako. Lalo na nung nabasa ko na ang ibang mensahe niya.

"Bantayan mo, Nash. Baka may manakit sa kanya." - Troy to Nash.

"Ayoko. Masyado niya ng na hurt ang ego ko. It's not worth it. Nakakabading na itong ginagawa niya sakin. I need time. I need space. I need to pull myself together." Troy to Theo.

Alam kong hindi siya usually ganito. Nakilala ko siya as someone na walang drama sa katawan. Hindi niya kilala ang pag-ibig. Paano ko ba siya biglang napagbago? Paano siya na in love sakin? Ang sama ko namang tao! Niloko ko siya sa sextape na yun! My God!

Hanggang sa bigla kong nakita ang isang mensahe galing kay Jane:

Troy, please, sorry. Hindi ko naman yun sinasadya. Wa'g mo naman akong sisantehin.

Nireplyan siya ni Troy ng ganito:

Akala mo natatakot akong ikalat mo iyon? I would rather have my heart broken over and over again. Sorry but I'm not the one night stand Troy anymore.

Napalunok ako.

Nagulo pa lalo ang isip ko. Anong ikakalat ni Jane? At bakit ang kapalit nito ay ang broken heart ni Troy. Natulala ako. Wala ng ibang mensahe doon.

Ginulo ko ang buhok ko at umupo sa kama. What exactly happened?

Mag gi-give up na sana ako nang bigla kong nakita ang mga keys sa table. Keys ito dito sa suite niya. Yung kanya talaga. Marami itong kasamang keys...

May isang may key jacket. May nakalagay doon na, CCTV room.

"OH MY GOD! Ang bobo ko! Bakit ngayon ko lang naisip yung mga CCTV ng Le Marcelle?"

Agad akong pumunta sa CCTV Room. Hindi ko na kinailangan ang keys kasi may tao sa loob.

"Kuya, pwedeng pa view ng mga navideohan sa CCTV mo? Yung last last month yata?"

"Hindi pwede, miss..." Kumunot ang noo niya. "Confidential-"

"Kuya! Please!"

Parang bouncer si Kuya. Naka uniporme ng dark blue at nakasimangot sakin.

Trenta minutos ko siyang kinumbinsi na ipatingin sakin iyon. Ayaw niya parin.

Naiiyak na ako...

"Please, kuya, kuya, kailangan ko talaga." Nabasag ang boses ko. "Nagmamakaawa ako."

"Ano ba talagang importante, bakit namimilit ka?" Tanong niya.

"Kuya, may gusto lang po akong malaman."

Hindi ako makapaniwala nang pinaupo niya ako at hinayaang mag scan sa mga videos for the last six months. Madali kong nakita yung video na lasing si Troy.

Syempre, itinago ko kay kuya yung screen. Pinagalitan nga ako pero hinayaan niya rin naman ako dahil busy siya sa pagmamasid sa mga grounds ng Le Marcelle.

Nanlaki ang mga mata ko nang nakita ko si Jane sa gilid na nagvi-video samin.

Kahit na morning shift siya, nagawa niyang pumunta doon ng madaling araw para videohan kami. Hindi kaya stalker siya ni Troy? OH MY GOD! Niyaya niya ba si Troy ng one night stand kapalit ng pananahimik ng video na iyon?

OH MY GOD!

Paano napunta kay Jayden?

Sinuyod ko ang buong videos. Nalipasan na ako ng gutom hanggang sa nakita ko yung video sa parking lot. Sa araw kung kailan ako kinumpronta ni Jayden.

"Troy, mag usap tayo..." Nilakasan ko pa yung volume.

Napatingin na rin si Kuya sa tinitignan ko.

"Bakit mo yan tinitignan? Huh?" Nabigla si kuya.

"May kailangan lang po akong malaman. Please lang po. Kailangan ko po talaga-"

"O siya siya! Lakasan mo yung volume nang marinig mong mabuti. Masesesante naman ako nito dahil sayo. Basta wag mong kopyahin yan at wag kang magsasalita tungkol dito."

Napalunok ako at tumango.

"What is it, Jayden?" Sabi ni Troy.

"Anong ibig sabihin nito?" Ipinakita ni Jayden ang CD.

"Ano yan?" Tanng ni Troy.

"Don't play dumb! You know what this is!" Sigaw ni Jayden.

Natahimik si Troy ng ilang sandali, "Ah! Yung threat ni Jane?"

"Assh0le! Anong namamagitan sa inyo ni Trisha?" Sigaw ni Jayden.

"Wala! Kita mo naman diba? Kaya nga hanggang ngayon, kayo parin kasi wala lang kami-" Nasuntok na siya ni Jayden bago pa siya matapos magsalita. "WHAT THE FVCK, Jayden? What do you want me to say? Na inakit ko siya? Na mahal niya ako? Na niloko ka niya? Or you want me to assure you that she loves you? Na ikaw lang mahal niya? Na ikaw lang ang gusto niya? You know what?" Tumawa si Troy. Umalingawngaw ang tawa niya sa buong parking lot. "I won't do that. Kung yun ang totoo, kung ikaw nga ang mahal niya sating dalawa, hindi ko yun sasabihin sayo para pampalubag ng loob mo-"

Nasuntok na naman ni Jayden si Troy.

"You prick! Immature brat! Walang hiya ka! Inagaw mo siya sakin!!! Imoral kayong dalawa!"

Sinuntok siya ni Troy. Humandusay sa sahig si Jayden. Dahan-dahan siyang bumangon.

"Don't call her that! Fvck you, Jayden. Tinulungan ko pa naman siyang makuha ang loob mo tapos ngayon kaya mo siyang tawaging ganyan? Yes! Inakit ko siya! Pero damnit minahal ko ang girlfriend mo!"

This is the biggest damn mistake!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top