Kabanata 36

Kabanata 36

Mga Hinala Ko

Tulala ako nang sinamahan ako nina Emma, Earl, Beatrice, at Camille palabas ng school.

"Saan tayo?" Tanong ni Emma kay Beatrice at Camille na parehong nagkibit balikat.

Nasa front seat si Emma, si Earl naman ang nag di-drive. Nasa magkabilang-gilid ko si Beatrice at Camille.

"Uuwi ka na ba, Trisha?"

Lumunok ako, "Hindi muna. Uhm... Ihatid niyo na lang sana ako sa isang mall or something. Hindi ko pa kayang umuwi."

Tulala parin ako. Gusto kong umiyak dahil masyado nang masakit at masikip ang dibdib ko pero wala ng luhang lumalabas. Pagod na ang mga mata kong umiyak.

Naririnig ko pa ang mga salita ni Troy.

"I'm not your freakin boytoy!"

"Ano ako? Casualty lang sa gyera niyo ni Jayden? Damay lang? Trisha? I cannot believe I'm in love with a girl like you!"

"This isn't healthy anymore... I can't lose myself just because I found you... You're not worth it."

"Wipe you're own tears, cuz this time, I'm really quiting on you."

Napalunok na lang ako habang iniisip ko ang mga iyon.

Kailangan kong mag enumerate ng pagkakamali ko... Pagkakamali ni Troy... Pagkakamali ni Jayden (kung meron man). Gusto kong tignan lahat ng sides. Gusto kong i-prove sa sarili ko na hindi ako ang may kasalanan dito... na si Troy. Kasi gaano ko man siya kamahal, hindi ko matanggap ang ginawa niya samin. Yung pag vi-video. Bakit niya iyon nagawa? Kung mahal niya ako, di niya yun magagawa. That's the bottomline.

"Trisha, ano ba talaga ang nangyari?" Tanong ni Emma sakin nang tahimik kaming umupo sa Mcdo.

Nag oorder pa si Earl ng pagkain namin. Silang mga babae lang ang kaharap ko. Pareho silang mukhang curious at naaawa sakin.

I need them, so much! Naiyak ako. Naiyak ako hindi dahil frustrated na ako sa nangyayari, kundi dahil hindi ako makapaniwalang nasamahan nila ako ngayon dito. Wala na akong masasandalan.

"Sorry kung ngayon lang ako makakapagkwento..." Pinunasan ni Emma ang mga luha ko.

Maasim ang mukha niya habang tinitignan ako. Para bang nasasaktan siya para sakin kahit hindi niya pa naman talaga alam kung anong nangyari.

Dumating si Earl dala ang mga pagkain. Sinabi ko sa kanila ang lahat ng nangyari. LAHAT-LAHAT. Sa pagkakaibigan namin ni Troy... sa pagtuturo niya sakin paano ko maaakit si Jayden... nang naging kami ni Jayden... nang nagsimula akong magkagusto kay Troy at nang niyaya niya akong mag cheat kay Jayden... nung nainip na siya... nung sinubukan kong makipagbreak. LAHAT. Panghuli ay yung video naming dalawa.

Hindi na ako naiyak. Sa aming lima, si Earl lang yata ang may ganang pumapak ng fries. Ni isa sa kanila, walang kinain.

"Kawawa si Troy." Sabi ni Beatrice.

"No... He deserved it! Paano ka maaawa sa kanya? Who in their right mind would tape something like that? Kung mahal niya si Trisha, di niya yun magagawa." Untag ni Camille.

"No... Troy is a playboy. Spoiled brat. Cam, he's used to having everything he likes... Trisha is no exception. Ganun ang paningin niya."

"This is a lesson for him. Hindi lahat ng gusto niya ay makukuha niya. Lalo na si Trisha." Ani Beatrice.

"Si Jayden ang totoong kawawa dito." Singit ni Earl. "He's the boyfriend. Nag cheat yung girlfriend niya." Sumulyap siya sakin. "Sorry, Trisha, pero tingin ko mali yung ginawa mo. When you get into a relationship, you need to commit. Kahit may mas gwapo, mas malandi, mas kahit ano diyan, tatanggi ka sa nararamdaman mo. It's a decision not a feeling. Totoong ma fifeel mo yun, pero desisyon mo ang pakiramdaman yun araw-araw... Desisyon mo ang mag stay. Hindi option ang kumabit sa kahit anong relasyon."

Napainom ako ng coke float sa sinabi niya. Sinapak siya ni Emma.

"Huy! Oo na! May mali silang lahat... Well..." Umubo siya at sumulyap sakin.

Nagkibit balikat si Camille at Beatrice.

"Ganito. May kasalanan kayong lahat. First of all, si Jayden... Si Jayden, walang kamalay-malay sa mga inner turmoils mo, Trish. Kaya akala niya mahal mo siya tulad ng pagmamahal niya sayo. I don't blame you kung sinagot mo siya. Napikot ka kasi harap iyon ng pamilya niya."

Tumango ako. Tumango din sina Beatrice at Camille.

"And then, I won't blame Troy for falling in love na huli na ang lahat. Hindi mo naman talaga malalaman kung kailan ka maiinlove, diba? Kung gaano siya ka naughty tignan, ganun din pala ang ugali niya. Tinempt ka niya. And that's probably his nature... and his only way. He's probably desperate. At may point si Beatrice... Hindi siya sanay na hindi kanya yung gusto niya. Now... the last choice is yours, Trisha. Kung kakagat ka sa kanya o hindi... at kumagat ka."

Nahihilo na ako. Masaya ako kasi nag open up ako sa kanila. Mas naliliwanagan ako.

"So there... Temptation siya, at kumagat ka. Iyan ang puno't dulo. Kung nasasaktan man si Troy ngayon, kasalanan niya rin yan kasi sumugal siya kahit alam niyang may iba ka... At kung nasasaktan ka ngayon, kasalanan mo yan kasi kumagat ka kahit mahirap ang sitwasyon ninyong dalawa."

"Si Jayden ang biktima dito." Singit naman ni Earl. "You should say sorry-"

"No way!" Sabi ni Beatrice. "Pag magsosorry si Trisha, ibig sabihin sorry kasi mahal niya si Troy!"

Umirap si Camille, "I agree with Earl. Sorry lang naman kasi she cheated on him."

"Lie low ka muna, Trish. Ang gulo!" Untag ni Emma. "Pero di biro yung ginawa ni Troy, ah? Umamin siya sa harap ng tao."

"But he gave up." Dagdag ni Camille. "Wa'g mo siyang habulin, Trish! He made a video! Unethical! Hindi justifiable. So wrong!"

Habang tumatagal ako sa pag iisip ng mga sinabi nila, narealize kong mas lalong humirap ang problema ko. Mas dumami ang options.

Matamlay akong pumasok sa Le Marcelle sa sumunod na linggo. Siyempre, hindi alam ng mga tao dito ang nangyari. Tanging si Jayden lang at ako... at yung ibang mga interns...

"Totoo ba yun, Trisha?" Tanong ni Sunny sakin.

Nanggalaiti pa ang iba dahil sa ginawa ko. Naligo ng hatemails ang Facebook account ko. Dalawang araw. Pero sa ikatlong araw ng confrontation namin ni Troy, nawala ng parang bula ang mga post nila.

May gumawa pa ng page na nakalaan sa mga bashers ko. Ayoko ng bumalik sa school. Pero lahat ng iyon ay nawala sa internet...

Inisip ko ang lahat. Tinimbang ko ang lahat. Ayoko na. Tama na. Mas mabuting wala akong piliin kahit masakit.

Hindi na ako tinitignan man lang ni Jayden. Wala siyang bukambibig kundi trabaho. Hindi na rin ako naglakas loob na magsorry. Pahuhupain ko sana.

"Ayan na naman ang bagong na hire." Sabi ni Eliz na kasama ko sa bar.

Tumaas ang kilay ko. "Sino?"

"Yang ingratang iyan! Naglalandi kay Jayden! Susmaryosep!" Umirap siya. "Ay... sorry? Bitter ka pa ba sa break up niyo?" Humalakhak siya at umirap sakin.

Umiling na lang ako. Ayokong patulan. "Bakit? May hiring pala dito?"

"What? Di mo alam? Na evict kaya si Jane... yung sa 30th floor?"

"Nagresign ba siya?" Tanong ko.

"Hindi! Duh! Fired na siya!"

"HUH? Bakit daw?"

"Ewan ko. Hindi ko alam. Basta alam ko lang naikama yan ni Sir Troy noon."

"Haaaa?" Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.

Nagflashback sakin lahat ng nangyari nung una ko nakilala si Jane. Ayaw niyang sa suite ni Troy siya maglinis. Kasi may kasama si Troy noon... at maingay silang dalawa! Obviously, may ginagawang milagro.

"Kelan? Uhm... bago lang? Last month? Last week?"

"Last week? Are you kidding me? Wala na nga si Sir Troy last week." Umirap na naman ang masungit na si Eliz.

Patuloy parin ang paglaglag ng panga ko. "Saan na siya?"

"Umalis! Pumunta daw yatang Monaco? Hindi ko alam baket basta ganun."

"Kelan niya nga ba... uhm... naikama si... Jane?" Nanikip ang dibdib ko.

Mamatay ako kung last week. or last month... or whatever!

"Years ago noh! Jurassic years!" Bumuntong-hininga siya. "Magtataka ka pa eh playboy yun. Nga lang... narinig ko kay Mr. Salazar na may girlfriend na daw siya. May nag testimonyang taga laundry section din na meron. Hindi lang nagbibigay ng clue."

Napalunok ako sa mga nalaman ko.

Una sa lahat... bakit na fire si Jane?

Pangalawa... hindi makapagsink in sa utak ko na nasa Monaco si Troy...

Pangatlo... may rumored girlfriend si Troy na alam kong ako.

"Nagseryoso na siguro yun. Baka nga kasama niya yung girlfriend niya sa Monaco eh. Baka magpakasal na sila dun." Tumawa si Eliz.

Hindi ako makatulog sa araw na iyon. Masyado akong maraming iniisip. Kaya naisip kong i-view yung cd na ipinamukha sakin ni Jayden.

At doon ko nakita ang lahat...

Damn! Nagsimula ang scene dito nung hinigi ko ang keys sa kanya. Naghalikan kami. Passionately. I don't know kung nakita na ba ito ni Jayden pero nasasaktan ako para sa kanya.

Sino kaya ang nagvideo nito? Binayaran ba ito ni Troy? Pero kung sinadya ito ni Troy, bakit hindi navideohan nung taga video ang kissing scene namin sa loob ng suite niya. Hanggang doon lang siya sa labas. Hindi siya lumapit sa kwarto. Isang minuto lang yung video. Pero pag natapos mo, lalo na sa part kung saan sinarado na ang pinto, parang may nangyari talaga sa loob.

Kung sinadya 'to ni Troy, bakit di nasali ang nangyari sa loob? Siguro dahil sapat na yung sa labas? Sino ang nagvideo nito?

Sa sumunod na araw, nagkatagpo ang tingin namin ni Jayden.

Marami akong gustong itanong sa kanya. Ilang interns at mga taga Le Marcelle na ang tinanong ko tungkol sa rason ng pagkakasibak ni Jane sa trabaho. Gusto kong malaman... Dahil may duda ako kung bakit. Hindi ko nga lang alam kung anong gagawin ko kung totoo ang mga hinala ko.

What is the truth? And will it set me free? Will it ease my frustrations?

At nasaan na si Troy? Babalik pa ba siya?

At kung babalik siya, ano ang gagawin ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top