Kabanata 35

Kabanata 35

Nabasag Na Salamin

Lumabas ako sa taxi nang nanginginig sa galit. Maraming estudyante ang nakatingin sakin... Siguro ay nagtataka kung bakit ganito ang soot ko. Ang iba sa kanila, hindi pamilyar sa internship uniform ng Le Marcelle. May ibang tumawag sakin - mga classmate ko noon.

"Trisha!? Anong ginagawa mo dito?" Sigaw nung isang kaklase ko.

Hindi ko sinagot. Dumiretso lang ako sa paglalakad. Hindi ko ininda ang sakit ng takong ko habang mabilis na tinatahak ang school grounds. Malayo pa ang cafeteria kaya mataas pa ang isasakripisyo ko bago makarating kay Troy.

Liliko na sana ako nang nakita kong naka park sa gitna ng parking lot ang sasakyan ni Troy.

Nagdilim ang paningin ko. Sobrang dilim, halos wala na akong makita.

Ang tingin ko na lang sa sasakyan niya ay siya.

Kumuha ako ng malaki-laking bato at luminga-linga sa paligid. Wala akong nakitang malapit sa sasakyan. Kumuha ako ng ballpen at tissue sa bulsa ko.

Pinulupot ko ang tissue sa bato at nagsimulang magsulat. Nanginginig ang kamay ko habang isinulat ko ang bawat letra:

'I hate you so much. Sana umalis ka na sa buhay ko. Pinagsisihan ko ang araw na nakilala pa kita.'

Hindi ko na linagyan ng pangalan... I bet, by now, inaasahan niya na 'to galing sakin. Kilala niya ako at alam niyang hindi ako titigil nang di siya binibigyan ng magandang laban.

Buong lakas kong tinapon ang bato sa salamin ng driver's seat. Tumunog agad ang alarm. Yumuko ako at tumakbo palayo sa sasakyang wasak ang salamin. Tanging Troy!

Agad nagpuntahan sa sasakyan niya ang mga tao. Ineksamin nila ito at pinagkaguluhan. Nagsipuntahan halos lahat ng estudyante doon. Inayos ko ang sarili ko.

Humugot ako ng malalim na hininga.

"I feel much better." Sabi ko sa sarili ko kahit na masakit ang puso ko.

Syempre... sa lahat ng nagawa niya... sa galit ko... hindi ko parin matangging may feelings pa ako sa kanya. Ang sasakyan niyang iyon ang nagdadala sakin sa mga lugar na siya lang ang kasama ko. Parang panaginip ang lahat. Yung mga gabing magkasama kami, mga bituin sa langit, mga mata niya, ngiti niya, ang Troy na kilala ko... panaginip. Hindi... Bangungot. Bangungot na iyon sa ngayon.

Nilagpasan ko ang mga taong nagsipuntahan sa sasakyan niya. Iniwasan ko rin ang mga shortcut.

Pupuntahan ko ba siya o hindi?

Sinubukan kong ngumiti. Magaan sa mukha ang pagngiti ko ngayon pero mabigat sa dibdib. Di bale na. Nasaktan niya na ako, hindi pwedeng makita niyang mahal ko parin siya sa ginawa niya sakin.

Nakangiti ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Tumatawag si Emma!

"Hello, Emma? Ano?"

"Trish? Nasan ka na? Yung gwapong pinapabantayan mo sakin wala na dito. Umalis. Dinumog yun ng mga tao. Hindi ko alam bakit."

"Ah? Ganun ba?"

Umilag ako sa mga daanang papuntang cafeteria at baka masalubong ko pa ang demonyong iyon. Sa ngayon, okay na sakin ang ginawa ko. Satisfied na ako. Pero hindi ibig sabihin dun na dito na magtatapos. Simula pa lang iyon.

Tinahak ko ang malayong daan papuntang cafeteria.

"Pupunta na ako diyan." Sabi ko.

"Okay... Uhm... Bakit mo ba siya pinababantayan?" Tanong ni Emma. "Weird." Dagdag niya.

Oo nga. Weird para sa kanya dahil wala namang nakakaalam na magkaibigan kami ni Troy. Kahit sina Emma, walang alam.

"Wala. Basta. Sasabihin ko na lang sayo..." Pinutol ko ang linya.

Ilang sandali pa bago ako nakarating sa cafeteria. Nang nakarating ako, naririnig ko na ang usap-usapan ng mga tao sa tabi-tabi...

"Nabasag yung salamin niya. Sinadya daw."

"May death threat daw?"

"Sino kalaban niya?"

Napangisi pa ako lalo sa mga narinig ko. DEATH THREAT! Oo! Tama yang sinasabi niyo. Death threat nga iyon.

"Uy!" Kumaway si Earl sakin.

"Uy!" Nakangisi akong pumunta sa kanila.

Nang nakalapit na ako, pare-pareho silang napakunot ang noo.

"Bakit naka uniporme ka at pumunta dito? Tumakas ka ba sa Le Marcelle?" Tanong ni Camille.

Umupo ako sa harapan nila... sa tabi ni Beatrice. Pinasadahan nila ako ng tingin at sinimangutan.

"Wa'g ka ngang mag bulakbol." Sabi ni Emma. "Bakit ka ba... andi..." Hindi niya matapos ang sinasabi niya dahil nakanganga na siya habang nakatingin sa likuran ko.

Tinignan ko si Earl at Camille sa harap ko. Ganun din ang reaksyon nila. At ganun din ang mga estudyante sa harapan ko. Kahit yung mga nagbubulung-bulungan ay nakatingin sa likuran ko.

"WHAT THE FVCK, TRISHA RONCESVALLES?" Umalingawngaw ang sigaw ni Troy sa buong cafeteria.

Tama si Troy. Dalawa lang ang tanging dahilan ng pagiging kabado ng isang tao. Either fear or excitement. Pero sa ngayon, excitement lang talaga ang nafi-feel ko. Excited akong makaharap ang galit niyang mukha... Gaganti ako. Para kay Jayden. Para sa sarili ko. At para sa lahat ng pag asang binigay niya sakin.

Hinarap ko siya. Laglag talaga ang panga ng buong sambayanan. Nakita ko pang naiiyak yung mga alipores niya sa likuran. Kahit nakikipag away na sakin, mukha paring beehive si Troy. Maraming bubyog ang nakaaligid.

Nakita kong inawat ni Nash at Theo si Troy pero itinulak lang sila ni Troy.

"ANO BANG PROBLEMA M-"

Bago pa iya ako masigawan ng harap-harapan, sinampal ko na siya.

Matagal nakabawi ang mukha niya. Agad ko nakita ang bakat ng mga kamay ko sa kaliwang pisngi niya. Pula. At may dumudugo pa sa ilalim ng mga mata niya. Useful din pala ang kuko na namanicure... matulis.

Napasigaw ang mga taong nakatingin.

Nailabas ko ang galit ko. Oo. Nagtransform iyon sa sampal pero agad akong nahabag nang nakita kong napa-half open ang bibig niya at nakatagilid parin ang mukha dahil sa sampal ko. Umapaw ang dugo sa ilalim ng mga mata niya.

OH MY GOD! But I need to be firm! That's what you get, Troy! My sweetest b1tchslap for you!

Maraming lumapit sakin. Sinugod ako ng mga tao. Ng mga babae... Kinalmot ako sa braso at hinila ang buhok ko.

Pero imbes na hayaan ako ni Troy, hinila niya ang kamay ko. Pumiglas ako sa hila niya. Pero ibang klase talaga pag fullforce niyang ginawa ang isang bagay, hindi sakin ang choice, dahil hindi ko magawang kumawala sa kamay niya.

"Wa'g kayong makealam!"

Sigaw niya sa nakakabinging pag iyak at pagka inis ng mga tao sa paligid.

"Anong problema mo, Trisha?" Umiyak yung kaklase ko sa isang minor.

Marami pang nagmura sakin.

"B1tch! Sino ka para gawin yun kay Troy!?"

Pinagtulakan ni Troy ay mga taong hinihila parin ang buhok ko. Ikinulong niya ako sa braso niya. I can't think straight anymore.

"Troy, siya ba yung bumasag ng salamin?" Tanong ni Theo.

Mas lalong nagbulung-bulungan ang mga tao sa paligid. Itinulak ko si Troy. Pinakawalan niya rin naman ako at humugot siya ng malalim na hininga.

Naiiyak na ako. I WILL NOT CRY - eto na lang ang inisip ko nang pabalik-balik.

"Trisha... anong nangyayari?" Dinig ko sina Emma sa likuran ko.

Binalewala ko lahat ng tao sa paligid. Si Troy ang kaharap ko. Siya lang. Siya lang ang iisipin ko.

"What do you want, Trisha?" Tanong niya.

Hindi niya man lang pinunasan yung dugong tumulo galing dun sa ilalim ng mga mata niya.

"Bakit mo yun ginawa sa sasakyan ko-"

"BAKIT MO ITO GINAWA SAKIN, TROY?" Umalingawngaw ang boses ko.

Natahimik lahat ng tao.

Naglakad ako patungo sa kanya. Hindi siya umatras. Hinintay niya lang akong makalapit sa kanya. Seryoso ang mukha niya at diretso ang tingin niya sa mga mata ko.

"Sinabi mo ba kay Jayden ang lahat ng tungkol satin?"

"Oo." Buong tapang niyang sinabi yun. Parang pinangalandakan niya talaga sakin.

Hindi na ako makapagtimpi sa mga luha ko. Kasi alam niyo? Umasa akong itatanggi niya ito. Umasa akong si Jayden ang nagsisinungaling!

"What do you expect, Trisha?" Seryoso ang mukha niya.

Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ko ang luha ko.

"I'm not your freakin boytoy!"

Sinampal ko ulit siya sa kabilang pisngi. Hindi na ganun ka grabe dahil wala na akong lakas. I am so disappointed. I HATE HIM SO MUCH!

Napasigaw na naman ang mga tao dahil sa sampal na iyon.

Nagalit si Troy at hinawakan niya ang magkabilang braso ko para di na ulit ako makasampal pa. Pumiglas ako. Hindi ko kayang di siya nililigo ng sampal!

"I am not an option, Trisha!" Sinigawan niya ako. "Kung mahal mo ako, ako lang dapat! Mahal kita, ikaw lang mag isa! Pagod na akong makihati! Ilang beses kang nangako na pipiliin mo ako! Pero nakakafrustrate ka na! Hindi ko na kaya dahil alam kong ikaw lang talaga ang gusto ko... at hindi lang ako ang gusto mo!"

OH MY GOD!

"Sinungaling! Ginamit mo lang ako kasi galit ka kay Jayden! Hindi ko alam kung ano ang problema niyo, Troy pero nakakagag0 ka! Napakawalang hiya mo! Ang sama-sama mong tao! Paano mo nagawa iyon? Problema namin 'to kaya dapat hinayaan mo na lang kaming dalawa! Nahihirapan na siya, bakit kailangan mo pang dagdagan ang paghihirap niya?!"

"Ano, Trisha? Ako pwedeng maghirap? Okay lang? Kasi secret naman ako... Wala namang nakakaalam sa paghihirap ko kasi wala namang nakakaalam sakin. Kasi..." Napalunok siya. "Kabit lang ako?" Nabasag ang boses niya.

"Hindi ako naniniwala sayo. Ang sabihin mo, bored ka lang sa life mo kaya pinaglaruan mo kaming dalawa. Galit ka sakin dahil hawak kita sa leeg... galit ka kay Jayden... k-kasi..." Hindi ko alam.

"Galit ako kay Jayden kasi sa kanya ka!"

Natahimik ako sa sinabi niya. Bakit niya pinagpipilitan na talagang mahal niya ako? Na totoo yung mga sinabi niya? Talaga bang ganun siya kasama? Kaya niyang isiwalat kay Jayden ang mga hindi dapat para lang makuha ang gusto niya?

"Troy, wala kang karapatan! Relasyon namin ito ni Jayden!"

"Yeah right! I'm just a nobody for you! Damn, Trisha! Kung totoong mahal mo ako aaminin mo yun ng harapan ni Jayden hindi yung nagsisinungaling ka. For what? Umaasa ka bang balikan ka niya kung hindi tayo mag work? Kaya ganun?!"

"Hindi mo ako mahal! Sinungaling! Kung mahal mo ako, hindi mo yun magagawa sakin."

Natigilan siya. Nanlaki ang mga mata niya at mukhang nag alab pa lalo ang galit niya sakin. Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka galit!

"ARGGHHH!" Tumalikod siya at sumigaw sa mga tao.

May isang upuan pa siyang sinipa. Naputol yung dalawang paa ng upuan dahil sa sipa niya. Humarap siya sakin. Basa na ang mga mata niya nang humarap siya sakin.

"Ano ako? Casualty lang sa gyera niyo ni Jayden? Damay lang? Trisha? I cannot believe I'm in love with a girl like you!"

Narinig ko ang mga komento ng mga tao... mga pagsinghap... mga bulungan... mga iyak... lahat. Pero natahimik sila nang nilapitan ako ni Troy.

Napalunok ako at napaatras. Galit na galit talaga siya... Nanginginig ako sa takot dahil kitang-kita sa mga mata niya ang galit. Pakiramdam ko, guguho na ang mundo ko.

"Sabi mo hihiwalayan mo na siya? Wa'g kang paasa! Umasa ako! Pero ano? Kayo parin, diba? Kaya sinabi ko sa kanya ang lahat... Kung hindi mo masabi, ako kaya kong sabihin. Kung hindi mo maamin sa lahat ng tao na mahal mo ako... ako kaya ko. Ngayon sabihin mo sakin sino ang nagsisinungaling satin! SABIHIN MO SAKIN SINO ANG NANGGAGAMIT DITO? SABIHIN MO SAKIN KUNG SINO ANG PINAIKOT!? SABIHIN MO SAKIN KUNG SINO ANG NALOKO?"

Umapaw na ang luha ko.

"Damn!" Pinunasan niya ang isang luhang nakawala sa mga mata niya.

Suminghap siya at hinarap ulit ako.

Pinipiga na ang puso ko. Manhid na ang buong katawan ko. Manhid na ang buong sistema ko. Ako ba ang nagkamali? All this time, akala ko siya ang may maling desisyon sa pagsabi kay Jayden nun... Mali talaga siya kahit saan ko tignan! Paano niya nagawang i-video kaming dalawa? Pero bakit bumibigay ako? Bakit parang okay lang... wa'g lang siyang mawala... Wa'g lang siyang makitang ganito... Bakit okay lang na masama siya... na mali yung ginawa niya? Nagkamali ba ako?!

"This isn't healthy anymore... I can't lose myself just because I found you... You're not worth it."

Tinalikuran niya ako at iniwan sa harapan ko ang tissue na sinulatan ko kanina.

"Wipe you're own tears, cuz this time, I'm really quiting on you." Sabi niya nang nakatalikod.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top