Kabanata 34
Kabanata 34
Di Pa Sapat Na Iniwan Ko
Umiyak ako hanggang nakatulog. Hindi ko kinaya ang nangyari. Hindi ko kayang isipin pagsabay-sabay ang sitwasyon.
Sabado nang dumating sina mommy at daddy. Wala akong ganang icheck ang mga pasalubong nila sakin. Sinubukan kong maging interesado sa mga dala nila pero hindi ko magawa.
"Trisha, okay ka lang ba?" Tanong ni mommy.
"Opo." Sabi ko at ngumiti.
Bahagyang namumugto pa ang mga mata ko sa nangyari. Tulala ako most of the time. Hindi ko inakalang ang mga eksenang sa mga dramang teleserye ko lang nakikitang natutulala ang mga tao sa kakaisip ng mga bagay-bagay, pero eto na naman at nangyayari sakin.
Siguro may isang point talaga sa buhay ng tao na nangagayari ang mga bagay na iyon. Makatutuhanan din pala ang mga iyon.
Lunes at kinabahan akong pumasok sa Le Marcelle. Hindi na ako tinext ni Troy simula noong huli naming pagkikita sa CR. Okay na rin sakin iyon. Ayokong dagdagan pa ang alalahanin ko.
Nagkatinginan kami ni Jayden nang dumating siya sa Le Marcelle.
Agad naman siyang lumapit sakin at ngumiti. Pero hindi na yun tulad ng dating ngiti... malungkot na ang mga ngiti niya.
"Kumusta ang papa mo?" Tanong ko.
"Okay na siya... Mabuti-buti na ang pakiramdam niya." Aniya.
Ilang sandali pa siyang tumitig sakin.
"I miss you..."
Ilang beses ba kailangang mabasag ang puso ko? Nilunok ko na lang ang nararamdaman ko.
"Miss na din kita, Jayden. Pero di tamang ipagpatuloy natin-"
"Can we please try again, Trisha..." Pabulong niyang sinabi sakin.
Napalingon si Sunny saming dalawa.
Yumuko si Jayden at umalis na lang nang narealize na hindi na kami tatantanan ni Sunny.
"Anyare?" Tanong ni Sunny.
Umiling ako.
"N-Nag break na kayo?" Pasigaw niyang sinabi.
Hindi ako nagsalita.
"OH MY GOD! Bakit? Trisha... Bakit? Anong problema? Ang saya-saya niyo pa nga nung isang araw!"
Kinausap ko si Sunny na wa'g na munang ipagkalat ang nangyari. Masyado pang fresh ang lahat sa amin ni Jayden. Ayoko munang pag usapan ng buong mundo ang nangyari samin. Mabuti at napipigilan niya rin naman ang sarili niya.
Lumipat na ako sa restaurant. Dahil ilang beses na akong napunta sa chef's side, sa bar na ako nilagay. Si Eliz naman ang kasama ko ngayon. Mataray siya pero hinahayaan ko na lang. Wala ako sa mood para makipag kompetensya sa kanya.
Dalawang linggo ang nakalipas. Ganun parin ang tratuhan namin ni Jayden. Palagi niyang binabanggit sakin ang pag ta-try ulit sa relationship namin. Palagi akong nasasaktan pag inaalok niya ako niyan.
Si Troy naman, hindi na nagpaparamdam. Nakita ko siyang ilang beses na palaboy-laboy sa Le Marcelle pero di ko siya magawang lapitan. Ni hindi niya rin naman ako tinitignan. Gusto kong isipin na binibigyan niya ako ng panahon para i-settle ang lahat... Pero unti-unti kong narealize na may mali dito...
Nakita ko siyang galit na papunta sakin. Hinanda ko ang sarili ko para salubungin kung ano man ang sasabihin niya... Papalapit na nang palapit si Troy sakin nang biglang...
"Para sa'yo..." Nilapag ni Jayden ang bouquet ng flowers sa harapan ko.
Ngumiti siya. Tinignan ko si Troy sa likuran niya. Unti-unting umatras si Troy at tumalikod. Napalunok ako doon at bumaling ulit kay Jayden.
Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko sa mga bulaklak ni Jayden. Gusto kong tanggihan pero sobrang sakit ng ginawa niya sakin kaya di ko na kayang tanggihan pa siya kahit sa maliit na bagay na ito.
Isang linggo niya akong sinuyo sa mga bulaklak. Hanggang sa isang araw ay nasabi ko na ang gusto kong sabihin...
"Jayden, bakit mo 'to ginagawa?"
Napawi ang ngiti sa mukha niya at napalunok, "Trisha, let's keep the fire burning. Baka may konting pagmamahal ka pang natitira sakin."
"Jayden,-"
"I know, Trisha... Pero sinusubukan ko lang naman." Napayuko siya at umalis.
Tuwing nakikita ko si Jayden, sobrang nasasaktan ako at nagi-guilty. Naiisip ko yung tinuro ni Troy sakin... Art of Seduction... Inapply ko talaga iyon sa kanya. Kasalanan ko kung bakit nahulog siya sakin. Iyon naman pala, ito ang ibibigay ko sa kanya. Pero mas nasasaktan ako kasi hindi ko na nakikita si Troy. Hindi niya rin ako tinitext. Okay na rin iyon dahil nais kong magpalamig muna kami... pero its just weird. Sumisikip ang dibdib ko tuwing naiisip ko ang mga pangamba ko...
Paano kung ginamit niya lang ako? Paano kung galit lang siya kay Jayden at ngayong nagtagumpay na siyang saktan si Jayden ay iniiwan niya na ako?
OH MY GOD!
"Trisha, ihatid na kita." Sabi ni Jayden pagkatapos ng shift ko.
Umiling ako, "Sorry, Jayden. Magtataxi ako pauwi. Mali-late ka na rin sa klase mo... Don't worry about me..."
Damn Shet! I don't deserve his kindness. Mabuti na rin siguro na hindi nanlalandi si Troy sakin ngayon at baka maguilty ako ng sobra-sobra. Isang buwan na lang, tapos na ang internship ko dito sa Le Marcelle. Magbabalik na ako sa school. Kinakabahan ako tuwing naiisip ko iyon. Ibig sabihin makikita ko na si Troy halos araw-araw.
Dumaan ang mga araw...
I miss you so much Troy.
Ayokong nilalandi mo ako ngayon pero langya, miss na miss na kita! SOBRA!
Narinig kong may biglang 'nabasag' sa harap ko. Nakita kong nanggagalaiti ang mukha ni Jayden habang tinitignan ako. Hinahabol niya ang hininga niya at may nakita akong pasa sa pisngi niya.
Kumunot ang noo ko habang tinitignan siyang tinuturo yung CD. Pinulot ko yung CD. Maraming nakatingin saming dalawa. Natigilan halos lahat ng nagtatrabaho sa Le Marcelle. Napansin iyon ni Jayden kaya hinila niya ako palabas ng Le Marcelle.
Nang nakalabas na kami at wala ng tao... Saka niya ako kinompronta.
"YOU CHEATED ON ME, TRISHA!" Sigaw niya sakin.
Ibinalandra niya sa mukha ko ang CD. Napalunok ako. Hindi ko alam kung paano mag rereact. Nalaman niya na ang tungkol samin ni Troy? Paano? At ano ang CD na iyan? OH MY GOD! Nalaglag ang panga ko.
Ilang sandali pang naging blanko ang pag iisip ko.
"Napakawalang hiya niyong dalawa ni Troy!" Sigaw niya sakin.
Is this really happenning?
"I trusted you!" Ginulo niya ang buhok niya.
Suminghap siya. Hindi ko naman nagawang huminga.
"I loved you!"
"J-Jayden, calm down-" Yun lang ang nakaya kong banggitin pero pinutol niya iyon.
"CALM DOWN? Trisha! Nag two-time ka! For god's sake! I thought you were mature! I thought you we're true! Pero all this time, ito pala ang ginagawa niyo ni Troy sa likuran ko?" Sabay panginginig ng kamay niyang nakahawak sa CD.
Inayos niya ang sarili niya. Lumapit siya sakin.
"Why don't you two be together right now? Ngayong wala na tayo!? I'm sorry, Trisha! Pero you lied to me! All I ever did was love you sincerely! I can't believe you did this to me! Sa lahat ng tao ikaw pa?" Umiling siya.
Nilagay niya sa kamay ko ang CD.
"THAT IS THE EVIDENCE!" Sigaw ni Jayden. "Ang kapal ng mukha niyo ni Troy na maghalikan dito sa Le Marcelle..." Umiling siya. "I can't believe it, Trisha! I just can't believe it! At ano pa ang ginagawa niyo bukod sa halikan? Tell me! Please!"
Nilagay niya ang kamay niya sa noo niya. Suminghap siya at nakita kong may luha sa mga mata niya.
Habang pinagmamasdan ko siya, narealize ko din kung ano ang ibig sabihin nito... SOMEONE RECORDED OUR KISSING SCENES! SINO? At paano nakuha ni Jayden? Sino ang sumuntok sa kanya at bakit may pasa siya sa pisngi niya. Naiiyak na ako pero mas nangibabaw ang galit ko. Maraming problema si Jayden. Sobrang nasaktan ko na siya at bakit kailangan pang mas masaktan siya ngayon?
Tinignan ko ang CD.
May konting hinala ako pero dahil mahal ko siya, hindi ko magawang sabihin yun sa utak ko.
Hindi... Hindi pwedeng si Troy ang gumawa nito. Hindi niya ito magagawa sakin. Maghihintay siya diba? Hindi niya to gagawin.
FVCK THIS SH1T!
"Jayden..." Buo ang boses ko.
Para bang ang tagal ko ng hindi nakapagreunion sa boses kong ito... Nagbalik sakin ang espiritong akala ko ay matagal ng nagbago. Iyon naman pala, nagtatago lang sa kaibuturan ng puso ko. Naghihintay kung kailan ko gigisingin at gamitin ulit.
Gone is the crazy in love Trisha.
Gone are the crying days...
Hindi ako makahinga sa sobrang galit ko. I was freakin right about everything! He was using me! Using my feelings to have this! REVENGE! Naghiganti siya sa sextape kong wala namang katotohanan. Kaya ito at gumawa siya ng eskandalo. He made me fall for him. Of course he can! He's the Master of Seduction! At ngayong nagtagumpay na siya, iniiwasan niya na ako. At ngayong wala na kami ni Jayden, saka niya kami ginulo ulit. And you know what's worst? TOTOONG MINAHAL KO SIYA!
Kung gusto ni Troy ng maruming labanan... pwes ibibigay ko iyon sa kanya.
Nagsakripisyo ako para saming dalawa... Dahil umasa akong mahal niya rin ako. Ito ang napala ko? Hindi ko kayang isipin. Hindi ko lubos maisip kung paano ko siya nahalikan noon. Magaling talaga siya. Magaling siya sa pagpapanggap. Magaling na magaling na kahit ang wais na si Trisha ay naloko niya.
Pagsisisihan niya ito.
"Jayden, sino ang nagsabi sayo?" Tanong ko.
"Sino pa edi si Troy!" Sabi niya.
I KNEW IT! I just need the confirmation.
"Kailan mo nalaman?" Tanong ko.
"Kanina! Bago siya nagpunta sa school! He bragged about you being such a good kisser!"
Nagpalpitate ang kilay ko habang dinidinig ang kagaguhang ginawa ko. Ginawa namin. Ginawa namin ng hampas lupang si Troy.
Hindi ito totoo. Mali yung narinig ko. Bakat gagawin ni Troy sakin iyon? Diba mahal niya naman ako? Pero konting-konti na lang ang naniniwala dun. Puso ko na lang ang naniniwala sa 'mahal' na iyon. Tumaas na yata ang dugo ko sa sobrang galit.
"I haven't even kissed you that way, Trisha! At ako ang boyfriend mo sa mga oras na iyon!" Mas naaninaw ko ang namuong mga luha sa mga mata niya.
"I-I'm sorry, Jayden..." Sinubukan kong pigilan ang pag nginig ng boses ko pero hindi ko magawa sa sobrang galit na naramdaman ko.
"You should be... Because he's a jerk. A playboy. Ginamit ka lang niya para makaganti sakin. I hope you've seen his face."
Maaring ganun din. Galit si Troy kay Jayden kaya pwedeng isa yun sa mga rason. Hitting two birds in one stone, Troy? Si Jayden at ako... Si Jayden at ako ang hinulog mo sa bitag!
"S-Sigurado ka bang si Troy yung nagsabi?" Sinabi niya bang mahal niya ako?
Naninikip na ng sobra-sobra ang dibdib ko. Maaring dahil alam ko na ang sagot sa tanong na di ko binanggit.
"Si Troy yung nagsabi, mismo, Trisha."
"One more thing, Jayden... What exactly did he say?" Tanong ko.
"He told me that you cheated on me... with him. Na hindi naman talaga ako ang mahal mo kundi siya. Na tinulungan ka lang niya para maakit ako. At inakit ka niya... Kaya sinuntok ko siya. That demon laughed... At sinuntok niya rin ako. I can't believe you cheated on me with that kind of guy! With Troy? Seriously? Akala ko ba alam mo kung paano siya mag handle ng mga babae! He's a freaking playboy. He can manipulate you! At nagtagumpay siya!" Pumikit si Jayden at umiling. "I can't even believe you really cheated on me, Trisha."
Tumulo ang luha kong kanina ko pa pinigilan. Hindi ko na hinintay na lumandas pa sa pisngi ko ang mga iyon. Agad ko ng pinunasan sa sobrang galit ko. Hindi na ako makahingang mabuti dahil sa paghikbi ko at dahil sa galit na nararamdaman ko.
"I'm sorry, Jayden. It was a mistake... He's a mistake... I regret it so... much!"
Tinanggal ko yung scarf kong kanina pa nangangati sa leeg ko. Sa sobrang galit ko, nagawa kong iwan si Jayden nang walang pasubali. Hindi ko siya nilingon. Diretso lang ang tingin ko... Humanda ka, Troy Ezekiel S. Salazar.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Emma.
"Hello, Tri-"
"Hello, Em. Nasan ka? Do you have time? Can you please find Troy for me?" Sabi ko.
"Huh? Troy Ezekiel? B-Bakit?"
"Please, just find him." Sabi ko habang sumasakay ng taxi.
"Nandito siya sa cafeteria. Classmate kami sa isang minor. Nagbreak muna kami. Alam mo na, three hours yung-"
"Okay. Stay there. Papunta na ako."
Talagang di pa sapat na iniwan ko si Jayden? Talagang nalaman pa niya ang kagaguhang ginawa ko? At mula pa sa taong pinakamamahal ko? At anong sinabi niya? Inakit niya ako?! Inakit niya lang ako?! Para saktan kaming dalawa ni Jayden?! Hindi na makatotohanan ito. Hindi ko na kaya 'to.
THAT JERK IS GOING TO FVCKING PAY!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top