Kabanata 33
Kabanata 33
Unti-Untiin Mo Naman
"Jayden..." Napalunok ako.
Pinasadahan niya ako ng titig at kumunot ang noo niya.
"You okay?" Tanong niya.
Nanikip agad ang dibdib ko. Hindi ko kayang tumayo at tignan siya ng ganito. I looked away.
"Trisha, ano ang sasabihin mo?" Hinaplos niya ang mukha ko at hinuli ang mga mata ko.
Nagkatinginan kami. Mas lalo akong nasaktan nang tinignan ko siya. Pero habang tinitignan ko siya, nakita kong lumabas si Troy sa CR sa likuran ni Jayden. Malayo siya. Hindi niya kami naririnig.
Suminghap si Jayden at sinoot sakin ang polong hinubad niya kanina. Napalunok ako. Nanginginig pala ako kaya niya ginawa yun. Malamang dahil naka bikini top lang ako at shorts dito. Pero hindi ko naman alam kung nanginginig ba ako dahil sa lamig o dahil sa sakit ng gagawin ko ngayon.
Tumunog ang cellphone niya. Nadistract kaming dalawa. Agad niya namang pinatahimik iyon kaya balik ulit kami sa tensyon.
Hindi ako maririnig ni Troy. Sobrang layo namin pero nakatingin siya sa mga mata ko. Para bang hinihintay niya talagang makawala ako kay Jayden.
"Jayden, I-I think kailangan nating mag break."
Tumunog ulit ang cellphone ni Jayden. Laglag ang panga niya habang pinapatahimik ulit ang cellphone niya.
Tatlong beses siyang suminghap. Tumingala pa siya. Oh my god!? Talaga bang nasabi ko yun sa kanya? Unti-unting nabasag ang puso ko. Naramdaman ko talaga ang unti-unting paninikip ng dibdib ko habang tinitignan siya.
"Bakit?" Buntong-hininga niya.
"J-Jayden... Uhm..."
Tumunog ulit ang cellphone niya. Pinatahimik niya ulit.
Namuo na ang mga luha ko. Hindi ko alam na ganito pala. Kahit ikaw yung nakikipagbreak, naiiyak ka parin...
"Jayden, k-kasi... K-Kasi... Kasi di ko na alam kung tama pa ba tong ginagawa natin."
Nalaglag ulit ang panga niya sa sinabi ko.
"Bakit, Trisha?"
Ilang beses pa siyang suminghap bago dinagdagan ang tanong niya.
"Did you fall out of love?" Napalunok siya sa sariling tanong niya.
Hinilamos niya ang kamay niya at umiling sakin.
"Trisha..." Tawag niya habang pinupunasan ko ang sarili kong luha.
Tumunog ulit ang cellphone niya. Ang tagal naming nanahimik. Ang tagal ng di kami gumalaw. Sa wakas ay nagpasya siyang tignan kung sino ang tumawag.
Huminga siya ng malalim at sinagot ang cellphone niya.
"Hello..." Mahina ang boses niya.
Tumagilid siya ng konti sakin. Humikbi ako pero pinigilan ko ang luha ko. Sana may pumaypay sa kalooblooban ko kasi talagang mag ha-hyperventilate na ako sa kakapigil sa luha ko.
"What? Saan?" Tinignan niya ako.
Pinunasan ko ang umapaw pang luha sa mga mata ko at tinignan siyang mabuti. Buti na lang at dahil sa ekspresyon ng mukha niya, mejo nawala ako sa concentration sa nangyayari samin.
Suminghap siya at pumikit habang nakikinig sa cellphone niya.
"Okay. I'll be there..." Binaba niya ang cellphone niya.
Tinignan niya pa ako ng ilang sandali bago naglahad ng kamay.
Nakita ko ang sobrang lungkot niyang mukha. Habag na habag na ako. Hindi ko na siya kayang tignan. Hindi ko kaya ang ginawa kong ito. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko.
"Jayden, I'm sorry. Pero ito ang desisyon ko... Ayokong masaktan ka pero alam kong nasasaktan kita... Mas masasaktan kita kung di ko 'to sinabi-"
"Trisha... Nasa ospital si papa... Inatake sa puso. Please, come with me... I need you so much right now."
Ako naman ngayon ang nalaglagan ng panga. Hindi ko na maorganisa nang mabuti ang mga iniisip ko. Ano ang gagawin ko? Bakit ganito ang nangyari? Anong nangyari sa papa niya? Wrong timing! OH MY GOSH!
Bago ko pa naibigay ang nagaalinlangan kong kamay ay kinuha niya na ang kamay ko at hinila ako palabas ng Le Marcelle at papuntang carpark.
Ngayon ko lang napansin na nakahubad pala siya ng top at sleeveless na lang ang soot niya.
"Jayden, yung ano, polo mo-"
"Suotin mo yan. May jacket ako sa sasakyan." Aniya.
Nag half-run kami papunta sa sasakyan niya. Pumasok na ako sa loob ng front seat at sinoot ang seatbelt. Mabilis din ang takbo ng sasakyan ni Jayden.
Marami akong iniisip. Si Troy... ang nangyari... Si Jayden... Pero tingin ko ang dapat kong isipin ngayon ay si Jayden. Kaka-wasak ko lang sa puso niya pero may problema na agad siya. Hindi ko siya magawang iwan. Totoong nag alinlangan akong sumama sa kanya pero alam ko namang di ko siya kayang tanggihan. Kahit ito na lang yung huling pabor ko sa kanya.
Tahimik ang mga kapatid niya habang naghihintay sa labas ng room ng daddy niya.
"Ma, bakit? Anong nangyari?" Narinig ko ang pagkabasag ng boses ni Jayden.
"Bigla na lang siyang inatake." Umiiyak yung mama niya habang nagkwento kay Jayden sa nangyari.
Umupo na lang ako sa upuan kasama ang mga kapatid niyang tahimik. Tumabi si Jayden sa akin at narinig ko ang pabalik-balik na pagsinghap niya.
Dalawang oras kaming tahimik. Hindi ko inistorbo ang pag-iisip ni Jayden. Ilang sandali ay niyakap niya ako. Hindi ko alam kung yayakapin ko ba siya pabalik o hahayaan ko na lang siyang yumakap sakin. Pero sa higpit ng yakap niya, hindi ko kayang di siya haplosin man lang.
Awang-awa ako sa kanya. Inis na inis ako sa sarili ko. Gusto kong lumayo... Gusto kong kamunhian ako ni Jayden dahil yun ang nababagay sakin. Ayokong harapin si Troy. Hindi ko kayang mainlove sa kanya habang nasasaktan si Jayden. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko.
Lumabas ang doktor pagkatapos ng tatlong oras na paghihintay.
"He's stable..." Marami siyang sinabi pero ito na lang ang naging klaro sa pag-iisip ko.
Isang oras pa ang nakalipas bago tumayo si Jayden.
"Iuuwi na kita sa inyo." Aniya.
"H-Huh?" Napatingala ako sa kanya.
Naglahad siya ng kamay. Hindi ko alam kung tatanggapin ko ba yun o hindi... Pero sa tagal kong tinitigan lang iyon, naisip niya sigurong hindi ko talaga tatanggapin kaya binawi niya iyon.
Tumayo akong mag isa.
"Ma, ihahatid ko lang si Trisha..." Matabang niyang sinabi.
Mahinang tumango ang mama niya.
Niyakap ako ng mama niya, "Salamat sa pagpunta mo dito..." Aniya.
It broke my heart... so much!
Nilunok ko na lang ang luhang nagbabadyang lumabas sa mata ko. Kailangan ko ng ibalik ang pagiging matapang ko. Nainlove lang ako, nagiging iyakin na ako. Hindi pwedeng ganito.
"Tungkol dun sa sinabi mo..." Binasag ni Jayden ang katahimikan namin sa gitna ng pag di-drive niya. "Is there someone else, Trisha?"
Napalunok ako.
Tama na siguro ang inabot niya ngayong araw na ito. Hindi ko na kailangang dagdagan pa. Totoong nakapanakit na ako ng mga tao pero hindi naman ako yung tipong walang konsiderasyon. Hindi ko kayang nadapa na nga ang tao, ilulugmok ko pa siya sa lupa. Kaya kong magtimpi... Kaya kong maglihim kung kinakailangan. Alam kong malalaman niya rin ito pero hindi na muna sa ngayon...
"Wala, Jayden... It's just me... Marami a-akong iniisip."
Malakas siyang suminghap habang nagdi-drive...
"Trisha, pwede bang unti-untiin mo muna? Hindi kita maintindihan. Anong pagkukulang ko? Dahil ba naging busy ako this week? Trisha, sabihin mo sakin kung anong pagkukulang ko..."
Pinipiga na ang damdamin ko. Pinipilit na ng mga luha kong kumawala sa mga mata. Hindi na rin nila kaya ang pagpipigil ko.
"Jayden, w-wala kang kasalanan... Ako lang... I fell out of love. Wala akong pagkukulang."
"Can we please try again, Trisha... Mag iisang buwan pa lang tayo, give up ka na agad. We can make this work."
Itinigil niya ang sasakyan niya sa traffic. Hinarap niya ako. Nakita kong lumuluha na siya.
"Oh my God! Oh my God!" Yun na lang ang naibulong ko sa sarili ko habang tumitingin sa labas.
I didn't see this coming! Akala ko di niya ako mapapatawad sa gagawin ko. Pero bakit darating sa ganitong punto?
Umiling ako at hinarap siya, "Hindi ko alam, Jayden... Pero ito talaga ang nararamdaman ko ngayon... At hindi ko rin alam kung makakaya ko pa bang subukan ulit. Ayokong ma disappoint ka sa magiging resulta. Paano kung wala talaga? Paano kung di talaga mag work?"
Pinunasan niya ang sarili niyang luha.
"Trisha, hindi pwede 'to... Please, let's try again..." Hinawakan niya ang kamay ko.
Nakita kong kasabay ng pagbuhos ng luha naming dalawa ay ang unti-unting pag ambon...
"Jayden, I don't know... I can't... I don't want to hurt you..."
"Please, unti-untiin mo naman. Hindi pwedeng bigla mo na lang akong sasaktan!"
Tahimik kaming dalawa. Sobrang bagal pang umusad ang mga sasakyan. Lumakas pa ang ulan. Hindi ko na marinig ang sariling paghikbi ko. Hindi ko siya kayang lingunin.
"Jayden, I fell out of love." Inulit ko. "At hindi ayokong subukan ulit... Nasasaktan akong nakikita kang nasasaktan. Hindi ko na kayang makita kang masaktan pa ulit. Hindi ko na kaya yun." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.
"Unti-untiin mo naman. Hindi ba pwedeng unti-unti na lang kitang papakawalan? Bakit kailangan pang diretso!? Why are you doing this, Trisha?" Malamig niyang sinabi sakin.
"Kasi ito ang nararamdaman ko." Napalunok ako at tinignan siya.
Umiling siya at suminghap. Hindi na siya nagsalita ulit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top