Kabanata 32

Kabanata 32

Pwede Bang Mag Usap Tayo?

Naka faded short pants ako at loose cropped shirt pagdating ko ng Le Marcelle. Hindi ko kasi alam kung anong susuotin sa pool party. Yun pala, dress ang dapat na sinoot ko. Nakita kong dress ang sinoot nina Sunny at iba pang interns. Ako lang yata ang naka shorts.

Kinabahan agad ako nang nakita si Jayden.

Nakangiti siyang lumapit sakin. Naka white polo shirt lang siya at khaki short pants. Bagay na bagay sa kanya ang soot niya.

Niyakap at hinalikan niya agad ako.

"See you sa pool. Titignan ko lang kung okay ba lahat ng departments." Bilin niya.

Nagsi tilian naman ang mga interns sa simpleng ginawa ni Jayden. Napangiti na lang ako sa kanila.

Nagpunta na kami sa ppol. Nandoon lahat ng nag tatrabaho sa Le Marcelle. Dalawang oras lang daw ang party na ito. Ang may duty ngayon ay ang night shift. Mag du-duty mamayang gabi ang morning shift (party naman ng night shift mamaya). Pero wala na kaming duty ng mamayang gabi, interns lang din naman kasi.

Maiksi lang ang program. Nag speech ang daddy ni Troy, at nagpalakpakan kami. Maraming pagkain. Kumakain ako samantalang busy sina Sunny at kapwa interns ko sa paglalagay ng sunblock para maligo.

"Daming expats!" Sabi ni Sunny habang tinitignan ang pool na may mga expats na costumers ng Le Marcelle.

Nag tilian sila. Hindi ko alam kung bakit. Basta ako, kumakain lang ako dito sa ilalim ng malaking payong sa sun lounger.

"Oh my god!" Hinika ang isa sa amin.

"Uy! Pigilan niyo si Winny!" Sigaw ng isang intern.

Nag ha-hyperventilate siya habang ngangang nakatingin sa kabilang banda ang lahat ng intern. Walang pumapansin sa nag ha-hyperventilate.

"Uy! Ano ba kayo! Si Winny!" Saway ko sa kanila.

Kinalabit ko si Sunny pero di niya ako pinansin. Nairita pa nga siya nang kinalabit ko siya ulit.

"Teka lang! Si Troy!" Aniya.

Napatingin ako sa tinitignan nila. Ngayon... alam ko na kung sino...

Si Troy Ezekiel Salazar ay madramang tinatahak ang gilid ng pool. Naka board shorts lang siya at nakabalandra na naman ang madugong katawan niya. Laglag na rin ang panga ko. Halos mailuwa ko ang kinakain ko sa kanya.

"Potangshet! Sarap ng karneng yan." Sabi ng isa sa interns.

Ginugulo niya ang buhok niya habang nakaawang ang bibig na tumitingin sa malayo. Yung V-line niya ay nakakaagaw ng pansin. Parang sumisigaw na 'hubaran niyo ako!'.

Umupo siya sa isang sun lounger at nagsimulang maglagay ng sunblock sa biceps niya. Nag unahan ang apat na makakapal ang mukhang intern patungo sa kanya. Hindi ko na narinig ang pinag usapan pero alam kong hiniling nilang sila na yung mag lagay ng sunblock.

Walong kamay ang nanghihimas sa kanya ngayon. Nakangisi pa ang mga babae. Lalo na yung naglalagay ng sunblock sa abs niya. SHEET! Yung V-line! Sheeeet!

Nakatalikod siya samin kaya hindi ko makita ang reaksyon niya sa ginawa ng apat na babae. Nag flex pa ang muscles sa likuran niya at tumingala siya habang pababa ang dalawang babaeng naglalagay ng sunscreen sa kanya. BULLSH1T! Pagkatapos ng sinabi niya sakin kagabi, may ganitong eksena kinaumagahan? Nakakaloka!

Nagkunware akong tapos ng kumain. Tumayo ako at dadaan sa kanila. Nang dumaan ako at naharap na si Troy, nakita kong nakaawang ang bibig niya at nakapikit ang mga mata niya.

Mahalay ba akong mag isip o sadyang mahalay lang ang mukha at ginagawa nila.

OMG! Hindi ko kayang makita ito. Nagmadali ako sa paglalakad. Sh1t!

"Trisha!"

Nakasimangot akong lumingon sa tumawag sa pangalan ko.

"J-Jayden?" Nasa harapan ko na pala siya.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Uhm... mag C-CR lang sana." Hindi ako makatingin sa kanya. "Pero... hindi na lang. Ikaw?"

"Pupuntahan sana kita. Hindi ka ba maliligo?" Ngumuso siya sa pool.

"M-Maliligo din."

"Kung ganun may soot kang bikini?" Tanong niyang nakangisi.

"Uhm... Oo." Sabi ko.

Hinawakan niya agad ang kamay ko.

"Lika! Lagyan kita ng sunblock!" Aniya.

Uminit ang pisngi ko. Bago pa ako makaangal ay hinila niya na ako sa tapat ng sun lounger nina Troy.

"Jayden, n-nahihiya ako." Sabi ko.

Sumulyap ako sa nakapikit paring si Troy. KAINIS AH!?

"Alam naman nilang lahat na tayo na... Kaya, wa'g ka ng mahiya." Aniya.

Sinimulan niya ang paglalagay ng sunblock sa braso ko. Hinayaan ko na lang siya. Pinagmasdan ko ang ginawa niya.

"Hubarin mo na yang t-shirt mo." Aniya.

Uminit ang pisngi ko.

Ngumisi siya, "Sige na. Nang malagyan ko ang likod mo."

Tumango ako at hinubad nga ang t-shirt ko.

Sumulyap ako kay Troy. Malapit ng matapos ang paglalagay ng apat na intern. Dilat na ang mga mata niya. Diretso sa akin ang mga titig niya.

"Your bikini looks good on you." Hinaplos ni Jayden ang pisngi ko.

Bago ko pa siya naitulak ay nahalikan niya na ako. Napansin niya ang bahagyang pag tulak ko.

"I-I'm sorry, Jayden. Ang dami kasing tao." Sabi ko.

Tinignan ko ang paligid. Konti lang naman ang nakapansin saming dalawa.

"Sorry." Tumawa siya at nagpatuloy sa paglalagay ng sunblock.

Nilagyan niya ang likod ko. May kasama pang masahe ang paglalagay niya.

"Ako na ang maglalagay sa dibdib ko." Sabi ko.

Binigyan niya ako ng sunblock. Nilagay ko na agad sa dibdib ko. Nakakakiliti pa ang pag lagay niya sa likuran ko. Tumagilid ako ng konti.

Napalingon kami agad nang may narinig kaming mga nabasag na pinggan.

Natigil si Jayden sa paglalagay ng sunblock sakin. Natigilan din ako. Isang waiter ang nabangga ni Troy kaya tumilapon lahat ng drinks sa tray. Nabasag ang mga goblets at shot glass.

"I'm sorry, Sir... Ako na bahala dito." Sabi nung waiter.

Umirap si Troy at nagpatuloy sa pag wo-walk out.

OMG! Kinabahan agad ako.

"Anong problema ng spoiled brat na yun?" Sabi ni Jayden.

Hindi ako makasagot. Tulala ako hanggang sa natapos ni Jayden ang paglalagay ng sunblock.

"Ako naman ang lagyan mo." Aniya.

Nilagyan ko rin siya pero mabilisan na. Kailangan kong makausap si Troy!

"Uhm... Babalik lang ako, ah? Naiihi na talaga ako eh." Sabi ko.

Ngumisi at tumango si Jayden, "Hihintayin kita para sabay tayong maligo sa pool."

Tumango ako at umalis na para hanapin si Troy.

Nagpasya akong hanapin siya sa 30th floor. Pero bago pa ako nakapunta sa elevator, may humila na agad sakin papunta sa loob ng CR.

"Masarap ba yung ginawa ni Jayden sayo, Trisha?" Ikinulong niya ako sa mga braso niya.

"T-Troy! Anong ibig mong sabihin?"

Galit na galit siya... Frustrated na din.

Hinampas niya ang dingding ng CR. Tinulak ko naman siya.

"Ikaw nga itong sarap na sarap sa ginawa nila eh! Diba!? May papikit pikit ka pa! Ang landi-landi mo!" Sigaw ko sa kanya.

Dala na rin siguro ng inis ko sa nakita ko kanina.

"Kaya ba hinayaan mo rin si Jayden na haplosin yang katawan mo?! HA?! Ginawa ko yun kasi naiinis ako sayo! Ang dami mong pagkakataon, di mo ginagawang makipag break sa kanya! Trisha naman! Ang dami mong pagkakataon! Kanina? Sinabi mo na ba?" Sigaw niya.

"Kahit na, Troy! Naiinis ako sayo! Hindi makatuturan na pinagselos mo ako para lang diyan sa estupidong rason mo!" Sigaw ko. "Ang sama-sama mo talaga!"

"Alam ko... At alam mo ring masama ako, diba? Kaya kung hindi mo pa nasasabi, gagawin ko lahat ng pwede matulak ka lang... mapilit ka lang sa pagsasabi mo nun!"

"Ang sama-sama mo-"

Hindi ko na nasabi ang gusto kong sabihin. Hinalikan niya na agad ako. Idinikit niya pa ako lalo sa dingding ng CR.

Inangat niya na naman ako.

Iba ang halik niyang ito... para bang nang-aangkin. Parang naiinis... na fu-frustrate...

"Troy-" Ni hindi ko matapos ang sinasabi ko.

Tinulak ko siya pero nanghihina ako sa halik niya. Nakakapanghina. Nakakalasing...

"Troy..." Sabi ko. Hinang-hina na rin ang boses ko.

Hinalikan niya ang leeg ko. Napapikit na lang ako sa kiliti ng mga halik niya.

"Akin ka..." Pabalik-balik niyang bulong habang hinahalikan ako.

Mas lalong lumakas ang kabog ng puso ko.

"Trisha?" Narinig ko ang boses ni Jayden sa malayo.

Dinilat ko agad ang mga mata ko at buong lakas kong itinulak si Troy.

"Oh my God!" Sabi ko.

Hindi siya nagpaawat. Hinalikan niya parin ang leeg ko.

"I don't care, anymore..." Bulong niya.

Buong lakas ko siyang itinulak at tumakbo ako sa labas.

"Jayden!" Tinawag ko si Jayden habang tumatakbo palayo sa CR.

Napaparanoid na ako. Panay ang tingin ko sa CR. Hinihintay kong lumabas si Troy. Mabuti na lang at di siya lumabas hanggang nakalayo na kami.

"Pwede bang mag usap tayo?" Tanong ko.

"Sure... Uhm.... Bakit parang namumutla ka?" Kumunot ang noo niya.

"Jayden, please, mag usap muna tayo. Tayong dalawa lang..." Sabi ko.

Kumunot ang noo niya, "Okay..."

THIS IS IT!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top