Kabanata 31

Kabanata 31

Bukas Mag-uusap Na Kami

Tinahan ako ni Jayden. Good vibes ang lahat ng tao sakin at kay Jayden kaya walang galit kahit di pa ako tumatayo sa front desk para mag trabaho. Nasa sofa parin ako ng lobby, isang oras na ang nakalipas sa sorpresa ni Jayden. Tulala ako pero humihikbi parin. Naubusan na yata ng luha.

"Are you happy?" Nakangiting tanong ni Jayden habang pinupunasan ang basa kong pisngi.

Humikab siya at tinignan ulit ako.

"I'm so happy na napaiyak kita sa saya." NIyakap niya ako at hinalikan ang noo.

Wala na talaga si Troy. Hindi ko alam kung saan siya nag punta. Gusto kong mag text sa kanya.

"Jayden..." Napalunok ako.

"Yes?"

"Diba sabi mo ilihim muna natin na tayong dalawa? Bakit pinaalam mo na?" Tanong ko.

"We'll go public, eventually, Trisha. Hindi naman talaga kailangang ilihim eh." Niyakap niya ulit ako.

Malalaki ang ngisi ng mga taga Le Marcelle habang tinitignan kaming dalawa.

Tumango ako kay Jayden.

"Sorry kagabi. Di ko sinabing uuwi ako. Gusto ko talagang supresahin ka." Ngumiti siya at humikab ulit. "But right now, I really need to rest." Hinalikan niya ulit ang noo ko. "Pagod ako sa byahe at sa mga ginawa namin. Kailangan ko pang magpunta ng school mamayang gabi." Bumuntong hininga siya. "Will you be okay today?"

"Uhm... Oo naman."

"I can't be with you later. Sorry... Sobrang busy. Di bale, after this week, free na ulit ako. Ready ka na ba sa pool party niyo this Friday?" Tanong niya.

"Uhm... Oo. Maghihintay pa kaming mga interns sa Dean. Kung papayag ba siyang kasali kami since di naman talaga kami parte ng Le Marcelle."

"Kinausap ko na yung Dean niyo, pumayag naman siya. Lagi naman siyang pumapayag. Last year, pinayagan niya rin naman ang mga interns."

Tumango ako.

"Okay! Now!" Tumayo siya at humikab ulit.

Tumayo din ako.

"Stop crying... Masaya ka... Masaya tayo kaya dapat nakangiti." Humalakhak siya.

Pinilit kong ngumisi.

Hinalikan niya ako sa pisngi at nginitian ulit. Ngumiti din ako sa kanya. Pero ang sakit na... Gusto ko ng sabihin sa kanya ang nangyayari sa puso ko pero wala akong pagkakataon.

"Uuwi na muna ako. Magpapahinga. See you tomorrow, okay? Sige... Take care sa work mo. Ititext kita pag nakauwi na ako sa condo. Okay?"

Tumango ako at hinalikan niya ako sa labi.

Wala na akong naramdaman kundi sakit. Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Jayden, I want to talk to you..." Pabulong kong sinabi.

Dito pa lang, sumasakit na ang dibdib ko ng sobra-sobra.

"Aww.. I want to talk to you, too... Tomorrow? Namiss ko ng makipag kwentuhan sayo." Aniya.

"P-Pero busy tayo tomorrow sa pool party. Busy ka. Diba ikaw yung mag hahanda?" Tanong ko.

"Oo. Pero may time naman tayong mag usap. Hindi ganun ka busy... Kaya, tomorrow, okay?" Hinaplos niya ang pisngi ko.

"Okay." Napalunok ako.

Umalis din siya. Iba't-ibang tanong ang natanggap ko galing sa mga intern at ibang taga Le Marcelle.

"Ilang taong ka na nga ba?"

"Ilang buwan na kayo ni Sir Jayden?"

"Naipakilala mo na ba siya sa mga magulang mo?"

"Hindi ako makapaniwalang kayo talaga! Pero nakaramdam na ako nun. Araw-araw ka niyang hinahatid eh..."

Hindi ako mapakali. Sinubukan kong kalimutan ang nangyari... ang mukha ni Troy... ang mga mata niya... ang pagtalikod niya sakin pero di ko magawa.

Ako:

Troy, Nasan ka?

After 10 minutes pa siya nagreply. Buti na nga lang at nagreply eh.

Troy:

School.

Ako:

Sorry...

After 10 minutes ulit.

Troy:

You don't look like a heartbreaker... but you are.

DAMN SHEEEET! Naiiyak na naman ako. Nanginginig ang boses ko nang bumaling ako sa costumer. Nagawa ko pang ngumisi at dahan dahanin ang pagsagot sa mga tanong niya. Nilunok ko na lang ang luha na alam kong lalabas na anytime.

"Uy... Sino yung katext mo? Si Sir Jayden ba?" Tanong ni Sunny.

"Uhmm..."

"Nakuuu!" Ngumisi siya. "Ibang klase talaga kayo ah? HAAAY! Ang swerte mo. Ang mature-mature ni Sir Jayden. Ang gwapo pa. Malakas ang dating, tsaka sweet... wala ka ng hahanaping iba pag siya ang boyfriend mo! Kakainggit ka!" Aniya.

Nabunutan ako ng tinik sa sinabi niya. Ganun ang unang naging reaksyon ko kay Jayden noon. Mature, gwapo, malakas ang dating, sweet, gentleman, perfect!

"Gusto mo rin pala ng mga mature, Sunny?" Tanong ko.

"Syempre! Sinong may ayaw sa mga mature? Mas masaya yun. Hindi ka masasaktan. Tsaka... magaling na sa kama!" Humagalpak siya sa tawa.

Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. "K-Kung ganun gusto mo rin pala si Jayden? A-akala ko ba si Troy ang gusto mo?" Tanong ko.

"Uy! Don't get me wrong ah? Gusto ko si Sir Jayden as a person kasi nga Mr. Perfect siya. Si Troy naman... ewan ko... May something sa kanya. Kung papipiliin ko sa kanila ni Sir Jayden? Mahihirapan ako. Kung seryoso si Troy, siya ang pipiliin ko. Pero kung one night stand lang? No way... So pipiliin ko si Sir Jayden." Natulala na siya habang sinasabi ito sakin. Sumimangot siya at tumingin sakin, "Ba't mo ba sila kinukumpara?"

"Wala lang.. Ka-Kasi akala ko si Troy yung gusto mo."

"Si Troy naman talaga! Ewan!" Tumawa na lang siya at bumaling ulit sa isa pang costumer.

Hindi ako kinuha ni Troy pagkatapos ng duty ko. Galit talaga yata siya. Pero mas mabuti na rin yun dahil kinakabahan ako lalo pag kasama ko siya ng palihim. Gusto ko rin ng time para makapag isip-isip. Kasi pag nandyan siya, nagugulo pa lalo ang isipan ko.

Nakarating ako sa bahay dala-dala yung mga binigay ni Jayden kanina sa surprise.

*KRRIIIING*

Tumawag agad si Jayden pagkauwi ko.

"Hello?"

"Hello..." Bati ko.

"Are you home?" Tanong niya.

"Yep... Salamat sa cake, balloons, at flowers."

"You deserve them, Trisha. You deserve my heart."

Pumikit ako at suminghap. Gusto ko na talaga siyang makausap tungkol dito sa nararamdaman ko. Just one day, Trisha. One. More. Day.

"Thank you..." Untag ko.

"I'm pretty exhausted right now..." Aniya.

"Nasa school ka pa ba?"

"Oo. Marami pa kasi akong trabahong nakaligtaan. May klase pa. Buti na lang at malayu-layo pa ang finals."

"Baka nakakaistorbo ako sayo?"

"Actually, I need your voice to rest..." Humalakhak siya.

You are so sweet, Jayden. Kung sana di ko nakikita sa likod ng utak ko ang mga mata ni Troy, nagsuka na sana ako ng rainbow ngayon... Kung sana di ko mahal si Troy, baka nasuklian ko na rin ang pagmamahal mo sakin.

Unti-unti ko ng kinwestyon kung mahal ko ba talaga si Jayden... Minahal ko ba siya? Binalikan ko ang mga oras na inamin ko kay Troy na mahal ko si Jayden. Umiyak ako noon dahil nasaktan ako. Minahal ko nga siya... Dahil nasaktan niya ako. That love was shortlived. O baka naman infatuation lang yung naramdaman ko para sa kanya? Paano naman kung si Troy naman ang infatuated sakin? Paano kung may iba siyang mahalin tulad nang nangyari sakin kay Jayden?

Di bale na. Kung infatuated man si Troy sakin, ako, mahal ko siya. Mas mabuti nang sundin ang puso kesa magkunwaring mahal mo ang isang taong tulad ni Jayden.

"What are you doing?" Tanong niya pagkatapos ng katahimikan.

"Humihiga lang sa kama." Sabi ko.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya.

"Oo. Kanina. Ikaw?"

"Hindi pa..."

"Kumain ka na... Dami mo pang gagawin. Mapupuyat ka lalo pag di ka kumain."

"Ye-Yeah. I think you're right. Ibababa ko muna 'to? Ginugutom na rin ako eh." He chuckled.

"O sige. Kumain ka ng marami. See you tomorrow."

"I love you, Trisha."

Ilang sandali pa bago ako nagsalita.

"Love you, Jayden." I really do. Kaya nag iingat akong wa'g kang saktan.

I love you, Jayden. But I'm sorry, I fell in love with Troy. Hard. Deep-rooted. Kung mahal man kita, Jayden, as a friend na lang. Wala na akong ibang nararamdaman para sayo kundi ito.

Umiyak ako sa realization kong iyon.

*KRIIIIING*

Tinakpan ko ang bibig ko para sagutin ulit ang tawag ni Jayden.

"Hello, Jayden..." kinagat ko ang labi ko para pigilan ang pag hikbi.

Hindi siya nagsalita. Narinig ko na lang ang unsteady breath niya.

"Masakit pala pag busy ang linya mo, Trisha."

Nanlaki ang mga mata ko, "Oh my God! Troy?"

Napatingin ako sa screen ng cellphone ko at nakitang si Troy nga.

"Pero mas masakit na tawagin mo ako sa pangalan niya. Damn! Bakit ganun?" Bulong niya sa sarili niya.

Wagas na tumulo ang mga luha ko.

"I-I'm sorry. Kakatawag lang kasi ni Jayden."

"You didn't choose me..."

"Troy, hindi ko magawa sa harap ng maraming tao."

"Promise me, you'll choose me..."

Napalunok ako, "Troy... Mahirap... Pero..." Mahal kita. I will choose you...

Hindi ko pwedeng sabihin sayo. Mas lalaki ang kasalanan ko. Natin.

"You have to choose me, Trisha. Mahal mo ako. At nasasaktan mo na ako."

"Troy, please wait..."

"I am waiting. Pero di madali... Madali lang sayong saktan ako, pero hindi ko magawang saktan ka. It's frustrating. Hindi ko kayang saktan ka dahil nasasaktan ako pag nasasaktan ka. Alam mo yun? Nasa kamay mo lahat ng desisyon... Your choice! At ito lang ang hinihingi ko sayo... Na piliin mo ako."

Umiyak ako. I feel so damn stupid! Isang oras akong umiyak pero di niya binaba. Pinakinggan niya lang ang paghikbi ko.

"I'm sorry, I made you cry." Aniya.

Mas lalo akong umiyak. Nagpanic siya. Dinig na dinig ko sa boses niya ang frustration, desperation at panic.

"I'm sorry, Trisha. Will you still choose me? Kahit napaiyak kita?"

SHEEET! SHEET SHEEEEEEEEEEEEET! BULLSHEEEEEEEEEET! Sorry! Sobrang frustrated na rin ako sa sitwasyon na wala akong magawa kundi mag mura sa isipan ko. Gusto kong maghahagis ng mga plato. Gusto kong sampalin ako ng maraming tao hanggang sa maging sobrang manhid na ako.

"Trisha?" Dinig ko parin sa boses niya ang desperation.

"Troy, see you tomorrow."

Sinisipon na ako sa kakaiyak.

"Will you still choose me?" Untag niya ulit.

"Troy, yes... Yes... I will."

"Good. I don't have a life without you..." Narinig ko ang pag singhap niya.

"Matulog ka na... Hindi ka nakatulog ng maayos kagabi."

"Okay.. Good night, Trisha. I'm completely damn smitten with you. I don't care if I sound like a total asshole or a pussy, but this is how I feel. This pain is excruciating and agonizing. Pero di ko alam kung bakit nandito parin ako... naghahabol sayo... Please, don't leave... Kahit na masama akong tao... kahit na ganito ako... kahit na playboy ako noon... please, don't ever leave. I can't believe I'll be the one to beg you to stay kahit na ilang beses mo na akong sinaktan at kahit na ayaw ko ng ganito... kahit na hindi ako naniniwalang magkakaganito ako. Kung ibabalik ang panahon nung binlackmail mo ako, hindi ako sigurado kung tatakbuhan ba kita o yayakapin kita. Hindi ako sigurado dahil mahal kita pero nasasaktan mo ako ng sobra-sobra. Hindi ko inisip na may makakasakit pala sakin ng ganito. Kung alam ko lang ito noon pa, iniwasan na kita. Pero huli na ang lahat... bago ko pa naiwasan, natamaan na ako. I'm so in love with you. Kung may bagay man sa buhay na worth it kung paghirapan ko, ikaw na yun, mahirapan man ako, masaktan man ako, okay lang... makuha lang kita ng buong-buo."

Natahimik siya. Habag na habag na ako. Nawalan na ako ng lakas sa sinabi niya. Hindi talaga ako makapaniwala. Magkagalit kami noon pero ngayon ay ganito na ang nararamdaman niya para sakin.

"Damn! I can't believe I said that." He chuckled. Pero, unti-unting napawi ang halakhak niya.

Kanina pa ako umiiyak. Hindi ko na nga mahabol ang hininga ko dahil sa sinabi niya.

There's no easy way to break somebody's heart. Kaninong puso ang pipiliin ko? Walang duda, kay Troy. Kung pinaglalaruan niya man ako, hindi bale na, ang importante ay nagpakatotoo ako. Bukas... Bukas... mag uusap na kami ni Jayden.

Do not delay... Please... My heart is breaking for Jayden. My heart is also breaking for Troy!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top