Kabanata 30
Kabanata 30
Tinalikuran Ako
Nakatulog kami ni Troy nang ganoon ang posisyon. Sarap ng tulog ko. Ngitng-ngiti ako habang nananaginip ng panaginip na nakalimutan ko.
"Dad, why are you here?"
Naalimpungatan ako sa boses ni Troy. Unti-unti kong minulat ang mga mata ko. Blurry pa ang paningin ko pero nakikita ko na ang isang lalaking naka suit ng itim at nakapamaywang sa harapan ko.
"We can't miss the anniversary, son." Pabulong na sinabi ng lalaki.
Son? Dad? Nilakihan ko ang dilat ng aking mga mata.
Napatalon ako paupo nang nakita ko kung sino ang nakapamaywang sa harapan ko. Daddy ni Troy!
"Mr. Salazar!" Sabi ko at inayos ang sarili ko.
Baka may muta pa ako o may laway. Damn Shet! Inayos ko ang mukha ko at buhok ko.
Narinig kong suminghap si Troy.
"You woke her, dad." Umiling siya at suminghap ulit.
Napansin niyang inaayos ko ang buhok ko kaya nilagay niya sa tainga ko ang buhok na nakatakip sa mukha ko. Uminit ang pisngi ko lalo na nang nasulyapan ko ang daddy ni Troy na nakatingin saming dalawa.
He cleared his throat, "I'm surprised you didn't sleep in your room." Ani Mr. Salazar.
"This is Trisha, dad." Pormal na sinabi ni Troy.
Hindi ko alam kung maglalahad ba ako ng kamay o tatayo o ngingisi na lang o ano? Pero ngumisi na lang siya sakin.
"Buti umuwi yung mommy mo... Magpapakain yun pag naabutan kayong natutulog na ganun LANG ang posisyon." Umiling ang seryoso niyang daddy.
"Sorry po." Sabi ko.
Tumawa ang daddy niya sakin at umiling ulit.
Anong nakakatawa sa sinabi ko? Tinignan ko si Troy pero nagkibit balikat na lang siya at humikap. Tamad siyang tumayo para kunin ang uniprome kong nasa table na pala. Nandoon na rin pati ang breakfast namin.
"Dad, sige na, umuwi ka na... Ako na bahala sa Le Marcelle. Magpahinga na lang muna kayo ni mommy sa bahay." Tamad na sinabi ni Troy.
Tinignan ako pabalik-balik ng daddy ni Troy. Nalaglag pa ang panga niya.
"Never heard you say that before..."
Natigilan si Troy at tumaas ang kilay niya. "What?"
"'Ikaw na ang bahala sa Le Marcelle'? I never heard that before." Ngumisi ang daddy niya.
Tinignan ako ng daddy ni Troy. Tinignan ko naman si Troy pero hindi siya makatingin sakin. Hinuli ko ang tingin niya pero nakita kong namula ang pisngi niya at tumalikod ulit para tignan (o magkunwaring tinitignan) ang uniporme ko.
Tapos bigla siyang humarap ulit sa daddy niya nang nakanga-nga at nanlalaki ang mga mata.
"Dad! Kelan ka lang umuwi?" Mabilis niyang tanong.
Tumingin ang daddy niya sa relo niya.
Napatingin din ako sa relo ko. 7:00AM na pala. Isang oras na lang at duty ko na. Buti nandito lang ako sa Le Marcelle. Maliligo lang ako, mag b-breakfast at magbibihis. Di ko na kailangang mag isip ng traffic.
"Kaninang 6:00AM. Bakit?"
"S-Sinong kasama niyo ni mom pabalik dito?" Tanong niya.
Kumunot pa lalo ang noo ng daddy niya. Inayos niya ang eyeglasses niya habang tinitignang mabuti si Troy.
"Mga managers at ang board."
"WHAT?" Nabigla ako sa sigaw ni Troy.
Agad siyang tumingin sakin nang nakaawang ang bibig. Nagkasalubong na lang ang kilay ko sa kanya.
"Anyway, son. Pahinga na ako... Uuwi na muna ako. Ikaw na ang bahala dito? I expect you're finally responsible now." Tumawa siya at tinapik ang balikat ni Troy.
"Sure, dad... Sige! Ingat ka..." Aniya pero di parin natatanggal ang bigla sa mukha niya.
Hinintay niyang umalis ang daddy niya bago siya nagsalita.
"Get ready! Jayden is here..." Hinagis niya sakin ang uniporme ko at ginulo niya ang buhok niya.
Pumunta agad siya sa kwarto at kinuha ang cellphone... May mga tinawagan siya... Hindi ako makapag isip. Tinignan ko na lang siya. SHOCK! Yun lang ang tanging tumama sakin sa oras na ito.
Unti-unting lumakas ang pintig ng puso ko sa kaba.
"Sh1t! Fvck!" Mura niya sa kausap niya sa cellphone.
Marami pa siyang tinawagan at puro malulutong na mura ang naririnig ko sa kanya.
"WHAT ARE YOU WAITING FOR?"
Natauhan ako sa sigaw niya. Agad akong tumakbo papuntang bathroom para maligo.
Naligo ako ng 10 minutes dahil sa sobrang kaba ko. Halos di na ako makahinga. Tulala ako nang lumabas ako. Pero alam kong kailangan kong magmadali. Bahala na kung basa pa ang buhok ko. Hindi pa ako nakapag ayos ng maayos.
Nang nagpunta na ako sa sala, tinamaan na ako ng adrenaline rush. Aalis na sana ako pero hinila ako ni Troy.
"Kumain ka muna." Malamig niyang sinabi sakin.
"A-Akala ko sa Sabado pa ang uwi niya?"
"Akala ko rin. Damn!" Pumikit siya. "Kumain ka muna."
"H-Hindi na, Troy-"
"Namumutla ka... Kumain ka muna."
"Hindi na talaga. Baka mahuli tayo ni Jayden!" Sabi ko.
Napalunok siya. "I need to make sure you're okay-"
"I'm okay, Troy!" Sumakit ang dibdib ko.
"Just eat the damn food, Trisha!" Sigaw niya.
Pareho kaming natataranta na.
"Troy, yung hot chocolate na lang please? Hindi ko kayang kumain! Kinakabahan na ako!" Sabi ko.
Sinapak niya ang mesa at umupo. "Okay!"
Nakatayo akong ininom ng isang lagok ang hot chocolate. Hindi na iyon masyadong mainit kaya nakaya kong inumin ng isang inuman lang.
"M-May toothbrush ka ba?" Tanong ko.
Tinitigan niya ako. Nanliit ang mga mata niya.
"Use mine."
"Wala bang-"
"Come on, Trisha! Its not like you haven't kissed me! Use it..."
Napalunok ako. Wala akong magagawa sa ngayon. Pwedeng gamitin ko na lang ang daliri ko para mag toothbrush sa ngipin or gamitin ko yung kay Troy. Pero sa huli, ginamit ko na rin yung sa kanya. First time kong makagamit ng toothbrush ng iba.
"Alis na ako, Troy." Nakahalukipkip siyang naghihintay sa pintuan.
"Ihatid na kita-"
"Troy, mahuhuli tayo!"
Bumuntong hininga siya, "Kung ganun, dumaan ka sa stairs."
Shet! Stairs? 30th floor ito bakit sa stairs?
"Bakit?"
Hindi ko alam kung bakit malungkot ang mga mata niya. Pero gaya ng sinabi ko noon pa, si Troy ang isa sa mga taong kahit malungkot tumitingkad parin ang kagwapuhan. Minsan nga naisip kong baka yung brown eyes niya ay talagang mas kumikinang tuwing malungkot siya. Para bang ibinigay talaga ito ng tadhana sa kanya dahil mas lalo siyang gumugwapo tuwing malungkot siya.
"Use the elevator, hanggang 2nd floor. Bumaba ka sa stairs at dumaan sa likuran ng Le Marcelle. You have to trick him, right? Kailangan mong dumaan sa usual na dinadaanan mo para di siya magduda."
Napalunok ako at mas lalong kinabahan, "Bakit? Nandito talaga siya? Ngayon? Hindi siya... u-umuwi?"
"Hindi. Nandito siya. Nasa lobby." Ngumuso siya para bang may malalim pang inisip. "I'm helping you right now, Trisha. Dahil ayaw kong mahirapan ka sa inyo ni Jayden."
Naglakad siya palapit sakin. Napaatras ako kaya tumigil siya at tumagilid ang ulo niya.
"Why?"
He took another step forward. Pinigilan ko ang sarili kong umatras. Ayokong saktan siya. Mahal ko siya pero di ito ang panahon para maging intimate sa kanya.
"Let me kiss you..." Hinalikan niya ako.
Mahina... Malungkot... Sa halik niyang yun, naramdaman kong binuhos niya ang lahat. Para bang wala siyang pinalagpas. Napalitan ang kaba sa puso ko ng pintig at kabog na para sa kanya.
Malungkot siya nang bumitaw sa halik.
"Just remember to choose me... The earlier, the better. Kung mahal mo ako, mahal mo ako. Walang pag aalinlangan."
Tumango ako. Naninikip ang dibdib ko. Masyado akong maraming iniisip. Si Jayden na naghihintay sa 1st floor, si Troy na malungkot, ang sitwasyon, ang plano, ang lahat, pati puso ko.
Pumikit ako. Baka sakaling malimutan ko lahat ng alalahanin ko... Pero hindi... I'm in between this thing.
"Go..." Sabi ni Troy.
Siya ang nagpabalik sakin sa sarili ko. Yung malungkot niyang boses. Yung malungkot niyang mata na bumungad sakin pagdilat ko. Bakit kailangang malungkot siya? Hindi ba pwedeng playful na lang siya palagi?
Tumango ulit ako.
"I'll let you go... But you have to choose me..."
Tumango ulit ako. Hindi ko masabi... Tinalikuran ko na lang siya at tumakbo palabas ng suite niya.
Ginawa ko yung sinabi niya. Mabilis kong tinahak yung mga daanan. Elevator hanggang 2nd floor. Stairs. Back door.
Hiningal ako sa ginawa ko. May nakakitang intern sakin. Nakangisi siya habang tinatawag ang pangalan ko pero nagmadali akong umalis. Tatlong minuto akong tumigil muna para pakalmahin ang sarili ko. Kinalma ko ang hininga ko at naghuhuramentadong puso.
Dumaan ako sa dating daanan ko. Parang walang nangyari. Stay Calm, Trisha!
I crossed my fingers...
Nakangising bumati ang guard sakin. Binati ko rin siya ng nakangisi.
"Good morning, Miss Trisha!"
Kumunot ang noo ko nang may bumating foreigner sakin. Ngumisi na lang ako.
"DAMN SHEEET!"
Halos bumalik ako sa paglalakad ko sa nakita ko.
May dalang pulang hearts balloon ang lahat ng interns. Si Sunny ay kumakaway sakin at kinikilig sa nangyayari.
Nalaglag ang panga ko. Tinakpan ko na lang ng palad ko dahil di talaga matanggal ang pagkabigla ko.
May cake na dala si Eliz. Ilan sa mga tao doon ay may dalang banner na may nakalagay na, 'Surprise! I love you, Trisha! I'm home when I'm with you.'"
Napaluha ako. Hindi sa saya kundi sa sakit. Sakit dahil nakangisi ang mga taong bumati sakin... at higit sa lahat... nakangisi si Jayden sa gitna... may dalang bouquet. His arms were wide. Para bang inasahan niyang tatakbo ako patungo sa kanya.
Hindi... Naglakad lang ako with my stunned face. May nag vi-video pa sa nangyayari.
"Hindi na ako makapaghintay sa monthsary natin, Trisha. Kaya hinanda ko ito ngayon..." Sabi ni Jayden nang nakalapit na ako.
Tumili ang mga tao at nagtawanan. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Napaluha na ako ng todo-todo.
Hinagkan naman ako ni Jayden.
"Tears of Joy!" Sigaw ni Jane sa malayo.
Tumili ulit sila.
"Ikaw ha! Hindi mo sinasabing kayo na pala ni Manager!" Sabi nung isang intern.
Niyakap pa ako lalo ni Jayden.
"Do you like it, Trisha?" Tanong niya.
Wala akong masabi. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi. You don't deserve me, Jayden! KUNG ALAM MO LANG! Napapikit ako sa pag iyak.
"Of course! Who wouldn't, Sir Jayden! Naiiyak na nga siya sa saya!" Tumawa sila.
Nagpalakpakan pa ang ibang costumers. Nakita ko si Troy na biglang sumulpot malapit sa reception hall. Sumandal siya sa dingding at humalukipkip. Malungkot parin ang mga mata niya. He knew this would happen. And he wants me to choose him...
Pero ang wais na parte ng sarili ko ang nagsabing hindi... Hindi dahil masasaktan ko si Jayden. Oo, masasaktan ko rin naman siya pero hindi sa ganitong paraan. Gusto ko kaming dalawa lang. Kung masaktan ko man siya, hindi yung sa harap ng mga tao. I can't do that to him. He's so good to me... I can't just break his heart in front of this people. May konsiderasyon naman ako. Kahit na alam kong malaki na ang pagkakasala ko, naiisip ko parin siya... ang reaksyon niya. I care for him. I cared. And I still care. Iba na nga lang ang tibok ng puso ko.
I can't do this to him. Not now... Maybe some time na kami lang... just not now...
"I love you, Trisha."
Pinunasan ko ang luha ko. Ang sakit sakit. I hate myself for this but I know its the right thing. Mamaya... o kung may pagkakataong kami lang dalawa, sasabihin ko talaga sa kanya. Just not now. Troy, I'm sorry.
Damn! Damn! Damn!
I want to kill myself!
Sana hindi na lang ako pumasok sa gulong ito.
"Love you, too." Sabi ko nang nakatingin kay Troy.
Umulan ng palakpakan at tili sa kanila.
Inabangan ko talaga ang reaksyon ni Troy. Mas lalo akong naiyak nang nakita ko ang paghugot niya ng malalim na hininga at pag iwas ng tingin sakin. Umiling siya at tinalikuran kami... tinalikuran ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top