Kabanata 3
Kabanata 3
Sino Ang Pipiliin
Excited akong pumasok sa Le Marcelle sa sumunod na araw. Nakatali ang buhok ko at naglagay ng light make up para mahighlight yung mga features ko. Nakasoot ako ng uniform ng Le Marcelle. Linagyan lang ng scarf para makitang intern ako. Iilan lang kaming interns ng Le Marcelle, hula ko di lalagpas ng sampu.
Na-assign ako sa top floor, left wing. Pagkatapos kong mag ayos at mag iwan sa locker ng mga gamit, narealize ko talaga kung gaano ka high end ang hotel na ito. Tingin ko, ito ang pinaka engrandeng hotel sa buong Pilipinas. Lahat ng tao sa hotel na ito ay profesional. Gagawin ko ang lahat para di ako pagalitan ng floor supervisor... at syempre lalo na ng manager.
Disappointed ako nang di ko man lang nakasalubong si Sir Jayden sa buong paglalakbay ko patungong 30th floor.
"Hi! Intern ka ba?" Tanong ng isang babaeng may nameplate na Jane.
"Oo." Sulyap ko sa scarf.
Tumango siya at ngumiti. Nagtatrabaho din siya dito at propesyunal siyang makitungo.
"Buti pa, ikaw ang mag check sa end rooms, yung malapit sa rooftop kasi ayaw ko dun."
Tumango ako, "Ba't naman?"
Ngumuso siya at pumula ang pisngi. Hindi siya makatingin sakin.
Narealize ko na baka mali yung ginawa ko. Kahit anong utos dapat ng mga regulars dito, dapat u-oo ka lang. Nakakacurious kasi sa ekspresyon ng mukha niya kaya nagawa kong magtanong.
"Ah. Sorry. Sige, ma'am, punta na ako." Sabi ko at tumango naman siya.
Nakakacurious naman yung pagpula ng pisngi niya. Hindi kaya may multo sa mga rooms na yun? Tinulak ko yung cart na nagdadala ng mga panlinis at iba pa sa mga suites dito.
Unang room, walang tao. Sumunod na room, magulo. Habang naglilinis ako dun... may naririnig akong dumadaing... hindi... umuungol sa terrace ng kwarto.
Ini-slide ko ang pintuan at nakita ang breathtaking view ng mga iba't-ibang skyscrapers ng syudad. Pero higit sa lahat, dinig na dinig ko ang ungol na nanggagaling sa kabilang terrace.
What the? This isn't a distress call!
Sinarado ko agad. Ok. Balik sa trabaho, Trish. Confidential yun kaya wa'g nang i-disclose.
Pagkatapos kong maglinis sa room na yun, nakalimutan ko lahat ng narinig ko sa sobrang pagod. One last suite bago ako mag break.
Kumatok ako at pinindot ang speaker. Protocols.
"Excuse me, Housekeeping!" Sabi ko at naghintay ng sagot.
Walang tao? Papasok ako?
"Yes, please. What's your name?" Tanong ng nasa loob.
"Trisha, Sir. I'm sorry. I can come back later." Kinagat ko ang labi ko.
"No, actually. I want you to clean now. My suite is pretty messy."
Ok. Standard protocol na hindi dapat pumasok pag may tao na pero since gusto ng guest... hindi. Talagang hindi pwede. Hindi ko pa nasusubukan na magkaroon ng ganitong guest na okay lang mag housekeeping kung nasa loob pa siya. Hmmm?
Binuksan niya ang pintuan. Sumalubong sakin ang mala demonyong ngisi ni Mr. Araw-Araw May Dalaw. Messy ang buhok niya. At sorry kung sasabihin kong mapupuri ko talaga siya kung ganyan lagi ang mukhang ipapakita niya.
Humugot ako ng malalim na hininga nang nakita kong naka boxers siya. I think... I think... lunok... nagbababad siya sa gym.
"Clean it, Trisha!" Mas lalo niyang binuksan ang pintuan. "And close your mouth." Sabay tulak niya sa baba ko para maisarado ko ang kanina pang nakangangang bibig.
Umiling siya at humalakhak habang lalong ginugulo ang buhok. Imbis na pasadahan ko siya ng tingin ay napatingin ako sa sala ng suite niya. Rated SPG, Trish. Alam nating lahat na mejo may pagka manyak ako pero never been touched ang beauty ko no!
"What? May sextape ka sakin diba? Kita mo na lahat sakin. Ba't ka nahihiya pa riyang tignan ako?"
Actually, ewan ko sayo Troy. Sobrang confident ng kurimaw na tingin ko ay kaya niyang maglakad sa kahabaan ng EDSA ng naka hubo't-hubad lang. Sabagay, kung smoking hot ka, ba't ka nga ba mahihiya?
"Ah! Danica!" Aniya sa babaeng nanggaling sa kwarto sa kabila.
Nakatapis lang ito ng tuwalya. Tumingin ang babae sakin at pabalik kay Troy.
Narinig kong humalakhak si Troy nang lumapit na ang babae sa kanya. Tingin ko ay half-foreigner si Danica.
"It's not Danica, Troy. I'm Lian!" Narinig ko ang pagsimangot ni Lian.
Pagkatapos nun ay iba na ang narinig ko. Ang 'friction' ng mga labi habang naghahalikan.
This guy... is such a horndog. Hindi ako makagalaw sa ginagawa nila. Seriously, girl? One night stand? Alam ko namang marami na talagang nagpapaloko sa Troy na yan pero ngayon lang talaga ako nagkaroon ng Live Version!
"O, ano, Trish? Ba't di ka makatingin?" Tanong niya.
Sumulyap ako at nakitang hinahalikan siya ni Lian sa leeg. Nakangisi siyang nakatingin sakin habang ginagawa iyon ni Lian. Napatingin agad ako sa labas at nagsimulang maglakad papuntang pintuan. Umiinit ang pisngi ko.
"Oh, saan ka pupunta?" Aniya.
Sumulyap ulit ako at nakitang itinigil niya si Lian sa paghalik para harapin ako. Nakapamaywang siya at ngumisi ulit.
"What's your problem? Ang pula ng pisngi mo."
"Troy..." Pero tumigil si Lian at tinignan ako. Masamang tingin. Para bang nabitin. Ako pa ang may kasalanan eh si Troy naman ang pumigil sa kanya.
"Wala!" Uminit ulit ang pisngi ko.
"Bakit? Diba nakita mo na akong naka hubad?"
Nakita kong nanlaki ang mata ni Lian. NOT WHAT YOU'RE THINKING!
"Tsaka, nakita mo na akong nag mi-make out? Tsaka...-"
"Ooohhh na, whatever!" Pinigilan ko siyang tapusin ang punto niya dahil mukhang magkakaheart attack na si Lian sa sinabi ni Troy. "Iba siya Troy pag live na. Yung nakita ko, video lang-"
"Bakit? Nakapikit ka ba nung kinuhanan mo yun?" Tumaas ang kilay niya.
May point si Mr AAMD! Pero sa araw na 'to, mukhang wala siyang dalaw kasi ako yung iniinis niya.
"A-Ah! Syempre, nakapikit ako!" Sabi ko.
Tinalikuran ko sila at sinarado ang pinto. Hindi niya naman siguro ako isusumbong sa floor supervisor diba? Ito siguro ang ayaw ni Jane? Ang makita o marinig ang mga sigaw sa suites ni Troy. Napabuntong-hininga ako...
"Ms. Roncesvalles?"
Naaninaw ko ang naka suit and tie na si Sir Jayden sa harapan ko. Lumakas ang pintig ng puso ko at unti-unti akong nanlamig. Kay. gwapo. niya. talaga!
"S-S-ir Jayden!" Nauutal na untag ko.
Ngumiti siya.
Uh, sir, pulutin ko lang yung panty ko ah? Nalaglag yata? JOKE! Oh my god! Sobrang gwapo niya! Yung clean cut na buhok, matangos na ilong, mejo singkit na mga mata at makisig na katawan.
"You okay? Ang pula ng pisngi mo ah?" Tumingin siya sa likuran ko at umiling. "Is it Troy?"
"Huh? Ah... hindi n-naman."
Suminghap siya, "I know what's going on. Lagi yan dito. Pinormahan ka ba niya? Nagtangka ba siyang... halikan ka or something?"
Ha? Come again? Ano yon? Halikan ka?
"Trisha?" Nakita kong nag alala ang mukha niya. "Hinalikan ka ba niya?" Lumapit siya sakin at pinasadahan ng tingin ang mukha ko.
Para bang naghahanap siya ng dumi.
Sumusuka na talaga ako ng rainbow sa sandaling ito. Isang dangkal na lang ang layo ng mukha naming dalawa at mukhang lumipad na ng bongga ang panty ko.
"So what if I did, Jayden?" Sagot ng pamilyar na boses sa likuran ko.
Sumimangot si Jayden at ibinaling ang atensyon kay Troy.
Stunned pa ako sa ginawa niyang paglapit sa mukha ko.
"Troy, she's an intern here. At... may kasama ka."
Napalingon ako kay Troy at Lian. Nakabihis na si Lian na parang ready to go.
May binulong si Troy kay Lian. Kumunot ang noo ni Lian, sinulyapan ako at umalis din.
"Now... wala na akong kasama. And you're right, she's an intern so kailangan niyang linisin ang suite ko." Nagkatitigan si Troy at Sir Jayden.
"Para saan? Para paglaruan siya tulad ng ginagawa mo sa halos lahat ng interns dito, Troy?"
Sumimangot si Troy. Nagbalik yung pagiging Mr. Araw Araw May Dalaw niya. "Why would I? Hindi siya attractive. Hindi ko siya type. I just want her to clean my room, that's it. Got a problem?"
"Troy! Anong klase kang lalaki? Bakit mo sinasabing hindi siya attractive! I'm concerned because she is attractive. Siya yata ang pinakamaganda ng interns dito kaya bakit mo yan sinasabi?"
Nag nosebleed na rin ako ng rainbow at tingin ko ay tatae na rin ng rainbow sa sobrang kilig ko. Talaga bang pinuri niya ako? Talaga bang sinabi niya na ako ang pinaka maganda?
Kita kong galit na galit si Troy habang tinitignan si Jayden, "So? Anong balak mo, Mr Manager? Pull her out from this floor? I'm the CEO here... gusto mo yatang ipaalala ko sayo yun?"
Umiling si Sir Jayden na para bang disappointed siya kay Troy, "Napaka immature mo parin talaga."
"No... I'm not. Let' see? Tanungin kaya natin si Trisha? Ano, Trish? Maglilinis ka ba dito o hindi?"
Dapat ako yung nabablackmail dito? Dapat ako yung nasusunod! Paano ko tatanggihan si Sir Jayden nang di ko siya na ooffend? Talaga bang pipiliin ko si Troy? Nakatingin silang dalawa sakin at...
"Troy, actually pagod ako kaya mamaya na lang akong maglinis."
Nanlaki ang mga mata ng badtrip na si Troy. Ngumiti naman si Sir Jayden sakin.
"Tsaka mag bihis ka na rin muna."
Mas lalong ngumiti si Sir Jayden sakin.
"Coffee, Ms. Roncesvalles?"
HAHA-HA-HA! AHHHH! Yebah! Coffee at ikaw, pwede? Namatay na yata sa inis si Troy kasi di niya na ako ginulo ulit habang paalis kami ni Sir Jayden.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top