Kabanata 29

Kabanata 29

Maliit na Sakripisyo

Tahimik kami hanggang dumating kami ng Le Marcelle.

"Troy, baka may makakita satin."

Suminghap siya at umiling.

May kinuha siya sa drawer niyang keys at binigay sakin.

"Mauna ka na doon. I'll take the foods and the things with me. Susunod ako."

Tumango ako at lumabas sa sasakyan niya. Naramdaman ko talagang tinitigan niya ako palabas at palayo ng sasakyan niya. Nakakaconscious tuloy. Wala naman ako masyadong kilala sa night shift kaya safe lang. 

Marami akong nakasabay sa elevator. Nagui-guilty ako. Hindi ko alam kung bakit di ako mapakali.

Dali-dali ko namang binuksan ang pintuan ng suite niya. Bumuntong hininga ako nang nakapasok ako. Damn! I think this is cheating! Alam kong isa akong dakilang sinungaling... noon pa... Pero hindi pa ako nakonsensya ng ganito.

Umupo ako sa sofa ni Troy at binuksan ang TV habang naghihintay sa kanya.

Biglang nag ring ang cellphone ko. Tumatawag si Jayden. Bumilis ang pintig ng puso ko. This time it's because I'm guilty.

"H-Hello!"

"Hi, Trisha!" Masaya ang tono ng boses niya.

It broke my heart.

"Hi!" Pinilit kong sumaya.

Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat pero hindi pwedeng ganito. Hindi pwedeng sa cellphone. Kailangan sa personal.

"Kumusta?" Tanong niya. "I'm sorry, wala akong time mag check sayo..." Suminghap siya. "I miss you so much. I miss your voice."

"I miss you, too. Kailan nga ba ang balik mo?" Tanong ko.

"Saturday pa... I'm sorry."

"It's okay." Sabi ko.

"I have a lot of things to do right now... Tumawag lang ako to check on you... Lagi akong tumatawag ng ganitong oras diba? Inaantok ka na ba?" Tanong niya.

"Uhm... Mejo..." Pumikit ako. "Hindi ka pa ba matutulog?"

"Nope. I have things to do..." Narinig ko ang ngiti niya. "Okay... Sige na, matulog ka na. I miss kissing you."

Pumikit pa ako lalo. OMG! "I miss you, too, Jayden."

Humalakhak siya, "Okay... Sige na.. Good night. Sleep tight, alright? I love you."

"Yep. Ikaw din. Good night! I can't wait to see you.." I hung up.

Oh my God! Tinakpan ko na lang ang bibig ko ng palad ko. I really can't do this... Natulala ako hanggang sa dumating si Troy dala-dala ang pagkain at mga damit na binili namin.

"You okay?" Tanong niya.

Umiling ako, "Troy... Hindi ko na kaya ito. I've been lying for us..."

Inilapag niya ang dala-dala niya sa table. Humalukipkip siya habang pinagmamasdan akong tulala.

"I feel so guilty." Sabi ko.

"Tell him." Naglakad siya palapit sakin.

Kinabahan agad ako. Dahil alam kong magkakasala ako lalo pag malapit siya. Temptations. Nananalaytay yata sa dugo niya yan. Umupo siya sa tabi ko.

"Sabihin mo sa kanya ang tungkol satin." Umupo siya sa tabi ko. "Ayoko rin naman sa arrangement natin, Trisha. Dahil kung ako si Jayden, hindi ko kayang ganito ang gawin mo sakin. At first, oo, wala akong pakealam. Pero ngayong naiisip ko na magiging tayo in the future, ayokong gawin mo 'to sakin."

Nilunok ko na naman ang mga luhang nagbabadya.

"Just for this, Trisha. Just once... Isang beses lang na pagkakamali... Para mangyari tayong dalawa. Yan lang ang hinihingi ko."

Niyakap niya ako.

"Don't worry, baby."

Kasabay ng pagsinghap ko ay ang pagdaloy ng luhang hindi ko na napigilan. Simula yata nang nakilala ko si Troy ay madalas na akong umiiyak. Hindi ko alam minsan kung bakit ako umiiyak. Minsan sa sobrang saya, minsan sa sobrang lungkot, minsan sa sobrang inis. Lahat ng extremes, sa kanya ko naranasan.

"Oo. S-Sasabihin ko sa kanya."

Humigpit ang yakap niya sakin. Tapos unti-unti itong lumuwang. Kinulong niya ang pisngi ko sa dalawang palad niya habang pinupunasan ang luha ko.

Hinila niya ako palapit sa kanya. Hinalikan niya ako. Mahina... Para bang gusto niyang sulitin ang pagkakataon ng halikan namin.

Kinabahan agad ako. Mahal na mahal ko na siya. Kinakabahan ako sa nararamdaman ko para sa kanya.

Lumapit pa siya lalo sakin. Tinungtong niya ang magkabilang legs ko sa hita niya. Hindi niya ako binibigyan ng pagkakataong umatras. Hindi niya maayos ang legs ko sa pagitan ng baywang niya dahil sa skirt ko kaya nilukot niya ito pataas sa upper thigh ko. Tumigil ako dahil hindi ako kumportable sa ginawa niya. Uminit ang pisngi ko. Sa sobrang init akala ko sasabog na ako.

Tinignan ko yung kamay niya habang dahan-dahang nilukot ang skirt ko pataas. Nang tinignan ko naman siya, nakaawang ang bibig niya. Para bang naghihintay pa ng halik.

Electricity na naman ang naramdaman kong tumakbo sa likuran ko. Hindi ko kayang nakaawang lang ang bibig niya. Kailangan kong halikan para mapawi ang naramdaman kong iyon.

Hinalikan ko siya. Ngumiti ako nang nakita kong nanlaki ang mga mata niya.

"The first time... you initiated." Kinagat niya ang labi niya at hinalikan ulit ako.

Ramdam ko ang kamay niya sa tiyan ko pagkatapos lukutin ang skirt. Ang isang kamay niya naman sa likuran ko gumagapang at tinutulak ako palapit pa lalo sa kanya.

Tinanggal niya ang butones ng soot ko. Unti-unti. Dahan-dahan. May rhythm. Parang pinag aralan. At talagang epektibo. Kasi habang ginagawa niya yun ay naramdaman ko na naman yung kuryenteng tinutukoy ko kanina.

"I love you..." Bulong niya sa tainga ko habang tinitignan ko ang kamay niyang tinatanggal ang blouse ko.

Pumikit ako at kinagat ang labi. I shouldn't say it back... Not yet...

Ngumisi siya nang hinawakan na ang bra ko. Uminit ang pisngi ko sa ginawa niya. Lalo na nung hinalikan niya na ang leeg ko.

"Troy..."

OMG! Mali talaga ito! Maling mali! Mas malayo pa ang narating ni Troy kesa sa kay Jayden! This is so wrong! So... So... Wrong!

"Trisha... I love you..."

Kuryente na naman yung naramdaman ko sa likod. Hindi lang yun basta kuryente kasi sinabayan talaga iyon ng kamay niyang gumagapang sa likod ko. Para bang alam niyang mararamdaman ko yun. Lintek na Troy! Ang daming alam! Ang daming experience!

"We can't do this..." Sabi niya habang hinahalikan ang leeg ko.

Pababa na siya. Ginulo ko ang buhok niya. Hindi na ako makarinig at makakita ng maayos dahil sa ginagawa niya.

"We can't..." Aniya pero pinagpatuloy niya ang paghalik sakin sa dibdib.

Naramdaman ko ring tinanggal niya ang bra ko.

"Troy... Tama na..." Sabi ko.

"I know... we can't do this..."

Umiling siya at huminga ng malalim bago ako pinakawalan.

Pareho kaming naghahabol ng hinihinga habang tinitignan ang isa't-isa. i can't believe it! Hindi ko kayang isipin na muntik na naming ginawa yun.  My gosh! Alam kong mukhang mas grabe yung nangyari sa kwarto dahil nakahiga kaming pareho pero mas kinabahan ako dito. Nakaupo naman kasi ako sa hita niya. Directly under his... ugh! My gosh! I'm not sure if I felt him... But! Damn! He's so hot!

Kinalas ko ang legs ko sa hita niya at inayos ang skirt.

"MOMOL." Umiling siya.

"Huh?"

"Make out make out lang ang ginagawa natin." Ngumisi siya.

Umirap ako at uminit ang pisngi habang inaayos ang lukot kong skirt.

"HAAAAAAAAAAAAAAAAY!" Nabigla ako sa halos pasigaw niyang pagbuntong hininga. "Come here..."

"Bakit?" Tanong ko.

"Ayusin ko yung bra mo. Natanggal ko."

UGH! Bakit ganito ang nararamdaman ko kahit normal lang yung sinabi niya?

Lumapit ako sa kanya ng nakatalikod. Ginapang ng kamay niya ang likuran ko para ayusin ang bra ko habang bino-butones ko naman ang harap ng blouse ko.

Habang hinagawa niya yun... Hinalikan niya na naman ang leeg ko.

"Troy, wa'g na... Sobra na ang temptations na ito."

Napapikit ako sa lumalalim niyang halik sa leeg ko.

"You're not my type... Pero nanginginig na ako tuwing hinahalikan kita." Bulong niya sa tainga ko.

DAMN SHET!

Niyakap niya ako galing sa likuran.

"Dalawa lang yan, Trisha... Excitement or Fear. Kung kinakabahan ka... dalawa lang ang dahilan. Ano ang dahilan ng sayo?" Tanong niya.

Napalunok ako sa mahigpit niyang yakap, "Hindi ko alam... Uhm... Both?"

"Both!" Naramdaman ko ang ngisi niya sa tainga ko. "Takot kang may mangyari... At excited ka coz you want more."

I wanna crawl inside a cave and never go out again. Nakakahiya yung sinabi niya. Humalakhak siya sa tainga ko. Nilingon ko siya.

Close up ang ngiti niya habang kinakagat ang labi. Magulo ang buhok niyang ginulo ko kanina. Perfect ang mukha niya... Matangos na ilong, brown eyes, perfect jaw lines.

"Dami mong alam!" Sabi ko.

Suminghap siya at tumawa, "Siguro kailangan ko rin malaman lahat ng nalalaman ko ngayon, para pag tayo na, hindi ka na ma bo-bore sakin. Hindi ka maghahanap ng iba."

Napalunok ako. "Baka naman ikaw ang maghanap ng iba. Wala naman akong alam."

"I'll never get bored of you. Wanna try? Sige... Makipagrelasyon ka sakin ng 100 years, tignan natin." Tumawa siya.

Binatukan ko na pero natawa na rin ako.

"I love your kisses, Trisha... They  turn me on, too much. They make me high. You make me so high. If you were a drug, I'd be so freaking high as fvck with you."

"I love your kisses, too." Napalunok ako sa mapangahas kong sinabi.

Natulala siya sakin at... "HAAAAAAAY!" Buntong-hininga niya ulit na malakas.

KInalas niya ang yakap niya sakin nang nakangisi at tumayo. Hinubad niya ang t-shirt niyang soot. Bumalandra agad yung perpektong katawan niya. Abs, biceps, triceps, V-freakin-line. Water please?

"Mag sho-shower lang ako. Magpalit ka ng damit. Ipapalaba ko yang uniform mo. Dito ka na matulog..." Kumunot ang noo niya. "Are you allowed?"

Tinignan ko ang wall clock niya at nakita kong 12:30 AM na pala.

"I think so..." Napalunok ulit ako at kinuha ang cellphone ko para itext si mommy.

"Good. Yung binili nating mga damit, yun na lang muna ang sootin mo. Aryt?"

Hinaplos niya ang pisngi ko.

"Okay... Galing mo rin ah? Na foresee mo na yata ito bago ko pa naisip?"

"Of course!" Tumawa siya. "Marami akong alam, diba?"

Umiling na lang ako habang tinitignan siya palayo sakin at papunta sa banyo.

"Stop staring! Baka hilain kita papasok dito nang tayong dalawa ang maligo!" Sigaw niya sakin at humagalpak sa tawa.

"TSE!" Uminit ang pisngi ko at tumayo para kunin ang mga binili namin.

Ginawa ko ang sinabi niya. Nagbihis ako sa damit na binili namin. Gusto ko sanang maligo kaya lang nahihiya ako. Bukas ng umaga na lang siguro. Mas lalo akong nahiya nang lumabas siyang nakatuwalya lang sa bangyo.

HELL YEAH! Tumutulo pa yung tubig sa muscles niya. Parang hinuhubog ng tubig ang muscles niya. Damn shet! Hindi ako makatingin. Troy WET LOOK!? Naintindihan ko na kung bakit nag hyperventilate yung intern nang makita si Troy na nakatuwalya lang. Nakakawala naman talaga sa ulirat ang pag mumukha at katawan niya.

"Troy, magbihis ka na." Sabi ko.

Tumatawag siya sa telepono ng hotel.

"Maya na... Ipapalaba ko lang itong damit mo." Aniya.

Ilang sandali ay may kumatok sa suite niya. Nagtago agad ako. Narinig ko na lang na humalakhak si Troy at tumili ang babaeng taga kuha ng damit na lalabhan.

"Paki una nito. Importante kasi... Sabihin mo sa laundry section." He chuckled sexily.

GRRR! Ganyan talaga eh no? Kinukuha niya talaga ang loob ng mga tao. Alam niya kung paano ang larong ito kaya nilalaro niya palagi. PLUS! Half naked pa siya!

"Sa girlfriend ko yan?"

"Uniform ito ng Intern ah?" Dinig ko ang babaeng nagsalita.

Kinabahan ako.

"Yep... My girlfriend is an intern. Ayusin mo yan... Gusto ko ihatid mo yan exactly 6:00am. I'll be expecting it, aryt?"

"Okay, po!"

"Good girl." Narinig ko na naman ang mapang-akit niyang tawa.

Sinarado niya ang pintuan at ngumisi sakin.

"Shameless flirt!" Sabi ko.

"Para naman sayo yun. Tsaka... sinabi kong girlfriend. For your information, wala pa akong babaeng inangkin as 'girlfriend'." Tumawa siya. "Pero naka ilang beses na ako sayo."

Tumaas ang kilay ko, "Napaka antipatiko mo! Yabang!"

Tumawa siya at hinuli ako ng yakap.

Pumiglas ako pero mas lalo niya akong niyakap.

"For tonight, sa sofa tayo matutulog." Aniya

"Huh? Bakit?" What's with his V-line? What's with that body? Grrr! Magbihis ka na nga!

"Gusto ko magkasama tayo. Pag nasa kama tayo, baka gapangin na kita dahil di na ako makapagpigil. Kaya dito na lang." Sabay turo niya sa sofa.

"As if you can't do it here..." Sinimangutan ko siya. "Muntik mo na ngang magawa kanina."

Tumawa ulit siya. "Hindi naman... Pinigilan ko naman diba. Sakit nga nun eh! Uhmm.." Humagalpak na naman siya sa tawa. "Uupi ako... Tapos dito ka sa lap ko hihiga para makatulog ka. Okay?"

"Huh? So nakaupo kang matutulog?"

Tumango siya, "Maliit na sakripisyo lang yan kumpara sa pakikihati ko kay Jayden... So, no sweat."

Tinignan ko siyang mabuti.

Ngumiti siya at naglakad papuntang kwarto niya para magbihis.

Bago pa siya tuluyang nakapasok ay...

"Troy, you don't have to do this."

Natigilan siya at nilingon ako, "I want to do this... Please, let me."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top