Kabanata 28

Kabanata 28

Sana Bumalik Na Siya

Sinabihan kong umuwi na lang si Manong. Tinext ko din kay mommy na baka matagalan ako sa pag uwi tonight dahil may lakad kami ng mga kaibigan ko.

Reply niya:

Saan kayo pupunta? Anong oras ka uuwi? Ihahatid ka ba o magpapakuha ka kay Manong?

Ako:

Ihahatid po. Sa mall... Tagal ko na kasi silang di nakikita.

It was not a lie. Kasi pupunta kami ni Troy sa mall ngayon. Hindi ko alam kung bakit...

Reply ni mommy:

Anong oras ka uuwi? Kung gagabihin ka na, mag sleepover ka na lang? Delikado na eh. Diba may duty ka pa bukas?

Ako:

Opo. Titignan ko... Sige po... Ingat kayo ni daddy. I love you.

"Sino yang ka text mo?" Sabi ni Troy habang nag dadrive siya.

Tinignan ko siya at binaba ang cellphone ko.

"Si mommy." Sabi ko.

Hinablot niya agad kaya sinapak ko ang kamay niya.

"Bakit may I love you?" Sabi niya at nilalakihan ang mata para makita ang tinext ko.

Kinuha ko agad. Hindi naman kasi mahirap kunin dahil busy siya sa pag d-drive. Ngumisi siya nang narealize na si mommy nga ang ka text ko. Inirapan ko na lang.

"Sorry..." Nakangiti parin siya.

Umiling na lang ako at tumingin sa labas.

"Bakit tayo pupunta ng mall? At bakit sa malayong mall pa? May malapit naman, ah?" Tanong ko.

"Gusto kong maranasang maka date ka..." Aniya.

Kumunot ang noo ko, "Huh?"

"Oo. Wala pa naman masyadong nakakaalam na kayo na ni Jayden, diba?" Sumulyap siya.

Tumango ako.

"Kung maglalakad tayo sa malayong mall, mas lalong walang nakakakilala sayo, mas safe... Hindi sila magsusumbong kay Jayden. I want to feel it, Trisha. Gusto kong malaman kung paano maglakad kasama ka in public... na tayong dalawa. Together. Like we love each other... Like you really love me... And you are really mine."

Nilunok ko ang mga luhang nagbabadya. Katahimikan na lang ang naibigay ko kay Troy. Oo... mali itong ginagawa namin... Pero damn shet! Hindi ko ito kayang ipagkait sa taong mahal ko. Hindi ko kaya. Ni hindi niya alam... o di ko pa naaamin kung gaano ko siya kamahal tapos ipagkakait ko pa sa kanya ito?

Halos isang oras din ang byahe patungong mall ng kabilang syudad. Pagkatapos naming mag park sa carpark ng mall, pumasok na kami sa loob.

Maraming tao. Tama si Troy, wala kaming kilala dito. Hindi namin kilala ang mga tao.

Naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko.

"Troy..." Sabi ko.

Nag evil smile siya, "Holding hands while walking..."

I squeezed his hand. Hindi ko talaga kayang ipagkait sa kanya ang kaya ko namang ibigay ng buong puso.

Suminghap ako, "Saan tayo?"

"Kumain muna tayo?" Aniya.

Bago kami nakapunta sa isang resto ay may biglang bumati sa kanya sa malayo.

"Troy Ezekiel!" Grupo ito ng mga babae at lalaking sosyal din.

Abot langit ang ngiti ni Troy habang hinihigpitan ang hawak sa kamay ko.

"Uy!" Nakipag high five siya sa tatlong lalaki doon.

Namataan kong nakatitig silang lahat sakin kahit nandyan si Troy sa harap nila.

"Girlfriend ko..." Dagdag niya sa mga tingin nilang nagtataka.

Nakita kong nalaglag ang panga ng mga babae.

"No... way!" Sabi nung isa. "Si Troy Salazar may Girlfriend?"

Tumawa na lang si Troy at niyakap ako sa harapan nila.

Uminit ang pisngi ko. Hindi na ako makatingin sa kanila. Manhid na ang mukha ko sa hiya.

"Anong pangalan?" Tanong ng isa.

Naglahad pa ng kamay ang isang naka evil smile ding lalaki.

"Dude, walang pormahan dito..." Seryosong sinabi ni Troy.

Umayos yung lalaki at napawi ang ngiti niya.

"She really is my girl!" Umirap si Troy.

"Aw... Sorry... Hindi ko naman kasi alam na seryoso ka..." Sabi nung isa.

Tensyonadong nanahimik ang mga nakasalubong namin. Kumuyom ang isang kamay ni Troy. Bumibilis na rin ang pag hinga niya.

"Troy, tayo na nga!" Sabi ko at hinila siya.

Walang pasubaling umalis kami ni Troy sa harapan nila. Kung bakit ba kasi sikat ang kurimaw na ito. Kahit sa kabilang syudad ay kilala... Hay naku!

"Ang pikon mo! Kasalanan mo rin naman at playboy ka!" Sabi ko habang hinihila siya palayo sa nakasalubong namin.

"Kainis! Tsss!" Nakatitig parin siya doon sa kanila.

"Tayo na nga! Kumain na tayo!" Hinila ko parin siya.

Puro na lang kami tawanan ni Troy habang kumakain. Nakakataba at init ng puso pag kasama siya.

Akala ko uuwi na kami pagkatapos kumain pero...

"Bumili tayo ng damit mo..." Aniya.

"HA?" Napanganga ako. "Bakit?"

"Gusto ko lang!" Tumawa siya.

"Bakit? Hindi ko naman kailangan-"

"Ganun ang ginagawa ng mga boyfriend diba? Binibilhan ang girlfriend? Hayaan mo na nga lang ako. Ikaw din naman ang makikinabang!" Tumawa siya.

Sinapak ko na, "May pera ako para bumili ng damit! Hindi mo naman kailangang bumili para sakin."

"Dami mo pang satsat... Bibigay ka rin naman! Sige na naman!" Nagpuppy eyes pa siya.

"Ewan ko sayo! Sige! Yung mura lang ah?!"

Binilhan niya ako ng kumpletong outfit. Mas natuwa pa siya kesa sakin. Gusto niyang mag sukat ako ng maraming damit. Niyaya ko rin siyang mag sukat ng para sa kanya. Hindi ko kinaya ang pinili niyang brand ng mga damit. Ayoko na nga siyang maging boyfriend eh... Isang buwan akong mamumulubi para sa isang damit niya lang. Ang mahal!

"Boyfriend mo ba yang si Mr. Salazar?" Tanong ng manager nung clothing line na iyon habang nagbibihis si Troy.

Uminit ang pisngi ko. Hindi ko alam kung anong isasagot ko... Pero let's stick to the correct answer, "Hindi..."

Tumango yung babae.

Laglag ang panga namin nang lumabas si Troy. Bawat damit na sinusukat niya ay nakakamangha. Bagay sa kanya lahat. Toned naman kasi ang muscles niya at gwapo pa kaya malamang bagay talaga. Napapalunok ako tuwing ngumingisi siya at kinakagat ang labi. Tuwang-tuwa yata sa reaksyong pinapakita ko.

Binili niya lahat ng sinabi kong gusto ko para sa kanya.

"Ano, Troy? Alis na tayo?" Tanong ko.

Sumakit din ang paa ko sa kakalakad eh.

"Paano yung underwear?" Nakangisi na naman siya.

Kinurot ko na lang ang ilong niya. So naughty! "Tumahimik ka na nga lang!" Umirap ako pero uminit ang pisngi.

"Sige na naman! Wa'g mo naman tong ipagkaila sakin..."

"Ikaw talaga! Dinadaan mo ako sa pag mamakaawa mo! Kainis! Ayoko! Sumusobra ka na!"

"Maliit naman yung sayo, kaya siguro, uhm, 32 or below?"

Sinapak ko na.

Humagalpak siya sa tawa.

Damn! Halos labasan na ng usok ang tenga, ilong at bibig ko sa hiya ko sa kanya.

"Kung totoong tayo na siguro, lalaki yan... Araw-araw eh-"

Tinakpan ko na ang bibig niya. "Ang manyak mo talaga! Kainis! Playboy! Kadiri! Ilang babae na ang naka ano mo? Di kaya may STD ka na?! Yuck!?"

Tumawa na lang siya... "Hay nako! You wanna know? Try me!" Kumindat na naman ang kurimaw.

Ugh! Natawa na lang ako sa kabaliwan niya.

Hindi siya nagpaawat sa pagbili ng underwear. Pink pa ang kulay ng binili niya at maraming lace.

"Marami na akong pink, Troy, bakit ito?"

Nalaglag ang panga niya. Hindi ko naman alam bakit. Unti-unti siyang ngumisi.

I know that smile.

"Talaga? Patingin?"

Binatukan ko na. Natatawa ako pero gusto kong magseryoso. Hindi ako makapaniwalang naapektuhan siya sa maliliit na bagay. Kung manyak talaga! Kainis!

Nagtake out din siya ng pagkain para samin.

"Troy, iuuwi mo na ba ako?" Tanong ko nang nagdrive na kami pabalik.

"Hindi... pa... Bakit?" Kinagat niya ang labi niya. Busy siya sa pagmamaneho sa liku-likong daanan.

Hindi ko maiwasan ang pagtitig sa kanya. Perpekto talaga ang mukha niya. Bakit kaya gumawa ang Diyos ng gwapo at mayaman na tulad niya? Masyadong unfair. Ang swerte niya... Swerte nga ba talaga siya? Nasasaktan siya ngayon...

Napalunok ako.

"Wala lang. Saan pa tayo?" Tanong ko at inabot ang buhok niyang astroboy ang tawag ko.

"Sa Le Marcelle? Kainin lang natin 'tong take out natin at tumambay ng konti."

"Hindi ka ba umuuwi sa inyo?" Tanong ko.

"Umuuwi. Bakit? Busy parents ko. Silang dalawa sa Lehmans. Si mommy lang ang tao sa bahay minsan pag wala si daddy. Pero madalas magkasama silang bumyahe kasi ayaw ni daddyng mahiwalay sa kanya eh." Ngumisi siya.

"Talaga?" Sweet.

"You wanna meet my parents?" Sumulyap siya ng nakangiti. 

Bahagyang magulo na ang buhok niya dahil sa panggugulo ko.

"H-Hindi no.. Ka-Kahiya kaya." Napalunok ako.

"Matutuwa si mommy sigurado. Wala pa akong naipakilalang babae sa kanila."

He really is a playboy. You mean sa lahat ng babaeng nakasama niya nung di ko pa siya nakilala, wala siya ni isang naipakilala sa parents niya? Oh well...

"Pahiram phone..." Hinablot ko agad ang cellphone niya sa drawer.

Akala ko mag aagawan kami pero binalewala niya ako. Pagkaswipe ko sa homescreen, tumambad agad sakina ng facebook profile ko.

Nanliit ang mata ko habang tinitignan siyang nag drive.

"Are you stalking me? On Facebook?"

Sumulyap siya at ngumisi na naman, "What's wrong with that?"

Umiling na lang ako.

Pagkakataon na para iview ko rin ang mga pictures niya. Nandoon na naman yung mga pictures na kinaiinisan ko noon. Yung naka dirty finger siya na may background ng Eiffel Tower. Meron pang ginagaya niya ang Christ the Redeemer ng Rio. May pictures na nag be-beerpong siya (na sa paligid niya ay mga babae).

"Troy, kung magkakagirlfriend ka, hindi ka na ba lalapit sa ibang babae?" Tanong ko.

Sumulyap siya...

Ilang sandali pa bago siya nagsalita, "Hindi pa nga tayo, hindi ko na kaya ulit lumapit sa iba... Paano na kaya pag talagang tayo na?"

Sinapak ko siya, "Bolero! Nung gabi sa Tribe Lounge, may humahalik sayong babae. Hinihimas mo pa yata ang hita nung babae. Tseh!" Umirap ako.

"Kainis ka eh. Paano kung hinihimas din ni Jayden yung hita mo sa panahong iyon? I wanna get even with you... with everything. That time."

"That's bad, Troy..." Umiling ako.

He's not really the good guy...

"I know... I'm bad. So bad. To want you this way... Na kahit may iba ka na, kaya ko paring makihati. Wala pa namang nagsasabi sayong mabuti akong tao, diba? I'm really bad... But I don't care." Lumunok siya. "I want you to want me the way I am... To love me the way I am..."

"Pero ayokong may iba kang kasama. Kung ako, Troy, dapat ako lang."

Matinding break ang tinamo ng sasakyan. Akala ko may nabangga kami pero hinarap niya ako. Seryoso ang mukha niya.

"I want that, too, Trisha. Kung ako ang gusto mo, ako lang dapat. Can you do that? Because I know I can... Damn! Kung ang kapalit ng faithfulness ko ay ang maging akin ka ng walang kahati, magpapatali agad ako sayo."

Kumabog ang dibdib ko. Naghuhuramentado ang buong sistema ko sa sinabi niya. Alam kong wrong move yung nasabi ko kanina pero hindi ko na napigilan... na carried away na ako sa usapan namin. This is really wrong. I need to talk to Jayden. Nasaan na ba siya? Sana bumalik na siya.

"Choose me, Trisha. Choose me over anyone. Damn! Damn!" Hinampas niya ang manibela at ginulo ang buhok niya. "You frustrate me so much! Damn!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top