Kabanata 27
Kabanata 27
Konting Oras
"TROY EZEKIEL S. SALAZAR! Anong ginagawa mo dito?" Sigaw ko sabay hampas sa salamin niya.
Binaba niya naman agad at pinark sa tapat ng bahay namin.
"Kainis ka! Wa'g mo nga kaming sundan ni Jayden!" Sabi ko.
"I just want to know what your up to. Is that wrong?" Tanong niya.
Suminghap ako at napa face-palm sa sinabi niya. Alam ko... Alam kong maaaring ginagawa niya ito para mabantayan ako kay Jayden. Pero nang dahil sa kanya, hindi ko nasabi kay Jayden ang mga gusto kong sabihin. Kailangan wala si Troy. Problema ko 'to. Problema namin 'to ni Jayden, dapat di siya kasali.
"It is! Troy naman-"
"Ipinakilala mo na siya sa mga kaibigan mo?" Lumabas siya sa sasakyan niya. "Bumawi ka sakin."
"Ha?" Nagkasalubong ang kilay ko.
"Pakainin mo ako sa bahay niyo. Hindi ako nakapag dinner ng maayos dahil sa pagiging PDA niyo, pakainin mo ako sa bahay niyo."
"What? Umuwi ka na nga lang!"
"Trisha naman. Konting oras lang ang hinihingi ko sayo, hindi mo pa maibigay-"
"May boyfriend ako, Troy! Anong ibibigay ko sayo?"
Napalunok siya at pumungay ang mga mata.
Damnit! Ginulo niya ang buhok niya... I can really see how frustrated he is right now.
"Kakain lang naman ako. Tapos uuwi rin, Trisha." Matabang niyang sinabi sakin.
Pinipiga na ang puso ko. Gusto ko siya. Mahal ko na talaga yata. Ewan ko pero mukhang hindi ko na nararamdaman si Jayden sa puso ko. Hindi ko lang masabi sa kanya kanina kasi natatakot akong manggulo si Troy samin. Next week, magiging busy siya. Kailan ko sasabihin sa kanya? Siguro after next week? Oo! Yun nga ang right time. Pero sa ngayong hindi pa kami nag b-break, hindi ko pa pwedeng sabihin kay Troy itong nararamdaman ko para sa kanya.
"Pasok ka sa loob!" Sabi ko at nagmartsa papasok sa bahay.
Nang pumasok ako, nawindang agad si manang kay Troy. Naghanda si manang ng pagkain para saming dalawa kahit paulit-ulit kong sinabing tapos na akong kumain at si Troy lang ang di pa nakakakain.
"Mom, nandito po si Troy. Nakikikain lang." Sabi ko sa cellphone ko. Kausap ko si mommy.
Natahimik siya...
"Kayo na ba?" Tanong niya.
"H-Hindi po! Kaibigan lang." Sabi ko.
"Hindi naman normal sayo ang magdala ng kaibigan sa bahay..."
"Mom... kaibigan lang talaga kami..."
"Nanliligaw ba siya sayo?"
Napasulyap ako kay Troy na kumakain na ngayon sa table namin.
Hindi ko alam kung anong tawag ko sa ginagawa niya. May boyfriend ako... Tapos nandyan siya. Am I two timing? Sumikip ang dibdib ko. Hindi ko inakalang ganito ang mangyayari. Parang panaginip at bangungot...
"Hindi po."
Buti at tinantanan din ako ni mommy sa mga tanong. Sinabi niya lang sakin na pauwiin ko na daw si Troy pagkatapos kumain para di siya gabihin. Yun ang ginawa ko pero ayaw niyang umuwi. Umupo lang siya sa sofa at nanood ng HBO.
"Troy." Hinagisan ko siya ng unan. "Umuwi ka na!"
"Hindi... Maya na... Konting oras lang naman, Trisha." He glared at me.
"Pinakain na naman kita diba."
Tumayo siya at tumabi sa akin.
"TROY!" Bago pa ako nakaalis sa sofang iyon ay humiga na siya sa lap ko.
"Please naman, ito lang naman!" Naiiritang sinabi niya. "I won't kiss you... I promise."
Kinabahan agad ako. Ramdam ko yung ulo niya sa legs ko. Kahit nakahiga lang siya at nakatingin sa TV, pakiramdam ko para kaming nag jo-jogging sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko.
I want to tell him, I love him, too. I love him so much. I'm falling for him. Hard. So hard. I can't stand anymore.
Naiiyak ako habang tinitignan ang mga mata niyang kumikislap dahil sa palabas sa TV. Nanonood siya pero hindi ako sigurado kung may naiintindihan ba siya sa pinapanood niya.
"Trisha..."
"Hmmm?"
Hindi siya tumitingin sakin. Nakatoon ang mga mata niya sa TV. Sinubukan kong kumalma... Kumalma ang katawan ko pero hindi ang puso. Sinuklay ko ang buhok niya gamit ang daliri ko... tulad nang ginawa nung babae kanina.
"I wonder how it feels to have you in public? To hold hands with you in public? To hug you or kiss you in public? Yung hindi mo ako kinakahiya-"
"Troy, hindi naman... hindi kita kinakahiya... Ikaw nga itong ayaw akong ipakita sa mga kaibigan mo dahil ikinakahiya mo ako, diba?"
"Nung una ayokong ipakilala ka... coz I thought you were temporary. Later on, ayaw kitang ipakilala dahil ayokong may makaagaw ng atensyon mo... coz you're now permanent for me."
Napalunok ako sa sinabi niya. Hindi ako nagsalita. Pag nagsalita pa ako, baka mabasag lang ang boses ko.
Ilang sandali kaming natahimik. Sinusuklay ko ang buhok niya at pinipigilan ang luha ko.
"Hindi mo naman talaga ako pwedeng maipakita sa public kasi ang alam nila, kayo ni Jayden." Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan ng mahigpit. "But I want to... I want everyone to know that I'm in love with you... And you're mine... But you're not... Not mine, alone."
DAMN SHET! Tumulo ang luha ko. Tumulo sa noo niya bago ko pa napunasan iyon. Saka siya bumaling sakin. Nang nakita niyang nagpupunas na ako ng luha, napaup siya at hinarap niya ako.
"Bakit mo pinapahirapan ang sarili mo? Bakit mo ako pinapahirapan?" Tanong niya at pinunasan ang mga luha ko.
It's not simple. Kailangan kong malaman kung totoo ba itong nararamdaman niya... Kailangan ko rin ng tyempo kay Jayden. Kung mag hiwalay man kami ni Jayden, hindi yun ang basehan ng pagiging kami ni Troy. I have questions... too many questions...
"Choose me, Trisha... Choose me..."
Napahikbi na ako sa iyak. Anong gagawin ko? Tatawagan ko na ba si Jayden? Makikipag hiwalay ako? Sa cellphone? OH NO! Not the right thing to do...
Hinawakan niya ang wrist ko. Hinayaan ko siya. Tinulungan ko pa nga siya eh. Pinulsuhan niya na naman ako. Kinuha niya ang isang kamay ko at nilagay sa dibdib niya.
Hindi ko maibigay yung isang kamay ko dahil umaapaw ang luha ko. Kailangan kong punasan.
Kaya hinila niya ang ulo ko. Hinila niya palapit sa dibdib niya.
"Pakinggan mo."
And I heard it! Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya. Para bang niyayakap niya ako ng nakaupo. I can hear his heart beating so fast, wild and loud.
"Troy, imposible 'to. You're a playboy... You've kissed so many lips... Made love to so many girls-"
"Have sex with women, Trisha. Not make love... Iba yun. Having sex with them is all about the body... Not the heart."
Nalaglag ang panga ko. Speechless.
"Pero ikaw, hinahalikan pa lang kita, nagwawala na ako. Hinahawakan pa lang kita, nanginginig na ako... Tinitignan pa lang kita, nasasaktan na ako... Iba ito. I know. And you know it, too."
Buong gabi na naman ako umiyak. Umuwi na si Troy nang tinawagan ako ni Jayden. Tinanong ko si Jayden kung free ba siya bukas, aniya'y busy daw siya kaya di kami magkikita.
Monday at Tuesday, busy din si Jayden. Sinabihan ko na ang driver namin na sunduin ako sa Le Marcelle. Hinahatid naman ako ni Jayden sa sasakyan namin. Sobrang gulo parin ng utak ko. Ang dami kong iniisip.
Kailangan ko ng hiwalayan si Jayden. Kailan?
"Kayo na ba ni Sir Jayden?" Tanong ni Sunny sa harap ng tatlo pang intern.
Napalunok ako.
"Trisha?"
"Uhm... O-Oo."
"WHAAAT?"
Pareho ang reaksyon nila kina Emma. Hindi sila makapaniwala. Umalis si Jayden patungong Singapore noong Tuesday ng gabi. Saturday pa daw yata ang dating niya. Hindi ko nagustuhan iyon. Maaantala ang pag uusap namin. Pero wala akong magagawa.
"Hindi mo ba ako ma mi-miss?" Tanong niya sa cellphone bago mag board sa eroplano.
"Uhmm. Mami-miss... Uhmm.. Bilisan mo... Uhm... May pag uusapan kasi tayo pag uwi mo."
Humalakhak siya, "Miss mo naman ako agad!"
My heart broke! Damn shet! Kung alam mo lang kung anong sasabihin ko.
"Hehe! Sige! Mag ingat ka sa byahe ah?" Sabi ko. Kinagat ko na lang ang labi ko para di ko na madagdagan.
"Yes. Ikaw din. Be a good girl. I love you."
Hindi ko kinaya. Pumikit ako...
"I love...you." At agad pinatay ang cellphone.
Papasok na sana ako sa sasakyan namin, Wednesday night nang bigla akong hinila ni Troy.
"Troy, ano?"
Nakangisi siya... That playful evil smile. "Kailan dating ng parents mo?" Tanong niya.
"Uhmm... Sa Friday. Bakit?"
"Sleep over? My place!"
Nalaglag ang panga ko. This is so wrong.
"Hindi ako pwede-"
"Nothing will happen, Trisha. Sa kabilang kwarto ako. I just want us to talk. Tatlong araw kitang pinagmamasdan lang sa malayo dahil kay Jayden. Pagbigyan mo ako!" Sabi niya.
Sumulyap ako sa driver na naghihintay.
My Gosh! This is so wrong!
Lumunok siya at tinignan akong mabuti. Para bang anytime may sasabihin akong ikakasakit ng damdamin niya. Ginulo niya ang buhok niya at kinagat ang labi...
"Fine. Iuuwi kita. I promise. Just be with me. Pahingi... ng konting oras." Lumunok ulit siya.
I can't believe this. Tumango ako ng dahan-dahan. Hindi ako makatingin sa kanya. Hiyang hiya na ako sa pinag gagawa naming dalawa. This temptation is too much.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top