Kabanata 26
Kabanata 26
Sinusundan Niya Kami
Natawagan ko na si mommy at daddy. Buti at hindi na nila ako pinaulanan ng maraming tanong. Late din ako sa lakad namin nina Emma. Inaantok pa kasi ako kanina. Patong-patong na ang eyebags ko sa kakaisip samin ni Troy.
May mga text si Jayden sakin...
Jayden:
Nasa school na ako. What u doin?
Jayden:
Diba may lakad ka?
Nireplyan ko na:
Yep. Papunta na ako kina Emma.
Nag reply siya agad:
Okay, you take care. I'm sorry I can't be with you. :(
Ako:
Okay lang. :) Unahin mo muna trabaho para makapag kita na tayo...
Nakarating ako sa mall at sa cafe na pinaghihintayan nina Emma sakin.
"Jusmiyo naman, Trisha! Ikaw na nga itong minsan lang namin mahagilap, ikaw pa itong late. Tapos na kaming mag lunch! Mag lunch ka na rin! Umorder ka na!" Salubong ni Emma sakin.
"Sorry na." Sabay hingal ko.
Hinead-to-foot nila ako.
"Tsk. Ibang-iba ka na talaga kung makapanamit ah? Ang bango mo pa! Nagsusuklay ka narin." Tumawa si Camille habang tinatapik yung upuang dapat kong upuan.
Ngumisi na lang ako at umupo.
Binigyan agad nila ako ng menu. Wala parin sina mommy at daddy. Next week pa ang uwi ng mga iyon kaya si manang lang yung naghahanda ng pagkain sa bahay. Ayoko namang kumain mag isa sa panahong ito kaya mabuti na rin na kasama ko sila.
Habang sinasabi ko sa waiter kung ano ang order ko, napalingon kaming lahat sa isang grupong nagtatawanan sa kabilang table. Ang dami nila. Parang mga bubuyog na nakapalibot sa beehive.
Lumingon kaming lima sa kanila.
"Ah... Grupo na naman nina Troy." Sabay inom ni Beatrice ng tubig.
Tumaas na parang giraffe ang leeg ko para tignan kung nandoon ba si Troy.
"Hmm. Kumusta na nga pala yung pag mamanipula mo sa kanya? Epektibo talaga, huh? Paano kaya pag nalaman niyang ganun ang ginawa mo?" Tanong ni Beatrice.
"Huh?" Wala pa ako sa sarili.
Mas lalo akong nawala sa sarili nang nakita kong nandoon nga si Troy sa gitna nila. Nakangisi siya at pinapalibutan na naman ng mga sosyalerang mga barkada niya. Sa magkabilang sides niya pa ay parehong babae.
Ibinaling ko na lang ang tingin ko kina Emma, Earl, Beatrice, at Camille na pare-parehong nakatingin na sakin. Uminit ang pisngi ko. Hindi ko alam kung bakit.
"Anong life changing ba ang sinasabi mo sakin, ha, Trisha?" Tanong ni Emma sakin.
Mas lalong naging attentive ang mga kulugong.
"Wala..." Bumuntong-hininga ako.
"Hindi ko tatanggapin yang 'wala' mo, Trisha! Hindi na nga tayo nag kikita, ito pa ang isasagot mo samin?" Umirap si Emma.
"Kasi... uhm... Hindi ko masabi. Magulo. Magulo ang utak ko." Sabi ko.
Dumating na yung order pero di parin nila ako tinantanan.
"Ano ba kasi iyan? Pa mysterious effect ka kasi..." Sabi ni Camille.
Pumikit ako habang umiinom ng tubig. Ilang kutsara pa lang ang nakakain ko, nawawalan na ako ng gana.
"Kami na ni Jayden." Sabi ko.
Nakakabinging katahimikan ang natamo ko sa kanila. Wala ni isang umimik... Ilang sandali pa ang nakalipas nang binasag ni Earl ang katahimikan.
"Jayden? The professor? You kidding me, Trisha?" Kinamot niya ang ulo niya.
"Di nga, Trish?" Tanong ni Beatrice.
Hinampas ni Camille at Emma ng sabay ang table. Napatingin nga ang ibang tao sa table namin. Nahihiyang lumingon ako kina Troy at nakita kong napatingin din sila samin. Binaling ko ulit kina Emma ang atensyon ko.
"Oo. No joke. Boyfriend ko na siya."
"PAANO? Nanligaw siya? What the hell happened? Ba't ang bilis?"
"OH MY GOD!"
"Tapos?!"
Inatake nila ako ng maraming umaatikabong tanong. Syempre, sinagot ko isa-isa. Hindi ko masabi sa kanila ang pinakamalaki kong problema: Si Troy.
Nagtilian at nanggigil sila sakin pagkatapos kong kinwento ang lahat.
"Kailan mo siya ihaharap samin?" Tanong ni Camille.
Si Emma naman ay nakikipaglampungan na kay Earl. Para bang na inspire siya masyado sa story namin ni Jayden kaya in the mood siya para sa labing-labing.
"Ewan ko. Busy pa siya sa ngayon." Napalunok ako.
Ni hindi ko nga alam kung maihaharap ko siya ngayong naguguluhan ako kay Troy.
"Bakit parang di ka Masaya?" Tanong ni Camille.
"Masaya naman yan! Anong gusto mo humandusay siya sa sahig sa kakiligan? Ibang Trisha na kaya yan!" Pinaglaban pa ako ni Beatrice.
Ngumisi na lang ako. Tamad ko silang nginisihan sa bawat panggigigil nila.
"Saan na tayo ngayon?" Sabay tingin ni Emma sa wrist watch niya.
Parehong nanggigigil at tumitili parin si Camille at Beatrice dahil sa sinabi ko. Kulang na lang ay pagbintangan nila akong manloloko dahil sa pasabog kong iyon.
"Nood na lang tayo ng sine!" Anyaya ni Earl. "Wa'g yung love story ah?" Dagdag niya.
At dahil busy naman si Camille at Beatrice sa pag uusap tungkol samin ni Jayden, pumayag kami ni Emma sa suggestion ni Earl.
Tumayo ako. Nanginig agad ang mata ko nang nakitang nakangiti si Troy dahil sa joke ng isa sa mga barkada niya... Nakangiti siya pero nakatingin sakin.
Napaubo ako at nag iwas ng tingin sa kanya. Lalagpasan pa namin sila bago kami makaalis sa cafe na ito kaya mas lalong nanginig ang nininerbyos kong mga paa. Para akong lumulutang sa ere.
"Saan kayo?" Dinig na dinig ko ang biglang sigaw ni Troy galing sa table nila.
Parehong napatingin sina Emma, Camille, at Beatrice sa kanila. Napatingin din ang mga barkada ni Troy samin. Para bang nagtataka sila.
Kinilig naman si Camille at Beatrice. Ang alam ko, may gusto yata sila sa isa sa mga barkada ni Troy. Either Nash or si Theo na nasa harapan ni Troy pero nakatingin samin.
Walang sumagot samin pero bumubulong si Camille na, "nood ng sine, sama kayo?" At humahalakhak.
Nakita ko ngang pumula ang pisngi niya at nagtago kay Beatrice. Umiling ako sa hiya.
"Tara na! Kabagot na dito!" Sabi ni Troy.
Siya ang naunang tumayo sa kanila. Pumasok kami sa mall at nabigla ako nang nakabuntot parin sila hanggang dito. Tama talaga ako sa hinala ko. Si Troy na talaga ang walking beehive. Kung saan siya pupunta, nandoon ang mga kaibigan niya. Para bang siya ang star sa kanila. Leader. Master. Hindi ko alam kung paano niya nakuha ang loob ng mga sosyalera, sosyalero, at mga conyong iyan. Wa'g ko na lang kayang alamin.
Naasiwa pa ako lalo nang nasa likuran namin sila habang nag papareserve ng seats sa sinehan. Windang ang mga nakakakita sa kanila. Parang mga artista silang gumagala sa mall. Alam kong di nila ito ginagawa kasi may nag reklamo na...
"Manonood ba talaga tayo ng sine? Wow! This is new!" Sabi nung isang model na laging nakabuntot kay Troy. (Inaway ako nito noon eh)
Kinikilig na bumibili ng popcorn si Camille at Beatrice.
"Dream come true! OMG! OMG!" Tili sila nang tili nang papasok na kami sa loob ng sinehan.
Nasa likuran parin namin sina Troy. Hindi ko alam kung nag fefeeling ba ako o tama talaga ang hinala ko... na sinasadya ito ni Troy. Sa likuran namin sila umupo. Is he stalking me?
Wait... Alam niyang wala si Jayden ngayon kaya niya ba ito ginagawa?
Tahimik naman sila nang nanonood kami ng movie. Minsan nga lang ay natatawa kami nina Emma kasi may weird comments si Troy at si Nash sa mga characters at mga nangyayari.
Natapos kami sa panonood ng sine nang mga alas syete ng gabi. Kumain na lang ulit kami sa isang fastfood na paborito ni Emma.
Talagang nananadya na si Troy dahil doon din sila pumasok.
Hindi ko na nakayanan, tinext ko na:
Troy, are you stalking me?
After 10 minutes pa siyang nag reply. Kasi naman, talak sila nang talak ng mga kasama niya, malamang di niya yun mababasa agad. Nakangisi pa siya doon sa mga babae. Mukhang nakakaaliw talaga yung pinag uusapan nila, ah?
Troy:
Just destiny, Trisha.
Umiling ako at lumingon ulit sa kanila. Nakita kong bumaling si Nash sakin. Ilang beses pa niya akong tinignan ulit bago nanlaki ang mga mata niya. Now you know... you remember. Itinuro niya pa ako habang nakaawang ang bibig niya at tinignan si Troy. Bumaling na agad ako kina Emma at huminga ng malalim.
Habang kumakain kami ng inorder namin, hindi parin mapawi ang usapan nila tungkol samin ni Jayden. At inspeaking of Jayden, nag text siya.
Jayden:
Where are you?
Nireplyan ko ng eksaktong location ko at kumain ulit. After fifteen minutes, nalaglag ang panga ni Emma, Camille, at Beatrice habang tumitingin sa likuran ko.
"Ano?" Bago ako makalingon ay tinakpan niya na ng palad ang mga mata ko.
"Guess who?" Si Jayden.
Ngumisi na kang ako at dahan-dahang kinalas ang pagkakatakip niya sa mga mata ko.
"Jayden! Ba't ka nandito? Akala ko busy ka?" Tanong ko.
Imbes na si Jayden ang tignan ko, napatingin ako sa table nina Troy. Nandoon siya... Nakamasid samin... Laglag ang panga at natutulala sa mukha ko. DAMN SHET! Nasasaktan ko na naman siya!
"Trisha! Hindi ka nagsisinungaling!" Sabi ni Camille.
Nagtawanan sila.
"Kayo na ba?" Bulgar siyang tinanong ni Emma.
"Oo..." Ngumisi si Jayden at pinulupot ang braso niya sa balikat ko.
DAMN SHET! How about Troy? Suminghap ako. Di ako mapakali. Hindi nila namamalayan ang reaksyon ko dahil pare-pareho silang nakikipag usap kay Jayden. Habang nakapulupot yung kamay ni Jayden sakin ay hinahalikan niya ang noo ko. Damn! How about TROY?
Lumingon ako sa table nila. Dahan-dahan. Nakita kong insensitive na nagtatawanan ang mga kaibigan niya. Siya naman ay tulala at nakatingin sa kawalan. Kitang-kita ko ang pagkuyom ng mga panga niya. Para bang galit siya. Ginulo niya ang buhok niya hanggang sa may nakapansin. Sinuklay nung babaeng kulot ang buhok ni Troy gamit ang mga daliri niya. DAMN! DAMN! SHET!
Umupo si Jayden sa tabi ko at nag order na rin ng pagkain.
*Text message*
Troy:
See you later.
Lumingon ako sa table nila at nakita kong nagmartsa na siya palabas. Iniwan niya ang mga kaibigan niya.
Tulala ako habang nag uusap si Jayden at mga kaibigan ko. Nang natapos na iyon ay niyaya ko na si Jayden na umuwi. Pumayag naman si Jayden kaya nagpunta na kami sa sasakyan niya.
"Swerte mo, girl!" Huling sinabi ni Emma sakin.
Kinumusta niya ako sa araw ko nang nag drive na kami pauwi.
"Okay lang. Tiring. Ikaw?"
"Tiring din. Pero kumpleto kasi nakita kita." Sabi niya.
Hindi ko alam kung saan ko iinsert yung mga hinaing ko.
"Trisha, next week kasi anniversary ng Lehman Bros. Magiging busy ako. At may day off kayong mga taga Le Marcelle pagdating ng Friday. Magpaparty sa pool side ang mga empleyado. Kasali kayo doon. Buong araw. Yun ang aasikasuhin ko this Monday. Baka nga magtungo pa ako ng Singapore eh." Sabi niya nang sumusulyap-sulyap paminsan sakin at sa kalsada.
"WHAT?" Nawindang ako sa sinabi niya.
"Yep. I think I won't be there till Friday. I'm sorry." Bumuntong hininga siya.
"It's okay..." Ngumiti ako. "I understand... Uhm, so anong gagawin sa Friday?" Tanong ko.
"Pool party sa Le Marcelle. Way of celebrating the stock holders anniversary." Ngumisi siya.
Habang nagsasalita siya ay nakikita ko naman ang sasakyan ni Troy sa side mirror ni Jayden. Damn! That guy! Sinundan niya pa talaga kami?
Niliko na ni Jayden ang sasakyan niya sa subdivision namin.
Nagmadali agad ako sa pagkakalas ng seatbelt.
"Uhm... Sige? Let's call this a night." Sabi ko.
Natataranta na ako. Baka lumiko si Troy at magkita pa sila ni Jayden.
"Hmmm. Okay! I'm beat. Sige..."
Linapit ni Jayden ang mukha niya sa mukha ko. Bahagya naman akong umatras. Buti hindi niya napansin. Tapos hinalikan niya ako. Tulad ng huli niyang halik, mas matagal ito. Hindi ko binuksan ang bibig ko gaya ng utos ni Troy sakin tuwing hinahalikan niya ako.
"Okay..." I cleared my throat. "Good night, Jayden."
"Good night! I love you..."
Lumabas ako ng sasakyan niya. Bago ko sinarado ang pintuan ay...
"I love you, too..."
Kumaway siya at umalis na. Umamba akong papasok sa bahay hanggang sa nakitang nawala na ang sasakyan niya. Ilang sandali ang nakalipas ay ang sasakyan naman ni Troy ang lumiko sa street namin.
Nagmartsa ako para salubungin siya. SINASABI KO NA NGA BA! Sinusundan niya talaga kami!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top