Kabanata 25

Kabanata 25

Hindi Ko Na Alam

Hindi ako makatulog. Hindi ko kayang matulog. Ang dami kong iniisip. Una sa lahat, si Troy. Totoo kaya yung sinabi niya? I have his heart. Does that mean, he's in love with me? And if he is, he's willing to share me... Pero hindi ko yun kaya. Dapat may piliin ako. Dapat nga pakawalan ko silang dalawa. I don't deserve them.

Napaiyak ako sa kama niya. It smells just like Troy.

Kung may pipiliin ako, sino? Paano si Jayden? Boyfriend ko na siya. Masyado ba akong nagmadali sa pagsagot sa kanya? At kung pipiliin ko si Troy magiging masaya ba ako kahit playboy siya? Magbabago kaya siya? Kailangan ko ba ng time para tignan kung magbabago nga ba siya? Kung hindi siya magbabago, hindi ko ba siya pipiliin? Pipiliin ko na ba si Jayden? There is no question there... Talagang si Jayden ang pinili ko kasi kami ngayon.

Kailangan ko pa ba ng time para mag isip? O pakawalan ko na lang si Jayden at magsisi kung mag loko si Troy? Kailangan ko bang maghintay na magbago siya bago ko hiwalayan si Jayden? No... I need to break up with Jayden. Kahit walang kasiguraduhan si Troy, wala akong pakealam. Kung uuwi man akong luhaan sa huli, at least I tried... Pero kailan? Hindi ko makikita si Jayden ng dalawang araw dahil busy siya sa school. Sa Lunes, siguro... DAMN! SHET!

Isang oras lang ang tulog ko. Half awake pa ako nun sa kakaisip ko sa kanilang dalawa.

Sumasakit ang dibdib ko sa tuwing naiisip kong pinaglalaruan ako ni Troy.

Kung si Jayden ang pipiliin ko, safe... magtatagal kami. I won't be unhappy with him. Gusto ko siya at gusto niya rin ako. Simple lang siguro ang buhay ko ngayon kung hindi ginugulo ni Troy ang utak ko. Pero kung ginugulo lang ni Troy ang utak ko, dapat hindi ko na maiisip na hiwalayan si Jayden. Mahal ko na ba si Troy?

Bumangon ako at inayos ang sarili sa salamin. Lumabas ako ng kwarto at nagpuntang kitchen. Agad kong nakita si Troy. Nakasandal siya sa upuan. Half naked parin. Tamad siyang nakaupo at tulala doon. Sa harap niya ay isang cup ng kape.

Nahagip ako ng mga mata niya.

Hindi ako makatingin sa kanya. He's all that sh1t! So drop dead hot and sexy kahit na mukhang nasasaktan.

"Good morning." Matabang niyang sinabi.

"Good morning, din." Hindi ako makatingin sa kanya.

"Parating na ang breakfast..."

"Okay. Tapos uuwi na ako, Troy."

"Ihahatid na kita."

Lumakas naman ang tibok ng puso ko.

Alam kong kino-consider ko na na hiwalayan si Jayden para kay Troy. Pero ayokong malaman niya yun. Sa oras na malaman ni Troy na iniisip ko yun, tingin ko mas lalong masasaktan si Jayden. Para bang pinagkaisahan namin siya ni Troy. Na alam namin ni Troy na may gusto kami sa isa't-isa, si Jayden na lang ang bulag. Gusto kong akin na lang ang katotohanang yun hanggang sa maging okay ang lahat... Malalaman din yan ni Troy... Not that he doesn't know anything about my feelings. He knew... He's the Master of Seduction, after all. Sa mga halik ko pa lang sa kanya, ramdam niya na yun. Yung pulso ko na lang ang hinintay niyang confirmation. And yes, he's right about that.

"Troy, hindi pwede-"

Napalunok siya bago ako pinutol, "I know! Please, hayaan mo na lang akong ihatid ka. Mauna ka na sa labas ng Le Marcelle... Mag hintay ka sa tapat. Susunod ako. With my car... Just wait for me... Kung ayaw mong may makakita satin."

Pinipiga na ang puso ko. Alam kong nasasaktan ko siya. Ayoko ng ganito. Gusto kong sabihin sa kanya na makikipaghiwalay din ako kay Jayden. Pero for Jayden's sake, pinigilan ko ang sarili ko.

Nilunok ko na lang ang salitang gusto kong sabihin.

"I think our breakfast is here..." Aniya.

Umalis siya sa harapan ko para sunduin kung sino man ang naghatid ng breakfast namin.

"Thank you!" Humalakhak siya.

Mukhang babaeng taga Le Marcelle ang nagdala nito. Narinig ko pang tumili siya. Umirap ako. I'm sure naglalandi na naman si Troy doon.

Hindi na ako nakinig. Pero nakasimangot na ako nang dumating si Troy na nakangisi.

Lintek na buhay! Nakakatunaw ang ngisi niya. Bahagya pang nanlaki ang mata ko nang nakita na siya ng tuluyan. Half naked nga pala siya. Klarong-klaro yung V-line at abs niya. Magulo pa ang buhok... Para bang kakagaling lang sa... mainit na... uhm... ganun?

Napawi ang ngiti niya nang nakita akong nakasimangot.

Lust lang ba itong nararamdaman ko sa kanya? Or there's more? Yan din ang dapat kong malaman sa sarili ko.

"Let's eat." Aniya at nilapag yung mga pagkaing nakalagay sa stroller.

Naaasiwa ako kasi nakabalandra lang yung katawan niya. Nakakapanghina. Part ba ito sa seduction na ginagawa niya?

"Okay..." Tinulungan ko siya.

Tahimik kaming kumain. Naalala kong may lakad pala kami nina Emma ngayon. Naalala ko ring kailangan kong tawagan si mommy at daddy... Naalala ko ring tatawagan din ako ni Jayden... o baka tinawagan niya na ako.

Kinuha ko ang cellphone ko sa dala-dalang purse... At nakitang kasalukuyang tumatawag si Jayden doon.

Napatingin ako sa kumakaing si Troy. Nakatingin din siya sakin.

I sighed then answered the call...

"Hello?"

"Hello, Good morning!" Maligayang bati ni Jayden.

"Good morning!"

Narinig ko ang pagsinghap ni Troy. Tumigil siya sa pagkain at uminom ng tubig.

"Anong gagawin mo today?" Tanong ni Jayden.

"Uhm... Makikipagkita ako sa mga kaibigan ko. Ang tagal ko na ring hindi sila nakita eh." Sabi ko.

"Gusto kong sumama. Sayang at busy ako... Haaay..."

"Uhm... Sayang..." Shet! Wala akong masabi...

"You okay?" Tanong niya.

I cleared my throat, "Oo. Kakagising ko lang kasi... Inaantok pa ako." Sabi ko at humalakhak ng konti para hindi na mahalata.

"Did you sleep well?"

"Yep!" Sabi ko. I lied... Lied... And lied...

Uminom ako ng tubig para makalma ang sarili.

"Did you dream of me?"

Halos maibuga ko sa mesa ang tubig na ininom ko. Napaubo tuloy ako...

"Hey? You okay, Trisha?"

"Wala... nabilaukan lang ako sa tubig..." Tumawa na naman ako.

Nakita kong umiling si Troy at humalukipkip. Para bang hinihintay niyang matapos ang pag uusap namin ni Jayden.

"Ganun ba? Hmmm... Are you sure you're fine?"

"Yes... Uhm... Anong gagawin mo today?" Tanong ko para change topic.

"Magmumukmok sa opisina. Ang dami kong naiwang trabaho. Mag oovertime siguro ako. Pati bukas... Pero tignan natin kung magkakatime ako bukas magkita tayo, okay ba yun sayo?"

"Uhm... Oo! Pero wa'g mong madaliin yung trabaho mo. Kaya ko naman maghintay hanggang Monday para magkita tayo eh."

Napasinghap na naman ang background ko. Nakasimangot si Troy at umiiling ulit.

"Hmmm. Okay... You take care alright? Eat your breakfast. I'll just text you pag nakarating na ako sa school."

"Okay... Ikaw din. Kumain ka na ba?"

Parang dragon na bumuntong-hininga si Troy. Talagang pinaparinig niya sakin ang mga disappointments niya.

"Kakain na. Sabay na tayo." Humalakhak si Jayden.

"Hehe. O sige na... Kumain ka ng marami..."

"Ikaw din... Sige... Bye... I love you..."

Nagkasalubong ang kilay ko at napatingin ako kay Troy, "I... I love you..." At pinutol ko agad ang linya.

Kinagat ni Troy ang labi niya at nag iwas ng tingin sakin.

"Pag oras ko, Trisha, dapat oras ko lang... Ayokong may katawagan ka o katext habang tayo ang magkasama. Minsan na nga lang kita nakakasama, hinahati mo pa. Alam kong pumayag akong may kahati ako..." Napalunok siya. "Pero hindi ako masaya dun. Hindi ako proud dun... Hindi ko gusto yun. Kung ako ang magpapasya, gusto ko akin ka lang, walang kahati, buong-buo. Pero dahil alam kong wala akong magagawa sa ngayon, kahit yan na lang ang hinihingi ko."

"Troy," Napapikit ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko. "Please, hayaan mo akong mag isip. Gulong gulo ang utak ko... Hayaan mo muna ako."

He clenched his jaw... At unti-unting tumango.

Tahimik ulit kaming kumain. I really couldn't believe it. Is he really damn in love with me? How? Playboy siya. Mas marami siyang kilalang mas maganda sakin. Hindi kaya nachachallenge lang siya sakin? Kasi mahirap akong kunin? Kasi kay Jayden ako? Kasi hindi ko siya gusto? Yun kaya?

OH MY GOD! Paano kung ganun?

Sumasakit na naman ang dibdib ko.

"Alis na ako..." Sabi ko at tumayo.

"No..." Tumayo din siya para pigilan ako.

"Troy, paano ko malalaman kung nagsasabi ka ng totoo? Niloloko mo ba ako? Sabihin mo nga sakin yung totoo kasi unti-unti na akong naniniwala ah? Hindi kita mapapatawad sa oras na tuluyan na akong naniwala sayo!"

"Hindi pa ba sapat na magpaparaya ako para sayo? Hindi pa ba yun totoo? Damn! Trisha, if I could stop this feeling, I would, but I couldn't!"

Namuo ang luha ko. Sobrang sikip ng dibdib ko. Nagbabara na ang lalamunan ko. Tumitigil na ako sa paghinga.

"You're a damn gift and a curse... Sarap mong mahalin pero masakit din at the same time. Akala mo ba madali yun?"

"How can you speak of love right now, Troy!? Nung nakilala kita sabi mo sakin love is for pussies-"

"Then I'm a pussy!" Sigaw niya.

Napapikit ako sa sigaw niya.

"Kung hindi ito LOVE sabihin mo sakin kung anong tawag nito kasi hindi ko alam... Sige... ikaw ang magpangalan sa nararamdaman ko... Kala mo ba madali yun para sakin? Madaling aminin sa sarili na nababaliw ako sa isang babae?"

"Hindi, Troy, na cha-challenge ka lang. Kasi mahirap akong kunin. Kasi may mahal akong iba... Kasi nakatali ako... Yung iba mong babae hindi... Gusto ka nila agad... Easy to get... walang challenge... Ako, hindi..."

"Tingin mo ba hindi ko pa nasusubukan ang mga nakatali na, Trisha? Think again! Kasi bago mo 'to inisip lahat kagabi, napag isipan ko na 'to ng ilang buwan. Hinding hindi ako susugal kung hindi ito totoo!"

Napatalon ako sa nang bigla siyang napunta sa side ko.

Sobrang kaba ko at hiningal sa irregular breaths ko.

Hinalikan niya na naman ako. Uminit ang pisngi ko nang naramdaman ang agresibo niyang halik. Kisses again.

"I'm so addicted to you, Trisha. Damnit! I'm just so addicted." Sabi niya bago inatake ang mga labi ko.

Muntik na akong nadapa dahil sa halik niya. Hinila niya ako palapit sa kanya... without breaking our kiss.

Inangat niya ako. Hinawakan niya ang magkabilang legs ko. Nakita kong nag flex yung biceps niya sa pag angat sakin. Nilagay ko ang braso ko sa leeg niya at ginulo ko ang buhok niya habang bumibigay sa mga halik niya.

I kissed him back.

Naglakad siya habang inaangat ko. Hindi ko alam kung saan kami papunta. I don't care. I want his kisses. Whatever this is... whatever happens... bahala na. Ang importante ay si Troy... Siya lang.

Naramdaman kong sa malamig na surface niya ako nilabag. Sa gilid ng mga mata ko, nakita kong katabi ko na ang sink. Damn! Its so hot! Yung kamay niyang galing sa legs ko ay unti-unti niya na namang pinagapang sa loob ng dress ko.

Tinulak ko siya. I want to kiss him but I couldn't take it to the next level. Nang bumitiw siya sa halikan namin, nabigo na naman ako. Para bang ayaw ko at gusto ko at the same time. Si Jayden! Wait! I still need to think about this! Definitely, no!

Nakita kong napaawang ang bibig niya habang nakatingin sa mga labi ko. Hinihingal na naman siya.

Hinawakan niya ang wrist ko.

Pareho kaming hinihingal. Nagkatitigan kami habang pinupulsuhan niya ako.

"It was not a dream..." Umiling siya at ngumisi.

Inisip niyang panaginip lang yung kagabi?

"Feel it, Trisha." Kinuha niya ang kamay ko at nilagay sa matigas niyang dibdib.

Damn! He's just so hot and sexy... Tingin ko lust lang tong nararamdaman ko sa kanya. Pero nasasaktan ako pag may kasama siyang iba. Nasasaktan ako pag iniisip kong wala siya. Mahal na ba ito? Nagmamahal na ba ako?

Kasabay ng pagramdam ko sa mabilis na pumipintig niyang puso ay ang pagdinig ko sa sarili kong naghuhuramentadong puso. Mabilis iyon at malakas. Para bang alam niya kung kanino siya tumitibok. Kasi sa ngayon, hinahawakan ko na ang dibdib niya. Sobrang bilis ng pintig nito. Para bang nag kaka jogging niya lang.

"Hindi lang yan tuwing hinahalikan kita. All the time, yan, Trisha... Now tell me, how to call it. You're the genius when it comes to love, right? Tell me, Trisha. How do we call this?"

Damn! I think we're both really in love with each other. But I don't wanna rush it. Ayokong magkamali. Kung mabilis yung samin ni Jayden, gusto kong unti-untiin itong kay Troy. Ayoko  nang magkamali pa ulit.

"Troy!" Napabuntong-hininga ako. "I want to think about it... Umuwi na muna tayo, please... It's dangerous when I'm with you."

"I know..." Bulong niya sa tainga ko.

Diniin niya ang sarili niya sakin at hinalikan ang tainga ko.

Damn sh1t! Hindi ko alam na may mas grabeng bagay pa dito sa mundo... Maninisay na ako sa kabaliwan.

"Let's go... I can wait fot it, Trisha. Kaya kong may kahati sa ngayon. But please know that I won't settle for anything like that. Magiging akin ka rin ng buong-buo... walang kahati... Just don't hurt me too much. Kung may intimate kang sasabihin o gagawin sa kanya..." Pumikit siya at umatras ng konti sakin. "S-Siguraduhin mong di ko alam. Na di ko nakikita. Kasi di ko kaya."

Napalunok ako sa sinabi niya. Tumulo na ang luha ko. Umiiyak ako dahil hindi ko na alam ang gagawin ko. Umiiyak ako kasi mahal ko na yata siya at di ko kayang nakikita siyang nasasaktan ng ganito.

"Come here..." Naglahad siya ng kamay.

Nilagay ko ang kamay ko sa kamay niya.

"Iuuwi na kita sa inyo. Itetext kita palagi... Maghihintay ako kung kailan tayo pwedeng magkita ulit... Wa'g mo akong paghintayin ng matagal dahil nafu-frustrate ako tuwing ganun." Inayos niya ang damit ko. "Wa'g kang umiyak." Pinunasan niya ang luha ko. "I couldn't even quit on you."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top